Posts

Showing posts from April, 2011

Breakeven (Book1 Part5)

_________________________________ Breakeven (Book1 Part5) by: Migs D i parin maituloy ni Edison ang kaniyang sasabihin, nakayuko parin ito, pero malakas na ang aking hinala na aamin na siya sa tunay na nararamdaman niya sakin. “ Matagal na akong in love sa... sa...” di paman natutuloy ni Edison ang sasabihn ay napatayo na ako at sinisimulan na ang magtatalon sa tuwa nang... “ Matagal na akong inlove sa sarili ko.” tapos nito sa kaniyang gustong sabihin. “ Weeetwitwitwit.” sabi ng nakakaloko kong utak, habang ako ay napatigil sa isang di nararapat na selebrasyon. There, I was caught in between jumping and shouting “Hooray!” Tinignan ko si Edison at halatang pinipigilan nito ang kaniyang pagtawa. “ Sabi ko nga.” sabi ko habang binabawi ang composure at muli akong umupo, nadako ang aking tingin sa kabilang lamesa at nakita na matawatawa narin ang mga ito. “ Ano ba kasing iniisip mo?” humahagikgik na sabi ni Edison. “ Wala...

Chasing Pavements 3

____________________________ Chasing Pavements 3 by: Migs N ang marinig ko pa lang ang boses ni Edward ay parang kukumbulsyunin na ako kanina. At may mga bagay lang talagang di na dapat balikan. Sabi nanaman ng utak ko habang nagmamaneho palabas ng village, di ko kinaya kahit mapalapit lamang sa presensya ni Edward, ibinabalik niya lahat ng sakit na matagal ko ng kinalimutan. Di ko maintindihan yung sarili ko, para akong isinilid sa isang malaking kahon na kung saan kulang ang supply ng oxygen kaya naman sumakit ang ulo ko at ang dibdib ko, di ko na nakayanan. Bigla kong itinabi ang sasakyan sa gilid ng highway ng makalabas ako ng village na siya namang ikinagalit ng sasakyan sa likod ko. “ USE YOUR DAMN SIGNAL!” sigaw ng driver nito ng makatapat ito sa bintana ko. Yumuko ako at ipinikit ang aking mga mata. “ Migs, andito ka na pala.” “ Ah eh, Oo, kaninang hapon lang.” kinakabahan kong sabi kay Edward habang naharap dito. Ngin...

Breakeven (Book1 Part4)

_______________________________ Breakeven (Book1 Part4) by: Migs P umunta kami ni Ram sa pinkamalapit na table at duon na namin kinain ang shawarma na inorder namin, di parin ako tinitigilan ng aking isip tungkol sa gagawin kong plano kaya naman tahimik ko lang na kinakain ang shawarma. “ Himala, ngayon ka lang di nangungulit.” pangaalaska sakin ni Ram. Binigyan ko lang ito ng isang ngiti. “ Ang totoo niyan may gusto akong sabihin sayo, Ram.” sabi ko sabay yuko. “ Ano yun?” tanong ni Ram habang nilalantakan na ang kaniyang pangatlong shawarma. Di ko alam kung sasabihin ko ba sa kaniya ang tungkol sa article o hindi, pero naalala ko ang sinabi ng aking boss sa telepono kanikanina lang, di ko kayang mawala ang aking pangarap. Tinitigan ko ulit si Ram, napakatakaw parin nito at wala parin pakielam kahit na may tumulong sauce sa kaniyang damit o kaya naman ay may mumo na dumikit sa gilid ng kaniyang bibig. “ Ang totoo niyan ka...