Against All Odds 3[26]
DISCLAIMER:
The following is a work of fiction. Any similarities to any written
works and any person, living or dead are purely coincidental. The
story is intended for a mature audience. It may contain profanity and
references to gay sex. If this offends you, please leave and find
something more suitable to read. The author maintains all rights to
the story. Do not copy or use without written permission. Email the
author at miguisalvador@yahoo.com
for comments, suggestions and violent reactions in pertaining to this
blog and the stories that comes along with it.
Dahan-dahang
iminulat ni Jase ang kaniyang mga mata at hindi mapigilang mapangiti
habang naguunat. Iyon na ang pinakamasarap na tulog niya matapos ang
ilang buwan. Hindi niya mapigilang maramdaman ang pagiging kumpleto
muli ng kaniyang buhay, bagay na matagal na niyang hindi nararamdaman
simula pa noong mawala sa buhay niya si Aaron. Hindi niya lubos
maisip na muli siyang ngingiti matapos magising na tila ba excited
siya na salubungin ang araw na iyon.
“Thank you.” bulong na dasal
ni Jase.
Muli siyang naginat at doon niya
lang napansin na wala sa kaniyang tabi si Rob. Agad siyang
napabalikwas at napabuntong hininga siya nang makita niyang asa may
dining area sa hotel room nilang iyon si Rob, nakatalikod ito sa
kaniya kaya naman alam niyang hindi nito alam na gising na siya.
“Good morning.” bati ni Jase
dito pero hindi ito sumagot.
Dahan-dahang bumangon si Jase at
lumapit sa kinaroroonan ni Rob nang makaharap na niya ito ay mabilis
na napalitan ng lungkot ang kanina lang ay napakasayang gising na
iyon ni Jase. Akala niya matapos ang gabi na pinagsaluhan nilang
dalawa ni Rob ay magiging malinaw na dito na mahal niya ito pero kung
titignan niya muli ang luhaang mukha ni Rob ay maaaring kulang pa nga
ang gabing pinagsaluhan nilang dalawa.
“Rob what's---” tanong ni Jase
sabay aabutin sana niya ang pisngi ni Rob upang pahiran ang mga
luhang tumutulo galing dito nang iiwas ng huli ang kaniyang mukha.
“I-I--- You were drunk. We did
it because you were just drunk. No strings attached. No feelings
involved, right?” lumuluha parin na tanong ni Rob kay Jase na miya
mo naman tinadyakan ng kabayo sa dibdib sa sakit na naramdaman
matapos ang pagtatanong na iyon ni Rob.
“Rob--”
“I-I mean. Tulad lang nung dati
ito diba? Nung bigla kang nawala matapos nating--- matapos kong
sabihin sayo kung gano ka kaimportante? Ganun lang din 'to diba?
Lasing ka lang kagabi kaya may nangyari satin diba? Wala ka naman
talagang nararamdaman sakin, si Ian naman talaga ang mahal mo diba?
Siya ang gusto mo?” hayagan ng umiiyak na tanong ni Rob kay Jase na
lalong naguluhan.
“Rob, what are you saying?!”
medyo napalakas na tanong ni Jase kay Rob sabay hawak sa magkabila
nitong balikat. Agad na tumayo si Rob at umiwas sa mga hawak na iyon
ni Jase.
“You were jealous of me when I
was getting close with Ian. You want him for yourself. You're still
in love with him kaya ayaw mo akong nakakasama siya maglunch, kaya ka
galit na galit sakin nung isang araw nung makita mo kami sa loob ng
elevator, kaya mo ako laging sinasama sa mga out of town trips mo
kasi ayaw mo akong iwan kasama si Ian. ” saad ni Rob sabay tingin
sa labas ng bintana. Gusto na niyang linawin ang lahat kay Jase para
kapag bumalik na sila sa opisina sa Maynila ay pwede na nilang
sabihin na wala lang talaga ang nangyari sa kanila kagabi. Saglit na
natigilan si Jase at inisip maigi ang sinasabi ni Rob at nang
ma-realize niya kung ano ang sinasabi nito ay agad niyang itinama ang
lahat.
“Yun ba ang akala mo, Rob? I was
jealous, yes. Pero kay Ian ako nagseselos. I want you, not him. I'm
still in love with you. Not him. I was never in love with him. Ayaw
ko kayong magkasama kasi nakikita ko na you're starting to fall in
love with him--- Rob. I love you.” pagpapaliwanag ni Jase sabay
lapit kay Rob at niyakap ito mula sa likod.
Binalot ng katahimikan ang buong
kwarto. Hindi sumagot si Rob at nagpatuloy lang sa pagiisip ng
malalim habang nakatanaw parin sa labas ng bintana at nang matapos
magisip ng malalim ay dahan dahan siyang kumawala sa mahigpit na
yakap na iyon ni Jase.
“That's what you said the last
time after we had sex—-” nakangiting simula ni Rob. Pero ang
ngiting iyon ay hindi natural na ngiti ni Rob ayon sa pagkakakilala
ni Jase. Sa katunayan ang ngiting ipinamalas na iyon ni Rob ay lalong
nagdulot ng kirot sa dibdib ni Jase.
Nagdulot ng pagaalangan at takot.
“---I believed you that time.
I'm not so sure I believe you this time.”
“Rob---” simulang pagmamakaawa
ni Jase.
“Enough.” malakas na saad ni
Rob sabay napapikit.
“You have no idea how my world
fell apart right after you said you love me that night. If all that
hurt--- all that pain is what you call love for me then I don't want
it.” buong pagmamatigas na saad ni Rob na unti-unting pumapatay kay
Jase.
“Rob, please.” pagmamakaawa
ulit ni Jase sabay mabilis na lumapit kay Rob at niyakap ito.
Sinubukan ni Rob na itulak palayo si Jase pero nanghihina na siya
dahil sa sakit din ng nararamdaman.
“I
needed you. I was embarrassed. My dignity was stripped off of me.
Everything was taken from me and when I thought I can run into you
and hug you and feel whole again even if everybody is against me,
just when I thought that I still have you--- you--- you left. Without
any explanation---” hayagan na muling umiiyak si Rob habang yakap
parin ni Jase. Ngayon, habang inilalabas na lahat ni Rob ang kaniyang
nararamdaman ay unti-unti nang lumuluwag ang yakap ni Jase dahil
ramdam na ramdam na niya ngayon ang sakit na kinimkim ni Rob sa loob
ng ilang taon.
“I
guess I didn't really have
you back then. That is why it's really hard for me to believe you
right now.” pagtatapos ni Rob sabay kumawala sa yakap ni Jase.
Pinahiran nito ang kaniyang mga luha at lumapit na sa kaniyang mga
bagahe.
“I brought a ticket home. I'm
going to pretend last night didn't happen just like you pretended
that night when you first said you love me didn't happen. I'm going
to move on with my life now just like I did back then. You should do
the same. I'm going to tell Ian everything that happened between Ace
and I and everything that happened between you and I para hindi ka na
mag-effort. If Ian still accepted me and still wants to have a
relationship with me, please do me a favor and leave us alone. You
owe me that much. you---you owe---” naiiyak uli na simula ni Rob
habang nakatingin ng daretso kay Jase na hindi parin makapaniwala na
pupwede pa pala siyang masaktan ng ganun, higit pa sa sakit na
naramdaman niya noong namatay si Aaron.
“---you owe me that much. And if
Ian decided that he doesn't want to do anything with me because of my
past then so be it. I'll live with it.” pagtatapos ni Rob sabay
lakad palayo.
Nagawa na lang gumalaw ni Jase
nang marinig niyang lumapat ang pinto sa hamba nito pero wala parin
siyang lakas kaya wala sa sarili siyang napaupo at duon sa sahig
umiyak at pinakawalan ang sakit at sobrang lungkot na nararamdaman.
000ooo000
Gumaang ang loob ni Rob pagkaupo
na pagkaupo niya sa nakatalagang upuan para sa kaniya sa loob ng
eroplano na iyon pauwi ng Pinas. Gumaang ang kaniyang loob dahil sa
wakas makalipas ng matagal na panahon ay nailabas na niya ang mga
bagay na matagal na niyang kinikimkim pero sa kabila ng pag gaang ng
kaniyang loob na iyon ay muli nanaman siyang nakaramdam ng malaking
kakulangan sa kaniyang buhay. Muli nanaman niyang naramdaman na may
mali sa kaniyang buhay. Inisip niya na marahil ito ay dahil lang sa
muli nilang hindi pagkakapalagayan ng loob ni Jase.
“Wala
na naman bago sa hindi namin pagkakasundo. I'm sure mawawala din ito
pag natambakan nanaman ako ng trabaho sa opisina.” bulong
ni Rob sa sarili sabay nagkibit balikat.
Itinuon
niya ang kaniyang pansin sa labas ng bintana pero imbis na ang tagpo
sa labas ng bintana ang kaniyang mapanood ay pilit sumisiksik sa
kaniyang isip ang pagtatalo nila ni Jase bago niya ito iwan sa hotel
na kanilang tinigilan. Muling nagbadya ang mga luha ni Rob sa pagtulo
kaya naman mas minabuti na lang niyang ipikit ang kaniyang mga mata
at sinubukang matulog.
Hindi nga nagtagal at nakatulog
na nga si Rob pero sa kaniyang pananaginip ay ang mga tagpo parin na
kanilang pinagsaluhan ni Jase ang tumatakbo.
000ooo000
Napakunot ang noo ni Rob. Tahimik
ang buong floor ng kanilang opisina na iyon na karaniwang napupuno ng
masasayang kwentuhan at tawanan habang nagtra-trabaho, pakiramdam
niya din ay nasa kaniya ang mata ng bawat tao na nandun pero sa
tuwing lilingunin niya naman ang mga ito ay agad umiiwas ang mga ito
ng tingin.
“R-Rob, ang aga mo naman
nakabalik?” bati sa kaniya ni Star, sa kabila ng nakangiting bati
sa kaniya na iyon ni Star ay pansin parin ni Rob na may mali.
“What's wrong? Why is it so
quiet here?” tanong ni Rob sabay lingon lingon ulit pero tulad
kanina ay wala ni isa ang matapang na sinalubong ang kaniyang tingin
na iyon.
“Who died?” pagbibiro ni Rob
at nagpakawala naman ng isang kinakabahang tawa si Star.
“I think mas maganda kung umuwi
ka na lang muna ngayon, Rob. Magpalamig ka na lang muna sa bahay---”
simula ni Star at agad natigilan at kinakabahang tinignan si Rob na
napakunot agad ang noo. “I-I mean, i'm sure pagod ka pa galing
Hongkong, diba? Uwi ka na lang muna at magpahinga---” pero hindi pa
man natatapos ni Star ang kaniyang sinasabi ay agad nagsalita si Rob.
“Star, I need to work. I-I have
so many things going on right now na tanging work lang ang
makakapagpalimot sakin.” seryosong saad ni Rob na bumura sa
nagaalangang ngiti na iyon ni Star. Sasagot na sana si Star nang
biglang narinig ni Rob ang pagtawag sa kaniya ni Ian.
“Rob, kausapin kita saglit sa
office.” malamig na saad nito sabay talikod, ni hindi na nasulyapan
pa ni Rob ang gwapong mukha ni Ian sa bilis nang pagtalikod nito.
“Shit.” bulong ni Star na kung
hindi lang sana abala si Rob sa pagtatakang pagsunod ng tingin kay
Ian ay baka napansin niya.
“Excuse me.” wala sa sariling
saad ni Rob kay Star na hindi na sumagot at malungkot na lang na
bumalik sa kaniyang work station.
000ooo000
Naabutan ni Rob na nakatingin sa
labas ng malaking bintana sa loob ng opisinang iyon si Ian. Tila
malalim ang iniisip. Hindi siya nito hinarap maski inilapat na ni Rob
ang pinto ng opisina nito. Matagal na binalot ng katahimikan ang
buong opisina, bagay na hindi nakasanayan ni Rob. Sa tuwing papasok
kasi siya sa opisina na iyon ay lagi siyang sinasalubong ng malaking
ngiti ni Ian at masasayang kwento nito.
“The trip to Hongkong was
successful” “When are you going to tell me about what happened
between you and your old employer?”
Sabay na saad ng dalawa.
Unti-unting nawala ang ngiti sa mukha ni Rob matapos niyang ibulalas
ang akala niya ay magandang balita para sa kaniyang boss. Dahan-dahan
siyang napasandal sa nakalapat na pintuan, tila kasi nawala ang
kakayahan ng kaniyang mga paa na tumayo mag-isa.
“Wala akong pakielam sa nangyari
sa Hongkong! I want to know kung anong nangyari sayo sa dati mong
trabaho at kung sino si Ace?!”
Di kaagad nakasagot si Rob. Hindi
nya alam kung dahil ba sa tindi ng panlalambot o dahil sa sobrang
kahihiyan sa nangyari sa kaniya noon sa dating pinagtratrabahuhan.
Minasama naman ito ni Ian na pakiramdam ay niloko siya ni Rob.
“Bakit ka nagsinungaling?”
bintang ni Ian kay Rob na siyang nagtulak naman dito na ipatanggol
ang sarili.
“I was going to tell you, Ian.
Pero masyadong masakit yung nangyari sakin. Masyadong nakakahiya---”
simula ni Rob pero tila ba hindi ito kinagat ni Ian dahil tila ba
hindi ito nakikinig na lumapit sa kaniyang laptop at may pinaandar na
video. Ang video ng nangyaring kahihiyan noon sa kumpaniya nila ni
Ace. Ang video na nagpapakita kung pano sa kaniya itinuon ni Ace
lahat ng sisi.
“Ikaw ba talaga ang nasaktan o
ikaw ang nanakit? Sinira mo yung pamilya nung tao. Sinira mo ang
kabuhayan niya.” bintang uli ni Ian kaya naman hindi na nakatiis si
Rob, hindi na pinansin ang video na siyang nagpapaalala sa kaniya sa
kahihiyan at sakit na naranasan noon.
“Kung yan ang gusto mong
paniwalaan edi sige. Para ano pang tinatanong mo ako kung ano ang
nangyari kung may pinaniniwalaan ka na pala?” malungkot na saad ni
Rob.
Hayagan
ng tumulo ang mga luha. Masyado ng maraming nangyari sa araw na iyon
na talaga namang sumagad na sa kaniyang pasensya. Tumalikod si Ian at
humarap ulit sa bintana. Tumango na lang siya at tahimik na tinanggap
sa sarili na hindi na siya kailangan doon, na hindi na siya kailangan
pa ni Ian. Tumalikod na rin siya at akmang lalabas na ng opisina pero
pakiramdam niya parin na kailangan niyang depensahan ang kaniyang
sarili, kung hindi parin siya paniwalaan ni Ian matapos ang kaniyang
mga ikukwento dito ay iniisip niya na at least ay sinubukan niyang
depensahan ang sarili, hindi kagaya noon na tinanggap lang niya ng
tinanggap lahat ng masasakit na salita na ipinukol sa kaniya at
panghuhusga na ibinato sa kaniya.
“We were best friends. I fell in
love with him. I thought--- no--- I'm sure that he feels the same
way, simula noon ambisyoso na si Ace, simula noon maingat siya at
lahat ng ginagawa niya ay para sa kaniyang ikatatagumpay. When his
business--- when our business is starting to pick up he then realized
that ang kulang na lang sa kaniya ay family for people to say na
accomplished na siya at such a young age so he got married, I was put
aside but then he would always say that I'm the one he loves and that
his wife is only for show.” umiiling na saad ni Rob habang
nakatalikod parin kay Ian. “but then even I can't fool myself lalo
na nung dumating na yung mga anak niya. I started avoiding him. I
started dating other people pero I would always end up in his arms
whether sa maliit na pantry ng office or sa sasakyan dahil
nagpapadala ako sa kahinaan ko. every time, during those short sex
escapades I feel loved, I feel wanted. I feel important. I started
seeing someone.” napangiti si Rob nang maalala niya kung pano sila
nagkakilala ni Jase at kung pano sila nagkamabutihan pero agad nabura
iyon nang maalala niya kung ano ang nangyari matapos nilang ilahad
ang kanilang mga nararamdaman para sa isa't isa.
“I was broken hearted and is
desperate to love someone at ganun din siya. Everything is going
great. I finally moved on from Ace--- and then that stupid sex video
came out and the whole world judged me for loving someone who I just
thought shares the same sentiment tapos when I thought everything
will be OK---well let's just say that he's no better that Ace.”
sarkastikong habol ni Rob. Binuksan ni Rob ang pinto ng opisina ni
Ian pero agad muling napatigil nang may maalala siya.
“Oo nga pala sir, baka kasi
sabihin mo nagsinungaling ulit ako. That someone who I thought I can
be with after all that fiasco with Ace was no other than Jase. I'm
sorry kung hindi ko din sinabi sayo. I wanted to work with this
company kaya tiniis ko lahat ng sakit na naramdaman ko when I saw him
that morning. I thought that suffering will be worth it---” naiiyak
ulit na simula ni Rob at napatingin kay Ian. Sinalubong na ni Ian ang
kaniyang tingin.
“---Mali pala ako.” pagtatapos
ni Rob sabay naglakad palabas ng building na iyon.
000ooo000
Halos takbuhin ni Jase ang buong
airport at ang daan patungo sa apartment na tinutuluyan ni Rob. Gusto
niyang maabutan si Rob upang sana ay humingi ng tawad dito. Napagisip
isip niya habang naiwan siyang magisa sa hotel na hindi niya kayang
mawala si Rob muli sa kaniyang buhay. Kung tatanggapin siya nito
bilang kaibigan ay ayos lang sa kaniya, kahit pa bilang isang
acquaintance lang ay walang problema sa kaniya basta madalas niya
parin ito nakikita.
Napapikit siya at pinigilang
tumulo ang kaniyang luha. Alam niyang masasaktan siya sa ganoong set
up pero titiisin niyang lahat ng iyon wag lang muling mawala sa
kaniyang buhay si Rob. Ilang beses siyang kumatok sa pinto ng
tinutuluyang apartment ni Rob pero walang sumasagot. Napasandal siya
sa pinto at dahan dahang dumausdos paupo. Napapagod na siya at hindi
na makapagisip ng maayos.
Huminga siya ng malalim at
pinakalma ang sarili. Sa kaniyang pagkalma na iyon ay saka lang
pumasok sa kaniyang isip kung saan maaaring andun si Rob. Mabilis
siyang tumayo, kinalimutan ang pagod na sinisigaw ng kaniyang buong
katawan.
000ooo000
Tahimik ang buong building.
Malayong malayo sa nakasanayan ni Jase na ospisina na puno ng usapan,
ngiti at paminsan minsang tawanan, pero hindi na niya iyon masyadong
pinagtuunan pa ng pansin at mabilis na lang niyang tinungo ang lamesa
ni Rob kung saan iniisip niyang andun ito, nilulunod ang sarili sa
sobrang trabaho pero agad siyang napatigil sa paglalakad kahit ilang
metro pa ang layo niya sa lamesang nakatalaga kay Rob.
“Where is he?” pabulong na
tanong ni Jase sa sarili, wala mang nakarinig sa kaniyang tanong na
iyon at wala man siyang nakuha na kahit na anong sagot ay mabilis na
tumalikod si Jase at tinungo ang opisina ni Ian.
Nagulat si Ian nang biglang
bumukas ang pinto ng kaniyang opisina at nang iniluwa nito ang galit
na galit na si Jase. Pagkatapos ng gulat ay nakaramdam ng konting
kirot si Ian. Pinanood niya kung paano mabilis na tinawid ni Jase ang
espasyo sa pagitan nilang dalawa at ni hindi na siya nakaramdam ng
gulat o kaya takot nang kwelyuhan siya nito at pandilatan ng mga
mata.
“Where--” simula ni Jase pero
agad ding nagsalita si Ian.
“Mahal mo siya kaya di mo ako
magawang mahalin noon, tama ba?” mahinahong tanong ni Ian kay Jase
na akmang nagulat din at wala sa sariling naluwagan ang pagkakahawak
sa kwelyo ni Ian hanggang sa tuluyan na lang niya itong binitawan at
napaupo.
Saglit na binalot ng katahimikan
ang dalawa
“He lied to us, Jase. He's a---
he's a scammer---” simula ni Ian. Rinig na rinig ni Jase ang sakit
sa sinabing ito ni Ian na tila ba hindi rin siya kumbinsido na kaya
iyong gawin ni Rob sa kaniya. Agad na umiling si Jase at muling
binalot siya ng galit.
“Sinabi iyon ni Ace sa buong
company kasi ayaw niyang masira ang pangalan niya, ang pamilya niya
saka ang kumpaniya niya. Sinisi lang niya si Rob. It was Ace who kept
on asking Rob fro sex. Ginamit niya si Rob.” pangdedepensa ni Jase
kay Rob, ang totoo niyan ay narinig na ito ni Ian sa bibig mismo ni
Rob gusto niya lang na manggaling ito sa bibig ng ibang tao para
makumpirma na tama ang kaniyang pagkakakilala kay Rob, na hindi ito
masamang tao.
“Why didn't he defended
himself?” ang naibulalas ni Ian. Isang tanong na siyang bumabagabag
sa kaniya matapos ikwento sa kaniya ni Rob ang nangyari sa pagitan
nila ni Ace may ilang oras lang ang nakakaraan.
“Di ko din alam---b-because I
was not there---” natigilan si Jase saglit. Tila ba sumikip ang
kaniyang daluyan ng hangin. “I was not with him when it happened.”
pagamin ni Jase sa sarili at kay Ian tungkol sa pagabandona niya kay
Rob sa panahong kailangang kailangan siya nito.
Saglit muli silang binalot ng
katahimikan.
“I wish sinabi na niya ito lahat
sakin noon--- yung tungkol sa nangyari noon sa pinapasukan niya noon
saka yung tungkol sainyo. hindi sana nangyari ito ngayon.” simula
ni Ian, nagsisisi sa kaniyang mga sinabi kay Rob may ilang oras lang
ang nakakaraan.
“He wanted to, Ian---”
“---and I believe you.”
marahang saad ni Ian. “---look. You can ask him to come back.
Everything will be OK.”
“He doesn't want anything to do
with me now. Nilinaw niya yun while we were at the hotel. I went
after him to apologize akala ko maaabutan ko siya dito. It would've
been OK kung sasabihin niya na hanggang kaibigan lang kami or kahit
pa as acquaintances, boss-employee tatanggapin ko wag lang siya
mawala ulit sa buhay ko---” simula ni Jase at sa hindi maipaliwanag
na pagkakataon ay hindi niya magawang tapusin ang kaniyang sinasabi
na iyon na siyang gumulo kay Ian, pinanood ni Ian ang bagsak balikat
na pagtayo ni Jase mula sa kinatatayuan nito at naglakad palabas ng
opisina, hindi parin maintindihan ang ibig sabihin ng nauna.
“Wait, Jase--- I- I don't
understand.” habol ni Ian bago pa man makalabas si Jase ng kaniyang
opisina.
“I told him I love him and I was
begging him to come back to me. He doesn't want anything to do with
me because he's afraid that I'll just leave him again right after he
accepts me back--- He came home early from Hong Kong to tell you
everything. He said that he's going to give what you have to offer a
chance and if what he's going to tell you will change what you think
of him then he'll accept it---” saad ni Jase, nakatalikod parin
siya kay Ian kaya naman hindi niya kita ang pinaghalong sakit at
gulat sa mukha nito matapos ang lahat ng kaniyang sinabi na iyon.
“He chose you, Ian but I guess
the rumor mill got to you first before he could say anything to you.
I'm not blaming you for pushing him away but Ian, you could've let
him explain his side first rather than judging him--- that is just
what he's afraid of and now everything is done.”
Tila kinapos ng hininga si Ian sa sinabing ito ni Jase.
Itutuloy...
Against
All Odds
3[26]
By:Migs
Comments
Post a Comment