Against All Odds 3[11]

DISCLAIMER: The following is a work of fiction. Any similarities to any written works and any person, living or dead are purely coincidental. The story is intended for a mature audience. It may contain profanity and references to gay sex. If this offends you, please leave and find something more suitable to read. The author maintains all rights to the story. Do not copy or use without written permission. Email the author at miguisalvador@yahoo.com for comments, suggestions and violent reactions in pertaining to this blog and the stories that comes along with it.


Hindi mapigilan ni Jase ang kaniyang mga ngiti na dahan dahang mawala sa kaniyang mukha habang palakas ng palakas ang paghagikgik ni Rob sa kaniyang tabi. Kaaabot niya lang dito ng isang baso na puno ng kwekwek at tokneneng, nung una ay nagulat pa ito at tumitig sa isang basong iyon saka dahan-dahang ibinalik ang tingin kay Jase at nagsimulang humagikgik.

What?” tanong ni Jase nang hindi na niya natiis pa na hindi malaman ang dahilan sa pagtawa ni Rob. Pakiramdam niya kasi ay ang kaniyang napiling ipakain dito ang pinagtatawan nito.


Sorry---” simula ni Rob sabay tawa ulit ng malakas nang makita niyang binabalot na ng frustration ang mukha ni Jase.


It's just that ang yabang yabang mo kanina nung sinabi mo dun sa waitress na babayaran mo na lang ang abala natin sa kanila kahit pa yung pinakamahal na dish nila tapos ngayon ipupusta ko ang lahat na tama ang hula ko---” pabitin na saad ni Rob na lalong ikinairita ni Jase dahil alam niyang tama ang kaniyang hinala.


Anong hula?” hindi na mapakali at makapagintay na saad ni Jase kahit pa may ideya na siya sa sasabihin ni Rob.


---Na wala ka ng pera sa date natin ngayon dahil ibinayad mo na lahat kanina sa restaurant.” natatawa na pagtatapos ni Rob na ikinasingkit lang ng mga mata ni Jase at hindi rin nagtagal ay napagtanto niyang tama ang kaniyang hinala pero imbis na mainis ay natawa pa siya sa tono ng pagkakasabi ng kasama.


Sorry ah.” sarkastikong saad ni Jase na ikinatigil ni Rob sa pagtawa.


Nakaramdam ng marahang paghawak ni Rob sa kaniyang braso. Tila awtomatikong makina ang kaniyang mga mata at agad nitong hinanap ang mga mata ni Rob, kitang kita niya na walang halong pangiinis ang mga magagandang mata na iyon ng huli kundi nababalot pa nga ito ng galak na tila ba hindi ito nalulungkot sa hindi pagsipot ng ka-date nito.


It's actually kinda sweet. Sweeter than those bastards who kept on asking me to a fancy restaurant and then iiwan lang din pala ako sa huli.” umiiling pero nakangiti paring saad ni Rob.


Hindi mapigilan ni Jase ang mapangiti lalo pa nang makita niya ang pamumula ng mga pisngi ni Rob tanda na nahirapan itong aminin sa sarili at sa harap ni Jase ang mga bagay na kasasabi lang nito.


Huh! Kung sa tingin mo sweet na 'to intayin mo kung san tayo pupunta para kainin 'to.”


000ooo000


Whoah!” saad ni Rob nang sa wakas ay nakarating na siya kung saan sinasabi ni Jase sila titigil para kainin ang kanilang mga binili.


Some view, right?” nakangiting saad ni Jase habang nakatingingin ng deretso. Wala sa sariling inalis ni Rob ang kaniyang tingin sa magandang tagpo sa kaniyang unahan at itinuon iyon kay Jase. Mas namangha si Rob sa tagpong nasa kaniyang unahan. Ang lalaking lalaki na itsura ni Jase na daig pa ang kung sino mang artista na sikat ngayon, ang maamo nitong mga mata, makakapal na kilay, ang hindi naahit pero maayos na katutubo lang na balbas at bigote at ang kakisigan nito.


The best---” pabulong na pagsangyon ni Rob kahit pa iba sila ng tinutukoy ni Jase.


Nakaupo sila sa railing ng rampa ng CCP, nakaharap sa abalang lansangan ng Roxas Boulevard. Dahil gabi na ay tila nagsisikinangan na parang mga bituin sa langit ang ilaw ng mga sasakyan at ilaw ng mga poste sa paligid, may karamihan parin ang tao sa paligid, may mga namamasyal, may mga nagde-date ang iba naman ay nakaupo lang sa malawak na damuhan sa harapan ng CCP na tila ba nagmumunimuni o nagre-relax.


C'mon!” biglang saad ni Jase sabay hila kay Rob na ikinagising ng huli sa kaniyang malalim na pagiisip.


P-pwede bang tumayo dito?” nagaalinlangang tanong ni Rob kay Jase na walang makikita sa mukha kundi ang malaki nitong ngiti.


Oo naman!” lakas loob na sagot ni Jase.


Jase!” saway ni Rob pero sa kabila ng pananaway niyang ito ay hindi parin niya mapigilang mapangiti, para kasi itong bata na inilabas ng kaniyang mga magulang para mamasyal sa unang pagkakataon.


What?! Mas maganda ang view dito, Rob!” magiliw na saad ni Jase sabay lahad ng malaking kamay dito bilang paganyaya na tumayo din ito tulad ng kaniyang ginagawa.


Saglit pang tinitigan ni Rob ang kamay na iyon ni Jase. Dahan dahan niyang ibinaba ang paubos nading mga pagkain at tinanggap ang kamay ni Jase at tumayo sa tabi nito at sabay na pinagsaluhan ang magandang tagpo sa kanilang harapan.


Hindi lang maganda yung view, Rob---” simula ni Jase habang tila inaahin ang magandang view na iyon sa kasama. Hindi tuloy napigilan ni Rob na muling ibaling ang tingin niya kay Jase sa sinabi nito.


---It can also be a setting for romantic movies.” tumatango-tango na saad ni Jase na para bang ang sinabi niya ay isang trivia, sa sinabing ito ni Jase ay saka agad namang ibinalik ang tingin niya sa magandang view.


It's---” simula sana ulit ni Jase pero agad niyang nakalimutan ang kaniyang sasabihin nang hindi sinasadyang mapadako ang kaniyang tingin kay Rob.


Hindi niya sigurado at maintindihan kung bakit tila ba hindi na kapanipaniwala ang kaniya sanang pangeengganyo pa kay Rob na magustuhan ang view na iyon, tila ba may mas magandang view na siyang nakita at mas gusto niya itong ibida kay Rob. Gusto niyang ibida kay Rob kung gaano kapula ng labi nito na tila ba walang kasing lambot, gusto niyang ibida kung gano kakinis ng balat nito na para bang sa isang sanggol at gusto niyang ibida dito ang maamo nitong mukha.


Pero higit sa lahat ay gusto niyang abutin ang mukha nito at pasadahan ng kaniyang kamay ang maamo nitong mukha upang hindi lamang niya masabi ang mga bagay na iyon dahil gusto niya rin itong mapadama kay Rob. Dahan dahan niyang inabot ang maamong mukha ni Rob, saglit pa itong nagulat pero agad din yung nawala nang magtama ang kanilang mga tingin, pinasadahan ni Jase ng kaniyang malaking palad ang makinis na mukha ni Rob at dahan dahan niya ding inilapit ang kaniyang mukha sa mukha nito.


Asa ganito silang tagpo nang biglang bumukas ang malahiganteng fountain sa harap ng CCP. Hindi mapigilan ni Rob ang mapasigaw sa sobrang gulat habang si Jase naman ay hindi mapigilan ang mairita. Agad silang bumaba sa kanilang kinatatayuan palayo sa fountain.


Sorry po, Sir. Kailangan po kasi naming i-testing bago ang event bukas, nabasa po ba kayo?” tanong ng isang lalaki na walang dudang nagtratrabaho doon.


Tingin mo?” mainit at sarkastikong balik ni Jase, napakamot na lang ang lalaki sa kaniyang ulo at muling humingi ng tawad. Hindi mapigilan ni Rob ang mapahagikgik habang pinapagpag ang sarili sa mga butil ng tubig na tumalsik sa kanila.


Relax.” nangingiti at umiiling na saad ni Rob kay Jase sabay haplos sa nalikat nito bilang pagpapakalma dito.


Eh kasi--” simula ulit ni Jase pero agad itong napatigil nang marinig niyang muling nagsalita si Rob.


Whoah!” manghang-mangha na saad ni Rob na agad namang ikinakuwa ng pansin ni Jase at sabay itinuon ang tingin sa tinitignan ni Rob. Maski siya ay namangha sa kaniyang nakita.


Mas pinaganda ng tila ba naglalarong fountain ang tagpo sa kanilang harapan.


I wish everyone can see this.” bulong ni Rob na ikinatango muna ni Jase bilang pagsangayon sa hiling na iyon ng nauna.


So you were saying kanina---?” umaasa at pabiting tanong ni Rob upang ituloy kung ano ang balak na gawin kanina ni Jase. Agad na ibinalik ni Jase ang tingin kay Rob saglit pa siyang nagulat nang maalala ang dapat sanay nangyari kanina kung hindi lamang sila naistorbo. Nakita niyang humakbang muli si Rob papalapit sa kaniya at muling bumilis ang pagtibok ng kaniyang puso.


Muli siyang binalot ng pagkalito at muling naguluhan sa kaniyang nararamdaman kaya naman wala sa sarili siyang napahakbang patalikod. Biglang nangunot ang noo ni Rob na hindi nakaligtas kay Jase. Nagpanic siya. Napakamot ng ulo si Jase at namula bigla ang mga pisngi nito bigla siyang binalot ng hiya.


Yun nga na---uhmmm--- L-like you, na-realize ko na there are a lot of people out there na hindi nakikita ang magandang view na nakikita natin ngayon and that is exactly what I'm trying to prove to you when you said that there's no one out there for you---” nung una ay hindi pa sigurado si Jase sa kaniyang mga pinagsasasabi dala ng pagkalito at hiya na hindi naman nakaligtas kay Rob na ikinadismaya nanaman nito dahil akala niya ay sa wakas sasabihin na ni Jase na may gusto din ito sa kaniya. Na pareho sila ng nararamdaman.


Rob, there are at least a hundred thousand guys out there and half of them are gay ang kailangan lang ay makita ka nila at makilala. Some people just don't know where and how to look.” pagtatapos ni Jase na agad ikinatahimik ni Rob.


Muli, nakaramdam ng konting kirot si Rob. Muli nanaman siyang umasa na may mamamagitan sa kanilang dalawa ni Jase at muli nanaman siyang nabigo. Gusto niyang magalit kay Jase dahil paulit ulit nitong pinaparamdam sa kaniya na espesyal siya tapos bigla itong babawi sa huli at pagmumukhain siyang tanga.


Inalis niya ang kaniyang tingin kay Jase dahil alam niyang nangingilid na ang kaniyang mga luha dahil aminin man niya o hindi ang kirot na kaniyang nararamdaman ay mas higit pa doon, napansin ni Jase na nagbago ang ere sa pagitan nilang dalawa.


Shit.” bulong ni Jase sa kaniyang sarili. Naguguluhan parin siya at ngayon may nararamdaman na siyang kakaiba sa kaniyang sikmura at dibdib.


Parang pinipilipit ang kaniyang bituka, parang dinadaganan ang kaniyang dibdib sa biglaang panlalamig ni Rob at pagiiba ng ere sa pagitan nilang dalawa. Kailangan niyang mapagisa, kailangan niyang malaman ang rason sa likod ng kaniyang mga ginawa at nararamdaman. Kailangan niyang lumayo saglit kay Rob dahil alam niyang hangga't nakikita niya ito, hangga't nararamdaman niya na malapit ito sa kaniya ay patuloy lang siyang maguguluhan.


At nang magsalita nga si Rob ay lalo nga siyang naguluhan.


You know you're right.” saad ni Rob sabay harap kay Jase at nagplaster ng isang pilit na ngiti.


Nangunot ang noo ni Jase.


I am?” lalong naguguluhan na tanong ni Jase.


Yes. I think you're right. Di pa lang ako nakakakita ng para sakin and because hindi pa ako nakakakita it doesn't mean na hindi na siya dadating at walang true love.” arte ni Rob na siyang nagtulak kay Jase na sundan na lang ang siyang mga susunod na mangyayari.


Tumango-tango si Jase kahit pa alam niya sa kaniyang sarili na naguguluhan parin siya.


It's getting late, Jase---” simula ni Rob at umarte pa na tinitignan ang kaniyang relos.


Uwi na tayo?” mabilis na tanong ni Jase kay Rob na sinagot na lang ng huli sa pamamagitan ng pagtango.


Tahimik. Tahimik na naglakad pabalika ng dalawa pabalik sa sasakyan ni Jase. Parehong nalulunod sa malalim na iniisip. Kung noon sa tuwing lumalabas sila ay ayaw nilang matapos agad ang gabi, ngayon ay pareho pa silang napabuntong hininga sa galak nang marating nila ang sasakyan ni Jase, hindi maikakaila na masaya sila na matatapos na ang gabing iyon.


000ooo000


Hindi na nila pinatagal pa pareho ang kanilang pamamaalam kanina, nagsabi ng magandang gabi si Rob at nagpasalamat at ganun din si Jase, nagpakawala sila pareho ng isang matipid na ngiti pero nang binalot muli sila ng katahimikan ay agad nang lumabas si Rob ng sasakyan at walang lingon lingon na pumasok sa kaniyang tinutuluyan. Ngayong mag-isa na si Jase ay may laya na siyang magisip tungkol sa mga nangyayari.


Inisip niya ang iba't ibang nararamamdan niya na siyang nakakapagpagulo sa kaniyang isip ngayon. Inisip niya kung bakit tila ba mas masaya siya sa tuwing hindi nagiging maganda ang resulta ng pakikipag-date ni Rob sa ibang lalaki, iniisip niya kung bakit tila ba mas gugustuhin niya pang umidlip sa loob ng kaniyang sasakyan kesa bantayan minuminuto si Rob habang nakikipagdate ito, iniisip niya kung bakit gusto niyang saktan ang mga lalaking nakakadate ni Rob sa tuwing lalabas ito ng restaurant na miya mo pinagsakluban ng langit at lupa, iniisip nito kung bakit ilang beses na niyang naramdaman na tila ba gusto niyang halikan si Rob, nung unang beses nung nasa bar pa sila upang kitain si Paolo at sunod naman ay nung nasa CCP sila.


Hindi pa man nasasagot ni Jase ang mga katanungan na ito mula sa kaniyang isip nang mawala nanaman doon ang kaniyang pansin at nalipat ito sa isang gwapong lalaki sa may bangketa na nakikipagusap at landian sa isa ring gwapong lalaki.


Kumulo ang dugo ni Jase at ang lahat ng katanungan na iyon na gumugulo sa kaniya ay napalitan ng galit at frustration. Agad niyang itinigil ang kaniyang sasakyan sa gilid ng kalsada, malapit sa kinatatayuan ng lalaki. Mabilis siyang lumabas mula sa kaniyang sasakyan at lumapit sa lalaking walang ideya na may isang nanggagalaiting Jase na papalapit sa kaniya.


You sonofabitch!” sigaw ni Jase sabay pilit na pinaharap si Pao at sinapak ito sa kaliwang pisngi na ikinasigaw ng ilang tao sa paligid kasama na ang lalaking kausap ni Pao na walang pakundangang tumili na parang isang dalaginding na ginulat.


What the hell, Jase?!” sigaw ni Pao habang sapo-sapo ang kaniyang pisngi habang nakasalampak pa sa sahig, pilit na tinutulungang tumayo ng kaniyang mga kasama.


Who the hell you think you are para isipin na pwede mong saktan si Rob?!”


Dahan-dahang tumayo si Pao sa tulong ng kaniyang mga kasama na siya ring umaawat sa dalawa. Umiling lang si Pao ang ngumisi habang iniintay ni Jase ang sagot nito.


Yun lang ba ang dahilan kung bakit mo ako sinugod ngayon?” makahulugang saad ni Pao na ikinakunot ng noo ni Jase.


Asshole.” singhal ni Jase sabay marahas na inalis ang malalaking kamay ng mga lalaking umaawat sa kaniya, wala na siyang balak na sugurin pa ulit si Pao pero hindi ibig sabihin nun na tatantanan na niya ito.


He was waiting for hours--- Gustong gusto ka niya makita! He was practically in love with you---”


No he wasn't.” tahimik na saad ni Pao na ikinatameme ni Jase. Muling kumulo ang dugo ni Jase at muli na sanang susugurin si Pao nang magsalita ito ulit.


What the hell are you talking about?! I was there! I watched him wait for you---”


I can see how you guys look at each other---” nangingiting simula ni Pao na ikinakunot ng noo ni Jase at nagdulot din sa kaniya na makalimutang ituloy ang kaniyang sasabihin at pinakinggan na lang ang mga sunod na sinabi ni Pao.


I'm not blind, Jase. I can see that you guys like each other, you guys are just afraid to admit it. Na-late ako kanina sa date namin ni Rob, I have no intention na idianin siya but I decided to leave the restaurant as soon as I saw you guys talking to each other, looking at each other like you guys want to kiss, hug and be alone.” umiiling pero nangingiti paring pagtatapos ni Pao lalo pa nang makita niya ang naguguluhan pero tila ba unti-unti nang naliliwanagan na si Jase.


So there. I know for a fact na Rob didn't wait for me for hours alone so please stop guilt tripping me.” nakangiting saad ni Pao sabay naglakad papalapit kay Jase na hindi naman natinag, inabot ni Pao ang kaniyang kamay kay Jase na miya mo nakikipag kamay at nagpapakilala, dikit kilay itong inabot ni Jase.


Go get him, Jase. Make him yours.” bulong ni Pao na tanging si Jase lang ang nakakarinig. Na tanging si Jase lang ang nakakaintindi.


Marahang tumango si Jase, tumalikod at bumalik sa kaniyang sasakyan.


Ngayon, alam na niya kung ano ang sagot sa mga tanong niya kanina bago pa niya makita si Pao at bago niya pa ito kumprontahin.


000ooo000


Dress to impress. 8pm. Elton Park. Ed's bistro under the reservation name J.”


Kunot noo, umiirap at halos ibato na ni Rob ang kaniyang telepono nang mabasa niya ang text na iyon ni Jase. Naiinis siya kasi tila ba talagang wala lang kay Jase ang nangyari nuong nagdaang gabi, na para bang hindi nanaman muling muntikang magsalubong ang kanilang mga labi, tila ba hindi siya nito tinignan na para bang siya lang ang tao sa buong mundo dahil muli nanaman siya nitong ise-set up sa isa nanamang blind date.


Sa sobrang inis ni Rob ay agad na nangilid ang kaniyang mga luha at bago pa man niya ito mapansin ay tumutulo na ito sa kaniyang mga pisngi na lalo niyang ikinainis. Agad siyang tumayo mula sa kaniyang pwesto at nagtungo sa CR, iniharap ang sarili sa salamin, tinignan at kinaawaan ang sarili.


Tanga mo kasi. Umaasa ka. Ayan tuloy napapala mo. Tanga tanga mo! Baka kasi may dumi ka sa mukha kaya kung tignan ka niya. Baka masyado kang mabango kaya siya lumalapit sayo. Tinitignan niya lang ang bagang mo nang malapitan at hindi ka talaga niya hahalikan. Tanga tanga mo. Wag mo na siyang asahan. Ayan, may sinet up nanaman siyang date, ibalik mo na lang ang sarili sa pagiisip na walang mamamagitan sainyo kundi ang pagkakaibigan.” mahabang singhal ni Rob sa sarili at naghilamos ng ilang beses, nang matapos na niyang muntik lunurin ang sarili ay tinuyo na ni Rob ang kaniyang mukha, inilabas ang kaniyang telepono at nagreply.


Great. I'll be there.” sagot ni Rob saka muling ibinalik ang tingin sa salamin.


000ooo000


Dumating si Rob sa restaurant na tinutukoy ni Jase. Masama parin ang loob niya dito pero hindi parin niya hinayaan iyon na sirain ang kanilang pagkakaibigan kaya naman tumuloy parin siya sa sinasabi nitong blind date nanaman. Masuyo siyang binati ng isang waitress at tinanong kung meron siyang reservation sa kainan na iyon, tumango saglit si Rob at sinabi ang mga detalye na sinabi sa kaniya ni Jase. Nakangiting tumango ang waitress at pinasunod siya.


Maraming tao sa loob ng restaurant na iyon, ang karamihan ay mga magsing irog na nagde-date ang iba naman ay pamilya na masayang kumakain sa labas, abala parin si Rob sa paglingon-lingon sa paligid nang makita niya na tumigil ang nakangiti paring waitress at tumapat sa isang lamesa kung saan may nakaukopa na na isang lalaki.


Tila bumagal ang oras nang mapansin ni Rob na ilang hakbang na lang ang kaniyang layo mula sa lalaking tila dahan dahan ding tumatayo, walang duda na akto ito ng pagsalubong sa kaniya.

Bumilis ang tibok ng puso ni Rob. Pagtibok na pamilyar na para sa kaniya.


Jase?”


Itutuloy...


Against All Odds 3

[11]

by: Migs 

Comments



  1. I have made a dummy account (as much as I detest doing one), napilitan ako eh. I have to get the attention of those who post my stories sa wall nila and then claim it as their own. Nakakinis kasi matapos mong paghirapan, sila ang magcre-credit. Halos di na nga ako matulog makapag-post lang tapos siya naman kokopyahin lang.

    I'm not a blog genius at hindi ko alam ang sinasabi niyong pagla-lock. :-(

    please add me and support my fight against these plagiarizers. Here's the link.

    https://www.facebook.com/miguel.salvador.1232?fref=ts


    Nais ko lang pong linawin na ang kwento pong “SKYBAND” ay akda po ng isa sa aking pinakamalapit na kaibigan na si Ezekiel o ang may pakana ng blog na 'to http://zildjianstories.blogspot.com/

    guys meron pong bagong writer sa m2m genre siya po si sir JD bisitahin niyo po ang blog niya ;-) http://jdsloveencounters.blogspot.com

    Ating po silang suportahan! :-)

    Hi guys! Here's AAO 3.

    Lighter.

    Shorter.

    Lighter, kasi hindi siya masyadong heavy on drama.

    Shorter, with just a max of FIFTEEN chapters. OPO PINADAMI KO. HAHA!

    Enjoy guys! ;-)

    karl: welcome back! Thanks and happy new year din! :-)

    Kerry Von Chan: nakakakilig ba? Haha! Happy new year din! :-)

    Julio Antivo: love story na pang bata? Haha! Anyways, thanks! :-)

    dilos: Happy new year! Thanks sa patuloy na pagbisita sa blog ko! :-)

    robert mendoza: believe me, things are yet to get complicated. :-) hindi pwedeng ganun ganun lang yun. SPOILER ALERT! :-)

    Papa JC SY: happy new year din Papa! ;-)

    Anonymous January 4, 2015 at 11:19 PM: please put your name sa next time na comment mo, para mapasalamatan naman kita ng maayos. Ajujukels! Haha! Benta!

    Anonymous January 5, 2015 at 12:35 AM: sorry, kulang kasi sa time sa pagupdate ng post kaya feeling mo dragging na yung story. I'm trying my best po to updat every other week pero hindi po talaga kaya eh. Sorry po.

    Mhi mhiko: oh, welcome back! Tagal mo ng hindi nagco-comment ah! :-)

    Migz: nasan banda yung nice transition? Haha!

    Lyron Batara: good at napapakilig ko pa kayo. Haha! :-)

    Anonymous January 22, 2015 at 10:38 AM: Salamat sa pagdedesisyon na hindi na maging silent reader. Haha! Next time po post niyo na yung name niyo para mapasalamatan ko kayo ng maayos.

    Wastedpup: Welcome back! Akala ko hindi na ikaw magco-comment ulit eh. :-( thanks! :-)

    Joshua D.C: thanks! Pagiisipan ko pong maigi ang mga request niyong yan. :-)


    MARAMING SALAMAT ULIT SA PATULOY NA PAGSUPORTA AT SA NAGUUMAPAW NA COMMENTS! MORE PLEASE! ENDORSE THIS BLOG SA FRIENDS NIYO DIN AH! :-) I'm targeting to gain more followers! Salamat! :-)

    ReplyDelete
  2. ..... shettttt... Arrrggggg.. BITIN.. HAHA..
    ..kiniklig ako shet..haha.. Sa wakas my update na.. Hay naku Boss Migz. You never ever fail us to inspired and amazed how excellent writer you are.. Hope to see you in person..or I'll chat you in your dummy account...


    Parang ako tlga si Jase..manhid..haha.. I can't wait to read the next chapter.....whoaahhhhhh.. INTENSE.. ;-)

    ...isa pang whooooahhhhhhh... (haha OA)

    Next please..haha. :D

    ReplyDelete
  3. Eto na! eto na! Kyaaaa!!!!!! hahahahaha

    ReplyDelete
  4. YOWN! DUMA-MOVES DIN SI JASE HAAYYYZZZZ! yahoooooooo!!!!
    feeling ko malapit na tau sa katotohahanan/ending?? right sir Migs?? ^_^
    there's no turning back now Jase!

    ReplyDelete
  5. Niceeee update! hahaha...excited na ako sa nexxxxt :3 thank you kuya migs sa update :D

    ReplyDelete
  6. Just wanted to let you know Migoy na am still reading this book. At isa rin ako sa mga naghihintay sa update nito. :)

    ReplyDelete
  7. Sir update naman diyan. More than a month na. :)
    - Joshua D.C.

    ReplyDelete
  8. my gawdddd! Thist is it! Love, love, love!
    love you Jase&Rob!
    love you Sir Migs! :)

    ReplyDelete
  9. Migs, ang tagal ng walang update. I hope all is well!
    -dilos

    ReplyDelete

Post a Comment

Popular posts from this blog

Against All Odds 2[38]

The Rebound

Different Similarities 2[16&epilogue]