Against All Odds 2[43]
DISCLAIMER:
The following is a work of fiction. Any similarities to any written
works and any person, living or dead are purely coincidental. The
story is intended for a mature audience. It may contain profanity and
references to gay sex. If this offends you, please leave and find
something more suitable to read. The author maintains all rights to
the story. Do not copy or use without written permission. Email the
author at miguisalvador@yahoo.com
for comments, suggestions and violent reactions in pertaining to this
blog and the stories that comes along with it.
Gustuhin
man niyang humiga na lang sa higaan na iyon ay hindi niya magawang
manatili doon. Alam niyang hindi tama ang kaniyang ginagawa at alam
niyang sa kaniyang ginagawa ngayon ay nasasaktan niya ng sobra si
Dan. Hindi na niya nagawang umuwi at hindi narin niya nagawa pang
tawagan si Dan, alam niyang importante ang dahilan kaya ito tumawag
noong nakaraang kagabi pero hindi niya iyon pinansin at alam niyang
isa iyon sa kaniyang pagsisisihan bago pa man matapos ang araw na
iyon.
Dahan
dahan siyang tumayo mula sa higaan. Naramdaman pa niyang gumalaw si
Melvin sa kaniyang tabi bago niya tuluyang iwan ang higaan at tahimik
na magbihis. May nangyari nanaman sa kanila ni Melvin at alam niyang
tulad ni Dan ay masasaktan din niya ito sa oras na lumabas siya sa
bahay na iyon.
“I'm
sorry.” bulong ni Ryan matapos makapag bihis atsaka tuloy-tuloy na
lumabas ng kwarto.
0000oo0000
“Anong
nangyari? Nagkita na ba sila?” tanong ni Dave kay Mike nang
maabutan niya itong nakatulala sa labas ng ICU.
“Yes.”
“Oh
tapos? Anong nangyari?” tuloy tuloy na tanong ni Dave pero tanong
din ang ibinalik sa kaniya ni Mike.
“Why
did you tell me to transfer tita to this hospital?” balik tanong ni
Mike sabay bato ng tingin kay Dave na saglit munang natahimik, hindi
maisalubong ang tingin kay Mike.
“I
want to fix things between tita Lily and Dan before it's too late.”
seryosong saad ni Dave at saka nagkaroon na ng lakas at hindi
pagalinlangan na salubungin ang mga tingin ni Mike. Hindi naman
nakaligtas kay Mike ang lungkot sa boses ni Dave pero
isinaalang-alang niya parin ang maaaring maramdaman ni Dan sa balak
na ito ni Dave.
“He's
not ready yet, Dave---”
“I
hate to say this, Mike, but we don't have time wait. You said it
yourself, tita Lily's condition is not improving.” malungkot paring
pagpapaintindi ni Dave kay Mike na muling ibinalik ang kaniyang
tingin sa sulok na kaniyang tinititigan bago pa man dumating si Dave
at pinag-isipan ang naging takbo ng usapan nilang iyon ni Dave.
0000oo0000
Hindi
magawang makatulog ni Mike sa kaniyang kinapupuwestuhan. Paulit-ulit
na tumatakbo sa kaniyang isip ang mga sinabi ni Dave sa kaniya
kanina. Oo, alam niyang maaari ngang wala ng sapat na panahon pa para
magkaayos ang mag-ina pero ayaw niya ring pilitin si Dan. Ginawa na
niya ito noon, ipinagpilitan niya ang kaniyang sarili dito noong
akala niya na nagkaayos na ulit sila pero isang pagkakamali lang ay
muli siya nitong tinalikuran at sa huli ay pareho lang silang
nasaktan.
Ayaw
niya itong gawin ngayon at pilitin si Dan na makipagbati sa ina at
baka lalong magkaroon pa ng gusot at imbis na magkaayos ang dalawa.
Sa ngayon ay inilabas na si Lily ng ICU at mukhang wala namang
pakielam dito si Dan dahil sa nagkanda leche-leche na ang kanilang
paglipat ng kwarto ay hindi man lang nito ginamit ang pagiging isang
duktor sa ospital na iyon para mapadali ang proseso ng paglipat ni
Lily.
Basehan
upang sabihin na wala itong pakielam sa ina at basehan din na hindi
na kialangan pang ipilit ni Mike na lumapit ito sa kaniyang ina upang
makipag-ayos na. Alam niya na sa nangyari noon ay hindi rin basta
basta mapapatawad ni Dan si Lily kahit pa nasa bingit na ito ng
kamatayan.
Nasa
ganitong pag-iisip si Mike habang nakatitig sa mga makinang
nakakunekta kay Lily nang biglang bumukas ang pinto ng kwarto nito.
Nasa sulok ang kaniyang kinauupuan kaya naman hindi na siya nagtaka
kung tuloy-tuloy ang taong ito na kapapasok lang, hindi batid na nasa
loob din siya ng kwartong iyon at hirap na makatulog.
Sa
pagkakataon na ito ay hindi sa mga makina nakatuon ang mga mata ni
Dan kundi sa maamong mukha ng kaniyang ina, hindi ang linya ng swero
ang una nitong hinawakan kundi ang malalambot na kamay ng ina at
hindi niya ito pasinghal na kinausap kundi pabulong itong nagsalita.
“You
promised you will never hate me---” pabulong na saad ni Dan pero
rinig na rinig ni Mike ang lungkot at sakit sa sinabing iyon ni Dan
sa kaniyang ina.
Hindi
maikakaila ni Mike na tumagos sa kaniya ang sinabing ito ni Dan.
Kahit hindi para sa kaniya ang sinabing iyon ni Dan ay hindi niya
parin maiwasang matamaan. Hindi napigilan ng kaniyang mga mata na
ternuhan ang mga mata ni Dan na maluha-luhang nakatitig sa
kaawa-awang lagay ng kaniyang ina.
“When
Dad died you said you'll always be there for me whatever happens---
what happened, Ma? I needed you? I-I needed you--- I--” nauutal na
pagpapatuloy ni Dan, hindi alintana ang paghihirap na siyang
nakapagpatayo kay Mike mula sa kaniyang pagkakaupo.
“D-di
ako makadalaw dito because I keep telling myself that I have to stay
mad at you. I have to make you feel the pain that I can still feel
right now. But I can't push myself to stay mad at you, because I love
you. Mom, I love you.” pagtatapos ni Dan na hayagan ng umiiyak at
humihikbi ng marahan upang hindi niya magising ang kaniyang ina, at
dahil sa paghikbi at pag-iyak na ito ni Dan ay hindi niya napansin
ang papalapit na si Mike sa kaniyang likuran na hindi na matiis pa
ang lungkot, sakit, pangongonsensya sa sarili at galit na
nararamdaman sa kaniyang mga narinig.
Halos
mapatalon sa gulat si Dan nang maramdaman niya ang malaking kamay ni
Mike sa kaniyang balikat. Dahan dahang humarap si Dan at nang makita
niya kung sino ang kaniyang kaharap ay iba't ibang emosyon ang
tumakbo sa kaniyang pagkatao.
At
nangibabaw dito ang galit.
Pabalang
niyang tinanggal ang pagkakahawak ng malaking kamay ni Mike sa
kaniyang balikat at galit na galit na lumabas ng kwarto ng ina. Hindi
mapigilan ni Mike na masaktan sa inasal na ito ni Dan pero alam
niyang hindi nya ito masisisi. Hindi natiis ni Mike na panoorin ang
dating kaibigan na umalis na masama at mabigat ang loob kaya naman
wala sa sarili niya itong sinundan upang aluhin katulad noong mga
bata pa sila.
“Dan,
wait!” sigaw ni Mike nang makalabas siya ng kwarto ni Lily. Hinabol
niya pa si Dan sa mahabang hallway sa parte ng ospital na iyon.
“Dan!”
tawag pansin ulit ni Mike sa hallway na walang ibang tao kundi silang
dalawa.
Biglang
humarap si Dan na ikinatigil ni Mike sa paghabol dito ilang pulgada
ang layo sa isa't isa. Kitang-kita ni Mike ang lungkot at sakit sa
mga mata nito pero hindi rin nakaligtas sa kaniya ang mas
pangingibabaw ng galit sa buong pagkatao ni Dan.
“This
is all your fault!” puno ng lason na bungad ni Dan kay Mike na tila
naman binuhusan ng malamig na tubig.
Kung
kanina ay tumatagos na ang mga sinasabi ni Dan kay Lily ngayon ay
tila isang bomba na sumabog sa kaniyang harapan ang sinabing ito ni
Dan. Sinubukan ni Mike ang magsalita pero tanging ang pag-iyak lang
ng kaniyang mga mata ang nakapagsabi ng kaniyang nararamdaman.
“This
is all your fault.” humahagulgol na pag-uulit ni Dan saka humakbang
papalapit kay Mike.
“Hindi
sana ako pandidirian ng sarili kong nanay kung hindi niyo ginawa
sakin yun---” simula muli ni Dan sa tameme paring si Mike habang
sinusuntok ng huli ang matipuno nitong dibdib kasabay ng bawat sumbat
nito.
“Kung
hindi mo ako trinaydor, hindi ito mangyayari! Sana hindi siya
naglasing. Sana hindi siya nagkasakit. Sana mahaba pa ang oras namin.
S-sana--- S-” patuloy parin sa panunumbat ni Dan habang pahina
naman ng pahina ang pagsuntok nito sa dibdib ni Mike na tinatanggap
lang ang bawat sumbat at panununtok ng huli.
“S-sana
hindi ito nangyari!” pagtatapos ni Dan na tuluyan ng naubusan ng
lakas dahil sa sama ng loob na siya namang kinuwang opurtunidad ni
Mike upang yakapin ito mahigpit.
“I'm
sorry.” bulong ni Mike.
Tulad
noong mga nakalipas na pagkakataon na humingi si Mike ng tawad kay
Dan ay hindi parin maikaila ng huli ang sinseridad sa bawat pag-hingi
ng tawad nito na kailangan niya pang kumbinsihin ang kaniyang sarili
na galit parin siya dito dahil sa mga ginawa nito sa kaniya pero
kahit anong pilit niya parin kasi sa sarili na magalit, kasuklaman at
sisihin si Mike ay hindi niya parin napigilan ang sarili na hayaan
itong yakapin siya ng mahigpit.
Dahil
alam niyang ito ang tama.
“I'm
sorry.” bulong ulit ni Mike sa kabila ng kanilang paghikbi.
0000oo0000
Dahan-dahan
na iminulat ni Lily ang kaniyang mga mata. Noon na lang ulit siya
nakatulog ng mahimbing, walang duda dahil sa ibinigay na gamot sa
kaniya pero hindi ang mahimbing na pagtulog na iyon na matagal na
niyang hinahanap-hanap ang siyang bumuo ng kaniyang araw.
Hindi
niya napigilan ang sarili na maiyak ng tahimik. Nakayakap sa kaniya
na parang bata ang tanging tao sa kaniyang buhay na matagal na niyang
inaasam-asam na mapatawad siya at makasamang muli. Si Dan. Tulog na
tulog ito at mahigpit ang pagkakayakap sa kaniya katulad noong bata
pa ito. Sa kaniyang kanan naman ay si Mike na nakatulog na nakayuko
sa gilid ng kaniyang kama habang hawak ng mahigpit ang kamay ni Dan
na nakayakap sa kaniya.
“Thank
you.” lumuluhang bulong ni Lily atsaka muling ipinikit ang kaniyang
mga mata.
Tahimik
na nagpapasalamat kay Mike. Tahimik na nagpapasalamat sa Diyos.
0000oo0000
“Dan,
what's wrong, baby?” marahang tanong ni Ryan nang maabutan niya ang
nobyo na nakasalampak sa sofa at tahimik na umiiyak. Nagtaas ng
tingin si Dan at nakita ni Ryan ang nakakaawa nitong itsura. Akala ni
Ryan nung una na nalaman na ni Dan ang kaniyang mga katarantaduhan at
kaniyang pangangaliwa kaya't agad siyang nakaramdam ng kaba.
Pero
lahat ng iyon ay nawala nang biglang tumayo si Dan at niyakap siya ng
mahigpit. Ang yakap na iyon ay yakap na nangangailangan ng kakampi,
ng masasandalan at nangangailangan ng suporta. Napa buntong hininga
si Ryan at niyakap ng mahigpit si Dan pabalik.
“What's
wrong? P-please tell me what's wrong?” paulit ulit na tanong ni
Ryan.
“Si
Mommy---” simula ni Dan na ikinatense ng buong katawan ni Ryan.
Sa
halos maglalabing isang taon nilang pagsasama ay hindi pa nila
napag-usapan ni Dan ang tungkol kay Lily, kung hindi biglang iniiba
ni Dan ang usapan ay hayagan niyang sinasabi kay Ryan na ayaw niya
ang usapan na iyon na nagtutulak sa huli na itigil ang pagtatanong
kaya naman alam ni Ryan na hindi basta basta ang ikinagaganito ngayon
ng kaniyang nobyo.
“What
is it, Dan?”
Patuloy
lang sa pagkukuwento si Dan tungkol sa nangyari sa kaniyang ina pero
lahat ng ito ay hindi na nagawang pakinggan pa ni Ryan. Imbis sana
nag-aalala siya sa lagay ng ina ng kaniyang nobyo at sa kung ano man
ang nararamdaman ni Dan ngayon sa pagkaka-sakit ng ina ay napako ang
kaniyang pansin sa sinabi ni Dan patungkol sa muling pagkikita nila
ni Mike.
Ang
pagaalaga ni Mike kay Lily habang wala si Dan sa tabi nito. Ang
pagdadala ni Mike kay Lily sa ospital na nangyari namang
pinagtratrabahuhan ng kaniyang nobyo. Ang pagkakaroon nanaman muli ni
Dan ng utang na loob kay Mike at ang paglalapit nanaman ng dalawa na
pilit niyang ipinaglayo ang loob noon.
Ang
pagkakaroon ulit ng dalawa ng kuneksyon.
Hindi
siya makapaniwala na nagkrus nanaman ang landas ng dalawa. Hindi siya
makapaniwala na ngayon pa nagkrus ang landas ng dalawa kung kailan
may dahilan na si Dan upang iwan siya, kung kailan malaki na at hindi
na niya magagawa pang mapagtakpan ang kaniyang mga katarantaduhan at
pangangaliwa sa oras na malaman ni Dan ang rason ng kaniyang
pagkakasibak sa trabaho, kung kailan maaari nanamang mabilog ni Mike
ang isip ni Dan, kung kailan natatakot na siya na mawala ang nobyo sa
kaniya.
Patuloy
lang sa pagkukuwento si Dan. Patuloy lang sa pagluha nang hindi na
napigilan ni Ryan na isaboses ang kaniyang tunay na nararamdaman
habang pilit itinatago ang sakit at takot sa kaniyang sinasabi.
“So
you're getting cozy with that rapist again?” wala sa sariling saad
ni Ryan na ikinatigil ni Dan sa pagkukuwento. Isinalubong ni Dan ang
kaniyang tingin sa tingin ni Ryan na puno ng galit.
“What?”
di makapaniwalang balik ni Dan kay Ryan, hindi alam kung saan maaring
nanggaling ang tanong na iyon ni Ryan.
“Di
mo ba naisip na baka Mike is only using your mother to get to
you---?”
Saglit
na natigilan si Dan. Hindi makapaniwala na kay Ryan pa ito
nanggaling, na ngayon pa niya napiling isaboses ito kung kailan
kailangan niya ng suporta nito, na ngayon pa nitong napiling
halukayin ang matagal ng issue na kanilang pilit na ibinabaon sa
baul.
“What?!
Ryan, I saw it with my own two eyes! My mom is puking out fresh
blood!” singhal pabalik ni Dan na ikinatameme ni Ryan.
Natahimik
si Ryan dahil kinakabahan siya sa susunod na mangyayari. Sa susunod
na masasabi. Sa kahihinatnan ng kaniyang mga sinabi na iyon na hatid
ng ibayong takot.
“Where
the hell is this coming from, Ryan?!” pasinghal na pahabol tanong
ni Dan kay Ryan na nakayuko lang pero hindi parin natatanggal ang
galit sa mga mata.
Alam
ni Ryan kung san nagmula ang mapaminsalang tanong niyang iyon. Pero
hindi niya ito maaamin kay Dan dahil sa oras na sabihin niya dito na
natatakot siya, ay tiyak niyang ang susunod na aalamin ni Dan ay kung
bakit siya natatakot at hindi magtatagal ay aalamin na ni Dan ang
buong kwento sa likod nito.
Takot
dulot ng kaniyang pangangaliwa dito.
“You
know what? Forget it! If you can't still move on from what happened
eleven years ago then I can't do anything about it anymore.”
singhal nanaman ni Dan sabay talikod.
“Wait.
What?” nagtatakang tanong ni Ryan sabay hila sa kamay nito upang
pwersahang mapaharap ulit sa kaniya. Nasaktan si Dan sa ginawang
paghila ni Ryan na ito na muntik nanaman siyang atakihin ng anxiety
attacks na labing isang taon na ang nakakalipas simula nung huli
itong mangyari sa kaniya.
“Akala
mo di ko alam, Ry? Akala mo di ko alam na nilason mo ang isip ni Mike
eleven years ago?! Akala mo di ko alam that you've been using my
anxiety attacks para kunsensyahin pa siya lalo sa isang bagay na
hindi naman niya sinasadya? Akala mo hindi ko alam na pwersahan mo
siyang inalis sa buhay ko? Akala mo hindi ko alam na inalis mo sa
buhay ko ang tanging tao na nakakakilala sakin bago pa man ako sirain
ng mga taong pinagkakatiwalaan ko noon? Akala mo di ko alam na
nagsinungaling ka sa akin sa loob ng maglalabing isang taon? Akala mo
di ko alam pare-pareho lang kayo ng mga dati kong kaibigan na
nagsamantala at nanira ng buhay ko---!” tuloy tuloy na panunumbat
ni Dan kaya't hindi niya napansin ang libreng kamay ni Ryan na
mabilis na lumipad at dumapo sa kaniyang pisngi.
Napuno
ng tunog ng malapad na kamay na malutong na bumangga sa isang pisngi
ang buong apartment. Matapos ang tunog ng lagapak na iyon ay napuno
namang ng katahimikan ang buong kwarto. Si Dan naka yuko at
nakapaling parin sa kabaligtad na direksyon ng pananapak sa kaniya ni
Ryan habang si Ryan naman ay nahahati sa pagaalo't paghingi ng tawad
kay Dan saka sa galit dito.
Pinangunahan
siya ng galit, ng takot na baka hindi niya maipaliwanag ng maayos ang
kaniyang ginawa noon kay Dan ay tuluyan na itong mawala sa kaniyang
buhay at pakiramdam na tila ba nais niyang depensahan ang kaniyang
ginawa.
“Don't
you dare compare me to those rapist!” singhal ni Ryan pero kahit pa
pasinghal nito iyong sinabi ay hindi naman nakaligtas kay Dan ang
sakit na kasama sa mga sinabi nito.
Hindi
magawa ni Dan na ibalik ang kaniyang tingin sa mukha ni Ryan.
Natatakot siya na makita ang sakit sa mga mata nito. Natatakot siya
na maliban sa sakit ay masabi na niya dito ang kaniyang tunay na
nararamdaman.
Na
tanging pagmamahal bilang isang kapatid ang nararamdaman niya dito at
mawala ito sa kaniyang buhay. Kailangan niya ito. Alam niyang
makasarili pero kailangan niya si Ryan. Alam niyang makasarili pero
kailangan niya ng masasandalan ngayon.
“I
only did that to protect you.” lumuluha na ding sumbat ni Ryan kay
Dan na ayaw paring salubungin ang tingin nito.
“I
only did that because I don't want to lose you.” isa pang sumbat na
tila ba isang sibat sa puso ni Dan na lalong nagtutulak dito na huwag
ng salubungin ang tingin ni Ryan dahil alam niyang ibayo pang sakit
ang kaniyang mararamdaman.
“I
only did that because I love you.” pahabol pero marahan ng
pagtatapos ni Ryan saka inabot ang mukha ni Dan upang isalubong ito
sa kaniyang tingin.
Puno
man ng luha ang kanilang mga mata ay hindi noon napigilan ang
pagtititigan ng dalawa. Halo-halong emosyon. Naguunahan ang Galit.
Sakit.
Takot.
Pagmamahal.
Kakulangan.
Pagaalinlangan.
“I
did that because I love you.” ulit ni Ryan saka iniyakap ang sarili
ng mahigpit kay Dan
Nagtagal
saglit ang yakapan na iyon at si Dan ang unang humiwalay. Nanlalambot
itong humakbang palayo kay Ryan. Kita parin ni Ryan ang sakit at
takot sa mukha nito. Kakausapin pa sana niya ito at hihingi ng tawad
pero mabilis itong naglakad palayo sa kaniya. Naramdaman bigla ni
Ryan na unti-unti ng nagkakatotoo ang kaniyang kinatatakutan.
Para
kay Dan naman ay hindi na niya naatim pa na tumagal kasama si Ryan sa
sandali na iyon dahil alam niya kapag patuloy pa niyang nakita ang
sakit sa mukha ng nobyo at kapag narinig niya pa ang sakit sa boses
nito ay baka hindi siya makapagpigil at masabi na niya ang totoo
niyang nararamdaman dito at mawala na ng tuluyan ang lahat sa kaniya.
“I'm
sorry, Ryan.” bulong ni Dan saka ihiniga ang sarili sa kama.
0000oo0000
“I'm
sorry, Dan.” bulong naman ni Ryan sa labas ng nakasaradong pinto ng
kwarto ni Dan. Saka dahan-dahang umupo sa labas nito habang tahimik
na humihikbi.
Itutuloy...
Against
All Odds 2[43]
by:
Migs
Hey guys! Sensya na sa mahabang hinid pag-update. Alam niyo na ang dahilan.
ReplyDeleteNais ko lang pong linawin na ang kwento pong “SKYBAND” ay akda po ng isa sa aking pinakamalapit na kaibigan na si Ezekiel o ang may pakana ng blog na 'to http://zildjianstories.blogspot.com/
Ating po siyang suportahan! :-)
ENJOY READING GUYS!
Muli inaanyayahan ko po kayo na bumisita sa mga site na ito. Hindi po kayo magsisisi.
http://imbipositive.blogspot.com/
www.darkkenstories.blogspot.com
http://icemicestories.blogspot.com/
http://zildjianstories.blogspot.com/
Dee: Ikaw na lang ata ang natitirang excited sa mga pinopost ko ah. Salamat!
AR: Salamat sa patuloy na pagsuporta. :-)
Jasper: may tama ka!
Anonymous May 24, 2013 at 11:41 AM: Maraming salamat po sa inyong comment. Sana lang po paki lagay na lang yung pangalan niyo sa susunod at sana rin po ay paki follow na ang blog ko. Salamat po.
Randzmesia: Salamat po at nakuha niyo ang mga bagay na aking nais iparating.
Lyron Batara: eto na po ang answers sa questions niyo.
Ryge Stan: Ngayon lang uli kita nakita sa comment box ko ah.
WaydeeJanYokio: Abangan... :-)
mew08: Thanks mew08, sana lagi ka ng mag comment.
ANDY: Thanks for the support. Haist sana katulad mo yung iba. Hindi magsawa.
Russ: Thanks! :-)
dilos: thanks!
Jasper Paul: Thanks! Dito sa chapter na ito sana magkaoon ka ng konting linaw. :-)
icy: Thanks! But everybody wants it finished na.
Therese: haha! Di ka parin tumitigil sa kakakulit sakin dyan sa CP 5 ah! Haha!
JOHNNY A: What's wrong with AAO? Ayaw mo sa story na to?
Anonymous May 27, 2013 at 11:52 AM: thanks po. Palagay na lang po ng name sa susunod po na mag-comment kayo para mapasalamatan ko kay ng maayos.
Christian Jayson Agero: Thanks! Maaasar ka ulit kay Melvin kung ganon.
Foxriver: thanks sa patuloy na pagcocomment! :-)
MARAMING SALAMAT ULIT SA PATULOY NA PAGSUPORTA AT SA NAGUUMAPAW NA COMMENTS! MORE PLEASE! ENDORSE THIS BLOG SA FRIENDS NIYO DIN AH! :-) I'm targeting to gain more followers! Salamat! :-)
ahh this chapter is puno ng iyak :( ...
Delete>>miguel ikaw na talaga. thanks :)
--Dee
akala mo hindi ko alam! akala mo hindi ko alam!!!! pak na pak.. :p
ReplyDeleteso once a kontrabida always a kontrabida ganun ba un idol..?? hahaha
Wew heto na naman ako migs hindi humihinga habang binabasa q ito.. Galing..
ReplyDeleteSana magtagal pa ito
Nkkaantig ng damdamin tong story na to! Lalo na yong sa mag ina sobrAng bigat sa dibdib.. Tulo luha ko dito.. Sobrang galing... Thanx Migs..
ReplyDeletenakakaiyak ung scene ni dan at ng kanyang ina na c lily...
ReplyDeleteNice chapter kuya migs. .nakakaiyak.. cant wait for the next chapter.
ReplyDeletetnx much..
your always fan
_mew08
Wooo! Galing mo talaga kuya migs :D
ReplyDeleteMedyo naiinis ako kay ryan ._.
Bilisan niyo papo pag update :D
- Akhii
Ang ganda ng chapter. as i try to visualized the flow, ramdam na ramdam ko ung mga emotions ng mga characters. wala ka pa ring kupas. more powers.
ReplyDeleteNaaawa ako sa lahat ng karakter..
ReplyDeleteSad na tuloy ang gabi ko. Huhuhuhuhu
Kilan kaya ang next chapter na nman?
"I only did that to protect you... I only did that because I don't want to lose you... I only did that because I love you." ~~Ryan
ReplyDelete~~~~
~Wala akong masabe. :( naiiyak ako.
~WaydeeJanYokio
ang galing! ramdam na ramdam ang bawat eksena! IDOL!
ReplyDeleteThis is crazy! Sulit ang paghihintay! Wagas na wagas! Your so awesome!
ReplyDeleteThis is crazy! Sulit ang paghihintay! Wagas na wagas! Your so awesome!
ReplyDeleteExcited pa din naman ako sa mga updates mo Migs! Hindi Lang sila. :) this chapter is so emotional! A bucket full of anger and pain! Nice! :)
ReplyDelete-dilos
Author Migs!
ReplyDeleteAko lang ata di alam ang dahlan ng long weekend mo :(
anyway, intense ang chapter na to, ambigat lang
so anong nangyari sa dave-mark scene? hmmm accomplice pa rin ba niya si dave?
At sa lahat na nangyari, yung pagtataksil ni Ryan kay Dan..dapat sabihin ito ng chismosong employer ni Ryan para BOOM na BOOM na, haha
up to now, di ko lam kung magcocoment ako sa lblog ni zildjan, still a silent reader :P
-aR
Noon palang alam na ni Dan, pero pinili niyang sumama kay Ryan kasi ayaw na niyang buksan uli ang puso niya kay Mike dahil nangingibabaw pa din ang galit at tampo. Hindi niya matanggap sa sarili na bumalik sa dati.
ReplyDeleteBlood is thicker than water, kaya napatawad din ni Dan ang ina. \\
Sa pagsama ni Dan kay Ryan pilit niya minahal ngunit bigo siya dahil alam niya sa sarili niya na si Mike pa din ang mahal niya at nagtake advantage lang si Ryan....
So....
How would these end up?
Sa palagay ko marami pang twist na ilalagay si Migz...
Keep it up
di ko kyang matiis ang mother ko kgaya ng ginagawa ni dan..
ReplyDeletesna maging maayos na sila, bago pa mahuli ang lahat..
sna magkaroon ng katarungan ang nangyari kay dan, at magbayad silang lahat ng gumawa nun.
<07>
Sampal na di mo inakala! -Pink 5ive
ReplyDeleteParang isang patok na teleserye naman 'to kuya migs, bawat eksena kaabang abang, lumamig na yung hot choco ko kasi nakalimutan ko ang lahat sa sobrang pagtutok sa chapter na to. Next na please, sobrang nkakaexcite, galing talaga ng pgkakasulat mo kuya migs ibang klase..wiw!
ReplyDeleteAt hindi ako magsasawa basta ikaw kuya migs. ;)
wow! nice one again.craving for the next chapter migs.
ReplyDeletehaissssssttt...........
ReplyDeletesori, sir migs,kung bumalik ako sa pagiging silent reader. di ko kc nagugustuhan nangyayari kay ryan pero sinusubaybayan ko pa rin AAO mo. pero kung ito ang paraan para lalong gumanda ang story, go ako dun. sna lng maging masaya si ryan on the fututre.
ReplyDeletenapansin ko po, lalo po kyo gumagaling mgsulat. kc ung story sinusulat nyo ngayon (especially AAO2) is more complex. di lng sa iisang tao nkatutok ang story. sana ipagpatuloy nyo po ang pagsusulat to inspire us. God bless to you and all the co-followers of this blog
-mhei
Tell your heart that the fear of suffering is worse than the suffering
ReplyDeleteitself. And no heart has ever suffered when it goes in search of its
dream.
idk but the site is only accessible through mobile :(
ReplyDeleteTakte,,diko alam kong anong n ang nararamdan ko s story n to,,pansin ko lng puro gago ung mga gumaganap,,nkakairita n ung kaartehan nila,,hehehe nagmrthon ako s kwento nto swakas andito nrin ako,,hehehe subrang haba hehhehe salamat galing,,kahit nkkairita si dan,,
ReplyDeletenamuo luha q grabe bigat. todo na to >_<
ReplyDelete