Against All Odds 2[2]

DISCLAIMER: The following is a work of fiction. Any similarities to any written works and any person, living or dead are purely coincidental. The story is intended for a mature audience. It may contain profanity and references to gay sex. If this offends you, please leave and find something more suitable to read. The author maintains all rights to the story. Do not copy or use without written permission. Email the author at miguisalvador@yahoo.com for comments, suggestions and violent reactions in pertaining to this blog and the stories that comes along with it.

 
 Balisa si Mike buong araw, alam niya kasing nasaktan na niya ng sobra ngayon si Dan. Sumagi din sa isip niya kung gaanong kababaw ang naging dahilan ng pag-layo ng loob niya sa kababatang halos kadikit na niya sa tadyang, dahil lang sa hindi ito kasikatan sa skwelahan. Dahil lang hindi ito tinitingala katulad niya at kaniyang mga kaibigan. Dahil hindi lang ito marunong magpasaring at manlait. Dahil lang mas mabuting tao ito sa kaniya.




Meron ka na bang best friend, Danny?”


Wala. Naiwan sila lahat sa Batangas.”


Wag ka ng malungkot. Ako na lang ang best friend mo. OK ba yun? Wala parin akong best friend eh.”


Kasabay ng mga ala-alang iyon ay ang pag-tanong ulit ni Mike kung paano niya nagawang talikuran ang pagkakaibigan na iyon na siyang walang makakapantay at ang malala pa ay ang saktan ang tanging tao na siyang naging kasama niya sa bawat mahahalagang punto ng buhay niya nung silay bata pa lang.


Nagising si Mike sa kaniyang malalim na pag-iisip ng magsitayuan na ang kaniyang mga kaklase upang dasalin ang closing prayer para sa subject na iyon. Hindi pa man niya natatapos ang pagdadasal ay agad niyang napagpasyahan na humingi ng tawad kay Dan.


0000oo0000


Martin! Saglit!” sigaw ni Mike.


Agad na napako si Martin sa kaniyang kinatatayuan. Alam niya na hindi magandang senyales ang pagtawag sa kaniya ng isa sa mga siga na dedikadong gawing impyerno ang buhay niya habang asa high school sila. Ni hindi niya magawang humarap kay Mike dahil nawalan na ng lakas ang kaniyang mga paa at nagsimula narin siyang mangatog.


Martin.” tawag ulit ni Mike sa pangalan ng huli sabay abot sa balikat nito na agad namang hinawi ni Martin. Nagulat si Mike nang makita ang takot sa mga mata ng kaniyang kaklase. Tila may nagbuhos muli sa kaniya ng malamig na tubig nang naisip niyang wala na siyang pinagkaiba sa mga siga sa elementary school noon na umaway kay Dan. Kinatatakutan na siya ngayon ng mga tao. Bigla ding sumagi sa kaniyang isip na hindi siya sikat at maraming tao ang tumitingala sa kaniya dahil ngayon na-realize niya na pinupuri lamang siya ng mga tao sa kaniyang paligid upang hindi niya pagbuntungan ang mga ito ng galit at maging taga salo ng kaniyang mga pasaring at panlalait. Biglang nanlambot si Mike sa naisip na ito, hindi niya alam kung paanong ang kagustuhan na tingalain ng ilan katulad ng kaniyang kapatid na si Ryan ay humantong sa pagkaka roon ng takot ng karamihan sa kaniya.


S-sorry.” pabulong na simula ni Mike. “---Itatanong ko lang sana kung nakita mo si Danny?” tanong ni Mike sa nakayuko at nangangatog parin na si Martin. Agad na umiling ang huli na ikinadismaya ni Mike dahil gustong gusto na niyang maka-usap ang dating kaibigan. Bagsak balikat at nakayukong naglakad palayo si Mike matapos magpasalamat kay Martin. May ilang hakbang na ang layo ni Mike dito nang tahimik itong magsalita.


N-nakita ko siya kanina na papalabas ng gate ng school nung lunch. H-hindi ko na siya nakita ulit simula non. Nag-cut ata.”


Natigilan si Mike sa sagot na iyon ni Martin. Humarap ulit siya dito at nagpasalamat. Ngayon hindi lang sa mabigat ang loob ni Mike dahil sa ginawang pangiinsulto niya kay Dan, kundi nagaalala narin ito kung asan ito ngayon at kung ito'y ligtas.



000oo000


Umuwi mula sa skwelahan si Mike na umaasang ligtas at asa bahay lang si Dan. Nang mapatapat sa kanilang mga bahay ay mas pinili pa ni Mike na lumapit sa bahay nila Dan kesa sa kanilang sariling bahay, gustong- gusto na niyang makausap ang dating kaibigan at humingi ng tawad dito. Marahan siyang kumatok sa gate, si Lily ang nagbukas nito at nakangiti siyang kinamusta. Matapos ang maiiikling kamustahan ay tinanong na ni Mike kung pwede niyang makausap si Dan.


Wala pa siya eh.” ang tanging sagot ni lily. Muling bumagsak ang balikat ni Mike at yumuko.


Ah ganun po ba. Sige po, paki-sabi na lang na dumaan po ako dito.” magalang na sabi at paalam ni Mike. Muling ngumiti si Lily at isinara na ang gate nang makitang patalikod na si Mike.


Ngunit hindi makaalis sa harapan ng gate na iyon si Mike dahil napako na siya ng pagsisisi, pagaalala at takot.


Danny, asan ka na?”


0000oo0000



Magiisang oras nang nagiintay si Mike sa labas ng bahay nila Dan. Hindi na niya ito nakita buong araw sa school matapos ang kaniyang pasaring dito at nagsisimula na siyang magalala, tumingala siya at nakitang dumidilim na ang kalangitan, nagbabadya ng parating na malakas na ulan, nagsimula ng hindi mapakali si Mike, miya't miya ang tingin nito sa daan kung saan manggagaling ang tricycle o kaya naman kung naglalakad ang kaibigan ay makikita niya ito sa gawing iyon. Nagsimula ng umambon pero matiyaga paring nagintay si Mike.



Mikee?” tawag ulit ni Lily mula sa terrace ng bahay nila. Binigyan lang ng isang malungkot na ngiti ni Mike si Lily. Muling lumapit si Lily at binuksan ang gate nila.


Akala ko sa bahay niyo mo na iintayin si Danny. Kung sinabi mong gusto mo agad siyang makausap pagdating na pagdating niya edi sana sa loob na kita pinag-intay.” marahang sabi ni Lily sabay bukas ng payong nang makalapit na ito kay Mike.


Maghapon ko po kasi siyang hindi nakita sa school. Medyo nagaalala lang po ako kaya dito na ako nag-intay sa tapat ng bahay niyo. Saka gustong gusto ko rin po siyang maka-usap eh. Madalas po ba siyang ginagabi ng ganito?” nakayukong sagot at tanong ni Mike. Napangiti naman si Lily at ginulo ang buhok nito katulad nung mga bata pa sila Mike at Dan.


Baka asa library nanaman iyon, madalas nawiwili iyon sa pagbabasa sa library kapag ginagabi ng uwi. Halika, sa loob ka na magintay, wag kang magpa-ambon at baka magkasakit ka niyan.” alok ni Lily, tumango si Mike at napagisipan na sa silong na lang ng terrace magintay sa kaibigan. Pumasok na si Lily ng bahay para mag-handa ng hapunan kaya't bumalik sa pagiging balisa si Mike habang nagiintay, lalong nagalala si Mike nang bumuhos na ang malakas na ulan.


Danny.” bulong ni Mike sabay kuwa ng kaniyang telepono upang i-text o kaya tawagan ang kaibigan pero huli na ng maalala niyang wala nga pala siyang numero nito.


0000oo0000

Halos mapatalon si Mike nang marinig na bumukas ang gate ng bahay nila Dan, doon nakita niya ang nakayukong si Dan, basang-basa ng ulan at tila ba wala sa sarili. Napako sa kinatatayuan niya si Mike, hindi makagalaw, pinanood lang ang kaniyang nanlulumong kaibigan maglakad papalapit sa bahay, nang mag-angat ng tingin si Dan ay halos mapa-iyak si Mike. Namumula ang mata nito na tila ba walang ginawa ang kaibigan kundi ang umiyak mag-hapon. Kitang kita ang lungkot sa mga mata nito kasama ang ilang nangingilid na luha sa kabila ng basang basa na mukha dahil sa ulan.


Muling hindi makapaniwala si Mike na trinato niya ng ganun si Dan, simula kinder ay siya na ang nagtatanggol dito sa mga siga, ngayon, isa na siya sa mga siga na nang aaway dito ang masama pa siya ang nangako na lagi niya itong ipagtatanggol sa mga siga, pero ngayon, kung pano niya tratuhin si Dan ay masahol pa siya sa mga sigang iyon. Nagbaba ulit ng tingin si Dan habang hinuhubad ang mga sapatos.


Danny, bakit ngayon ka lang? Bakit ka naglakad? Sana nag trike ka nalang, timo yan, basang basa ka tuloy.” kinakabahang simula ni Mike pero hindi agad sumagot si Dan, abala parin ito sa paghubad ng sapatos.


It's Dan. Not Danny.” bulong ni Dan, tila naman tumigil ang oras para kay Mike at hindi mapigilang mangilid ang sariling mga luha, alam na niya kasi ngayon na itinatakwil narin siya ni Dan bilang kaibigan katulad ng ginawa niyang pagtatakwil dito may ilang taon na ang nakakaraan. Hindi niya alam na ganun pala kasakit ang itakwil. Ngayon, may ideya na siya kung ano marahil ang naramdaman ni Dan nung talikuran niya ito at tratuhin na parang hindi naging kaibigan sa loob ng tatlong taon.


Danny, wag ka namang ganyan. Look, I'm sorry for being such an asshole for the last three years---” simula ulit ni Mike pero pinutol iyon ni Dan.


It's three years, four months and fifty four days.”


What?” tanong ni Mike, narinig niya si Dan pero gusto niya lang malaman ang ibig sabihin ng sinabi nito.


It's been three years, four months and fifty four days since you dropped me as your best friend. Since you ignored me just like a wall accessory every time our path crosses, since you let Mark and Dave throw insults at me, since you let me eat alone during lunch---” malinaw at malamig na balik ni Dan. Tila binuhusan ulit ng malamig na tubig si Mike at nagababadya ng tumulo ang kaniyang mga luha, agad niya itong pinahiran, ayaw niyang makita iyon ni Dan.


Danny, I'm sorr---”


It's Dan, not Danny.” malamig na putol ulit ni Dan saka lumapit sa front door, naiwang nakatayo si Mike sa kaniyang kinatatayuan, hindi alam ang gagawin habang pinapanood ang kaniyang best friend na mawala sa likod ng front door ng bahay nito.


Hindi pa kailanman naranasan ni Mike na magsisi ng ganoong katindi. Alam niya kasing hindi na niya kailanman mababawi ang papanakit na ginawa niya sa matalik na kaibigan at ang tangi na lang niyang pinanghahawakan ngayon ay ang mga pagsisisi.



0000oo0000


Nang makauwi si Mike sa kanilang bahay ay hindi niya mapigilan ang sarili na umiyak. Ang tanging totoong kaibigan na alam niyang kailanman ay hinding hindi na mahihigitan ng kung sino ay isinusuka na siya ngayon dahil sa kaniyang katangahan. Alam niyang walang makakapantay pa kay Dan dahil ito lamang ang matiyagang nagturo sa kaniya nung mga panahong bumabagsak na siya sa kaniyang mga subject nung elementary palang sila, ito lang ang tanging sumasalo sa kaniyang katarantaduhan sa tuwing mabibisto siya ng kaniyang ina, ito lang ang tanging nakakapagpangiti sa kaniya sa tuwing malungkot siya at ito lang ang tanging kaibigan na handang makinig sa kaniyang mga pinagsasasabing kagaguhan. Alam niyang maski ang pagkakaibigan niya kila Mark at Dave ay ni hindi makakaabot sa kalingkingan kapag ikinumpara sa naging pagkakaibigan nila ni Dan.



Habang naghahanda siya para sa hapunan ay nag-isip ng iba't ibang paraan si Mike para mabawi ang itinapon niyang pagkakaibigan. Kahit pa ano ang kapalit nito.


0000oo0000


Good morning!” nahihiyang bati ni Mike sa nakayukong si Dan nang lumabas ito sa kanilang gate bago pumasok. Nagtaas ng tingin si Dan at miya mo ulit sinipa ng kabayo si Mike ng makita ang mapupulang mata nito, saglit na napatigil si Mike habang si Dan naman ay tuloy tuloy sa paglalakad.


Danny, wait.” tawag dito ni Mike.


What do you want, Mike?” napamaang si Mike nang tawagin siyang Mike ni Dan imbis na Mikee, alam niyang siya ang mag gusto nun pero hindi niya akalain na masasaktan siya ng ganun sa oras na tawagin na nga siyang Mike ni Dan kasabay ng purong galit at pagkairita.


I thought I can walk with you on the way to school.” saad ni Mike, hindi sumagot si Dan kaya't sinamantala na niya ang pagkakataon na iyon.


Bakit di ka sumakay ng trike kahapon? Alam mo namang uulan ng malakas—-”


I was not at school when it started raining, being the loser that I am I decided to hang at the park and skip school yesterday.” sagot ni Dan tila muling sinipa si Mike nang marinig niya ang salitang 'loser' na matagal na nilang pasaring kay Dan pero nilunok na lang ni Mike ang balik na iyon ni Dan, iniisip na nakuwa lang niya kung ano man ang hiningi niya dito.


OK, I deserved that. But why not hail a trike from the park?” tanong ulit ni Mike hindi napansin na lalong nag-tense ang katawan ni Dan.


Because, again, being the loser that I am I didn't see Mark at the park hiding at the bushes. Sinabi niya na kapag hindi ko binigay ang pera ko sa kaniya eh bubugbugin niya ako. Being the loser that I am, I know I am a no match for his muscles! Being the loser that I am I. JUST. GAVE. IN. Ano? Masaya ka na? May pagtatawanan nanaman ikaw kasama ng mga kaibigan mo?” walang emosyong sagot ni Dan, alam niyang wala na siyang dapat ikahiya pa dahil alam nanaman ni Mike kung gaano siya ka-tanga. Nagulat na lang siya ng biglang hawakan ni Mike ang kaniyang kamay at pinigilan siya sa paglalakad.



Nagtama ang tingin ng dalawang dating magkaibigan, nakita ni Dan na nangingilid na ang luha ni Mike may galit, pagsisisi at sakit sa mga mata nito, tila naman isa ring de awtomatikong makina ang kaniyang mga luha at agad din itong nangilid.



Please don't call yourself that. You're the smartest person that I know---” naputol na lang ni Mike ang kaniya sanang marami pang sasabihin nang haltakin ni Dan ang kamay nito mula sa pagkakahawak niya.


It doesn't matter if I'm smart, people see me as a loser and if they say that I'm a loser then I'm a loser. I'm not proud and I will never be proud to call myself smart or genius and normal like you and your friends if all you want to do is belittle and judge other people, I'd rather be a loser than be normal if being normal makes me arrogant like you and your friends.” balik naman ni Dan na ikinagulat ni Mike. Ngayon alam na niya kung gaano kalalim ng galit ni Dan sa kanila.


Danny, I'm sorry.” nagmamakaawang saad ni Mike na mapigilan ang sarili na maiyak.


It's Dan, not Danny and like what I've said, what people think of me doesn't matter anymore.” walang emosyon paring sagot ni Dans sabay kibit balikat.


Tahimik nilang nilakad ang ang ilang minutong lakaran papuntang terminal ng dyip. Muli, katulad ng nakagawian sa loob ng tatlong taon ay nagpahuli si Dan sa pagsakay ng dyip wag lang makasabay si Mike na lubos namang ikinalungkot ni Mike.


Nakayuko at bagsak balikat na inintay ni Mike si Dan sa may hallway ng kanilang skwelahan, wala siyang balak na kausapin ulit ito habang mainit pa ang ulo nito pero naisipan niya parin na siguraduhin na ligtas na nakarating ang dating kaibigan.


Nang dumating si Dan sa skwelahan ay agad niyang napansin ang grupo ng mga kaibigan ni Mike na nakarinig ng mga pasaring nito sa kaniya nung nagdaang araw. Muli siyang nakaramdam ng panliliit. Lalo niyang binilisan ang lakad na tila ba nagmamadali na makaalis sa tingin ng mga taong iyon.


Hey Mike, why are you looking at the loser?” tanong ni Mark na ikinahagikgik naman ni Dave. Hindi na napigilan pa ni Mike ang sarili, puno na siya ngayon ng galit, galit sa sarili at galit sa ibang tao para sa sakit na nararamdaman ng kaniyang matalik na kaibigan kaya't mabilis niyang sinugod si Mark at iniuntog ito sa pader.


Stop calling him loser, asshole!” singhal ni Mike sa nahihilong si Mark, iniikot ni Mike ang kaniyang tingin sa gulat na gulat na populasyon ng kanilang skwelahan at kinakabahang hinanap si Dan, nakita niya ang backpack nito na mabilis na nilalamon ng isang kwarto, alam ni Mike na hindi siya makakapasok doon kaya't napagpasiyahan niyang sa mga break na lang niya kakausapin si Dan.


Mike, what the hell?” natatakot na tanong ni Mark.


Stay away from Danny or else---” banta ni Mike saka iniwan ang mga naguguluhang si Mark at Dave at gulat na gulat na iba pang kaibigan.

Nung oras na ng tanghalian ay aligagang hinanap ni Mike ang kaniyang kaibigan, nang makita niya itong tahimik na kumakain mag-isa ay agad siyang napabuntong hininga. Nilapitan niya ito at nakita niya kung pano ito nagulat nang umupo siya sa katapat na upuan.


Hey, Danny. What's up?” kaswal na tanong ni Mike habang si Dan naman ay hindi alam kung magugulat o maghihinala.


Can I sit here? I think I'm friendless now, except maybe for you and doesn't have anywhere else to eat lunch.” tuloy tuloy na sabi ni Mike, hindi na binigyan ng pagkakataon si Dan na sumagot dahil tuloy tuloy na siya sa pag-upo at pagkain ng tanghalian.


Why are you here, Mike?” marahan at tila ba lambot na lambot na tanong ni Dan.


I told you, you are my only friend left and I'm trying to win my best friend back.” nahihiyang sinabi ni Mike ang huling siyam na salita na ikinagulat ulit ni Dan, ito ang matagal na niyang gustong mangyari, ang maging matalik ulit silang magkaibigan ni Mike pero bakit hindi siya kumportable sa ideya na iyon.


---and I miss you, Danny. I'm sorry---” pabulong na pahabol ni Mike. Magsasalita na sana si Dan nang may lumapit na mga tao sa kanilang lamesa.


Hey can we sit here?” singit ni Mark kasunod si Dave na umupo sa dalawa pang bakanteng silya sa lamesang iyon.


Hey, Dan, I'm sorry for being such an asshole. I promise I wouldn't do it again.” pangako ni Mark, tumango-tango naman si Dave sa kabilang gilid ni Dan.


So, friends?” tanong ni Mark sabay abot ng kamay kay Dan, nagalangan saglit si Dan, tumingin kay Mike, iniisip kung niloloko lang ba siya ng mga ito pero walang siyang ibang nakita sa mga mata ni Mark kundi sinseridad at mukhang ganun din si Mike dahil tumango ito bilang pangungumbinsi kay Dan.


Itutuloy... 


Against All Odds 2[2]
by: Migs

Comments

  1. Inaanyayahan ko po kayo na bumisita sa mga site na ito. Hindi po kayo magsisisi.
    http://imbipositive.blogspot.com/

    www.darkkenstories.blogspot.com

    http://icemicestories.blogspot.com/

    http://zildjianstories.blogspot.com/


    Rascal: Salamat! Follow mo na din ako at wag mo akong kalimutang i-refer yung blog sa mga friends mo ah. SALAMAT! :-)

    russ: hehe nakakaiyak ba? More to come, handa mo na tissue mo.

    Marc of KSA.: OK lang po sana kung di ako busy, kaso sir, super busy na po ako ngayon kaya po mabagal ang paga-update ko. sensya na po.

    Frostking: parang hindi mo naman ako kilala. Haha! ;P

    IyanChan: haha! Ano bang iniisip mo? para masabi ko kung tama o mali.

    Dhenxo: Salamat! Dhen and Dan kasi kaya you feel for him? Haha!

    Anthon Gonzales: Thanks sir. Don't forget to follow my blog! Thanks!

    Ichigo: of course AAO2's ending will be different from the previous book. I can't promise that it will be a happy one, though. SPOILER ALERT! :-)

    SuperKaid: tama, kumbinsihin mo silang mag-comment. Haha! Salamat.

    Moon Sung-Min: san banda yung kyot? Haha!

    ANDY: umpisa pa lang humihirit ka kaagad ng ending? Haha! Salamat!

    Lexin: Thanks! Eto na po ang kasunod.

    Ryge Stan: more to come! Thanks Ryge!

    Edmond: maliit lang, parang sa posporo lang. :-)

    adik_ngarag: soon na ang back to back chapters. :))

    aR: parang di mo pa ako kilala sa pagsusulat! Hehe. Intayin mo lang ang twist.

    Lawfer: what do you mean by “buhay na dugo?”

    calle 'aso: mabilis ang transition eh. Matanda na sila.

    Richmond Danganan: ay nako wag naman po kayo ganyan, sir. Lahat po ng asa m2m genre magagaling. Idol ko nga po ang mga yan eh! :-)

    SALAMAT SA PATULOY NA PAGSUPORTA! COMMENT COMMENT DIN, PARA GANAHAN NAMAN AKO MAGPOST! Salamat ulit! :-)

    ReplyDelete
  2. my balak na naman cguro ung dalawa >_> wla aq twala sa mark at date na un (ngkataon lng cguro na mark ang pangalan ng knaiinisan q sa skul at dave ang pangalan ng superior q sa work na ayaw tanggapin mga escallations q xD)

    anyway, buhay na dugo is warm, flowing, fresh blood... tkot aq sa gnun xD
    peo d lhat ng dugo knakatakutan q, like betamax, fave q kea un haha

    ReplyDelete
  3. Basta pamilyar siya Migs! Parang lang naman may kakilala ako ganyan, kaya naging pamilyar. :D Pero infairness ha! Ang ganda ng flow, pero alam mo na! Nasesense ko na ang ending, for sure. Un na un! Hahahaha!

    ReplyDelete
  4. egggzoooyyteddddd for the next chapter kinakabahan ako sa mga susunod na mangyayari and im sure theres something jan sa pagiging mabait ni mark and dave.hmmmmnnn.... galing mo mr. author..
    -rom-

    ReplyDelete
  5. Hmmm I smell something fishy mukhang may binabalak sila Mark. That I will watch out kawawa nmn si danny.

    Have a great day and keep on writing.....

    ReplyDelete
  6. w0w i liked the story...kinakabahan ako sa susunod na mangyayari.,

    ReplyDelete
  7. wala akong tiwala kina mark at dave...mukhang gmy gagawing hindi maganda c mark.....ano kaya ung motibo ni mark or dave...hmmmmmm.....paiiibigin?naku panibagong problems na nmn sa lyf ni danny.....nice migz galing mo.....

    ReplyDelete
  8. Haha. Halos lahat na ata ng sinulat mo binasa ko. Pero ganun parin. You never fail to surprise your readers. Di ko mahulaan kung ano ang susunod na mangyayari. :)

    ReplyDelete
  9. Kuya migs, kasi naman ang ganda nabingwit agad ang aking panlasa. Lol. Kaya nag-alala agad ako sa magiging ending, naexcite lang.

    Paiyak na ako sa chapter na 'to pero nsa jeep nga pala ako.

    Galing kuya migs. Congratz.

    Hmm anong papel kaya ni Martin??

    Kinakabahan ako kay Mark at Dave, mukhang may binabalak na masama.

    Ayoko pa magbati si dan at mike. Haha!

    ReplyDelete
  10. Hmmm,, something fishy kina Mark and Dave, pero sana Mikee grows some spine na para ipagtanggol yung best friend niya!

    Di pa na-establish at this point if Mikee has the same hidden feelings towards Danny, the way the latter has for him. Pero mas important for now na maayos muna ang friendship nila.

    I can really feel for Danny's character. To a certain extent kasi, I was on his shoes back in high school. Ramdam ko yung mga lines niya this chapter at napa-reminisce ako sa geek loser drama ko noon.

    - Edmond

    ReplyDelete
  11. hamabak! nice one migoy! sorry ngayon lng ako nakapagcomment ha.. hihi mukhang pang MMK tong story na to! Hard Drama! astig yun! LOL

    ReplyDelete
  12. I dont know kung bakit ganoon nlang ako ka-affected with this chapter. Sobrang affected, feel na feel ko yung character ni dan. Dahil ba i'm experiencing din this kind of struggle by this time? Grabe!

    ReplyDelete
  13. Waaaah natatakot ako sa balak (kung meron man.) nila Mark at Dave.. :( Si Danny kawawa naman :(

    ReplyDelete
  14. Wew, parang may idea na ako kung ano ang nangyari kay dan sa prolouge..
    sana isang araw magkabaliktad naman ang sitwasyon nila...
    kudos migs... wait ulet next chapter.. ^_^

    ReplyDelete
  15. parang ambilis maging mabait ng mga kontrabida. i smell something fishy, migs!

    mukhang may malaking pasabog sa next chapters. nasesense ko na darating yung time na gaganti si Dan kina Mike, Mark at Dave.

    yehey, back to back chapters soon!!!!

    thanks, migs!

    ReplyDelete
  16. >>>>>pahabol lang<<<<<<

    ngayon ko lang nabasa yung comments nung mga mauna sa akin mag post.

    migs, pansin ko lahat kami nagsabi ng "something fishy". hahahahah

    another observation is nasesense namain ang mga susunod na mangyayari... migs, sana mali kami sa hula naman. i know you are full of surprises and good at giving twists in every stories that you make!

    keep it up, migs!!!

    ReplyDelete
  17. Oh db. Pare pareho kaming walang tiwala kay Mark at Dave. Pero I want to look at it at a bright side na sana bumait sila INSTANTLY. Na alam naman natin na in real life hindi yan nangyayari. It takes time.
    I think Martin will fall in love with Danny. O kaya much better sa kaniya magkakagusto si Mikee. Tapos magiging sila ni Martin.at ang main villain here is Martin. Pano na si Danny? Kawawang bata. Bad plot from me. Hahahahaha

    Hintay hintay ulit ng next post. :)

    ReplyDelete
  18. naks migs more to come..teka teka lang huh migs..mahal ata ang tissue ngayon.. pano yan? hehehehe..

    mark and dave? devil sila..

    ReplyDelete
  19. 3years, 4months and 54days.. hambanges!!!

    parang mahihirapan c mike d2 ke dan ah. :p

    ReplyDelete
  20. Miguel is so back with another great story..

    ReplyDelete
  21. nakakamiss mag comment sa story mo Migs..naiyak ako sa chapter 1 pati dito sa chapter 2..paano pa sa mga susunod na chapters?papalahaw na ba ako? :D

    hello again Migs :)

    ReplyDelete
  22. Obviously trouble.

    I wish that since it already started in high school. The story will fast forward into their early adulthood or whatever. The high school plot's good. But I think we already had enough of that from the previous story.

    Anyway, this is so intriguing. Good work!

    ReplyDelete
  23. MERON NA NITO? WAAAAA! NICE MIGOY!!! :D GOOD LUCK! :D

    ReplyDelete
  24. Author Migs!

    WOot grabe nafeel ko yun pag kadepressed at such weakling ni Dan, as in kung i feel him though hindi naman ako ganun sa tototong buhay but na feel ko yung situation na pinagdadaanan niya.
    And by telling ung 3 years,4 months, and 54 days seems Dramatic but hearing it coming from a guy sounds so gay to others but since "Best-Friends" naman daw sila ok lng pakinggan, buti na lang wala yung 2 pasakit sa buhay! kung andun yun parang popoy-basha na version nila yung scene.

    Mark and Dave tama sila something sa kanila might be plotting in to something aggressive na ikapapahamak ni Dan. and i can feel mark or dave have some interest also with dan

    Mike..tss..now he feels kung ano feeling being ignored by someone close to you,


    *And Martin! haha, sa umpisa akala ko nagkamali ng tawag si mike na imbes dan e martin,binalikan ko pa talaga yung chapter 1 realizing it's "Martin" na binangga nila sa hallway..hahaha..brain cells now loading...XD

    *To glitterati, ok lng po na HS lang yan, 1 year na lng gragraduate na sila, and next college na , ok rin namansiguro minsan mahba yung story ok rin naman minsan detailed yung story:D


    *Author Migs update po kagad ng Story tapos dapat mahaba ulit, :D (di ko sure kung sa font or mahba talaga. haha), but sana po maging consistent ito sa next chapter hehe, and dont let dan fall for the trap kawawa na naman siya :( naiiyak ako para sa kanya, he's all alone, if ponly martin could..
    anyway..ALL HAIL AUTHOR MIGS!! haha


    -aR

    ReplyDelete
  25. hmmm,mukhang magkakarun na ng ibang twist agad ah. he he he

    ReplyDelete

Post a Comment

Popular posts from this blog

Against All Odds 2[38]

The Rebound

Different Similarities 2[16&epilogue]