Against All Odds 3[10]

DISCLAIMER: The following is a work of fiction. Any similarities to any written works and any person, living or dead are purely coincidental. The story is intended for a mature audience. It may contain profanity and references to gay sex. If this offends you, please leave and find something more suitable to read. The author maintains all rights to the story. Do not copy or use without written permission. Email the author at miguisalvador@yahoo.com for comments, suggestions and violent reactions in pertaining to this blog and the stories that comes along with it.

Nakausli ang nguso ni Jase habang nakatingin sa pwesto nila Rob at Pao. Pinigilan niya ang sarili niya na ubusin ang lahat ng beer sa bar na iyon dahil magda-drive pa siya kaya nagkasya na lamang siya sa pagngi-ngitngit sa isang sulok habang pinapanood sila Rob at Pao magbulungan, magtawanan at maglandian. Ilang beses pang sumagi sa kaniyang isip kung bakit niya nararamdaman ang inis na iyon gayong kanina lamang nang pumasok si Rob sa bar na iyon ay hindi siya magkamayaw sa pag-ngiti pero ang pagsagi na ito ng isang bagay na hindi niya maipaliwanag sa kaniyang isip ay agad ding matatabunan ng pakiramdam ng inis.

Napagmasdan narin niya si Pao, dati itong modelo na kaniyang hawak noon. Maliban sa gwapo ito at mayaman ay mabait din ito at matalino, mga bagay na hinahanap ni Rob sa isang lalaki, hindi ito kasama sa mga alaga niyang pa-booking noon at nagmu-modelo lamang ito para may pang tustos sa kaniyang mga luho gaya ng pangungulekta ng mga race cars at iba't ibang parte nito.


Kumpara noong huli itong makita ni Jase ay marami nang pinagbago si Pao. Oo, noon ay maganda na ang katawan nito pero mas gumanda pa ang katawan nito ngayon, ang mukha nito na pang totoy pa noon ay lalaking-lalaki na ngayon pero sa kabila ng magagandang pagbabago sa pisikal nitong anyo ay hindi parin umaalis ang mga paa nito sa lupa, ni hindi makikitaan ng kahit konting yabang ang ugali nito.

000ooo000

Does he often stay and watch you on your dates like a kuya watching his little sister on her first date?” nakangiti at inosenteng tanong ni Pao kay Rob na agad nagtaka sa biglaang pagiiba ng kanilang usapan.


Huh?”


Si Jase, lagi ka ba niyang sinasamahan at binabantayan sa mga dates mo?” paglilinaw ni Pao kay Rob upang maintindihan nito ang kaniyang unang tinanong.


Lumingon-lingon si Rob, naghahanap ng malaking bintana sa bar na yoon, madalas kasi kapag sinasamahan siya ni Jase sa mga sineset-up nitong blind dates ay nasa loob lamang ito ng kaniyang sasakyan na nakatapat sa isang malaking bintana at mula doon siya pinapanood, ngunit ngayon ay walang malaking bintana sa bar na iyon.


Agad nangunot ang noo niya at ibinalik ang kaniyang tingin kay Pao na masuyo lang na nakangiti, muling inilibot ni Rob ang kaniyang tingin pero ngayon ay sa loob na ng bar niya ito itinuon. Nadaanan ng kaniyang mata si Jase na masuyong nanonood sa kanila sa may bar. Agad niyang ibinalik ang kaniyang tingin dito pero sa pagkakataong iyon ay wala na sa kanila ni Pao ang titig nito at umiinom na ito ng isang alak mula sa baso na halatang inihanda ng barista para sa ibang kliyente.


Narinig niya ang paghagikgik ni Pao sa kaniyang tabi at saglit na itinuon ang tingin dito.

000ooo000

What the hell dude?!” naeskandalong saad ng isang lalaki sa tabi ni Jase.


Ibinaba ni Jase ang baso ng kaiinom niya lang na alak sa kaniyang tapat at itinuon sa maliit na lalaki ang kaniyang tingin. Namula sa hiya ang kaniyang mga pisngi, hindi niya alam kung bakit pero ayaw niyang pahuli sa dalawa na tinititigan niya ang mga ito kaya ginawa na lamang niya ang isang bagay na unang pumasok sa kaniyang isip.


You have to pay for that, you know.” mariing saad ng barista kay Jase sabay itiniklop ang kaniyang mga malalaking braso sa kaniyang dibdib.


Oh hold your horses! Eto oh---” sabay abot ng pera sa barista.


---And can you please make that a double, ibigay mo kay Tiny yung isa.” pagtatapos ni Jase sabay nakangising tinignan ang maliit na lalaki sa kaniyang tabi na lalong nagmukhang naeskandalo.

000ooo000

Why are you laughing?” nangingiti naring tanong ni Rob kay Pao, hindi mapigilang madala sa paghagikgik ng kaniyang bagong kakilala.


N-nothing, I-I just realized something.” umiiling na sagot ni Pao sa pagitan ng paghagikgik. Nangunot sa pagtataka ang noo ni Rob sa sinabing ito ni Pao pero ikinibit balikat na lang niya ito.


So, is he always with you on your dates?” tanong muli ni Pao, muling itinuon ni Rob ang kaniyang tingin kay Jase na mukhang nakikipaginisan sa katabi nitong lalaki.


Oo, pero usually kasi asa labas lang siya ng resto o kaya nakatambay sa sasakyan niya at iniintay akong matapos pero ngayon, since mukhang nage-enjoy naman siya---” hindi siguradong saad ni Rob sabay muling tingin kay Jase na hawak na sa noo ang lalaking kanina lang ay kainisan nito upang hindi siya maabot at masuntok. “---baka mas gusto niya sa loob?” hindi parin siguradong sagot ni Rob na hindi naman nakaligtas kay Pao na ngumiti lang muli na para bang may isang napakagandang ideya na pumasok sa ulo niya at tumango-tango na lang.

000ooo000

Ready to leave?” malakas na tanong ni Jase kila Pao at Rob nang makita niyang naglalakad na ang mga ito palabas ng bar at walang duda na nagpapalitan na ng mga contact number.


Yup.” masaya at todo ngiting sagot ni Rob na ikinasingkit ng mga mata ni Jase.


Do you mind kung ihatid ko siya sa bahay nila?” nakangiting tanong ni Pao kay Jase na agad ibinaling ang tingin kay Pao.


Tahimik.


Binalot ng katahimikan ang tatlo, si Rob ay pinalipat lipat ang kaniyang tingin kay Jase na nakatitig lang kay Pao na tila ba iniintay nito na sabihin ni Pao na nagbibiro lang siya sa sinabi nito at si Pao naman ay magiliw lang na nakatingin kay Jase at matyagang iniintay ang sagot nito.


Jase?” tawag pansin ni Rob kay Jase na agad namang nagising sa kaniyang iniisip.


S-sure.” tumatangong sagot ni Jase sabay nilagpasan ang dalawa at tuloy-tuloy na pumunta sa kaniyang sasakyan.

Madami atang nainom ang isang yun.” saad ni Rob habang pinapanood ang paalis ng si Jase.

Napahagikgik na lang si Pao sa kaniyang tabi na agad niyang tinapunan ng tingin.

Bungisngis ka no?” nangingiting saad ni Rob kay Pao na nagkibit balikat lang.


It's just nice to see love is still in the air.” makahulugang saad ni Pao na nakapagpakunot ng noo ni Rob.

000ooo000

I had fun.” pagamin ni Rob kay Pao habang hinahatid siya nito hanggang sa pinto ng kaniyang tinutuluyan.

Me too.” pagamin din ni Pao habang papalapit ng papalapit kay Rob na agad namang bumilis ang tibok ng puso.

Want to go out on a date with me again?” seryosong tanong ni Pao habang papalapit ng papalapit ang kaniyang mukha sa mukha ni Rob na walang nagawa kundi ang tumango bilang sagot sa tanong na iyon ni Pao.


Tinitigan ni Pao ang mga magagandang mata ni Rob at ganun din ang ginawa ni Rob sa mga magagandang mata ni Pao, hindi na nila alintana na napasandal na si Rob sa matigas na front door dahil ang tangi lang nila parehong gustong gawin ay ang idampi ang kanilang mga labi sa isa't isa.

000ooo000

Wala sa sariling nagmaneho papunta kung saan si Jase, hindi niya alam kung bakit pero tila ba ayaw niya pang umuwi, pakiramdam niya ay meron siyang nakalimutang gawin sa araw na iyon, hindi nagtagal ay inihinto na niya ang kaniyang sasakyan, napagod na siya sa kakaapak sa clutch, gas at preno. Alam na niya kung ano ang kaniyang nalimutan, nakalimutan niyang makipagkwentuhan kay Rob, nakalimutan niyang makipagkulitan dito at nakalimutan niyang magpaalam dito kanina kaya naman hindi na siya nagtaka kung bakit siya nasa harapan ng bahay nito ngayon.


Pero ang lahat ng ito na gusto niyang mangyari bago matapos ang kaniyang araw ay agad niyang nakalimutan dahil sa kaniyang nakita sa may front door ni Rob. Sobrang lapit na ng mukha ni Pao sa mukha ni Rob at tila ba sa kaniyang palagay ay ilang pulgada na lang ang layo ng mga labi nito sa labi ng kaniyang kaibigan. May tila ba kung anong humihila sa kaniyang sikmura.

000ooo000

Umalingawngaw sa buong paligid ang malakas na tunog ng busina na siyang sumira sa kung ano mang kuneksyon meron ang dalawa. Sa sobrang gulat ni Pao ay agad niyang iginiya ang kaniyang mukha palayo sa mukha ni Rob na nagdulot upang tumama ang ulo nito sa ulo ni Rob na ikinagulat din ng huli.


What the f---” nabitin na saad ni Rob sabay sapo sa kaniyang noo.


I'm sorry.” paghingi ng tawad ni Pao kay Rob sabay abot sa noo nito na tila ba isang duktor na ine-eksamen ito.


Hey guys!” namumulang pisngi na bati ni Jase kay Rob at Pao. Agad na tinapunan ng tingin ng dalawa ang bagong dating.


Ikaw ba yung bumusina?!” naiiritang tanong ni Rob kay Jase sabay tinapunan ng naniningkit na mata.


Ah Oo, napindot ko lang.” pagpapalusot ni Jase sabay kamot sa ulo na lalong ikinasingkit ng mga mata ni Rob.


Ang tagal mo namang napindot yung busina mo---” sarkastikong balik ni Rob na ikinasimangot naman ni Jase habang si Pao naman ay pinaba-balik-balik lang ang kaniyang tingin sa dalawang magkaibigan.


So ah-uhhmmm--- sinundan ko kayo dito just to make sure na nakauwi kayo ng safe. so---uhmmm---una na ako.” paalam ni Jase sabay talikod ng mabilis at naglakad ng mabilis papunta sa kaniyang sasakyan. Tinapunan ng nagtatakang tingin ni Rob si Pao na agad lang na nagkibit balikat, nagsasabing hindi niya din alam kung bakit ganun ang kinikilos ng kanilang kaibigan kahit pa may ideya siya kung ano marahil ang pinaglalaban nito.


So pano, una nadin ako.” paalam ni Pao kay Rob na agad lang tumango at ngumiti.


Habang pinapanood ni Rob si Pao na inia-atras at minamaneobra ang sarili nitong sasakyan ay hindi parin niya mapigilang maisip kung ano ang tumatakbo sa isip ni Jase ngayon at ganoon na lang ito umasta, nang hindi na niya makita dahil sa layo ang sasakyan ni Pao ay nagpakawala na lang siya ng isang malalim na hininga, binuksan ang pinto at ipinagpabukas na lang ang pagiisip tungkol sa ikinikilos na iyon ni Jase.

000ooo000

Hello?” mabilis na sagot ni Jase sa tawag na iyon ni Rob.


Hello Jase?” masayang balik naman ni Rob mula sa kabilang linya.


Oh, napatawag ka?” tanong naman ni Jase sabay inisang tabi lahat ng kaniyang ginagawa sa loob ng kaniyang opisina doon sa Gustav's.


Busy ka ba?” tanong nanaman ni Rob. Sa hindi maintindihang dahilan ay biglang napangiti si Jase, siguro dahil naririnig niya sa boses ni Rob ang saya nito kaya naman nahahawa siya.


Hindi naman, bakit?”


Papasama sana akong mamili ng damit saka magapahatid sana ako para sa date namin ni Pao mamyang gabi.” biglang nanlamig ang buong katawan ni Jase sa narinig niyang ito mula sa kabilang linya. Hindi niya alam kung bakit pero tila ba biglang hinigop ang tuwa na kanina lang ay nararamdaman niya.

Tahimik.

Jase?” tawag pansin ni Rob sa kabilang linya na gumising sa kung ano mang nararamdaman ni Jase.


So ganun na lang yun? Tatawag ka kapag may kailangan ka saka kapag gagawin mo akong driver?” sarkastikong saad ni Jase.


Binalot muli ng katahimikan ang linya. Hindi alam ni Rob kung totoo bang naiinis na si Jase dahil unang beses niya pa lang narinig ang tonong iyon mula kay Jase habang si Jase naman ay pinipigilan ang sarili sa hindi maipaliwanag na kagustuhang manumbat. Nang medyo tumagal pa ng kaunti ang katahimikan ay agad na napagtanto ni Jase na hindi maganda ang kaniyang nabanggit kaya naman agad niya itong binawi.


Joke!” bulalas ni Jase na siyang nagplaster muli ng ngiti sa mukha ni Rob.


Yey! Thanks! Labyu!” masayang banggit ni Rob sabay baba ng telepono upang hindi na humaba pa ang usapan at magbago ng isip si Jase dahil alam niyang may pinagkakaabalahan din ito.


Nauto mo nanaman ako, Rob.” umiiling na saad ni Jase sa sarili atsaka pinagpatuloy ang naudlot na gawain.

000ooo000

Matagal pa ba!?” sigaw ni Jase kay Rob habang iniintay ito matapos magbihis.


OA! Parang 5 minutes pa lang akong nagaayos!” sigaw naman pabalik ni Rob na ikinahagikgik ni Jase habang nagiikot-ikot nanaman sa loob ng tinitirhan ni Rob.


Basta bilisan mo! Ayaw kong naaabala! Saka baka mamya magintay yung ka-date mo iwan ka. Tandaan mo si Pao pa lang yung---” bitin na saad ni Jase nang maramdaman niya ang pagtapik ni Rob sa kaniyang likuran, dahan dahan siyang humarap atsaka ipinagpatuloy ang sinasabi. “---siya pa lang yung ide-date mo ng dalawang beses.” pero pahina na ng pahina ang kaniyang sinasabi nang mapagmasdan na niya si Rob.


Alam na ni Jase na magaling manamit si Rob pero tila ba ngayon niya lang ulit nakitang nakabihis ng ganitong kaganda ang kaibigan niya, napatitig siya muli dito ng matagal habang si Rob naman ay iniintay lang ang approval ng kaniyang kaibigan. Hindi namalayan ni Jase na papalapit na pala siya ng papalapit kay Rob. Wala sa sariling itinaas ni Jase ang kaniyang kamay at ipapadaan sana ito sa makinis na pisngi ng kaibigan nang bigla itong gumalaw.


Yung phone ko! Shit, baka makalimtan ko pa!” malapit ng mag panic na saad ni Rob na gumising kay Jase sa kaniyang iniisip.


Oh yeah---shit---uhmmm your phone.” wala sa sariling saad ni Jase, ginagatungan ang sinabi ni Rob patungkol sa kaniyang telepono sabay kamot sa ulo, pilit iniintindi ang kaniyang ikinikilos.

000ooo000

Hanggang makarating ang dalawa sa restaurant kung saan magde-date muli sila Pao at Rob ay hindi tumitigil si Rob sa kakasalita na hindi na lang pinapansin ni Jase, alam niyang kinakabahan ang kaniyang kaibigan kaya kung ano-ano nanaman ang dinadaldal nito.


We're here.” saad ni Jase sabay tinanggal ang kaniyang seat belt.


We are?” nanlalaking mata na tanong ni Rob kay Jase. “Ambilis naman. Alam mo ikaw talaga ang bilis mong magpatakbo---”


Rob, 15 minutes lang ang layo nito sa bahay mo.” umiiling at napapangiting saad ni Jase sa kaibigan. “---look, I don't know why you're nervous. Pangalawang beses niyo na itong magde-date---” tuloy ni Jase pero agad siyang pinutol sa pagsasalita ni Rob.


Sinong may sabing kinakabahan ako?” nakangising saad ni Rob kahit pa sinasabi ng mga mata nito ang tunay niyang nararamdaman. Binuksan na nito ang pinto at nang akala ni Jase na magtutuloy-tuloy na ito papasok ng restaurant ay umikot pa ito ng sasakyan niya at binuksan ang pinto niya.


Samahan mo muna ako sa loob habang wala pa si Pao, please.” tila batang pagmamakaawa na saad ni Rob sa kaniyang kaibigan na ikinailing na lang ni Jase. Pero kahit pa ayaw niya itong pagbigyan sa hinihiling nito ay hindi parin ito natiis ni Jase at inayos pa muna ang kaniyang sarili saka sinundnan si Rob sa loob ng restaurant.


Table for two?” tanong ng waitress na sumalubong sa dalawa.


Ah actually hindi ako yung---” simula ni Jase pero pinutol nanaman siya sa pagsasalita ni Rob na walang tigil sa kakalingon, at dahil sa kakalingon na iyon ay hindi na niya naintindi ang sinasabi ng waitress at sumagot.


Yes, table for two please.”


OK. Follow me.” balik ng waitress na agad namang sinundan ni Rob na ikinabuntong hininga ni Jase, iniisip na dahil sa sobrang excitement at kaba ni Rob ay sasabihin na nito ang kung ano mang maisip sabihin.


Umupo sila at nag-intay, si Jase tahimik lang na nakikinig sa mga ikinukwento ni Rob kahit gaano pa man ito ka-non sense, iniisip na siguro ay ganito rin ang nararamdaman nito noong siya naman ang walang tigil sa kakasalita noong mga panahong nawala sa kaniya si Aaron. Ilang beses ng dumaan at nagtanong ang waitress na nakatoka sa kanilang table tungkol sa kanilang orders pero pilit nila itong pinagiintay dahil alam nilang parating na si Pao.


Kahit pa wala itong text o tawag sa kanilang pareho.


Isang oras ang lumipas at wala paring Pao na nagpapakita sa kanilang dalawa, kumakalam na ang sikmura ni Jase at nagsisimula ng maboryo kagaya ng waitress na tila ba umiiksi na ang pisi ng pasensya habang si Rob ay patuloy lang sa pagkukuwento.


Dalawang oras at kalahati na ang lumipas at wala parin si Pao, nakakunot na ang noo ni Jase at si Rob ay nakayuko na lang na nagkukuwento. Hindi na mahagilap ang waitress, walang duda na ibang customer na lang ang inasikaso. Pero kahit gaano pa man ka-gutom at kabugnot si Jase ay hindi niya iniwan si Rob tulad ng pagtitiis nito sa kaniya noon pero habang inihahanda niya ang sarili sa matagalang pagiintay ay biglang nagsalita si Rob, iba sa tono noong nagkukuwento siya, mas mahina ito ngayon na tila ba nahihiya at malapit ng umiyak.


He's not coming is he?” tila batang inagawan ng regalo sa paskong tanong ni Rob kay Jase na tila naman kinurot sa dibdib. Hindi siya sanay na nakikitang ganito ang kaibigan.


Hindi alam ni Jase ang kaniyang sasabihin kaya naman tumahimik na lang siya.


I don't know what I kept doing wrong.” papaiyak na saad ni Rob.


Muli, hindi alam ni Jase kung ano ang kaniyang sasabihin.


Y-you can go home now. Alam ko namang marami ka pang gagawin, Jase. Sorry sa istorbo.” malungkot na saad ni Rob habang nakayuko padin, naramdaman niyang gumalaw at tumayo si Jase na lalo niyang ikinalungkot.


Yes sir?” tanong ng waitress na ikinataka ni Rob, agad siyang nagtaas ng tingin.

Bill out na please---”

Pero sir wala pa po kayong ino-order.” magalang na saad ng babae na nginitian lang ni Jase.

Alam kong naabala namin kayo for waiting here sa isang walanghiya na hindi naman pala magpapakita, so para makabawi sa abala I'll pay for a meal for two kahit yung cheapest or your most expensive dish, OK lang.” saad ni Jace na ikinagulat ni Rob at ng waitress.

Ibinigay ng waitress ang bill na hinihingi ni Jase at ibinigay naman ni Jase ang pera dito at pinatago na ang sukli, gulat parin si Rob sa nangyayari kaya naman hindi kaagad siya nakatayo sa kaniyang pwesto at nang i-alok na lang ni Jase ang kaniyang kamay saka na lang siya nagising sa pagkakagulat na iyon at hinayaan siyang itayo ni Jase.

Want to go on a date with me?” seryosong saad ni Jase matapos siyang itayo nito na ikinatameme ni Rob.

Itutuloy...


Against All Odds 3
[10]
by: Migs 

Comments



  1. I have made a dummy account (as much as I detest doing one), napilitan ako eh. I have to get the attention of those who post my stories sa wall nila and then claim it as their own. Nakakinis kasi matapos mong paghirapan, sila ang magcre-credit. Halos di na nga ako matulog makapag-post lang tapos siya naman kokopyahin lang.

    I'm not a blog genius at hindi ko alam ang sinasabi niyong pagla-lock. :-(

    please add me and support my fight against these plagiarizers. Here's the link.

    https://www.facebook.com/miguel.salvador.1232?fref=ts


    Nais ko lang pong linawin na ang kwento pong “SKYBAND” ay akda po ng isa sa aking pinakamalapit na kaibigan na si Ezekiel o ang may pakana ng blog na 'to http://zildjianstories.blogspot.com/

    guys meron pong bagong writer sa m2m genre siya po si sir JD bisitahin niyo po ang blog niya ;-) http://jdsloveencounters.blogspot.com

    Ating po silang suportahan! :-)

    Hi guys! Here's AAO 3.

    Lighter.

    Shorter.

    Lighter, kasi hindi siya masyadong heavy on drama.

    Shorter, with just a max of FIFTEEN chapters. OPO PINADAMI KO. HAHA!

    Enjoy guys! ;-)

    russ: thanks! :-)

    ANDY: intayin natin kung si Shiela nga ba ang nakakita. :-)

    Papa JC Sy: Thanks! :-)

    robert mendoza: tama ka po. Lalo na po sa chapter 10. :-)

    Kulio Antivo: thanks at sana hindi mo pagsisihan ever ang pagbisita mo sa blog ko. haha!

    MigiL: yup. Every one seems to be busy nitong mga panahong ito dahil iilan na lang kayong nagco-comment. Haha!

    Anonymous December 30, 2014 at 10:27 PM: Sorry sa mabagal na update. Busy sa work at sa buhay buhay, but I'm still doing my best parin to update my stories at least once a week, wala nga lang talagang time. :-(

    MARAMING SALAMAT ULIT SA PATULOY NA PAGSUPORTA AT SA NAGUUMAPAW NA COMMENTS! MORE PLEASE! ENDORSE THIS BLOG SA FRIENDS NIYO DIN AH! :-) I'm targeting to gain more followers! Salamat! :-)

    ReplyDelete
  2. ayun nakabisita din ulit! thnx sa updates migs! apat na chapter babasahin ko hahaha..happy new yr migs!

    ReplyDelete
  3. Si migs new year na new year nagpapakilig hahahahaha happy new year!

    ReplyDelete
  4. hahahahahaha sa wakas nasabi rin ni jase!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!! HAPPY 2015 MIGS! *peace out*
    this is simply cute and amazing para lang akong nagbabasa ng lovestory na pambata ganun ewan basta yun :-)

    ReplyDelete
  5. One of those chapters where you can't help it but smile. That "want to go on a date with me?" line tho! Kilig pa more!! Happy New Year Migs!
    -dilos

    ReplyDelete
  6. whooooaaah, at last mukhang magkakaroon na din ng TRUE LOVE ang dalawa! he he he. kala ko patatagalin mo pa at gagawing complicated ang situation MIGz eh. he he he. tnx sa npakaganda at nkakaaliw na back to back update MR. AUTHOR. HAPPY NEW YEAR AND GOD BLESS YOU ALWAYS PO. yngat lage.

    ReplyDelete
  7. Yown oh dumaDAMOVES na si Jase go base.. Win rob heart!... kilig to the balls..haha..can't wait for the next chapter. HAPPY NEW YEAR boss migz...

    ReplyDelete
  8. nakakainis ka kuya migs T_T.. nakakakilig ng sobra..ajujukels..

    ako ung anon last time and sorry if medyo naoffend ko po kau..baka napressure ko po kau..sorry

    pero nonetheless grabe ha..JASE nakakainis ka na ha...ane ke be..weg keng genyen

    ReplyDelete
  9. Though, I am a fan. I was hoping that this series would come to end. Thought, this would be written in less than 10 chapters. I don't like cliffhangers. That's why I let you finish before I read.

    Can you write about Ram and his guy's story next?

    Thanks for writing. Don't mind me and my selfish requests.

    ReplyDelete
  10. Is this the start of TRUE LOVE?.. Really nice transition Migs.. :)

    ReplyDelete
  11. Grabe! Kilig na naman ako! Iba talaga kapag ikaw ang gumawa!

    ReplyDelete
  12. Waaaaaah nagccmula na!!! Nikikilig na ako! :3 Sir Migs i'm one of your silent readers at yes nakakakilig tlga.lahat ng stories mo :)) can't wait for the next chapter :)) kudos to you Sir Migs! :)

    ReplyDelete
  13. Ang galing galing mo pa din Migz. Walang kupas! Been a while since my last visit. Catching up on your works. Brilliant as ever. Labz u po.

    ReplyDelete
  14. Hi sir migs! It's been a while since I visited. Ang galing niyo pa rin po! Hoping to read more stories from you. :) And I know ayaw mo ituloy ang chasing pavements, pero sana dumating yung time na ready ka na ikwento ulit yun. :)

    - Joshua D.C.

    ReplyDelete

Post a Comment

Popular posts from this blog

The Rebound

Make It With You [Chapter 5] Failed Plans

Against All Odds 2[55]