Breaking Boundaries 2 [13]
DISCLAIMER:
The following is a work of fiction. Any similarities to any written
works and any person, living or dead are purely coincidental. The
story is intended for a mature audience. It may contain profanity and
references to gay sex. If this offends you, please leave and find
something more suitable to read. The author maintains all rights to
the story. Do not copy or use without written permission. Email the
author at miguisalvador@yahoo.com
for comments, suggestions and violent reactions in pertaining to this
blog and the stories that comes along with it.
Nasa
malalim paring pag-iisip si Dale. Kanina pa sana niya nais umuwi pero
malakas parin ang ulan at alam niyang disgrasya lang ang aabutin niya
kahit pa malapit lang doon ang tinutuluyan niya. Paulit-ulit na
tumatakbo sa kaniyang isip ang huli nilang paguusap, tila isang
lagari na ihinahati sa isang bakal ang tunog nito para sa kaniyang
tainga at isang malaking bato na paulit-ulit na pumupukpok sa
kaniyang puso.
Maikli
lang ang sinabing iyon ni Andy pero para kay Dale ay nakakarindi ito
na tila ba paulit-ulit itong sinasabi sa kaniya ng walang humpay.
Walang
duda na para sa kaniya ang patama na iyon. Para sa nagawa niya noon
kaya naman maliban pagkarindi ay may isa pa siyang naramadaman.
Sakit.
Nasaktan siya dahil alam niya ang tinutumbok ng sinabing iyon ni Andy
at hindi niya ito magawang sisihin sa nabanggit na iyon dahil totoo
ito. Pinaikot niya noon si Andy, pinaglaruan, pina-asa sa kaniyang
mga matatamis na salita dahil sa pustahan nila ng kaniyang pinsan
pero agad naman niyang ginusto na bawiin ang ginawang iyon at gawing
tama ang mali pero naunahan siya ng pagkakataon at pinagsisisihan
niya ito ngayon.
“---Now
you know why I chose to be with someone like Tom rather than being
with someone who tells the sweetest thing now then hurts me the
next.”
Iniwan
na niya ang kusina nang maiayos na niya ito at mailigpit na niya
lahat ng dapat ligpitin at tumuloy na sa kwarto na kanina'y ini-offer
sa kaniya ni Andy. Iginala niya ang kaniyang tingin sa loob ng
kwarto, naghahanap ng mapagkakaabalahan para maiwaglit sa kaniyang
isip ang paguusap nilang iyon ni Andy ngunit wala siyang makita na
siyang pwedeng pumukaw ng interes niya.
“---Now
you know why I chose to be with someone like Tom rather than being
with someone who tells the sweetest thing now then hurts me the
next.”
Umiling
siya na miya mo ba ang pagiling na iyon ay magtutulak sa kaniya na
makalimutan ang mga sinabing iyon ni Andy. Hinawakan niya ang
magkabila niyang tainga at tinakpan iyon pero paulit ulit paring
pinaririnig at pinaaalala ng kaniyang utak ang mga sinabing ito ni
Andy.
“Damn
it!” bulong na pagmumura ni Dale ngunit kasabay nito ay nakaisip na
siya ng paraan na pupwedeng magpakalma sa kaniya at dali dali niyang
hinubad ang kaniyang damit pangitaas.
000ooo000
“Damn
it!” ang mga salitang nasabi ni Andy dahil sa kahit anong gawin
niyang pagpikit upang magpahinga at matulog ay pilit paring bumubukas
ang kaniyang mga mata hindi dahil sa malakas na paghilik ni Tom sa
kaniyang tabi kundi dahil sa tila ba pagiging isang TV ng kaniyang
utak na paulit-ulit na pinapalabas ang alaala ng paguusap nila ni
Dale sa kusina kanina.
“Masyado
bang harsh yung sinabi ko?” tila
ba nakokonsensyang saad ni Andy sa kaniyang sarili nang sa ikailang
beses ay naalala niya ang mga huling sinabi niya kay Dale.
“Pero
totoo naman lahat yun eh.” pangungumbinsi
ni Andy sa kaniyang sarili pero hindi niya magawang kumbinsihin ang
sarili sa pangilang beses na iyon dahil paulit ulit na pumapasok sa
kaniyang isip ang itsura ni Dale nang huli silang magusap.
“Hay
nako!” naiirita at naguguluhang saad ni Andy sa sarili sabay tayo
mula sa kinahihigaan at tumanaw sa labas ng bintana at pinanood ang
malakas paring ulan sa labas ng bahay.
Habang
pinapanood ang malakas at sunod sunod na pagpatak ng ulan sa labas ng
kanilang bahay ay hindi mapigilan ni Andy na maisip kung paanong muli
niyang nararamdaman ang lahat ng ito. Ilang araw lang ang nakalipas
ay wala siyang kahit na inis man lang na nararamdaman habang isa
isang ginagalaw ni Tom ang mga trabahador. Matagal na siyang hindi
nakararamdam ng ganito.
Nang
magsawa na sa kakapanood sa malakas na ulan sa labas ng kanilang
bahay ay agad na tumalikod dito si Andy.
“Hay
nako talaga!” saad ulit ni Andy saka wala sa sariling naglakad
palabas ng kwarto.
Isang
bagay lang ang makakapagpakalma sa kaniya ngayon at hindi na siya
magdadalawang isip na kunin ito.
000ooo000
Hingal
na hingal si Dale matapos niyang mag- push up, ito ang kaniyang
madalas na ginagawa upang mailigaw ang kaniyang utak mula sa mga
malalalim na iniisip o kaya naman minsan ay ang nagtutulak sa
kaniyang mag-isip ng maayos sa tuwing siya ay naguguluhan, bagay na
lalong nakadadagdag sa ganda ng kaniyang katawan.
“Damn
it.” singhal ni Dale sa kaniyang sarili lalo na nang makaramdam
siya ng sakit sa kaniyang mga braso at lalong lalo na nang mapagtanto
niyang hindi naman luminaw ang kaniyang pagiisip sa katunayan ay lalo
pa siyang napag-isip ng malalim.
Inis
na inis siyang pumunta sa paanan ng kwarto na kaniyang tinutuluyan
kung saan nandun ang isang twalya, pawis na pawis siyang lumabas ng
kwarto, wala paring ibang iniisip kundi ang huli nilang paguusap ni
Andy. Naka yuko siya at kunot noo paring nakatingin sa sahig ng
biglang may isang malambot na bagay na bumangga sa kaniyang katawan.
000ooo000
Nanlaki
ang mga mata ni Andy. Lapat na lapat ang kaniyang katawan sa katawan
ni Dale. Amoy na amoy niya ang hindi naman mabahong pawis ni Dale,
amoy na amoy niya ang after shave nito, ang shampoo na ginamit nito
at ang pabango nito, pabango na nakapagpaalala ng maraming bagay kay
Andy.
“You
can open your eyes now.” marahang saad ni Dale na agad ginawa ni
Andy na isang napakalaking pagkakamali dahil agad siyang nahilo at
natakot sa taas ng kanilang kinalalagyan.
“Shit!”
mura ni Andy sabay pikit muli ng mga mata at nagsimula ng magagagalaw
na nagtulak kay Dale at sa nangangasiwa sa hot air balloon na iyon na
mangamba sapagkat umaalog nadin ang basket ng kanilang kinalalagyan
dahil sa pagpapanic ni Andy.
Wala
sa sariling niyakap ni Dale si Andy mula sa likod upang mapigilan ito
sa kakagalaw.
“Shhh.
Calm down. I'm not going to let you fall. I promise.”
Tila
kabababa lang nila mula sa hot air na sinakyan nila noon dahil sa
sobrang linaw ng alaala na iyon na sumagi sa isip ni Andy matapos
muling magkadikit ang kanilang mga katawan. Pero ilang sandali lang
matapos din ang alaala na iyon ay tila naman sinampal ng malakas si
Andy nang maalala niya kung ano ang nangyayari at wala sa sarili
niyang naitulak palayo sa kaniya si Dale na tila naman isang malaking
bato na hindi manlag natinag sa pagkakatulak ni Andy at bahagya
lamang na napahakbang palayo.
Isang
malaking pagkakamali ang pagtulak na iyon na ginawa ni Andy.
000ooo000
Nanlaki
ang mga mata ni Dale dahil sa gulat pero agad din itong lumamlam at
dahan dahan pa ngang pumikit na tila ba ang pagkakadikit ng mga
katawan nilang iyon ni Andy ang tuluyang nakapagpakalma sa kaniyang
naguguluhang utak.
Ayaw
na niyang umalis sa pwesto nilang iyon ni Andy, gusto niyang iyakap
ang magkabila niyang kamay sa katawan nito at lalo itong idikit sa
kaniyang katawan. Gusto niyang ilapit ang kaniyang ilong sa makapal
na buhok ni Andy at habang buhay lang amuyin ang mabangong amoy nito.
Gusto niyang ilapit ang kaniyang tainga sa dibdib nito at habang
buhay na pakinggan ang paghinga at pagtibok ng puso nito.
Gusto
niyang habang buhay na malapit dito.
Pero
wala pang ilang saglit ay mabilis na naghiwalay ang kanilang mga
katawan. Nasa matipuno pang dibdib ni Dale ang mga kamay ni Andy
matapos siya nitong itulak palayo.
000ooo000
Huli
na nang mapagtanto ni Andy na mali ang kaniyang ginawang pagtulak na
iyon dahil ngayon tila isang panindang naka-ahin sa kaniyang harapan
ang hubad pang itaas na katawan ni Dale. Kitang kita niya sa kaniyang
harapan ngayon ang makinis at maputing balat ni Dale na kala mo alaga
ng isang Vicky Belo, nang makita niya kung saan nakahawak ang
kaniyang mga kamay ay agad niya iyon binawi, hindi lang kasi niya
damang dama ang matipunong dibdib ni Dale kundi kitang kita niya ito
na para bang wala ng ginawa si Dale kungdi ang mag gym. Hindi niya
rin naiwasang igala ang kaniyang tingin sa iba pang bahagi ng katawan
ni Dale.
Hindi
niya tuloy napansin ang wala sa sariling paglapit ni Dale sa kaniya
at ang muling pagtiklop ng mga kamay niyang namamagitan sa paglalapit
ng kanilang mga katawan.
Nawala
ang tunog ng malakas na ulan na siyang pumapatak sa bubong. Nawala
ang malakas na hangin na siyang humahampas sa pader ng bahay ang
tanging tunog ay ang malakas na pagkabog ng puso ng dalawa at ang
kanilang paghinga.
Nangingintab
sa pawis ang buong katawan ni Dale na siyang nagbigay lalo ng pansin
sa magandang hubog ng katawan nito na hindi nakaligtas kay Andy.
Pinanood ni Andy kung pano tumulo ang mga butil ng pawis mula sa
mukha ni Dale papunta sa matipuno nitong dibdib hanggang sa maganda
nitong abs na nagtulak sa kaniya upang lalong makita ang bawat
detalye ng bawat sulok ng katawan ni Dale.
Wala
sa sariling napalunok ng sariling laway si Andy na hindi naman
alintana ni Dale dahil wala siyang ibang tinitignan kundi ang
magandang labi ng huli. Wala sa sariling dahan dahang lumalapit si
Dale kay Andy, tila may tumutulak sa kaniya na idikit ang kaniyang
mga labi sa labi ng huli. Inalis na ni Andy ang kaniyang tingin sa
mala adonis na katawan ni Dale at sinalubong ang tingin nito.
Dahan
dahang isinalubong ni Dale ang kaniyang mukha sa mukha ni Andy nang
makitang hindi ito pumapalag sa muling paglalapit ng kanilang mga
mukha.
“I-I
w—want---” simula ni Andy habang nakatingin parin sa mga mata ni
Dale.
“You
want---?” balik naman ni Dale na tila ba iniintay nito na tapusin
ng huli ang gusto nitong sabihin at ihalik na ang kaniyang mga labi
sa labi ng huli.
Pero
nang magsalita si Dale ay tila naputol ang sumpang bumabalot sa
kanilang dalawa dahil agad na nagising si Andy, muling bumalik ang
malakas na hampas ng hangin sa pader at ang malakas na tulo nito sa
bubungan. Muling inilayo ni Andy ang kaniyang sarili mula kay Dale,
tumayo ng daretso at itinuon kahit saan ang kaniyang tingin maliban
kay Dale.
“I'm
going to--- I'm--- I want coffee. I'm going to get some.” mabilis
at nauutal na saad ni Andy saka nagmamadaling bumaba ng hagdan at
nagtuloy tuloy sa kusina. Hindi man siya sigurado kung susunod ba o
hindi sa Dale sa kaniya ay agad niya paring sinarado ang pinto ng
kusina at sumandal dito at nagpadausdos pababa at ilang beses pang
marahang inuntog ang likod na bahagi ng kaniyang ulo sa sinasandalang
pinto ng kusina.
“Anong
nangyari, Andy?!” panggi-gisa ni Andy sa kaniyang sarili habang
inuuntog ang sarili sa pinto ng kusina.
000ooo000
Kung
hindi pa tumalikod si Andy sa kaniya ay hindi pa magigising si Dale
sa nangyayaring iyon sa pagitan nila ni Andy. Tila kasi siya
nakatulog at nanaginip bigla nang mapagmasdan niya ang mga magaganda
nitong mata at mapupula nitong mga labi na gusto niyang halikan, na
tila may humihila sa kaniyang mukha papalapit sa mukha ni Andy. Ilang
saglit pa matapos ang biglaang pagtalikod ni Andy sa kaniya ay
napailing na lang si Dale at hindi napigilan ang sarili na mapangiti
at tuloy tuloy nang naglakad papuntang banyo upang hugasan ang
natutuyo ng pawis matapos ang kaniyang work out kanina.
000ooo000
Pailing-iling
parin si Andy habang nakatanaw sa malaking bintana ng kusina,
inaalala ang nangyaring pagsasalubong nila ni Dale kanina sa hallway.
Pilit na inaalis ang alaala ng magandang katawan ni Dale sa kaniyang
isip, ang mapupula nitong labi, ang mapupungay na mata...
“Ahem---”
Agad
na nagtense ang buong katawan ni Andy nang marinig ang paglilinaw ng
lalamunan na iyon ni Dale pero hindi agad siya humarap para hindi
naman nito mahalata na hindi siya kumportable sa presensya nito. pero
hindi nagtagal ay hindi narin siya nakatiis at dahan dahan nadin
siyang humarap kay Dale. Hindi niya mapigilang mapangiti.
Tila
isang batang nagpapapansin si Dale sa bungad ng pinto ng kusina.
Nakayuko ito at tinititigan ang sariling paa, walang duda na
nagiintay na imbitahan siya ni Andy na magkape kasama siya.
“Coffee?”
hindi napigilang saad ni Andy na nagtatak naman ng isang malaking
ngiti sa mukha ni Dale.
Binalot
ng katahimikan ang buong kusina. Habang ipinaghahanda ni Andy si Dale
ng mainit na kape. Ilang beses na sinulyapan ni Andy si Dale na abala
naman sa pagtitig sa sariling mga kamay, pinipilit ang sarili na
huwag nang magsalita sa takot na baka matulad nanaman sa naging
usapan nilang dalawa kanina at muli na naman silang magkasamaan ng
loob. Para kay Dale ay swerte na siya at hindi siya sinusungitan ni
Andy kaya mas minabuti na lang niya na tumahimik at tignan ang
sariling mga kamay.
“Di
ka rin makatulog?” “Di kasi ako makatulog.” sabay na saad ng
dalawa na nagtulak sa mga ito na muling magbato ng titig sa isa't isa
bago humagikgik.
“Lakas
kasi humilik ni Tom.” wala sa sariling saad ni Andy na nagbura sa
ngiti sa mukha ni Dale.
“Ah
ganun ba---” tahimik na saad ni Dale sabay tingin sa labas ng
bintana upang maiwasan na makita ni Andy ang selos sa kaniyang mukha
habang pinaguusapan nila si Tom.
“Ikaw
bakit di ka makatulog?” tanong ni Andy upang maiwasan ang
nagbabadyang katahimikan nanaman ng paligid.
“Because
I couldn't stop thinking about you.” saad
ni Dale sa sarili, hinihiling na may lakas siya ng loob na aktwal
itong sabihin sa huli.
“Iniisip
ko kasi---” simula ni Dale sabay lunok ng laway na naipon na sa
kaniyang bibig dala ng sobrang kaba.
“Iniisip
ko kasi kung makakagawa kami ng katulad at gayang gaya nung mga
railings ng bintana sa second floor..” saad na lang ni Dale gayong
wala siyang lakas sabihin ang tunay na nasa kaniyang isip.
“Ahh
ganun ba? Sabagay, mukhang wala ng gumagawa ng ganung mga railings
ngayon---” saad ni Andy na ikinatango naman ni Dale.
“Sana
lang magaya nung mga tao mo yung design nung mga railings kung sakali
mang wala na ngang gumagawa ng ganun.” malungkot na pagtatapos ni
Andy.
“Meron
akong alam kung saan may gumagawa pa ng mga ganong railings, kaya wag
kang magalala kung hindi man makuwa ng mga tauhan ko kung pano..”
halos mayabang na saad ni Dale na inisyal na nakapagpabilib kay Andy.
“Sana
nga. This house meant so much to Dad. Ang tangi na lang naming
magagawa ngayon ay i-restore ito na halos walang iniba sa original na
design.” malungkot ulit na saad ni Andy sabay tayo at inilagay ang
tasa sa lababo. Halatang umiiwas sa paglalim pa ng usapan nilang iyon
ni Dale.
Binalot
muli ng katahimikan ang buong kusina. Si Andy ay saglit pang tumitig
sa may lababo habang si Dale naman ay pinipigilan ang sarili na
yakapin ito para pagaangin ang loon.
“So
pano yan, tulog na muna ako---” paalam ni Andy na siyang bumasag sa
katahimikan. Wala na lang nagawa si Dale kundi ang tumango.
Pero
ayaw niyang matapos sa ganon ang usapan na iyon ni Andy kaya naman...
“Andy---”
tawag pansin ni Dale kay Andy na tumigil na sa paglalakad palabas ng
kusina.
Mabilis
na tumayo si Dale kay Andy upang makalapit dito. Agad na nanigas ang
buong katawan ni Andy dahil na tense siya sa kung ano man ang balak
gawin ni Dale. Pero hindi na muli pang nagdikit ang kanilang mga
katawan kaya naman dahan dahan na siyang humarap kay Dale upang
malaman kung ano pa ang kailangan nito.
Naabutan
niya si Dale na tila ba nagaalangan pa sa kaniyang gagawin.
“Dale?”
tawag pansin ni Andy kay Dale na agad namang nagtaas ng tingin.
“Ahmmm
W-wala lang. Gusto lang sana kita sabihan ng good night.”
nagaalangan at tila ba kinakabahan sa magiging rekasyon ni Andy sa
kaniyang sinabi.
Pero
tila nabunutan siya ng isang malaking tinik sa dibdib nang ngumiti si
Andy.
“Good
night din. Enjoy the coffee.”
Nang
masigurong hindi na sila nakikita ng isa't isa ay parehong biglang
pumlaster sa mukha ng dalawa ang ngiti.
000ooo000
Nagising
si Dale hindi dahil sa lakas ng dagundong ng ulan sa bubungan at
hampas ng hangin sa pader ng bahay kundi dahil sa malalakas na pukpok
ng martilyo sa pako at kahoy. Pupungas-pungas pa siyang bumangon ng
kama at lumabas na ng kwartong iyon na humihikab.
“Magandang
umaga Dale.” bati ni Mang Jim sa kalalabas lang na si Dale.
“Oh
Mang Jim, sensya na ha, tinanghali ako ng gising. Kamusta yung bahay
may nasira ba yung malakas na hangin kagabi?” tanong ni Dale sa
matanda na ngumiti lang habang sumasagot.
Pero
lahat ng mag sinasabi ni Mang Jim ay nabalewala nang bumukas ang
pinto ng kwarto ni Andy at nang lumabas ito na tayo tayo pa ang
buhok, nagiinat at humihikab. Wala sa sariling napangiti si Dale at
hindi na napansin ang pagsunod ng tingin ni Mang Jim sa kaniyang
tinitignan.
Nang
maramdaman ni Andy na may nakatingin sa kaniya ay agad niyang ginala
ang kaniyang tingin sa kinatatayuan ni Dale at hindi niya alam kung
bakit pero hindi niya napigilang mapangiti din na kapareho ng ngiti
ni Dale.
“Good
morning.” wala sa sariling bulalas ni Andy.
“Good
morning.” nakangiti paring balik ni Dale. Saglit pa silang
nagtitigan at iyon ay naputol lang nang biglang may nagsalita.
“Good
Morning Mang Jim!” sigaw ni Aeron na nakapagpahagikgik kay Mang Jim
at ikinamula ng pisngi ni Andy at mabilis na bumaba ng kusina upang
magtimpla ulit ng kape para makatakas sa panunukso ng kaniyang
nakababatang kapatid.
“How's
your sleep?” nakangising tanong ni Aeron kay Dale na lalong
ikinahagikgik ni Mang Jim.
“Gagu.”
Itutuloy...
Breaking Boundaries 2
[chapter 13]
by: Migs
Pasensya na po sa sobrang late na update.
ReplyDeleteGuys, sana po wag kayong magsasawa ah. Konti na lang ulit yung nagco-comment eh. Pero same parin naman yung mga numbers ng nagvisit.
Sensya na busy lang po talaga. :-(
natawa naman ako kay andy. Haha
ReplyDeleteSalamat author :))) - yuji
TAgal kasi bago masundan ang next chapter. Maganda ang story...
ReplyDeleteAwwww! Your stories can put a blush on my cheeks! Haha. Kilig. It's always a must-read chapter!
ReplyDelete-dilos
Migs dont u worry.. A follower s always a follower. Kaya khit d yan magcomment eh idol k pa rin namin..
ReplyDeleteSabot mi nimu..
Don't be sad Migs, Remember though less nalang ung nagcocoments sa stories mo that does'nt mean na wala ng nagbabasa sa updates mo. We are still here patiently waiting sa mga updates mo.
ReplyDeleteHave a great day Migs and keep it up.
Hehehe nagbreak na ang wall ni andy ^_^
ReplyDeleteThanks for another great chapter migs. This is my first comment here so blog mo and I promise to regularly comment on your post from now on.
ReplyDeleteI truly admire your works and believe me when I say that we'll never get angry at you no matter how late your posts are. After all, you make us happy with your stories and that is reason enough for us to wait patiently for each chapter.
I was once your silent reader, but now I decide to change that because I know the least I can give you are some words of appreciation.
I hope this makes you feel better even just a bit.
Again, thank you.^^
--NeilofBCD
galing tlg ni migs.. di nawawala ang magic sa pagsusulat..
ReplyDeletemarc
haha..grabe migs sooo kilig..yung feeling na pag binabasa parang feel na feel mo yung nararamdaman nilang dalawa na parang di mapakali after the encounter dun sa kitchen. pakiramdam ko nawala na talaga yung galit ni andy kay dale natatakot lang siya na masaktan ulit..hehe..atsaka migs grabe nung nabasa ko yung part na nagflaflashback si andy habang magkadikit sila ni dale grabe parang mahihimatay ako sa sobrang kilig grabe pramis..haha..tapos yung nagkakape sila kinakabahan ako na kinikilig kasi nga parang nagiging ok na sila tapos kinakabahan ako baka bigla bumaba yung malanding halimaw sa taas at makita sila makasira ng momentssss nila andy..haha..at wow ha lalo na pagkagising ni dale alam mo yun.. yung napipicture mo yung itsura ni dale kung gano siya ka saya nung nakita niya si andy diba..yung eye to eye contact na ganun diba...malapit na ako mangisay sa kilig ever..hahaha
ReplyDeleteat migs kahit konti ang nagcocomment di ibig sabihin nun na konti ang nagbabasa..magaling kang writer migs. believe me. basta sa tuwing feeling mo na walang nakaka appreciate sayo migs isipin mo kame..kasi kame masaya kame na naging part ka ng buhay namin kahit papano..at migs ako willing ako maghintay ng update mo kasi i know that it will be worth it tulad na lang ng chapter na to.. yung CP nga hinihintay ko pa din eh (hihihi alam mo nman ako die hard fan ako ng buhay mo)
ingat lagi migs wag masyado pa stress..ikembot mo lang ang mga problema..lovelots
-theresellama
I don't mind the long wait Boss Migs *actually, I do mind, haha* buuuuuut your efforts and updates are very much appreciated. Like for real, I am really happy that you didn't abandon Andy and Dale's story. A part or me is actually enjoying the anticipation every time a chapter ends.
ReplyDeleteI can't remember the last time I commented. I apologize, I know it's our comments that motivates you among other things *or individuals*. Being a reader, I prefer "reviewing" a story once it's finished. I genuinely hope that your stories will get published in a tree-book form and you'll have book signings and tours. I may not be your number one fan but I am definitely one of those who wish that you are in good health and is happy. Stay awesome!
ayie!! cute cute cute!!
ReplyDelete--ANDY
Ayan na magiging ok na silaog dalawa.
ReplyDeleteKuya sorry numg d ako nakapgcoment nun past mdyo busy eh. pero nagbabasa pdn ako at nag vivst dto sa blog mo.
~WaydeeJanYokio
Thank you so much kuya migs sa update! :D ganda ng chapter na to kakilig! kakawala ng stress! hahaha :3
ReplyDeleteWag ka mag alala kuya migs di kmi mawawala mga supporters/followers mo..idol ka kaya namin :D As for me, dito tlga ako sa mga stories mo nagsimula mag basa..dati wala tlga akong interes mag basa ng mga ganito until one day share sken ng bespren ko ang mga stories mo sabi nya sobrang ganda daw..sabi ko ok try ko..edi ayun wala na, naadik na ako sa mga stories mo. tuloy2 na ung mga pagbabasa ko XD kaya saludo tlga ako/kmi sa galing mo po magsulat :D un lng po thank you po ulit :3
ReplyDeleteSalamat idol author sa bagong chapter! na enjoy ko talaga ung chapter napapangiti ako. God Bless po! :)
ReplyDeleteOyha! andito pa kmi Mr.Migs hehehe salamat sa update. basa mode muna :]
ReplyDeletefirst time kong magcomment sa blog pero lagi kong pinailuulit ulit basahing lahat ng stories sa blog na to na kahit matagal magupdate okay lng kse masaya akong inaabangan ang update nakakainspire minsan masakit sa dibdib lalu na ung aao 1 pero in the end its all worth it - echo
ReplyDeleteyey lumabas dun first comment ko :) -echo
ReplyDeletei love u migs