Breaking Boundaries 2[18]

DISCLAIMER: The following is a work of fiction. Any similarities to any written works and any person, living or dead are purely coincidental. The story is intended for a mature audience. It may contain profanity and references to gay sex. If this offends you, please leave and find something more suitable to read. The author maintains all rights to the story. Do not copy or use without written permission. Email the author at miguisalvador@yahoo.com for comments, suggestions and violent reactions in pertaining to this blog and the stories that comes along with it.

Nagkatinginan si Allen at Adrian sa sinabi ni Andy sa kanilang dalawa. Natapos na ng mga tauhan ni Dale ang buong bahay, walang nabago sa orihinal na design nito at wala halos pinaltan sa orihinal nitong mga materyales, tila ba bagong gawa lang ito at kalilipat lang ng kanilang mga magulang doon, kaya naman ang marinig ni Adrian at Allen na ibibigay na lang ni Andy ang kaniyang pamana sa bahay na iyon sa kanilang nakababatang kapatid na si Anthony ay talaga namang nagulat sila.


Mahal na mahal ni Andy ang bahay na iyon. Siya ang may pinakamaraming magandang alaala sa bahay na iyon at sa bibig narin nito noon nanggaling na sa oras na tumanda na silang lahat ay doon siya sa bahay na iyon mananatili.

Andy---” simula ni Allen, tatanungin sana ang nakababatang kapatid kung sigurado siya sa kaniyang desisyon pero agad din siya nitong pinutol sa pagsasalita.


Ngumiti si Andy pero hindi nakaligtas sa kaniyang dalawang kapatid ang pagiging peke ng ngiting iyon na sa kabila ng ngiti nito na labas lahat ng panay pantay na ngipin ay malungkot naman ang pinapakita ng mga mata nito.


I'm sure, kuya. Besides, gusto kong bumalik sa US---”


Is this because of Dale?” walang prenong tanong ni Adrian, naiinis na sa pagiging padalos-dalos nanaman ng kaniyang kapatid.


W-what?” biglang namutlang tanong ni Andy sa kaniyang nakatatandang kapatid hindi inaasahan ang tanong na iyon at pagbanggit sa pangalan ni Dale.

Di namin alam kung anong nangyari nung umagang iyon, Andy. Hindi namin alam kung bakit biglang umalis si Tom at kung bakit hindi na nagpakita si Dale dito pero Andy hindi mo naman kailangan magpadalos-dalos. Babalik ka sa US, anong gagawin mo dun? San ka titira? Sinong makakasama mo?” dare-daretsong saad ni Adrian na nagtulak kay Andy na mapayuko.


You don't understand.” tahimik pero nasasaktan na saad ni Andy na siyang nakapagpataas sa dalawang kamay ni Adrian na miya mo ba sumusuko na siya sa pagpapaintindi sa kaniyang kapatid.


Andy, ang gusto lang i-point out ni kuya is you don't have to keep doing this to yourself---” simula naman ni Allen, umaasa na makuwa ni Andy ang kanilang punto kapag siya naman ang nagpaintindi dito.


So what kung umalis sila? So what kung sinaktan ka nila---” simula ulit ni Allen nang makita niyang hindi na makikipagtalo si Andy sa kaniyang mga sinabi.


Ako yung nanakit.” pagtatama ni Andy sa sinabi ng kaniyang kuya na siyang nagtulak muli sa dalawa upang magpalitan ng tingin.


Eh ano naman ngayon kung ano pa man yung nangyari. May buhay ka dito sa Pilipinas, hindi mo kailangan baguhin lahat ang tungkol sa buhay mo dahil lang may nasaktan, dahil lang hindi mo nagustuhan yung kinahantungan ng mga pangyayari, dahil lang nagkamali ka sa isang desisyon.” pagtatapos ni Allen na agad namang sinuportahan ni Adrian.


You can't change everything just because you made one mistake.”


Agad na nangilid ang mga luha ni Andy.


Buo na ang desisyon niya kahit ano pa ang sabihin ng kaniyang mga kapatid.


000ooo000


Sir, may itinawag po si Sir Adrian---” bungad ni Mang Jim kay Dale nang sa wakas ay lumabas na ito sa kaniyang opisina.


May ilang linggo na ang nakakalipas ay napansin ng mga tauhan ni Dale ang malaking pagbabago sa kanilang amo. Mabait parin ito, may gana parin sa trabaho pero madalas na nila itong napapansin na malungkot at madalas napapatigil at napapatulala sa isang tabi na kala mo napakalalim ng iniisip.


Hindi nadin ito bumalik sa bahay nila Andy na ikinataka nilang lahat. Oo, hindi naman sa tuwing may proyekto sila ay laging nandun ang kanilang boss na si Dale pero nasanay na sila na iba ang magkakapatid sa lahat ng kanilang naging mga kliyente, sa lahat ng kanilang proyekto ay ito ang pinaka tinutukan ng kanilang boss, hindi lang dahil kakaiba ito kumpara sa iba nilang mga proyekto at kinukunsidera itong isang “challenge” ng lahat kundi dahil alam din ni Mang Jim na may namamagitan sa kanilang boss at kay Andy. Kaya naman nang bigla na lang nagbigay ng utos si Dale sa isa sa pinagkakatiwalaan nitong tao upang hawakan ang proyektong iyon upang makapag-focus na daw siya sa iba pa nilang kliyente ay talaga namang nagulat siya.


Natigilan si Dale sa paglalakad, tinignan saglit si Mang Jim kung tama ba ang narinig nito mula sa bibig ng matanda atsaka mabilis na ibinaba ang tingin sa kaniyang tablet at nagkunwaring hindi siya apektado.


Tell Mon to check kung anong kailangan ni Adrian.” swabeng utos ni Dale na patuloy parin sa pagkukunwari na may inaasikaso sa kaniyang tablet.


Natigilan ulit si Mang Jim at binato ng isang hindi makapaniwalang tingin kay Dale.


Kapapadala mo lang sa kaniya sa Bataan diba?” tanong ni Mang Jim kay Dale na nagtulak sa huli na itigil na ang kaniyang ginagawang pagpapanggap.


Wala na ba tayong ibang pwedeng ipadala kila Adrian?” malungkot at halatang may iniiwasang saad ni Dale kay Mang Jim na nagtulak sa huli upang umiling.


Wala na. Lahat ng kasama namin sa project na iyon ay pinadala mo na sa kung saan saan. Tayo na lang dalawa ang nakakaalam ng pasikot sikot sa proyekto na iyon---” simula ni Mang Jim na siyang kumuwa ng pansin ni Dale kaya ito nagtaas ng tingin.


--OK lang naman sakin kung ako ang ipapadala mo---” pagpapatuloy ni Mang Jim pero agad din siyang pinatigil ni Dale sa pagsasalita sa pamamagitan ng pagsasalita rin.


NO.” mariing saad ni Dale. “Kaya nga kita inilagay sa opisina dahil hindi na kaya niyang tuhod niyo ang magbubuhat at sumiksik sa kung saan saan tapos ipapadala kita dun kila An-- Adrian.” mariing pagtatapos parin ni Dale. Muling umiling si Mang Jim.


Sinong papapuntahin mo?” tanong ni Mang Jim sa kaniyang boss na agad ding namutla.


Bahala na.”


000ooo000


Baka may pumunta dito para ayusin yung dalawang pinto sa taas. Nagloloko ulit yung mga door knob eh.” bilin ni Allen kay Andy na abala sa kakatipa sa kaniyang laptop.


OK.” matipid na sagot ni Andy kay Allen na siyang nagtulak sa huli upang magpakawala ng isang malalim na hininga.


Mga within this week siguro.” pagpapatuloy ni Allen pero hindi parin inalis ng nakababatang kapatid ang pansin nito sa kaniyang laptop at tanging pagtango lang ang sinagot sa kaniyang kapatid na napabuntong hininga na lang ulit.


I'm sorry.” tahimik na saad ni Allen matapos ang mahabang katahimikan sa pagitan nila na tila bumingi kay Andy.


Kahit gaano pa kahina ng pagkakasabing iyon ng kaniyang nakatatandang kapatid tila isa naman itong sigaw para sa kaniyang mga tainga. Rinig na rinig niya ang sinseridad sa mga katagang sinabi ni Allen at ang katotohanang nanggaling ito kay Allen, isa sa pinaka matipid pagdating sa pagpapahayag ng nararamdaman ay talaga namang kumuha ng atensyon ni Andy pero hindi na niya ito sinabi pa dito at hinayaan na lang itong magpatuloy sa pagsasalita.


Akala namin pushing Tom out of the picture would be good for you. I mean, it's obvious that you two doesn't love each other---” simula ni Allen at nang makita niyang kokontrahin ni Andy ang sinabi niyang ito ay agad nitong pinagpatuloy ang sasabihin. “Andy, you don't have to deny it. Kitang kita namin, you're just using each other. Nakita namin na it's not healthy anymore. Naduwag kami and decided to add Dale sa picture. We never meant to hurt anybody. Di namin ginusto na may mas lalong masaktan.” pagtatapos ni Allen. Muling nag baba ng tingin si Andy.


Please don't shut us out again.” pabulong ulit na saad ni Allen sabay yuko na ikinagulat nanaman muli ni Andy.


W-what?” malungkot na pagpapalinaw ni Andy sa sinabi ng kaniyang kapatid.


You're going to give the house to Anthony, wala siyang panahon para asikasuhin itong matandang bahay, may kaniya kaniya nadin kami. Ikaw lang ang may malasakit sa bahay na ito Andy and you're giving that up because you want to run away from the pain, you want to start new and I understand that. Wala na kaming magagawa kung yan talaga ang gusto mo pero sana lang Andy don't shut us out like before.” nangingilid luha ng pagpapaliwanag ni Allen kay Andy.


Kuya---” nangingilid luhang saad nadin ni Andy, di niya alam kung ano pang sasabihin niya kaya naman tumayo na lang siya mula sa kaniyang kinauupuan at mabilis na tinungo ang kinatatayuan ng kapatid at niyakap ito ng mahigpit.


Tayo tayo na lang ang nandito. Di narin namin alam kung pano aayusin lahat ng nangyari, Andy pero takot na takot kaming mawala ka ulit samin.” sabi ulit ni Allen saka ibinalik nadin ang yakap ng kaniyang kapatid.


Marami pang napag-usapan si Allen at Andy matapos ang tagpong iyon, hindi naman siya pinipilit ng kaniyang kapatid na tumigil doon sa matandang bahay at huwag ng magpunta sa US ang totoo niyan ay walang nabanggit ang kaniyang nakatatandang kapatid tungkol dito. Tanging mga alaala noong mga bata sila, ang kanilang mga awayan noon na siyang pinagtatawanan na lang nila ngayon at mga tanong tungkol sa kanilang mga kinabukasan ang napagusapan nila.

Thank you.” wala sa sariling saad ni Allen matapos ang kanilang pinagkwe-kwentuhan. Agad na nangunot ang noo ni Andy.

What for kuya?” tanong ni Andy.

For not shutting us out this time.”

Natahimik saglit si Andy, ngayon, pinagsisisihan na niya ang kaniyang paglalagay ng matayog na pader sa pagitan niya at kaniyang mga kapatid, hindi niya kasi nakikita noon kung paano ito nakakaapekto sa mga ito, bagay na nagsasabi kung gaano siya ka makasarili noon. Nagbigay na lang ng isang makahulugang ngiti si Andy at tumango sa kaniyang nakatatandang kapatid, bilang sagot sa pasasalamat nito.


Kailangan ko ng umalis---” saad ni Allen sabay tayo.


Sabihan mo kami kapag nakapagpa-book ka na ha?” pagapapatuloy ni Allen na nakapagpatigil naman kay Andy at hindi ito nakaligtas sa mas nakakatanda sa kanilang dalawa.


Nakapagpabook ka na no?” nangingiting saad ni Allen, kilalang kilala na niya ang kaniyang kapatid at ang pamumutla nito matapos ang kaniyang huling sinabi ay lalong nakapagpasiguro sa kaniya sa kaniyang haka haka.


Kailan ang alis mo?” tanong ulit ni Allen at ito ang tanong na hindi na kaya pang iwasan ni Andy.


This saturday.” nagulat si Allen sa sagot na ito ni Andy pero pilit niya ito hindi pinahalata sa huli at nagbigay na lang muli siya ng isang malungkot na ngiti.


Call us if you need help sa pagiimpake.” saad ni Allen sabay yakap sa kaniyang nakababatang kapatid na mahigpit ding ibinalik ni Andy.


Nang maghiwalay sa pagkakayakap ang dalawa ay siyang tuloy tuloy na naglakad na palabas si Allen ng matandang bahay.


Ingat kuya.” malungkot na saad ni Andy. Saglit pang tumalikod si Allen at ngumiti saka nagpatuloy sa paglalakad papunta sa kaniyang sasakyan.


Napabuntong hininga si Andy, nagsisimula ng kwestyunin kung tama pa ba ang kaniyang gagawin.

000ooo000

Paalis na si Andy patungong US, rumenta na ito ng isang kwarto sa isang hotel malapit sa airport, hindi kasi siya magagawang ihatid ng kaniyang mga kapatid, dahil sa biglaan ang kaniyang pag-alis ay hindi nagawang gawan ng paraan ang kanilang mga schedule, kaya naman para hindi na kuwanin ng kung sino man sa kaniyang mga kapatid ang maiiwan niyang sasakyan sa airport, naisipan na lang niya na rumenta ng isang kwarto at mag taxi na lang mula sa hotel papuntang airport.


Planchado na ang lahat, nakapag impake na siya, nakapagpapalit na siya ng pera at nasabihan na niya ang kaniyang titirahan sa US. Isang araw bago ang kaniyang flight ay iniisa isa na ni Andy ang kaniyang kakailanganin sa mismong flight. Sigurado na siya sa laman ng kaniyang mga maleta sapagkat meron siyang checklist para dito, ang tangi na lang natitira na kaniyang dapat tignan ay ang kaniyang mga dokumento para sa flight bukas.


Butil-butil na ang kaniyang pawis at halos baliktarin na niya ang kaniyang mga maleta pero hindi parin niya makita ang isa sa pinaka imoprtanteng dokumento para sa kaniyang pag-alis bukas. Ang kaniyang pasaporte.


Huli niya itong nakita na nakalagay sa isang short brown envelope sa kaniyang kwarto sa matandang bahay ang hindi niya matandaan ay kung saan na niya ito nailagay. Iiling-iling na tumayo si Andy sa kaniyang kinasasalampakan sa sahig, nagbuntong hininga at kinuwa ang wallet at susi ng lumang bahay sa bedside table ng inuupahang hotel.


Shit.” umiiling paring saad ni Andy sa kaniyang sarili, hinihiling na naiwan niya lang talaga ito sa matandang bahay at hindi nawala.


000ooo000


Wala paring makuhang tao si Dale para sa huling trabaho na hinihiling sa kaniya ni Aldrin sa matandang bahay, ayaw naman niyang si Mang Jim ang utusan sapagkat alam niyang hindi na kaya ng matanda na kumpunihin ang kailangang gawin sa matandang bahay kaya naman upang hindi na muli pang sumama ang loob sa kaniya ng mga magkakapatid ay napagpasyahan niyang siya na lang ang lalabas ng opisina at siya na mismo ang gagawa ng pinapakisuyo ni Aldrin.


Sigurado ka ba? Kaya ko pa naman, Dale---” simula ni Mang Jim nang makita niyang daladala na nito ang tools para sa kung ano man ang kukumpunihin niya.


Ako na ang bahala, Mang Jim.” nakangiting usal ni Dale sa matanda.


Saglit natahimik ang dalawa, si Dale abala sa pagaayos pa ng mga posibleng gamiting tools habang si Mang Jim naman ay abala sa panonood sa kaniyang boss.


Pano kapag nakita mo doon si Andy?” wala sa sariling tanong ni Mang Jim kay Dale na saglit natigilan sa kaniyang ginagawa, nilingon ang matanda at nagkibit balikat bilang paunang sagot sa tanong ng matanda.


Ewan ko---” sagot ni Dale saka ipinagpatuloy ang kaniyang ginagawa.


Advise ko lang. Huwag mo ng pigilan ang tunay mong nararamdaman. Kung sa pagkakataong ito, ipinagtabuyan ka parin niya at alam mo namang wala paring magbabago sa nararamdaman mo sa kaniya edi ipaglaban mo ang alam mong tama---” muling hinarap ni Dale ang matanda at tinignan ito ng mariin. Kitang kita ng matanda ang takot ng binatilyo na muling ipagtabuyan siya ni Andy at pagaalinlangan dahil sa ayaw na nitong masaktan.


---Takot at pagaalinlangan ang mas nananaig kasi sa pagitan niyong dalawa. Testing-in niyong huwag masyadong mag-isip, huwag masyadong gawing kumplikado ang lahat, sigurado ako magkaka-ayos kayong dalawa.” pagtatapos ng matanda sabay talikod at naglakad na palabas ng opisina ni Dale, iniwan ang binatilyo sa malalim nitong pagiisip.


000ooo000


Ilang beses pang tinanong ni Dale ang kaniyang sarili kung handa na ba siya kung sakaling makaharap niya si Andy, hindi naging maganda ang kanilang huling pagkikita at hindi niya alam kung kakayanin niya ang sinasabi ni Mang Jim na alisin sa kaniyang sistema ang pagaalinlangan gayong masyado siyang nasaktan nang ipagtulakan siya ni Andy palayo.


Matapos magpakawala ng isa nanamang malalim na hininga ay pinilit na niya ang kaniyang sarili na bumaba ng kaniyang sasakyan. Nang makarating siya sa unahan ng pinto ng matandang bahay ay ilang ala-ala agad ang pumasok sa kaniyang isip.


Dito unang naglapat ang mga labi nila ni Andy. Isang bagay na hindi malilimutan ni Dale sapagkat bago ang tagpong iyon ay hindi alam ni Dale na malalim na ang nararamdaman niya kay Andy at hindi niya lang iyon basta ginagawa dahil sa pustahan nila ni Jay.


Pustahan.” napailing ulit si Dale nang maalala ang dahil sa pustahan na iyon ng kaniyang pinsan.


Muli tinanong niya ang kaniyang sarili na kung ano kaya ang nangyari kung sinabi niya kay Andy noong una pa lang ang tungkol sa pustahan, naging iba kaya ang kinahantungan ng pagsasama nilang dalawa, mauuwi din kaya iyon sa away o mas magiging malalim pa ang kanilang pagtitinginan.


Muling napabuntong hininga si Dale at kumatok na sa pinto na kanina niya pa tinititigan.


Walang sumasagot.


Muli siyang kumatok at nang wala paring sumasagot at wala sa sarili na niyang pinihit ang seradura ng pinto na agad namang bumukas, nagsasabing may tao sa loob ng bahay kaya naman tuloy tuloy na lang siyang pumasok. Hindi matigil sa kakalingon ang ulo ni Dale, umaasa na sa bawat kanto o kaya likod ng mga aparador ay lalabas ang isa sa mga magkakapatid o kaya naman si Andy pero halos nalibot na niya ang buong unang palapag ng bahay ay wala parin siyang nabungaran ni isa sa may ari ng bahay na iyon.


Asan na kaya ang mga iyon.” tanong ni Dale sa sarili sabay akyat sa may hagdanan papunta sa ikalawang palapag ng bahay.


Naabutan niya ang isa sa mga pinto ng kwarto sa ikalawang palapag na nakabukas. Sumilip siya dito at naabutan niya si Andy na nakaluhod sa sahig katapat ang bedside table at miya mo may hinahanap sa maliit na drawer nito. Hindi niya magawang tawagin ang pansin nito dahil hindi niya alam kung ano ang magiging reaksyon nito sa kanilang muling pagkikita o kung ano ang kaniyang dapat sabihin, sa kabila ng malalim na pagiisip at pagaalinlangan na ito ni Dale ay wala sa sarili naman siyang lumalapit sa abalang Andy.


Maski nakatalikod si Andy ay hindi parin mapigilan ni Dale na sabihin sa sarili na nami-miss na niya haplusin ang malambot nitong balat at balutin ang katawan nito ng kaniyang malalaking braso pero dahil hindi maayos ang lahat sa pagitan nilang dalawa ay nagkasya na lang siya sa pagabot sa balikat nito para makuwa ang atensyon nito.


At nakuwa nga ng ginawang ito ni Dale ang atensyon ni Andy at sobra pa nga ang nakuwa niyang atensyon.


AAAAAARRRRRGGGGGGHHHHHHH!”


Agad na hinawakan ng mahigpit ni Andy ang kamay ni Dale at tumayo sabay hila ng malakas gamit ang sariling bigat na siyang nakapagpatalsik kay Dale at tumama sa bedside table at lumanding sa sahig.


Aray ko.” iyak ni Dale matapos ng masamang bagsak sa sahig at pagkauntog sa bedside table.


Shit!” singhal ni Andy sa sarili nang mapagtantong hindi pala magnanakaw ang kaniyang pinabagsak kundi si Dale na tila naman iiyak na sa sakit dahil sa kaniyang ginawa.


Itutuloy...

Breaking Boundaries 2

[chapter 18]


by: Migs

Comments

  1. Sorry po ulit sa sobrang late na update. :-(


    MARAMING SALAMAT KAY EZEKIEL (ZILDJIAN) SA PAGPAPAGANDA NG BLOG KO! MWAH MWAH!


    I have made a dummy account (as much as I detest doing one), napilitan ako eh. I have to get the attention of those who post my stories sa wall nila and then claim it as their own. Nakakinis kasi matapos mong paghirapan, sila ang magcre-credit. Halos di na nga ako matulog makapag-post lang tapos siya naman kokopyahin lang.

    I'm not a blog genius at hindi ko alam ang sinasabi niyong pagla-lock. :-(

    please add me and support my fight against these plagiarizer. Here's the link.

    https://www.facebook.com/miguel.salvador.1232?fref=ts


    Nais ko lang pong linawin na ang kwento pong “SKYBAND” ay akda po ng isa sa aking pinakamalapit na kaibigan na si Ezekiel o ang may pakana ng blog na 'to http://zildjianstories.blogspot.com/

    Ating po siyang suportahan! :-)

    MigiL: masisisi ba talaga natin si Andy? Haha! Salamat po!

    Russ: Galit na galit kay Tom? Haha! :-)

    Migz: thanks! :-)

    Ryge Stan: naks! Martyr! Ako din ata eh!

    Therese Llama: Naks! May naisip ka ng plot ha?! :-)

    ANDY: thanks din! Sorry to keep you waiting. :-(

    Racs: salamat!

    AR: gusto mo ba ng patayan? Haha!

    Marc: haist? :-(

    chants: sorry. :-(

    dilos: sorry for melting your heart. :-(

    waydeejanyokio: yup. Walang natira. ;-)

    marc: malalim na buntong hininga talaga? :-(

    Jorge Canlas: slight lang? Haha! Kawawang tom. :-)

    Hey Adams: haha! Nagmamakaawa?

    JPL: thanks din po sa comment.

    Julio: nice! Nakuwa mo ang tinutumbok ng chapter! Congrats! ;-)

    Christian: people say stupid things when they let emotion overrun them. ;-)

    jek: nganga talaga?

    Dale: naks! Based from experience ba yan? :-)

    Peksman: Aww! Malay mo sa next chaps di ka na malungkot.

    Jemyro: San ba probinsya mo?

    Zekie: Salamat po! :-*

    Charles: emo ba? Haha! Salamat!

    Lyron Batara: salamat! This AAO is different from the past two books. ;-) ayan ah may spoiler ka na! :-)

    Julio Antivo: Yup! Thanks kay Zildjian!

    Rekha: salamat po! Si Zekie (Zildjian) ang gumawa niyan sa blog ko. :-)

    3D: thanks po!

    Chase: I owe the new look of my blog to Zildjian. :-)

    Teck: thanks din sa pagbabasa! :-)

    MARAMING SALAMAT ULIT SA PATULOY NA PAGSUPORTA AT SA NAGUUMAPAW NA COMMENTS! MORE PLEASE! ENDORSE THIS BLOG SA FRIENDS NIYO DIN AH! :-) I'm targeting to gain more followers! Salamat! :-)

    ReplyDelete
  2. Thanks for the update and never failing to give us really really good chapters..

    ReplyDelete
  3. hahaha.. nice sir migz


    marc

    ReplyDelete
  4. thanks for the update migs hehehe too bad medyo naging busy ako lately kaya hindi ko nakita na may update na pala. Sana things would be fix between Andy and Dale...

    Have a great day migs and keep it up

    ReplyDelete
  5. ako'y nagbalik at nasabik sa update na to waaaaaaaaaaaaaaaaaaaaa!

    ang galing uber!

    ReplyDelete

Post a Comment

Popular posts from this blog

The Rebound

Make It With You [Chapter 5] Failed Plans

Against All Odds 2[55]