Breaking Boundaries 2[12]

DISCLAIMER: The following is a work of fiction. Any similarities to any written works and any person, living or dead are purely coincidental. The story is intended for a mature audience. It may contain profanity and references to gay sex. If this offends you, please leave and find something more suitable to read. The author maintains all rights to the story. Do not copy or use without written permission. Email the author at miguisalvador@yahoo.com for comments, suggestions and violent reactions in pertaining to this blog and the stories that comes along with it.

Tila konti na lang ay uusok na ang ilong ni Andy dahil sa inis. Naiinis siya sa kaniyang sarili at naiinis din siya kay Dale. Naiinis siya sa kaniyang sarili dahil hinayaan niyang may maramdaman siya kanina habang nasa ER sila, naramdaman niyang nagseselos siya nang makita niya ang pag-aasikaso ng nurse na iyon na halatang may gusto kay Dale at naiinis siya kay Dale dahil alam niyang ipinapamukha pa nito sa kaniya ang hindi sinasadyang emosyon na iyon sa kaniya.

You were there when I asked him if I could eat because I was hungry. Hindi ko sinabi na subuan niya ako. Siya ang nagprisinta na subuan ako.” seryoso pero nangingiting saad ni Dale habang nakaupo sa passenger seat ng sasakyan ni Andy.


Umirap muli si Andy. Ayaw niyang ipahalata kay Dale na nagselos siya kanina at ipaglalaban niya dito na hindi siya nagseselos at mali ang iniisip nito kaya naman nauwi na sa pagtatalo ang usapan na iyon.


That is the same as asking him to feed you.” balik pambabara nanaman ni Andy na ikinailing ni Dale habang pinipigilan ang sarili na mapatawa.


Dito lang umiikot ang kanilang paguusap simula noong i-discharge sila sa ER kanina.


Why is this an issue again? Eh ano naman kung subuan niya ako?” tanong ni Dale kay Andy upang mapaamin ito ng totoo nitong nararamdaman at kung bakit malaking usapin ito para kay Andy na lalo lang ikinaiinis ng huli.


Ang issue dito---” mariin na saad ni Andy sabay apak sa preno na muntik ng ikauntog ni Dale sa dashboard nang sa wakas ay makabalik na sila sa matandang bahay. Hindi sinasadyang tinapunan ng tingin ni Andy si Dale at nahuli itong nakangisi lang dahil sa pagaakalang sa wakas ay mapapaamin na niya si Andy sa pagseselos nito doon sa nurse na siya naman lalong nakapagpatigas ng loob ni Andy na huwag bumigay sa gustong mangyari ni Dale.


Lumabas na si Andy ng sasakyan na siya namang ginaya ni Dale.


Ano? Ano ang issue?” tila nagmamakaawang saad ni Dale. Nagmamakaawa dahil aminin lang ni Andy na nagseselos siya sa nurse na iyon ay nagsasabing may nararamdaman parin si Andy sa kaniya at hindi na siya magdadalawang isip na bawiin ito kay Tom na walang ginawa kundi ang manlalaki habang nakatalikod si Andy.


Ang tonong iyon ang nagtulak kay Andy na humarap sa kinatatayuan ni Dale. Nakita niya ang malamlam na mga mata nito na tila nga nagmamakaawa. Mga matang nakapagpauto sa kaniya noon. Kaya imbis tuloy na umamin si Andy ay marahas niyang binura ang nararamdaman na iyon sa kaniyang pagkatao at nagmatigas muli.


Ang issue ay nakakahiya doon sa tao na gawin mo siyang katulong! Hindi na niya iyon trabaho, sinamantala mo ang kahinaan niya palibhasa alam mong mapapaikot mo siya. Yun ang issue dito. Gawd, Dale--- hindi ka parin nagbabago!” singhal ni Andy sabay lakad papasok ng bahay.


Iniwan si Dale na natameme at hindi makaalis sa kinatatayuan. Natameme siya hindi dahil alam niyang sinsero at totoo ang sinabing dahilan na iyon ni Andy sa kaniya, ang totoo niyan ay alam niyang nagdadahilan lamang ito, nararamdaman niya na nagseselos talaga ito. Ang nakapagpatameme sa kaniya ay ang reaksyon sa mukha nito na malapit na nitong sabihin na nagseselos nga ito pero agad na nagbago iyon at muling naging blangko ang mukha nito na tila ba nagsuot ito ng maskara.


Alam niya na gumawa ito ng malaki at mataas na pader upang wala kahit sino maski si Tom na nobyo nito ngayon ang makakita sa nararamdaman nito. Gumawa ito ng malaki at matayog na pader upang hindi na ito makaramdam ng sakit.


Pader na alam ni Dale na siyang tanging bagay na nagbubuklod sa kanilang dalawa. Pader na alam ni Dale na kailangan niyang buwagin kung talagang nais niyang maibalik ang naudlot na pagkakaunawaan nila noon.


A wall that I built.” malungkot na saad ni Dale sa sarili habang naglalakad papalapit sa kaniyang sasakyan upang umuwi na sa kaniyang sariling bahay nang mapagtanto niya na siya ang dahilan ng pagkakaganon ni Andy.


Sa hindi kalayuan, sa sala ng matandang bahay, nandun si Andy na tahimik na pinapanood ang papalayong sasakyan ni Dale.

000ooo000

Hindi na muli pang nabuksan ang diskusyunan sa nangyaring iyon sa ospital. Nagpatuloy lamang si Dale sa pagaayos ng matandang bahay habang si Andy ay umaastang tila ba walang nangyaring pagtatalo sa pagitan nila ni Dale. Pero gayun pa man, maski walang usapan o kibuan sa kanilang dalawa ay alam nilang may nagbago muli sa pagitan nilang dalawa.


Sa tuwing magkakasalubong sila ay hindi na nakasimangot si Andy na miya mo pinagsakluban ito ng langit at lupa, Oo, hindi nga ito ngumingiti sa tuwing binabati ito ng “good morning!” pero tumatango na ito bilang sagot. Ganun din si Dale, hindi na niya kailangang agawin ang atensyon ni Andy dahil alam niyang kusa na niya ito makukuwa.


Mang Jim, uwi na kayo ng maaga. Sabi sa balita mga bandang hapon daw magsisimula ng pumangit yung panahon.” saad ni Dale sa kaniyang tauhan.


Ito ang gusto nila Mang Jim sa kanilang amo. May edad na si Mang Jim pero kinuha parin siya ni Dale upang magtrabaho para sa kaniya kung kailan halos lahat ng mga contractor na naghahanap ng katulad niyang “Skilled worker” ay mas gusto ang mga mas bata, maliban dito ay maintindihin din ito, katulad ngayon na may paparating na masamang panahon, mas pinili nito na pauwiin nsa silang mga trabahador nito at siya na lang ang maiwan upang ayusin ang mga naiwang gamit.


Madami pang aayusin, boss.” pagmamatigas ni Mang Jim na ikinailing na lang ni Dale sabay ngiti.


Baka ho wala na kayong masakyan mamya.” balik naman ni Dale na ikinaisip ng malalim ni Mang Jim. Nang maisip na tama ang kaniyang amo ay dahan dahan siyang tumango at iniwan ang kaniyang ginagawa.


Pero pano ka, boss?” tanong ni Mang Jim.


Mang Jim, malapit lang kami dito at may sasakyan ako. Makakaalis ako agad pagkatapos na pagktapos kong magligpit.” nakangiting sagot ni Dale sa pagaalala ng matanda.


S-sige po.” nakangiti at umiiling na saad na lang ni Mang Jim, hindi makapaniwala sa kabaitan ng kaniyang amo.

000ooo000

Bago umalis si Adrian sa matandang bahay na iyon upang umuwi sa sariling pamilya bago pa man tuluyang sumama ang panahon ay napansin niyang wala ng nagtratrabaho sa paligid ng matandang bahay. Muli pa niyang inikot muna ang bakuran upang malaman kung san na napunta ang mga manggagawa at tanging si Dale lang ang kaniyang naabutan na nagaayos ng mga naiwang gamit.


Oh nasan na yung mga tauhan mo?” tanong ni Adrian kay Dale habang pinapanood itong magligpit.


Pinauwi ko na, baka kasi abutan ng malakas na ulan eh.” sagot ni Dale habang hindi tumitingin kay Adrian na hindi mapigilang tumango, bilib sa kabaitan ni Dale bilang isang amo.


Mukhang madami madami ka pang liligpitin ah.” saad ni Adrian kay Dale habang tinitignan ang marami pang nakakalat na gamit sa paligid. Inabot niya ang isang gamit at i-a-abot na sana ito kay Dale nang pigilan siya ng huli.


Adrian, kaya ko na 'to. Umuwi ka na sainyo at malayo-layo ka pa at baka maabutan ka ng ulan.” nagpapasalamat na saad ni Dale kay Adrian na agad namang ngumiti at tumango.


Sige sige, pero kung maaabutan ka ng malakas na ulan, magpatila ka muna dito ah, madami namang kwarto dyan---” simula ni Adrian pero nakangiti lang na umiling si Dale.


I-I'm not sure that's a good idea.” pagtanggi ni Dale, iniisip na hindi iyon magandang ideya lalo na't ikinukunsidera na nila Tom at Andy na bahay nila ang matandang bahay na iyon at ang kaniyang paggawa sa matandang bahay na iyon ay panghihimasok. Lalo pa siguro kung magste-stay siya doon ng tanging silang tatlo lang.


Ikaw ang bahala.” saad ni Adrian sabay talikod, iniwan si Dale na umiiling habang madaling iniligpit ang natitira pang mga gamit.


Hinubad ni Dale ang kaniyang damit pangitaas. Basa na kasi ito ng pawis sa kaniyang pagmamadali na iligpit ang mga gamit nila sa trabaho dahil unti unti na niyang nakikita ang makapal na kulay itim na ulap sa kaniyang ulunan.

000ooo000

Nagising si Andy sa lakas ng kalabog ng ulan sa bubungan ng matandang bahay. Dahan dahan niyang iminulat ang kaniyang mga mata at iginawi iyon sa may bintana. Alam niya base sa ibinalita sa telebisyon kagabi ay masama ang magiging panahon magdamag pero hindi niya inaasahan na magiging ganito kagrabe. Dahan-dahan siyang tumayo mula sa kaniyang lamesa kung saan siya nakatulog dahil sa pagsusulat ng kaniyang article at lumapit sa may bintana.


Halos wala na siyang makita sa labas ng kaniyang bintana kundi puti dahil sa sobrang lakas ng ulan. Sinilip niya ang kanilang bakuran at nakita niyang malinis na ito mula sa mga gamit ng mga manggagawa, iniisip na marahil ay pinauwi na ni Dale ang kaniyang mga tauhan ng maaga. Iginawi niya ang kaniyang tingin sa may unahan ng kanilang bahay at doon meron siyang nakita na ikinatigil niya.

000ooo000

Humahampas na ang hangin sa pader ng matandang bahay at hirap na siyang buksan ang front door nila pero nang mabuksan niya ito ay tila tumigil ang malakas na hangin at nabingi siya sa mga kalabog ng ulan.


Andon sa unahan ng kanilang bahay ang basang basa at walang damit pang-itaas na si Dale. Nakaupo ito sa steps sa harapan ng kanilang front door, nakayakap ito sa sarili at walang duda na nilalamig. Nangunot ang kaniyang noo, tinatanong ang sarili kung bakit hindi kumatok si Dale at pumasok na lang sa loob ng kanilang bahay upang hindi na ito lamigin at mabasa pa ng ulan.


Sa pagtatakang iyon ay tila ba bumalik sa dating gawain ang kaniyang utak. Muli niyang naramadaman ang malamig na hangin na malakas na umiihip sa kaniyang balat at ang malakas na kalabog ng ulan sa kanilang bubungan. Mga bagay na walang duda ay kanina pa nararamdaman ni Dale.


Dale!” tawag pansin ni Andy kay Dale na agad na nagtaas ng tingin.


Nagtama ang tingin ng dalawa. Sa kabila ng nararamdamang lamig at pangangatog ng buong katawan ay nakuwa parin nitong ngitian si Andy na tila ikinatigil nanaman ng mundo ni Andy. Tila nasilaw siya sa ngiting iyon at biglang lumalim ang kaniyang paghinga, doon niya lang din napansin na nakahubad pangitaas si Dale.


Maganda parin ang katawan ni Dale. Batak ito sa trabaho at walang duda na nagi-gym parin ito, bagay na hindi mapigilan ni Andy na tignan ng matagal at kung hindi pa nga tawagin ni Dale ang pansin nito ay baka natapos na ang masamang panahon ay nakatitig parin ito sa katawan ng huli.


Andy?” nagaalala at nagtatakang tawag pansin ni Dale kay Andy nang makita niya ang pamumula ng pisngi nito at ang paglamlam ng mata nito na miya mo lalagnatin.


Wha---? Oh, I-I--- uhmmm--- bakit hindi ka kumatok at pumasok muna dito sa loob?” naiilang na saad ni Andy habang itinutuon ang tingin maliban kay Dale.


Iniintay ko kasing tumila yung ulan.” sagot ni Dale sabay tingin sa may kalsada kung saan patuloy ang pag-ulan ng malakas.


Baka daw mamya pang madaling araw yan tumigil.” saad muli ni Andy.


Ayaw ko namang makaistorbo sainyo--- sayo.” nahihiyang saad ni Dale na ikinahagok lang ni Andy.


Pumasok ka na, baka magkasakit ka pa niyan---” simula ni Andy at hindi nakaligtas kay Dale ang pagaalala nito kaya naman agad na tumatak ang ngiti sa pisngi nito at nakita iyon ni Andy kaya naman agad siyang nagsabi upang mabawi ang kung ano mang ikinangiti ni Dale.


---baka m-matagalan p-pa yung pagpapagawa ng bahay.” malamig na saad ni Andy na agad bumura sa ngiti ni Dale.


Tinitigan pa muna ni Dale ang mabilis na pagtalikod ni Andy papasok muli ng bahay at wala na lang siyang nagawa kundi ang umiling.


000ooo000


Dale oh.” alok ni Tom kay Dale ng twalya at mga tuyong damit na maaaring kumasya sa nauna.


Thanks.” matipid na sagot ni Dale sabay abot ng twalya at tinuyo muna ang sarili, malapit na niyang matuyo ang kaniyang buhok nang mapansin niyang nakatayo parin sa kaniyang unahan si Tom. Tinapunan niya ito ng tingin at huling huli niya ang malagkit na tingin nito sa kaniyang katawan at ang pagkagat nito ng labi.


Thank you, Tom. You could get out of the room now.” saad ni Dale na ikinagising ni Tom sa kaniyang pagtitig sa katawan ng huli.


Sorry. Ang yummy mo kasi eh.” hindi nahihiyang saad ni Tom na ikinailing na lang ni Dale at muling tinuyo ang kaniyang katawan, iniisip na kapag hindi niya pinansin ang huli ay magsasawa ito at aalis, ngunit mali siya.


You're hot.” pabulong na saad ni Tom saka dahan-dahang lumapit kay Dale na agad umatras nang makita niyang lumalapit sa kaniya ang nauna, ngunit na-korner siya nito sa may pader.


I give the best blow job in town.” nangaakit na saad ni Tom na ikinakaba lalo ni Dale, hinihiling na sana mabutas ang pader sa kaniyang likuran.


TOM!” sigaw ni Andy sa may gawi ng pinto ng kwartong titigilan pansamantala ni Dale.


Oh hey! I'm just giving Dale some dry clothes.” naka ngiti pang saad ni Tom na tila ba hindi siya nakita ng nobyo niya na nilalandi si Dale.


Sure---” bulong ni Andy sabay irap, pilit na binabalewala ang nakita.


---C'mon we have to finish cooking the soup for dinner.” aya ni Andy kay Tom na agad namang nagpakawala ng isang ngiti kay Dale saka kay Andy saka naunang naglakad na papuntang kusina.


We'll call you once it's ready.” matipid na saad ni Andy kay Dale na ni salubungin ang tingin ng huli ay hindi magawa.



000ooo000


Tahimik ang buong paligid. Hindi nagsasalita si Dale lalo na si Andy na tila ginagawang puro ang sahog ng nakaahing sopas sa kaniyang harapan. Tanging si Tom lang ang nasisiyahan sa kaniyang kinakain na nakakailang mangkok nadin ng sopas.


Oh, I need to have that ten thousand tomorrow for the business I'm talking to you about last night.” saad ni Tom matapos sumubo ng isang punong kutsara ng sopas.


Nagtense ang buong katawan ni Andy at hindi ito nakaligtas kay Dale. Sinulyapan ni Andy si Dale, umaasa na hindi nito narinig ang sinabi ni Tom.


We'll talk about this later.” saad ni Andy na ikinakunot ng noo ni Tom.


I don't see the difference of talking about it now and talking about it later.” saad ni Tom na ikinairita ni Andy sabay sulyap muli kay Dale na siya rin nagtense ang buong katawan at miya mo hinihiling na sana ay wala siya doon.


We'll talk about it later.” mariin ulit na saad ni Andy na ikinakibit lang ng balikat ni Tom na miya mo hindi sila nagtatalong mag nobyo.


Hindi mailarawan ni Dale ang kaniyang kasiyahan nang matapos ang hapunan na iyon. Yun na kasi ang pinakatahimik at puno ng pagaalangan na hapunan na nakainan niya. Iginawi niya ang kaniyang tingin sa may bintana at nakita niyang tila ba lalo pang lumalakas ang ulan. Nagpakawala siya ng isang buntong hininga.


Can you help us with the dishes?” tanong ni Tom kay Dale na agad namang tumango.


Sinundan niya si Tom papuntang kusina kung saan nandun si Andy na nagliligpit ng mga natirang pagkain, lumapit sila ni Tom dito at nagulat na lang siya nang sabihin dito ni Tom na...


Dale volunteered to do the dishes! I'm going up to our room and prepare for bed. I'm really sleepy.” masayang saad ni Tom kay Andy na umiling na lang dahil alam niyang tinatamad lang ito magligpit kaya niya inisahan si Dale.


Dale you don't have to. You're our guest, sit this one out.” saad ni Andy na ikinailing na lang ni Tom.


Ako na ang magliligpit.” pagtatapos ni Andy sabay tinignan ng masama si Tom na agad namang nagkibit balikat saka umakyat papunta sa kanilang kwarto.


Pero hindi nagpadala si Dale sa sinabi na ito ni Andy, lumapit parin siya sa may lababo at sinimulang banlawan ang mga plato na kanilang ginamit.


Ako na dyan, Dale.” nahihiyang saad ni Andy.


Nope. I got this.” saad ni Dale sabay ngiti. Umiling na lang si Andy at nagpasalamat.


Binalot ng katahimikan ang buong kusina. Hindi alam ni Dale kung ano ang kaniyang dapat sabihin upang mabasag ang katahimikan na iyon pero natatakot siya na baka mali nanaman ang kaniyang sabihin at lumayo nanaman sa kaniya si Andy. Sa kabila naman ng kwarto ay si Andy na malapit ng matapos sa kaniyang ginagawa, iniisip kung tutulungan ba niya si Dale o hahayaan na lang niya ito sa gabundok na plato na ginamit nila ni Tom sa pagluluto ng sopas.


Why do you let him do that to you?” wala sa sariling tanong ni Dale, hindi napigilan ang sarili sa pagtatanong ng mga bagay na alam niyang maaaring ikasira muli nila ni Andy.


What do you mean?”


Muling binalot ng katahimikan ang buong kusina. Pinagiisipan ni Dale kung itutuloy niya ba o hindi.


Why do you let him fuck every one behind your back and why do you let him rob you like that?” tanong ni Dale na ikinatigil ni Andy sa kaniyang ginagawa.


Matagal muling natahimik ang buong kusina bago pa sumagot si Andy.


Kasi alam ko ang pakay niya. Gusto niyang makipag sex sa maraming lalaki at gusto niya akong kwartahan. Yan ang nakita ko sa kaniya noong una pa lang. He doesn't make excuses. He's not pretending. Hindi yung tulad ng iba, nagmamalinis yun pala may pakay na iba, gusto pala niya akong gawing isang pustahan, gusto lang pala akong paglaruan---” simula ni Andy saka bara-barang binitawan ang ginagawa at naglakad na pasunod kay Tom sa kanilang kwarto.


---Now you know why I chose to be with someone like Tom rather than being with someone who tells the sweetest thing now then hurts me the next.”

Itutuloy...


Breaking Boundaries 2

[chapter 12]

by: Migs

Comments

  1. Hey guys! sensya na ulit sa late post. as usual busy ang lolo niyo. Next post na lang po ako sasagot sa mga comments niyo ah. senysa na po. I love you guys and Thank you sa patuloy na pagsuporta!

    ReplyDelete
  2. Aww! That last line though. Breaks thy heart! I missed you and your art Migs! :)
    -dilos

    ReplyDelete
  3. Thank you so much kiya migs! been waiting for this awesome chapter!

    keep safe.

    --ANDY

    ReplyDelete
  4. galing ng last line..galing mo migs..ok lang i know ur so busy pd..

    ReplyDelete
  5. worth the wait...ganda migs lalo na ang last part sa paglabas ng sama ng loob ni andy kay dale. tnx

    randzmesia

    ReplyDelete
  6. sobrang nakarelate ako sa huling linya ni Andy. :(

    --ANDY

    ReplyDelete
  7. ouch that hurts, di ba Dale, But I hope Andy would give Dale a chance to explain. wala naman hindi nakukuha sa mayapang usap.

    ReplyDelete
  8. grabe migs..unang una sa lahat salamat at natapat talga sa birthday ko ang pag update mo..hahaha..

    dapat talaga makapagexplain ng maayos si dale kay andy pero i think it will be better kung ang pinsan ni dale ang magexplain sa kanya..at ky tom na haliparot sa madaganan siya ng binili niyang statue of david..hay naku kakainis siya..

    geh migs ingat lagi..love you

    ReplyDelete
  9. that last line - so demm hit the bulls eye !
    binalikan ko talaga itong acct mo sir Miggy, and your stories are undeniably incomparable...


    -xoxo
    Maharett

    ReplyDelete
  10. Awww... I feel the pain of andy! Pero habang binabalikan ko yung story! Ang isang pagkakamali ni andy! Hindi nya binigyan ng pagkakataong magpaliwanag si dale! So kasalanan nya at ang tayug ng pride na ginawa nya kaya sya naging miserable... Though may mali si dale! Hahaha...

    It's worth the wait mr.author! Galing! Ganda!

    ReplyDelete
  11. that last line... (same reaction with everyone else.)

    -cris

    ReplyDelete
  12. aww ..
    yung last line .. sobrang awww..

    thanks po sa pag updeeeeeyt !! i miss you kuyaaa migs :)

    ReplyDelete

Post a Comment

Popular posts from this blog

The Rebound

Make It With You [Chapter 5] Failed Plans

Against All Odds 2[55]