Against All Odds 2[44]

DISCLAIMER: The following is a work of fiction. Any similarities to any written works and any person, living or dead are purely coincidental. The story is intended for a mature audience. It may contain profanity and references to gay sex. If this offends you, please leave and find something more suitable to read. The author maintains all rights to the story. Do not copy or use without written permission. Email the author at miguisalvador@yahoo.com for comments, suggestions and violent reactions in pertaining to this blog and the stories that comes along with it.


Nagising si Dan na may humahagod sa kaniyang buhok. Ito na ang pangatlong beses na nakatulog siya sa tabi ng ina. Sa unang dalawang pagkakataon ay hindi sila nito sabay na nagigising kaya naman wala silang panahon upang mag-usap o pag-usapan ang mga nangyari sa kanila noon. Pero ngayon, sa ikatlong pagkakataon na nakatulog siya sa tabi ng ina ay pareho na silang gising at alam niyang hindi na siya makakaligtas sa pakikipag-usap dito.

Nagtaas ng tingin si Dan at nagtama ang tingin ilang mag-ina.


Danny, you look pale, anak. Are you eating right or having enough sleep?” nanghihina at marahang tanong ni Lily sa anak na hindi napigilan ang sarili na mapahagulgol.


Iniyakap ni Dan ang sarili kay Lily. Niyakap niya ito na para bang hindi na niya ito pakakawalan pa kahit kailan. Walang pakielam sa mga tao na maaaring makakita.


I'm sorry.” bulong ni Dan habang humahagulgol na ikinakawala ng ilang luha mula sa mga mata ni Lily.


I'm sorry too, Danny. I'm sorry too.”


0000oo0000


Hinang-hina man siya ay hindi parin niya maikakaila na ngayon na lang ulit siya naging masaya ng ganito. Alam niyang maraming ginagawa ngayon ang kaniyang anak dahil sa sabi ng mga nurse ay pinipilahan ito ng mga pasyente kaya naman ang manatili ito sa kaniyang tabi upang bantayan siya, upang magkwento ng mga nakakatuwang bagay na nangyari sa kaniya noong magkahiwalay pa sila, upang subuan siya o kaya naman ay pilitin siyang kumain sa tuwing nawawalan siya ng gana kumain at upang aluhin siya at pakalamahin sa tuwing nakakaramdam siya ng sakit.


Buti na lang hindi ako nagpadala sa takot, naku kung hindi, malamang wala ako ngayon dito at malamang hindi ako naging successful na duktor.” masayang saad ni Dan saka umiling iling.


Nagtatago sa masayang pagkukuwento niyang ito sa kaniyang ina ang lungkot. Lungkot na maaaring ito na ang mga huling sandali nilang magkasama. Lungkot na hanggang ngayon sa hindi parin nila pag-uusap ng maayos ni Ryan at lungkot at takot na tuluyan na nilang hindi maayos ang lahat sa pagitan nilang dalawa. Pero pilit niya ito ngayong iwinawaglit sa kaniyang isip dahil alam niyang mas kinakailangan ng kaniyang ina ang kaniyang pansin.


Katulad ni Lily ay hinihiling din ni Mike na kasama siya sa ikinukuwento ngayon ni Dan habang nakasandal siya sa hamba ng pinto ng kwarto ni Lily. Hinihiling niya na sana ay kasama siya nang mangyari ang nakakatawang tagpo na iyon, kasama siya nito sa bawat tagumpay, kasama siya sa bawat masasayang alaala nito.


Na sana ay hindi sila nito nagkahiwalay at masaya at magkasama nilang binabalikan ang mga alaala nila.


Nasa ganitong pagiisip si Mike nang makaramdam siya ng marahang paghawak sa kaniyang kamay at pagdami ng isang kamay sa kaniyang balikat.


Hey!” gulat na bati ni Mike kay Mona sabay beso dito saka itinuon ang kaniyang pansin sa kaniyang anak.


Ang gulat na saad na ito ni Mike ang siyang kumuwa rin ng pansin nila Dan at Lily at tumingin sa gawi ng pinto kung saan andun sila Mike.


Hey, princess. Did you miss me?” tanong ni Mike kay Pauline.


Yes daddy. I missed you---” simula ni Pauline habang nakatingin sa lalaking nakaupo malapit sa kaniyang lola Lily.


--Can I go and see lola Lily?” marahang tanong ulit ni Pauline.


Maya na siguro, Princess. Kausap niya pa si tito Danny mo eh.” balik ni Mike kay Pauline na agad na nanlaki ang mga mata nang marinig ang pangalan ni Dan.


Mike, it's OK. I'm sure Pauline is dying to meet her tito Dan---” nakangiting saad ni Lily atsaka kinawayan ang bata na lumapit sa kaniya.


Don't forget to introduce yourself, princess.” pagpapaalala ni Mona na nagtulak kay Dan na tumingin dito.


Hi tito Danny. I'm Pauline!” masayang saad ng bata sabay yakap kay Dan na ikinagulat nito.


Whoah! Hey there!” humahagikgik na saad ni Dan upang makabawi sa kaniyang pagkakagulat.


Pauline, stop suffocating your uncle.” natatawa ding saad ni Lily.


Hey lola Lily!” masaya paring batid ni Pauline sabay yakap naman sa kaniyang lola pero mabilis ding bumitaw dito ang bata at muling ibinalik ang kaniyang pansin sa tito niya na noon niya lang nakita.


Lola Lily said you and dad always fight about the guava fruit at lola Brenda's front lawn.” taas kilay na saad ni Pauline kay Dan na hindi napigilan ang sarili na mapahagalpak sa tawa. Iginawi ni Dan ang kaniyang tingin kay Mike na hindi napigilan ang sarili na mamula ang mga pisngi.


At sa unang pagkakataon ay tuluyan ng napuno ng buhay ang kwarto na iyon ni Lily.


0000oo0000


Mommy, I want chocolate!” nauubos pasensya ng saad ni Pauline sa kaniyang ina habang iniintay nila si Lily na dinala muna pansamantala sa CT scan room.


But we're still waiting for your lola Lily, anak” marahang saad ni Mona sa kaniyang anak.


Daddy and tito Danny can wait for her while we're getting chocolates.” matigas ulong suhestyon ni Pauline sa ina.


P---” simula ni Mona pero hindi na siya nakatanggi nang bigla siyang hilahin ng bata patayo at palabas ng kwarto.


Nabalot ng katahimikan ang buong kwarto. Nagpapakiramdaman ang dalawa, ngayong sila na lamang ang naiwan sa kwarto. Hindi alam ang sasabihin. Si Mike abala sa kakaisip sa kung ano mang iniisip ngayon ni Dan lalo pa't alam na nito ang tungkol sa pagkakaroon niya ng anak at si Dan naman ay tahimik dahil hanggang sa ngayon ay hindi parn ma-proseso ng kaniyang utak ang pagkakaroon ng pamilya na ni Mike.


Pauline seems a good kid.” simula ni Dan na siyang bumasag sa katahimikan na bumabalot sa kanilang dalawa.


Yeah. She's perfect.” tumatango-tango at nangingiting balik naman ni Mike.


Muli nanamang binalot ng katahimikan ang dalawa pero si Dan ang muling bumasag sa katahimikan na iyon.


So you and uhhhmmm- Mona?” simula ni Dan, hindi alam kung pano tatapusin ang tanong na iyon, hindi maikakaila ang awkwardness sa sitwasyon na iyon na kala mo walang mabigat na problema silang kinahaharap ngayon.


We're not married.” tila ba pagdedepensang sagot ni Mike na sa hindi maipaliwanag na dahilan ay ikinagaang ng loob ni Dan.


Soon to be married?” pagkukumpirma ni Dan sa kabila ng paninikip ng dibdib, natatakot sa kung ano mang isasagot ni Mike. Nakahinga na lang ng maluwag si Dan nang sumagot ng simpleng iling ni Mike.


We're good friends. Friends and that's as far as it will go.” marahang saad ni Mike sabay isinalubong ang tingin kay Dan na hindi makuwa ang kaniyang nais ipahiwatig at nangunot ang noo. Hindi mapigilan ni Mike ang mapahagikgik. Kilalang-kilala niya ang pangungunot ng noo na iyon pero agad siyang sumeryoso sa kagustuhang linawin ang lahat.


I was heart broken. I tried moving on. Tried having a life but instead got Mona pregnant--- don't get me wrong, Mona being pregnant and giving birth to Pauline is one of the greatest gifts this life can give me but I didn't plan this---” paliwanag ni Mike habang nakasalubong parin ang tingin kay Dan.


I'm still in-love with--- someone else.” pabulong na pagtatapos ni Mike na ikinatibok ng mabilis ng puso ni Dan.


Hindi na nakayanan pa ni Dan ang katahimikan at hindi pagkalma ng kaniyang sariling puso kaya naman siya na ang nagkusa na mag-iwas ng tingin mula sa mga magagandang mata ni Mike. Pilit pinakalma ang kaniyang puso sa mabilis nitong pagtibok at pinaypayan ang sarili gamit ang kamay dahil sa pagpapawis ng malamig sa kabila ng malamig na ihip ng aircon sa kwartong iyon.


Hindi naman napigilan ni Mike ang mapangiti, sumagi sa isip na may epekto parin ang kaniyang mga ginagawa at sinasabi kay Dan, na hindi ito tuluyang nag-bago. Muling nabalot ng katahimikan ang buong kwarto, si Dan, pilit na iniiwas ang kaniyang tingin mula kay Mike habang ang huli naman ay hayagang nakatitig sa magandang mukha ni Dan.


Kitang-kita ni Mike ang hindi naman kalakihan pero halatang eye bags ni Dan, bigla tuloy siyang nangati na tanungin ito kung nakakatulog ba ito ng maayos, kung nakakakain ba ito ng maayos kung may nagpapaalala ba dito na uminom ng vitamins tuwing gabi at kung may nagpapaalala ba dito ng tamang oras at tamang pagkain.


Mga bagay na pinangarap niyang gawin pero alam niyang wala siyang karapatang isakatuparan. Sinaktan niya ito, hindi lang isang beses kundi maraming beses na kaya naman hindi na siya nagtaka noon kung bakit hindi siya nito pinili.


Wala siyang karapatan kaya naman sa sarili na lang niya tinanong ang mga bagay na gustong gusto niyang itanong kay Dan. Hindi napigilan ni Mike ang mapabuntong hininga. Iniisip na abot kamay na niya ang taong mahal na mahal niya pero tila ba wala naman siyang magawa upang maangkin ito.


0000oo0000


Habang iniiwas ni Dan ang kaniyang tingin mula sa kinauupuan ni Mike ay hindi niya mapigilan tanungin ang sarili.


Pano kung hindi ako nagpakaduwag? Pano kung ipinaglaban ko siya? Pano kung hindi ako nagpadala sa utang na loob ko kay Ryan? Andito kaya si Mommy ngayon? Nakakaramdam parin kaya ako ng kakulangan? Nagsisinungaling pa kaya ako ngayon sa sarili ko, pinapaniwala ang sarili na OK ako?” sunod sunod na tanong ni Dan sa kaniyang sarili.


Iniisip kung ano marahil ang kinalabasan kung nagpakatatag siya, kung ipinaglaban niya si Mike, kung pinili na lang niyang maging totoo kay Ryan at pasalamatan ang kaniyang utang na loob dito, iniisip niya na siguro ay maaga silang nagkabati ng ina, iniisip niya na hindi sana humantong ang lahat sa ganong sitwasyon kung saan saglit na lang ang ilalagi ng kaniyang ina.


Iniisip na marahil ay totoo siya sa kaniyang sarili ngayon, iniisip kng pipilitin niya pa ang sarili na OK siya.


Want to get some coffee?” biglang tanong ni Mike na siyang gumising kay Dan sa kaniyang malalim na pag-iisip.


Naiinip na si Mike sa kanilang pag-iintay at ayon sa sinabi ni Dan sa kaniya ay baka matagalan pa si Lily, inaya niya rin magkape si Dan upang sana ay matanong ito tungkol sa sariling buhay. Pero pinanghinaan bigla ng loob si Mike nang makita niya ang pagaalinlangan sa mga mata ni Dan.


Please?” halos pabulong ng pagmamakaawa ni Mike na tila ba may kumurot sa puso ni Dan.


0000oo0000


Naglabas ng isang malalim na hininga si Ryan. Sinisiguro na lahat ay perpekto. Mag-iilang araw na silang hindi nagkikibuan ni Dan maski sa telepono. Naiintindihan niya na kailangan si Dan ng kaniyang inang may sakit lagi sa tabi nito pero alam niyang hindi lang iyon ang dahilan kung bakit ito hindi umuuwi sa kanila.


Napagbuhatan niya ito ng kamay dahil sa selos at pinagsisisihan niya ito. Ngayon ay plano niyang suyuin ito gamit ang mga bulaklak at tsokolate na kaniyang binili. Pinaplano niya ring kausapin ito ng masinsinan, klaruhin ang lahat ng dapat klaruhin, sabihin na ang lahat ng sikreto na maaaring makasira ng tuluyan sa kanilang relasyon.


Gagawin niya ito dahil alam niyang hindi niya kaya na wala si Dan.


Gagawin niya ito dahil mahal niya ito ng lubos.


Muling inayos ni Ryan ang kaniyang damit at ang bulaklak at paper bag ng tsokolate na kaniyang dala pero hindi pa man siya nakakahakbang papalapit sa lobby ng ospital ay agad na niyang nakita si Dan na may ngiti sa mukha. Hindi niya muli napigilang tanungin ang sarili kung ano pang nagtulak sa kaniya upang lokohin ito gayong wala itong kasing gwapo, walang kasing bait at walang makakatalo ng pagiging maintindihin.


Pero lahat ng kaniyang iniisip na ito ay mabilis na naglaho mula sa kanilang isip nang may isang tagpo na agad ang nakapampalambot sa kaniya. Hindi pala para sa kaniya ang mga ngiting iyon at dito lang din naisip ni Ryan na matagal na niyang hindi nakikita ang mga ngiting iyon ni Dan, na matagal na siyang hindi nginitian ng ganito ng nobyo, na matagal na siyang hindi pumapailalim sa sumpa ng magandang ngiti na iyon.

Wala sa sariling nanlambot ang kaniyang mga tuhod ng makita niyang i-urong paatras ni Mike ang upuan na nakalaan para kay Dan na para bang babae ito na kailangan pahangain sa kanilang unang date. Sunod ay wala sa sarili niyang nabitawan ang paper bag na kaniyang dala habang tinatanggap ni Dan ang inaabot ni Mike na platito ng cake habang nginingitian ang nauna ng matamis.


Hindi rin lumabas ang mga salita na nais niyang sabihin habang pinapanood niya ang masayang pagkukuwentuhan nila Mike at Dan. Nabitawan niya rin ang bungkos ng bulaklak nang makita niyang subuan ni Mike si Dan ng piraso ng cake.


At walang habas na pumatak ang kaniyang mga luha sa bawat halakhak na kaniyang nakikita at naririnig mula sa kinauupuan ni Mike at Dan sa hindi kalayuan mula sa kaniyang kinatatawuan.


Nagpapaunahan ang iba't-ibang emosyon sa kaniyang pagkatao.


Galit.

Sakit.

Lungkot.

Hanggang sa huli ay sabay sabay na itong nagpang-abot sa kaniyang dibdib kaya naman mas minarapat na lang niyang tumalikod at umalis mula sa lugar na iyon.


0000oo0000


You didn't have to hold the door for me or wait for me to sit, Mike. I'm not like some chick you're trying to impress in your first date.” umiiling na saad ni Dan pero hindi niya parin napigilan ang sarili na mapangiti at hagikgik.


Hindi napigilan ni Dan ang sarili na matuwa, sapagkat alam niya sa kaniyang sarili na na-miss niya ang ngumiti ng ganon. Ang ngumiti ng tunay. Ang tumawa ng totoo at humagikgik ng walang pamamlastik na kasama.


I'm just trying to fit in. People here seems to adore you so much. It seems like you're really well liked here.” nahahawang napapahagikgik na sagot ni Mike kay Dan, hindi makapaniwala kung pano nito natumbok na gusto niyang ma-impress si Dan.


I'm that good looking, Mike so deal with it.” kapal mukhang saad ni Dan, binubura na ng tuluyan ang awkwardness sa pagitan nilang dalawa ni Mike.


Aha! You've grown some wit and balls, huh?” nangaasar na saad ni Mike kay Dan na napahagalpak sa tawa.


Well what can I say. People change---” balik naman ni Dan sabay kindat kay Mike na hindi nagtagal ay biglang natahimik at isinalubong ang tingin ni Dan.


Sana lang yung tao na gusto kong hindi mabago ay hindi nagbago.” bulong ni Mike sabay abot ng kamay ni Dan na hindi narin nakatagal at ibinalot na niya ang kaniyang kamay sa kamay ni Mike.


0000Oo0000


Ryan?” gulat na saad ni Melvin nang makita niya itong nakatayo sa labas ng kaniyang bahay matapos niyang mamili ng kaniyang kakainin sa loob ng isang linggo.


Hindi ito makatagal sa pagkakatayo at madalas itong gumegewang, hindi maikakaila na nakainom ito ng alak. Nang tawagin ni Melvin ang pansin nito ay hindi nagtama ang kanilang mga tingin, halatang halata ni Melvin na umiyak ang huli.


Are you OK? Ryan, you're drunk---” simula ni Melvin nang muntikan na itong mabuwal.


---Want me to get you home?” nagaalalang alok ni Melvin kay Ryan.


I have to talk to you--- Dammit! I have to talk to someone!” singhal na saad ni Ryan sabay sipa sa isang paso malapit sa kaniya dahil sa sobra siyang naguguluhan at hindi na niya alam ang kaniyang gagawin.


What happened?” tanong ulit ni Melvin.


Dan is cheating on me.” lasing na sagot ni Ryan.


Are you sure?” tanong ulit ni Melvin hindi na sumagot si Ryan dahil sa sobrang kalasingan kaya naman nagkasya na lang ito sa pagtango- tango. Saglit na tumalikod si Melvin dahil alam niyang higit niyang kinukumbinsi ang sarili sa kaniyang tanong na ito kesa kay Ryan nang masiguro na niyang pareho niya lang na kinukumbinsi ang sarili at si Ryan ay muli siyang humarap sa huli at muling nagsalita.


I mean, this is Dan we're talking about. He's not the type to che---” pero hindi na niya natapos ang kaniyang sasabihin dahil isinalubong na ni Ryan ang kaniyang mga labi sa labi ni Melvin.


Itutuloy...


Against All Odds 2[44]
by: Migs

Comments

  1. Hey guys! Sensya na sa mahabang hinid pag-update. Alam niyo na ang dahilan.

    Nais ko lang pong linawin na ang kwento pong “SKYBAND” ay akda po ng isa sa aking pinakamalapit na kaibigan na si Ezekiel o ang may pakana ng blog na 'to http://zildjianstories.blogspot.com/

    Ating po siyang suportahan! :-)

    ENJOY READING GUYS!

    Muli inaanyayahan ko po kayo na bumisita sa mga site na ito. Hindi po kayo magsisisi.
    http://imbipositive.blogspot.com/

    www.darkkenstories.blogspot.com

    http://icemicestories.blogspot.com/

    http://zildjianstories.blogspot.com/

    Christian Jayson Agero: Sinong kontrabida ba are you referring to?

    Russ: habang hinihiling mo na magtagal pa ito yung iba hinihiling na matapos na. Hahaha! Salamat!

    Jims Gregorio: Thanks Jims! Pa follow din ang blog ko ah saka sana regular na kitang makikita sa comment box ko! Salamat!

    Mars: you're back! :-)

    _mew08: Thanks! Sana mapaiyak pa kita sa mga susunod na chapters! :-)

    -Akhii: Sensya na, busy lang po talaga. Pero sinusubukan ko naman po.

    Gerald: Thanks! Bihira na kita makita dito ah. :-(

    Jm_virgin2009: sensya na po sa mabagal na pag-update.

    WaydeeJanYokio: Akala ko di ka na magco-comment eh. :-(

    -makki-: Salamat!

    Jemyro: Thanks! Sana yung iba din masulit ang pagiintay. :-(

    dilos: Thanks! Sana patuloy ka pang ma-excite!

    AR: magaling si Zildjan at mabait. Try to leave a comment. I-e-entertain ka nun ng bongga! :-)

    Lyron Batara: Ahh... marunong ka ng mag-analyze ng work ko ah. Mailihis nga ang kwento. Haha! Thanks! :-)

    <07>: Thanks sa patuloy na pagco-comment.

    -Pink 5ive: Thanks sa comment!

    ANDY: bolero! Haha!

    robert_mendoza: eto na po ang next! :-)

    rascal: ayaw mo? Pangit ba?

    Mhei: Oo, madami na ngang bumalik sa pagiging silent reader eh. :-(

    foxriver: very well said. Thank you.

    Anonymous June 13, 2013 at 9:12 PM: di ko po alam kung anong nangyari pero sige po check ko kung bakit nagkaganon. Thanks for calling my attention! :-)



    MARAMING SALAMAT ULIT SA PATULOY NA PAGSUPORTA AT SA NAGUUMAPAW NA COMMENTS! MORE PLEASE! ENDORSE THIS BLOG SA FRIENDS NIYO DIN AH! :-) I'm targeting to gain more followers! Salamat! :-)

    ReplyDelete
    Replies
    1. now i can say that i hate ryan.. :( **thanks miguel. enjoy ko talaga tong series na to :)

      Take care..

      ---- Dee :)

      Delete
  2. You're still the best daddy. You never failed to impress me. :)

    ReplyDelete
  3. Yaaaay!!! The long wait is over! Me & my freinds are following this blog like a teleserye. I can feel all the characters' pain or let's just say their feelings. That means you really know how to hook a reader & you nailed it! You're story is rivetting & whenever I read every chapter I will pause for a while and just say "wow" or I'll just cry. I remember one time I'm reading 'Chasing Pavements' I broke in to tears, I cried a river! Haha! Anyhoo, to sum it up you're a very good writer keep it up! :)

    ReplyDelete
  4. Sa wakas, magiging masaya na rin si Dan. The best thing is kasama na niya si Mike at mommy niya. Thanks Migz.
    Against all odds nga. Puso at pagmamahal pa rin nila sa isa't isa ang mananaig. Haaayyyy!:)

    ReplyDelete
  5. Hahaha! hindi naman... tahimik na si makki kaya ako naman ang nag-aanalyze. Pati si Lawfer tahimik din ata...

    Mas mabigat na pagsubok pa ang nagbabadya kina Mike at Dan sa mga susunod na mangyayari, si Melvin ang magiging dahilan para matuldukan na ang relasyon ni Mike at Ryan. Sa palagay grabeng mga hinanakit ang mararamdaman ni Melvin bago pa tuluyang sumama sa kanya si Ryan. Si Ryan at Dan naman, tanging mga pinagsamahan na lamang ang nagbubuklod sa kanila...

    Sa pamamamaalam ni Lily panibagong pagsubok at kabanata naman ito sa buhay ni Dan, would love conquer all? Has time heal the wounds? Does time change people?

    Si Migz lang ang makapagsasabi!

    ReplyDelete
  6. nice migz good thing nagkaayos na si Lily at Dan I hope somehow magkaayos na rin si Ryan at Dan. I know somehow magkakaroon ng magandang ending ang story na to.

    have a great day migs

    ReplyDelete
  7. Hay,,,,, next n sumakit n ata ung ulo ko slamat

    ReplyDelete
  8. Hay,,,,, next n sumakit n ata ung ulo ko slamat

    ReplyDelete
  9. hindi kuya,.....gusto nga ehhh....!naaawa lang ako kay dan....dahil hanggng sa ngyon hindi parin nakakamit ang kaligayahan nya,,,,,......thnks poh sa update,,..

    ReplyDelete
  10. @_teresa of the faint smileJune 14, 2013 at 5:38 PM

    sana mahalin na lang ulit ni ryan si melvin,....please please,...at sana magkaroon na si mike na lakas ng loob para i claim si dan,... :)

    ReplyDelete
  11. Team Mike! Team Mike! Lol naging balimbing na ako.

    Lalo lang gumugulo sitwasyon ni ryan at dan, ryan ikaw ang ngchecheat hindi si dan. At palagay ko para talaga sya kay melvin...oh well..kailangan kong tanggapin, haay.

    Well done kuya migs. Thanks sa update.

    I love pauline, so cute.

    Sana back-to-back sa next, haha joke lang kuya migs na pogi!

    ReplyDelete
  12. i'm always present di lang active hehehe. whoaaa, i much like this chapter very light ang gaan sa dibdib after ng maraming mabibigat na chapters. cguro ganun din sau, ano...? if you know what i mean. GODSPEED!

    ReplyDelete
  13. Migs now lng aq mgcocoment huh kc mdyo bz kanina umaga..

    Ryan doesn't change!! Ganun p dn xa may panakip butas. Una ung mga nrape nya now nmn c melvin hahays..

    Mig alam q d aq ng.iisa hehhe madami kami na gusto mgtagal pa.ito make it to chapter 115.
    Oh db independence years lang hahha.

    5*****

    ReplyDelete
  14. Bakit naman di ako magcocoment kuya migs?

    ~~~~
    ~Go for danny and mikee moment. :)

    ~WaydeeJanYokio

    ReplyDelete
  15. Author Migs!

    Hoho you're back,! still budy eh?

    bsck to story..

    Dan is cheating on me! haha the nerve to tell that to melvin..

    melvin still in love with him, so i guess he realizes that their both lying to Dan hmmp


    Author migs ala pa rin si Dave hmmm

    baka may mangyari unexpected :D

    -aR

    ReplyDelete
  16. migs soree bago lang ako naka comment kakaayos lang kasi internet connection ko eh..btw great chapter buti naman na ok na si dan at si lily...dapat kasi hayaan na ni ryan si dan parehas lang nila na nasasaktan ang isat isa..dun na lang si ryan kay melvin..para magkaroon ng chance na maging si danny at mikee..grabe di ko alam kilig ako sa scene sa kapehan...im happy that danny is starting to grow stronger.

    pwede magtanong may appearance ba si patwick at liam dito?

    hahaha..oo naman migs ako na talaga ang mahilig mangulit sa CP5..sobrang captivating kasi ng kwento mo..magkasama parin ba kayo ni pao sa ospital??ano na nangyari kay jp??sino ba talaga si anne??naku migs ha pag may time ka tsaka kung ok lang ha :)

    -therese

    ReplyDelete
  17. "Dan is cheating"

    Patawa naman tong si ryan...
    After all the things that he did.
    Sarap lang batukan. :)

    ReplyDelete
  18. author migs pwede nyo po kya tong i-promote na link...please...!!!
    http://StartReferralJob.com/index.php?refcode=81291

    -xian

    ReplyDelete
  19. Asan na yung next chapter? HUHUHU Gumagawa ako ngayon ng thesis ko pero ang nasa isip ko e kung meron nang bagong labas na chapter :( June 21 na :( Push lang ng push! HAHAHAHA

    ReplyDelete
  20. The truly scary thing about undiscovered lies is that they have a
    greater capacity to diminish us than exposed ones. They erode
    our strength, our self-esteem, our very foundation.
    * i hope Ryan really knows what cheating is all about.

    ReplyDelete
  21. hala naawa ako ke ryan bigla.. kawawa.. :(

    ReplyDelete
  22. A lot of stories branching out from a single one! Chapter 45 please? :) And I will forever be excited on your stories Migs! :)

    -dilos

    ReplyDelete
  23. i don't want to hate ryan, i really don't >_<
    haay

    ReplyDelete

Post a Comment

Popular posts from this blog

Against All Odds 2[38]

The Rebound

Different Similarities 2[16&epilogue]