Against All Odds 3[10]
DISCLAIMER:
The following is a work of fiction. Any similarities to any written
works and any person, living or dead are purely coincidental. The
story is intended for a mature audience. It may contain profanity and
references to gay sex. If this offends you, please leave and find
something more suitable to read. The author maintains all rights to
the story. Do not copy or use without written permission. Email the
author at miguisalvador@yahoo.com
for comments, suggestions and violent reactions in pertaining to this
blog and the stories that comes along with it.
Nakausli
ang nguso ni Jase habang nakatingin sa pwesto nila Rob at Pao.
Pinigilan niya ang sarili niya na ubusin ang lahat ng beer sa bar na
iyon dahil magda-drive pa siya kaya nagkasya na lamang siya sa
pagngi-ngitngit sa isang sulok habang pinapanood sila Rob at Pao
magbulungan, magtawanan at maglandian. Ilang beses pang sumagi sa
kaniyang isip kung bakit niya nararamdaman ang inis na iyon gayong
kanina lamang nang pumasok si Rob sa bar na iyon ay hindi siya
magkamayaw sa pag-ngiti pero ang pagsagi na ito ng isang bagay na
hindi niya maipaliwanag sa kaniyang isip ay agad ding matatabunan ng
pakiramdam ng inis.
Napagmasdan
narin niya si Pao, dati itong modelo na kaniyang hawak noon. Maliban
sa gwapo ito at mayaman ay mabait din ito at matalino, mga bagay na
hinahanap ni Rob sa isang lalaki, hindi ito kasama sa mga alaga
niyang pa-booking noon at nagmu-modelo lamang ito para may pang
tustos sa kaniyang mga luho gaya ng pangungulekta ng mga race cars at
iba't ibang parte nito.
Kumpara
noong huli itong makita ni Jase ay marami nang pinagbago si Pao. Oo,
noon ay maganda na ang katawan nito pero mas gumanda pa ang katawan
nito ngayon, ang mukha nito na pang totoy pa noon ay lalaking-lalaki
na ngayon pero sa kabila ng magagandang pagbabago sa pisikal nitong
anyo ay hindi parin umaalis ang mga paa nito sa lupa, ni hindi
makikitaan ng kahit konting yabang ang ugali nito.
000ooo000
“Does
he often stay and watch you on your dates like a kuya
watching
his little sister on her first date?” nakangiti at inosenteng
tanong ni Pao kay Rob na agad nagtaka sa biglaang pagiiba ng kanilang
usapan.
“Huh?”
“Si
Jase, lagi ka ba niyang sinasamahan at binabantayan sa mga dates mo?”
paglilinaw ni Pao kay Rob upang maintindihan nito ang kaniyang unang
tinanong.
Lumingon-lingon
si Rob, naghahanap ng malaking bintana sa bar na yoon, madalas kasi
kapag sinasamahan siya ni Jase sa mga sineset-up nitong blind dates
ay nasa loob lamang ito ng kaniyang sasakyan na nakatapat sa isang
malaking bintana at mula doon siya pinapanood, ngunit ngayon ay
walang malaking bintana sa bar na iyon.
Agad
nangunot ang noo niya at ibinalik ang kaniyang tingin kay Pao na
masuyo lang na nakangiti, muling inilibot ni Rob ang kaniyang tingin
pero ngayon ay sa loob na ng bar niya ito itinuon. Nadaanan ng
kaniyang mata si Jase na masuyong nanonood sa kanila sa may bar. Agad
niyang ibinalik ang kaniyang tingin dito pero sa pagkakataong iyon ay
wala na sa kanila ni Pao ang titig nito at umiinom na ito ng isang
alak mula sa baso na halatang inihanda ng barista para sa ibang
kliyente.
Narinig
niya ang paghagikgik ni Pao sa kaniyang tabi at saglit na itinuon ang
tingin dito.
000ooo000
“What
the hell dude?!” naeskandalong saad ng isang lalaki sa tabi ni
Jase.
Ibinaba
ni Jase ang baso ng kaiinom niya lang na alak sa kaniyang tapat at
itinuon sa maliit na lalaki ang kaniyang tingin. Namula sa hiya ang
kaniyang mga pisngi, hindi niya alam kung bakit pero ayaw niyang
pahuli sa dalawa na tinititigan niya ang mga ito kaya ginawa na
lamang niya ang isang bagay na unang pumasok sa kaniyang isip.
“You
have to pay for that, you know.” mariing saad ng barista kay Jase
sabay itiniklop ang kaniyang mga malalaking braso sa kaniyang dibdib.
“Oh
hold your horses! Eto oh---” sabay abot ng pera sa barista.
“---And
can you please make that a double, ibigay mo kay Tiny yung isa.”
pagtatapos ni Jase sabay nakangising tinignan ang maliit na lalaki sa
kaniyang tabi na lalong nagmukhang naeskandalo.
000ooo000
“Why
are you laughing?” nangingiti naring tanong ni Rob kay Pao, hindi
mapigilang madala sa paghagikgik ng kaniyang bagong kakilala.
“N-nothing,
I-I just realized something.” umiiling na sagot ni Pao sa pagitan
ng paghagikgik. Nangunot sa pagtataka ang noo ni Rob sa sinabing ito
ni Pao pero ikinibit balikat na lang niya ito.
“So,
is he always with you on your dates?” tanong muli ni Pao, muling
itinuon ni Rob ang kaniyang tingin kay Jase na mukhang
nakikipaginisan sa katabi nitong lalaki.
“Oo,
pero usually kasi asa labas lang siya ng resto o kaya nakatambay sa
sasakyan niya at iniintay akong matapos pero ngayon, since mukhang
nage-enjoy naman siya---” hindi siguradong saad ni Rob sabay muling
tingin kay Jase na hawak na sa noo ang lalaking kanina lang ay
kainisan nito upang hindi siya maabot at masuntok. “---baka mas
gusto niya sa loob?” hindi parin siguradong sagot ni Rob na hindi
naman nakaligtas kay Pao na ngumiti lang muli na para bang may isang
napakagandang ideya na pumasok sa ulo niya at tumango-tango na lang.
000ooo000
“Ready
to leave?” malakas na tanong ni Jase kila Pao at Rob nang makita
niyang naglalakad na ang mga ito palabas ng bar at walang duda na
nagpapalitan na ng mga contact number.
“Yup.”
masaya at todo ngiting sagot ni Rob na ikinasingkit ng mga mata ni
Jase.
“Do
you mind kung ihatid ko siya sa bahay nila?” nakangiting tanong ni
Pao kay Jase na agad ibinaling ang tingin kay Pao.
Tahimik.
Binalot
ng katahimikan ang tatlo, si Rob ay pinalipat lipat ang kaniyang
tingin kay Jase na nakatitig lang kay Pao na tila ba iniintay nito na
sabihin ni Pao na nagbibiro lang siya sa sinabi nito at si Pao naman
ay magiliw lang na nakatingin kay Jase at matyagang iniintay ang
sagot nito.
“Jase?”
tawag pansin ni Rob kay Jase na agad namang nagising sa kaniyang
iniisip.
“S-sure.”
tumatangong sagot ni Jase sabay nilagpasan ang dalawa at tuloy-tuloy
na pumunta sa kaniyang sasakyan.
“Madami
atang nainom ang isang yun.” saad ni Rob habang pinapanood ang
paalis ng si Jase.
Napahagikgik
na lang si Pao sa kaniyang tabi na agad niyang tinapunan ng tingin.
“Bungisngis
ka no?” nangingiting saad ni Rob kay Pao na nagkibit balikat lang.
“It's
just nice to see love is still in the air.” makahulugang saad ni
Pao na nakapagpakunot ng noo ni Rob.
000ooo000
“I
had fun.” pagamin ni Rob kay Pao habang hinahatid siya nito
hanggang sa pinto ng kaniyang tinutuluyan.
“Me
too.” pagamin din ni Pao habang papalapit ng papalapit kay Rob na
agad namang bumilis ang tibok ng puso.
“Want
to go out on a date with me again?” seryosong tanong ni Pao habang
papalapit ng papalapit ang kaniyang mukha sa mukha ni Rob na walang
nagawa kundi ang tumango bilang sagot sa tanong na iyon ni Pao.
Tinitigan
ni Pao ang mga magagandang mata ni Rob at ganun din ang ginawa ni Rob
sa mga magagandang mata ni Pao, hindi na nila alintana na napasandal
na si Rob sa matigas na front door dahil ang tangi lang nila parehong
gustong gawin ay ang idampi ang kanilang mga labi sa isa't isa.
000ooo000
Wala
sa sariling nagmaneho papunta kung saan si Jase, hindi niya alam kung
bakit pero tila ba ayaw niya pang umuwi, pakiramdam niya ay meron
siyang nakalimutang gawin sa araw na iyon, hindi nagtagal ay inihinto
na niya ang kaniyang sasakyan, napagod na siya sa kakaapak sa clutch,
gas at preno. Alam na niya kung ano ang kaniyang nalimutan,
nakalimutan niyang makipagkwentuhan kay Rob, nakalimutan niyang
makipagkulitan dito at nakalimutan niyang magpaalam dito kanina kaya
naman hindi na siya nagtaka kung bakit siya nasa harapan ng bahay
nito ngayon.
Pero
ang lahat ng ito na gusto niyang mangyari bago matapos ang kaniyang
araw ay agad niyang nakalimutan dahil sa kaniyang nakita sa may front
door ni Rob. Sobrang lapit na ng mukha ni Pao sa mukha ni Rob at tila
ba sa kaniyang palagay ay ilang pulgada na lang ang layo ng mga labi
nito sa labi ng kaniyang kaibigan. May tila ba kung anong humihila sa
kaniyang sikmura.
000ooo000
Umalingawngaw
sa buong paligid ang malakas na tunog ng busina na siyang sumira sa
kung ano mang kuneksyon meron ang dalawa. Sa sobrang gulat ni Pao ay
agad niyang iginiya ang kaniyang mukha palayo sa mukha ni Rob na
nagdulot upang tumama ang ulo nito sa ulo ni Rob na ikinagulat din ng
huli.
“What
the f---” nabitin na saad ni Rob sabay sapo sa kaniyang noo.
“I'm
sorry.” paghingi ng tawad ni Pao kay Rob sabay abot sa noo nito na
tila ba isang duktor na ine-eksamen ito.
“Hey
guys!” namumulang pisngi na bati ni Jase kay Rob at Pao. Agad na
tinapunan ng tingin ng dalawa ang bagong dating.
“Ikaw
ba yung bumusina?!” naiiritang tanong ni Rob kay Jase sabay
tinapunan ng naniningkit na mata.
“Ah
Oo, napindot ko lang.” pagpapalusot ni Jase sabay kamot sa ulo na
lalong ikinasingkit ng mga mata ni Rob.
“Ang
tagal mo namang napindot yung busina mo---” sarkastikong
balik ni Rob na ikinasimangot naman ni Jase habang si Pao naman ay
pinaba-balik-balik lang ang kaniyang tingin sa dalawang magkaibigan.
“So
ah-uhhmmm--- sinundan ko kayo dito just to make sure na nakauwi kayo
ng safe. so---uhmmm---una na ako.” paalam ni Jase sabay talikod ng
mabilis at naglakad ng mabilis papunta sa kaniyang sasakyan.
Tinapunan ng nagtatakang tingin ni Rob si Pao na agad lang na
nagkibit balikat, nagsasabing hindi niya din alam kung bakit ganun
ang kinikilos ng kanilang kaibigan kahit pa may ideya siya kung ano
marahil ang pinaglalaban nito.
“So
pano, una nadin ako.” paalam ni Pao kay Rob na agad lang tumango at
ngumiti.
Habang
pinapanood ni Rob si Pao na inia-atras at minamaneobra ang sarili
nitong sasakyan ay hindi parin niya mapigilang maisip kung ano ang
tumatakbo sa isip ni Jase ngayon at ganoon na lang ito umasta, nang
hindi na niya makita dahil sa layo ang sasakyan ni Pao ay nagpakawala
na lang siya ng isang malalim na hininga, binuksan ang pinto at
ipinagpabukas na lang ang pagiisip tungkol sa ikinikilos na iyon ni
Jase.
000ooo000
“Hello?”
mabilis na sagot ni Jase sa tawag na iyon ni Rob.
“Hello
Jase?” masayang balik naman ni Rob mula sa kabilang linya.
“Oh,
napatawag ka?” tanong naman ni Jase sabay inisang tabi lahat ng
kaniyang ginagawa sa loob ng kaniyang opisina doon sa Gustav's.
“Busy
ka ba?” tanong nanaman ni Rob. Sa hindi maintindihang dahilan
ay biglang napangiti si Jase, siguro dahil naririnig niya sa boses ni
Rob ang saya nito kaya naman nahahawa siya.
“Hindi
naman, bakit?”
“Papasama
sana akong mamili ng damit saka magapahatid sana ako para sa date
namin ni Pao mamyang gabi.” biglang
nanlamig ang buong katawan ni Jase sa narinig niyang ito mula sa
kabilang linya. Hindi niya alam kung bakit pero tila ba biglang
hinigop ang tuwa na kanina lang ay nararamdaman niya.
Tahimik.
“Jase?”
tawag pansin ni Rob sa kabilang
linya na gumising sa kung ano mang nararamdaman ni Jase.
“So
ganun na lang yun? Tatawag ka kapag may kailangan ka saka kapag
gagawin mo akong driver?” sarkastikong saad ni Jase.
Binalot
muli ng katahimikan ang linya. Hindi alam ni Rob kung totoo bang
naiinis na si Jase dahil unang beses niya pa lang narinig ang tonong
iyon mula kay Jase habang si Jase naman ay pinipigilan ang sarili sa
hindi maipaliwanag na kagustuhang manumbat. Nang medyo tumagal pa ng
kaunti ang katahimikan ay agad na napagtanto ni Jase na hindi maganda
ang kaniyang nabanggit kaya naman agad niya itong binawi.
“Joke!”
bulalas ni Jase na siyang nagplaster muli ng ngiti sa mukha ni Rob.
“Yey!
Thanks! Labyu!” masayang banggit ni Rob sabay baba ng telepono
upang hindi na humaba pa ang usapan at magbago ng isip si Jase dahil
alam niyang may pinagkakaabalahan din ito.
“Nauto
mo nanaman ako, Rob.” umiiling na saad ni Jase sa sarili atsaka
pinagpatuloy ang naudlot na gawain.
000ooo000
“Matagal
pa ba!?” sigaw ni Jase kay Rob habang iniintay ito matapos
magbihis.
“OA!
Parang 5 minutes pa lang akong nagaayos!” sigaw naman pabalik ni
Rob na ikinahagikgik ni Jase habang nagiikot-ikot nanaman sa loob ng
tinitirhan ni Rob.
“Basta
bilisan mo! Ayaw kong naaabala! Saka baka mamya magintay yung ka-date
mo iwan ka. Tandaan mo si Pao pa lang yung---” bitin na saad ni
Jase nang maramdaman niya ang pagtapik ni Rob sa kaniyang likuran,
dahan dahan siyang humarap atsaka ipinagpatuloy ang sinasabi.
“---siya pa lang yung ide-date mo ng dalawang beses.” pero pahina
na ng pahina ang kaniyang sinasabi nang mapagmasdan na niya si Rob.
Alam
na ni Jase na magaling manamit si Rob pero tila ba ngayon niya lang
ulit nakitang nakabihis ng ganitong kaganda ang kaibigan niya,
napatitig siya muli dito ng matagal habang si Rob naman ay iniintay
lang ang approval ng kaniyang kaibigan. Hindi namalayan ni Jase na
papalapit na pala siya ng papalapit kay Rob. Wala sa sariling itinaas
ni Jase ang kaniyang kamay at ipapadaan sana ito sa makinis na pisngi
ng kaibigan nang bigla itong gumalaw.
“Yung
phone ko! Shit, baka makalimtan ko pa!” malapit ng mag panic na
saad ni Rob na gumising kay Jase sa kaniyang iniisip.
“Oh
yeah---shit---uhmmm your phone.” wala sa sariling saad ni Jase,
ginagatungan ang sinabi ni Rob patungkol sa kaniyang telepono sabay
kamot sa ulo, pilit iniintindi ang kaniyang ikinikilos.
000ooo000
Hanggang
makarating ang dalawa sa restaurant kung saan magde-date muli sila
Pao at Rob ay hindi tumitigil si Rob sa kakasalita na hindi na lang
pinapansin ni Jase, alam niyang kinakabahan ang kaniyang kaibigan
kaya kung ano-ano nanaman ang dinadaldal nito.
“We're
here.” saad ni Jase sabay tinanggal ang kaniyang seat belt.
“We
are?” nanlalaking mata na tanong ni Rob kay Jase. “Ambilis naman.
Alam mo ikaw talaga ang bilis mong magpatakbo---”
“Rob,
15 minutes lang ang layo nito sa bahay mo.” umiiling at
napapangiting saad ni Jase sa kaibigan. “---look, I don't know why
you're nervous. Pangalawang beses niyo na itong magde-date---”
tuloy ni Jase pero agad siyang pinutol sa pagsasalita ni Rob.
“Sinong
may sabing kinakabahan ako?” nakangising saad ni Rob kahit pa
sinasabi ng mga mata nito ang tunay niyang nararamdaman. Binuksan na
nito ang pinto at nang akala ni Jase na magtutuloy-tuloy na ito
papasok ng restaurant ay umikot pa ito ng sasakyan niya at binuksan
ang pinto niya.
“Samahan
mo muna ako sa loob habang wala pa si Pao, please.” tila batang
pagmamakaawa na saad ni Rob sa kaniyang kaibigan na ikinailing na
lang ni Jase. Pero kahit pa ayaw niya itong pagbigyan sa hinihiling
nito ay hindi parin ito natiis ni Jase at inayos pa muna ang kaniyang
sarili saka sinundnan si Rob sa loob ng restaurant.
“Table
for two?” tanong ng waitress na sumalubong sa dalawa.
“Ah
actually hindi ako yung---” simula ni Jase pero pinutol nanaman
siya sa pagsasalita ni Rob na walang tigil sa kakalingon, at dahil sa
kakalingon na iyon ay hindi na niya naintindi ang sinasabi ng
waitress at sumagot.
“Yes,
table for two please.”
“OK.
Follow me.” balik ng waitress na agad namang sinundan ni Rob na
ikinabuntong hininga ni Jase, iniisip na dahil sa sobrang excitement
at kaba ni Rob ay sasabihin na nito ang kung ano mang maisip sabihin.
Umupo
sila at nag-intay, si Jase tahimik lang na nakikinig sa mga
ikinukwento ni Rob kahit gaano pa man ito ka-non sense, iniisip na
siguro ay ganito rin ang nararamdaman nito noong siya naman ang
walang tigil sa kakasalita noong mga panahong nawala sa kaniya si
Aaron. Ilang beses ng dumaan at nagtanong ang waitress na nakatoka sa
kanilang table tungkol sa kanilang orders pero pilit nila itong
pinagiintay dahil alam nilang parating na si Pao.
Kahit
pa wala itong text o tawag sa kanilang pareho.
Isang
oras ang lumipas at wala paring Pao na nagpapakita sa kanilang
dalawa, kumakalam na ang sikmura ni Jase at nagsisimula ng maboryo
kagaya ng waitress na tila ba umiiksi na ang pisi ng pasensya habang
si Rob ay patuloy lang sa pagkukuwento.
Dalawang
oras at kalahati na ang lumipas at wala parin si Pao, nakakunot na
ang noo ni Jase at si Rob ay nakayuko na lang na nagkukuwento. Hindi
na mahagilap ang waitress, walang duda na ibang customer na lang ang
inasikaso. Pero kahit gaano pa man ka-gutom at kabugnot si Jase ay
hindi niya iniwan si Rob tulad ng pagtitiis nito sa kaniya noon pero
habang inihahanda niya ang sarili sa matagalang pagiintay ay biglang
nagsalita si Rob, iba sa tono noong nagkukuwento siya, mas mahina ito
ngayon na tila ba nahihiya at malapit ng umiyak.
“He's
not coming is he?” tila batang inagawan ng regalo sa paskong tanong
ni Rob kay Jase na tila naman kinurot sa dibdib. Hindi siya sanay na
nakikitang ganito ang kaibigan.
Hindi
alam ni Jase ang kaniyang sasabihin kaya naman tumahimik na lang
siya.
“I
don't know what I kept doing wrong.” papaiyak na saad ni Rob.
Muli,
hindi alam ni Jase kung ano ang kaniyang sasabihin.
“Y-you
can go home now. Alam ko namang marami ka pang gagawin, Jase. Sorry
sa istorbo.” malungkot na saad ni Rob habang nakayuko padin,
naramdaman niyang gumalaw at tumayo si Jase na lalo niyang
ikinalungkot.
“Yes
sir?” tanong ng waitress na ikinataka ni Rob, agad siyang nagtaas
ng tingin.
“Bill
out na please---”
“Pero
sir wala pa po kayong ino-order.” magalang na saad ng babae na
nginitian lang ni Jase.
“Alam
kong naabala namin kayo for waiting here sa isang walanghiya na hindi
naman pala magpapakita, so para makabawi sa abala I'll pay for a meal
for two kahit yung cheapest or your most expensive dish, OK lang.”
saad ni Jace na ikinagulat ni Rob at ng waitress.
Ibinigay
ng waitress ang bill na hinihingi ni Jase at ibinigay naman ni Jase
ang pera dito at pinatago na ang sukli, gulat parin si Rob sa
nangyayari kaya naman hindi kaagad siya nakatayo sa kaniyang pwesto
at nang i-alok na lang ni Jase ang kaniyang kamay saka na lang siya
nagising sa pagkakagulat na iyon at hinayaan siyang itayo ni Jase.
“Want
to go on a date with me?” seryosong saad ni Jase matapos siyang
itayo nito na ikinatameme ni Rob.
Itutuloy...
Against All Odds 3 [10]
by:
Migs
ReplyDeleteI have made a dummy account (as much as I detest doing one), napilitan ako eh. I have to get the attention of those who post my stories sa wall nila and then claim it as their own. Nakakinis kasi matapos mong paghirapan, sila ang magcre-credit. Halos di na nga ako matulog makapag-post lang tapos siya naman kokopyahin lang.
I'm not a blog genius at hindi ko alam ang sinasabi niyong pagla-lock. :-(
please add me and support my fight against these plagiarizers. Here's the link.
https://www.facebook.com/miguel.salvador.1232?fref=ts
Nais ko lang pong linawin na ang kwento pong “SKYBAND” ay akda po ng isa sa aking pinakamalapit na kaibigan na si Ezekiel o ang may pakana ng blog na 'to http://zildjianstories.blogspot.com/
guys meron pong bagong writer sa m2m genre siya po si sir JD bisitahin niyo po ang blog niya ;-) http://jdsloveencounters.blogspot.com
Ating po silang suportahan! :-)
Hi guys! Here's AAO 3.
Lighter.
Shorter.
Lighter, kasi hindi siya masyadong heavy on drama.
Shorter, with just a max of FIFTEEN chapters. OPO PINADAMI KO. HAHA!
Enjoy guys! ;-)
russ: thanks! :-)
ANDY: intayin natin kung si Shiela nga ba ang nakakita. :-)
Papa JC Sy: Thanks! :-)
robert mendoza: tama ka po. Lalo na po sa chapter 10. :-)
Kulio Antivo: thanks at sana hindi mo pagsisihan ever ang pagbisita mo sa blog ko. haha!
MigiL: yup. Every one seems to be busy nitong mga panahong ito dahil iilan na lang kayong nagco-comment. Haha!
Anonymous December 30, 2014 at 10:27 PM: Sorry sa mabagal na update. Busy sa work at sa buhay buhay, but I'm still doing my best parin to update my stories at least once a week, wala nga lang talagang time. :-(
MARAMING SALAMAT ULIT SA PATULOY NA PAGSUPORTA AT SA NAGUUMAPAW NA COMMENTS! MORE PLEASE! ENDORSE THIS BLOG SA FRIENDS NIYO DIN AH! :-) I'm targeting to gain more followers! Salamat! :-)
ayun nakabisita din ulit! thnx sa updates migs! apat na chapter babasahin ko hahaha..happy new yr migs!
ReplyDeleteSi migs new year na new year nagpapakilig hahahahaha happy new year!
ReplyDeletehahahahahaha sa wakas nasabi rin ni jase!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!! HAPPY 2015 MIGS! *peace out*
ReplyDeletethis is simply cute and amazing para lang akong nagbabasa ng lovestory na pambata ganun ewan basta yun :-)
One of those chapters where you can't help it but smile. That "want to go on a date with me?" line tho! Kilig pa more!! Happy New Year Migs!
ReplyDelete-dilos
whooooaaah, at last mukhang magkakaroon na din ng TRUE LOVE ang dalawa! he he he. kala ko patatagalin mo pa at gagawing complicated ang situation MIGz eh. he he he. tnx sa npakaganda at nkakaaliw na back to back update MR. AUTHOR. HAPPY NEW YEAR AND GOD BLESS YOU ALWAYS PO. yngat lage.
ReplyDeleteYown oh dumaDAMOVES na si Jase go base.. Win rob heart!... kilig to the balls..haha..can't wait for the next chapter. HAPPY NEW YEAR boss migz...
ReplyDeletenakakainis ka kuya migs T_T.. nakakakilig ng sobra..ajujukels..
ReplyDeleteako ung anon last time and sorry if medyo naoffend ko po kau..baka napressure ko po kau..sorry
pero nonetheless grabe ha..JASE nakakainis ka na ha...ane ke be..weg keng genyen
Though, I am a fan. I was hoping that this series would come to end. Thought, this would be written in less than 10 chapters. I don't like cliffhangers. That's why I let you finish before I read.
ReplyDeleteCan you write about Ram and his guy's story next?
Thanks for writing. Don't mind me and my selfish requests.
Dumadamoves na si Jase
ReplyDeleteIs this the start of TRUE LOVE?.. Really nice transition Migs.. :)
ReplyDeleteGrabe! Kilig na naman ako! Iba talaga kapag ikaw ang gumawa!
ReplyDeleteWaaaaaah nagccmula na!!! Nikikilig na ako! :3 Sir Migs i'm one of your silent readers at yes nakakakilig tlga.lahat ng stories mo :)) can't wait for the next chapter :)) kudos to you Sir Migs! :)
ReplyDeleteAng galing galing mo pa din Migz. Walang kupas! Been a while since my last visit. Catching up on your works. Brilliant as ever. Labz u po.
ReplyDeleteHi sir migs! It's been a while since I visited. Ang galing niyo pa rin po! Hoping to read more stories from you. :) And I know ayaw mo ituloy ang chasing pavements, pero sana dumating yung time na ready ka na ikwento ulit yun. :)
ReplyDelete- Joshua D.C.
amazing
ReplyDelete