Against All Odds 3[9]

DISCLAIMER: The following is a work of fiction. Any similarities to any written works and any person, living or dead are purely coincidental. The story is intended for a mature audience. It may contain profanity and references to gay sex. If this offends you, please leave and find something more suitable to read. The author maintains all rights to the story. Do not copy or use without written permission. Email the author at miguisalvador@yahoo.com for comments, suggestions and violent reactions in pertaining to this blog and the stories that comes along with it.

Nakasimangot na lumabas si Rob sa isa nanamang mamahaling restaurant galing sa isa nanamang date na sinet-up ni Jase. Dikit kilay at kunot noong binuksan ni Jase ang kaniyang sasakyan upang papasukin si Rob na nangingilid na ang luha. Pabalang na ibinagsak ni Rob ang kaniyang sarili sa passenger seat at tila ba gustong gusto ng sumigaw sa inis, galit o dahil sa frustration, hindi alam ni Jase. Tatanungin na sana ni Jase kung ano ang nangyari dito nang bigla itong magsalita.


It doesn't exist.”

Nagulat si Jase, inaasahan niya kasi na kung magasasalita si Rob ay pasigaw ang magiging tono nito at hindi ang tila ba napapagod at nawawalan na ng pag-asa na tono.


What doesn't exist?” nagiingat na tanong ni Jase kay Rob na nanlulumong nakatitig sa labas ng sasakyan.

True love.” tila wala sa sariling sagot ni Rob na lalong ikinagulat ni Jase.


Napasinghap si Jase sa sinagot na ito ni Rob. Oo at nagulat siya, alam niyang madami ng nakilala si Rob, madami na itong napagdaanan sa paghahanap ng tatong makakasama nito habang buhay at maiintindihan niya kung nawawalan na ito ng pag-asa pero ngayong nakilala niya silang dalawa ni Aaron at alam nito ang kwento nilang dalawa ay hindi makuwang isipin ni Jase kung bakit pumasok pa sa isip ni Rob na hindi totoo ang true love.


W-what?” naeskandalong tanong ni Jase kay Rob, may pinaghalo halong lungkot, inis at awa ang nakatatak ngayon sa mukha nito na hindi naman nakaligtas kay Rob. Agad na isinalubong ni Rob ang kaniyang tingin kay Jase matapos magsalita ng huli, alam niyang naisulto ito sa kaniyang sinabi kaya naman agad niyang binawi at binago ito.


I mean--- para sa akin. Sa akin lang, Jase. Hindi applicable ang true love. Andami ko ng nakilala at lahat sila hindi para sakin. I-I'm getting tired.”

Maybe we shouldn't be looking. Malay mo kusa rin siyang darating---” saad ni Jase na nagdulot kay Rob na tumawa kahit pa wala namang nakakatawa sa kanilang pinaguusapan.

Ginawa ko na yan, Jase. Lahat ginawa ko na, siguro nakatadhana na akong magisa forever.” paiyak ng saad ni Rob na ikinailing ni Jase. Wala sa sariling inabot ni Jase ang balikat ni Rob at marahan itong pinisil.

Hey, I'm here—-” wala sa sarili ding saad ni Jase na tila naman bumingi kay Rob.

Kung ano-ano na ang sumagi sa isip ni Rob, nakita niya ang sarili na nakabalot sa mga malalaking braso ni Jase, masaya, tila ba walang problema, tila hindi natatakot tumanda mag-isa. Pinigilan niya ang sarili na iyakap ang sarili kay Jase sa puntong iyon, pinigilan niya na ihalik ang kaniyang mga labi sa malalambot na labi ni Jase.


At mabuti na lang at pinigilan niya ang kaniyan sarili na maniwala pa sa kaniyang iniisip dahil hindi pala ito ang ibig sabihin ni Jase sa puntong iyon.


---Lahat ng kaibigan mo nandito---” pagtatapos ni Jase na nakapagpabuntong hininga kay Rob.


Kasing bilis ng pagsiksik ng ideyang iyon sa kaniyang isip ang bilis din ng pagkawala nito at lalong pagbagsak ng kaniyang pag-asa na may mamamagitan sa kanila ni Jase. Na may mamamagitan sa kaniya at sa kung sino man.

Assuming.” saad ni Rob sa kaniyang sarili at iniwas ang kaniyang tingin mula kay Jase na ikinataka nito. Umarte na lang si Rob na naiintindihan niya ang sinabing ito ni Jase at tumango na lang upang matapos na ang usapang iyon.


Sa hindi maipaliwanag na dahilan nang mapansin ni Jase ang biglaan pagpalit ng mood ng paligid ay tila ba bigla siyang napagod. May iba na siyang nababasang emosyon sa mukha ni Rob, hindi niya malaman kung ano ito at napapagod narin siyang alamin ito.


T-thank you.” saad na lang ni Rob upang matapos na ang namumuong pagkailang sa pagitan nilang dalawa.


Agad na tinapunan ni Jase si Rob ng tingin pero kahit anong tingin niya dito ay hindi na nito sinasalubong ang kaniyang mga mata. Tumango na lamang si Jase bilang pagsang-ayon sa pasasalamat na iyon ni Rob. Binalot ng katahimikan ang buong sasakyan, ilang beses pang tinapunan ni Jase ng tingin si Rob pero nakatanaw lang ito sa labas ng sasakyan, pinapanood ang naka-date nito nung gabing iyon na nakikipaglandian sa ibang lalaki.


Nagpakawala ng isang malalim na hininga si Jase at tahimik na pinaandar ang kaniyang sasakyan, walang kahit na ano pang nasabi sa pagitan ng dalawa pero sa kabila noon ay nabibingi parin ang dalawa sa sobrang katahimikan ng sasakyan at nang makarating lang sila sa tapat ng tinutuluyan ni Rob nabasag ang katahimikan na iyon. Inabot na ni Rob ang handle ng pinto at aktong bababa na sana ng sasakyan nang magsalita muli si Jase at maramdaman niya ang paghawak ng kamay nito sa kaniyang braso na para bang pinipigilan siyang bumaba.


Look Rob---” simula ni Jase, pipilitin niya sanang ipamukha dito na mali ang iniisip nito tungkol sa pagiging totoo o hindi ng “true love” para dito, na naniniwala siya na lahat ng tao ay may nakatakdang magmamahal, na lahat ng tao ay nakatakdang sumaya pero lahat ng sasabihin niyang ito sana ay biglang nawala sa kaniyang isip nang makita niya kung saan nandun ang tingin ni Rob.


Nakatingin ito sa kaniyang kamay na nakabalot sa braso nito dahan dahan niyang tinanggal ang kaniyang kamay mula dito at ibinalik ang kaniyang tingin sa maamo nitong mukha, saglit na nagtama ang kanilang mga tingin at inintay lang ni Rob na ituloy ni Jase ang kaniyang sasabihin pero ilang saglit pa ang lumipas ay walang salitang lumabas sa bibig ni Jase at kitang kita ni Rob ang pagkunot ng noo ni Jase na tila ba biglang naguluhan habang inaayos ang sarili sa pagkakaupo sa loob ng kaniyang sasakyan at idinaretso ang tingin.


Ngayon, si Rob naman ang biglang nagtaka sa ikinikilos ni Jase.


I-I'll see you tomorrow?” hindi siguradong saad ni Rob kaya tila lumabas itong patanong.


Tumango si Jase at sumulyap pa kay Rob, kita niya ang lungkot sa mukha ng huli kaya naman agad niyang ibinalik ang kaniyang tingin sa kaniyang unahan. Napailing si Rob, ayaw niyang mawala ang pagkakaibigan nila ni Jase at desedido siyang burahin sa alaala nilang dalawa ang nangyayaring “awkwardness” sa pagitan nilang dalawa.


Good!” saad ni Rob nang makita niyang tumango si Jase. Sinayahan niya ang tono ng sinabing ito na nagtulak kay Jase na tumingin muli sa kaniya. Kitang kita ni Jase ang malaking ngiti ni Rob na nagtulak sa kaniya na malimutan ang pagaalangan na nararamdaman kanina.


Kasi andami pa nating paguusapan tungkol sa business mo.” masaya paring saad ni Rob na tila ba hindi ito nakaramdam ng lungkot at pagaalinlangan kanina.

OK.” tila hindi pa siguradong saad ni Jase pero sa kabila nito ay nangingiti narin siya, walang duda na nahahawa ito sa ngiti ni Rob.

O siya sige, good night. Ingat ka pauwi.” paalam ni Rob saka dahan dahang umatras mula sa sasakyan ni Jase at isinara ang pinto.


Hindi mapigilan ni Jase ang mapangiti, hindi sigurado kung ano ang nangyari sa nakalipas na isang oras. Nakaramdam siya ng iba't ibang emosyon sa loob lamang ng maiksing panahon na iyon pero ngayon ay uuwi parin siyang masaya at wala siyang duda na ang nakapaglagay ng ngiting iyon sa kaniyang mukha ay ang ngiting ibinigay sa kaniya ni Rob. Ngiti na kaniyang lubos na pinapasalamatan dahil ayaw niyang masira ang pagkakaibigan na meron sila ngayon ni Rob.


Nakangiting pinaandar ni Jase ang kaniyang sasakyan pauwi at iniwan si Rob na kumakaway sa kinatatayuan nito.


Habang pinapanood ni Rob ang papalayong sasakyan ni Jase ay unti-unti ring lumalabas ang kaniyang tunay na nararamdaman. Unti-unting nawawala sa kaniyang mukha ang ngiti na inilagay niya lamang doon upang hindi na makaramdam pa ng pagaalangan si Jase sa kaniya at upang hindi mawala ang kanilang pagkakaibigan.

000ooo000

Tila zombie na pumasok sa opisina si Rob, nakayukyok lamang ito sa isang sulok ng MRT, nakasalampak ang mga balikat habang binabagtas ang mahabang lansangan simula sa stasyon ng MRT papunta sa kaniyang building at hindi manlang sayaran ng kahit na kapiranggot na ngiti ang kaniyang mga labi kahit pa may mga kakilalang bumabati sa kaniya.


Miya mo siya pinagsakluban ng langit at lupa nang datnan ni Ace.


Oh, trouble in paradise?” nakangising tanong ni Ace kay Rob na lalong ikinangitngit ni Rob.

I was never in paradise.” makahulugang sagot ni Rob sabay ngiti ng malungkot kay Ace.

Oh, wag masyadong malungkot. Andito pa naman kami, Rob.” seryosong saad ni Ace na kahit anong pilit ni Rob ay ni hindi manlang magkaroon ng epekto sa kaniya na tila ba ang sinabing iyon ni Ace ay hindi totoo.

Salamat.” wala paring buhay na sagot ni Rob.

Ayusin mo na yang sarili mo at magmi-meeting na tayo.” saad ni Ace sabay lakad palayo na ikinairita na lang lalo ni Rob. Naglakad siya papalapit sa kaniyang lamesa, ibinagsak dito ang kaniyang bag at maglalakad na sana papunta conference room nang marinig niya ang message alert tone niya na tumunog.

Sino nanaman kaya 'to?” aburidong tanong ni Rob sa kaniyang sarili. Nang makita niyang si Jase ang nagtext ay sumagi pa sa isip niya na huwag na lang itong pansinin dahil alam niyang paaalalahanan lamang siya nito tungkol sa kanilang meeting sa bago nitong business pero hindi niya parin napigilan ang sarili na buksan ang mensahe.


Dahan-dahang tumatak sa mukha ni Rob ang isang malaking ngiti at tila ba magic na nawala ang sama ng kaniyang loob at awtomatikong gumanda ang kaniyang umaga. Ngayon, alam niyang tama na pahalagahan ang pagkakaibigan nila ni Jase kahit pa hanggang doon lang ito.


Kung naging masaya ka sa maling tao,
pano pa kaya kung nakilala
mo na yung tamang tao para sayo?”


Tapos sa baba ng text na iyon ay ang pagbati ng isang magandang umaga. Walang pagaatubili na sinagot rin ito ni Rob ng pagbati rin ng isang magandang umaga at ang sagot naman ni Jase ay isang maiksi pero makahulugang mensahe.


True love exist.”


Tumatango na pumasok si Rob sa conference room, walang pakielam kung may nakakakita sa kaniyang ngumiti habang nagtetext kay Jase kaya naman hindi niya nakita ang pagsimangot ni Ace at ang malakas na boses nito habang nagmi-meeting.


Keep love in your heart.
A life without it is like a sunless garden when the flowers are dead.”


Maski hindi na nirereply-an ni Rob si Jase ay patuloy lamang ito sa pagpapadala kay Rob ng mga quotes na nagsasabing huwag itong mawalan ng pagasa at nagpapatunay na totoo ang true love. Binitawan saglit ni Rob ang kaniyang telepono upang tignan si Ace at magkunwari na nakikinig dito pero nang muling magtext si Jase ay mabilis pa sa alas kwatro ang pagdampot niya muli sa kaniyang telepono at binasa ito.


A flower cannot blossom without sunshine,
and man cannot live without love.”


Bawat text ay nagpapabuhay sa loob ni Rob. Muli nanamang napangiti Rob at ito'y hindi nakaligtas kay Ace na nasaid na ang pasensya.


Will you stop smiling like an idiot and listen to me, Rob?!” singhal ni Ace na nakakuwa ng atensyon ni Rob na agad ibinaba ang kaniyang telepono sa lamesa at nilagay ito sa silent mode.


Thank you.” sarkastikong saad ni Ace sabay ipinagpatuloy ang paglilitanya.


Pero hindi nagtagal at muli nanamang may pumasok na mensahe sa kaniyang telepono, napangiti siya nang marinig ang pagvibrate ng telepono nya na nakapatong sa lamesa. Hindi rin mapigilan ng mga tao na nakarinig ng pagvibrate na iyon na mapangiti.


000ooo000


Aaminin ni Jase na hindi na niya alam ngayon ang gagawin. Nalulugi ang kaniyang business at ang perang naipon niya noon ang perang ginagamit niya ngayon pampaluwal, hindi niya ito sinasabi kay Rob dahil ayaw na niya itong bigyan ng problema, marami itong problema sa sariling mga business at higit pa don ay alam niya namang kaya niyang masolusyunan ito. Dapat niya itong masyulusyunan ng sarili.


Sir, maayos na po ang lahat. Nakasara na po ang store.” saad ng isa sa mga staff ni Jase sa restaurant na iyon. Wala sa sarili siyang napatingin sa orasan at napansin niyang kailangan narin niyang umalis.


Sige. Thank you, Dan.” saad ni Jase, tumango lang ang staff at tumalikod narin upang umuwi na.


Hindi makapaniwala si Jase na naubos ang kaniyang maghapon sa pagiisip ng solusyon sa problema ng restaurant. Napailing na lang siya at pilit na tinalikuran ang gabundok na papel sa kaniyang lamesa.


Malalim parin ang kaniyang iniisip habang nagmamaneho papunta sa kaniyang pupuntahan para sa gabing iyon pero unti-unti na iyon napapalitan ng tuwa sa hindi niya maipaliwanag na dahilan.


Nang makarating si Jase sa bar kung saan niya ipakikilala si Rob sa isa sa mga dati niyang minamanage na modelo ay tuluyan ng nawala sa kaniyang isip ang problema sa kaniyang business. Pinagdarasal niya na sana ay ang kakilala na niyang ito ang siyang magiging nobyo ni Rob, na siyang magbibigay ng kasiyahan dito.


Siguraduhin mo lang na gwapo yan ah!”


Saad sa text ni Rob. Hindi mapigilan ni Jase ang mapangiti at mapailing. Matagal nang itinigil ni Jase ang pagpapakilala kay Rob ng kung sino sino dahil nadin sa nangyari nung huling beses na may ipinakilala siya dito. Madalas sa tuwing magkikita sila nito ay para lang magkwentuhan o kaya naman magkamustahan.


Opo. Model 'to dati kaya sigurado ako na gwapo 'to.”


Umiiling paring reply ni Jase.


Yun na nga eh. Key word is DATI. Malay mo mataba na siya ngayon o kaya dumami yung pimples.”

Hindi mapigilan ni Jase ang mapatawa ng malakas habang nasa parking lot pa siya ng bar na iyon, wala siyang pakielam kung pinagtitinginan siya ng mga tao sa paligid ang tanging importante para sa kaniya ay ang magaang na pakiramdam na dulot ng pagpapatawa ni Rob.


Basta pumunta ka na lang kasi dito!”


Muling sagot ni Jase.


Oo. On the way na po! Una ka na pumasok sa bar. Andyan na ako in ten minutes.”


Hindi na sumagot si Jase at nakangiti na lang na naglakad papasok ng bar. Halos walang tao, hindi kasi weekend kaya naman ilang mga tao lamang sa mga kalapit na opisina ang nandun, mga empleyado na naghahanap ng konting pagkakaabalahan habang traffic pa pauwi o kaya naman nagiintay ng makakasabay pauwi. Maski ang mga tugtugin ay mababagal din.


What can I get you, Sir?” tanong ni barista kay Jase.


Beer lang please.” nakangiting saad ni Jase sabay upo sa stool. Tumango ang barista at nginitian siya sabay lapag sa kaniyang harapan ang isang bote ng beer. Iginala niya ang kaniyang tingin, meron paring live band pero mababagal na kanta nga pinapatugtog ng mga ito, naaayon sa mood ng mga taong nandun na puro pagod na empleyado.


When your legs don't work like they used to before
And I can't sweep you off of your feet
Will your mouth still remember the taste of my love?
Will your eyes still smile from your cheeks?

And, darling, I will be loving you 'til we're 70
And, baby, my heart could still fall as hard at 23
And I'm thinking 'bout how people fall in love in mysterious ways
Maybe just the touch of a hand
Well, me—I fall in love with you every single day
And I just wanna tell you I am

Agad na itinuon ni Jase ang kaniyang tingin sa banda. Maganda ang boses ng vocalist at nakuwa nito ang atensyon ng lahat ng tao na nandun. Kasalukuyang asa ganitong mood ang lahat nang bumukas ang pinto ng bar at iniluwa noon si Rob, napunta ang pansin ni Jase kay Rob na tila ba kahit humihingal pa sa kakamadali ay may ngiti paring nakaplaster sa mukha nito. Kung ang pansin ng lahat ay nasa musikang ginagawa ng banda ang pansin ni Jase ay nasa maamong mukha ni Rob, nasa makakapal nitong kilay, mapupulang labi, makapal na buhok, magandang katawan at magandang ngiti at ang musika ay tanging naiwan lamang sa background. Nagtama ang tingin nila ni Rob at kumaway ito sa kaniya at lalong lumaki ang ngiti nito sa mukha na sa hindi maipaliwanag na dahilan ay nakapagpabilis ng tibok ng puso ni Jase.


So honey now
Take me into your loving arms
Kiss me under the light of a thousand stars
Place your head on my beating heart
I'm thinking out loud
That maybe we found love right where we are


Tila bumagal ang oras sa pagitan ni Rob at Jase at tila nawala lahat ng tao sa kanilang paligid. Lalong bumilis ang tibok ng puso ni Jase pero sa kabila nito ay nakangiti parin siya.


When my hair's all but gone and my memory fades
And the crowds don't remember my name
When my hands don't play the strings the same way
I know you will still love me the same

'Cause honey your soul could never grow old, it's evergreen
And, baby, your smile's forever in my mind and memory
I'm thinking 'bout how people fall in love in mysterious ways
Maybe it's all part of a plan
Well, I'll just keep on making the same mistakes
Hoping that you'll understand

Saglit pang nagtititgan ang dalawa na tila ba matagal silang hindi nagkita. Nagtitigan sila na tila ba nangungulila sila sa isa't isa. Hindi nila alintana ang kakaibang lapit ng kanilang pagkakatayo.


But, baby, now
Take me into your loving arms
Kiss me under the light of a thousand stars
Place your head on my beating heart
Thinking out loud
That maybe we found love right where we are

So, baby, now
Take me into your loving arms
Kiss me under the light of a thousand stars
Oh, darling, place your head on my beating heart
I'm thinking out loud
That maybe we found love right where we are
Oh, baby, we found love right where we are
And we found love right where we are

Nang matapos ang kanta ay magkatitigan parin si Jase at Rob at nang magsasalita na sana si Jase ay bigla namang sumingit ang isang lalaki.

Jase! Nice to see you my man!” masayang saad ng lalaki na ikinagulat ng dalawa na agad namang naghiwalay.

Oh uhhmmm Rob this is Paulo. Paulo, meet Rob.” pagpapakilala ni Jase, nagharap ang dalawang bagong magkakilala at doon palang hindi maikakaila ni Jase na nagustuhan agad ni Rob si Pao at hindi alintana sa kaniya na bagay ang mga ito.


Wala sa sariling tinungga ni Jase ang kaniyang isang bote ng beer at humingi pa sa barista ng isa pang bote na agad naman niyang tinungga nang iabot sa kaniya ito ng barista.


Itutuloy...

Against All Odds 3
[9]

by: Migs 

Comments



  1. I have made a dummy account (as much as I detest doing one), napilitan ako eh. I have to get the attention of those who post my stories sa wall nila and then claim it as their own. Nakakinis kasi matapos mong paghirapan, sila ang magcre-credit. Halos di na nga ako matulog makapag-post lang tapos siya naman kokopyahin lang.

    I'm not a blog genius at hindi ko alam ang sinasabi niyong pagla-lock. :-(

    please add me and support my fight against these plagiarizers. Here's the link.

    https://www.facebook.com/miguel.salvador.1232?fref=ts


    Nais ko lang pong linawin na ang kwento pong “SKYBAND” ay akda po ng isa sa aking pinakamalapit na kaibigan na si Ezekiel o ang may pakana ng blog na 'to http://zildjianstories.blogspot.com/

    guys meron pong bagong writer sa m2m genre siya po si sir JD bisitahin niyo po ang blog niya ;-) http://jdsloveencounters.blogspot.com

    Ating po silang suportahan! :-)

    Hi guys! Here's AAO 3.

    Lighter.

    Shorter.

    Lighter, kasi hindi siya masyadong heavy on drama.

    Shorter, with just a max of FIFTEEN chapters. OPO PINADAMI KO. HAHA!

    Enjoy guys! ;-)

    russ: thanks! :-)

    ANDY: intayin natin kung si Shiela nga ba ang nakakita. :-)

    Papa JC Sy: Thanks! :-)

    robert mendoza: tama ka po. Lalo na po sa chapter 10. :-)

    Kulio Antivo: thanks at sana hindi mo pagsisihan ever ang pagbisita mo sa blog ko. haha!

    MigiL: yup. Every one seems to be busy nitong mga panahong ito dahil iilan na lang kayong nagco-comment. Haha!

    Anonymous December 30, 2014 at 10:27 PM: Sorry sa mabagal na update. Busy sa work at sa buhay buhay, but I'm still doing my best parin to update my stories at least once a week, wala nga lang talagang time. :-(

    MARAMING SALAMAT ULIT SA PATULOY NA PAGSUPORTA AT SA NAGUUMAPAW NA COMMENTS! MORE PLEASE! ENDORSE THIS BLOG SA FRIENDS NIYO DIN AH! :-) I'm targeting to gain more followers! Salamat! :-)

    ReplyDelete
  2. Hhaha ambagal kasi ni pareng Jase O__O" tapos torpe pa!

    ReplyDelete
  3. yehey may update... Wow one of my favorite love song.. Thinking out loud! ..
    ... Jase ligawan muna si Rob. .

    Thank your for this chapter boss migz..
    Happy New Year!

    ReplyDelete
  4. Happy New Year Migs.. Thanks for the update..

    ReplyDelete

Post a Comment

Popular posts from this blog

Against All Odds 2[38]

The Rebound

Different Similarities 2[16&epilogue]