Breaking Boundaries 2[18]
DISCLAIMER:
The following is a work of fiction. Any similarities to any written
works and any person, living or dead are purely coincidental. The
story is intended for a mature audience. It may contain profanity and
references to gay sex. If this offends you, please leave and find
something more suitable to read. The author maintains all rights to
the story. Do not copy or use without written permission. Email the
author at miguisalvador@yahoo.com
for comments, suggestions and violent reactions in pertaining to this
blog and the stories that comes along with it.
Nagkatinginan
si Allen at Adrian sa sinabi ni Andy sa kanilang dalawa. Natapos na
ng mga tauhan ni Dale ang buong bahay, walang nabago sa orihinal na
design nito at wala halos pinaltan sa orihinal nitong mga materyales,
tila ba bagong gawa lang ito at kalilipat lang ng kanilang mga
magulang doon, kaya naman ang marinig ni Adrian at Allen na ibibigay
na lang ni Andy ang kaniyang pamana sa bahay na iyon sa kanilang
nakababatang kapatid na si Anthony ay talaga namang nagulat sila.
Mahal
na mahal ni Andy ang bahay na iyon. Siya ang may pinakamaraming
magandang alaala sa bahay na iyon at sa bibig narin nito noon
nanggaling na sa oras na tumanda na silang lahat ay doon siya sa
bahay na iyon mananatili.
“Andy---”
simula ni Allen, tatanungin sana ang nakababatang kapatid kung
sigurado siya sa kaniyang desisyon pero agad din siya nitong pinutol
sa pagsasalita.
Ngumiti
si Andy pero hindi nakaligtas sa kaniyang dalawang kapatid ang
pagiging peke ng ngiting iyon na sa kabila ng ngiti nito na labas
lahat ng panay pantay na ngipin ay malungkot naman ang pinapakita ng
mga mata nito.
“I'm
sure, kuya. Besides, gusto kong bumalik sa US---”
“Is
this because of Dale?” walang prenong tanong ni Adrian, naiinis na
sa pagiging padalos-dalos nanaman ng kaniyang kapatid.
“W-what?”
biglang namutlang tanong ni Andy sa kaniyang nakatatandang kapatid
hindi inaasahan ang tanong na iyon at pagbanggit sa pangalan ni Dale.
“Di
namin alam kung anong nangyari nung umagang iyon, Andy. Hindi namin
alam kung bakit biglang umalis si Tom at kung bakit hindi na
nagpakita si Dale dito pero Andy hindi mo naman kailangan
magpadalos-dalos. Babalik ka sa US, anong gagawin mo dun? San ka
titira? Sinong makakasama mo?” dare-daretsong saad ni Adrian na
nagtulak kay Andy na mapayuko.
“You
don't understand.” tahimik pero nasasaktan na saad ni Andy na
siyang nakapagpataas sa dalawang kamay ni Adrian na miya mo ba
sumusuko na siya sa pagpapaintindi sa kaniyang kapatid.
“Andy,
ang gusto lang i-point out ni kuya is you don't have to keep doing
this to yourself---” simula naman ni Allen, umaasa na makuwa ni
Andy ang kanilang punto kapag siya naman ang nagpaintindi dito.
“So
what kung umalis sila? So what kung sinaktan ka nila---” simula
ulit ni Allen nang makita niyang hindi na makikipagtalo si Andy sa
kaniyang mga sinabi.
“Ako
yung nanakit.” pagtatama ni Andy sa sinabi ng kaniyang kuya na
siyang nagtulak muli sa dalawa upang magpalitan ng tingin.
“Eh
ano naman ngayon kung ano pa man yung nangyari. May buhay ka dito sa
Pilipinas, hindi mo kailangan baguhin lahat ang tungkol sa buhay mo
dahil lang may nasaktan, dahil lang hindi mo nagustuhan yung
kinahantungan ng mga pangyayari, dahil lang nagkamali ka sa isang
desisyon.” pagtatapos ni Allen na agad namang sinuportahan ni
Adrian.
“You
can't change everything just because you made one mistake.”
Agad
na nangilid ang mga luha ni Andy.
Buo
na ang desisyon niya kahit ano pa ang sabihin ng kaniyang mga
kapatid.
000ooo000
“Sir,
may itinawag po si Sir Adrian---” bungad ni Mang Jim kay Dale nang
sa wakas ay lumabas na ito sa kaniyang opisina.
May
ilang linggo na ang nakakalipas ay napansin ng mga tauhan ni Dale ang
malaking pagbabago sa kanilang amo. Mabait parin ito, may gana parin
sa trabaho pero madalas na nila itong napapansin na malungkot at
madalas napapatigil at napapatulala sa isang tabi na kala mo
napakalalim ng iniisip.
Hindi
nadin ito bumalik sa bahay nila Andy na ikinataka nilang lahat. Oo,
hindi naman sa tuwing may proyekto sila ay laging nandun ang kanilang
boss na si Dale pero nasanay na sila na iba ang magkakapatid sa lahat
ng kanilang naging mga kliyente, sa lahat ng kanilang proyekto ay ito
ang pinaka tinutukan ng kanilang boss, hindi lang dahil kakaiba ito
kumpara sa iba nilang mga proyekto at kinukunsidera itong isang
“challenge” ng lahat kundi dahil alam din ni Mang Jim na may
namamagitan sa kanilang boss at kay Andy. Kaya naman nang bigla na
lang nagbigay ng utos si Dale sa isa sa pinagkakatiwalaan nitong tao
upang hawakan ang proyektong iyon upang makapag-focus na daw siya sa
iba pa nilang kliyente ay talaga namang nagulat siya.
Natigilan
si Dale sa paglalakad, tinignan saglit si Mang Jim kung tama ba ang
narinig nito mula sa bibig ng matanda atsaka mabilis na ibinaba ang
tingin sa kaniyang tablet at nagkunwaring hindi siya apektado.
“Tell
Mon to check kung anong kailangan ni Adrian.” swabeng utos ni Dale
na patuloy parin sa pagkukunwari na may inaasikaso sa kaniyang
tablet.
Natigilan
ulit si Mang Jim at binato ng isang hindi makapaniwalang tingin kay
Dale.
“Kapapadala
mo lang sa kaniya sa Bataan diba?” tanong ni Mang Jim kay Dale na
nagtulak sa huli na itigil na ang kaniyang ginagawang pagpapanggap.
“Wala
na ba tayong ibang pwedeng ipadala kila Adrian?” malungkot at
halatang may iniiwasang saad ni Dale kay Mang Jim na nagtulak sa huli
upang umiling.
“Wala
na. Lahat ng kasama namin sa project na iyon ay pinadala mo na sa
kung saan saan. Tayo na lang dalawa ang nakakaalam ng pasikot sikot
sa proyekto na iyon---” simula ni Mang Jim na siyang kumuwa ng
pansin ni Dale kaya ito nagtaas ng tingin.
“--OK
lang naman sakin kung ako ang ipapadala mo---” pagpapatuloy ni Mang
Jim pero agad din siyang pinatigil ni Dale sa pagsasalita sa
pamamagitan ng pagsasalita rin.
“NO.”
mariing saad ni Dale. “Kaya nga kita inilagay sa opisina dahil
hindi na kaya niyang tuhod niyo ang magbubuhat at sumiksik sa kung
saan saan tapos ipapadala kita dun kila An-- Adrian.” mariing
pagtatapos parin ni Dale. Muling umiling si Mang Jim.
“Sinong
papapuntahin mo?” tanong ni Mang Jim sa kaniyang boss na agad ding
namutla.
“Bahala
na.”
000ooo000
“Baka
may pumunta dito para ayusin yung dalawang pinto sa taas. Nagloloko
ulit yung mga door knob eh.” bilin ni Allen kay Andy na abala sa
kakatipa sa kaniyang laptop.
“OK.”
matipid na sagot ni Andy kay Allen na siyang nagtulak sa huli upang
magpakawala ng isang malalim na hininga.
“Mga
within this week siguro.” pagpapatuloy ni Allen pero hindi parin
inalis ng nakababatang kapatid ang pansin nito sa kaniyang laptop at
tanging pagtango lang ang sinagot sa kaniyang kapatid na napabuntong
hininga na lang ulit.
“I'm
sorry.” tahimik na saad ni Allen matapos ang mahabang katahimikan
sa pagitan nila na tila bumingi kay Andy.
Kahit
gaano pa kahina ng pagkakasabing iyon ng kaniyang nakatatandang
kapatid tila isa naman itong sigaw para sa kaniyang mga tainga. Rinig
na rinig niya ang sinseridad sa mga katagang sinabi ni Allen at ang
katotohanang nanggaling ito kay Allen, isa sa pinaka matipid
pagdating sa pagpapahayag ng nararamdaman ay talaga namang kumuha ng
atensyon ni Andy pero hindi na niya ito sinabi pa dito at hinayaan na
lang itong magpatuloy sa pagsasalita.
“Akala
namin pushing Tom out of the picture would be good for you. I mean,
it's obvious that you two doesn't love each other---” simula ni
Allen at nang makita niyang kokontrahin ni Andy ang sinabi niyang ito
ay agad nitong pinagpatuloy ang sasabihin. “Andy, you don't have to
deny it. Kitang kita namin, you're just using each other. Nakita
namin na it's not healthy anymore. Naduwag kami and decided to add
Dale sa picture. We never meant to hurt anybody. Di namin ginusto na
may mas lalong masaktan.” pagtatapos ni Allen. Muling nag baba ng
tingin si Andy.
“Please
don't shut us out again.” pabulong ulit na saad ni Allen sabay yuko
na ikinagulat nanaman muli ni Andy.
“W-what?”
malungkot na pagpapalinaw ni Andy sa sinabi ng kaniyang kapatid.
“You're
going to give the house to Anthony, wala siyang panahon para
asikasuhin itong matandang bahay, may kaniya kaniya nadin kami. Ikaw
lang ang may malasakit sa bahay na ito Andy and you're giving that up
because you want to run away from the pain, you want to start new and
I understand that. Wala na kaming magagawa kung yan talaga ang gusto
mo pero sana lang Andy don't shut us out like before.” nangingilid
luha ng pagpapaliwanag ni Allen kay Andy.
“Kuya---”
nangingilid luhang saad nadin ni Andy, di niya alam kung ano pang
sasabihin niya kaya naman tumayo na lang siya mula sa kaniyang
kinauupuan at mabilis na tinungo ang kinatatayuan ng kapatid at
niyakap ito ng mahigpit.
“Tayo
tayo na lang ang nandito. Di narin namin alam kung pano aayusin lahat
ng nangyari, Andy pero takot na takot kaming mawala ka ulit samin.”
sabi ulit ni Allen saka ibinalik nadin ang yakap ng kaniyang kapatid.
Marami
pang napag-usapan si Allen at Andy matapos ang tagpong iyon, hindi
naman siya pinipilit ng kaniyang kapatid na tumigil doon sa matandang
bahay at huwag ng magpunta sa US ang totoo niyan ay walang nabanggit
ang kaniyang nakatatandang kapatid tungkol dito. Tanging mga alaala
noong mga bata sila, ang kanilang mga awayan noon na siyang
pinagtatawanan na lang nila ngayon at mga tanong tungkol sa kanilang
mga kinabukasan ang napagusapan nila.
“Thank
you.” wala sa sariling saad ni Allen matapos ang kanilang
pinagkwe-kwentuhan. Agad na nangunot ang noo ni Andy.
“What
for kuya?” tanong ni Andy.
“For
not shutting us out this time.”
Natahimik
saglit si Andy, ngayon, pinagsisisihan na niya ang kaniyang
paglalagay ng matayog na pader sa pagitan niya at kaniyang mga
kapatid, hindi niya kasi nakikita noon kung paano ito nakakaapekto sa
mga ito, bagay na nagsasabi kung gaano siya ka makasarili noon.
Nagbigay na lang ng isang makahulugang ngiti si Andy at tumango sa
kaniyang nakatatandang kapatid, bilang sagot sa pasasalamat nito.
“Kailangan
ko ng umalis---” saad ni Allen sabay tayo.
“Sabihan
mo kami kapag nakapagpa-book ka na ha?” pagapapatuloy ni Allen na
nakapagpatigil naman kay Andy at hindi ito nakaligtas sa mas
nakakatanda sa kanilang dalawa.
“Nakapagpabook
ka na no?” nangingiting saad ni Allen, kilalang kilala na niya ang
kaniyang kapatid at ang pamumutla nito matapos ang kaniyang huling
sinabi ay lalong nakapagpasiguro sa kaniya sa kaniyang haka haka.
“Kailan
ang alis mo?” tanong ulit ni Allen at ito ang tanong na hindi na
kaya pang iwasan ni Andy.
“This
saturday.” nagulat si Allen sa sagot na ito ni Andy pero pilit niya
ito hindi pinahalata sa huli at nagbigay na lang muli siya ng isang
malungkot na ngiti.
“Call
us if you need help sa pagiimpake.” saad ni Allen sabay yakap sa
kaniyang nakababatang kapatid na mahigpit ding ibinalik ni Andy.
Nang
maghiwalay sa pagkakayakap ang dalawa ay siyang tuloy tuloy na
naglakad na palabas si Allen ng matandang bahay.
“Ingat
kuya.” malungkot na saad ni Andy. Saglit pang tumalikod si Allen at
ngumiti saka nagpatuloy sa paglalakad papunta sa kaniyang sasakyan.
Napabuntong
hininga si Andy, nagsisimula ng kwestyunin kung tama pa ba ang
kaniyang gagawin.
000ooo000
Paalis na si Andy patungong US, rumenta na ito ng isang kwarto sa
isang hotel malapit sa airport, hindi kasi siya magagawang ihatid ng
kaniyang mga kapatid, dahil sa biglaan ang kaniyang pag-alis ay hindi
nagawang gawan ng paraan ang kanilang mga schedule, kaya naman para
hindi na kuwanin ng kung sino man sa kaniyang mga kapatid ang maiiwan
niyang sasakyan sa airport, naisipan na lang niya na rumenta ng isang
kwarto at mag taxi na lang mula sa hotel papuntang airport.
Planchado
na ang lahat, nakapag impake na siya, nakapagpapalit na siya ng pera
at nasabihan na niya ang kaniyang titirahan sa US. Isang araw bago
ang kaniyang flight ay iniisa isa na ni Andy ang kaniyang
kakailanganin sa mismong flight. Sigurado na siya sa laman ng
kaniyang mga maleta sapagkat meron siyang checklist para dito, ang
tangi na lang natitira na kaniyang dapat tignan ay ang kaniyang mga
dokumento para sa flight bukas.
Butil-butil
na ang kaniyang pawis at halos baliktarin na niya ang kaniyang mga
maleta pero hindi parin niya makita ang isa sa pinaka imoprtanteng
dokumento para sa kaniyang pag-alis bukas. Ang kaniyang pasaporte.
Huli
niya itong nakita na nakalagay sa isang short brown envelope sa
kaniyang kwarto sa matandang bahay ang hindi niya matandaan ay kung
saan na niya ito nailagay. Iiling-iling na tumayo si Andy sa kaniyang
kinasasalampakan sa sahig, nagbuntong hininga at kinuwa ang wallet at
susi ng lumang bahay sa bedside table ng inuupahang hotel.
“Shit.”
umiiling paring saad ni Andy sa kaniyang sarili, hinihiling na naiwan
niya lang talaga ito sa matandang bahay at hindi nawala.
000ooo000
Wala
paring makuhang tao si Dale para sa huling trabaho na hinihiling sa
kaniya ni Aldrin sa matandang bahay, ayaw naman niyang si Mang Jim
ang utusan sapagkat alam niyang hindi na kaya ng matanda na
kumpunihin ang kailangang gawin sa matandang bahay kaya naman upang
hindi na muli pang sumama ang loob sa kaniya ng mga magkakapatid ay
napagpasyahan niyang siya na lang ang lalabas ng opisina at siya na
mismo ang gagawa ng pinapakisuyo ni Aldrin.
“Sigurado
ka ba? Kaya ko pa naman, Dale---” simula ni Mang Jim nang makita
niyang daladala na nito ang tools para sa kung ano man ang
kukumpunihin niya.
“Ako
na ang bahala, Mang Jim.” nakangiting usal ni Dale sa matanda.
Saglit
natahimik ang dalawa, si Dale abala sa pagaayos pa ng mga posibleng
gamiting tools habang si Mang Jim naman ay abala sa panonood sa
kaniyang boss.
“Pano
kapag nakita mo doon si Andy?” wala sa sariling tanong ni Mang Jim
kay Dale na saglit natigilan sa kaniyang ginagawa, nilingon ang
matanda at nagkibit balikat bilang paunang sagot sa tanong ng
matanda.
“Ewan
ko---” sagot ni Dale saka ipinagpatuloy ang kaniyang ginagawa.
“Advise
ko lang. Huwag mo ng pigilan ang tunay mong nararamdaman. Kung sa
pagkakataong ito, ipinagtabuyan ka parin niya at alam mo namang wala
paring magbabago sa nararamdaman mo sa kaniya edi ipaglaban mo ang
alam mong tama---” muling hinarap ni Dale ang matanda at tinignan
ito ng mariin. Kitang kita ng matanda ang takot ng binatilyo na
muling ipagtabuyan siya ni Andy at pagaalinlangan dahil sa ayaw na
nitong masaktan.
“---Takot
at pagaalinlangan ang mas nananaig kasi sa pagitan niyong dalawa.
Testing-in niyong huwag masyadong mag-isip, huwag masyadong gawing
kumplikado ang lahat, sigurado ako magkaka-ayos kayong dalawa.”
pagtatapos ng matanda sabay talikod at naglakad na palabas ng opisina
ni Dale, iniwan ang binatilyo sa malalim nitong pagiisip.
000ooo000
Ilang
beses pang tinanong ni Dale ang kaniyang sarili kung handa na ba siya
kung sakaling makaharap niya si Andy, hindi naging maganda ang
kanilang huling pagkikita at hindi niya alam kung kakayanin niya ang
sinasabi ni Mang Jim na alisin sa kaniyang sistema ang pagaalinlangan
gayong masyado siyang nasaktan nang ipagtulakan siya ni Andy palayo.
Matapos
magpakawala ng isa nanamang malalim na hininga ay pinilit na niya ang
kaniyang sarili na bumaba ng kaniyang sasakyan. Nang makarating siya
sa unahan ng pinto ng matandang bahay ay ilang ala-ala agad ang
pumasok sa kaniyang isip.
Dito
unang naglapat ang mga labi nila ni Andy. Isang bagay na hindi
malilimutan ni Dale sapagkat bago ang tagpong iyon ay hindi alam ni
Dale na malalim na ang nararamdaman niya kay Andy at hindi niya lang
iyon basta ginagawa dahil sa pustahan nila ni Jay.
“Pustahan.”
napailing ulit si Dale nang maalala ang dahil sa pustahan na iyon ng
kaniyang pinsan.
Muli
tinanong niya ang kaniyang sarili na kung ano kaya ang nangyari kung
sinabi niya kay Andy noong una pa lang ang tungkol sa pustahan,
naging iba kaya ang kinahantungan ng pagsasama nilang dalawa, mauuwi
din kaya iyon sa away o mas magiging malalim pa ang kanilang
pagtitinginan.
Muling
napabuntong hininga si Dale at kumatok na sa pinto na kanina niya pa
tinititigan.
Walang
sumasagot.
Muli
siyang kumatok at nang wala paring sumasagot at wala sa sarili na
niyang pinihit ang seradura ng pinto na agad namang bumukas,
nagsasabing may tao sa loob ng bahay kaya naman tuloy tuloy na lang
siyang pumasok. Hindi matigil sa kakalingon ang ulo ni Dale, umaasa
na sa bawat kanto o kaya likod ng mga aparador ay lalabas ang isa sa
mga magkakapatid o kaya naman si Andy pero halos nalibot na niya ang
buong unang palapag ng bahay ay wala parin siyang nabungaran ni isa
sa may ari ng bahay na iyon.
“Asan
na kaya ang mga iyon.” tanong ni Dale sa sarili sabay akyat sa may
hagdanan papunta sa ikalawang palapag ng bahay.
Naabutan
niya ang isa sa mga pinto ng kwarto sa ikalawang palapag na
nakabukas. Sumilip siya dito at naabutan niya si Andy na nakaluhod sa
sahig katapat ang bedside table at miya mo may hinahanap sa maliit na
drawer nito. Hindi niya magawang tawagin ang pansin nito dahil hindi
niya alam kung ano ang magiging reaksyon nito sa kanilang muling
pagkikita o kung ano ang kaniyang dapat sabihin, sa kabila ng malalim
na pagiisip at pagaalinlangan na ito ni Dale ay wala sa sarili naman
siyang lumalapit sa abalang Andy.
Maski
nakatalikod si Andy ay hindi parin mapigilan ni Dale na sabihin sa
sarili na nami-miss na niya haplusin ang malambot nitong balat at
balutin ang katawan nito ng kaniyang malalaking braso pero dahil
hindi maayos ang lahat sa pagitan nilang dalawa ay nagkasya na lang
siya sa pagabot sa balikat nito para makuwa ang atensyon nito.
At
nakuwa nga ng ginawang ito ni Dale ang atensyon ni Andy at sobra pa
nga ang nakuwa niyang atensyon.
“AAAAAARRRRRGGGGGGHHHHHHH!”
Agad
na hinawakan ng mahigpit ni Andy ang kamay ni Dale at tumayo sabay
hila ng malakas gamit ang sariling bigat na siyang nakapagpatalsik
kay Dale at tumama sa bedside table at lumanding sa sahig.
“Aray
ko.” iyak ni Dale matapos ng masamang bagsak sa sahig at pagkauntog
sa bedside table.
“Shit!”
singhal ni Andy sa sarili nang mapagtantong hindi pala magnanakaw ang
kaniyang pinabagsak kundi si Dale na tila naman iiyak na sa sakit
dahil sa kaniyang ginawa.
Itutuloy...
Breaking Boundaries 2
[chapter 18]
by: Migs
Sorry po ulit sa sobrang late na update. :-(
ReplyDeleteMARAMING SALAMAT KAY EZEKIEL (ZILDJIAN) SA PAGPAPAGANDA NG BLOG KO! MWAH MWAH!
I have made a dummy account (as much as I detest doing one), napilitan ako eh. I have to get the attention of those who post my stories sa wall nila and then claim it as their own. Nakakinis kasi matapos mong paghirapan, sila ang magcre-credit. Halos di na nga ako matulog makapag-post lang tapos siya naman kokopyahin lang.
I'm not a blog genius at hindi ko alam ang sinasabi niyong pagla-lock. :-(
please add me and support my fight against these plagiarizer. Here's the link.
https://www.facebook.com/miguel.salvador.1232?fref=ts
Nais ko lang pong linawin na ang kwento pong “SKYBAND” ay akda po ng isa sa aking pinakamalapit na kaibigan na si Ezekiel o ang may pakana ng blog na 'to http://zildjianstories.blogspot.com/
Ating po siyang suportahan! :-)
MigiL: masisisi ba talaga natin si Andy? Haha! Salamat po!
Russ: Galit na galit kay Tom? Haha! :-)
Migz: thanks! :-)
Ryge Stan: naks! Martyr! Ako din ata eh!
Therese Llama: Naks! May naisip ka ng plot ha?! :-)
ANDY: thanks din! Sorry to keep you waiting. :-(
Racs: salamat!
AR: gusto mo ba ng patayan? Haha!
Marc: haist? :-(
chants: sorry. :-(
dilos: sorry for melting your heart. :-(
waydeejanyokio: yup. Walang natira. ;-)
marc: malalim na buntong hininga talaga? :-(
Jorge Canlas: slight lang? Haha! Kawawang tom. :-)
Hey Adams: haha! Nagmamakaawa?
JPL: thanks din po sa comment.
Julio: nice! Nakuwa mo ang tinutumbok ng chapter! Congrats! ;-)
Christian: people say stupid things when they let emotion overrun them. ;-)
jek: nganga talaga?
Dale: naks! Based from experience ba yan? :-)
Peksman: Aww! Malay mo sa next chaps di ka na malungkot.
Jemyro: San ba probinsya mo?
Zekie: Salamat po! :-*
Charles: emo ba? Haha! Salamat!
Lyron Batara: salamat! This AAO is different from the past two books. ;-) ayan ah may spoiler ka na! :-)
Julio Antivo: Yup! Thanks kay Zildjian!
Rekha: salamat po! Si Zekie (Zildjian) ang gumawa niyan sa blog ko. :-)
3D: thanks po!
Chase: I owe the new look of my blog to Zildjian. :-)
Teck: thanks din sa pagbabasa! :-)
MARAMING SALAMAT ULIT SA PATULOY NA PAGSUPORTA AT SA NAGUUMAPAW NA COMMENTS! MORE PLEASE! ENDORSE THIS BLOG SA FRIENDS NIYO DIN AH! :-) I'm targeting to gain more followers! Salamat! :-)
Thanks for the update and never failing to give us really really good chapters..
ReplyDeletehahaha.. nice sir migz
ReplyDeletemarc
thanks for the update migs hehehe too bad medyo naging busy ako lately kaya hindi ko nakita na may update na pala. Sana things would be fix between Andy and Dale...
ReplyDeleteHave a great day migs and keep it up
ako'y nagbalik at nasabik sa update na to waaaaaaaaaaaaaaaaaaaaa!
ReplyDeleteang galing uber!