Thursday, October 25, 2012

Against All Odds 2[3]

DISCLAIMER: The following is a work of fiction. Any similarities to any written works and any person, living or dead are purely coincidental. The story is intended for a mature audience. It may contain profanity and references to gay sex. If this offends you, please leave and find something more suitable to read. The author maintains all rights to the story. Do not copy or use without written permission. Email the author at miguisalvador@yahoo.com for comments, suggestions and violent reactions in pertaining to this blog and the stories that comes along with it.

Wohoo! dalawang buwan na lang and we're out of this shit hole--- forever!” sigaw ni Mark pagkatapos ng kanilang klase, matapos ang tagpo sa cafeteria kung saan inalok ni Mark ng pagkakaibigan si Dan magi-isang taon na ang nakakaraan ay naging parte na ito ng kanilang grupo, kahit pa minsan ay hindi gusto ni Dan ang ginagawa ni Mark at Dave ay hindi naman maikakaila ni Dan at Mike na mabubuti ding kaibigan ang dalawa.

Isang taon na ang lumipas matapos ang pangungutya kay Dan ay katulad ng iba niyang kaibigan ay tinitingala narin siya ngayon pero sa kabila nito ay hindi kinalimutan ni Dan ang pagpapakumbaba kahit pa si Mike ay paminsan minsan parin itong nakakalimutan.


Marami ng nagbago makalipas ang isang taon lalong lalo na sa ugali ni Mike. Bumalik ang dating maaalalahanin, mabait at kwelang si Mike na muling bumuhay sa pagtingin ni Dan dito. Napansin din ni Dan ang ilang mga simpleng bagay na lubos niyang ikinatutuwa, katulad nung isang beses na muling sinalig ni Mark si Martin na nagresulta sa muling pagtumba nito sa sahig, nauna pang tumakbo papunta sa natumbang kaklase si Mike kesa kay Dan at tinulungan itong tumayo habang si Dan naman ang pumulot ng mga gamit nito.


Muli ring bumalik yung mga pagkakataon na tatambay lang sila sa bahay ng bawat isa at magkukuwentuhan o kaya naman ay maga-gaguhan katulad nung sila'y mga bata pa.


Dyaran!” sigaw ni Mike sa gulat na gulat na si Dan.


Haha! Ano yang suot mo?!” natatawang sabi ni Dan nang imulat niya ang kaniyang mga mata at nakita na nakabarong si Mike ngunit naka boxer shorts lang.


Remember when we we're seven when you said that you've always wanted to stay and eat in a five star hotel? Well, look around you.” nakangising sabi ni Mike na ginawa naman ni Dan.


Nanlaki ang mga mata ni Dan. Hindi na niya makilala ang kaniyang sariling kwarto. Maayos at malinis ito. Magara ang mga kobre kama na nakabalot sa kaniyang kama, tinakpan ng kulay puting tela ang kaniyang magulong bookshelf at may nakasabit sa gitna nito na isang painting na nilagyan ng frame na gawa sa illustration board, tinakpan din ng puting tela ang kaniyang makalat na mesa at sa palagay ni Dan ay ilang ayos at linis pa ay masasabi ngang para na itong kwarto sa isang hotel. Nagising sa pagkakamangha si Dan nang abutan siya ng isang karton na bara-barang binalot ng art paper at parang may kinahig na manok na sulat sa gitna nito.


Menu?” nagtatakang tanong ni Dan kay Mike. Ngumiti lang si Mike at nag chest out.


Ako po ang butler niyo ngayon, sir Danny.” sagot ni Mike na ikinahagikgik naman ni Dan sabay bukas sa improvised na menu. Lalong napahagikgik si Dan nang makitang tig iisang putahe lang ang nakalagay para sa bawat course.


Di ka masyadong nakapaghanda ano, butler Mike?” tanong ni Dan na ikinakamot naman sa ulo ni Mike.


Well, aside form being the butler, Sir Danny I am also the chef of this five star hotel and I simply doesn't have the time to cook more dishes.” naka chest out ulit na sagot ni Mike na ikinahagikgik ulit ni Dan.


OK. I'll have the only appetizer. And for the main course uhmmm let's see-- oh, how about the only main course--- annnnddd for the dessert--- wow. So many to choose form—-how about the---” simula ni Dan sa pagitan ng mga paghagikgik na ikina-irap naman ni Mike.


Fine! I get it! Hmpft!” naka-pout ng haltak ni Mike sa improvised menu at saglit na lumabas ng kwarto upang kuwanin ang mga pagkain. Hindi na napigilan pa ni Dan ang mapatawa ng malakas. Ilang saglit pa ay muli ng sumulpot si Mike hawak-hawak ang isang tray na puno ng pagkain. Lalong napatawa ng malakas si Dan ng makita ang inihanda ni Mike. Hindi narin mapigilan ni Mike ang mapahagikgik.


Tapsilog lang pala!” sigaw ni Dan sa pagitan ng mga tawa.


Yan lang ang alam kong lutuin eh!” balik naman ni Mike.


Sus! Baka nga hindi pa ikaw ang nagluto nito eh! Binili mo lang siguro 'to sa tapsilogan 'no?” bintang ni Dan na ikinahagalpak sa tawa ni Mike.


Anong tapsilogan? Baka tapsihan! Imbento ka!” at sabay na tumawa ang dalawa.


Ilang saglit pa at tumigil na ang dalawa sa kakatawa at sinimulan na ni Dan ang kumain. Hindi nagtagal ay muling napatawa si Dan nang marinig ang kumakalam na sikmura ni Mike na nahihiya namang sumulyap sa tumatawang mukha ni Dan.


What? I didn't eat breakfast so I can do all this, you know! So excuse me---” naiinis na sabi ni Mike sa tumatawa paring si Dan.


Here. Have some tapa.” sabi ni Dan sabay subo ng tapa kay Mike. Hindi nagtagal ay pareho nang kumakain ang dalawa sa iisang plato parang nung mga bata pa sila.


0000oo0000


Hey that last tapa is mine!” sigaw ni Dan nang makita niyang kinamay ni Mike ang huling piraso ng tapa sa plato na iyon.


Haha!” sabi naman ni Mike sabay dila sa tapa para hindi na iyon maagaw pa ni Dan.


You're such a pig sometimes!” di makapaniwalang sabi ni Dan sa kaibigan.


What did you call me?!” agad na napalingon si Dan pagkasabing iyon ni Mike. Nakita niyang nababalot na kalokohang pinaplano ang mga mata nito. Isang reaksyon na kilalang kilala ni Dan.


Pig. I called you a pig because you're sooo gross!”


Katatapos pa lang ng sinabing iyon ni Dan nang biglang tumayo si Mike at hinawakan ang baba ni Dan at pilit na pinapakain ang piraso ng tapa na kaniyang dinilaan. Agad ding tumayo si Dan upaang makaiwas kay Mike pero sa agad niyang pagtayo na iyon ay sumabit ang kaniyang kanang paa sa lamesa na naging resulta ng kanilang pagbagsak pareho.


Napadagan si Mike kay Dan at saglit na nagtama ang kanilang mga mata. Natunaw ang mga bakas ng pagtawa sa kanilang mga mukha at seryosong nagtitigan. Nun lang ulit natitigan ng maayos ni Dan si Mike simula nung muli silang naging close nito may isang taon na ang nakakaraan. Unti-unti mang bumabalik ang pagtingin niya dito sa loob ng isang taon na iyon ay pilit naman niya itong pinigilan lumago at ipakita sa kaibigan dahil sa takot na muling masira ang kanilang pagkakaibigan. Pero ngayon, hindi mapigilan ni Dan ang titigan ang mga magaganda nitong mata, makinis na balat sa mukha, makakapal na kilay, matangos na ilong at mapupulang labi.


Naramdaman ni Dan na tila ba may nagsasabi sa kaniya na halikan ang mga labi na iyon ni Mike pero agad niya iniwas ang kaniyang isip sa itinutulak ng nararamdaman na iyon dahil ayaw niyang pagsisihan sa huli ang gagawin niyang iyon.


Mike---” simula ni Dan, nagmamakaawa ang tono na iyon na tila ba nagsasabing umalis na siya sa pagkakapatong dito. Hindi mapigilan ni Mike ang malungkot ng kaunti, una dahil sa pagtanggi parin nito na tawagin ulit siyang Mikee at alam niyang wala siyang ibang dapat sisihin kundi ang sarili. Pangalawa, noon, maski maghapon silang magrambulan sa sahig ay hindi basta-basta iiwas sa kaniya si Dan at ang pagbabago na iyon ay muling dapat isisi sa kaniya.


MIKE!” sigaw ni Dan at iniluwa ang tapa na may laway ni Mike na isinubo sa kaniya ng huli bago pa man tumayo ng derecho si Mike. Itinulak ni Dan si Mike pagkaluwa na pagkaluwa ng piraso ng pagkain na iyon. Nasagi ni Mike ang lamesa na siya namang tumaob na lumikha ng napakalakas na ingay.


MIKEE! DANNY! PLEASE REFRAIN FROM DEMOLISHING THE HOUSE!”


Napahagikgik ang dalawang magkaibigan sa sigaw na iyon ni Lily mula sa unang palapag ng bahay. Matapos ang maikling hagikgikan na iyon ay agad na inayos ni Mike ang kalat habang si Dan naman ay wala sa sariling pinapanood ang bawat kilos ng kaibigan. Pilit na pinapatay ang lalong umuusbong na pag-tingin sa kaibigan.


What are you two homo's doing? Playing house?!” humahagikgik na sabi ni Mark sabay talon at higa sa kama ni Dan na ikinainis naman ni Mike.


Haha! Homows! Playing house! That's effin hilarious!” sigaw naman ni Dave at nagugugulong sa sahig ng kwarto ni Dan. Nagkatinginan si Dan at Mike at tila ba nabasa ang iniisip ng isa't isa.


Are you guys high again?” tanong ni Mike na ikinahagalpak sa taw ni Mark at Dave na nagpatindi sa hinala nila Mike at Dan.


Of course we are! Hahaha!” tumatawang sagot ni Dave.


Yung huling taon din na iyon nila sa high school sumali ng frat si Mark at Dave, ayon sa kanila ay kailangan nila iyon para maging ligtas sa papasukan na kolehiyo, hindi na iyon pinansin pa ni Mike at Dan, kahit ano kasing pangungumbinsi ng dalawa na hindi nila kailangan ang fraternity ay hindi naman nakikinig ang mga ito.


Pero ang pagsali ni Mark at Dave na iyon sa fraternity ay nagdulot din ng mga ilegal na gawain sa dalawa. Dahil sa kanilang franternity ay may nakilala silang nag-de-deal ng droga, at alam ni Mike at Dan na gumagamit na ang kanilang dalawang kaibigan pero ikinibit balikat na lang din nila ito dahil sa kabila naman noon ay mabuti paring kaibigan ang mga ito. Paminsan minsan nila itong sinasabihan na mag-ingat pero lagi rin silang pinapaalalahanan ng mga ito na sinusubukan lang nila ito at titigilan narin kapag nagtagal.


I thought you guys said that you're going to stop using? This shit is dangerous, Mark.” nagaalalang sabi ni Mike na ikinahagikgik ulit ni Mark at Dave.


Oh we are. We just love seeing you be so concerned that we couldn't help it.” biro ulit ni Mark. Nagkatinginan ulit si Mike at Dan at naisipan na palagpasin na lang ulit ang paggamit ng dalawa ng bawal na gamot.


Sabay ng pag-kibit balikat na iyon ay ang hiling na huwag sana nilang pagsisihan sa hinaharap ang pagbulag-bulagan nilang iyon patungkol sa pag-gamit ng dalawa ng bawal na gamot.


0000oo0000


The big sixteen huh! Anong plano mo ngayon, birthday boy?” tanong ni Dave sabay tapik sa likuran ni Dan, namula ang mga pisngi ni Dan at napayuko.


Mom and I are going out for dinner, then we might watch green lantern.” nahihiyang sagot ni Dan.


Your Mom is so cool! I wish I can ask my mom to watch movies with me.” singit ni Mark. Kitang kita ni Dan ang lungkot sa mata ni Mark, alam niyang walang panahon ang mga magulang nito sa kaniya at binibigay na lang ng mga ito ang gustuhin niya makabawi lang sa panahong hindi nila makasama ang anak.


Oo nga eh, sana yung nanay ko rin.” umiiling na sabi ni Dave, saglit ding sumilay ang lungkot sa mukha nito pero agad ding nabura iyon at mapalitan ng excitement.


Aren't we going to have a party for your birthday?” excited na tanong ni Dave nagkatinginan si Dan at Mike saka nagkibit balikat.


Hey! That's a good idea! ---We have no place for it, though.” excited na balik ni Mark pero agad ding bumagsak ang mukha nang ma-realize na wala silang lugar upang pagdausan nang pinaplanong party.


Melvin offered his place last time, maybe we could ask him again.” balik ni Dave. Muling lumiwanag ang mukha ni Mark sa ideyang ito ni Dave.


He only offered that so he can suck our dicks while we are high.” humahagikgik na sabi ni Mark, natigilan si Dave at saglit na nag-isip saka humagikgik narin pagka-tapos.


What?! Wait, who's Melvin?” gulat na tanong ni Mike habang si Dan naman ay namutla at biglang hindi mapakali.


He's our frat brother, he always let us use his house to be drunk and other stuff tapos kapag bangag na lahat at tulog manggagapang na yan.” tumatawang kwento ni Mike.


Y-you aren't serious about hanging out at h-his house r-right?” tanong ni Dan na ikinahagalpak sa tawa ni Mark at Dave, nung una ay akala ni Dan na nahalata at nahuli na ng mga kaibigan ang kaniyang sekreto.


Don't worry Dan, di ka namin iiwan mag-isa kapag andun si Melvin.” nakangiting sagot ni Mark. Napabuntong hininga si Dan dahil ibig sabihin sa sagot na iyon ni Mark ay walang alam ang mga ito sa kaniyang sekreto.


Pero alam niyo mga tol, satin satin na lang 'to ah. Mas masarap magbigay ng blow job ang bading, nung isang beses na nagising ako tapos pinapasadahan ako ni Melvin, tol! Daig pa vacuum!” pabulong na pagmamayabang ni Dave. Lalong hindi mapakali sa upuan si Dan at si Mike naman ay hindi malaman kung ano ang dapat isipin sa sinasabi ng mga kaibigan.


Tol, wala yun, nung last time na andun tayo, Dave, nung birthday ni Rio? Tol, sinakyan ako ni Melvin, nagulat ako nung makaramdam ako ng kung ano sa ari ko nung natutulog ako yun pala sinasakyan na ako ni Melvin, tol! Mas masikip pa sa ari ng babae!” balik naman ni Mark.


Ah uhmmm excuse me ah eh uhmmm punta muna ako sa library.” paalam ni Dan saka nagmamadaling umalis, hindi niya kasi masikmura ang mga sinasabi ng kaniyang mga kaibigan, tila ba pinalalabas ng mga ito na madudumi at mapangsamantala lahat ng bakla. Napahagikgik si Mark at Dave iniisip na kaya nagmamadaling umalis si Dan ay dahil hindi nito makayanan ang pinaguusapan, iniisip nila na dahil ito sa masyadong pagiging konserbatibo ng kanilang kaibigan.


Gusto mang sundan ni Mike si Dan para alamin kung ano ang gumugulo dito ay mas naintriga siya sa kinukuwento ni Mark at Dave, hindi siya makapaniwala sa mga kinukuwento ng mga ito.


0000oo0000


Are you OK?” tanong ni Mike kay Dan habang naglalakad sila palabas ng skwelahan para umuwi, binigyan na lang ng isang matipid na ngiti ni Dan ang best friend niya.


So, anong tingin mo dun sa party para sa birthday mo?” tanong ulit ni Mike, natigilan saglit si Dan at inisip magigi ang kaniyang isasagot.


OK lang naman sakin, di lang ako sure sa idea nila about doing it at Melvin's place.” matipid na sagot ni Dan, iniisip niya kasi na kung sakaling magkainuman sila ay baka may masabi siya tungkol sa kaniyang sekswalidad at isipin nila Mark at Dave o pati narin ni Mike na kaya niya tinanggap ang pagkakaibigan ng mga ito ay para maikama lang sila katulad ng ginagawa ni Melvin.


Don't worry I won't let Melvin rape you.” nakangising sambit ni Mike. Napa-iling na lang si Dan sa sinabing iyon ni Mike, hindi niya mapigilang isipin na kung alam lang ng kaibigan ang totoong rason malamang hindi na rin ito papayag na sa bahay ni Melvin gawin ang party o kaya naman wala na lang party na gawin para sa birthday niya. Napansin ni Mike ang biglaang pag-iba ng tabas ng mukha ni Dan kaya naman hindi na lang niya ipinagpilitan ang issue na 'yon.


So you'll be there after the movie with your mom?” tanong ni Mike kay Dan tumango si Dan at matipid na nagbigay ng ngiti.


I'm not sure about drinking though.” sagot ni Dan.


Don't worry we're not going to make you drink if you don't want to.” balik naman ni Mike.


Nang makasalubong nila si Mark at Dave sa gate ng school ay agad sinabi ni Mike ang tungkol sa hindi pag-inom ni Dan. Agad naman nagtinginan si Mark at Dave atsaka sabay na umirap.


Fine! As long as you're there and we have the reason to party.” humahagikgik na sabi ni Mark, hindi alam ni Dan kung ma-o-offend siya sa narinig na iyon dahil ang dating nun para sa kaniya ay ginamit lang na dahilan ang kaniyang birthday para makapag-party sila.


Napansin ni Mike na minasama ng kaniyang kaibigan ang sinabing iyon ni Mark kaya naman agad niya itong inakbayan at pinisil sa ang balikat bilang sabi na huwag na lang pansinin ang sinabi na iyon ni Mark.


0000oo0000


So they're putting up a party for you, huh?” tanong ni Lily sa anak na masayang kumakain ng hapunan sa isang fastfood habang iniintay ang oras ng kanilang papanoorin na pelikula.


Yeah. I'm not sure if it's a good idea, though. I'm not even sure if I want to go.” biglang bagsak ng mukha ni Dan habang sinasagot ang ina.


Why not? Is this because of Mike?” hindi agad nakasagot si Dan sa tanong na ito ng ina dahil natumbok nito ang pinagmumulan ng kaniyang pagaalangan.


Opo. Baka po kasi hindi ko mapigilan mamya at masabi sa kaniya na gusto ko siya. Natatakot po kasi ako na mawala siya ulit.” nakayukong pag-amin ni Dan sa kaniyang ina. Malungkot na ngumiti si Lily at ini-angat ang mukha ng anak.


If he can't accept the fact that you're gay and he's willing to give up those years of friendship then he's not worth it to be called your friend, Danny. If he doesn't want to be your friend after you tell him then it's his loss. You can make ton's of friends, Danny, you're smart, kind and handsome. You don't need a homophobic loser for a best friend.” kaswal na sabi ni Lily na tila ba ganun lang kadali na talikuran at kalimutan ang ilang taong pagkakaibigan.


It's not that easy to do, Ma. Mike's been my friend since we were five and--- and he's my only friend, Ma---” simula ni Dan.


And you're he's only friend too, Danny. He's only true friend. Sigurado ako wala sa mga kaibigan ngayon ni Mikee ang handang hindi matulog masiguro lang na hindi niya madaganan ang kamay na naka semento, O kaya naman ang hindi umuwi kahit masamang-masama na ang pakiramdam matupad lang ang pangako kay Mikee na iintayin siya kasi natatakot itong sumakay mag-isa sa school bus--- Sa tagal ng pagkakakilala ko kay Mikee ay hindi ko ni minsan nakita na may pagka homophobe ang batang iyon at isa pa ang sigurado ko, I-tre-treasure nung batang iyon ang pagkakaibigan niyo no matter what.”


But what if he don't?” nagaalala paring tanong ni Dan.


Sabi ko nga kanina, if that's going to be the case then It's his loss and you deserve better.” sabi ni Lily sabay kibit balikat.


Saglit na tinitigan ni Dan ang kaniyang kinakaing chicken at inisip maigi kung iyon na nga ba ang magandang panahon upang sibihin kay Mike ang lahat ng kaniyang nararamdaman para dito. Ang pagtingin niya dito at ang posibilidad ng pagmamahal niya dito.


Sooo. Are you ready for green lantern?” tanong ni Lily sa nagiisip paring si Dan. Nang istorbohin siya ng ina sa pagiisip ay nakapagdesisyon na siya sa kaniyang gagawin patungkol sa kaniyang mga nararamdaman para kay Mike.


Hinihiling niya lang na ang desisyon na iyon ay hindi niya pagsisisihan habang buhay.


Itutuloy...

Against All Odds 2[3]
by: Migs

22 comments:

  1. Pasensya na sa mahabang pamamahinga ko mula sa pagpopost.

    Muli inaanyayahan ko po kayo na bumisita sa mga site na ito. Hindi po kayo magsisisi.
    http://imbipositive.blogspot.com/

    www.darkkenstories.blogspot.com

    http://icemicestories.blogspot.com/

    http://zildjianstories.blogspot.com/


    Lawfer: expect to see more “buhay na dugo” in chapters to come. Hihi! :-)

    Iyanchan:sayo na lang muna yang nase-sense mo ah. Haha! Baka hindi na magbasa yung iba, akalain na yan na ngang naiisip mo ang ending. :-)

    rom: thanks! Haven't seen you here in my blog before. First time? Dahil dyan, i-follow mo ako at lagi ka ng mag-comment. Haha! Thanks ulit. :-)

    Ryge Stan: Thanks sa laging pag-aabang kahit minsan kumokota na ako sa tagal ng update. :-)

    Anonymous: Oct. 19, 2012, 11:44pm: pakilala ka next time syempre pagkatapos mong mag comment at mag-follow haha. Salamat!

    Rascal: Salamat! Pa-follow na lang ah. :-)

    frostking: salamat sa patuloy na pambobola! Haha! :-)

    ANDY: huwag iiyak sa loob ng jeep ha? Baka mapagkamalan kang baliw. Anyways! Salamat! :-)

    edmond: hindi lang yung mga loser ang nabu-bully noon. :-) Salamat sa patuloy na pagsuporta. Sana hindi ka magsawa. :-)

    Makki: hindi lang Hard Drama. HARDCORE DRAMA pa. :-)

    keantoot: stay strong. Kaya yan, isipin mo na lang that everything happens for a reason. Salamats a pagsubaybay.

    SuperKaid: haha! Wala pa ngang nangyayari eh.

    Anonymous: Oct. 20, 2012, 9:49am: pakilala ka dear nang mapasalamatan kita ng maayos at para na rin i-follow mo na ang blog ko. :-) Salamat!

    Lexin: sayo na lang yang idea mo for the ending. :-) haha! Wag maging spoiler.

    adik_ngarag: next time na ang back to back chapters! Salamat sa patuloy na pagsubaybay. :-)

    calle 'aso: why not try writing. Haha! Maganda yang naisip mo pero hindi ganyan ang plot ko eh. Hahaha! SPOILER ALERT! SPOILER ALERT! :-)

    russ: mahal na nga, wala na masyadong puno eh. :-)

    foxriver: salamat! :-) Sana wag kang magsawa.

    Riley delima: long time no read and comment! Welcome back! :-)

    GLITTERATI: don't worry soon working adults na po sila pareho.

    Zildjian: yup. Meron na! :-)

    aR: anghaba ng sinabi mo! Haha! Salamat sa patuloy na pagsubaybay! :-) Huwag ka sanang magsasawa! :-)

    robert_mendoza: ang kwento na ito ay puno ng twist. Haha! :-)


    MULI, MARAMING SALAMAT PO SA LAHAT NG PATULOY NA SUMUSUBAYBAY AT SA AKING MGA BAGUHANG TAGABASA! SALAMAT...SALAMAT!
    Konting comments at followers pa sana para gana-ganahan naman po ako mag-post! Salamat! :-)

    ReplyDelete
  2. Wow, first comment ako! Salamat sa advanced birthday gift ha kasi for sure next post mo would be next week na. =p

    Wala pa ring POV ni Mike as to whether may similar din siyang nararamdaman for Dan. And suspenseful ang magiging kaganapan sa bahay ni Melvin.

    - Edmond

    ReplyDelete
  3. Nice, Migs!

    Teka, ano ba ang connection ni dan at melvin?

    sana back to back na sa next update mo, migs,

    Thank you!

    ReplyDelete
  4. i still dun trust those two -_-

    nu b yn, papatayn m ata aq sa takot migs x.x peo ok lng, bsta ba kelangan lng sa obra m, titiisin q :)

    ReplyDelete
  5. May mangyayari na talaga ehh .. :( ayoko ng ganyan masyado akong kinakabahan..

    ang OA ko lang tuloy, bakit kasi ang galing mo gumawa ng story? masyado tuloy akong nacacarried away haha

    ReplyDelete
  6. Hindi kita binobola, sinasabi ko lng ang totoo and para na din ma inspire ka po. :)

    Tnx nga pla sa update. ^^
    sana di magalit c mike. :(

    ReplyDelete
  7. kakaexcite!! Anong mangyayari kay Dan sa party??

    Next na kuya migs please!!

    Ayoko kay Mark at Dave..

    Thanks sa update kuya migs.

    ReplyDelete
  8. cguro my malaking papel na gagampanan c mark sa buhay ni danny........

    ReplyDelete
  9. kuya migs naka follow poh ako sa blog nyo...hehehehhehe ras is my name.....

    ReplyDelete
  10. wow, party party!
    kinakabahan tuloy ako sa pwedeng mangyari kay Dan...
    painit ng painit bawat chapter..
    kudos migs... ^_^

    ReplyDelete
  11. This comment has been removed by the author.

    ReplyDelete
    Replies
    1. HARDCORE PARTY PARTY ang magaganap! bwahahaha mukhang si mark ang may gagawing karumaldumal na krimen kay Danny at hindi si Melvin..

      hahaha gusto ko madugong drama! astig yun migoy!

      Delete
  12. nakakakaba tong party na magaganap..hmm..may drugs pang involved..well reality lang talaga..

    but still,nice chapter Migs :))

    ReplyDelete
  13. hi kuya migs em back:-)
    AyaW ko sa dalawang hunghang na si mark at dave lakas makaaddict.haha

    ReplyDelete
  14. hala, baka may mangyari na d maganda sa bday party ni dan ah/ so excited na sa next chapter.

    ReplyDelete
  15. Ok. I smell something fishey. Hahaha.

    I know and thanks for that cheer? Hahaha.

    ReplyDelete
  16. Author Migs!

    Anyare? Biglang umiksi story natin? or mabilis lang ako magbasa? haha

    anyway thanks sa praise..

    So talagang naging close silang 4? kung kinakabahan si Dan mas kinakabahan ako,diba nga kilala natin ang kapwa natin pag dating sa mga ganyan, e since out si melvin mas madaling sabihin sa grupo na homo si Dan...(sharks sound)

    Excited na ko hehe, next na! woo XD

    ReplyDelete
  17. ano mangyayari ke dan..?? bka jan na eeksena c liam.. hahaha c liam pa rin pla, ndi maka-move on.. lol

    ReplyDelete
  18. its always been a joy to read ur work Migs, kahit it's tagal ur update, hihihi, but its worth the wait. Super scared with that party those two( mark and dave) read: danger, are planning, kawawa tiyak si Dan.

    ReplyDelete
  19. Sir Migs. Naku. Di akoi magaling magsulat ng story. Ayaw nia sakin. Hahaha magaling lang akong magig ideas pero di ko mai-put in words. Kaya NGA-NGA padin. Hahahaha

    Actually, may naiisip na naman akong mangyayari jan sa party na yan.

    At si Mikee. Helllooooo. Instead samahan niya si Danny nakinig pa xa dun sa dalawang tukmol! Nu berr. I smell something fishy! Curious siya. Heheh

    ReplyDelete
  20. migs its ok I dont mind if nadedelay ung mga post mo what's important is that you continue to make inspirational stories. I know you have other things to do to make a living, your doing this for free so we are not in the position to demand when you will post the chapters of your story di ba.

    But still Im your number one and I hope I read more of your stories....

    Stay safe and keep on writing.....

    ReplyDelete
  21. dyan n magaganap ung nangyari sa prologue maybe sa dalawang darating pang chapters ......oh sa chapter 5 ung karugtong ng prologue!!!!!!

    ReplyDelete