Against All Odds 2[45]

DISCLAIMER: The following is a work of fiction. Any similarities to any written works and any person, living or dead are purely coincidental. The story is intended for a mature audience. It may contain profanity and references to gay sex. If this offends you, please leave and find something more suitable to read. The author maintains all rights to the story. Do not copy or use without written permission. Email the author at miguisalvador@yahoo.com for comments, suggestions and violent reactions in pertaining to this blog and the stories that comes along with it.


Nakalimutan na ni Dan kung paano tumawa ng katulad ng ginagawa niya ngayon. Hindi niya alam na sobrang kwela pala ng anak nila Mike at Mona, alam na niya ngayon kung bakit ito nagustuhan ng kaniyang ina, walang duda na ito ang nagpapaligaya dito habang wala siya, noong mga panahong inuuna pa niya ang pride niya. Habang tumatawa parin sa mga nakakatawang sinasabi ni Pauline ay iginagala niya ang kaniyang tingin sa iba pang tao sa kwartong iyon.

Ang kaniyang ina, tila ba bumata ito at himalang nawalan ng sakit. Tila ba hinatak siya ng oras pabalik sa kaniyang pagkabata kung saan siya ang nakakagawa noon sa kaniyang ina, kung saan nahahawakan niya ang ilang mga pinong linya sa sulok ng mga labi nito sa tuwing tumatawa o ngumingiti ito sa kaniya.


Sa kabila tuloy ng kaniyang mga tawang iyon ay hindi niya rin mapigilan ang malungkot. Hindi napigilan ang sarili na hilingin na sana ay hindi lang siya ibalik ng oras sa mga alaala na iyon sa panaginip kundi sana ay sa totoong buhay. Dahil sa lungkot na hatid ng naisip na ito ay ibinaling naman niya ang kaniyang tingin sa babaeng pinagigitnaan ni Lily at Mike.


Si Mona, tao na gagawin niya ang lahat makapalitan niya lang ng lugar. Asa taong ito lahat ng kaniyang ihinihiling para sa sarili. Magandang buhay, masayang pagkabata hanggang sa pagtanda, si Mike na kaniyang taong pinakamamahal.


Si Pauline, isang bata na alam niyang magiging katulad ng kaniyang ama't ina na magiging mabuting tao paglaki dahil sa gabay ng mga magulang, isang bata na alam niyang may magandang kinabukasan, may magagandang alaala ng kaniyang pagkabata na pangha-hawakan hanggang pagtanda.


At si Mike, na siyang nakatitig din pala sa kaniya, walang duda na alam nito ang mga bagay na mismong tumatakbo sa kaniyang isip. Alam niyang alam nito na binabagabag siya ngayon ng napakaraming “pano kung---?” na tanong, mga bagay na sana'y nangyari kung si Mike lang sana ang kaniyang pinili.


Tita, gumagabi na. Una na po kami.” paalam ni Mona kay Lily na pumutol sa pagtititigan nila Mike at Dan.


Awww!” sabay na sabi ni Lily at Pauline.


Na ikinangiti at ikinailing na lang ni Mona.


Daddy, can I stay here, please?” pakiusap ni Pauline sa ama na napangiti lang atsaka umiling sabay tingin kay Dan na tila ba nagsasabing. “Parehong-pareho kayo mangulit.” na ikinahagikgik ni Dan, hindi narin napigilan ni Mike ang mapahagikgik sa tahimik nilang paguusap sa mata ni Dan at nang makabawi na sa paghagikgik na iyon ay kinindatan ni Mike si Dan na ikinapula ng pisngi ng huli.


Mikee, hatid mo muna sila?” pakiusap ni Lily kay Mike. Hindi naman na kailangan ni Lily na pakiusapan si Mike na ihatid ang kaniyang mag-ina dahil ihahatid naman talaga niya ito sabihin man ni Lily o hindi pero nakuwa din ni Mike na nais lang nito makausap si Dan kaya naman marahan na lang siyang tumango at tumingin ng mariin kay Lily, bilang sabi na nakuwa niya ang gusto nitong mangyari.


000ooo000


Tuloy-tuloy lang sa pagkukuwento si Dan pero wala sa mga sinasabi nito ang pinakinggan ni Lily. Abala siya sa panonood sa anak habang naghahanda ito ng masusustanysang prutas upang kainin niya, malungkot niyang pinanood ang kaniyang anak.


Danny.” marahang bulong ni Lily bilang pagtawag pansin sa kaniyang anak na ikinatigil naman sa ikinukuwento ng huli.


Ma? M-meron bang masakit?” agad na tanong ni Dan sa kaniyang ina nang makita niya ang lungkot sa mga mata nito. Nagbigay ng isang malungkot na ngiti si Lily saka umiling.


Nagugutom ka na? Malapit na akong matapos balatan 'tong apple---” simula muli ni Dan sabay ibinalik ang pansin sa binabalatang mansanas pero hindi na niya nagawang tapusin ang kaniyang sasabihin dahil pinutol na siya ng sariling ina.


Danny, gusto ko ng umuwi. Umuwi na tayo sa bahay natin.” naluluhang hiling ni Lily kay Dan na natigilan sa pagbabalat ng mansanas.


Matagal natahimik at hindi nakasagot si Dan.


Maraming masasamang alaala ang bahay na iyon at ang kanilang bayan. Hindi niya alam kung makakaya na niyang bumalik doon pero dahil si Lily na, na kaniyang ina ang humiling nito sa kaniya ay wala na siyang magagawa pa kundi ang magbigay ng isang ngiti sa ina saka tumango.


Thank you.” bulong ni Lily.


000ooo000


Nakatitig lang si Dan sa pinto ng kaniyang dating kwarto.



Naiuwi na niya si Lily sa kanilang bahay, ihiniga ito sa kama at saka hinayaang matulog upang makabawi sa sobra nitong panglalata, matapos non ay nilinis niya ang buong bahay, ilang taon man ang lumipas ay hindi parin nakaligtas kay Dan ang amoy ng alak sa buong bahay, ang wala ng laman na lalagyan ng alak ng kaniyang lolo kung saan punong-puno nilang nadatnan lagpas dalawampung taon na ang nakakalipas ng lumipat sila dito. Nalinis narin niya ang buong bakuran hanggang bumalik ito sa kundisyon kung saan naaalala niya ang dati nitong magandang itsuta at hindi pa sana niya ito titigilan kung hindi lang nagdilim at nagsimulang umulan.


Ngayon wala na siyang natitirang linisin pa kundi ang kaniyang kwarto.


Bago niya lisanin ang lugar na ito ay sinumpa niyang iiwan niya lahat ng kaniyang nakaraan sa kwartong iyon, na sa oras na lumabas siya sa pinto na iyon ay ibang Dan na siya, hindi na siya ang Dan na binaboy, ikinahihiya ng ina, hindi na siya ang Dan na trinaydor kaya naman ngayon natatakot siya na sa oras na pumasok siya sa kwartong iyon ay muli siyang babalik sa mga Dan na iyon bago siya umalis.


Isang Dan na miserable.


Inabot niya ang door knob at sisimulan na sanang pihitin iyon nang muli siyang panghinaan ng loob. Akala niya matapos ang maglalabing isang taon niyang pagpupumilit at pagpupursigi na maging malakas ay muli nanaman siyang pinanghinaan ng loob. Kung kailan akala niya tapos na ang lahat, kung kailan akala niya matapang na siya.


Ang ilang sigundong iyon na hawak-hawak ni Dan ang door knob ng kaniyang dating kwarto ay tila oras para sa kaniya. Ilang saglit pa ay hindi narin siya nakatagal, nagtatakbo siya palayo sa pinto na iyon, walang pakielam kung san man siya dadalhin ng kaniyang mga paa.


Ni hindi na niya namamalayan na nakalabas na pala siya ng bahay at nagpapaulan. Nang sa wakas ay nawala na ang pamamanhid at unti-unti na siyang bumabalik sa ulirat, hindi nagtagal ay naramdaman na niya ang bawat pagpatak ng malakas na ulan sa kaniyang balat. Wala sa sarili siyang tumingala, umaasa na tuluyan ng huhugasan ng ulan na iyon ang kaniyang masasamang alaala.


Na sana tuluyan ng hugasan ng ulan na iyon ang kaniyang nakaraan.


Dahan-dahan niyang ipinikit ang kaniyang mga mata, ninamnam ang bawat pagpatak ng ulan sa kaniyang maamong mukha.


Nagising na lang siya sa malalim na iniisip nang maramdaman niyang tumigil ang pagpatak ng ulan sa kaniyang mukha kahit pa rinig na rinig niya ang patuloy na pagbagsak ng malakas na ulan sa kaniyang paligid.


Dahan-dahan niyang iminulat ang kaniyang mga mata, nakatingala siya ngayon sa itsura ng ilalim ng isang itim na payong. Hindi nagtagal ay isinalubong na niya ang kaniyang tingin sa taong naghahawak ng payong na iyon para sa kaniya.


Hindi niya mapigilang makaramdam ng konting kirot lalo pa't ayaw na ayaw niya ring makikitang umiiyak ang taong ito.


---” magsasalita na sana si Dan nang bigla siya nitong yakapin ng mahigpit. Walang pakielam kung basang-basa ba ng ulan ang kaniyang mga damit.


000ooo000


Nagsisimula ng lumakas ang ulan. Sa mga ganitong pagkakataon ay isinasara na nila Brenda ang kanilang mga bintana upang hindi umampyas ang ulan at makabasa pa ng mahahalagang gamit sa loob ng kanilang bahay. Habang isinasara ang mga bintana sa harap ng kanilang bahay ay hindi nakaligtas sa kaniya ang tila ba isang balisang lalaki na kalalabas lamang sa front door ng bahay nila Lily.


Kitang kita sa kilos ng lalaking ito na malalim ang iniisip nito dahil sa kabila ng malakas na ulan ay tila ba wala ito sa sarili na humakbang palabas ng silong at nagpaulan, dahan-dahang tumingala.


Naningkit ang mga mata ni Brenda, hindi niya kilala ang taong iyon kaya naman nangamba siya sa mga ari-arian ng kaniyang malapit na kaibigang si Lily pero ilang saglit pang pagtitig sa lalaking iyon ay agad niyang nakilala kung sino ito.


Hindi niya mapigilang makaramdam ng kirot sa kaniyang sariling puso habang pinapanood niya ang lalaking iyon na tila ba sobra sobra na ang pasakit na nararamdaman ngayon.


But tita, you're my mom too and I love you too like I love mommy.”


Hindi mapigilan ni Brenda ang sariling mga luha nang maalala niya ang tagpong iyon kung saan sinabihan siya ng noon ay anim na taong gulang pa lang na si Dan ng nakakagaang ng loob na mga salitang iyon. Hindi niya tuloy napigilan din ang sarili na mag balik tanaw sa mga alaala kung saan naaalala niya ang masiyahing Dan, ang mga bilugan nitong mata na puno ng buhay at pag-asa, ang maninipis na labi kung saan walang ibang lumalabas kundi pag-galang at magagandang salita at ang higit sa lahat ay ang pino nitong pagkilos kung saan makikitaan mo ito ng pagmamahal sa lahat ng ginagawa nito.


Hindi tuloy siya makapaniwala na ito na ngayon si Dan, hindi kalayuan sa kanila na makalipas ang ilang taon ay hindi parin maikakaila ang pagiging miserable, ang lungkot, ang sakit at pagaalangan.


At lalong hindi siya makapaniwala na siya ang nagaruga at nagpalaki sa isa sa mga taong nagdulot nito kay Dan pero higit sa lahat ay hindi siya makapaniwala sa kaniyang sarili na ni hindi niya man lang ginawa ang lahat ng kaniyang makakaya upang tulungan ito, upang hanapin ito dahil natatakot siya sa magiging reaksyon nito kapag nagkaharap sila matapos ang ginawa ng kaniyang anak na si Mike dito.


Ayaw niyang lumabas sa bibig ni Dan kung pano siya nito kinasusuklaman, hindi niya kaya kung pano siya nito ipagtutulakan palayo, dahil sa sobra niyang pagmamahal dito.


He looks so broken.” malungkot na bulong ni Obet sa likod ng kaniyang asawa sabay yakap dito mula sa likod.


Base sa nakikitang repleksyon ni Brenda ay nalulungkot din ang kaniyang asawa sa nakikita nilang tagpo. Hindi na napigilan pa ni Brenda ang sarili, marahan muna siyang kumawala sa pagkakayakap ng kaniyang asawa at kumuwa na siya ng isang malaking payong at walang pakielam na lumabas sa kanilang bahay at sumugod sa katapat nilang bahay.


000ooo000


I'm sorry.”


Taus-puso ang paghingi ng tawad na ito ni Brenda kaya naman hindi na nagdalawang isip pa si Dan na ibalik na din ang yakap na inaalok sa kaniya ni Brenda.


I'm sorry.”


Pag-uulit ni Brenda sa kaniyang naunang sinabi sinisiguro na narinig ni Dan ang kaniyang taus pusong pag-hingi ng tawad dito.


Sinisiguro niyang taus-puso ang paghingi ng tawad kay Dan dahil walang sino man ang dapat na nakaranas ng naranasan nito, walang sino man ang may karapatan na magtulak dito palayo sa oras ng pangangailangan nito at wala sanang nangilag dito katulad niya.


000ooo000


Nagising si Lily dahil sa mabangong amoy ng nilulutong pancakes. Pamilyar sa kaniya ang tagpong iyon. Noon, sa tuwing nagkakaroon sila ng hindi pagkakaintindihan ni Dan ay lagi siya nitong pinagluluto ng agahan kinabukasan, hindi dahil ito ang laging may kasalanan sa kanilang di pagkakaintindihan kundi dahil hindi nito matiis na kasamaan niya ng loob ang ina.


Hindi mapigilan ni Lily ang mapangiti, bagay na matagal nang hindi niya nagagawa sa tuwing siya'y gigising sa umaga sa loob ng maglalabing isang taon na. Ang magandang gising din na ito ang nagtulak sa kaniya na lipulin lahat ng kaniyang lakas upang makatayo ng kama.


000ooo000


Shut it! You're going to wake her up! This is supposed to be a breakfast in bed, Mike!” nangingiting pag-singhal ni Dan kay Mike na ikinahagikgik lang ng huli habang pinupulot ang kawali na gagamitin naman nila sa pagluluto ng bacon.


Hindi mapigilan ni Lily ang mapangiti nang may ihatid na alaala ang sandaling iyon.


Mikee! Shut up!” naiiyak na saad ni Dan sa kaniyang kababata saka nahihiyang binato ng tingin ang ina. Hindi inaakala na biglang babanggitin ng kababata ang tungkol sa personal na bagay na iyon.


But you just had your first WET DREAM!” excited na saad ni Mike sa kaniyang kaibigan na kulang na lang ay magsisisigaw na kainin na siya ng lupa dahil sa sobrang hiya.


That's not something to say in front of my MOTHER!” singhal ulit ni Dan sa humahagikgik na si Mike tanda na nagtagumpay siya sa pang-aasar dito.


Tita, please tell Danny that he's just being exaggerated and telling you about his wet dreams is not that big deal.” seryoso at pinipigilang pag-ngiti ni Mike sa ina ng kaniyang kaibigan na agad namang sinakyan ni Lily.


Danny you're just---” seryosong simula ni Lily pero hindi na niya natagalan pa ang panloloko sa anak dahil sa hindi narin niya mapigilan ang sarili na humagalpak sa tawa.


Mike!” nakangiting saway naman ni Brenda sa anak ng makita at marinig ang ginawa nito na ikinagising naman ni Lily sa pagbabalik tanaw.


Natigilan si Lily sa biglaang pagsulpot ni Brenda. Hindi parin naman siya nakikita ng tatlo dahil pare-pareho itong nakatalikod sa kaniyang kinatatayuan. Hindi mapigilan ni Lily ang lalong mapangiti. Ang pinakamatalik niyang kaibigan, si Brenda, ang taong hindi sumuko sa pagaalaga at pagmamahal sa kaniya ay dumating din para sa umagang iyon. Napansin niyang wala na itong pagaalinlangan nang makapasok ito sa kaniyang bahay, bagay na hindi nakakaligtas sa kaniya kahit pa lasing siya noon.


Alam niyang sinisisi rin ni Brenda ang sarili sa nangyari sa kaniyang anak at alam niyang kapag handa na ito ay hahanapin din nito si Dan at muli silang paglalapitin, bagay na noon ay sinasabi ni Lily sa sarili na “dapat lang” iyon gawin ng kaibigan sa sarili pero malaki pala iyong pagkakamali dahil sa naramdaman niya ang paglayo sa kaniya ng kaibigan kaya naman lagi na lang siya sa espiritu ng alak dumepende.


ANDITO NA YUNG ORANGE JUICE!” sigaw naman ni Obet na biglang sumulpot sa likod ng front door na ikinagulat ng tatlo.


Si Obet ang tumayong ama ni Dan pero nangilag din sa kaniya matapos niyang magpakalango araw-araw sa alak.


Ano kayang meron?” tanong ni Lily sa sarili.


ah, baka farewell party para saakin.” napangiti si Lily sa naisip niyang ito.


““SHHHHHH!!!”” sabay-sabay na saad ng tatlo kay Obet na agad namang nagtaka.


Bakit?” dikit noong tanong nito sa tatlo.


We might wake Lily up and ruin our surprise.” singhal ni Brenda na ikinailing ni Mike at ikina-aliw naman ni Dan.


I don't see the point because mukhang kanina pa gising si Lily.” naguguluhan paring saad ni Obet sabay tingin sa kinatatayuan ni Lily na hindi napigilan ang sarili na mapatawa.


TITA!” “LILY!” “MA!”


Sabay-sabay na sigaw ng tatlo sabay lapit kay Lily at pinaulanan ito ng tanong at pahayag.


Tita, sorry, naibagsak ko po yung non stick pan niyo. Sorry po talaga---” seryosong saad ni Mike nang mapadako dito ang kaniyang pansin.


Lily, pasensya na kung nagising ka namin. Sabi ko naman kasi kay Dan dun na siya mag-prepare samin tapos dadalhin na lang namin dito kapag handa na para hindi na kami nakakaistorbo sa pagpapahinga mo---” tuloy-tuloy namang saad ni Brenda sabay nagaalalang tingin sa kaibigan, tinitignan kung may makikita siyang galit sa mukha nito.


Ma! Bakit ka bumangon?! Halika na higa ka ulit sa kama---” simula naman ni Dan.


Hindi na alam ni Lily kung sino ang pakikinggan sa kanila, mabuti pa si Obet, tahimik lang na sinisimplehan ang naluto ng pancakes ni Dan at hindi nagiingay sa kaniyang tabi kasabay ng tatlo na may kaniya-kaniyang idinadakdak.


Pero sa kabila ng lahat ng ito ay hindi parin napigilan ni Lily ang mapangiti. Sa unang pagkakataon matapos ang paglalayas ni Dan magla-labing isang taon na ang nakakaraan ay muli siyang nakaramdam na tila ba buhay na buhay siya.


Ngayon lang ulit kung kailan alam niyang malapit na siyang mamatay.

000ooo000

Anak, why don't you go home muna? I'm sure Ryan is looking for you na.” singit ni Lily sa kinukuwento ni Dan. Nagtaka bigla si Dan sa sinabing ito ng ina. Hindi niya naikukuwento ang tungkol dito.


How did you know?”


Mike told me. Go ahead. Sabi ni Mike ilang araw na raw kayo di naguusap kahit na sa phone lang.”


Saglit na natahimik si Dan iniisip kung hanggang saan ang alam ni Lily.


Don't worry about me I'm sure these folks would stay with me.” nakangiting pagpupumilit ni Lily kay Dan na agad binalot ng takot, sakit at pagaalinlangan.

000ooo000

Patakbong nilapitan ni Ryan ang door knob nang marinig niya ang marahang pagkatok dito. Hindi alam kung anong emosyon ang mauuna. Pero mas nauna ang galit dahil isang malutong na suntok ang lumanding sa panga ng taong kapapasok lang ng pinto.


Itutuloy...

Against All Odds 2[45]
by: Migs

Comments

  1. Hey guys! Sensya na sa mahabang hindi pag-update. Alam niyo na ang dahilan.

    Nais ko lang pong linawin na ang kwento pong “SKYBAND” ay akda po ng isa sa aking pinakamalapit na kaibigan na si Ezekiel o ang may pakana ng blog na 'to http://zildjianstories.blogspot.com/

    Ating po siyang suportahan! :-)

    ENJOY READING GUYS!

    Muli inaanyayahan ko po kayo na bumisita sa mga site na ito. Hindi po kayo magsisisi.
    http://imbipositive.blogspot.com/

    www.darkkenstories.blogspot.com

    http://icemicestories.blogspot.com/

    http://zildjianstories.blogspot.com/

    Dhenxo: thanks! :-)

    Chet Capua: Hindi naman po, sir. Marami pa po dyang magagaling. Natyempuhan niyo lang po siguro yung blog ko. :-)

    Jaspr Paulito: Marami pa pong tutumbuking ibig sabihin ang against all odds na title nito.

    Lyron Batara: May naisip ka na agad na plot ah! Thanks!

    Ryge Stan: lahat naman ng stories ko maganda ang ending ah, sa iba't ibang way nga lang. :-)

    Anonymous June 14, 2013 at 3:54 PM: Sensya na, ganun po ba kapangit ang sotry ko? Sana po sa susunod iwan niyo na lang po ng pangalan ang comment niyo para po alam ko kung kanino ko isa-suggest ang pasasalamat ko sa pagtawag sa atensyon ko sa inyong mga suhestyon at katanungan. Salamat!

    Rascal: malapit na pong makamit ni Dan ang kaligayahan niya.

    Teresa of the faint smile: Malay mo sa last part. ;-)

    ANDY: Eto na po ang wish mong back to back! :-)

    Gerald: dahil nagwish ka ng magaang na chapter, eto ang ibibigay ko sayo... haha! :-)

    russ: malapit na itong matapos. Hihi

    WaydeeJAnYokio: akala ko kasi nagsawa ka na. :-)

    aR: yup. Sobrang busy. Malapit ng lumabas si Dave, wag kang magalala. :-)

    therese: abangan mo na lang kung mag-a-appear si Patrick at Liam. :-)

    Frostking: haha! Success ako sa pagpapapangit ng character ni Ryan para sainyo. Hihi!

    Xian: sige po, next time. ;-)

    john: unahin mo ang thesis mo. Mas importante yan. Busy ako ngayon kaya madalang ang pagpost ko ng stories.

    Foxriver: very well said. :-)

    Christian: maawa ka pa kaya kay Ryan after this?

    Dilos: Thanks! :-)

    MARAMING SALAMAT ULIT SA PATULOY NA PAGSUPORTA AT SA NAGUUMAPAW NA COMMENTS! MORE PLEASE! ENDORSE THIS BLOG SA FRIENDS NIYO DIN AH! :-) I'm targeting to gain more followers! Salamat! :-)

    ReplyDelete
  2. Hi Migs,

    Believe me you are a very good writer! Follower din ako sa blog ni Zildjian & I must say you are both good. Plakado yung mga story nyo.

    By the way, thank you for this back-to-back chapter. Ang galing mo talaga magkwento kasi napaiyak mo ko ulit! Haha! Anyhoo, next chapter na please? Thank you.

    P.S.

    Wag mo na kong tawaging 'sir' masakit sa mata at damdamin. Hahaha! Just call me Chet. :)

    ReplyDelete
  3. wow! back to back updates! tnx migz> he he he

    ReplyDelete
  4. Wow everything is falling to its place na I hope hindi na magkarron ng problem.
    But I think a new problem will come sino kaya ung sumuntok kay Ryan?

    Must read the next chapter....

    Have a great day migz and keep it up. :-)

    ReplyDelete
  5. Naku pasenya n po sir,,ang ibig ko pung sbihin s sumakit po ung ulo ko s sipon dahil s kakaiyak ,at tuloytuluy ko po siyang binasa mula s umpisa hangang chapter 44,,pasenya npo uli,nkakahiya po pala sory po tlaga slamt,,,napakahusy po ng mga istorya nyo,hindi po s mambawi s nasabi ko 2oo lang po talagang astig ang mga gawa nyo slamat,,

    ReplyDelete
  6. Ouch naman! Nasapak si Dan, nakakaiyak ang chapter na 'to. Kuya migs thanks sa pag grant ng request, sulit na sulit. Dapat sa story na 'to ginagawa ng book.

    ReplyDelete

Post a Comment

Popular posts from this blog

Against All Odds 2[38]

The Rebound

Different Similarities 2[16&epilogue]