Breaking Boundaries 2[14]

DISCLAIMER: The following is a work of fiction. Any similarities to any written works and any person, living or dead are purely coincidental. The story is intended for a mature audience. It may contain profanity and references to gay sex. If this offends you, please leave and find something more suitable to read. The author maintains all rights to the story. Do not copy or use without written permission. Email the author at miguisalvador@yahoo.com for comments, suggestions and violent reactions in pertaining to this blog and the stories that comes along with it.


Tulad ng napagusapan nila ni Andy, ipinangako ni Dale na gagawan niya ng paraan ang mga sira sira na at nangangalawang na mga railings ng bintana sa pangalawang palapag ng bahay. Hindi magawang gayahin ng kaniyang mga tauhan ang eksaktong hugis ng mga ito, eksaktong laki at itsura kaya naman ang susunod na niyang planong gawin ay puntahan ang nagiisang lugar kung saan gumagawa pa ng ganong mga klaseng railings sa bintana.


Where are you going?” tanong ni Adrian kay Dale kasama ang kaniyang nakababatang kapatid na si Aaron na walang dudang maglalaro sana ng basketball nang makita nila si Dale na palabas na ng kanilang bakuran.

I'm going to Batangas---” simula ni Dale pero agad na natigilan nang makita niya si Andy na lumabas ng bahay, saglit niya itong tinignan at nginitian bilang pagbati dito ng magandang umaga. Nakita pa ni Dale ang magsisimula sanang pagngiti ni Andy pabalik sa kaniya pero tila ba naisip nito kung ano ang kaniyang ginagawa kaya nagkasya na lang ito sa pagtango na agad na ikinabura ng ngiti sa mukha ni Dale na hindi naman nakaligtas kila Aaron at Adrian.


Akala kasi ni Dale ay magiging maayos na ang lahat sa kanilang dalawa ni Andy matapos ang maikli at tahimik nilang kwentuhan noong isang gabi habang nagkakape kaya naman ang pagaalangan na iyon ni Andy na suklian ang kaniyang pagngiti ay gumulo nanaman sa kaniyang isip. Wala sa sariling umiling si Dale at ipinagpatuloy ang naudlot niyang sasabihin. “--hahanapin ko yung gumagawa ng railings ng bintana.”


Saan sa Batangas?” tanong ni Aaron na may kinang sa mga mata na miya mo gustong sumama.


Malapit lang---” bitin na sagot ni Dale habang inaayos ang kaniyang mga gamit bago umalis at habang tinitignan sa gilid ng kaniyang mga mata si Andy na muling pumasok ng bahay. Nagpakawala na lang ng isang malalim na hininga si Dale saka umiling muli nang sumara na sa likod ni Andy ang pinto.


Saan nga?!” naiirita at tila isang batang excited na gustong gustong sumama sa mamamasyal na mga magulang na tanong ni Aaron.


Sa Batangas nga!”


SAMA AK---” simula ni Aaron pero agad itong pinutol sa pagsasalita ni Adrian nang makaisip nanaman siya ng isang nakakalokong ideya.


Tamang tama!” saad ni Adrian saka tinabig si Aaron patabi at tinawag ang pansin ng kaniyang isa pang kapatid.


ANDY!” sigaw ni Adrian na ikinakuwa din ng pansin ni Dale.

000ooo000

I can't believe I agreed to this!” singhal ni Andy sa sarili, hindi alintana na nasabi niya pala ng malakas ang kaniyang iniisip.


Di mo ba alam na ang San Juan, Batangas saka ang Nasugbu, Batangas ay katumbas ng Cavite at Quezon City sa layo?!” mahinahon pero may pagkairitang tanong ni Andy kay Dale.


Yes I'm aware of that—-” hindi pa man natatapos si Dale sa kaniyang pagsasalita ay muli ng nagsalita sa inis si Andy.


At pumayag ka parin?!” singhal ni Andy kay Dale na wala na lang nagawa kundi ang kalmadong ituon ang kaniyang pansin sa kalsada sa kaniyang harapan.


Your brother asked me for a favor---”


At nagpauto ka naman?!” singhal ulit ni Andy na parang nagmumukmok na bata sa tabi ni Dale. Nalabas ng isang nafru-frustrate na hininga si Andy, indikasyon na sumusuko na siya sa mga nangyayari na siyang nagtulak para tumahimik ang loob ng sasakyan.


Hindi mapigilan ni Dale na makaramdam ng kaunting kirot sa kaniyang dibdib. Alam niyang hindi parin kumportable si Andy na maiwan magisa kasama siya pero hindi naman ito kailangan ipamukha ng paulit ulit sa kaniya ng huli.


I get that you don't want to be near me---” simula ni Dale na siyang kumuwa sa pansin ni Andy.


Agad na tinignan ni Andy si Dale, nakita niya ang lumalabas ng mga ugat sa sintido nito, ang buto nito sa ilalim ng tainga ay nagsasalitan sa pagtense at sa pag relax at ang kapit nito sa manibela ay tila ba intensyon nitong durugin iyon.


Hindi naman sa ganon---” simula ni Andy pero hindi ito pinakinggan ni Dale na nagpatuloy lang sa pagsasalita.


---but you don't have to rub it in my face every time you get stuck with me---” kalmado pero halatang nagpipigil na pagkairitang saad ni Dale.


---your brother asked me to drive you to your aunt's house. Sorry kung dapat pala hindi ako pumayag sa simpleng request na iyon---” saad ulit ni Dale na siyang nagbalot ulit ng katahimikan sa buong sasakyan.


---and you could've said 'no'. Imbis na nagsisisi ka ngayon na kasama mo ako.pagpapamukha pa ni Dale kay Andy na tila naman nagising sa saglit niyang pagkabaliw.


Bakit nga ba hindi siya humindi sa kaniyang kapatid kung talagang ayaw niyang kasama si Dale? Ito ngayon ang tumatakbo sa kaniyang isip habang nakatuon ang kaniyang pansin sa labas ng bintana niya at habang nababalot ng katahimikan ang buong sasakyan. Bakit nga ba niya itinutuon lahat ng sisi kay Dale gayong hindi naman siya nagpumilit na huwag siya ang isama nito.


Iginawi ni Andy ang kaniyang tingin kay Dale. Nakalabas parin ang mga ugat nito sa sintido, nakaupo ng tuwid na parang sundalo at mahigpit parin ang kapit nito sa manibela, halatang hindi rin nito nagustuhan ang kanilang pagtatalo.


I'm sorry.” wala sa sariling saad ni Andy.


Tila isang sumpang binawi ang agad na pagkalma ng buong katawan ni Dale matapos nitong marinig ang sinabi ni Andy. Wala sa sarili itong sumandal sa kaniyang kinauupuan, rumelax ang buong katawan nito at hindi na ganon ka-higpit ang kapit nito sa manibela.


It's OK--- I-It's just that I don't get why you're so worked up about this. It's only for a few hours---” nagugulahan paring saad ni Dale kahit pa kalmado na ang paligid nilang dalawa ni Andy.


I get bored easily.” wala sa sariling sagot ni Andy kahit pa alam niyang hindi ito kakagatin ni Dale. Pampalubag niya lang ito sa sarili dahil sa pagmumukha niyang tanga kanina nung ipinagtatabuyan nanaman niya si Dale palayo.


Narinig niya ang marahang paghagikgik ni Dale, indikasyon na hindi ito naniwala at sa hanggang ngayon ay kilala parin siya nito ng lubusan. Habang humahagikgik naman si Dale ay iniisip niya na muli nanamang itinatayo ni Andy ang pader sa pagitan nilang dalawa pero hindi ito nagtagumpay kaya ganito ang kinikilos nito.


We could always talk you know.” nakangiting mungkahi ni Dale bilang sagot sa simpleng problema na iyon ni Andy habang nakatingin ng daretso sa kalsada sa kanilang unahan.


Habang nakatingin sa labas ng kaniyang bintana ay hindi napigilan ni Andy ang mapangiti at mapahagikgik na din lalo na nang si Dale na ang magumpisa ng usapan nila.

000ooo000

Andrew!” sigaw ng isang matandang babae habang naglalakad ng mabilis pasalubong sa kanilang dalawa.


Magandang tangahali po.” magalang na saad ni Dale sabay bow pa sa tiyahin ni Andy na tinignan lang siya ng nakakaloko.


And you're Tom?” mataray na saad ng tiyahin nila Andy na agad na nakapagpailing kay Dale.


Ay hindi po. Si Dale po ako, yung contractor po ng pinaparenovate na bahay nila Andy.” paliwanag ni Dale na agad muling nagtatak ng ngiti sa mukha ng matanda.


Sabi ko na. Ayon kasi sa mga kwento nila Adrian ay may pagkabastos ang isang iyon at wala naman akong nakita at nararamdaman na bastos ka. Gwapo mo naman tapos ang galang pa.” masayang saad ng tita ni Andy sabay angkla ng kamay sa malaking braso ni Dale at sinamahan ito papasok ng bahay kasunod si Andy na napakamot na lang sa ulo.


Hindi naman po, tita.” pagpapakumbabang saad ni Dale.


Hay naku, wag mo na akong tawaging tita. Conching na lang.” saad ni Conching sabay ngiti ng matamis at pisil sa mga pisngi ni Dale.

000ooo000

Hinintay ni Andy ang magiging reaksyon ni Dale kapag nakita na nito ang bakuran ng kaniyang tita Conching. Hindi niya mapigilang mapangiti nang makita niya ang tila batang nakakita ng isang magandang laruan na si Dale nang makita niya ang magandang tanawin na nasa harapan nila ngayon ni Conching.


Alam ni Andy na gustong gusto ni Dale ang mga dagat, ilog, sapa at maski malinis na kanal o kaya patubig sa isang bukirin kaya naman hindi na siya magtataka kung nakita niyang hindi na iniintindi ni Dale ang kaniyang tita Conching at nakatitig na lang ito sa malinis na dagat sa kanilang unahan na tila ba ilang minuto na lang ay tatakbo na ito upang maligo na parang batang noon lang nakapaligo sa dagat.


Beach ang likod ng bahay niyo?!” gulat na gulat na saad ni Dale na lalong ikinangiti ni Conching at Andy.


Binigyan ng isang makahulugang ngiti ni Conching ang kaniyang pamangkin na ikinakunot ng noo ni Andy. Alam niya ang mga ngiting ganon ng kaniyang tiyahin. Meron itong nais ipahiwatig o di kaya naman ay ipamukha sa kaniya.


Wow! You even have your own dock?” manghang manghang saad ni Dale na lalong nagpalaki sa mga ngiti ni Conching.


My father, Andy's grandfather built that for the local fishermen.” tila nagbabalik tanaw na saad ni Conching na ikinatango-tango lang ni Andy bilang pagsang ayon habang si Dale naman ay tila lalong namangha sa magandang palagid.


C-can I go for a walk? Alam kong nagmamadali tayo kasi pupunta pa tayong nasugbu pero saglit lang 'to, promise.” parang bata na kating kati ng paglaruan ang kaniyang bagong laruan na saad ni Dale na nakapagpahagikgik kay Andy habang si Conching naman ay hindi mapigilang mapansin ang ibinabatong tingin ng dalawang bata sa kaniyang harapan.


OK lang Dale---” hindi pa man natatapos ni Andy ang kaniyang sasabihin ay nagtatatakbo na si Dale papunta sa daungan ng mga bangka na ginawa pa ng ama ni Conching.


Hindi namalayan ni Andy na matagal na nabalot ng katahimikan ang paligid nila ng kaniyang tiyahin habang nakangiti siyang nakatingin sa kinaroroonan ni Dale at hindi rin namalayan ni Andy na habang masaya niyang pinapanood si Dale ay mataman naman siyang tinitignan ng kaniyang tiyahin.


He's good for you.” mga salitang galing kay Conching na bumasag sa panonood ni Andy kay Dale na abala na sa pagikot-ikot sa daungan ng bangka. Saglit na umiling si Andy at hindi nakaligtas kay Conching ang pagbagsak ng mga balikat ni Andy at pagkabura ng ngiti nito sa mukha.


Why not?” dikit kilay na tanong ni Conching sa pamangkin at nang hindi sumagot si Andy na muling ibinalik ang tingin kay Dale na may halo ng lungkot sa mga mata ay muli na lang nagsalita ang matandang babae.


Sabi sakin nila Adrian di ka na daw ngumingiti ngayon, hindi na tumatawa, madalas malungkot, nakasimangot at hindi na nagsasalita. Knowing you, mas nakakatakot ang hindi mo pagsasalita dahil ikaw ang pinakamadaldal sa pamilya---” simula ni Conching na nakapagpahagok kay Andy nang marinig ang huling sinabi ng tiyahin.


---pero ngayong nandito ka sa harap ko na nakangiti ng ganiyan at tumatawa katulad ng naaalala kong batang Andy, parang ayaw kong maniwala sa mga kwento nila---” pagpapatuloy ni Conching at ibinuka na ni Andy ang kaniyang mga bibig upang ipagtanggol ang sarili pero inunahan niya ito.


Iyan bang pagngiti-ngiti mong yan dahil kay Dale?” tanong ulit ni Conching sa kaniyang pamangkin na isinara at buka lang ang bibig sa kawalan ng maisasagot.


Why settle for anything less when it's making you miserable?”


Tita---” simula ni Andy pero inunahan nanaman siya ni Conching.


Why settle for anything less that is making you miserable when the one that makes you happy is already in front of you just waiting for you to overcome what ever it is that's holding you back.” pagtatapos ni Conching na gumulat kay Andy.


Di mo ba naisip na baka siya ang dahilan ng pagkakaganito ko, Tita?” saad ni Andy na ikinatigil saglit ni Conching at wala sa sariling tumingin kay Dale na masayang ibinababad na ngayon ang kaniyang mga paa sa tubig at nagsalita laman ito muli ng ibalik niya ang tingin sa kaniyang pamangkin.


I saw how he looks at you pagkababa na pagkababa niyo ng sasakyan. Mahal ka niya, Andy yun ang nakikita ko sa mga mata niya at kung pano ka niya tignan. Huwag mong sayangin yung pagkakataon dahil lang gusto mong pairalin ang pride mo at dahil lang nasaktan ka noon, dahil lang kumportable kang hindi ka nasasaktan at wala kang nararamdaman dun sa kinakasama mo ngayon.”


Natahimik na si Andy sa sinabing ito ni Conching. Kilala na si Conching na taklesa sa kanilang pamiya pero ang matikman niya ito mismo ay tila ba isang malakas na sampal sa kaniya na tila ba nais na magising siya sa kaniyang kahibangan.


Pagisipan mong mabuti yan--- Magluluto lang ako ng miryenda.” saad ni Conching sa nakatulalang si Andy.

000ooo000

Pino ang buhangin sa dalampasigan na iyon na siyang nasa likod lang talaga ng bahay nila Conching, tanging mababang bakod na gawa sa kahoy lang ang nagbubuklod sa kulay berdeng damo sa bakuran ni Conching at ang pinong buhangin na iyon tapos ang malinaw na tubig ng dagat. Di ito bago kay Andy sapagkat noong mga bata sila ay madalas ito ang kanilang bakasyunan.


Naabutan niya ang nakangiti paring si Dale sa daungan ng bangka na iyon, nakaupo sa pinakadulo nito at nilalandi ang tubig gamit ang mga paa, sa sobrang kasiyahan ay hindi napansin ni Dale ang pagdating ni Andy nang mapahagikgik na lang si Andy saka nagtaas ng tingin si Dale.


Mukha ba akong tanga?” nangingiti at umiiling na tanong ni Dale kay Andy na patuloy lang sa paghagikgik.


Di naman. Mukha ka lang bata na nasa first day ng bakasyon kung makangiti.” saad naman ni Andy sabay hagikgik muli.


Saglit na binalot ng katahimikan ang dalawa habang si Andy naman ay nagtatanggal din ng sapatos na suot at tumabi kay Dale at nagsimula ng landiin din ang napakalinaw na tubig gamit ang sariling paa. Tinignan ni Dale si Andy. Napaka amo na ng mukha nito, kalmado, wala na ang laging nakasimangot at ismid na si Andy noong nagkita muli sila.


Tila bumalik sila sa panahon kung saan wala pang pustahang nagaganap sa pagitan nila Dale at Jay, panahon kung saan hindi pa nasasaktan ni Dale si Andy, panahon kung saan hindi pa nanigas na katulad ng sa bato ang puso ni Andy at wala pa itong ginagawang matayog na pader sa pagitan niya at sa kung sino man ang nagmamahal sa kaniya.


It's beautiful here.” wala sa sariling saad ni Dale matapos pagmasdan ang maamong mukha ni Andy.


Agad na tinignan ni Andy ang kaniyang kasama matapos nitong sabihin ang mga salitang iyon. Nagtama ang kanilang mga mata, tila may sariling paguusap ang mga ito at naputol lang iyon nang magpakawala ng isang matamis na ngiti si Dale na wala sa sarili namang sinuklian ng isang matamis ding ngiti ni Andy.


It's a shame di ka makakaligo sa dagat.” saad ni Andy sabay ibinalik ang tingin sa malinis na tubig saka pumikit upang i-relax ang sarili sa pamamagitan ng paikinig sa paghampas ng alon sa dalampasigan.


Nagulat na lang siya at agad na iminulat ang mga mata nang marinig niya ang malakas na tunog sa tubig sa kaniyang tapat na miya mo binato ng isang malaking bato at nang may tumilamsik na tubig sa kaniyang mukha.


Sinong may sabi na hindi pwedeng maligo?” tanong ni Dale kay Andy na tila naman naeskandalo dahil sa gulat.


Sarap maligo, Andy. Tara!” aya ni Dale kay Andy.


Wala akong pamalit!” balik naman ni Andy na hindi na mapigilan ang sarili na mapahagikgik habang pinapanood niya ang tuwang tuwa na si Dale.


Akong bahala dun!” saad ni Dale sabay hinila ang paa ni Andy na nagtulak upang mahulog ang huli sa tubig.


Nabalot ng malinaw na tubig dagat si Andy. Tila nasa ibang mundo sila. Nawala ang malalakas na hampas ng alon sa dalampasigan, nawala ang awit ng mga ibon na pumapalibot sa dalampasigan. Lumangoy papalapit sa kaniya si Dale. Nakahubad baro pala ito, iba ang epekto ng tubig sa katawan nito, lalong tumingkad ang ganda ng katawan nito at ang kinis ng balat nito.


Ilang bula ang lumabas sa ilong at bibig ni Dale nang ngumiti ito na nagtulak kay Andy na ngumiti din. Lumangoy muli si Dale at nawala ito sa paningin ni Andy, lumingon siya pakaliwa at pakanan ngunit hindi parin ito nahagip ng kaniyang mga mata na nagsisimula nang mamula at mangirot dahil sa angking alat ng tubig,


lalangoy na sana si Andy upang i-ahon manlang maski ang kaniyang ulo nang makaramdam siya ng pagyakap mula sa kaniyang likuran na nagtulak sa kaniya upang makalunok ng ilang tubig at magpanic. Parehong napaahon sila Andy at Dale, inis na inis si Andy kay Dale dahil sa ginawa nito pero hindi pa siya makapagsalita dahil umuubo pa siya dahil sa mga nalunok na tubig.


I'm so sorry to scare you.” pabulong na saad ni Dale. Doon lang nila pareho napagtanto na magkadikit na magkadikit pala ang kanilang mga katawan.


Ang pagaalala ni Dale ay napalitan ng kagustuhang halikan si Andy at ang inis naman ni Andy ay napalitan ngkagustuhang lalo pang ilapit ang kaniyang katawan sa katawan ni Dale, ang yakapin siya nito lalo at maghapon na lang na titigan ang mga mapupula nitong labi.


Handa na yung meryenda!” sigaw ni Conching sa dalawa sa may bungad ng daungan ng bangka na nagdulot upang itulak ni Andy si Dale papalayo na siyang ikinahagalpak naman ni Conching sa tawa.


Mabilis na umahon si Andy at tinuyo ang sarili gamit ang mga twalya na dala ng kaniyang tiyahin habang si Dale naman ay naiwang nahihilo sa may tubig dahil sa mabilis na nangyaring pag-alpas ni Andy sa mahigpit niyang yakap dito pero nang makabawi na ay wala sa sarili na siyang ngumiti.


Dale! Bilisan mo mauubos na namin yung meryenda!” sigaw muli ni Conching na lalong nakapagpangiti kay Dale.


This is the best day ever.” saad ni Dale habang umaahon mula sa tubig.


Itutuloy...


Breaking Boundaries 2
[chapter 14]

by: Migs

Comments

  1. Hey guys! Sensya na po ulit sa late update. Sobrang busy parin po. :-(

    Salamat sa patuloy na pagsuporta! I Love You all!

    More comments please. :-) I really need an input now from you guys. Gusto kong malaman kung OK pa ba ang pinaggagagawa ko or kailangan ko ng i-review ang writing technique ko.

    COMMENTS, SUGGESTIONS and VIOLENT REACTIONS are very much welcome.

    Ulit po Salamat at Love ko kayo lahat!

    ReplyDelete
  2. Fiiiirst! Haha! Wala ka pa rin kupas kuya migs! :) Inaabangan ko to araw araw kung may update. Sensya ngayun lng aq nag commemt ever since. Thanks!
    -jhayar

    ReplyDelete
  3. Comment ko migs, wala ka pa ring kupas nakakainlove pa rin ang stories mo.......wala atang connection sa mga past characters sila?? Hehehe nakakapaakilig to the bones ka pa rin, migs ur the best, worth waiting ang lahat ng chapters ^_^

    ReplyDelete
  4. “Why settle for anything less that is making you miserable when the one that makes you happy is already in front of you just waiting for you to overcome what ever it is that's holding you back.”

    This! Magaling ka pa din magpakilig Migs! Very light and ang sarap Ngumiti! Keep this up! Maganda promise! :)
    -dilos

    ReplyDelete
  5. OK na OK parin mga stories mo Migs! you never fail to amuse me :) thank you for this update.

    ReplyDelete
  6. This is the best day ever!!! ---- super cool!!! love this chapter kuya migs!!! thanks

    ReplyDelete
  7. Walang kupas ka prin kuya Migs mag sulat! tumatatak tlga sa isip ko ung mga pangyayari sa stories mo haha :D

    ReplyDelete
  8. The best ka prin mag sulat Migs! Unang smile ko sa araw na ito :) hehehe Thanks for this chapter!

    ReplyDelete
  9. Magaling ka prin Migs...Super galing mag pa kilig...pero nako super galing ka din magpaiyak..nako nako exciting at the same time kakatakot na baka di kayanin ng puso ko ung mga twist and turns hahaha salamat sa update! ingatz idol

    ReplyDelete
  10. Bilang isang OFW, nakakawala ng stress ang mga stories mo Mr.Author :) keep it up! tc

    ReplyDelete
  11. Nice Chapter po ty :)

    ReplyDelete
  12. ano ba ang sasabihin ko? naku!!

    kani kanina lang ay nagcheck ako kung may post na pero wala... araw araw akong dumadalaw sa blog mo Migs para tingnan kung may bagong post at nananalangin na sana mag magmilagro ang Maykapal at mababasa ko na ang next chapter kahit alam ko kung gaano ka rin kabusy sa worki mo. tapos natulog lang ako't paggising ko at check ulit may bagong post na at may 11 comments na!!! naku po...

    pero thank you Migz sa bagong chapter na ito... nakikilig na ako sa 2 bida. sana bago sila umuwi ay magkakaayos na sila at magkapatawaran ng masimulan na muli ang naudlot na ligawan at pagmamahalan nila.

    At kay konsintidorang Conching, naku isa kang konsintidorang anghel sa 2 ito. Kinuntsaba ka pa nina Adrian at Aaron para bumalik ang siglna ni Andy. Salamat Conching. hehehe

    ReplyDelete
  13. hay sana magkaayos na c dale at andy sa tulong ni conching. ganda talga nitong story its worth the wait. tnx migs

    randzmesia

    ReplyDelete
  14. This is the best day ever! Haha. Nakaka-kilig na uleeeeeeeeeeeet.

    ReplyDelete
  15. I wish na hindi lang basta basta magkaayos si Dale and Andi nang dahil lang sa physically attracted sila sa isat isa.Hindi kasi madali na papasukin ulit sa puso mo ung taong nanggago sayo e. Sobrang hirap lalo pa't ineemphasize mo na Andi built walls na to protect him and his very fragile heart. Yung part na kung pano makakapasok ulit si Dale sa puso ni Andi is very crucial.

    Well, if may mangyari man sa kanila na intimate like sex, I wish you could write it too in full detail. Just to see naman your vision of love-making, how to make it erotic or poetic, artistic or realistic.

    Pero sana wag silang magbati just because they had sex or they kissed kasi masyadong imposible. I cant suggest anything in particular, you are the author. It is your story. You know what to do.

    PS, i graduated college na and I now have time to comment this long. =) good luck sa life teh, pak na pak! Achieve kung achieve! Love love love.

    ReplyDelete
  16. Wooooo!! ty sa update mr.author! basa mode muna XD

    ReplyDelete
  17. Wapak! Bet ko ang karakter ng tiyahin ni andy! Sapul lang ng bongga! Award mr. Author!

    ReplyDelete
  18. I dont mind waiting for updates...ksi alam ko worth it lagi ang paghihintay ko sa update :) this chapter is really nice! you're an impressive writer Migs :) God Bless more power to you!

    ReplyDelete
  19. BOOM! aylayket! aylavet! tenksyu for the update!

    ReplyDelete
  20. Kinikilig akooooo!!!! hahahahahahahhahahahaha nice one migs!

    ReplyDelete
  21. Dale: "This is the best day ever"

    Ako: Best chapter ever

    Haha
    -Allen

    ReplyDelete
  22. nice... d best story ever..


    marc

    ReplyDelete
  23. Kuya migs alang nagbago sa style mo sa pagsusulat. Da best ka padin! D nga madaling ma hulaan kung anu next na mangyayari eh!

    ~Ayun! May yakapan na, kaw na dale! Malapit ng bumigay si ands. Malaking sampal talaga ung mga binitiwang salita ng tita Conching nya. Haha

    ~WaydeeJanYokio

    ReplyDelete
  24. Wow.. I love this chapter Migs.. I love the way you played with words.. Huwag mo na masyadong bigyan ng twist Migs para happy ang takbo.. I just don't love seeing and feeling pain and misery.. You are still the best though..

    ReplyDelete
  25. Awsome chapter! :D excited for the next chapter..ty Migs

    ReplyDelete
  26. Nice! kawala ng stress..hehehe keep it up! wala prin kupas :)

    ReplyDelete
  27. Galing prin! ang Good Morning ko ay naging Great Morning! ^_^

    ReplyDelete
  28. This comment has been removed by the author.

    ReplyDelete
    Replies
    1. this + coffee sa umaga = awsome! binasa ko tlga ulit hahaha :3

      Delete
  29. magaling ka prin migs..nadadala ako sa ibang mundo pag nagbabasa ako ng mga stories mo :]

    ReplyDelete
  30. I wonder lalabas kaya si nolan ?

    ReplyDelete
  31. Wow ty sa update migs. dabest ka prin

    ReplyDelete
  32. Miiiiiiiiigs!!! Na-miss kita ng sobraaaaaa!!! Ngayon ko lang ulit nabasa ang story kaya nag-backread ako from November 2013 hanggang March 2014 update mo. Wala ka pa din kupas sa pagpapakilig at pagpapaiyak. Thank youuuu!

    ReplyDelete
  33. As expected...great chapter! :)

    ReplyDelete
  34. pampa Good vibes chapter na to hehe :D

    ReplyDelete
  35. Haaaays..ikaw na tlga hari ng pa-kilig migs! ^_^

    ReplyDelete
  36. around of applause! magaling ka pa din migs!

    ReplyDelete
  37. Galing tlga ng mga quotes sa mga stories mo hehehe

    ReplyDelete
  38. ...CAN'T GET ENOUGH !!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!! SO LOVE !
    NEVER REGRET TO VISIT YOUR BLOG SIR MIGS !
    THIS CHAPTER - FIVE STARS !

    -JULIO <3

    ReplyDelete
  39. great chapter migs! :] go go go!

    ReplyDelete
  40. Nice one migs nakakakilig naman ang chapter na to. Tama si Dale this is the best day for them hehehe.

    Have a great one migs and keep it up.

    ReplyDelete

Post a Comment

Popular posts from this blog

The Rebound

Make It With You [Chapter 5] Failed Plans

Against All Odds 2[55]