Breaking Boundaries 2[12]
DISCLAIMER:
The following is a work of fiction. Any similarities to any written
works and any person, living or dead are purely coincidental. The
story is intended for a mature audience. It may contain profanity and
references to gay sex. If this offends you, please leave and find
something more suitable to read. The author maintains all rights to
the story. Do not copy or use without written permission. Email the
author at miguisalvador@yahoo.com
for comments, suggestions and violent reactions in pertaining to this
blog and the stories that comes along with it.
Tila
konti na lang ay uusok na ang ilong ni Andy dahil sa inis. Naiinis
siya sa kaniyang sarili at naiinis din siya kay Dale. Naiinis siya sa
kaniyang sarili dahil hinayaan niyang may maramdaman siya kanina
habang nasa ER sila, naramdaman niyang nagseselos siya nang makita
niya ang pag-aasikaso ng nurse na iyon na halatang may gusto kay Dale
at naiinis siya kay Dale dahil alam niyang ipinapamukha pa nito sa
kaniya ang hindi sinasadyang emosyon na iyon sa kaniya.
“You
were there when I asked him if I could eat because I was hungry.
Hindi ko sinabi na subuan niya ako. Siya ang nagprisinta na subuan
ako.” seryoso pero nangingiting saad ni Dale habang nakaupo sa
passenger seat ng sasakyan ni Andy.
Umirap
muli si Andy. Ayaw niyang ipahalata kay Dale na nagselos siya kanina
at ipaglalaban niya dito na hindi siya nagseselos at mali ang iniisip
nito kaya naman nauwi na sa pagtatalo ang usapan na iyon.
“That
is the same as asking him to feed you.” balik pambabara nanaman ni
Andy na ikinailing ni Dale habang pinipigilan ang sarili na mapatawa.
Dito
lang umiikot ang kanilang paguusap simula noong i-discharge sila sa
ER kanina.
“Why
is this an issue again? Eh ano naman kung subuan niya ako?” tanong
ni Dale kay Andy upang mapaamin ito ng totoo nitong nararamdaman at
kung bakit malaking usapin ito para kay Andy na lalo lang ikinaiinis
ng huli.
“Ang
issue dito---” mariin na saad ni Andy sabay apak sa preno na muntik
ng ikauntog ni Dale sa dashboard nang sa wakas ay makabalik na sila
sa matandang bahay. Hindi sinasadyang tinapunan ng tingin ni Andy si
Dale at nahuli itong nakangisi lang dahil sa pagaakalang sa wakas ay
mapapaamin na niya si Andy sa pagseselos nito doon sa nurse na siya
naman lalong nakapagpatigas ng loob ni Andy na huwag bumigay sa
gustong mangyari ni Dale.
Lumabas
na si Andy ng sasakyan na siya namang ginaya ni Dale.
“Ano?
Ano ang issue?” tila nagmamakaawang saad ni Dale. Nagmamakaawa
dahil aminin lang ni Andy na nagseselos siya sa nurse na iyon ay
nagsasabing may nararamdaman parin si Andy sa kaniya at hindi na siya
magdadalawang isip na bawiin ito kay Tom na walang ginawa kundi ang
manlalaki habang nakatalikod si Andy.
Ang
tonong iyon ang nagtulak kay Andy na humarap sa kinatatayuan ni Dale.
Nakita niya ang malamlam na mga mata nito na tila nga nagmamakaawa.
Mga matang nakapagpauto sa kaniya noon. Kaya imbis tuloy na umamin si
Andy ay marahas niyang binura ang nararamdaman na iyon sa kaniyang
pagkatao at nagmatigas muli.
“Ang
issue ay nakakahiya doon sa tao na gawin mo siyang katulong! Hindi na
niya iyon trabaho, sinamantala mo ang kahinaan niya palibhasa alam
mong mapapaikot mo siya. Yun ang issue dito. Gawd, Dale--- hindi ka
parin nagbabago!” singhal ni Andy sabay lakad papasok ng bahay.
Iniwan
si Dale na natameme at hindi makaalis sa kinatatayuan. Natameme siya
hindi dahil alam niyang sinsero at totoo ang sinabing dahilan na iyon
ni Andy sa kaniya, ang totoo niyan ay alam niyang nagdadahilan lamang
ito, nararamdaman niya na nagseselos talaga ito. Ang nakapagpatameme
sa kaniya ay ang reaksyon sa mukha nito na malapit na nitong sabihin
na nagseselos nga ito pero agad na nagbago iyon at muling naging
blangko ang mukha nito na tila ba nagsuot ito ng maskara.
Alam
niya na gumawa ito ng malaki at mataas na pader upang wala kahit sino
maski si Tom na nobyo nito ngayon ang makakita sa nararamdaman nito.
Gumawa ito ng malaki at matayog na pader upang hindi na ito
makaramdam ng sakit.
Pader
na alam ni Dale na siyang tanging bagay na nagbubuklod sa kanilang
dalawa. Pader na alam ni Dale na kailangan niyang buwagin kung
talagang nais niyang maibalik ang naudlot na pagkakaunawaan nila
noon.
“A
wall that I built.” malungkot
na saad ni Dale sa sarili habang naglalakad papalapit sa kaniyang
sasakyan upang umuwi na sa kaniyang sariling bahay nang mapagtanto
niya na siya ang dahilan ng pagkakaganon ni Andy.
Sa
hindi kalayuan, sa sala ng matandang bahay, nandun si Andy na tahimik
na pinapanood ang papalayong sasakyan ni Dale.
000ooo000
Hindi
na muli pang nabuksan ang diskusyunan sa nangyaring iyon sa ospital.
Nagpatuloy lamang si Dale sa pagaayos ng matandang bahay habang si
Andy ay umaastang tila ba walang nangyaring pagtatalo sa pagitan nila
ni Dale. Pero gayun pa man, maski walang usapan o kibuan sa kanilang
dalawa ay alam nilang may nagbago muli sa pagitan nilang dalawa.
Sa
tuwing magkakasalubong sila ay hindi na nakasimangot si Andy na miya
mo pinagsakluban ito ng langit at lupa, Oo, hindi nga ito ngumingiti
sa tuwing binabati ito ng “good morning!” pero tumatango
na ito bilang sagot. Ganun din si Dale, hindi na niya kailangang
agawin ang atensyon ni Andy dahil alam niyang kusa na niya ito
makukuwa.
“Mang
Jim, uwi na kayo ng maaga. Sabi sa balita mga bandang hapon daw
magsisimula ng pumangit yung panahon.” saad ni Dale sa kaniyang
tauhan.
Ito
ang gusto nila Mang Jim sa kanilang amo. May edad na si Mang Jim pero
kinuha parin siya ni Dale upang magtrabaho para sa kaniya kung kailan
halos lahat ng mga contractor na naghahanap ng katulad niyang
“Skilled worker” ay mas gusto ang mga mas bata, maliban
dito ay maintindihin din ito, katulad ngayon na may paparating na
masamang panahon, mas pinili nito na pauwiin nsa silang mga
trabahador nito at siya na lang ang maiwan upang ayusin ang mga
naiwang gamit.
“Madami
pang aayusin, boss.” pagmamatigas ni Mang Jim na ikinailing na lang
ni Dale sabay ngiti.
“Baka
ho wala na kayong masakyan mamya.” balik naman ni Dale na ikinaisip
ng malalim ni Mang Jim. Nang maisip na tama ang kaniyang amo ay dahan
dahan siyang tumango at iniwan ang kaniyang ginagawa.
“Pero
pano ka, boss?” tanong ni Mang Jim.
“Mang
Jim, malapit lang kami dito at may sasakyan ako. Makakaalis ako agad
pagkatapos na pagktapos kong magligpit.” nakangiting sagot ni Dale
sa pagaalala ng matanda.
“S-sige
po.” nakangiti at umiiling na saad na lang ni Mang Jim, hindi
makapaniwala sa kabaitan ng kaniyang amo.
000ooo000
Bago
umalis si Adrian sa matandang bahay na iyon upang umuwi sa sariling
pamilya bago pa man tuluyang sumama ang panahon ay napansin niyang
wala ng nagtratrabaho sa paligid ng matandang bahay. Muli pa niyang
inikot muna ang bakuran upang malaman kung san na napunta ang mga
manggagawa at tanging si Dale lang ang kaniyang naabutan na nagaayos
ng mga naiwang gamit.
“Oh
nasan na yung mga tauhan mo?” tanong ni Adrian kay Dale habang
pinapanood itong magligpit.
“Pinauwi
ko na, baka kasi abutan ng malakas na ulan eh.” sagot ni Dale
habang hindi tumitingin kay Adrian na hindi mapigilang tumango, bilib
sa kabaitan ni Dale bilang isang amo.
“Mukhang
madami madami ka pang liligpitin ah.” saad ni Adrian kay Dale
habang tinitignan ang marami pang nakakalat na gamit sa paligid.
Inabot niya ang isang gamit at i-a-abot na sana ito kay Dale nang
pigilan siya ng huli.
“Adrian,
kaya ko na 'to. Umuwi ka na sainyo at malayo-layo ka pa at baka
maabutan ka ng ulan.” nagpapasalamat na saad ni Dale kay Adrian na
agad namang ngumiti at tumango.
“Sige
sige, pero kung maaabutan ka ng malakas na ulan, magpatila ka muna
dito ah, madami namang kwarto dyan---” simula ni Adrian pero
nakangiti lang na umiling si Dale.
“I-I'm
not sure that's a good idea.” pagtanggi ni Dale, iniisip na hindi
iyon magandang ideya lalo na't ikinukunsidera na nila Tom at Andy na
bahay nila ang matandang bahay na iyon at ang kaniyang paggawa sa
matandang bahay na iyon ay panghihimasok. Lalo pa siguro kung
magste-stay siya doon ng tanging silang tatlo lang.
“Ikaw
ang bahala.” saad ni Adrian sabay talikod, iniwan si Dale na
umiiling habang madaling iniligpit ang natitira pang mga gamit.
Hinubad
ni Dale ang kaniyang damit pangitaas. Basa na kasi ito ng pawis sa
kaniyang pagmamadali na iligpit ang mga gamit nila sa trabaho dahil
unti unti na niyang nakikita ang makapal na kulay itim na ulap sa
kaniyang ulunan.
000ooo000
Nagising
si Andy sa lakas ng kalabog ng ulan sa bubungan ng matandang bahay.
Dahan dahan niyang iminulat ang kaniyang mga mata at iginawi iyon sa
may bintana. Alam niya base sa ibinalita sa telebisyon kagabi ay
masama ang magiging panahon magdamag pero hindi niya inaasahan na
magiging ganito kagrabe. Dahan-dahan siyang tumayo mula sa kaniyang
lamesa kung saan siya nakatulog dahil sa pagsusulat ng kaniyang
article at lumapit sa may bintana.
Halos
wala na siyang makita sa labas ng kaniyang bintana kundi puti dahil
sa sobrang lakas ng ulan. Sinilip niya ang kanilang bakuran at nakita
niyang malinis na ito mula sa mga gamit ng mga manggagawa, iniisip na
marahil ay pinauwi na ni Dale ang kaniyang mga tauhan ng maaga.
Iginawi niya ang kaniyang tingin sa may unahan ng kanilang bahay at
doon meron siyang nakita na ikinatigil niya.
000ooo000
Humahampas
na ang hangin sa pader ng matandang bahay at hirap na siyang buksan
ang front door nila pero nang mabuksan niya ito ay tila tumigil ang
malakas na hangin at nabingi siya sa mga kalabog ng ulan.
Andon
sa unahan ng kanilang bahay ang basang basa at walang damit
pang-itaas na si Dale. Nakaupo ito sa steps sa harapan ng kanilang
front door, nakayakap ito sa sarili at walang duda na nilalamig.
Nangunot ang kaniyang noo, tinatanong ang sarili kung bakit hindi
kumatok si Dale at pumasok na lang sa loob ng kanilang bahay upang
hindi na ito lamigin at mabasa pa ng ulan.
Sa
pagtatakang iyon ay tila ba bumalik sa dating gawain ang kaniyang
utak. Muli niyang naramadaman ang malamig na hangin na malakas na
umiihip sa kaniyang balat at ang malakas na kalabog ng ulan sa
kanilang bubungan. Mga bagay na walang duda ay kanina pa nararamdaman
ni Dale.
“Dale!”
tawag pansin ni Andy kay Dale na agad na nagtaas ng tingin.
Nagtama
ang tingin ng dalawa. Sa kabila ng nararamdamang lamig at pangangatog
ng buong katawan ay nakuwa parin nitong ngitian si Andy na tila
ikinatigil nanaman ng mundo ni Andy. Tila nasilaw siya sa ngiting
iyon at biglang lumalim ang kaniyang paghinga, doon niya lang din
napansin na nakahubad pangitaas si Dale.
Maganda
parin ang katawan ni Dale. Batak ito sa trabaho at walang duda na
nagi-gym parin ito, bagay na hindi mapigilan ni Andy na tignan ng
matagal at kung hindi pa nga tawagin ni Dale ang pansin nito ay baka
natapos na ang masamang panahon ay nakatitig parin ito sa katawan ng
huli.
“Andy?”
nagaalala at nagtatakang tawag pansin ni Dale kay Andy nang makita
niya ang pamumula ng pisngi nito at ang paglamlam ng mata nito na
miya mo lalagnatin.
“Wha---?
Oh, I-I--- uhmmm--- bakit hindi ka kumatok at pumasok muna dito sa
loob?” naiilang na saad ni Andy habang itinutuon ang tingin maliban
kay Dale.
“Iniintay
ko kasing tumila yung ulan.” sagot ni Dale sabay tingin sa may
kalsada kung saan patuloy ang pag-ulan ng malakas.
“Baka
daw mamya pang madaling araw yan tumigil.” saad muli ni Andy.
“Ayaw
ko namang makaistorbo sainyo--- sayo.” nahihiyang saad ni Dale na
ikinahagok lang ni Andy.
“Pumasok
ka na, baka magkasakit ka pa niyan---” simula ni Andy at hindi
nakaligtas kay Dale ang pagaalala nito kaya naman agad na tumatak ang
ngiti sa pisngi nito at nakita iyon ni Andy kaya naman agad siyang
nagsabi upang mabawi ang kung ano mang ikinangiti ni Dale.
“---baka
m-matagalan p-pa yung pagpapagawa ng bahay.” malamig na saad ni
Andy na agad bumura sa ngiti ni Dale.
Tinitigan
pa muna ni Dale ang mabilis na pagtalikod ni Andy papasok muli ng
bahay at wala na lang siyang nagawa kundi ang umiling.
000ooo000
“Dale
oh.” alok ni Tom kay Dale ng twalya at mga tuyong damit na maaaring
kumasya sa nauna.
“Thanks.”
matipid na sagot ni Dale sabay abot ng twalya at tinuyo muna ang
sarili, malapit na niyang matuyo ang kaniyang buhok nang mapansin
niyang nakatayo parin sa kaniyang unahan si Tom. Tinapunan niya ito
ng tingin at huling huli niya ang malagkit na tingin nito sa kaniyang
katawan at ang pagkagat nito ng labi.
“Thank
you, Tom. You could get out of the room now.” saad ni Dale na
ikinagising ni Tom sa kaniyang pagtitig sa katawan ng huli.
“Sorry.
Ang yummy mo kasi eh.” hindi nahihiyang saad ni Tom na ikinailing
na lang ni Dale at muling tinuyo ang kaniyang katawan, iniisip na
kapag hindi niya pinansin ang huli ay magsasawa ito at aalis, ngunit
mali siya.
“You're
hot.” pabulong na saad ni Tom saka dahan-dahang lumapit kay Dale na
agad umatras nang makita niyang lumalapit sa kaniya ang nauna, ngunit
na-korner siya nito sa may pader.
“I
give the best blow job in town.” nangaakit na saad ni Tom na
ikinakaba lalo ni Dale, hinihiling na sana mabutas ang pader sa
kaniyang likuran.
“TOM!”
sigaw ni Andy sa may gawi ng pinto ng kwartong titigilan pansamantala
ni Dale.
“Oh
hey! I'm just giving Dale some dry clothes.” naka ngiti pang saad
ni Tom na tila ba hindi siya nakita ng nobyo niya na nilalandi si
Dale.
“Sure---”
bulong ni Andy sabay irap, pilit na binabalewala ang nakita.
“---C'mon
we have to finish cooking the soup for dinner.” aya ni Andy kay Tom
na agad namang nagpakawala ng isang ngiti kay Dale saka kay Andy saka
naunang naglakad na papuntang kusina.
“We'll
call you once it's ready.” matipid na saad ni Andy kay Dale na ni
salubungin ang tingin ng huli ay hindi magawa.
000ooo000
Tahimik
ang buong paligid. Hindi nagsasalita si Dale lalo na si Andy na tila
ginagawang puro ang sahog ng nakaahing sopas sa kaniyang harapan.
Tanging si Tom lang ang nasisiyahan sa kaniyang kinakain na
nakakailang mangkok nadin ng sopas.
“Oh,
I need to have that ten thousand tomorrow for the business I'm
talking to you about last night.” saad ni Tom matapos sumubo ng
isang punong kutsara ng sopas.
Nagtense
ang buong katawan ni Andy at hindi ito nakaligtas kay Dale.
Sinulyapan ni Andy si Dale, umaasa na hindi nito narinig ang sinabi
ni Tom.
“We'll
talk about this later.” saad ni Andy na ikinakunot ng noo ni Tom.
“I
don't see the difference of talking about it now and talking about it
later.” saad ni Tom na ikinairita ni Andy sabay sulyap muli kay
Dale na siya rin nagtense ang buong katawan at miya mo hinihiling na
sana ay wala siya doon.
“We'll
talk about it later.” mariin ulit na saad ni Andy na ikinakibit
lang ng balikat ni Tom na miya mo hindi sila nagtatalong mag nobyo.
Hindi
mailarawan ni Dale ang kaniyang kasiyahan nang matapos ang hapunan na
iyon. Yun na kasi ang pinakatahimik at puno ng pagaalangan na hapunan
na nakainan niya. Iginawi niya ang kaniyang tingin sa may bintana at
nakita niyang tila ba lalo pang lumalakas ang ulan. Nagpakawala siya
ng isang buntong hininga.
“Can
you help us with the dishes?” tanong ni Tom kay Dale na agad namang
tumango.
Sinundan
niya si Tom papuntang kusina kung saan nandun si Andy na nagliligpit
ng mga natirang pagkain, lumapit sila ni Tom dito at nagulat na lang
siya nang sabihin dito ni Tom na...
“Dale
volunteered to do the dishes! I'm going up to our room and prepare
for bed. I'm really sleepy.” masayang saad ni Tom kay Andy na
umiling na lang dahil alam niyang tinatamad lang ito magligpit kaya
niya inisahan si Dale.
“Dale
you don't have to. You're our guest, sit this one out.” saad ni
Andy na ikinailing na lang ni Tom.
“Ako
na ang magliligpit.” pagtatapos ni Andy sabay tinignan ng masama si
Tom na agad namang nagkibit balikat saka umakyat papunta sa kanilang
kwarto.
Pero
hindi nagpadala si Dale sa sinabi na ito ni Andy, lumapit parin siya
sa may lababo at sinimulang banlawan ang mga plato na kanilang
ginamit.
“Ako
na dyan, Dale.” nahihiyang saad ni Andy.
“Nope.
I got this.” saad ni Dale sabay ngiti. Umiling na lang si Andy at
nagpasalamat.
Binalot
ng katahimikan ang buong kusina. Hindi alam ni Dale kung ano ang
kaniyang dapat sabihin upang mabasag ang katahimikan na iyon pero
natatakot siya na baka mali nanaman ang kaniyang sabihin at lumayo
nanaman sa kaniya si Andy. Sa kabila naman ng kwarto ay si Andy na
malapit ng matapos sa kaniyang ginagawa, iniisip kung tutulungan ba
niya si Dale o hahayaan na lang niya ito sa gabundok na plato na
ginamit nila ni Tom sa pagluluto ng sopas.
“Why
do you let him do that to you?” wala sa sariling tanong ni Dale,
hindi napigilan ang sarili sa pagtatanong ng mga bagay na alam niyang
maaaring ikasira muli nila ni Andy.
“What
do you mean?”
Muling
binalot ng katahimikan ang buong kusina. Pinagiisipan ni Dale kung
itutuloy niya ba o hindi.
“Why
do you let him fuck every one behind your back and why do you let him
rob you like that?” tanong ni Dale na ikinatigil ni Andy sa
kaniyang ginagawa.
Matagal
muling natahimik ang buong kusina bago pa sumagot si Andy.
“Kasi
alam ko ang pakay niya. Gusto niyang makipag sex sa maraming lalaki
at gusto niya akong kwartahan. Yan ang nakita ko sa kaniya noong una
pa lang. He doesn't make excuses. He's not pretending. Hindi yung
tulad ng iba, nagmamalinis yun pala may pakay na iba, gusto pala niya
akong gawing isang pustahan, gusto lang pala akong paglaruan---”
simula ni Andy saka bara-barang binitawan ang ginagawa at naglakad na
pasunod kay Tom sa kanilang kwarto.
“---Now
you know why I chose to be with someone like Tom rather than being
with someone who tells the sweetest thing now then hurts me the
next.”
Itutuloy...
Breaking Boundaries 2
[chapter 12]
by: Migs
Hey guys! sensya na ulit sa late post. as usual busy ang lolo niyo. Next post na lang po ako sasagot sa mga comments niyo ah. senysa na po. I love you guys and Thank you sa patuloy na pagsuporta!
ReplyDeleteAww! That last line though. Breaks thy heart! I missed you and your art Migs! :)
ReplyDelete-dilos
Thank you so much kiya migs! been waiting for this awesome chapter!
ReplyDeletekeep safe.
--ANDY
galing ng last line..galing mo migs..ok lang i know ur so busy pd..
ReplyDeleteworth the wait...ganda migs lalo na ang last part sa paglabas ng sama ng loob ni andy kay dale. tnx
ReplyDeleterandzmesia
nice..
ReplyDeletemarc
sobrang nakarelate ako sa huling linya ni Andy. :(
ReplyDelete--ANDY
ouch that hurts, di ba Dale, But I hope Andy would give Dale a chance to explain. wala naman hindi nakukuha sa mayapang usap.
ReplyDeletegrabe migs..unang una sa lahat salamat at natapat talga sa birthday ko ang pag update mo..hahaha..
ReplyDeletedapat talaga makapagexplain ng maayos si dale kay andy pero i think it will be better kung ang pinsan ni dale ang magexplain sa kanya..at ky tom na haliparot sa madaganan siya ng binili niyang statue of david..hay naku kakainis siya..
geh migs ingat lagi..love you
Ouch!
ReplyDeletethat last line - so demm hit the bulls eye !
ReplyDeletebinalikan ko talaga itong acct mo sir Miggy, and your stories are undeniably incomparable...
-xoxo
Maharett
Awww... I feel the pain of andy! Pero habang binabalikan ko yung story! Ang isang pagkakamali ni andy! Hindi nya binigyan ng pagkakataong magpaliwanag si dale! So kasalanan nya at ang tayug ng pride na ginawa nya kaya sya naging miserable... Though may mali si dale! Hahaha...
ReplyDeleteIt's worth the wait mr.author! Galing! Ganda!
that last line... (same reaction with everyone else.)
ReplyDelete-cris
aww ..
ReplyDeleteyung last line .. sobrang awww..
thanks po sa pag updeeeeeyt !! i miss you kuyaaa migs :)