Against All Odds 3[24]

DISCLAIMER: The following is a work of fiction. Any similarities to any written works and any person, living or dead are purely coincidental. The story is intended for a mature audience. It may contain profanity and references to gay sex. If this offends you, please leave and find something more suitable to read. The author maintains all rights to the story. Do not copy or use without written permission. Email the author at miguisalvador@yahoo.com for comments, suggestions and violent reactions in pertaining to this blog and the stories that comes along with it.


Hindi alintana ni Rob ang muli niyang pagbabago maski napapansin na ito ng lahat ng tao sa kanilang opisna. Muling bumalik ang kakaibang confidence nito na siyang muling nagdulot dito na mamayagpag sa larangan ng business. Walang maling desisyon. Walang lugi. Masaya ang lahat lalong lalo na si Jase na hindi mapigilang isipin na unti-unti ng bumabalik ang dating Rob. Para naman sa mga taong unang nakita ang side na ito ni Rob tulad ni Ian ay hindi rin niya maiwasang magalak. Iniisip nila na sa wakas, makalipas ang ilang buwan na pagtratrabaho doon ni Rob ay nagiging kumportable na ito.

Good morning boss!” bati ni Rob kay Ian na hindi mapigilang mapangiti ng malaki.


Hey! How was your trip yesterday? Di naman pinasakit ni Jase ang ulo mo?” tanong ni Ian. Saglit na natigilan si Rob nang muling pumasok sa kaniyang isip ang mga nangyari sa kanila ni Jase.


Hindi naman, he was quite pleasant naman kahapon.” simpleng sagot ni Rob na ikinatango naman ni Ian.


Yes. He can be pleasant if he wants.” wala sa sariling saad ni Ian na tila ba may kumurot sa puso ni Rob. Alam niyang may halong pagtingin ang compliment na iyon ni Ian kay Jase.


Rob. Stop it. Siguro nga hindi imposible na magkagusto sayo si Ian pero mas matimbang parin kung ano man ang namagitan sa kanila ni Jase. Saka hindi hahayaan ni Jase na makawala si Ian sa kaniya kaya please do yourself a favor and stop injecting yourself in between them!” saway ni Rob sa kaniyang sarili.


What happened to your neck?” nagaalalang saad ni Ian sabay tayo mula sa kinauupuan at mabilis na tinawid ang espasyo sa pagitan nilang dalawa. Inabot ng kaniyang boss ang maliit na sugat at pinasadahan ito ng kaniyang daliri.


Ah---uhmm we got mugged yesterday---”


What?!”


It's really no big deal. I-I forgot to get the company driver's number so we decided to walk for a bit. Hindi naman namin naisip na madami palang hodl-upper dun.” sagot ni Rob sabay iwas ng kaniyang tingin sa nagaalalang titig ni Ian.


How did you guys managed to get home?”


Merong nagpahiram samin ng pera dun sa company na pinagpresent-an namin.” palusot ni Rob na tila naman kinagat ni Ian. Nakaiwas padin ang tingin ni Rob sa mga titig ni Ian kaya naman nagulat na lang siya ng bigla niyang maramdaman ang mahigpit nitong yakap.


Ingat ka sa susunod ha?” request ni Ian habang iginigiya si Rob paharap sa kaniya. Ngayong hindi na nagpapalusot si Rob ay hinayaan na niya ang kaniyang sarili na tumitig din sa mgagandang mata ni Ian. Tumango na lang bilang sagot si Rob.


Y-You have beautiful eyes--” wala sa sariling saad ni Ian habang inaalis ang salamin ni Rob.


Oo maganda ang mga mata ni Rob at kailangan ko ang magagandang matang yan para mag audit ulit.” singhal ni Jase sa may bungad ng opisina ni Ian na ikinagulat ng dalawa na nagdulot sa mga ito upang mapatalon palayo sa isa't isa.


Aga aga naglalampungan kayo.” singhal nanaman ni Jase nang walang nagsalita sa dalawa sabay talikod at pabalang na isinara ang pinto sa opsina na iyon ni Ian. Agad na namula ang mga pisngi nila Ian at Rob.


I-I should go.” paalam ni Rob. Tumango si Ian pero nang malapit na si Rob sa may pinto ng kaniyang opisina ay muli siyang nagsalita.


Please don't let that asshole hog you at lunch this time. I want to spend some time with you.” nakangiting saad ni Ian na nakapagpamula nanaman sa mukha ni Rob.


Habang naglalakad si Rob papalayo sa opisina ni Ian at papalapit naman siya sa opisina ni Jase ay hindi niya muli napigilang sawayin ang kaniyang sarili. Muling pinigilan ang sarili na mapalapit pa lalo ang kaniyang loob kay Ian para hindi nanaman siya masangkot sa isang gulo tulad noong sa pagitan ni Ace ng asawa nito.


Nakayukyok ang mukha ni Jase sa mamahalin nitong laptop nang pumasok si Rob sa opisina nito. Nagbuntong hininga si Rob saka iniwas ang kaniyang tingin palayo kay Jase. Umupo siya sa sulok ng opisina nito para magsimula ng mag audit. Nararamdaman niyang nakatingin sa kaniya si Jase kaya naman nagtaas ng tingin si Rob at sinalubong ito, hindi ito inaasahan ni Jase kaya agad niyang iniwas ang kaniyang tingin nang mahuli siya ni Rob.


Ilang beses pa itong naulit hanggang hindi na nakatiis pa si Rob at tinanong na ito.


Sir, do you want to say something?” tanong ni Rob sabay pakawala muli ng isang malalim na buntong hininga.


Ano yun?” tanong ulit ni Jase. Nagpapatay malisya.


Sabi ko sir, kung meron po kayong gustong sabihin. Kanina pa po kasi kayo tingin ng tingin.” muling saad ni Rob habang nakayuko at ipinagpapatuloy parin ang kaniyang ginagawa.


W-wala naman. Iniisip ko lang yung tungkol sa susunod nating labas.” wala sa sariling sagot ni Jase kahit hindi pa ito ang totoong dahilan kung bakit siya kanina pa patingin tingin kay Rob.


Napatigil si Rob sa sagot na ito ni Jase. Agad muling isinalubong ni Rob ang tingin niya kay Jase. Kung ano-ano na ang pumasok sa kaniyang isip at nais niyang linawin ang ibig sabihin ng kaniyang amo. Nagtataka naman na nakipagtitigan si Jase, iniisip kung ano marahil ang tumatakbo sa isip ni Rob.


Lalabas po tayo, sir?” gulat na tanong ni Rob na may kahalong hiya. Dito narealize ni Jase kung ano marahil ang iniisip ni Rob. Nagplaster ng isang nakakalokong ngisi si Jase na ikinamula ng pisngi ni Rob. Kinabahan sa kaniyang maling pagkakaintindi.


I mean yung paglabas natin to get more investors for this company.” sagot muli ni Jase. Agad na napayuko si Rob. Inis na inis sa sarili.


Of course that's what he meant. How can I be so stupid.” saad ni Rob sa kaniyang sarili. Pilit na inalis ang pagkapahiya sa kaniyang mukha at inalis ang pamumula ng kaniyang pisngi at pilit na plinaster sa kaniyang mukha ang pagiging propesyonal. Isang tao na tila ba walang nararamdaman.


Ah ok. San po ba ang next target niyo?” walang emosyon na sagot ni Rob na ikinakunot ng noo ni Jase at ikinabura ng ngisi nito sa mukha.


Hongkong.” balik ni Jase, pilit kinukuwanan muli ng reaksyon ang mukha ni Rob pero bigo siya. Ibinalik nito ang pansin sa ginagawang pag-o-audit.


OK.” tumatango na lang na saad ni Rob.


Hindi mapigilan ni Jase ang mapabuntong hininga nang muling balutin ng katahimikan ang buong kwarto. Inaasahan niya kasi na matapos ang nangyari sa kanila noong nakaraang gabi sa kamay ng mga magnanakaw at sa nakakatawa nilang karananasan pagkatapos para lang makauwi ay makikipaglokohan na ulit sa kaniya si Rob, makikipagtuksuhan gaya ng dati.


Makalipas ang ilang oras ay natapos na ni Rob ang sandamakmak na pinapaaudit ni Jase at dahil sa nangyaring kahihiyan kanina ay gustong gusto ng umalis ni Rob sa opisina na iyon kaya naman magalang na lang siyang nagpaalam kay Jase.


Sir tapos na po ako.” paalam ni Rob. Saglit na nagtaas ng tingin si Jase at tinignan si Rob saka tumango.


Sige, pakibalik na lang yang mga yan sa opisina ng accountant.” balik ni Jase. Tumango lang si Rob at huminga ng malalim.


Habang buhat buhat ang may kataasang compilation ng mga papeles na kaniyang ina-audit ay nakasalubong naman niya si Ian.


Tapos ka na?” nakangiting tanong nito kay Rob sabay tinulungan ito sa mataas na kumpol ng papel. Hindi lang ang kaniyang binubuhat ang gumaang kundi pati narin ang kaniyang nararamdaman. Nakangiti naring tumango si Rob sa tanong na iyon ni Ian.


Great! Just in time for lunch.” masayang saad ni Ian na lalong nakapagpangiti kay Rob.


Mahilig kang kumain no?” wala sa sariling naitanong ni Rob kay Ian na saglit pang natigilan habang ibinababa ang mga papeles sa lamesa ng accountant. Hihingi na sana ng dispensa si Rob kay Ian nang marinig niya itong tumawa ng malakas.


Hindi ba halata?” saad ni Ian sabay flex ng kaniyang magandang katawan na ikinamula ng pisngi ni Rob.


uhmmm--- puro ka kalokohan, Sir. Tara na nga kumain na tayo. Mukhang nagugutom ka na din eh.” kinakabahang saad ni Rob kay Ian na tumawa nanaman ng malakas sa pagkabalisa ni Rob saka umakbay dito at iginiya palabas ng kanilang building para kumain ng tanghalian.


000ooo000


Saglit na nakalimutan ni Rob ang kahihiyang nangyari kanina sa pagitan nila ni Jase. Tila kasi ang presensya ni Ian ang siyang bumabalanse sa lahat ng kaniyang nararamdaman sa pagtratrabaho doon kasama ang kaniyang dating muntik na maging nobyo. Walang nakakaboryong usapan sa pagitan nilang dalawa ni Ian, walang pagaalangan.


Alam mo bang he is planning to take you sa Hongkong trip niya this weekend?” biglang saad ni Ian habang nagaantay sila ng elevator.


Yup. Sinabi na niya kanina.” sagot naman ni Rob habang bumubukas ang pinto ng elevator.


Sana pwede akong sumama.” saad nanaman ni Ian habang sumasara ang pinto ng elevator matapos nilang pumasok. Silang dalawa lang sa loob ng elevator.


Natigilan si Rob saka ibinaling ang tingin na noon niya lang napansin na sobra ang lapit sa kaniyang kinatatayuan. Malaki ang building na iyon kaya naman hindi rin nakapagtataka na malaki ang mga elevators doon pero sa lapit ng katawan ni Ian kay Rob ay iisipin mo na tila ba pang dalawahan lang ang elevator na iyon.


Bumilis ang pagtibok ng puso ni Rob lalo pa nung hindi inalis ni Ian ang pagtitig sa kaniyang mukha at lalo pa ngang bumilis ang pagtibok ng puso nito nang itaas ni Ian ang isa sa malalaking palad nito at pinasadahan ang kaniyang makinis na mukha at nagulat siya ng bigla nitong alisin ang kaniyang makapal na salamin.


You should try wearing contacts. Yung colorless. Natatakpan kasi nung makakapal mong salamin yung magaganda mong mata eh. You looking like a nerd with these thick glasses is cute, but you're more beautiful without these.” saad ni Ian habang papalapit ng papalapit ang kanilang mga mukha. May isang dangkal na lang ang layo ng mga labi ni Ian sa mga labi ni Rob at papapikit na sana ang dalawa habang iniintay ang paglalapat ng kanilang mga labi nang biglang bumukas ang pinto ng elevator.


Ehem.” paglilinaw ng lalamunan ng isang lalaki sa labas ng elevator. Agad na nagmulat ng mga mata si Rob at nakita niya sa kabila ng pagkalabo ng kaniyang mga mata si Jase. Wala sa sarili niyang naitulak si Ian palayo sa kaniya kahit pa malapit na malapit nang magtagpo ang kanilang mga labi at wala narin sa sarili niyang hinablot ang kaniyang mga salamin mula sa kamay ni Ian.


Wha---?” ang naputol na saad ni Ian dahil sa biglang paghablot ni Jase sa kamay ni Rob bago pa man mailagay ulit ng huli ang makakapal na salalmin nito.


Sir!” singhal ni Rob habang lumilinga linga, nahihiya sa nagtatakang tingin ng kaniyang mga katrabaho.


Sir!” pero hindi parin binibitawan ni Jase ang pagkakakapit nito sa kaniyang braso.


Jase!” singhal ni Ian habang binagsak ni Jase ang pinto ng kaniyang opisina. Tila binuhusan ng malamig na tubig si Jase at nagising mula sa kaniyang ginagawang pagkaladkad kay Rob pero hindi niya parin nagawang bitawan ang braso nito.


---nasasaktan ako.” maluha-luhang saad ni Rob. Binitawan ni Jase ang kamay ni Rob at nakita niya ang pamumula sa bahagi kung saan mahigpit niya itong hinawakan. Wala sa sariling inksamen ni Rob ang kaniyang kamay habang sumisinghap singhap. Agad na nawala ang galit sa puso ni Jase. Gusto niya itong lapitan at haplus-haplusin ang kamay nito na walang duda na nananakit pero hindi niya ito magawa.


I'm so---” simula ni Jase pero nang marinig niya ang pagkatok at ang boses ni Ian sa labas ng kaniyang pinto na nagde-demand na papasukin siya ay muling kumulo ang kaniyang dugo.


Re-audit these.” kalmado pero naiinis parin na utos ni Jase kay Rob na patuloy lang sa pagsinghap. Nagtaas lang ng tingin si Rob nang marinig niyang pinagbuksan ni Jase ng pinto si Ian.


Shut up!” sighal na bati dito ni Jase sabay pinagbagsakan ulit ito ng pinto. Hindi na muli pang kumatok si Ian sa pinto ni Jase at hindi na muli pang nagkibuan si Rob.


Nang pumatak ang alas singko ay hindi nagawa pang pigilan ni Jase si Rob na nagmamadaling umuwi. Naririnig niya ang pagtatanong ng mga empleyado niya dito na nakasaksi ng maliit na drama rama nila kaninang tanghali pero hindi ito sinasagot ni Rob, hindi niya rin narinig ang boses ni Ian sa labas ng kaniyang opisina kaya inisip niya na baka maaga din itong umuwi.


Nagbuntong hininga na lang siya at wala sa sariling pinakalma ang sarili at tumayo, iniwan ang kaniyang mga pending na trabaho at sinundan si Rob palabas ng building. Hindi na niya ito naabutan at tanging mga nagtatakang tingin lang ng kaniyang mga empleyado ang kaniyang nakita. Bagsak balikat at nakatungo siyang naglakad papunta sa kaniyang sasakyan.


Ang tagal na tumunganga ni Jase sa loob ng kaniyang sasakyan. Inaamin niyang naunahan siya ng selos kanina. Hindi niya gustong saktan si Rob at ipahiya ito sa marami pero ang nakita niyang tagpo kanina ay talaga namang nakapagpakulo ng dugo niya. Dapat siya ang nasa kalagayan na iyon ni Ian. Dapat katawan niya lang ang nakakalapit ng ganon sa katawan ni Rob.


Nagising na lang si Jase mula sa kaniyang malalim na pagiisip na iyon nang marinig niya ang marahas na pagbagsak ng ulan sa lupa at sa bubong ng kaniyang sasakyan.


Great.” bulong ni Jase sa kaniyang sarili saka pinaandar ang kaniyang sasakyan. Hindi pa man siya nakakalayo sa opisina ay nakita niya si Rob na nagiintay ng masasakyan pauwi sa isa sa mga waiting shed malapit sa kanilang opisina.


Hindi na siya nagdalawang isip.


Itinapat niya ang kaniyang sasakyan sa waiting shed na iyon at binaba ang bintana ng passenger seat. Hindi parin nagtataas ng tingin si Rob, tila ba hindi niya napansin ang pagtigil ng sasakyan na iyon ni Jase sa kaniyang harapan, halatang malalim din ang iniisip nito.


Rob!” tawag pansin dito ni Jase pero hindi ito narinig ni Rob dahil sa lakas ng ulan kaya naman inulit ito ni Jase at mas nilaksan pa.


ROB!” sa wakas ay nagtaas na ng tingin si Rob. Kinawayan ito ni Jase at pinapapasok sa kaniyang sasakyan pero umiwas ng tingin si Rob, tila ba nagdadalawang isip pa.


MAMAYA KA PA MAKAKASAKAY NIYAN, ROB. HALIKA NA.” saad ni Jase pero muling nagdalawang isip si Rob at hindi ito nakaligtas kay Jase.


TSK!” naiinis na arte ni Jase sabay isinara ang bintana at bumaba ng sasakyan. Laking gulat ni Rob nang makita niya ang iritadong si Jase na galit na galit na sumugod mula sa kaniyang sasakyan papalapit sa kaniya at lalo siyang nagulat nang muli nanaman siya nitong kaladkarin papasok ng kaniyang sasakyan.


Dammit!” singhal ni Rob nang itulak siya ni Jase papasok ng passenger seat.


Ang tigas parin ng ulo mo. Sabi na ngang mahihirapan kang sumakay eh! Ang lakas lakas kaya ng ulan oh!” singhal ni Jase nang makapasok ulit ng kaniyang sasakyan.


Saglit na nagtama ang kanilang mga mata pero si Jase nadin ang naunang nagiwas ng tingin.


Give me the directions to your house. Hatid na kita.”


Dyan mo na lang ako sa sakayan ng dyip ibaba.”


Rob ano ba?! Bakit ba ang tigas ng ulo mo?!”


Ikaw 'tong matigas ang ulo. Masama ang ugali. Madamot.”


Madamot?!” mga naunang sinabi na iyon ni Rob sa kaniya ay nakuwa pa niya kung san nanggagaling pero ang pagiging madamot...


Ibaba mo na lang ako sa sakayan ng dyip.” mahinahon ng saad ni Rob, hindi makapaniwala na nasabi niya ang kaniyang nararamdaman kay Jase. Tinawag niya itong madamot dahil para sa kaniya ay ipinagdadamot nito ang pagkakataon niya sumaya kasama si Ian.


Pano ako naging madamot?” nagtatakang tanong padin ni Jase kay Rob na tila ba malalim na ang iniisip. Sakto namang itinigil niya ang sasakyan dahil nagsimula na ang traffic dahil sa lakas ng ulan. Sinubukan ni Jase na abutin ang balikat ni Rob pero agad itong umiwas at nagsalita.


Thanks for the ride.” malamig na saad ni Rob sabay bukas ng pinto at lumabas ng sasakyan ni Jase na ikinagulat ng huli.


Rob! Dammit!” singhal ni Jase nang ang pagsara na lang ng pinto ang sumagot sa kaniya. Agad niyang binuksan ang kaniyang pinto at tumayo sa labas lang ng kaniyang sasakyan pero masyado paring malakas ang ulan at hindi niya ito maaaring iwan sa gitna ng daan para mahabol si Rob. Wala sa sarili niyang dinagukan ang bubungan ng kaniyang sasakyan at padabog na sumakay ng kaniyang sasakyan.


Ikaw 'tong matigas ang ulo. Masama ang ugali. Madamot.” tumakbo ang mga sinabing ito ni Rob sa kaniyang isip habang nagiintay na lumuwag ang traffic. Habang iniisip kung ano ang marahil na ibig sabihin dito ni Rob ay hindi niya din maiwasang isipin na may mali sa mga nangyayari. Imbis na muli niyang makuwa ang loob ni Rob ay tila ba lalo itong lumalayo kahit pa pigilan niyang magkalapit ang loob nito at ni Ian.


Or you can just tell Ian what happened between you and Rob. Sure ako titigilan na niya si Rob.” pangkontrabidang suhestyon ng sariling utak ni Jase.


No. I can't hurt him again. I can't do that to him.” umiiling na saad ni Jase sa kaniyang sarili. Kahit pa pinagbantaan niya si Rob na kunwari ay sasabihin niya kay Ian ang tungkol sa nakaraan ni Rob ay wala naman talaga siyang balak gawin ito ang ayaw niya lang talagang mangyari kaya niya nasabi iyon ay ang malaman pa ni Ian ang tungkol dito sa ibang tao at masaktan lang si Rob.


Ayaw na niyang saktan pa si Rob.


Pumikit si Jase at inuntog ang kaniyang sarili sa manibela ng kaniyang sasakyan.


Pero hanggang ngayon sinasaktan mo parin siya.” bulong ni Jase sa kaniyang sarili, hindi alam kung ano pa ba ang kaniyang dapat gawin upang muling makuwa ang loob ni Rob at hindi na ito saktan.


Nasa ganitong lagay si Jase nang biglang magring ang kaniyang telepono.


Itutuloy...

Against All Odds
3[24]
By:Migs

Comments

  1. Four chapters po hanggang end ang post ko ngayon! salamat sa patuloy na pagsuporta, sana suportahan niyo padina ng mga susunod kong stories kahit matagal na po ako magupdate. :-(

    ReplyDelete
    Replies
    1. Kuya Migs! Di ako magsasawang sumuporta! Araw-araw akong nag aabang ng update sa blog mo na'to at sulit na sulit talaga ang paghihintay ko kasi ang gaganda talaga ng mga stories mo.

      Kailan po yung susunod ninyong kwento? Naeexcite na po ako!

      Delete

Post a Comment

Popular posts from this blog

Against All Odds 2[38]

The Rebound

Different Similarities 2[16&epilogue]