Breaking Boundaries 2 [19]
DISCLAIMER:
The following is a work of fiction. Any similarities to any written
works and any person, living or dead are purely coincidental. The
story is intended for a mature audience. It may contain profanity and
references to gay sex. If this offends you, please leave and find
something more suitable to read. The author maintains all rights to
the story. Do not copy or use without written permission. Email the
author at miguisalvador@yahoo.com
for comments, suggestions and violent reactions in pertaining to this
blog and the stories that comes along with it.
Hindi
alam ni Dale kung tatawa siya ng malakas o maaawa sa sarili dahil sa
kaniyang sinapit sa kamay ni Andy. Kahit gaano pala kalaki ng
kaniyang katawan ay hindi parin siya uubra kay Andy, naibalibag siya
nito ng walang kahirap-hirap, sa sobrang lakas pa nga ng
pagkakabalibag sa kaniya ni Andy ay hindi pa siya agad nakatayo mula
sa sahig na kaniyang hinihigaan at hindi lang iyon, kailangan pa
niyang magpaalalay kay Andy patayo.
Hindi
niya rin makakalimutan ang pagaalala sa mukha ni Andy matapos lumipas
ang gulat sa mukha nito, bagay na siyang nagtulak kay Dale na matuwa
saglit sapagkat nalaman niya na kahit papano pala ay pwede pang
magalala sa kaniya si Andy kagaya noon kahit sa konting saglit.
Napailing
si Andy habang naglalagay ng yelo sa isang maliit na bag, iniisip ang
nangyari nanamang katangahan sa pagitan nilang dalawa ni Dale. Masama
ang pagkakauntog kanina ng ulo ni Dale sa bedside table nang ibalibag
niya ito sa pagaakalang isa itong magnanakaw na mananakit sa kaniya.
Umiiling parin siyang tumalikod mula sa lababo at habang umaakyat ng
hagdan papunta sa kwarto kung saan niya muna pinaupo si Dale.
Bago
pa man siya pumasok ay naabutan niya pa itong nakatulala sa isang
sulok ng kwarto at salitang hinahaplos ang kaniyang kamay kung saan
siya hinawakan ni Andy ng mahigpit bago ibalibag at ang noo nito na
tumama sa bedside table. Hindi niya mapigilang mapangiti, naaalala
ang gulat na gulat na itsura ni Dale nang ibalibag niya ito at ang
tila ba paiyak na nitong itsura habang nakahandusay sa sahig at
ngayon, parang batang nakatulala, iniisip kung ano ang nangyari sa
kaniya sa nakalipas na kalahating oras.
“Are
you OK?” tanong ni Andy kay Dale nang magkasya na siya sa
kakatingin dito mula sa pinto.
“I'm
sorry ulit, it's just that nagulat ako and---” simula ulit ni Andy
habang lumalapit kay Dale upang ilapat na ang malamig na bag sa noo
nito na may nagsisimula ng bukol.
“Kasalanan
ko rin naman. Dapat hindi kita ginugulat ng ganon, dapat nagsalita
muna ako or something.” singit naman ni Dale habang pinapanood ang
papalapit na si Andy, hindi alam kung bakit siya kinakabahan ng
sobra.
“Here,
naglagay ako ng ice sa loob ng bimpo para dyan sa noo mo. Hindi kasi
maganda yung pagkakatama ng noo mo dun sa bedside table---” saad pa
ni Andy sabay inilapat ang mga yelo na binalot ng bimpo sa noo ni
Dale, saglit na napasinghap si Dale nang lumapat na ang malamig na
bimpo dahil sa biglaang paglapat ng malamig sa namumuong bukol sa noo
ni Dale pero agad din itong napabuntong hininga nang di maglaon ay
napawi ng malamig na bimpong iyon ang kirot sa kaniyang noo.
Hindi
nagtagal matapos mapawi ang kirot ay muling nagpakawala ng isang
malalim na buntong hininga si Dale. Hindi dahil sa kaniyang mga
nararamdaman matapos ang pagbabalibag sa kaniya ni Andy kundi dahil
sa ibang rason. Hindi ito nakaligtas kay Andy na akala naman ay may
nararamdaman pang masakit sa katawan si Dale.
“Masakit
pa ba ang ulo mo? Nahihilo? Nasusuka? Gusto mo bang matulog?” sunod
sunod na tanong ni Andy kay Dale, hindi alam na hindi dahil sa
kaniyang mga nabanggit kaya napabuntong hininga si Dale kundi dahil
sa kakaibang paglalapit ng kanilang mga katawan at pagdadampi ng
kanilang mga kamay habang nakahawak silang dalawa sa bimpo na hindi
alintana ni Andy.
Tinitigan
ni Dale ang pagaalala sa mukha ni Andy, hindi ito magawang sagutin at
hindi naman nagintay pa ng matagal si Andy bago niya maintindihan ang
nangyayari.
“I-I'm
OK, Andy.” ang tanging sabi ni Dale na bumasag sa katahimikan at
pumutol ng kanilang pagtititigan.
“O-OK.”
tumatangong saad ni Andy saka mabilis na umiwas kay Dale,
lumingon-lingon muna saglit si Andy na miya mo ba naghahanap muna
siya ng gagawin, makatakas lang sa mga tingin ni Dale at hindi ito
nakaligtas sa huli na hindi napigilan ang mapahagikgik.
Nang
maalala ni Andy ang kaniyang ginagawa bago pa siya gulatin ni Dale ay
naisipan niyang ipagpatuloy na lang ito. Hindi niya parin makita ang
kaniyang passport at nagsisimula na siyang magalala. Alam niyang
hindi na niya ito itinago pa kung saan, iniwan niya lang ito sa
ibabaw ng tukador kaya naman alam niyang hindi na niya kailangan pang
halungkatin ang mga drawer.
Pero
abala man siya sa kaniyang paghahanap ay ramdam na ramdam parin niya
ang pagtitig ni Dale sa kaniyang bawat kinikilos. Para narin hindi na
mabalot pa ng isang nakabibinging katahimikan at pagaalangan ang
buong kwarto sa pagitan nilang dalawa ay naisipan ni Andy na magbukas
ng isang usapan.
“Ano
nga palang ginagawa mo dito?” kaswal na tanong ni Andy na tila ba
hindi siya nababahala sa pagkawala ng kaniyang passport.
“Oh---
uhmmm--- Adrian called the office last week, may pinapaayos ulit na
mga doorknob dito sa second floor.” nauutal pang sagot ni Dale.
“I
see, bakit hindi mo na lang i-utos, ikaw pa talaga ang nagpunta dito
ah?” wala sa sariling tanong ni Andy habang abala parin sa
paghahanap ng kaniyang pasaporte at nakatalikod kay Dale kaya hindi
nito napansin ang biglang pagsimangot ng huli.
“Wow.
Ayun, narinig ko na rin, sabi ko na this is too good to be true. Ayaw
niya akong makita kaya tinanong niya pa talaga kung bakit ako pa
dapat ang nagpunta para ayusin yung request ni Allen and here I
thought everything is going to be OK again between us.” umiiling
na saad ni Dale sa kaniyang sarili sabay dahan dahang tumayo.
“Oh,
where are you going? OK ka na ba? Baka mahilo ka niyan, umupo ka kaya
muna diyan.” wala sa sariling saad ni Andy nang makita niyang
tumayo si Dale.
Umiling
muli si Dale. Iniisip na umiiral lang ang pagiging magalang ni Andy
at hindi lang nito kayang paalisin si Dale sa kwartong iyon kahit pa
ayaw na niya talaga ito makausap at makasama pa.
“I'm
fine. I'll go ahead and fix those doorknobs. Baka nakakaistorbo na
ako sayo.” malamig na saad ni Dale na siyang kumuwa ng atensyon ni
Andy. Nilingon na nito si Dale, tinitignan kung tama bang may narinig
siyang sakit sa sinabing ito ng huli. Pero hindi na ito nakumpirma pa
ni Andy sapagkat nakatalikod na si Dale nang lingunin niya ito.
“Di
ka naman nakakaistorbo---” malungkot at tahimik na saad ni Andy kay
Dale.
Hindi
maintindihan ni Andy kung bakit pero ilang araw na ang nakakaraan
nang aminin ni Tom na alam nito ang nangyayari sa pagitan nila ni
Dale ay inis na inis siya dito. Sinisisi niya ito sa mga lahat ng
nangyari kaya niya nasaktan si Tom, sinisisi niya ito dahil sa
pangloloko nito noon sa kaniya na nauwi sa mga nangyaring di maganda
sa pagitan nilang lahat, naiinis siya dahil sa panghihimasok nito
muli sa kaniyang buhay, pero ngayong nagkita muli sila makalipas ang
ilang araw, tila naman ayaw na niya muli itong lalayo sa kaniya na
tila ba gusto niyang humingi ng paumanhin dito sa lahat ng kaniyang
masasamang nasabi noong huli silang magkita---
Na
tila ba gusto niyang maayos na ang lahat sa kanilang dalawa.
Pero
ang sinabing ito ni Andy ay tila naman bumagsak sa binging mga tainga
dahil tuloy tuloy lang sa paglalakad palabas ng kwarto si Dale.
000ooo000
Naririnig
parin ni Andy ang pagkalansing ng mga gamit ni Dale habang tinatapos
ang huling door knob. Hindi niya alam kung bakit hindi parin siya
mapakali gayong nahanap na niya ang kaniyang pasaporte pero may
hinala siya sa kaniyang sarili na baka dahil ito sa lalaking, ngayong
gumagawa ng mga door knob. Napabuntong hininga ulit siya. Ipaghahanda
sana niya si Dale ng miryenda pero wala ng pagkain sa loob ng ref
nila kaya ipinaghanda na lang niya ito ng maiinom. Iaakyat na sana
niya ang inumin pero sa tuwing aakyat na siya ng hagdan para ibigay
ang inumin kay Dale na nasa ikalawang palapag ay tila ba bigla siyang
nakakaramdam ng hiya.
Ilang
beses niya itong ginawa. Babalik sa kusina tapos ay babalik hanggang
sa may paanan ng hagdan. Iniisip kung iaabot na ba niya ang inumin
kay Dale hanggang sa naabutan na siya nito. Biglang bumilis ang
pagtibok ng kaniyang puso habang pinakikinggan niya ang malalakas na
yabag ng paa ni Dale sa sahig sa itaas.
Unti-unting
bumungad si Dale sa harapan ni Andy at tila lalong dumoble ang bilis
ng tibok ng puso ng huli. Saglit pa silang nagtitigan. Kumunot saglit
ang noo ni Dale, nagtataka kung bakit tila ba natatae si Andy at
hindi ito mapakali. I-aalok na sana ni Andy ang kaniyang hawak hawak
na inumin, dahan dahan ng inaabot ni Andy ang baso kay Dale nang
bigla itong naglakad at lumagpas sa kaniya. Wala sa sarili na lang
niya inangat ang baso sa kaniyang mga labi at wala sa sarili niyang
ininom ito. Hindi na ito napansin ni Dale pero mamulamula na ang
pisngi ni Andy dahil sa pagkapahiya.
“OK
na yung mga door knob sa taas.” medyo may pagkamalamig na saad ni
Dale.
“--OK...”
nauutal na saad ni Andy habang sinusundan si Dale na palabas na ng
bahay.
Nagulat
na lang si Andy nang bigla itong tumigil na tila ba may gustong
sabihin pero nang sinundan niya ang tingin nito ay agad siyang
napalunok ng sariling laway at muling uminom sa kaniyang inihanda
sana para kay Dale nang mapagtanto niya kung ano ang tinitignan ng
nauna.
“Aalis
ka?” mahinang tanong ni Dale na halos hindi na narinig ni Andy.
“Yup.”
“For
good?” wala sa sariling tanong ni Dale. Pinipigilan niyang huwag ng
mangielam sa buhay ni Andy lalo pa't napagtanto niya kanina na ni
ayaw pa nga siya nitong makita ulit pero ang isiping aalis muli si
Andy tulad nuong unang beses na nagkahiwalay sila ay tila ba may
namumuong kung ano sa kaniyang sikmura. Dahan dahan siyang humarap
kay Andy, hindi alam kung bakit gusto niyang makita ang emosyon sa
mukha nito habang sinasagot nito ang kaniyang tanong.
Wala
sa sariling tumango si Andy bilang sagot sa tanong ni Dale habang
nakapako parin ang kaniyang tingin sa sariling pasaporte na nakalagay
sa coffee table. Tila ang namumuong kung ano sa kaniyang sikmura ay
hindi magtatagal isusuka niya pero hindi parin nito napigilan ni Dale
na magtanong muli.
“How
about this house?” malungkot pero may pagkamalamig paring tanong ni
Dale.
“B-binigay
ko na kay Anthony yung mana ko dito sa bahay so silang dalawa na ni
kuya Allen ang maghahati dito. Pwede nilang paupahan o kaya ibenta,
nasa kanila na yun at least naipaayos ko muna siya bago ko ibigay sa
kanila.” sagot ni Andy.
Nabalot
ng katahimikan ang paligid ng dalawa saglit kaya naman ng marinig ni
Andy na nagbuntong hininga si Dale ay agad niyang itinaas ang
kaniyang sariling tingin sa mukha nito.
“But
you love this house.” bulong ni Dale na muntik nang makaligtas sa
pandinig ni Andy, hindi nakasagot agad si Andy, kitang kita niya ang
lungkot sa mga mata ni Dale at rinig na rinig niya ito sa boses nito.
Nakaramdam
si Andy ng konting kirot sa kaniyang dibdib habang tinititigan niya
ang mukha ni Dale at habang pinapanood niya ang sinseridad sa mga
mata nito. Saglit lang iyon tumatak sa mukha at mga mata ni Dale,
iniwas na kasi nito ang tingin kay Andy at inikutan ng tingin ang
kaniyang paligid na tila ba iyon na ang huling beses na makakaapak
siya sa bahay na iyon. Wala rin sa sariling ginaya ni Andy ang
ginagawa ni Dale.
Muli
siyang nakaramdam ng lungkot pero iba ang kaniyang nararamdaman
ngayon. Hindi niya pa ito maipaliwanag pero ang nararamdamang ito ang
tila ba nagtutulak sa kaniya na magdalawang isip sa kaniyang gagawin.
Saglit muling nagtama ang tingin ng dalawa pero si Dale na ang agad
na nagiwas ng kaniyang tingin mula sa mga mata ni Andy.
“Anyway,
this is your house, you can do anything with it.” umiiling na saad
ni Dale sabay talikod muli kay Andy na lalong bumigat ang
nararamdaman sa kaniyang dibdib. Tila ba kasi ang pagtalikod na iyon
ni Dale sa kaniya ang tutuldok sa lahat ng kaniyang napagdesisyunan
at wala na siyang magagawa pa upang mabawi ito.
Gusto
itong pigilan ni Andy sa paglalakad palayo pero wala ni isang salita
ang lumabas sa kaniyang bibig at nang marinig niya ang paglapat ng
front door nila, hudyat na huli na ang lahat ay wala sa sariling
nanghina ang buong katawan ni Andy at napaupo sa pinakamalapit na
upuan na tila ba ang maikli at tahimik nilang paguusap na iyon ni
Dale ay umubos ng kaniyang lakas.
000ooo000
Hindi
makatulog si Andy. Oo at kumportable ang higaan sa hotel na iyon na
kaniyang tinutuluyan, maaaring pinaka kumportableng higaan na
kaniyang nahigaan buong buhay niya pero hindi niya parin magawang
makatulog. Hapon ang kaniyang flight papuntang US at wala pa siya ni
idlip, may mga bagay na pilit kasing sumisiksik sa kaniyang isip, mga
bagay na alam niyang kapag kaniyang iniwan ay hindi na kailanman
mawawaglit sa kaniyang isip.
“Screw
this!” inis na inis na saad ni Andy sabay marahas na hinawi ang
comforter na bumabalot sa kaniya panlaban sa lamig ng buong kwarto.
Inangat niya ang receiver ng telepono sa tabi ng higaan at nag
request sa front desk na magpadala ng agahan sa kaniyang kwarto.
Nang
dumating ang agahan ay tila naman nawalan ng gana si Andy na kainin
ang mga ito at tanging ang kape na lang ang kaniyang dinampot mula sa
isinerve na pagkain sa kaniya at wala sa sarili siyang tumanaw sa
malaking bintana ng hotel. Sa haba ng kaniyang panahon na itinigil
doon sa hotel na iyon ay noon lang siya sumilip sa labas ng magarang
bintana.
Tinignan
niya ang kalsada sa paanan ng hotel, puno ito ng mga sasakyan na
walang duda ay gamit ng mga empleyadong papasok sa kanilang mga
trabaho o kaya naman mga estudyante na papasok sa kanilang skwelahan
andun din sa paanan ng hotel ang malapad na bangketa na nagsisimula
ng mapuno ng mga tao na nagmamadali din sa pagpasok.
Wala
sa sariling inihiling ni Andy sa kaniyang sarili na sana tulad ng mga
taong asa paanan ng hotel ay wala rin siyang nararamdaman na hindi
niya maintindihan at tanging pagpasok lang sa eskwelahan o kaya sa
opisina ang iniintindi, hindi naguguluhan sa kung ano ang gagawin.
Asa
ganito siyang pagiisip nang biglang sumilip ang haring araw sa ibabaw
ng isa sa pinakamataas na building sa harapan ng hotel na kaniyang
tinutuluyan at tumama sa kaniyang mukha ang isa sa mga naunang sinag
mula dito. Wala sa sarili pang inangat ni Andy ang kaniyang mga
tingin. Una tanging ang mga bintana ng matataas na building sa
harapan ng hotel ang kaniyang nakita pero hindi naglaon ay napadpad
ang kaniyang tingin sa isang matayog na billboard sa itaas ng isa sa
mga building sa kaniyang harapan.
“Builder's
Inc.” saad ni Andy sa kaniyang sarili, inaalala kung saan niya ito
nabasa noon.
000ooo000
Hindi
mapigilang mapanganga si Andy sa kaniyang nakita nang tumigil ang
taxi na kaniyang sinasakyan. Hindi niya parin maalala kung saan niya
nabasa ang pangalan na kaniyang nakita sa billboard pero tila ba may
nagtutulak sa kaniya na alamin kung bakit niya alam ang pangalan ng
kumpanya na iyon kaya naman sinulat niya ang address na nakalagay din
sa billboard, lumabas ng hotel at pumara ng taxi.
Isang
sampung palapag na building ang nasa kaniya ngayong harapan, magara
ito, tulad ng iba pang magagarang building sa lugar na iyon. Hindi
ito ang inaasahan niyang itsura ng lugar, inaasahan niya na isa itong
malawak na garahe, madumi at iba pa, hindi niya inaasahan na may mga
taong naka coat and tie na labas pasok sa mga pintuan nito.
Hindi
parin matahimik ay agad na lumapit at pumasok si Andy sa magarang
building na iyon. Lalo siyang namangha sa itsura ng loob ng building,
nagkalat ang mga estanteng salamin na may mga magagarang design ng
building sa loob nito, may mga conventional designs, may mga
futuristic and eco friendly na mga design na talaga namang nakuwa ang
interes ni Andy.
“Wow.”
bulong niya sa sarili, sa sobrang pagkamangha ay hindi niya namalayan
na may lumapit sa kaniya na isang lalaki.
“We
also design and build houses---” masayang saad ng lalaki sa likod
ni Andy na nakapagpatalon sa huli. Hinarap ni Andy ang lalaki at
sasabihan na sana niya ito na hindi siya interesado nang makita niya
kung sino ito.
Walang
duda na ahente ito sa kumpanya na iyon at wala ding duda na may
pusisyon na ito doon. Mukhang hindi rin siya nito nakikilala dahil
agad na itong tumalikod at pinasunod si Andy sa kaniya na hindi na
nasabing hindi siya interesado sa mga ipapakita nito.
Aminin
man kasi ni Andy o hindi ay na-curious din siya sa ipapakita nito.
Nang
makarating sila sa isa pang malawak na kwarto na miya mo isang museum
sa luwang ay hindi nanaman mapigilan ni Andy na mamangha. Hindi
katulad ng lobby ng building na iyon kung saan may mga estanteng gawa
sa salamin ang kwartong kaniya ngayong kinalalagyan ay puno ng
malalaking frame sa pader.
Doon
nakalagay ang mga bahay na nilikha ng Builder's Inc. inisa-isa
niya ang mga larawan at bawat larawan ay kumuwa ng kaniyang atensyon,
walang pakielam sa lalaking naghatid sa kaniya doon sa kwartong iyon
na masugid na nakatingin sa kaniya, pinipigilang mapangiti.
“I'm
sorry.” bulong ng lalaki na siyang umagaw sa atensyon ni Andy mula
sa mga larawan.
Nagkamali
si Andy. Nakilala siya ng lalaking ngayon ay binabato siya ng isang
malungkot na tingin.
“Jay---”
simula ni Andy pero agad siyang pinutol ni Jay sa pagsasalita.
“It
was all my fault. The bet was my idea. I wanted to teach him a lesson
so bad na hindi ko naisip na baka masaktan ka. I was young, I was
stupid---” tuloy tuloy na saad ni Jay, walang duda sa sinseridad
tungkol sa mga sinasabi nito dahil kitang kita ito ni Andy sa mga
mata ng nauna.
“Jay,
matagal na iyon---” simula ulit ni Andy pero muli siyang pinutol ni
Jay sa pagsasalita.
“Still.
Hindi parin maganda yung ginawa ko. I'm really sorry, Andy.” saad
uli ni Jay na nagtulak na lang kay Andy na tumango bilang pagtanggap
sa paghingi na iyon ng paumanhin ni Jay.
Ibinalik
na ni Andy ang kaniyang pansin sa mga larawan ng magagandang bahay,
pilit na pinapabagal ang bilis ng tibok ng kaniyang puso, iniisip na
kung ano pa ang mga mangyayari sa muli nilang pagkikita na iyon ni
Jay.
“Designs
niya lahat yan.” proud na saad ni Jay sabay ngiti, hindi lalo
mapigilan ni Andy ang pagbilis ng tibok ng kaniyang puso sa mga
sinasabi ni Jay. Noon, ilang araw matapos muli nilang magkita ni Dale
ay hinamak niya pa ang pinagaralan nito at trabaho, hindi niya lang
pala alam na mas nagtagumpay pa ito sa kanilang lahat.
“75%
of Builder's Inc. ay kaniya---” pagpapatuloy ni Jay na lalong
nagtulak kay andy na pagsisihan ang panghahamak na ginawa niya noon
kay Dale. Napailing na lang si Andy sa kaniyang naaalala. Muling
binalot ng katahimikan ang paligid ni Andy at Jay at ang huli muli
ang bumasag nito.
“Pinuntahan
ka niya dun sa US nung umalis ka---” saad ni Jay na muling
nakapagpabilis sa tibok ng puso ni Andy.
“He
was so determined to get you back he even swore that when he comes
home he'll have you by his side pero nung umuwi siya, ibang tao na
siya, nawala na yung confidence niya na babalik siya na kasama ka.
Tinanong ko siya kung bakit at kung ano ang nangyari and he just
shrugged all he said was you were already happy there, simula non
wala siyang ginawa kundi ang magkulong sa kwarto at magaral, it's as
if all fun was sucked out of him.” umiiling na saad ni Jay habang
inaalala ang nangyari noon. Humarap si Jay kay Andy na nagtulak naman
sa huli na salubungin ang tingin nito at iiwas na sa mga pictures ng
magagandang bahay ang pansin.
“Sobrang
mahal ka niya Andy at alam ko hanggang ngayon ganun parin ang
nararamdaman niya sayo.” pagtatapos ni Jay. Hindi alam ni Andy ang
kaniyang sasabihin kaya naman laking pasalamat niya nang mag-ring ang
telepono ni Jay.
“Excuse
me--- I have to get this. Sa 5th floor ang office niya
pero asa 6th siya ngayon, may meeting kasi sila. You're
free to go there if you want to see him, I'm sure by now malapit ng
matapos ang meeting nila, dun ang pinakamalapit na elevator” saad
ni Jay sabay pindot sa kaniyang telepono at sinagot ito habang
naglalakad palayo kay Andy.
Inisip
ni Andy maigi ang kaniyang gagawin pero hindi pa man niya nalalaman
ang kaniyang gustong gawin ay tila ba may sariling utak ang kaniyang
mga paa at kamay dahil kusa na siyang naglakad papuntang elevator at
pinindot niya ang pindutan na magdadala sa kaniya sa 6th
floor.
Tila
pinupukpok ng martilyo ang kaniyang puso nang sumara na an pinto ng
elevator at nagsimula na itong gumalaw paitaas.
Itutuloy...
Breaking Boundaries 2
[chapter 19]
by: Migs
Sorry po ulit sa sobrang late na update. :-(
ReplyDeleteMARAMING SALAMAT KAY EZEKIEL (ZILDJIAN) SA PAGPAPAGANDA NG BLOG KO! MWAH MWAH!
I have made a dummy account (as much as I detest doing one), napilitan ako eh. I have to get the attention of those who post my stories sa wall nila and then claim it as their own. Nakakinis kasi matapos mong paghirapan, sila ang magcre-credit. Halos di na nga ako matulog makapag-post lang tapos siya naman kokopyahin lang.
I'm not a blog genius at hindi ko alam ang sinasabi niyong pagla-lock. :-(
please add me and support my fight against these plagiarizer. Here's the link.
https://www.facebook.com/miguel.salvador.1232?fref=ts
Nais ko lang pong linawin na ang kwento pong “SKYBAND” ay akda po ng isa sa aking pinakamalapit na kaibigan na si Ezekiel o ang may pakana ng blog na 'to http://zildjianstories.blogspot.com/
Ating po siyang suportahan! :-)
MigiL: masisisi ba talaga natin si Andy? Haha! Salamat po!
Russ: Galit na galit kay Tom? Haha! :-)
Migz: thanks! :-)
Ryge Stan: naks! Martyr! Ako din ata eh!
Therese Llama: Naks! May naisip ka ng plot ha?! :-)
ANDY: thanks din! Sorry to keep you waiting. :-(
Racs: salamat!
AR: gusto mo ba ng patayan? Haha!
Marc: haist? :-(
chants: sorry. :-(
dilos: sorry for melting your heart. :-(
waydeejanyokio: yup. Walang natira. ;-)
marc: malalim na buntong hininga talaga? :-(
Jorge Canlas: slight lang? Haha! Kawawang tom. :-)
Hey Adams: haha! Nagmamakaawa?
JPL: thanks din po sa comment.
Julio: nice! Nakuwa mo ang tinutumbok ng chapter! Congrats! ;-)
Christian: people say stupid things when they let emotion overrun them. ;-)
jek: nganga talaga?
Dale: naks! Based from experience ba yan? :-)
Peksman: Aww! Malay mo sa next chaps di ka na malungkot.
Jemyro: San ba probinsya mo?
Zekie: Salamat po! :-*
Charles: emo ba? Haha! Salamat!
Lyron Batara: salamat! This AAO is different from the past two books. ;-) ayan ah may spoiler ka na! :-)
Julio Antivo: Yup! Thanks kay Zildjian!
Rekha: salamat po! Si Zekie (Zildjian) ang gumawa niyan sa blog ko. :-)
3D: thanks po!
Chase: I owe the new look of my blog to Zildjian. :-)
Teck: thanks din sa pagbabasa! :-)
MARAMING SALAMAT ULIT SA PATULOY NA PAGSUPORTA AT SA NAGUUMAPAW NA COMMENTS! MORE PLEASE! ENDORSE THIS BLOG SA FRIENDS NIYO DIN AH! :-) I'm targeting to gain more followers! Salamat! :-)
Sulit ang paghihintay! back2back pa! hahahahaha...saya2 ng 2 chapters wala si tom! hahahaha kinukontra tlga si tom lol...excited na ako sa next chapter :D thank you sa update kuya migs!
ReplyDeleteWorth the wait Migs, super like the developments.. How I wish they get to fix things right and end up together.. Please dear author.. On the otherhand, I will never get tired waiting for your updates.. :-)
ReplyDeleteGaling mu pa rin migs at d q alam may karate moves pala c andy hrheheh.. Love love..
ReplyDeletesulit ang back to back...... sana every week meron #wishfulthinking
ReplyDeletewhaaahh..im so happy at back to back to migs..hehe..kasi sobrang bitin yung chapter 18..hehe..im so relieved na hindi sila ni tom ang magkakatulayan thank God nagkamali ako..hahaha..well atleast my mga tamang hula parin ako and jay was the to seal the deal and clear things up with andy at wow ha successful nga si dale at special ang turing niya sa bahay nila andy compared sa ibang project niya...i just hope na hindi na matuloy si andy sa states at maging happy na sila ni dale diba..they deserve to be happy nanaman after all ng lahat ng pinagdaanan ng love story nila diba..hahaha
ReplyDeletewell migs salamat talaga...dito na lang ako comment tungkol sa aao3 well ako din excited na din ako sa heavy drama na to..feeling ko mamamaga nanaman ang mga mata ko dito..haha..
p.s. as i was reading TTTDAMO 1st time ko magbasa ng mga comments..napansin ko nag apply ka sa isang tv station..at nagulat ako na hindi ka natanggap..well with regards sa pagsusulat mo in my opinion isa ka sa pinakamagaling na blogwriter na kilala ko..at the way ka magsulat eh parang nanonood ako ng isang napaka epic na pelikula especially itong mga huling gawa mo at yung the way na sinulat mo yung CP1 hanggang ngayon bilib na bilib parin ako kasi parang lalamunin talaga ang imagination mo eh parang naging kasama mo kami habang nangyayari yun kaya medyo affected nga ako pagka mga
CP chapters ang binabasa ko..well ang point is magaling ka baka kasi feeling nila di pang mainstream ang gawa mo..
well anyway highway lab you migs..tulog ka din pag may time madaling araw mo na to na post malamang lutang ka nanaman dahil sa pagod sa work.. :)
theresellama
This is the best update! Haha. Back to back eh. Haha. The feels! Sobra Lang! Kaso nabitin. THIS IS IT NA e! :)
ReplyDeleteDILOS. Haha. Forgot to put who am I e! Haha.
DeleteEPILOGUE
ReplyDeletena ba sana susunOd sana ndi pa haixt...
Lapit na ata to matapos ah
-Mhimhiko of Pangasinan
EPILOGUE
ReplyDeletena ba susunOd sana ndi pa haixt...
Lapit na ata to matapos ah
-Mhimhiko of Pangasinan
EPILOGUE
ReplyDeletena ba susunOd sana ndi pa haixt...
Lapit na ata to matapos ah
-Mhimhiko of Pangasinan
wow back to back! happy ako sa mga nangyari sa chapters na ito :D .. nakooo if i know tinago ni allen yung passport ni andy wahahaha..thank you sa update migs! and nice new look pla sa blog..secured na din ha..hahaha tc always
ReplyDeleteWhy do I have this feeling na may di magandang mangyayari between andy and dale???
ReplyDeleteOriginally, Im from negros occidental. Pero gala ako so yung sinasabi ko pong walang signal is Calaguas Island in Camarines Norte... Hehehe...
Ahhhhh!!! Nabitin ako pero ang ganda na ng mga nangyayari. Hindi na ako makapaghintay pa!!!
ReplyDeleteGawd! Ansarap pag untugin yung ulo ng dalawang to! Naalala ko tuloy yung mga bida sa TTDAMO. Sino nga ulit sila? Haha
ReplyDelete~Anyways Go Andy! Mang gate crash ka sa meeting nang my meeting. Haha
ps~malapit ng matapos to. :)
~WaydeeJanYokio
nakakakaba! sana magkatuluyan kami ni Dale. thanks sa update kuya migs. natauhan na si andy!!
ReplyDelete--ANDY
Etooo na tooo!! excited for the next chapter :D ty sa update
ReplyDeleteWow! Back to back! Pero kabitin pa rin, ahaha. Oo Kuya M! Nagmamakakaawa ako! Si Dale at Andy na lang please! Gagawa pa ako ng fans club nila! Papangalanan kong "DaDy fans club" basta ba sila magkakatuluyan sa ending!
ReplyDeleteNga pala! Salamat po sa update! :D
Nabuhayan ulit ako!..hahaha chos! thankies sa update kuya migs excited na ako for the next chap!
ReplyDeletewaaaaa... nabitin
ReplyDeletemarc
hoowow amazing ang ganda ng chapter na ito. and I'm glad that everything is falling to its right place.I just hope that Andy and Dale will find what really makes them happy.
ReplyDeleteAndy ♥ Dale !! :D thanks sa update mr.author!
ReplyDeletenice chapters thank you sa update :)
ReplyDeletewow back2back hehehe..ty po sa update :)
ReplyDeletety po sa update..exciting yung next chapter hehe looking forward :)
ReplyDeletepati ako parang minamartilyo na din yung puso para sa next chapter! Grabe ending na ba o gusto mo pa lagyan ng twist? heheheh
ReplyDeleteI look forward sa next book mo!
Wooooh! nice back2back! excited na ako sa next chap! ty sa pag update migs :)
ReplyDeletegosh! the B2B updates were so heartstopping!
ReplyDeleteKung ako si Andy sumigaw na ako sa door pa lang ng:
"Yes Dale, I'm so sorry! Dammit, I love you still! Please talk to me!"
Super contained na yung emotions, there was no outlet, kaya di maiwasan na madali silang magkailangan, lahat na kinimkim, puro takot at uncertainty... pareho #TORPE.
well, ganun naman ata, mahirap humarap sa sitwasyong alam mong baka masasaktan ka lang na marinig ang 'ayaw mo marinig'... pero andun na ko eh... what's stopping Andy??
pride? humiliation? awkwardness?
when I read the last line, I continued to scroll down hoping there would still be more but there was none... in short BITIN Sir MIGZ!!!!!!!!!!!!!!!! but these two updates are amazing! Worth the wait! at ung AAO3...pinaka.aabangan ko din yan uber! Kaya nga inspired ako eh!
more power, take care always, and keep inspiring others with your skill!
Sino pong nakakaalam sa inyo ng WilSon? Yung sa Days of Our Lives?
ReplyDelete-JP
Nice! ty po sa update hehe :)
ReplyDeleteHi sir migs, I have been an avid reader of yours mula nung nasa BOL ka pa. :) Sana po masundan na ang chasing pavements. :)
ReplyDelete- Joshua D.C.
Waaa kaabang-abang yung next chapter! sana magkabati na cla hehehehe ty po sa upate!
ReplyDeleteTnx po sa update kuya migs :))
ReplyDelete