Against All Odds 3[27]
DISCLAIMER:
The following is a work of fiction. Any similarities to any written
works and any person, living or dead are purely coincidental. The
story is intended for a mature audience. It may contain profanity and
references to gay sex. If this offends you, please leave and find
something more suitable to read. The author maintains all rights to
the story. Do not copy or use without written permission. Email the
author at miguisalvador@yahoo.com
for comments, suggestions and violent reactions in pertaining to this
blog and the stories that comes along with it.
Dahan-dahang
inangat ni Jase ang kaniyang tingin mula sa maliit na papel na inabot
sa kaniyang ng towing service. Hindi siya makapaniwala na mabilis na
pumapangit ang kaniyang araw, gusto niyang bayuutin ang papel at
itapon ito sa nakangising mukha ng lalaking nag-tow ng kaniyang
sasakyan pero hindi niya ito ginawa dahil alam niyang lalo lamang
siyang mahihirapan at maha-hassle sa gagawin niyang iyon.
“Pasensya na, boss. Ginagawa ko
lang ang trabaho ko.” tila nangiinis pang saad ng lalaki pero mas
minabuti na lang ni Jase na talikuran ito.
“Mukha mo.” bulong ni Jase
nang makasigurong malayo layo na siya sa lalaki. Tinignan niya ang
ticket at napabuntong hininga nang makita niyang hindi niya makukuwa
ang kaniyang sasakyan sa araw ding iyon.
“Ngayon pa kung kailan ang dami
kong dala.” umiiling ulit na saad ni Jase sa kaniyang sarili, inis
na inis siyang naglakad papunta sa kaniyang napiling transportasyon
para makauwi.
000ooo000
Nagbuntong hininga si Rob nang
makalabas siya sa building ng isang kumpaniya na sinubukan niyang
apply-an. Muli ay bigo nanaman siya, sa kabila nito ay hindi naman
nasiraan ng loob si Rob tulad noong unang beses na nawalan siya ng
trabaho. Sa pagkakataon kasing iyon ay may closure, naging totoo siya
kay Ian wala siyang itinatago, hindi man naging maganda ang kanilang
paghihiwalay ay at least hindi naman ito naging mapanira para sa
kaniyang pagkatao katulad noong nangyari sa kanila noon ni Ace.
Wala sa sarili siyang napaupo sa
isang bakanteng upuan sa loob ng tren na iyon. Gusto pa sana niyang
dumaan sa ibang kumpaniya upang maghanap ng trabaho pero masyado na
siyang pagod. Dahan dahan niyang ipinikit ang kaniyang mga mata at
isinandal ang kaniyang ulo.
“Haist!” saad naman ng isang
lalaki na tumabi sa kaniyang kaliwa. Itinuon ni Rob ang kaniyang
pansin sa lalaking iyon at nanlaki ang kaniyang mga mata.
Nasa kaniya ngayon tabi ang
lalaking pinakahuli na niyang inaasahan na makita. Agad na idinarecho
ni Rob ang kaniyang tingin at nagpatay malisya na lang. Binalak niya
din na dahan dahang tumayo at lumakad palayo sa lalaking iyon upang
tuluyan na siyang makaiwas dito pero bigla itong nagsalita. Mabilis
na kinabahan si Rob, iniisip na siya ang kinakausap nito.
“Stupid boxes!” singhal nito
na siyang nagtulak kay Rob na maisip na kinakausap nito ang kaniyang
sarili. Pasimple itong tinapunan ni Rob tingin at nakita niya ang
dalawang malaking kahon na punong puno ng papel.
“Stupid enforcers for towing my
car!” singhal ulit nito, sunod tuloy na itinuon ni Rob ang kaniyang
tingin sa maamo nitong mukha. Kita niya ang pagod sa mukha nito,
pawis na pawis narin ito at nababalot ng inis ang gwapo nitong mukha.
Hindi mapigilan ni Rob ang
mapangiti. Naalala niya kasi nung una silang nagkakilala ni Jase,
hindi niya mapigilang maalala kung gaano ito kabugnutin, kung gaano
ito kabilis mainis dulot ng mga maliliit na bagay.
“And what the hell am I going to
do with these boxes?!” inis nanaman na saad ni Jase habang
tinitignan ng masama ang mga kahon na kaniyang kandong kandong. Wala
sa sariling hayagan na niyang tinitignan si Jase.
Nakakunot ang noo ni Jase na tila
ba aburidong aburido na sa dala dalang mga kahon.
“Stupid Ian for giving me the
hard copy instead of the soft ones.” umiiling na saad ni Jase at
saka wala sa sariling ibinagsak ang kaniyang mga balikat na tila ba
sumusuko na sa laban. Sumandal na ito sa pader ng tren at ipinikit
nadin ang mga mata.
Malaya na ngayong tinitigan ni
Rob si Jase. Hindi siya nagsisisi na pinili niya si Ian kesa si Jase,
alam niyang hindi niya kailanman maiaalis sa kaniyang sistema ang
takot na baka maulit ang nangyari noon na pagiwan nito sa kaniya at
tama din ang kaniyang naging desisyon na huwag masyadong umasa sa
pansin na ibinibigay sa kaniya ni Ian dahil alam niyang malaki ang
posibilidad na hindi ganun kalalim ang pagtingin nito sa kaniya.
“Pero
pano kung nauunahan ka lang ng takot, Rob? Pano kung si Jase naman
talaga ang para sayo?” tanong
ng makulit na isip ni Rob. Agad siyang umiling upang agad na mabura
sa kaniyang isip ang mga bagay na iyon.
Asa ganitong pagiisip si Rob nang
biglang tumunog ng malakas ang tiyan ni Jase. Hindi mapigilan ni Rob
ang mapahagikgik ng tahimik.
“Arrrgghhh.” mahina pero inis
na inis na saad ni Jase saka dumukot sa isa sa mga kahon na kaniyang
dala at naglabas ng isang shawarma pita. Agad na nangunot ang noo ni
Rob at hindi mapigilang mapangiti at mapailing ulit nang makita kung
ano ang inilabas na iyon ni Jase mula sa isa sa mga kahon.
“Oh shit!” halos pasigaw
nitong naibulalas nang bayolenteng prumeno ang tren at tumapon kay
Rob ang laman ng isa sa mga kahon na dala nito.
“Oh shit, I'm so sorry--- Rob?!”
saad nito nang makilala ang kaniyang katabi.
Hindi alam ni Rob ang kaniyang
gagawin kaya naman tila ba normal at wala silang alitan ni Jase at
tinulungan na lang niya ito sa pagpulot ng ilang papel na tumapon
galing sa kahon. Nang malikom na nila ang mga nakawalang papel ay
agad na iniwas ni Rob ang kaniyang tingin mula kay Jase at itinuon
ang kaniyang pansin sa kaniyang telepono.
“Lowbatt?” nakangising bati ni
Jase sabay kagat sa kaniyang kinakain na shawarma. Alam na alam ni
Jase na ginagawa lang na palusot ni Rob ang telepono para hindi sila
magkausap o kaya para makaligtas sa “awkward moments”. Wala sa
sariling napairap si Rob.
“Hi?”
“So where have you been?”
nagaalangang tanong ni Jase kay Rob. Akmang nagkibit balikat si Rob.
“Looking for a job---”
simulang sagot ni Rob pero agad siyang napatigil sa pagsasalita nang
biglang maglabas ng isa pang shawarma si Jase at sapilitan itong
inabot kay Rob.
“I'm not hungry---”
“It's your favorite---”
nakangiting saad ni Jase na nakapagpangiti din kay Rob. Wala sa
sarili nang inabot ni Rob ang pagkain at binuksan ito. Tahimik itong
kinain habang iniisip na kung siguro ay ganito rin sila muling
nagkita ni Jase matapos siya nitong iwan noon ay baka naging mas
maayos ang lahat.
““Thank you.”” sabay
nilang saad na nakapagpangiti ulit sa kanilang dalawa.
““For what?”” sabay ulit
nilang tanong na nakapagpahagikgik sa dalawa.
“For the food--- Thanks sa food.
Di parin nagbabago ah, masarap padin. Sinong gumawa, si tita?”
kaswal na tanong ni Rob habang inuubos ang masarap na shawarma.
Napangiti saglit si Jase at umiling.
“Actually one of our chefs made
it. I relaunched Gustav's.” namumulang pisngi na saad ni Jase na
nakapagpangiti muli kay Rob.
“Nice!” masayang saad ni Rob
para kay Jase na nagpakawala lang ulit ng isang magandang ngiti.
“Syempre kailangan kong bayaran
yung inutangan ko dati.” humahagikgik na saad ni Jase habang si Rob
naman ay napatawa nadin.
“Makita ko lang na successful
ang Gustav's masaya na ako.” nakangiting saad ni Rob sabay namula
ang pisngi.
“Actually maliit na place lang
yung binili ko sa gitna ng business district. Mostly ang target
market ko ay yng mga on the go lagi na mga yuppies, yung mga walang
time gumawa ng breakfast at lunch nila.” wala sa sariling kwento ni
Jase, tila ba tulad parin ng dati kung saan nagtatanong at kumukuwa
parin siya ng approval kay Rob patungkol sa pagpapalakad ng business.
Muling nagpakawala ng isang
malaking ngiti si Rob habang si Jase naman ay napayuko at namula ang
pisngi sa hiya. Hindi maikakaila ni Rob na nakakaramdam siya ng
kasiyahan para kay Jase. Malaki na ang pinagbago nito at alam niyang
tulad ng business nila ni Ian dati sa US ay magiging successful muli
ang Gustav's.
“Ikaw---I mean kamusta ka?”
tanong ni Jase.
Sasagot na sana si Rob nang
biglang i-announce ang susunod na stasyon na titigilan ng tren na
sinasakyan nila ngayon.
“That's my stop.” tila ba
nanghihinayang na saad ni Rob na siyang nakapagpabura din sa ngiti ni
Jase.
Gusto ni Jase ang kanilang
paguusap na iyon. Oo at kaswal lang ang paguusap nilang iyon pero mas
gusto niya iyon kesa yung nagaangilan silang dalawa, nagpapataasan ng
ihi o kaya nagbubulyawan. Mga klase ng pakikipagusapan na tangi
nilang ginawa habang nasa puder sila ng kumpaniya ni Ian.
Tumayo na si Rob at tinignan muli
si Jase. Hindi maikakaila ni Rob na mabilis na nagbago ang tingin sa
mukha ni Jase. Bumalik ang tila ba stressed na stressed na itsura
nito tulad noong bago pa nito malaman na siya ang katabi nito, tila
ba binalot din ng lungkot ang mukha nito.
“Una na ako, Jase. See you later
and Goodluck sa Gustav's.” nakangiting paalam ni Rob. Nagpakawala
din ng ngiti si Jase pero hindi na ito kasing ganda at kasing laki ng
ngiti tulad ng ngiti na pinakakawalan nito kanina habang magkausap
sila.
“Thanks! Ingat ka lagi.” hindi
na masaya tulad ng kanina ang pagkakasabi nito ni Jase pero hindi na
ito pinansin pa ni Rob. Tumango na lang siya at tumalikod na at
naglakad papalapit sa pinto. Habang nagiintay siya na bumukas ang
pinto ay hindi naiwasan ang sarili na mapasulyap kay Jase.
Nakayuko ito na tila ba gustong
kabisaduhin ang itsura ng dalawang kahon sa kaniyag kandungan.
Nakakunot ang noo nito at tila ba maluluha na. Hindi mapigilan ni Rob
ang makaramdam din ng lungkot.
“We
can still be friends right? I mean, napatawad ko naman na siya. Wala
naman sigurong masama sa pakikipagkaibigan sa kaniya diba?” tanong
ni Rob sa kaniyang sarili pero hindi tulad kanina ay walang makulit
na isip na sumagot sa kaniya.
Hindi mapigilan ni Jase ang
mainis ulit sa sarili niya. Gusto niyang habulin si Rob pero alam
niyang hindi niya pwedeng ipagsiksikan ang sarili dito lalo na kung
ayaw na siya nitong makita o kaya makasama lagi. Oo, maaaring naging
maganda ang paguusap nilang iyon kahit pa sa maiksing panahon lang
pero hindi niya masabi kung dahil lang ba iyon sa likas na pagiging
mabait ni Rob o dahil gusto siya talaga nitong makausap.
Muli niyang isinandal ang
kaniyang ulo sa pader ng tren at ipinikit ang kaniyang mga mata.
Naramdaman niya na may umupo na sa upuan na binakante ni Rob at hindi
na niya ito pinansin. Kung ano ano pa ang pumasok sa kaniyang isip,
lahat ng mga maling desisyon na kaniyang ginawa, lahat ng masasakit
na salita na kaniyang pinakawalan.
Nanliliit muli si Jase.
Pakiramdam niya ay wala siyang ginawang tama buong buhay niya.
Nagpakawala siya ng isang malalim na hininga. Pinilit niyang
mablangko ang kaniyang isip at kahit papano ay makapgrelax habang
malayo pa ang stasyon na kaniyang bababaan, kinukundisyon niya ang
kaniyang sariling isip na makapagrelax nang bigla muling prumeno ng
malakas ang tren na kanilang sinasakyan.
“Shit!” saad ni Jase nang
maramdaman niya na dumulas sa kaniyang mga kamay ang isa sa mga kahon
na hawak niya.
“Stupid Ian---!” singhal ni
Jase habang pinupulot ang mga nahulog na mga papel nang bigla siyang
matigilan.
“Rob?”
“Bakit ba kasi puro hard copy
ang hiningi mo?” nangingiting tanong ni Rob habang tinutulungan si
Jase na pulutin muli ang mga nahulog na papel.
“I—I thought you---”
“Nah. Tinatamad pa ako umuwi eh.
Kanina nga nagiisip pa ako na maglibot libot pa at mag-apply sa kung
saan pwedeng mag-apply eh kaso inunahan naman ako ng pagod.” kaswal
ulit na sagot ni Rob na maski siya ay ikinagulat niya din. Bago pa
siya lumapit muli at tumabi kay Jase ay paulit ulit pa niyang
diniktahan ang sarili na kumalma at maging kaswal lang, hindi niya
inaasahan na magiging madali lang pala na makipagusap kay Jase ng
kaswal, na hindi na niya pala kailangan diktahan ang sarili.
“Hindi
ka naman talaga kahit kailan nahirapan kausapin si Jase eh. Kahit pa
sobra ka ng nasasaktan, sobra kang malungkot o galit na galit ka.”
singit nanaman ng makulit na
isip ni Rob na aminin man niya o hindi ay may punto din.
“Hmmm---” simula ni Jase sabay
tinignan ng mariin si Rob matapos nilang mailagay ulit sa mga kahon
ang mga papel na kumawala kanina.
“Yang mga 'hmmm' na yan yung mga
simula ng sentence na iniiwasan ko eh.” pagbibiro ni Rob na
ikinahagikgik din ni Jase.
“Sabi mo kasi naghahanap ka ng
trabaho diba?” tanong ni Jase. Natigilan saglit si Rob.
“I need someone to man the
cashier---”
“look, Jase---” simulang
pagtanggi ni Rob pero agad muling sumingit si Jase.
“---but you have to remember
that I'm relaunching Gustav's from scratch. Di pa binabalik ni Ian
yung hiniram niya sakin for his company so we're basically starting
from nothing kaya I can't offer malaking sahod and baka mag multi
tasking muna tayo---” simula ni Jase, hindi na narinig ni Rob ang
mga sumunod na sinabi ni Jase dahil bigla niyang na-realize na hindi
siya gustong kuwanin ni Jase para magtrabaho sa kaniya dahil lang
gusto siya nito kundi dahil gusto lang talaga siya nitong matulungan.
“---tapos baka maglinis kadin
before closing kaya ayun nahihiya ako na i-offer sayo yung job---
tapos”
“Jase” tawag pansin ni Rob
pero nalulunod na si Jase ng sobrang hiya kaya hindi siya nito
narinig nung unang beses.
“---yung mga---”
“Jase! I'll do it.”
nakangiting saad ni Rob na kumuwa ng pansin ni Jase. Natigilan siya
saglit at hindi na niya pinaglaban pa ang mga nakakahiyang gawain na
pwedeng gawin ni Rob habang nagtratrabaho sa kaniya nang makita niya
ang magandang ngiti na iyon ni Rob.
“Lord.
Yang smile lang na yan, OK na sakin. Sana huwag mo ng ipagkait sakin
yan, Lord.” dasal ni Jase sa
sarili.
After
2 years
“Gusto ko kayong batukan
dalawa.” mataray na saad ni Cha kay Jase habang abala ito sa
pagaayos ng mga orders.
Dalawang taon na ang nakalipas
nang simulan ulit ni Jase ang Gustav's kasama si Rob na naging
malaking tulong kaya patok na patok ngayon ang kainan na iyon. Sa
loob ng dalawang taon na iyon ay nagkasya na lang ang dalawa sa
pagiging magkaibigan, tulad nung araw na nagkasabay sila sa tren at
nagkakwentuhan. Laging walang oras at naka-focus sa business ang
kanilang dahilan kapag may nagtatanong na malapit sa kanila kung
meron na ba silang kasintahan pero hindi rin naman nagtagal ay
tumigil nadin ang pagtatanong ng mga malapit nilang kaibigan lalo na
ang ina ni Jase tungkol sa kanilang “love life” dahil kitang kita
rin naman nila kung paano tignan ng palihim ng dalawa ang bawat isa.
Si Cha lang talaga ang tanging makulit.
“Cha, not now. We're busy.”
umiiling na saad ni Jase habang paikot ikot sa likod ng counter,
sinisiguro na walang nagiging problema.
“This place is always full,
Jase. Kailan mo-- niyo bibigyan 'to ng time kapag pareho ng lalaw ang
mga itlog niyo at hindi na kayo tinitigasan dahil sa sobrang tanda?!”
singhal ni Cha na nakapagpatigil sa ilang customers na kumakain
malapit sa kanila.
“Cha! Damn it! Keep your voice
down!” natatawang saway ni Jase kay Cha.
“Eh kailan nga kayo makikinig
sakin?!” singhal ni Cha na kumuwa nadin ng pansin ni Rob na nasa
counter malapit sa entrance ng kainan.
“Ano bang pinaguusapan niyo?
Naeeskandalo yung mga customers oh.” nangingiting saad ni Rob,
hindi man niya alam ang pinaguusapan ng dalawa pero natatawa siya
habang pinapanood ang mga ito, si Cha mukhang isang bubuyog na
lumilipad sa ulunan ni Jase habang si Jase naman ay tila ba
pinapaypayan gamit ng sariling kamay ang bubuyog na si Cha.
“Eh kasi naman tumatanda kayong
dalawa na paurong! Kung titigan niyo ang isa't isa pag hindi
nakatingin yung isa daig pa nanghuhubad tapos kapag na-late yung isa
ng dating concerned na concerned, kapag nakitang may kalandian na
customer yung isa inis na inis yung isa eh bakit hindi niyo na lang
kasi aminin sa isa't isa na---” hindi pa natatapos ni Cha ang
kaniyang litanya ng biglang hatakin ni Jase si Rob at siniil ito ng
halik.
Nagpalakpakan ang mga tauhan nila
Jase pati narin ang mga parokyano ng kainan na iyon sa kanilang
napapanood na tagpo. Una ay nakalapat lang ang mga labi ni Jase kay
Rob na gulat na gulat paring nakatingin kay Jase na nakapikit na at
todo bigay na sa halik na ginagawad sa kaniya kaya naman hindi
nagtagal ay dahan dahan nading pumikit ang kaniyang mga mata at
nagrelax ang kaniyang katawan at sumandal sa matipuno ding katawan ni
Jase. Hindi nagtagal at pinaandar ni Jase ang kaniyang dila sa
malalambot na labi ni Rob na tila ba nagtatanong kung maaari nitong
buksan ang kaniyang bibig na hindi naman ipinagdamot ni Rob. Hindi
nagtagal ang simpleng pagdadampi ng labi ng dalawa ay nauwi sa isang
mainit na halikan na ikikasiya ng lahay.
“OK my job here is done!”
masayang saad ni Cha na may pagpalakpak pa.
May ilang minuto pa ang lumipas
matapos makaalis ni Cha nung maghiwalay ang dalawa mula sa maalab na
halikan na iyon. Hinahabol pa ni Rob ang kaniyang hininga at
tinitigan ng mariin si Jase na mabilis na iniwas ang kaniyang tingin.
Agad na binalot ng inis si Rob at binigyan ng isang mabigat na suntok
si Jase sa kanang panga.
“Asshole!” singhal ni Rob,
hindi napigilan ng ibang nakasaksi ang kanilang gulat at pinanoog ang
nanggagalaiti na si Rob na nagwalk out. Hindi nagtagal ay mabalis
ding tumayo si Jase mula sa pagkakasalampak sa sahig matapos ang
malakas na suntok na ibinigay sa kaniya ni Rob at hinabol ito.
“Rob wait!” sigaw ni Jase.
Agad na humarap si Rob at susuntukin pa sana ulit si Jase mabuti na
lang ay nakailag ito.
“You only kissed me to shut her
up didn't you?!” puno ng galit at inis na tanong ni Rob kay Jase na
agad naintindihan ang ikinagagalit ni Rob.
“Rob, I'm sorry—-” simula ni
Jase, huli na nang maisip niya na mali ang sinabi niyang iyon bilang
panimula ng sentence dahil naisip ni Rob na tama ang kaniyang hinala
na ginamit lang siya ni Jase para tigilan na siya ni Cha sa
pangungulit dito.
“Pagkatapos ng lahat ng
nangyari--- naisip ko padin na--- shet! Ang tanga ko lang talaga!”
singhal na saad ni Rob sa sarili habang nagpapaikot ikot sa parking
lot ng Gustav's tila ba hindi alam kung san pupunta. Natigilan si
Jase sa sinabi na ito ni Rob. Na-realize niya, base sa sinabi na ito
ni Rob na umaasa din ito at nasaktan ito nang bigla niya itong
halikan para lang tigilan sila ni Cha.
“Yes. I kissed you to shut her
up---” simulang pagamin ni Jase na tila ba lalong ikinaulol ni Rob.
“Tanga tanga ko talaga! Umasa ka
pa kasi!” naluluha ng saad ni Rob dahil sa sobrang inis sa sarili.
“But I wanted to kiss you
everyday. Kahit walang Cha na namemeste sakin. I meant to kiss you
every single day.” pabulong na saad ni Jase habang nakatingin kay
Rob, sinusubukan na matitigan ang mga magandang mata nito.
“I want to kiss you sa tuwing
pumapasok ka ng restaurant at bumabati ka sakin ng good morning with
that sexy smile of yours. I want to kiss you every time I watch you
balance those numbers on your columnar logbook. I want to kiss every
time someone looks at you like you're some food to be eaten para lang
maiparating sa kanila na akin ka at akin ka lang. Kaya yung kanina, I
might have made that kiss an excuse so that Cha would leave me alone
but that kiss was a long overdue need---want to kiss you.” tuloy
tuloy na saad ni Jase habang lumalapit kay Rob na tumigil na sa
kakaikot at pinakinggan si Jase.
“C-can I kiss you right now just
to prove my point?” nakangiting tanong ni Jase na talaga namang
tumanggal sa lakas sa mga tuhod ni Rob. Hindi na inintay pa ni Jase
ang sagot ni Rob dahil mabilis niyang iniyakap ang sarili sa katawan
nito at maalab muli itong hinalikan.
-wakas-
Against
All Odds
3[27]
By:Migs
GRABE! ANG GANDA! Kakaiba to sa mga nakaraan mo nang naisulat. Ang gaan-gaan sa feeling ng ending niya. Na tipong kapag nabasa mo na yung salitang "wakas" mapapasabi ka na lang ng "Hayy, ang sarap magmahal."
ReplyDeleteIto talaga yung kumumpleto sa araw ko. Napagaan niya yung mabigat kong araw. Ang sarap ng pakiramdam na ito yung naging day ender ko. Na matutulog akong magaan ang pakiramdam dahil sa AAO3 at gigising na excited mabasa yung mga susunod mo pang mga kwento.
THANK YOU SA PAGSHISHARE MO NG TALENT MO KUYA MIGS
ADVANCE MERRY CHRISTMAS!
Waaaaaa! Wakas na pala! Nagandahan ako dahil medyo light itong story mo Migs. And pak to the hugot lines.... Thanks for another good story. Keep making stories kahit alam naming busy ka. -Allen
ReplyDeleteHehehe ang ganda ng ending.. wow ilan years yun bago naging official? 7 ata? Hehe sana magtagal din kami heheh.. tnx migs
ReplyDeleteWaaa! Tapos na ������ Nice ending, happy ending ������������
ReplyDeleteIvan D.
Thank you for a happy ending. Looking forward for the next story. Very good writer! So talented!
ReplyDeleteMacky
Aawww it ends. I'm so happy for the two although Alan ko naman na sila magkakatuluyan dahil sa AAO2/he he ang husay na pagkasulat; magaan sa feeling at nag-iiwan ng ngiti sa labi. *saludo ako*
ReplyDeleteCongrats Sir MIGs for a job greatly done.
Yours,
~maharett
ang ganda ng ending pero in expect ko na andito sa last part si Dan at Ryan
ReplyDeletehaha anyway tnx sa goodwork kuya migs
im looking forward sa next story mo.
sana may Taking Chances Book 2 na rin..
Great job again!
ReplyDelete-Four Eyes
AMAZING!
ReplyDeleteYOU ARE STILL THE BEST KUYA MIGS. Ang galing mo kumunek sa emotion ng readers. Sana ay hindi ka tumigil sa pagsusulat. Lagi lang kami nandito para suportahan ang mga gawa mo. Salamat kuya migs.
Haay ang sarap magmahal.
--ANDY
yiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiieee oh my god...
ReplyDeleteteam IAN pa naman ako but oh well..alam ko naman na kay jase at rob talaga to ehh..thank you so much kuya migs.. i swear stories mo lang ang fiction na binabasa ko..i dont know why pero kilig na kilig ako..nakakainis.
thank you so much...you have no idea how much stress ang natatanggal mo saroller coaster f emotions na binibigay mo sakin.. it might not be much but daghang salamat kaayo kuya migs..
Good job Migoy!! Ang ganda ng ending. Babasahin ko siya ulit mula sa umpisa para masaya. ツ
ReplyDeleteHinding hindi ako magsasawa talaga basahin lahat ng gawa mo. Grabe it felt rushed towards the end pero nagawan mo ng paraan to diffuse it tapos naging smooth na siya ulit and very light, which is good. Grabeeeeeeeeeeeeeee! It's official, YOU ARE MY FAVORITE na talaga. No halong joke. I've been a fan ever since nasa high school pa ko. Keep it up Migs! ❤
ReplyDeleteJust know na iwanan ka man ng lahat, andito pa rin kaming mga avid readers mo, kahit ilang taon pa lumipas, babalikan at babasahin ko parin ng paulit ulit lahat ng gawa mo. Taga mo yan sa stone!