Breaking Boundaries 2[17]
DISCLAIMER:
The following is a work of fiction. Any similarities to any written
works and any person, living or dead are purely coincidental. The
story is intended for a mature audience. It may contain profanity and
references to gay sex. If this offends you, please leave and find
something more suitable to read. The author maintains all rights to
the story. Do not copy or use without written permission. Email the
author at miguisalvador@yahoo.com
for comments, suggestions and violent reactions in pertaining to this
blog and the stories that comes along with it.
Kitang-kita
ni Andy ang pagliwanag ng mga mata ni Dale at pagaliwalas ng mukha
nito. Mukhang dati'y nagpaibig sa kaniya, ang mukhang patuloy na
nagpapaibig sa kaniya hanggang ngayon. Titig na titig siya sa mga
labi nito at wala siyang ibang gustong gawin kundi ang isalubong muli
ang kaniyang mga labi sa labi ni Dale.
“Because
you're still with---” simula ni Dale bilang sagot sa naunang tanong
ni Andy ngunit hindi na niya ito natapos dahil sa pagsasalubong muli
ng kanilang mga labi na inumpisahan ng nauna.
Wala
ng muli pang nasabi sa pagitan nilang dalawa. Sa unang pagkakataon ay
ipinakita nila sa isa't-isa kung gaano nila kamahal ang bawat isa.
Walang
matayog na pader sa pagitan nilang dalawa na gawa sa pride, galit o
kaya naman pagpipigil sa sarili.
Pero
katulad ng kahit anong matayog at matibay na pader na siyang giniba
ay makikita at makikita parin kung saan ito dating nakatayo, ang
dating tinatayuan ng matibay nitong pundasyon at ang mga bakas na ito
ang siyang sisingil sa dalawa.
000ooo000
Nakangiting tinititigan ni Dale si Andy habang mahimbing itong
natutulog sa kaniyang tabi sa loob ng kwarto kung saan sila nakulong
na dalawa. Mas nauna siyang nagising dito at wala naman siyang ibang
maisip na magawa sa loob ng kwartong kanilang kinakukulungan kaya
naman tinitigan na lang niya ang mukha ni Andy. Espesyal ang nangyari
sa pagitan nilang dalawa, hindi ito tawag lang ng laman, puno ito ng
emosyon, emosyon na matagal nang gustong sumabog mula sa kanilang
dibdib.
Matapos
ang mahabang pagtitig sa mga mukha ni Andy ay hindi na lang siya
nagkasya sa pagtitig dito, inabot na niya ang makinis nitong pisngi
at pinasadahan ng kaniyang kamay. Hindi niya alam kung ilang beses
niyang hiniling noon na magawa niya ito kay Andy, ilang beses niyang
napanaginipan na muli silang magkakaayos, ang gumising sa tabi nito
at titigan lang ito sa pagtulog.
Nang
mapagod na siya sa kakatitig sa maamong mukha ni Andy ay wala sa
sariling iginala ni Dale ang kaniyang tingin sa buong kwarto. Pilit
na itinatatak sa kaniyang isip ang lahat ng patungkol sa araw na iyon
na siyang pinkamasayang araw para sa kaniya.
Nakita
niya ang naging ayos ng kanilang mga damit matapos nila ito basta na
lang ihagis. Wala sa sarili siyang napangiti muli nang maalala kung
gaanong kainit ng kanilang naging halikan, kung pano naging mahigpit
ang kanilang yakapan, kung panong naging wala silang pakielam sa
kanilang paligid.
Pero
ang magandang ngiting iyon ay agad na nabura mula sa kaniyang mukha
nang makita niya ang nakaawang na pinto. Sa kaniyang pagkakatanda ay
kaya nga sila nandun sa kwartong iyon at magkasama ni Andy simula umaga hanggang hapon na iyon ay dahil hindi nila mabuksan ang pintong iyon. Habang iniisip ni Dale
kung ano ang mga maaaring nangyari ay biglang pumasok sa kaniyang
isip ang isang napakaliit na detalye na simula nung nasabi sa kaniya
ay ngayon niya lang muli naalala.
“May
mga pinto din sa taas na nagloloko yung mga door knob. Kapag lumapat
yung pinto di mo na siya mabubuksan from the inside at kailangan mo
pang magintay ng kung sino man ang nasa labas ng pinto para buksan
ito---” natigilan si Adrian sa mga iniisa-isang mga kailangan pang
trabahuhin sa kanilang bahay nang makita niya ang kunot noong itsura
ni Dale.
“I
know hindi mo forte ang restoration pero we would really appreciate
it kung maaayos niyo yung mga luma o kaya naman ay kung papalitan
niyo ang mga ito ay yung kamukhang-kamukha naman ng original.”
Isa
ang mga door knob ng mga kwarto sa ikalawang palapag ang hindi pa
naiaayos ng mga tauhan ni Dale kaya naman alam na niya ngayon na
maaaring may nagbukas ng pinto na iyon kahapon mula sa labas ng
kwarto at maaaring may nakakita sa kanilang pagtatalik ni Andy.
Hindi
napigilan ni Dale ang mapasandal ulit sa higaan kung saan mahimbing
parin na natutulog si Andy matapos niyang manlambot dahil sa naisip.
“Dale?
Is there something wrong?” pupungas pungas pang bati ni Andy kay
Dale habang kinukusot niya ang mga matang puno pa ng antok.
Hindi
mapigilan ni Dale ang tignan si Andy na puno ng pagaalala na siyang
nagtulak sa huli na magsimula na ding magalala.
000ooo000
Wala
sa sariling tumanaw si Tom sa labas ng bintana ng kusina.
Pinapainitan ang kaniyang mga palad gamit ang bagong timpla na kape
na siyang nakalagay sa isang malaking puswelo. Madaming tumatakbo sa
kaniyang isip, tulad ng mga nagdaang linggo ay tila ba may patuloy na
bumabagabag sa kaniyang isip.
“Tom---.”
Agad
na binawi ni Tom ang kaniyang pansin mula sa labas ng bintana at
itinuon iyon sa taong nagsalita sa kaniyang likuran, hindi niya alam
kung bakit pero tila ba katulad ng mga nakalipas na araw ay
awtomatikong lumatay sa kaniyang mukha ang isang ngiti.
Naabutan
niyang pang pinaplantsa ni Andy ang damit nito gamit ang sariling mga
palad at inaayos pa ang sarili dahil sa biglaang pag-gising mula sa
pagkakatulog at biglaang pagbangon mula sa pagkakahiga. May hindi
maipintang emosyon na bumabalot sa mukha nito pero tila ba wala lang
ito kay Tom.
“Tom---”
simula ni Andy pero hindi na niya natuloy ang kaniyang sasabihin
dahal agad siya nitong nilapitan at marahang hinalikan sa labi.
Kitang
kita ni Dale ang paghalik na iyon ni Tom sa mga labi ni Andy at iyon
ang nagtulak sa kaniya upang agad na iiwas ang kaniyang tingin. Hindi
niya alam kung matutuwa ba siya o hindi dahil naisip niyang base sa
kinikilos ni Tom ngayon ay hindi ito ang nagbukas ng pinto ng kwarto
kung san sila nakulong at hindi ito ito ang nakakita sa kanilang
dalawa ni Andy.
Hindi
rin mapigilan ni Andy ang mapabuntong hininga. Tila ba binunutan siya
ng tinik sa kaniyang lalamunan dahil hindi nagwawala ngayon ang
kaniyang nobyo, ibig sabihin ay hindi ito ang pinangangambahan nilang
nakakita sa kanilang dalawa ni Dale.
“Pero
hindi ibig sabihin nito ay hindi ko na ito sasabihin kay Tom.” saad
ni Andy sa sarili habang hinahayaan niya si Tom na kaladkarin siya
papunta sa lamesa at ahinan ng agahan.
Sa
kaniyang palagay ay wala pa doon ang kaniyang mga kapatid. Kumpleto
pa ang mga plato sa hapagkainan at hindi pa gamit ang mga ito. Halos
di pa bawas ang mga pagkain na ihinanda ni Tom pero sa kaniyang
palagay ay hindi pa ito tapos sa pagluluto.
“Anong ulam?.” saad ni Dale kila Andy at Tom na siyang ikina-tense ng
katawan ni Andy sapagkat hindi na niya ngayon alam kung panong kilos
ang kaniyang gagawin.
“Pakbet.” balik naman ni Tom.
Biglang
itinuon ni Andy ang kaniyang pansin kay Tom dahil mayroong kung ano
sa tono nito na hindi niya noon naririnig kay Tom sa tuwing
nagsasalita ito, pero agad itong binalewala ni Andy nang makita
niyang ngumiti ito. Iniisip na lang ni Andy na naprapraning lang siya
dahil sa kaniyang pangongonsensya sa sarili.
Naputol
lang ang kaniyang pagtitig kay Tom nang tumalikod ito at nagtimpla ng
bagong batch ng mga inumin para kay Dale. Naramdaman niya ang pagtabi
ni Dale sa kaniyang kaliwa at ang pagabot ng kamay nito sa kaniyang
kaliwang kamay sa ilalim ng lamesa.
Agad
na kumalma ang bawat kalamnan sa katawan ni Andy pero agad niya
paring binawi pahatak ang kaniyang kaliwang kamay sa malaking kamay
ni Dale kahit gaano pa man ka-tama at kasarap ng pakiramdam nito.
Nagulat si Dale sa ginawang ito ni Andy at hindi niya maikakaila na
nasaktan din siya. Inangat niya ang kaniyang tingin at isinalubong
ito sa tingin ni Andy. Nakita niya na mabigat din sa loob ni Andy ang
ginawa nitong pagbawi ng sariling kamay at ang pagiling nito na tila
ba nagsasabing “Wag dito.”
Agad
na naputol ang titigan na iyon nang bigla muling humarap si Tom sa
kanilang dalawa.
“San ka nga pala galing? I was looking everywhere for you.” tanong
ni Tom sabay ngiti at inilagay sa isang baso ang kaniyang mga dagdag
na tinimpla.
“D-dun
sa isang kwarto. Di ko kasi napansin na lumapat pala yung pinto---”
simula ni Andy habang kinakabahang tumitingin kay Tom. Inuusig na
siya ng kaniyang konsensya at nais na niyang sabihin kay Tom ang
totoo.
“Ahhh
kaya pala. Nako problema talaga yang mga door knob na yan eh, sana
magawan na ng paraan ng mga tauhan mo, Dale.” pagtatapos ni Tom
sabay tingin sa kinauupuan ni Dale. Saglit silang nagtitigan.
“Eh
ikaw Dale--- san ka naman nandun?” tanong ni Tom.
Biglang
bumilis ang tibok ng puso ni Andy nang makita niya ang pagbaling ng
tingin ni Tom kay Dale. Kung nakamamatay lamang ang ganung tingin ay
baka bigla na lang bumagsak si Dale mula sa kinatatayuan nito, pero
hindi nagpatalo si Dale.
“Dun
din sa kwarto kung saan nakulong si Andy.” mahina
pero puno ng emosyon na sagot ni Dale na siyang nagdulot para
mabitiwan ni Andy ang kaniyang hawak hawak na tinidor.
Tila
may pumindot ng slow motion button. Biglang gumalaw si Tom mula sa
kaniyang kinatatayuan at natabig ang babasaging pitsel na puno ng
orange juice. Napapikit si Andy nang marinig ang nakakakilabot na
tunog ng nababasag na pitsel kasabay nito ang lalong pagbilis ng
tibok ng kaniyang puso.
“Shit.”
bulong ni Tom.
Nanginginig
kamay na yumuko si Tom at pinulot ang mga piraso ng bubog mula sa
nabasag na pitsel. Tinignan ng masama ni Andy si Dale saka tumayo at
tinulungan si Tom sa pagliligpit ng mga nabasag na pitsel, nakayuko
si Tom at tila ba kumbinsidong simutin ang mga bubog sa sahig ng
kusina.
“So
this is how it feels.” bulong ni Tom na siyang nagdulot kay Andy
upang matigilan sa kaniyang ginagawa pagtulong dito.
Nang
magtaas ng tingin si Tom ay agad itong sinalubong ng tingin din ni
Andy. Tila sinuntok si Andy nang makita niya ang mga namumuong luha
sa mga mata ni Tom. Ngayon, wala na siyang duda na si Tom nga ang
nabukas ng pinto ng kwarto kung san sila nakulong kanina lamang at nakakita kung ano man ang ginawa nilang dalawa ni Dale.
“Tom---”
simula ni Andy pero laking pasalamat niya nang putulin siya ni Tom sa
pagsasalita dahil sa totoo lang ay hindi niya rin naman alam ang
sasabihin dito.
“I
tried to ignore it.” tahimik paring saad ni Tom habang ibinalik
muli ang tingin sa mga naiwan pang bubog sa sahig at sinimulan ng
pulutin ang mas maliliit pang mga piraso ng nabasag na pitsel.
“Sinubukan
kong gawin yung ginagawa mo every time I cheat on you with other
guys. Sinubukan kong mag patay malisya pero hindi ko inaasahan na
ganito pala kasakit---” nakangiti pero malaya naring umiiyak na
saad ni Tom habang nasa mga bubog parin ang kaniyang pansin.
Tila
tinadyakan si Andy sa sinabing ito ni Tom. Nararamdaman niya ang
sakit na nararamadaman nito. Ipinamukha sa kaniya ng sinabing ito ni
Tom kung gaano siya ka-impokrito sapagkat alam niya na ang pakiramdam
ng niloko pero ginawa niya padin ito sa iba.
“I'm
sorry.” ang tanging nasambit ni Andy habang pinipigilan ang
sariling mga luha na tumulo.
“Bakit
ka nagso-sorry, Andy?!” pasinghal na sabat ni Dale na hindi kaila
sa nangyayaring usapan sa pagitan ng dalawa, hindi maintindihan kung
bakit kailangang humingi ng patawad ni Andy gayong sa kaniyang
palagay ay nagpadala lang naman sila sa kanilang tunay na
nararamdaman isang bagay na tama lamang sa dalawang nagmamahalan at
hindi maikakaila ang pagmamahalan na iyon sa kanilang pagtatalik
kanina.
“He's
been cheating on you tuwing hindi ka nakatingin--- how come ikaw pa
ang kailangan mag-sorry. At least yung satin, nangyari dahil may
nararamdaman tayo sa isa't isa at hindi iyon dahil nangangati lang
tayo, hindi dahil nagpapadala lang tayo sa init ng katawan!” balik
ni Dale habang masamang nakatitig kay Tom.
“Dale
shut up!” singhal ni Andy.
“No.
He's right, Andy---” simula ulit ni Tom na ikinagulat ni Andy at
Dale. “---I've been cheating on you every time I get the chance---”
umiiling na pagpapatuloy ni Tom.
“I
deserved what happened.” nakangiting pagtatapos ni Tom pero hindi
parin kaila ang lungkot at sakit sa mukha nito, tumayo na ito ng
diretso at itinapon sa basurahan lahat ng nakolektang bubog.
“Nobody
deserves to get hurt, Tom. I'm so sorry---” habol ni Andy
kay Tom na ngumiti lamang at naglakad na papunta ng kanilang kwarto.
Wala na lang nagawa si Andy kundi malungkot na panuorin ang
naglalakad na papalayo na si Tom.
Isang
salita lamang ang paulit ulit na tumatakbo ngayon sa isip ni Andy at
iyon ay ang salitang impokrito. Gumawa siya ng isang matayog na pader
noon dahil lang sinaktan siya ng isang tao, matapos siyang lokohin at
paglaruan, hindi niya mawari kung gaano katindi ang galit niya noon
kay Dale gayong ganun din naman ang ginawa niya kay Tom ngayon.
Naaalala
ni Andy noon na sinumpa niya na hinding hindi niya ipaparamdam kahit
kanino man ang sakit na kaniyang naramdaman na iyon dahil alam niyang
hindi lahat ng tao ay kakayanin ang nangyari sa kaniyang iyon.
“Andy---”
tawag pansin ni Dale kay Andy nang mapansin niyang nakatitig lamang
ito sa direksyon kung saan huli nitong nakita ang naglalakad palayo
na si Tom. Inabot niya ang balikat nito nang hindi parin ito humarap
sa kaniya pero agad hinawi ni Andy ang kaniyang kamay.
“I-I
c-can't do this---” simula ni Andy na siyang nakapagpakunot sa noo
ni Dale dahil hindi niya naintindihan ang ibig sabihin ni Andy.
Para
kay Andy ay lalo niya lamang sasaktan si Tom. Lalo lamang siyang
makakasakit ng tao kung magpapadala siya sa akala niya ay tamang
nararamdaman. Nakatalikod parin si Andy kay Dale at nakatitig parin
ito sa lugar kung saan niya huling nakita ang sinaktan niyang si Tom.
“Andy---”
“Dale,
I can't do this---” simula ulit ni Andy na ikinagalit na ulit ni
Dale.
“What?!”
pabulong pero rinig na rinig ang galit at panghihinayang sa boses
nito.
“I
don't want to hurt anybody!” balik ni Andy na tila ba naghuhugas
kamay. Nakokonsensya sa nangyari sa pagitan nila ni Tom na lubos na
ikinalungkot at ikinagalit ni Dale.
“You
could've fooled me---” galit na galit na simula ni Dale. “--as I
remember I didn't hear you say that last earlier while I was inside
you---” mainit na balik ni Dale na nagtulak kay Andy na sampalin
ito ng malakas.
Napuno
ng tunog ng isang malakas na sampal ang buong kusina. Natigilan si
Andy sa kaniyang ginawa at gayun din si Dale, pero mas bumigat ang
loob ni Andy nang makita niya ang purong sakit sa mga mata ni Dale.
Hindi man ito naluluha kagaya ni Tom ay mas doble naman ang
nararamdaman niyang pagkabigat ng loob kumpara sa nangyari sa kanila
kanina ni Tom at ito ang nagtulak sa kaniya upang mapagtanto na mali
ang kaniyang ginawa dito.
“I-I'm
s-sorry.” nauutal na saad ni Andy saka sinubukang abutin ang mukha
ni Dale pero iniwas ito ng huli.
“Yeah---”
simula ni Dale habang humahakbang patalikod, palayo kay Andy, hindi
na mapigilan ang pangingilid ng luha na siya namang hindi nakaligtas
kay Andy. “---me too.” pagtatapos ni Dale saka tumalikod na kay
Andy at naglakad palayo.
Wala
ng nagawa pa si Andy kundi panoorin din si Dale makaalis tulad ng
panonood niya kay Tom paalis kanina. Iba't-ibang emosyon ang
tumatakbo sa kaniya ngayong isip at iba't ibang emosyon din ang
nararamdaman ng kaniyang puso. Sa sobrang dami ng pinaghalo-halong
emosyon ay wala na lang siyang nagawa kundi ang mapaupo sa isang
upuan at tumitig sa isang sulok.
Sa
ganitong kalagayan siya naabutan ng kaniyang mga kapatid.
000ooo000
“Are
you sure ayaw mong magpahatid kay Anthony?” tanong ni Adrian kay
Tom.
Oo
at ito ang dati pa nilang gusto, ang tuluyan ng mawala sa buhay ng
kanilang kapatid si Tom, ang taong siyang nanloloko at nangga-gatas
lamang sa kanilang kapatid pero ang makita itong tila ba lambot na
lambot, wala ng buhay, burado ang akala nila noon ay permanenteng
mayabang na ngiti sa mukha nito at ang malungkot nitong ngiti na
nagsasabing siya ay nasasaktan ay hindi mapigilan ni Adrian na
makonsensya sa kaniyang ginawa.
“OK
lang, Adrian. Tumawag na ako ng taxi, ayoko ng makaistorbo pa lalo
sainyo---” magalang na pagtanggi ni Tom na hindi naman kinagat ng
laging kumokontra na kapatid nila Andy na si Allen.
“Psss---”
di naniniwalang pagpapalabas ng hangin ni Allen gamit ang bibig na
binigyan ng masasamang tingin ng kaniyang mga kapatid.
“OK
sige ingat ka.” malungkot na saad ni Adrian at pinanood si Tom na
ligtas na sumakay sa taxi papuntang airport dala-dala lahat ng gamit
at damit na meron siya.
“Good
riddance.” saad ni Allen na ikinainis ni Anthony at Aeron,
nagbingi-bingihan na lang si Adrian at pumanik na sa ikalawang
palapag upang silipin si Andy na matapos nilang maabutang tulala sa
kusina ay pumanhik at nagkulong na sa lumang kwarto nito.
000ooo000
Narinig
ni Andy ang dahan-dahang pagbukas ng pinto at agad niyang ipinikit
ang kaniyang mga mata. Nang maabutan siya ng kaniyang mga kapatid
kanina ay nakatulala pa siya sa kanilang kusina, hindi akalain na sa
ganoong kabilis na panahon ay nawala sa kaniya pareho si Tom at Dale,
na nakasakit siya ng dalawang tao na parte ng kaniyang buhay.
Sinubukan siyang tanungin ng kaniyang mga kapatid kung ano ang
nangyari pero hindi na niya sinagot ang mga ito at tumungo na sa
kaniyang lumang kwarto.
Nang
madaanan niya ang kasalukuyang kwarto na tinutulugan nila ni Tom ay
nakita niya sa gilid ng kaniyang mata na nage-empake ito. Napatigil
siya sa tapat ng pinto ng kwartong iyon pero hindi siya humarap
papaloob dito, napansin niya din na tumigil sa ginagawa si Tom pero
parang siya ay hindi rin ito nakatingin sa kaniyang pwesto, pinilit
niyang humarap kay Tom ngunit tila ba may pwersang pumipigil sa
kaniya, sa halip ay tuloy tuloy lang siya papunta sa kaniyang lumang
kwarto at nang mapasok dito ay wala sa sarili niyang ibinagsak ang
sarili sa kama at dito siya muling naabutan nila Adrian at Allen
matapos ng umalis ni Tom sa kanilang bahay.
Narinig
ni Andy na muling sumara ang pinto at muli na lang niyang binuksan
ang kaniyang mga mata.
000ooo000
“Mali
ba yung ginawa natin? Kasi parang bumalik siya sa dati actually
parang mas malala pa nung bago natin hanapin si Dale.” nagaalangang
tanong ni Adrian kay Allen.
Natahimik
si Allen at tumitig sa nakasarang pinto ni Andy, tahimik na
nagdadasal na mali ang kaniyang nakatatandang kapatid, na hindi na
sana muli pang ihiwalay ni Andy ang kaniyang sarili sa kaniyang mga
kapatid, na sana ay hindi na ito muling gumawa ng pader sa pagitan
nila.
“Nasan
si Dale?” tanong ni Adrian kay Allen na siyang ikinabasag ng
pagiisip ng malalim ni Allen.
“Ewan
ko.” sagot ni Allen sabay kibit balikat pero tila ba nararamdaman
niyang may kinalaman ang pagkawala ni Dale sa eksena sa pag-alis ni
Tom at muling pagiging miserable ni Andy.
Nagkatinginan
si Adrian at Allen.
Itutuloy...
Breaking Boundaries 2
[chapter 17]
by: Migs
Sorry po ulit sa sobrang late na update. :-(
ReplyDeleteI have made a dummy account (as much as I detest doing one), napilitan ako eh. I have to get the attention of those who post my stories sa wall nila and then claim it as their own. Nakakinis kasi matapos mong paghirapan, sila ang magcre-credit. Halos di na nga ako matulog makapag-post lang tapos siya naman kokopyahin lang.
I'm not a blog genius at hindi ko alam ang sinasabi niyong pagla-lock. :-(
please add me and support my fight against these plagiarizer. Here's the link.
https://www.facebook.com/miguel.salvador.1232?fref=ts
Nais ko lang pong linawin na ang kwento pong “SKYBAND” ay akda po ng isa sa aking pinakamalapit na kaibigan na si Ezekiel o ang may pakana ng blog na 'to http://zildjianstories.blogspot.com/
Ating po siyang suportahan! :-)
Anonymous April 24, 2014 at 11:23 PM: Salamat! Iwan ka ng name next time para mapasalamatan kita ng maayos.
Russ: Maraming salamat po! :-)
Kerry Von Chan: yup. Kaunti. Ikaw? Low self esteem? Oh C'mon! Everybody loves Cha. Haha! Ewan ko din kung bakit.
Ryge Stan: Ikaw ata ang natatanging naawa kay Tom. Lahat sila sinasabi masama si Tom. Haha!
Migz: Salamat din po sa patuloy na pagsuporta. :-)
Dilos: thanks po! Your comment melts my heart naman po. :-)
marc: Salamat!
Jemyro: Salamat po! Bakit tagal hindi nag-open? Haha! Natatamad ka na sa bagal ng update ko? :-(
Ryan: Salamat po sa patuloy na pagsuporta kahit na nagsasawa na kayo minsan sa kakaabang ng update. :-(
Migil Migs: Sagasaan talaga? Haha!
Chants: Salamat po sa pagcomment at pagsuporta! :-)
racs: Salamat din po sa patuloy na pagsuporta! :-)
mikel: Salamat po! :-)
marc: yup malandi siya. Salapat din po!
Aron: salamat din po! :-)
dj: thank you din po. Sana hindi kayo magsawa.
Hey Adams: Kuya M talaga? Gaga! Thanks for wanting more! :-)
jay-r: salamat po sa pagsuporta! :-)
Aion: intayin po natin malay mo may side story siya o may story talaga siya na separate. ;-)
Chan: salamat po!
ANDY: bakit di mo magamit? baka kasi di mo na masyado binubuksan? :-)
Christan: Salamat din po!
Julio: maalindog talaga? Haha! Salamat!
WaydeeJanYokio: Yep sorry daw. :-)
jc: Salamat po!
Rekha: Salamat din po!
Therese llama: bagsakan talaga ng kometa; regarding Kiko, nope, nagiinarte lang siya. Haha! :-)
charles: Salamat!
Penny: Thank you din po!
JPL: Thanks! :-)
JBBJ: naku po hindi ito mawawal. :-) thanks for the support. Sana hindi ikaw magsawa! :-)
Teck: Salamat po!
Lyron Batara: Salamat po sa patuloy na pagsuporta. :-)
Anonymous May 9, 2014 at 9:22 PM: Thanks po. Lagay niyo po ang name niyo next time! Salamat po!
Cheesy: salamat po! :-)
MARAMING SALAMAT ULIT SA PATULOY NA PAGSUPORTA AT SA NAGUUMAPAW NA COMMENTS! MORE PLEASE! ENDORSE THIS BLOG SA FRIENDS NIYO DIN AH! :-) I'm targeting to gain more followers! Salamat! :-)
1st! hehehehe..ehhhh lungkot chapter :( Si andy ksi ehhh...oo nga malungkot na sya sa nagyari kay Tom..inaway nya pa ksi si dale ehhhhh >_< thanks for the update po kuya migs :D
ReplyDeleteTom deserves it!! Kasi sa pagkakaalam ko ang relasyon ay may dalawang mukha.. Amg nasasaktan o ang nagpapakasit.. Noon c andy ang nagparaya at nasasaktan ngayon c tom, ang problema lang he cant handle the situation.
ReplyDeleteI felt bad for Dale.. Tom deserves what he got and at the end he made the right choice of leaving.. As for Andy, he created his own misery, he should learn how to get out of it and accept his destiny.. Perhaps it is his turn to look for Dale and do what he needs to do to make it up to him.. I am really heavy hearted in this chapter.. Still a good one though Migs..
ReplyDeleteI felt bad for Dale.. Tom deserves what he got and at the end he made the right choice of leaving.. As for Andy, he created his own misery, he should learn how to get out of it and accept his destiny.. Perhaps it is his turn to look for Dale and do what he needs to do to make it up to him.. I am really heavy hearted in this chapter.. Still a good one though Migs..
ReplyDeletehahaha ewan ko ba kung baket ako naawa kay Tom, but like what Andy said "no one deserves to be hurt." Parehas lang siguro kami ng personality ni Andy. Martir..... anyways this is a great chapter and sa flow ng story I think were nearing the end.... I hope another story will unfold and mas maganda kung story na ni Tom di ba Migs?
ReplyDeleteHave a great day and keep up the good work
Naku buti naman at nagiinarte lang si kiko..btw love na love ko tlaga magbasa ng mga gawa mo..kahit pa ulit ulit..hehe
ReplyDeleteNaku..kometa talaga sana bumagsak sa mukha ni tom..pero something tells me na si tom at andy ang magkakatuluyan at magiging frends na lang sila ni dale (as much as i love na si dale at andy ang magkatuluyan)..para kasi nasa road to redemption si tom eh..parang nararamdaman niya na kung gaano ka importante si andy sa kanya..parang nagbabago na siya unti unti dahil di niya lang siguro alam pero unconsciously mahal na niya talaga si andy atsi andy naman parang there is something inside him screaming na mahal niya si tom (kasi I believe na ang taong mahal natin ang totoong nakakaramdam ng tunay nating nararamdaman kahit d natin sabihin) at yung sa kanila dale eh parang mga natirang emotions na lang dahil di maganda ang naging closure nila
And with everything said..I will be more happy kung sila dale at andy ang magkatuluyan kasi nga si dale ang ngiti ni andy pero ang kinakatakot ko eh baka bilang magkaibigan lang ang dalang ngiti nI dale na yun diba...
Naku naku naku...malungkot ako na excited gusto ko nang malaman ang mangyayari..arrgghh..isa ka talaga sa pinaka rare na tao na napapaexcite ako ng ganito
Btw..since magbabasa nga ako ng lumang gawa mo...frends na ba kau ulit ni jp??wala lang natanong ko lang..baka magalit si mjre..hehe...HOY ikaw jp kung naligaw ka dito sana matapunan ka ng isang tangke ng kumukulong mantika..malayo yung sitwasyon nyo ni tom..yun lang
Lovr u migs..ingat lagi
Theresellama
thank you kuya migs. ang aking pinakahihintay sa lahat ng inaabangan ko.
ReplyDelete--ANDY
Nakakaawa si tom..but to think na kailangan pa na maramdaman nya din ang pagtataksil sa kanya dun nya pa na realize kung gaano kasakit haaays sana sya nlng sinampal ni andy hahaha..Good decision na umalis si tom, para kahit papaano may time sya for realizationsa mga ginawa nya..he's so insensitive..ngyun pa sya nag emote na sana nagkakamabutihan na si andy at dale..hmp!
ReplyDeleteOverall great chapter! Thanks for the update kuya migs! :D
Auhtor migs!
ReplyDeleteIto yun problema natin eh, madali tayo magpatawad actually I symphatize with tom, kahit na ganun yung mga nagawa niya sad pa rin ako/ ok n ewan sa mga nangayari sa kanya.
Andy goes to self reflection again..haist...atleast walang patayan ngayon sa breaking boundaries 😄
-aR
haizt.....
ReplyDeletemarc
Parang naubos energy ko sa chapter na to... :(
ReplyDeleteAng lungkot. Ito ang siyang TUNAY na nakakamelt ng heart. :(
ReplyDelete-dilos
Aw! mahal na ni tom si andy! wawa naman. at ayun walang natira kay andy. :(
ReplyDelete~waydeejanyokio
*Malalim na Buntong Hininga* :(
ReplyDeletefirst comment ko dito..hehehehe at ako ay speechless..basta sad ng chapter na to :'( sad ako dun sa nagyari sa kanila ni dale..pero kay tom slight lng..parang engot lng ksi ngyun pa nasaktan hays
ReplyDeleteMaka gaga ka naman Kuya M! Buti nga hindi PAPA MIGS yung tinawag ko sayo ehh! Ahahaha.
DeleteKidding aside. Naawa ako kay Tom pero kung gaano naman ako naawa sa kanya ganun din ako naiirita kay ANDY!
Hay nako bakla ka kung totoo ka lang malamang nasabunutan na kita! Di ka na virgin para magmalabirhen sa kabaitan! KKLK!
Pero kahit marealize man ni Tom na mahal na niya si Andy sana naman kuya Migs wag mong hahayaang magkatuluyan sila. Sige na naman please.
Good luck sa work saka sa writting career mo Kuys! Kakabitin! Ahaha :D
Andy naman ehhhhh!!! hahahaha >_< ty sa update po :]
ReplyDeleteyeah, wala ng pinagkaiba c Andy kay Tom, mas masakit yun sa part ni Dale.
ReplyDeletelets say Andy has feelings for Dale, but knowing he's still with Tom, he should've control his feeling being the mature one in their relationship, sabihin na nating cheater si Tom, pero alam ni Andy yun at wala syang ginawa... pero yung part nya, sa ginawa nya with Dale, super mali at wala na talaga silang pinagkaibang dalawa, "cheaters"... :-( objectively speaking...
yet, on the other side, I'm happy for Andy kasi napalaya na nya ang matagal nyang nakakulong na 'sarili'...yun naman talaga ang deserve nya, nilang 2 ni Dale...
but... di dapat masaktan c Dale dahil alam nyang mali yung move nya knowing Andy is still w/ Tom, (kht gaanno pa kagag* bilang bf si Tom)
haaaaayyy now its upto Andy to choose ang redeem his self, kung sino man piliin nya dapat mag-stick na xa dun for good. ^_^ I HOPE C DALE YUN.
BOOMPANEZZ!
-Julio <3
“I don't want to hurt anybody!” daw ehh nahurt nya si dale! :(
ReplyDeletenapanganga ako sa ginawa ni andy.. :( why oh why andy? xcited for nxt chap,,thnx kuya migs! tc
ReplyDeletemahirap makasakit ng tao kubg alam mo na masasaktan ka din... hindi maiiwasan ang ganun kahit sabihin na di natin ito nagustuhan or di natin sinasadya... kusa na lang ito mararamdaman at mangyayari na di natin alam...
ReplyDeleteDale
nalungkot ako sa chapter na to :'(
ReplyDeleteAwww... Kawawang andy! Buti nga kay tom... Haha... Busy lang po sa sobrang daming work at walang signal sa probinsya... Hehe... Gondo author! Bingga!
ReplyDeleteGusto ko ang paraan mo sa pagpapakita ng emosyon sa mga character mo Miggoy. Lalo na sa Character ni Tom.
ReplyDeleteso sad chapter :( mixed emotions ako..huhu sumabay pa ung gloomy weather today...emo na emo na ako XD ty for the update!
ReplyDeleteGrabe ang emosyon ah. nadadala na naman ako, ilang araw magre-resonate sa utak ko ito...
ReplyDeleteBTW goodluck sa AOO3 mukhang magiging madugo na naman yun! hehehe
wow new look! swan sir Migz! V(^_^)V
ReplyDeleteSa chapter na to dami talagang emotions na mararamdaman..galing talaga! ty sa update tc always! :D
ReplyDeletePS: Wow new look ah..at secured na hahahah nice one kuya migs! haha
great but sad na chapter >.< ty for the update!
ReplyDeletenice new look pla :]
Nice chapter and nice din sa bagong look hehe tnx sa update
ReplyDeleteThank you sa update migs :)
ReplyDelete