Breaking Boundaries 2[14]
DISCLAIMER:
The following is a work of fiction. Any similarities to any written
works and any person, living or dead are purely coincidental. The
story is intended for a mature audience. It may contain profanity and
references to gay sex. If this offends you, please leave and find
something more suitable to read. The author maintains all rights to
the story. Do not copy or use without written permission. Email the
author at miguisalvador@yahoo.com
for comments, suggestions and violent reactions in pertaining to this
blog and the stories that comes along with it.
Tulad
ng napagusapan nila ni Andy, ipinangako ni Dale na gagawan niya ng
paraan ang mga sira sira na at nangangalawang na mga railings ng
bintana sa pangalawang palapag ng bahay. Hindi magawang gayahin ng
kaniyang mga tauhan ang eksaktong hugis ng mga ito, eksaktong laki at
itsura kaya naman ang susunod na niyang planong gawin ay puntahan ang
nagiisang lugar kung saan gumagawa pa ng ganong mga klaseng railings
sa bintana.
“Where
are you going?” tanong ni Adrian kay Dale kasama ang kaniyang
nakababatang kapatid na si Aaron na walang dudang maglalaro sana ng
basketball nang makita nila si Dale na palabas na ng kanilang
bakuran.
“I'm
going to Batangas---” simula ni Dale pero agad na natigilan nang
makita niya si Andy na lumabas ng bahay, saglit niya itong tinignan
at nginitian bilang pagbati dito ng magandang umaga. Nakita pa ni
Dale ang magsisimula sanang pagngiti ni Andy pabalik sa kaniya pero
tila ba naisip nito kung ano ang kaniyang ginagawa kaya nagkasya na
lang ito sa pagtango na agad na ikinabura ng ngiti sa mukha ni Dale
na hindi naman nakaligtas kila Aaron at Adrian.
Akala
kasi ni Dale ay magiging maayos na ang lahat sa kanilang dalawa ni
Andy matapos ang maikli at tahimik nilang kwentuhan noong isang gabi
habang nagkakape kaya naman ang pagaalangan na iyon ni Andy na
suklian ang kaniyang pagngiti ay gumulo nanaman sa kaniyang isip.
Wala sa sariling umiling si Dale at ipinagpatuloy ang naudlot niyang
sasabihin. “--hahanapin ko yung gumagawa ng railings ng bintana.”
“Saan
sa Batangas?” tanong ni Aaron na may kinang sa mga mata na miya mo
gustong sumama.
“Malapit
lang---” bitin na sagot ni Dale habang inaayos ang kaniyang mga
gamit bago umalis at habang tinitignan sa gilid ng kaniyang mga mata
si Andy na muling pumasok ng bahay. Nagpakawala na lang ng isang
malalim na hininga si Dale saka umiling muli nang sumara na sa likod
ni Andy ang pinto.
“Saan
nga?!” naiirita at tila isang batang excited na gustong gustong
sumama sa mamamasyal na mga magulang na tanong ni Aaron.
“Sa
Batangas nga!”
“SAMA
AK---” simula ni Aaron pero agad itong pinutol sa pagsasalita ni
Adrian nang makaisip nanaman siya ng isang nakakalokong ideya.
“Tamang
tama!” saad ni Adrian saka tinabig si Aaron patabi at tinawag ang
pansin ng kaniyang isa pang kapatid.
“ANDY!”
sigaw ni Adrian na ikinakuwa din ng pansin ni Dale.
000ooo000
“I
can't believe I agreed to this!” singhal ni Andy sa sarili, hindi
alintana na nasabi niya pala ng malakas ang kaniyang iniisip.
“Di
mo ba alam na ang San Juan, Batangas saka ang Nasugbu, Batangas ay
katumbas ng Cavite at Quezon City sa layo?!” mahinahon pero may
pagkairitang tanong ni Andy kay Dale.
“Yes
I'm aware of that—-” hindi pa man natatapos si Dale sa kaniyang
pagsasalita ay muli ng nagsalita sa inis si Andy.
“At
pumayag ka parin?!” singhal ni Andy kay Dale na wala na lang nagawa
kundi ang kalmadong ituon ang kaniyang pansin sa kalsada sa kaniyang
harapan.
“Your
brother asked me for a favor---”
“At
nagpauto ka naman?!” singhal ulit ni Andy na parang nagmumukmok na
bata sa tabi ni Dale. Nalabas ng isang nafru-frustrate na hininga si
Andy, indikasyon na sumusuko na siya sa mga nangyayari na siyang
nagtulak para tumahimik ang loob ng sasakyan.
Hindi
mapigilan ni Dale na makaramdam ng kaunting kirot sa kaniyang dibdib.
Alam niyang hindi parin kumportable si Andy na maiwan magisa kasama
siya pero hindi naman ito kailangan ipamukha ng paulit ulit sa kaniya
ng huli.
“I
get that you don't want to be near me---” simula ni Dale na siyang
kumuwa sa pansin ni Andy.
Agad
na tinignan ni Andy si Dale, nakita niya ang lumalabas ng mga ugat sa
sintido nito, ang buto nito sa ilalim ng tainga ay nagsasalitan sa
pagtense at sa pag relax at ang kapit nito sa manibela ay tila ba
intensyon nitong durugin iyon.
“Hindi
naman sa ganon---” simula ni Andy pero hindi ito pinakinggan ni
Dale na nagpatuloy lang sa pagsasalita.
“---but
you don't have to rub it in my face every time you get stuck with
me---” kalmado pero halatang nagpipigil na pagkairitang saad ni
Dale.
“---your
brother asked me to drive you
to
your aunt's house. Sorry kung dapat pala hindi ako pumayag sa
simpleng request na iyon---” saad ulit ni Dale na siyang nagbalot
ulit ng katahimikan sa buong sasakyan.
“---and
you could've said 'no'. Imbis na nagsisisi ka ngayon na kasama
mo ako.” pagpapamukha pa ni Dale kay Andy na tila naman
nagising sa saglit niyang pagkabaliw.
Bakit
nga ba hindi siya humindi sa kaniyang kapatid kung talagang ayaw
niyang kasama si Dale? Ito ngayon ang tumatakbo sa kaniyang isip
habang nakatuon ang kaniyang pansin sa labas ng bintana niya at
habang nababalot ng katahimikan ang buong sasakyan. Bakit nga ba niya
itinutuon lahat ng sisi kay Dale gayong hindi naman siya nagpumilit
na huwag siya ang isama nito.
Iginawi
ni Andy ang kaniyang tingin kay Dale. Nakalabas parin ang mga ugat
nito sa sintido, nakaupo ng tuwid na parang sundalo at mahigpit parin
ang kapit nito sa manibela, halatang hindi rin nito nagustuhan ang
kanilang pagtatalo.
“I'm
sorry.” wala sa sariling saad ni Andy.
Tila
isang sumpang binawi ang agad na pagkalma ng buong katawan ni Dale
matapos nitong marinig ang sinabi ni Andy. Wala sa sarili itong
sumandal sa kaniyang kinauupuan, rumelax ang buong katawan nito at
hindi na ganon ka-higpit ang kapit nito sa manibela.
“It's
OK--- I-It's just that I don't get why you're so worked up about
this. It's only for a few hours---” nagugulahan paring saad ni Dale
kahit pa kalmado na ang paligid nilang dalawa ni Andy.
“I
get bored easily.” wala sa sariling sagot ni Andy kahit pa alam
niyang hindi ito kakagatin ni Dale. Pampalubag niya lang ito sa
sarili dahil sa pagmumukha niyang tanga kanina nung ipinagtatabuyan
nanaman niya si Dale palayo.
Narinig
niya ang marahang paghagikgik ni Dale, indikasyon na hindi ito
naniwala at sa hanggang ngayon ay kilala parin siya nito ng lubusan.
Habang humahagikgik naman si Dale ay iniisip niya na muli nanamang
itinatayo ni Andy ang pader sa pagitan nilang dalawa pero hindi ito
nagtagumpay kaya ganito ang kinikilos nito.
“We
could always talk you know.” nakangiting mungkahi ni Dale bilang
sagot sa simpleng problema na iyon ni Andy habang nakatingin ng
daretso sa kalsada sa kanilang unahan.
Habang
nakatingin sa labas ng kaniyang bintana ay hindi napigilan ni Andy
ang mapangiti at mapahagikgik na din lalo na nang si Dale na ang
magumpisa ng usapan nila.
000ooo000
“Andrew!”
sigaw ng isang matandang babae habang naglalakad ng mabilis
pasalubong sa kanilang dalawa.
“Magandang
tangahali po.” magalang na saad ni Dale sabay bow pa sa tiyahin ni
Andy na tinignan lang siya ng nakakaloko.
“And
you're Tom?” mataray na saad ng tiyahin nila Andy na agad na
nakapagpailing kay Dale.
“Ay
hindi po. Si Dale po ako, yung contractor po ng pinaparenovate na
bahay nila Andy.” paliwanag ni Dale na agad muling nagtatak ng
ngiti sa mukha ng matanda.
“Sabi
ko na. Ayon kasi sa mga kwento nila Adrian ay may pagkabastos ang
isang iyon at wala naman akong nakita at nararamdaman na bastos ka.
Gwapo mo naman tapos ang galang pa.” masayang saad ng tita ni Andy
sabay angkla ng kamay sa malaking braso ni Dale at sinamahan ito
papasok ng bahay kasunod si Andy na napakamot na lang sa ulo.
“Hindi
naman po, tita.” pagpapakumbabang saad ni Dale.
“Hay
naku, wag mo na akong tawaging tita. Conching na lang.” saad ni
Conching sabay ngiti ng matamis at pisil sa mga pisngi ni Dale.
000ooo000
Hinintay
ni Andy ang magiging reaksyon ni Dale kapag nakita na nito ang
bakuran ng kaniyang tita Conching. Hindi niya mapigilang mapangiti
nang makita niya ang tila batang nakakita ng isang magandang laruan
na si Dale nang makita niya ang magandang tanawin na nasa harapan
nila ngayon ni Conching.
Alam
ni Andy na gustong gusto ni Dale ang mga dagat, ilog, sapa at maski
malinis na kanal o kaya patubig sa isang bukirin kaya naman hindi na
siya magtataka kung nakita niyang hindi na iniintindi ni Dale ang
kaniyang tita Conching at nakatitig na lang ito sa malinis na dagat
sa kanilang unahan na tila ba ilang minuto na lang ay tatakbo na ito
upang maligo na parang batang noon lang nakapaligo sa dagat.
“Beach
ang likod ng bahay niyo?!” gulat na gulat na saad ni Dale na lalong
ikinangiti ni Conching at Andy.
Binigyan
ng isang makahulugang ngiti ni Conching ang kaniyang pamangkin na
ikinakunot ng noo ni Andy. Alam niya ang mga ngiting ganon ng
kaniyang tiyahin. Meron itong nais ipahiwatig o di kaya naman ay
ipamukha sa kaniya.
“Wow!
You even have your own dock?” manghang manghang saad ni Dale na
lalong nagpalaki sa mga ngiti ni Conching.
“My
father, Andy's grandfather built that for the local fishermen.”
tila nagbabalik tanaw na saad ni Conching na ikinatango-tango lang ni
Andy bilang pagsang ayon habang si Dale naman ay tila lalong namangha
sa magandang palagid.
“C-can
I go for a walk? Alam kong nagmamadali tayo kasi pupunta pa tayong
nasugbu pero saglit lang 'to, promise.” parang bata na kating kati
ng paglaruan ang kaniyang bagong laruan na saad ni Dale na
nakapagpahagikgik kay Andy habang si Conching naman ay hindi
mapigilang mapansin ang ibinabatong tingin ng dalawang bata sa
kaniyang harapan.
“OK
lang Dale---” hindi pa man natatapos ni Andy ang kaniyang sasabihin
ay nagtatatakbo na si Dale papunta sa daungan ng mga bangka na ginawa
pa ng ama ni Conching.
Hindi
namalayan ni Andy na matagal na nabalot ng katahimikan ang paligid
nila ng kaniyang tiyahin habang nakangiti siyang nakatingin sa
kinaroroonan ni Dale at hindi rin namalayan ni Andy na habang masaya
niyang pinapanood si Dale ay mataman naman siyang tinitignan ng
kaniyang tiyahin.
“He's
good for you.” mga salitang galing kay Conching na bumasag sa
panonood ni Andy kay Dale na abala na sa pagikot-ikot sa daungan ng
bangka. Saglit na umiling si Andy at hindi nakaligtas kay Conching
ang pagbagsak ng mga balikat ni Andy at pagkabura ng ngiti nito sa
mukha.
“Why
not?” dikit kilay na tanong ni Conching sa pamangkin at nang hindi
sumagot si Andy na muling ibinalik ang tingin kay Dale na may halo ng
lungkot sa mga mata ay muli na lang nagsalita ang matandang babae.
“Sabi
sakin nila Adrian di ka na daw ngumingiti ngayon, hindi na tumatawa,
madalas malungkot, nakasimangot at hindi na nagsasalita. Knowing you,
mas nakakatakot ang hindi mo pagsasalita dahil ikaw ang
pinakamadaldal sa pamilya---” simula ni Conching na nakapagpahagok
kay Andy nang marinig ang huling sinabi ng tiyahin.
“---pero
ngayong nandito ka sa harap ko na nakangiti ng ganiyan at tumatawa
katulad ng naaalala kong batang Andy, parang ayaw kong maniwala sa
mga kwento nila---” pagpapatuloy ni Conching at ibinuka na ni Andy
ang kaniyang mga bibig upang ipagtanggol ang sarili pero inunahan
niya ito.
“Iyan
bang pagngiti-ngiti mong yan dahil kay Dale?” tanong ulit ni
Conching sa kaniyang pamangkin na isinara at buka lang ang bibig sa
kawalan ng maisasagot.
“Why
settle for anything less when it's making you miserable?”
“Tita---”
simula ni Andy pero inunahan nanaman siya ni Conching.
“Why
settle for anything less that is making you miserable when the one
that makes you happy is already in front of you just waiting for you
to overcome what ever it is that's holding you back.” pagtatapos ni
Conching na gumulat kay Andy.
“Di
mo ba naisip na baka siya ang dahilan ng pagkakaganito ko,
Tita?” saad ni Andy na ikinatigil saglit ni Conching at wala sa
sariling tumingin kay Dale na masayang ibinababad na ngayon ang
kaniyang mga paa sa tubig at nagsalita laman ito muli ng ibalik niya
ang tingin sa kaniyang pamangkin.
“I
saw how he looks at you pagkababa na pagkababa niyo ng sasakyan.
Mahal ka niya, Andy yun ang nakikita ko sa mga mata niya at kung pano
ka niya tignan. Huwag mong sayangin yung pagkakataon dahil lang gusto
mong pairalin ang pride mo at dahil lang nasaktan ka noon, dahil lang
kumportable kang hindi ka nasasaktan at wala kang nararamdaman dun sa
kinakasama mo ngayon.”
Natahimik
na si Andy sa sinabing ito ni Conching. Kilala na si Conching na
taklesa sa kanilang pamiya pero ang matikman niya ito mismo ay tila
ba isang malakas na sampal sa kaniya na tila ba nais na magising siya
sa kaniyang kahibangan.
“Pagisipan
mong mabuti yan--- Magluluto lang ako ng miryenda.” saad ni
Conching sa nakatulalang si Andy.
000ooo000
Pino
ang buhangin sa dalampasigan na iyon na siyang nasa likod lang talaga
ng bahay nila Conching, tanging mababang bakod na gawa sa kahoy lang
ang nagbubuklod sa kulay berdeng damo sa bakuran ni Conching at ang
pinong buhangin na iyon tapos ang malinaw na tubig ng dagat. Di ito
bago kay Andy sapagkat noong mga bata sila ay madalas ito ang
kanilang bakasyunan.
Naabutan
niya ang nakangiti paring si Dale sa daungan ng bangka na iyon,
nakaupo sa pinakadulo nito at nilalandi ang tubig gamit ang mga paa,
sa sobrang kasiyahan ay hindi napansin ni Dale ang pagdating ni Andy
nang mapahagikgik na lang si Andy saka nagtaas ng tingin si Dale.
“Mukha
ba akong tanga?” nangingiti at umiiling na tanong ni Dale kay Andy
na patuloy lang sa paghagikgik.
“Di
naman. Mukha ka lang bata na nasa first day ng bakasyon kung
makangiti.” saad naman ni Andy sabay hagikgik muli.
Saglit
na binalot ng katahimikan ang dalawa habang si Andy naman ay
nagtatanggal din ng sapatos na suot at tumabi kay Dale at nagsimula
ng landiin din ang napakalinaw na tubig gamit ang sariling paa.
Tinignan ni Dale si Andy. Napaka amo na ng mukha nito, kalmado, wala
na ang laging nakasimangot at ismid na si Andy noong nagkita muli
sila.
Tila
bumalik sila sa panahon kung saan wala pang pustahang nagaganap sa
pagitan nila Dale at Jay, panahon kung saan hindi pa nasasaktan ni
Dale si Andy, panahon kung saan hindi pa nanigas na katulad ng sa
bato ang puso ni Andy at wala pa itong ginagawang matayog na pader sa
pagitan niya at sa kung sino man ang nagmamahal sa kaniya.
“It's
beautiful here.” wala sa sariling saad ni Dale matapos pagmasdan
ang maamong mukha ni Andy.
Agad
na tinignan ni Andy ang kaniyang kasama matapos nitong sabihin ang
mga salitang iyon. Nagtama ang kanilang mga mata, tila may sariling
paguusap ang mga ito at naputol lang iyon nang magpakawala ng isang
matamis na ngiti si Dale na wala sa sarili namang sinuklian ng isang
matamis ding ngiti ni Andy.
“It's
a shame di ka makakaligo sa dagat.” saad ni Andy sabay ibinalik ang
tingin sa malinis na tubig saka pumikit upang i-relax ang sarili sa
pamamagitan ng paikinig sa paghampas ng alon sa dalampasigan.
Nagulat
na lang siya at agad na iminulat ang mga mata nang marinig niya ang
malakas na tunog sa tubig sa kaniyang tapat na miya mo binato ng
isang malaking bato at nang may tumilamsik na tubig sa kaniyang
mukha.
“Sinong
may sabi na hindi pwedeng maligo?” tanong ni Dale kay Andy na tila
naman naeskandalo dahil sa gulat.
“Sarap
maligo, Andy. Tara!” aya ni Dale kay Andy.
“Wala
akong pamalit!” balik naman ni Andy na hindi na mapigilan ang
sarili na mapahagikgik habang pinapanood niya ang tuwang tuwa na si
Dale.
“Akong
bahala dun!” saad ni Dale sabay hinila ang paa ni Andy na nagtulak
upang mahulog ang huli sa tubig.
Nabalot
ng malinaw na tubig dagat si Andy. Tila nasa ibang mundo sila. Nawala
ang malalakas na hampas ng alon sa dalampasigan, nawala ang awit ng
mga ibon na pumapalibot sa dalampasigan. Lumangoy papalapit sa kaniya
si Dale. Nakahubad baro pala ito, iba ang epekto ng tubig sa katawan
nito, lalong tumingkad ang ganda ng katawan nito at ang kinis ng
balat nito.
Ilang
bula ang lumabas sa ilong at bibig ni Dale nang ngumiti ito na
nagtulak kay Andy na ngumiti din. Lumangoy muli si Dale at nawala ito
sa paningin ni Andy, lumingon siya pakaliwa at pakanan ngunit hindi
parin ito nahagip ng kaniyang mga mata na nagsisimula nang mamula at
mangirot dahil sa angking alat ng tubig,
lalangoy
na sana si Andy upang i-ahon manlang maski ang kaniyang ulo nang
makaramdam siya ng pagyakap mula sa kaniyang likuran na nagtulak sa
kaniya upang makalunok ng ilang tubig at magpanic. Parehong napaahon
sila Andy at Dale, inis na inis si Andy kay Dale dahil sa ginawa nito
pero hindi pa siya makapagsalita dahil umuubo pa siya dahil sa mga
nalunok na tubig.
“I'm
so sorry to scare you.” pabulong na saad ni Dale. Doon lang nila
pareho napagtanto na magkadikit na magkadikit pala ang kanilang mga
katawan.
Ang
pagaalala ni Dale ay napalitan ng kagustuhang halikan si Andy at ang
inis naman ni Andy ay napalitan ngkagustuhang lalo pang ilapit ang
kaniyang katawan sa katawan ni Dale, ang yakapin siya nito lalo at
maghapon na lang na titigan ang mga mapupula nitong labi.
“Handa
na yung meryenda!” sigaw ni Conching sa dalawa sa may bungad ng
daungan ng bangka na nagdulot upang itulak ni Andy si Dale papalayo
na siyang ikinahagalpak naman ni Conching sa tawa.
Mabilis
na umahon si Andy at tinuyo ang sarili gamit ang mga twalya na dala
ng kaniyang tiyahin habang si Dale naman ay naiwang nahihilo sa may
tubig dahil sa mabilis na nangyaring pag-alpas ni Andy sa mahigpit
niyang yakap dito pero nang makabawi na ay wala sa sarili na siyang
ngumiti.
“Dale!
Bilisan mo mauubos na namin yung meryenda!” sigaw muli ni Conching
na lalong nakapagpangiti kay Dale.
“This
is the best day ever.” saad ni Dale habang umaahon mula sa tubig.
Itutuloy...
Breaking Boundaries 2
[chapter 14]
by: Migs
Hey guys! Sensya na po ulit sa late update. Sobrang busy parin po. :-(
ReplyDeleteSalamat sa patuloy na pagsuporta! I Love You all!
More comments please. :-) I really need an input now from you guys. Gusto kong malaman kung OK pa ba ang pinaggagagawa ko or kailangan ko ng i-review ang writing technique ko.
COMMENTS, SUGGESTIONS and VIOLENT REACTIONS are very much welcome.
Ulit po Salamat at Love ko kayo lahat!
Fiiiirst! Haha! Wala ka pa rin kupas kuya migs! :) Inaabangan ko to araw araw kung may update. Sensya ngayun lng aq nag commemt ever since. Thanks!
ReplyDelete-jhayar
Comment ko migs, wala ka pa ring kupas nakakainlove pa rin ang stories mo.......wala atang connection sa mga past characters sila?? Hehehe nakakapaakilig to the bones ka pa rin, migs ur the best, worth waiting ang lahat ng chapters ^_^
ReplyDelete“Why settle for anything less that is making you miserable when the one that makes you happy is already in front of you just waiting for you to overcome what ever it is that's holding you back.”
ReplyDeleteThis! Magaling ka pa din magpakilig Migs! Very light and ang sarap Ngumiti! Keep this up! Maganda promise! :)
-dilos
OK na OK parin mga stories mo Migs! you never fail to amuse me :) thank you for this update.
ReplyDeleteThis is the best day ever!!! ---- super cool!!! love this chapter kuya migs!!! thanks
ReplyDeleteWalang kupas ka prin kuya Migs mag sulat! tumatatak tlga sa isip ko ung mga pangyayari sa stories mo haha :D
ReplyDeleteThe best ka prin mag sulat Migs! Unang smile ko sa araw na ito :) hehehe Thanks for this chapter!
ReplyDeleteMagaling ka prin Migs...Super galing mag pa kilig...pero nako super galing ka din magpaiyak..nako nako exciting at the same time kakatakot na baka di kayanin ng puso ko ung mga twist and turns hahaha salamat sa update! ingatz idol
ReplyDeleteBilang isang OFW, nakakawala ng stress ang mga stories mo Mr.Author :) keep it up! tc
ReplyDeleteNice Chapter po ty :)
ReplyDeleteano ba ang sasabihin ko? naku!!
ReplyDeletekani kanina lang ay nagcheck ako kung may post na pero wala... araw araw akong dumadalaw sa blog mo Migs para tingnan kung may bagong post at nananalangin na sana mag magmilagro ang Maykapal at mababasa ko na ang next chapter kahit alam ko kung gaano ka rin kabusy sa worki mo. tapos natulog lang ako't paggising ko at check ulit may bagong post na at may 11 comments na!!! naku po...
pero thank you Migz sa bagong chapter na ito... nakikilig na ako sa 2 bida. sana bago sila umuwi ay magkakaayos na sila at magkapatawaran ng masimulan na muli ang naudlot na ligawan at pagmamahalan nila.
At kay konsintidorang Conching, naku isa kang konsintidorang anghel sa 2 ito. Kinuntsaba ka pa nina Adrian at Aaron para bumalik ang siglna ni Andy. Salamat Conching. hehehe
hay sana magkaayos na c dale at andy sa tulong ni conching. ganda talga nitong story its worth the wait. tnx migs
ReplyDeleterandzmesia
This is the best day ever! Haha. Nakaka-kilig na uleeeeeeeeeeeet.
ReplyDeleteI wish na hindi lang basta basta magkaayos si Dale and Andi nang dahil lang sa physically attracted sila sa isat isa.Hindi kasi madali na papasukin ulit sa puso mo ung taong nanggago sayo e. Sobrang hirap lalo pa't ineemphasize mo na Andi built walls na to protect him and his very fragile heart. Yung part na kung pano makakapasok ulit si Dale sa puso ni Andi is very crucial.
ReplyDeleteWell, if may mangyari man sa kanila na intimate like sex, I wish you could write it too in full detail. Just to see naman your vision of love-making, how to make it erotic or poetic, artistic or realistic.
Pero sana wag silang magbati just because they had sex or they kissed kasi masyadong imposible. I cant suggest anything in particular, you are the author. It is your story. You know what to do.
PS, i graduated college na and I now have time to comment this long. =) good luck sa life teh, pak na pak! Achieve kung achieve! Love love love.
Wooooo!! ty sa update mr.author! basa mode muna XD
ReplyDeleteWapak! Bet ko ang karakter ng tiyahin ni andy! Sapul lang ng bongga! Award mr. Author!
ReplyDeleteI dont mind waiting for updates...ksi alam ko worth it lagi ang paghihintay ko sa update :) this chapter is really nice! you're an impressive writer Migs :) God Bless more power to you!
ReplyDeleteBOOM! aylayket! aylavet! tenksyu for the update!
ReplyDeleteKinikilig akooooo!!!! hahahahahahahhahahahaha nice one migs!
ReplyDeleteDale: "This is the best day ever"
ReplyDeleteAko: Best chapter ever
Haha
-Allen
nice... d best story ever..
ReplyDeletemarc
Kuya migs alang nagbago sa style mo sa pagsusulat. Da best ka padin! D nga madaling ma hulaan kung anu next na mangyayari eh!
ReplyDelete~Ayun! May yakapan na, kaw na dale! Malapit ng bumigay si ands. Malaking sampal talaga ung mga binitiwang salita ng tita Conching nya. Haha
~WaydeeJanYokio
Wow.. I love this chapter Migs.. I love the way you played with words.. Huwag mo na masyadong bigyan ng twist Migs para happy ang takbo.. I just don't love seeing and feeling pain and misery.. You are still the best though..
ReplyDeleteAwsome chapter! :D excited for the next chapter..ty Migs
ReplyDeleteNice! kawala ng stress..hehehe keep it up! wala prin kupas :)
ReplyDeleteGaling prin! ang Good Morning ko ay naging Great Morning! ^_^
ReplyDeleteThis comment has been removed by the author.
ReplyDeletethis + coffee sa umaga = awsome! binasa ko tlga ulit hahaha :3
Deletemagaling ka prin migs..nadadala ako sa ibang mundo pag nagbabasa ako ng mga stories mo :]
ReplyDeleteI wonder lalabas kaya si nolan ?
ReplyDeleteWow ty sa update migs. dabest ka prin
ReplyDeleteMiiiiiiiiigs!!! Na-miss kita ng sobraaaaaa!!! Ngayon ko lang ulit nabasa ang story kaya nag-backread ako from November 2013 hanggang March 2014 update mo. Wala ka pa din kupas sa pagpapakilig at pagpapaiyak. Thank youuuu!
ReplyDeleteAs expected...great chapter! :)
ReplyDeletepampa Good vibes chapter na to hehe :D
ReplyDeleteHaaaays..ikaw na tlga hari ng pa-kilig migs! ^_^
ReplyDeletearound of applause! magaling ka pa din migs!
ReplyDeleteGaling tlga ng mga quotes sa mga stories mo hehehe
ReplyDelete...CAN'T GET ENOUGH !!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!! SO LOVE !
ReplyDeleteNEVER REGRET TO VISIT YOUR BLOG SIR MIGS !
THIS CHAPTER - FIVE STARS !
-JULIO <3
great chapter migs! :] go go go!
ReplyDeleteNice one migs nakakakilig naman ang chapter na to. Tama si Dale this is the best day for them hehehe.
ReplyDeleteHave a great one migs and keep it up.