Against All Odds 3[25]

DISCLAIMER: The following is a work of fiction. Any similarities to any written works and any person, living or dead are purely coincidental. The story is intended for a mature audience. It may contain profanity and references to gay sex. If this offends you, please leave and find something more suitable to read. The author maintains all rights to the story. Do not copy or use without written permission. Email the author at miguisalvador@yahoo.com for comments, suggestions and violent reactions in pertaining to this blog and the stories that comes along with it.


Tumutulo pa ang damit ni Rob at nagsisimula na siyang lamigin nang makarating siya sa kaniyang tinutuluyang apartment. Nagpakawala siya ng isang malalim na buntong hininga, hindi parin makalimutan na muntik nanaman niyang sagut-sagutin ang kaniyang boss at muntik nanaman niyang ilagay sa alanganin ang kaniyang magandang trabaho ngayon, hindi niya lang talaga napigilan ang nararamdaman at kagustuhang sumaya kaya nai-isang tabi nanaman niya ang iba pang importanteng bagay tulad ng kaniyang trabaho.

Unti unti na niyang hinubad ang kaniyang mga basang damit at pupunta na sana sa banyo upang maligo nang biglang tumunog ang kaniyang telepono. Nagdalawang isip siya na sagutin ito dahil pangalan ni Jase ang nagfla-flash sa screen nito. Nagbuntong hininga ulit si Rob at sinagot ito.


Hindi pa man nakakapag 'hello' si Rob ay agad ng nagsalita si Jase.


Ihanda mo yung passport mo. We're going to Hongkong tomorrow. 8 am sharp sa office.”


Muli hindi pa nakakapagsalita si Rob ay bigla ng namatay ang linya na muling ikinabuntong hininga ni Rob. Sabay pasok sa banyo at bumabad sa ilalim ng shower, umaasa na mawala ang alaala ng gabing iyon at dalhin ng tubig mula sa shower.

000ooo000

Muli, ay tila zombie na bumangon si Rob kinabukasan. Matapos nanaman ang tila ba cycle na pagbabangayan nila ni Jase ay muli nanaman siyang napaisip kung dapat pa ba siyang magpatuloy sa pagtratrabaho sa kumpaniya na iyon.


Masaya ka kasi dun kahit pa lagi kayong nagaaway ni Jase.” sagot ng kaniyang sariling utak ng paulit-ulit niyang tanungin ang kaniyang sarili habang naglalakad siya papunta sa kaniyang banyo.


Teka nga bakit ba lagi na lang merong 'kahit na nandun si Jase'? Lagi na lang merong 'kahit na lagi kayong nagaaway ni Jase'? Bakit lagi siyang singit sa mga iniisip mo?” tanong nanaman ni Rob sa sarili habang tinitignan ang sarili sa salamin sa loob ng kaniyang banyo.


Bakit hindi na lang si Ian ang isipin ko?” malakas na tanong ni Rob sa kaniyang sarili sabay talikod sa salamin at tumapat sa ilalim ng shower at naligo na.


Habang naliligo ay marami pang tumatakbo sa isip ni Rob at nang matapos ay nilalamig pang inabot ang twalya na nakasabit malapit sa kaniyang kinatatayuan, nanlalambot muli siyang tumapat sa harap ng salamin at nagsipilyo.


Si Ian?” tanong ni Rob sa kaniyang sarili sabay natigilan sa pagsisipilyo. Sumagi kasi sa kaniyang isip ang nangyari sa pagitan nila ni Ian habang nasa loob ng elevator.


You should try wearing contacts. Yung colorless. Natatakpan kasi nung makakapal mong salamin yung magaganda mong mata eh---”


Habang tumatakbo ang alaala na iyon sa kaniyang isip ay wala sa sariling binuksan ni Rob ang kabinet sa tabi ng salamin at inilabas ang mga contacts na wala sa sarili niyang binili may ilang araw na ang nakakaraan. Idinura niya ang kulay puti na bula na gawa ng toothpaste at matagal na tinitigan ang sarili.

000ooo000

Kung kanina ay walang buhay na kumikilos si Rob ngayon naman ay todo madali siya. Hindi niya kasi napansin ang oras kaya naman na-late siya pero kahit na halos kalahating oras siyang nahuli sa ibinigay na oras sa kaniya ni jase ay hindi siya gaanong nagaalala, pilit kasi niyang naaalala yung nangyari nung huling beses na maaga siyang pumunta at halos dalawang oras niya itong inintay sa paanan ng kanilang building.


Andyan na po ba si Sir Jase?” tanong ni Rob sa sekyu ng opisina nila. Matagal pa siya nitong tinitigan saka nagkibit balikat ang sekyu bilang sagot habang minamata ang ID na isinasabit ni Rob sa kaniyang leeg. Tumango at ngumiti lang si Rob, naisip na tama nga na male-late lang din si Jase at paghihintayin lang siya kaya naman hindi siya makikitaan ng pagsisisi sa pagiging late niya pero laking gulat niya nang makarating siya sa kanilang floor at nang makita niyang nakabukas ang ospisina ni Jase.


Shit.” bulong ni Rob sabay naglakad papalapit sa ospina ni Jase.


Sa loob nadatnan niya si Jase na natutulog sa silya nito sa likod ng magarang lamesa sa gitna ng malaking opisina. Nagpakawala ng isang malalim na hininga si Rob at dahan dahan siyang naglakad papalapit dito para sana gisingin na ito pero bigla siyang nabighani sa magandang mukha ng natutulog na si Jase. Nagpakawala muli ng isang malalim na hininga si Rob at wala sa sariling itinaas ang kaniyang kamay upang abutin ang maamong mukha ni Jase at pasadahan ang makinis nitong pisngi pero hindi niya ito nagawa dahil binalot ng gulat ang kaniyang buong pagkatao nang marinig niyang tumunog ang kaniyang telepono nang makatanggap ito ng isang mensahe.


Agad na itinuong ni Rob ang kaniyang pansin sa telepono kaya hindi niya napansin na nagising na pala sa pagkakatulog si Jase, pagdilat ni Jase ay nakita naman niya si Rob na nagmamadaling basahin ang text, nangunot ang kaniyang noo nang mapansin ang kakaibang lapit ni Rob sa kaniya, saglit siyang nagisip ng malalim saka napangisi.


Nagbuntong hininga muli si Rob nang ibalik niya ang kaniyang tingin kay Jase at nakitang natutulog padin ito at hindi nagising ng kaniyang telepono. Muli niyang tinitigan ang mukha ng boss at hindi maiwasan na isipin at hindi niya maikaila na gwapo talaga si Jase. Muli siyang nawala sa pagtitig nang bigla nanamang tumunog ang kaniyang telepono.


Motherfu---- Lord, ilang segundo lang. Ngayon ko lang siya matititigan ng ganito nang hindi ako inaaway ng kumag na 'to.” pabulong na singhal ni Rob na hindi nakaligtas kay Jase. Hindi nito mapigilang mapangisi muli at buti na lang ay nasa telepono na ang pansin ni Rob.


Nang mabasa ang pagbati ng kaniyang mga magulang ng isang magandang araw sa text ay agad itong sinagot ni Rob ng isa ding pagbati saka pinatay na ng tuluyan ang telepono, nagbuntong hininga at muling tinitigan si Jase. Nang makuntento na sa pagtitig ay napagdesisyunan ng gisingin ni Rob si Jase pero inunahan siya nito.


Stop watching me sleep.” saad ni Jase na talaga namang nakapagpairit kay Rob na tila ba isang batang babae na ginulat. Halos magtaob pa ito na siyang nakapagpahagikgik kay Jase. Hindi napansin ni Rob ang paghagikgik na iyon ni Jase dahil abala ito sa pagpagpag at pag-ayos ng sarili.


You're late.” seryosong saad ni Jase. Pilit itinatago na pinagti-trip-an niya si Rob. Agad na nagtaas ng tingin si Rob kaya naman kitang kita ni Jase ang pamumula ng pisngi nito.


Akala ko po kasi---”


Puro ka akala. Di bale na. Tara na male-late na tayo sa flight natin.” saad ni Jase na nakapagpabagsak sa balikat ni Rob, iniisip na buong araw nanaman niyang titiisin ang ugali na iyon ni Jase.


Wait.” pigil ni Jase nang may mapansin siyang kakaiba. Nangunot ang noo ni Jase at wala sa sariling tinitigan si Rob. Namula ang pisngi ni Rob. Ito ang dahilan kung bakit siya na-late sa kabila ng paggising niya ng maaga. Muli siyang naglaan ng oras para mag-ayos. Hindi man siya nakapagpagupit ay naglagay naman siya ng wax upang maiayos ang medyo may kahabaan na niyang buhok, muli siyang gumamit ng mga produkto sa balat at mukha, hindi man sa isang beses ganung kabilis ang epekto nito ay may kakaiba paring dagdag ito sa kaniyang confidence, binigyang oras narin niya ang pananamit niya, wala man siyang bagong damit ay muli naman siyang naglaan ng panahon upang iterno-terno ang damit na meron siya at ang huli ay ang pag-iisang tabi niya sa kaniyang makapal na salamin.


Ginawa niya ito dahil sa sinabi sa kaniya kahapon ni Ian pero ang mapansin din ito ni Jase ay nagdudulot din ng pamumula sa pisngi ni Rob.


Bakit wala kang salamin?” kunot noo paring tanong ni Jase. Agad na ibinaling ni Rob ang tingin kay Jase pero naglalakad na ito papalabas ng ospisina. Sinundan niya ito habang nararamdaman niya na unti-unting nawawala ang pamumula ng kaniyang pisngi.


Baka pumalpak ka niyan mamya sa presentation kung hindi mo makikita ng maayos ang slides mo.” tila ba walang ganang saad ni Jase na tuluyang nakapagpawala sa pamumula ng pisngi ni Rob.


Hindi mo 'to ginawa para sa kaniya. Ginawa mo 'tong pagbabago na ito para kay Ian at para sa sarili mo.” pangungumbinsi ni Rob sa sarili, pilit iniisip na hindi siya papaapekto sa pambabalewala ni Jase sa kaniyang muling pagbabagong anyo.

000ooo000

Nang makasakay na sina Jase at Rob ng eroplano ay agad na nilang hinanap ang kanilang mga upuan. Agad na umupo si Jase sa upuan na naka assign sa kaniya, si Rob naman ay agad ding umupo sa tabi nito pero hindi pa man siya nagiging kumportable sa upuan na iyon at hindi pa man nagiinit ang kaniyang pwet sa upuan na iyon ay may isang matandang lalaki na kumuwa sa pansin ni Rob.


Excuse me. I think that's my seat.” magalang at mabait namang saad ng lalaki kay Rob na agad nangunot ang noo. Agad niyang tinignan ang kaniyang ticket at totoo nga na sa isle seat siya. Muling namula ang kaniyang mga pisngi at agad na tumayo.


So--” simula na sanang paghingi ng dispensa ni Rob nang unahan siya ni Jase.


Sorry po. Ganyan talaga yang assistant ko. asyumero masyado. Akala niya siguro kami padin ang magkasama.” seryosong saad ni Jase na siyang nakapagpalaglag sa panga ni Rob. Hindi makapaniwala na sinabi ni Jase iyon sa harap ng isang estranghero na nangunot lang ang noo at umiling. Ngumisi si Jase nang makasiguro siya na wala na sa kaniya ang pansin ng dalawa.


Gusto mo bang makipagpalit sakin?” nakangiti at magalang paring tanong ng matandang lalaki kay Rob pero hindi pa man nakakasagot si Rob ay muling sumingit si Jase.


Ay naku, hindi na po. Mahilig sumandal yan at gawing unan ang balikat ng kung sino ang katabi niya eh. Sinandalan ka na nga nilawayan ka pa.”


Jase!” “Ganon ba?” sabay na sabi ni Rob at ng matanda. Si Rob, bilang pagpapatigil kay Jase sa pagsasalita at pagse-share ng mga personal na bagay sa isang estranghero at ang matanda naman bilang pagpapakita ng pagkawili sa dalawa.


What?!” singhal naman ni Jase kay Rob.


Shut up!” singhal naman pabalik ni Rob.


It's really fine with me kung gusto ng isa sa inyo na makipagpalit sakin para makapagusap kayong dalawa ng maayos.” mabait paring saad ng lalaki.


Hindi na po, Sir.” magalang at nahihiyang sagot ni Rob sa matanda.


Ay naku. Ayoko po.” nangiinis paring saad ni Jase na nakapagpainit ng dugo lalo dito ni Rob.

000ooo000

Nagulat ang matandang lalaki nang maramdaman niya ang paghilig ng ulo ng katabi niya na tinatawag ng kasama nito na Rob. Hindi niya mapigilang mapangisi nang matandaan ang sinabi ng lalaki sa tabi niya na tinatawag namang Jase ng kasama na mahilig itong makisandal at matulog sa kahit kaninong balikat.


I told you.” nakangising saad ni Jase nang mapansin niyang tintitignan ng matanda ang paghilig ng ulo ni Rob sa balikat nito.


Matagal na hindi umimik ang matanda pero hindi nito mapigilang mapangisi nang mahuli niya ang matagal na pagtitig ni Jase kay Rob na tila ba hinihiling nito na sa balikat nalang nito siya humilig.


Would you rather want his head on your shoulder?” nakangiting tanong ng matanda kay Jase. Agad na sinalubong ni Jase ang tingin ng matanda, walang halong pangungutya ang mga sinabi nito at kita ito sa sinseridad sa mga mata nito.


Iniwas ni Jase agad ang kaniyang mga mata mula dito at itinuon ito sa labas ng bintana.


You know, if you want to tell him something. Say it already. Hindi yung idinadaan mo pa sa pangiinis sa kaniya. Lalo kayong hindi magkakalinawan niyan.” makahulog saad ng lalaki saka inalis ang kaniyang seat belt, inalis ang pagkakahilig ng ulo ni Rob sa kaniyang balikat at tumayo.


Now, habang iniisip mo kung sasabihin mo sa kaniya or hindi yang nararamdaman mo mas mabuti siguro kung nagpapalit na tayo ng upuan. I like this shirt. I don't want your boyfriend's saliva on it.” nakangising saad ng matanda sabay hagikgik.


Hindi nagtagal ay tumayo nadin si Jase at umupo sa tabi ni Rob.


At hindi rin nagtagal ay naramdaman na ni Jase ang paghilig ng ulo ni Rob sa kaniyang balikat habang pinagiisipang maigi ang sinabi ng matanda. Maya maya pa ay hindi narin napigilan ni Jase ang mapapikit at makatulog rin gaya ni Rob. Ito ang epekto sa kaniya ni Rob. Napapakalma siya nito, pinapawi nito ang lahat ng pagaalala niya.

000ooo000

Excuse me.” mahinahong saad ng lalaki na siyang gumising kay Rob. Dahan-dahan niyang binuksan ang kaniyang mga mata. Hindi muna niya inalis ang kaniyang ulo sa pagkakasandal sa kung sino man dahil kumportable siya sa ganung pusisyon pero agad na nanlaki ang kaniyang mga mata nang makilala niya kung sino ang nakikiraan, ang matandang lalaki na katabi niya ang siyang nakikiraan. Agad na tumakbo ang isip ni Rob, tinanong ang sarili kung sino ang kaniyang sinasandalan gayong nakatayo na ang lalaki na dapat ay kaniyang sinasandalan ngayon at naglalakad na ito palabas ng eroplano.


Sa pagising ng kaniyang utak na iyon ay agad ding nagising ang iba't iba pang pangramdam ni Rob. Pamilyar sa kaniya ang kinis ng tela na iyon na siyang kadikit ng balat niya sa mukha at pamilyar din sa kaniyang pangamoy ang cologne na iyon ng kaniyang sinasandalan. Agad na umayos ng upo si Rob. Sa sobrang biglaan ng pagkilos niya ay nagulat din at agad na nagising si Jase sa kaniyang tabi.


Wha--?” gulat na tanong ni Jase at nang tuluyan na niyang naidilat ang kaniyang mga mata ay naabutan ng kaniyang paningin ang namumulang pisngi na si Rob na pinaplantsa ang sariling damit gamit ang sariling mga palad.


Andito na po tayo, sir.” walang gana na saad ni Rob habang si Jase naman ay humihikab-hikab pa at naginat ng konti.


Good. May nagiintay na cab satin sa labas ng airport.” saad ni Jase sabay tayo at sinundan ang matandang lalaki palabas ng eroplano.


Habang inaantay ang kanilang sundo ay muling nakatabi nila Rob at Jase ang matandang lalaki. Nginitian sila nito at tumingin ng makahulugan kay Jase. Agad na napatungo si Jase at namula ang pisngi, buti na lang at wala sa kanila ang pansin ni Rob.


Merong sinasabi yung boss mo kanina nung nakatulog ka---” simula ng matanda kay Rob na agad tumingin dito habang si Jase naman ay tila binuhusan ng malamig na tubig at nanlaki ang mga mata.


huh?” tanong ni Rob.


---akala niya ata gising ka pa kanina nung nagsabi siya na may sasabihin siya sayo. Tanungin mo siya. Sigurado ko hindi ka magsisisi sa mga maririnig mo.” makahulugang pagtatapos ng matanda sabay kindat kay Jase saka naglakad pasakay ng isang cab.


What was that all about?” tanong ni Rob kay Jase na nanlalaki parin ang mga mata pero umarteng hindi niya alam ang sinasabi ng matanda at nagkibit balikat na lang at para malihis ang sinabi na iyon ng matanda sa isip ni Rob ay agad niyang iniba ang usapan.


There's our cab. Tara na baka ma-late tayo mamya sa meeting.” saad ni Jase sabay nagmamadaling pinara ang cab habang si Rob ay naiwan sa kaniyang kinatatayuan na naka kunot parin ang noo.


000ooo000


““WHAT?!”” sabay na tanong nila Rob at Jase sa receptionist ng hotel na kanilang tutuluyan.


Your company booked only one room.” nakangiti at magalang parin na sagot ng receptionist sa gulat na gulat na si Rob at Jase.


I'm sorry there seems to be a mistake---I mean---” simula ni Rob sabay sulyap kay Jase na nakakunot ang noo at nakabusangot ang mukha. Hindi siya makakapayag na makakasama niya sa iisang kwarto sa loob ng dalawang araw at isang gabi ang bugnuting boss.


It's fine. We'll take it.” singit ni Jase sa nakangiti paring receptionist na nakapagpalaki sa mga mata ni Rob.


But---” simula ni Rob.


Hayaan mo na muna Rob, mamya na natin ayusin kung saan at pano tayo matutulog. Ang importante ay hindi tayo malate sa meeting natin with our foreign investors.” tila ba walang ganang saad ni Jase sabay ipinakita kay Rob ang oras sa kaniyang telepono. Sa sinabing ito ni Jase saka nagising si Rob sa totoong pakay nila sa pagpunta sa lugar na iyon at tumango na lang siya bilang sagot.


Can you please have someone bring these to our room?---” saad ni Rob sa receptionist sabay turo sa kanilang mga bagahe. “We have a meeting in 15 minutes and we are already running late.” pagtatapos ni Rob sabay ngiti sa receptonist na magiliw lang na ngumiti at tumango sabay tawag sa mga bellboy at pinadala na nga ang maleta ng dalawa.


000ooo000


Wala paring kibuan ang dalawa pero ramdam nila ang saya sa isa't isa. Muli ay tagumpay ang dalawa sa ipinunta nila sa bansang iyon. Muling nakuwa ni Rob ang loob ng mga foreign investors at naimpress naman ang mga ito sa paraan ng pagpapatakbo ni Jase at Ian sa kumpaniya. Habang nagliligpit si Rob ng mga ginamit niya sa presentation at si Jase naman ay nagpapadala ng email sa opisina nila sa Pinas ay biglang nagaya ang kanilang ngayon ay bagong ka-partner sa business na magcelebrate sa labas.


Napatingin pa saglit si Rob kay Jase na hindi na kailangan pang magisip ng isasagot at pumayag na sa imbitasyon na iyon kahit na alam niyang kailangan pa nilang ayusin ang tutuluyan at tutulugan nila para sa gabing iyon. Napailing na lang si Rob at sinundan na ang kaniyang mga boss palabas ng building na iyon at patawid sa kalsada sa isang restaurant/bar .


Lalong napailing si Rob.


Nang makaisang baso na ng alak si Jase ay sinubukan na nitong tanggihan ang mga bagong ka-partner sa negosyo nang alukin nanaman siya ng mga ito pero hindi siya pinakinggan ng mga ito at binagyan pa siya ng isang pamng baso.


At isa pa.


At isa pa. Hanggang makarami na ng alak si Jase at kinailangan nang akayin ni Rob ang kaniyang boss pabalik ng kanilang hotel. Sinubukan pang makipagbargain ni Rob muli sa receptionist tungkol sa kanilang kwarto pero muling nagsalita ang lasing na si Jase.


Drop it, Rob. I'm fucking tired already. If they said that our company booked a single room then drop it. For sure they have twin beds if you don't want to fucking sleep in the same bed with me.” galit pero bubulol bulol na saad naman ni Jase. Napairap na lang si Rob at nagpasalamat ulit sa nakangiti parin na receptionist. Aaminin niya na nangangalay nadin siya sa pagalalay kay Jase at gusto na niya itong ihiga sa kung saan at maibsan ang bigat na dala nito kaya naman ay naisip niya na tama nga si Jase pero nang makita niya na hindi twin bed at tanging isang malaking kama lang ang nasa loob ng kwarto na binigay sa kanila ng hotel ay halos muli na siyang bumalik sa lobby upang makiusap ulit sa receptionist.


Hey lookey here. I guess we're going to sleep together.” humahagikgik na saad ni Jase pero agad siyang binalot ng inis nang makita niya ang tila ba nagaalangan na tingin sa mukha ni Rob.


Dala ng pinaghalong inis, kinikimkim na nararamdaman para kay Rob sa loob ng ilang buwan at espiritu ng alak ay wala sa sarili at biglang isinalubong ni Jase ang kaniyang mga labi sa labi ni Rob nang makita niyang aangal nanaman ito tungkol sa pagshe-share nila ng kama.



Itutuloy...

Against All Odds
3[25]
By:Migs

Comments

Popular posts from this blog

Against All Odds 2[38]

The Rebound

Different Similarities 2[16&epilogue]