Against all odds 2 (Prologue)
DISCLAIMER:
The following is a work of fiction. Any similarities to any written
works and any person, living or dead are purely coincidental. The
story is intended for a mature audience. It may contain profanity and
references to gay sex. If this offends you, please leave and find
something more suitable to read. The author maintains all rights to
the story. Do not copy or use without written permission. Email the
author at miguisalvador@yahoo.com for
comments, suggestions and violent reactions in pertaining to this
blog and the stories that comes along with it.
Napatigil si Brenda nang makita niya ang kaniyang kaibigan at halos mapako naman sa pagkakatayo si Mike nang makita nila ang isang babae na lumuluhang kinakausap ang isang doktor, isa na iyon sa hinihintay ni Mike na senyales, na hindi biro ang mga nangyayari, na totoo ang masamang balita na kaniyang natanggap, na hindi siya nananginip.
Pakiramdam
niya ay panaginip lang lahat ng nangyayari habang tahimik silang
naglalakad ng kaniyang ina sa maputi, tahimik at mahabang hallway ng
ospital na iyon, hindi maikakaila ang lungkot at pagaalala sa mukha
ng kaniyang ina samantalang siya naman ay pilit niya paring
pinapakalma ang sariling puso mula sa mabilis na pagtibok nito at ang
sariling sikmura na ilabas lahat ng kaniyang nainom at nakain noong
nakalipas na gabi.
Napatigil si Brenda nang makita niya ang kaniyang kaibigan at halos mapako naman sa pagkakatayo si Mike nang makita nila ang isang babae na lumuluhang kinakausap ang isang doktor, isa na iyon sa hinihintay ni Mike na senyales, na hindi biro ang mga nangyayari, na totoo ang masamang balita na kaniyang natanggap, na hindi siya nananginip.
“Lily.”
tawag ng kaniyang ina sa umiiyak na babae na kausap ng duktor.
“Brenda!”
umiiyak paring sigaw ng babae na tinatawag na Lily at mabilis na
nilisan ang tabi ng duktor upang yakapin si Brenda na kaniya ngayong
pinaghuhugutan ng lakas ng loob.
“W-what
happened?” umiiyak naring tanong ni Brenda.
“I-I
d-don't know. They said he w-was attacked-- h-he's still not w-waking
up.” umiiyak na sagot ni Lily. “Why is he not waking up?”
pahabol na tanong ni Lily sa duktor na noon ay tila ba dalang dala
narin sa ipinapakitang emosyon ng dalawang babae sa kaniyang harapan.
“As
I've said, yung pong anak niyo ay inoperahan namin---” simulang
pagpapaliwanag ulit ng duktor ngunit hindi na ito inintindi pa ni
Mike, abala kasi siya sa pagpigil ng kaniyang mga luha sa pagtulo
habang sinisipat sa maliit na salamin ng pinto ng kwarto kung saan
may nakaratay na isang binatang lalaki. Wala siya sa sariling pumasok
sa loob ng kwarto kahit pa malakas parin ang kabog ng kaniyang dibdib
at hindi parin mapalagay ang kaniyang sikmura. Hindi siya makuntento
sa pagsilip lamang sa maliit na salamin sa may pinto, para kasi sa
kaniya ay panaginip parin ang nangyayaring iyon.
May
iba-t ibang makina na nakakabit sa binatilyong nakahiga sa kamang
iyon pero hindi ang mga makinang iyon ang nakakuwa sa pansin ni Mike
kundi ang mga nagsisimulang pasa at galos sa maamong mukha ng
binatilyo at ang mga benda na nakabalot sa mga sugat nito.
Tila
ba pinukpok siya sa ulo ng tadhana dahil sa wakas ay rumehistro na sa
kaniya na hindi isang masamang panaginip ang nangyayaring iyon
katulad ng kaniyang ipinapanalangin. Dumagdag sa mabilis na pagtibok
ng kaniyang puso at nagaalburutong sikmura ang ilang matatabang luha
na malaya ng tumulo mula sa kaniyang mga mata at ang panginginig ng
kaniyang buong katawan. Wala sa sarili niyang inabot ang kaliwang
kamay ng binatilyong nakahiga at umupo sa tabi ng kama nito.
“Danny.”
bulong ni Mike sabay marahanng pinisil ang kamay ng huli.
Kasabay
ng ginawang ito ni Mike ay ang pagtunog ng ilan sa mga makinang
nakakunekta kay Danny na tila ba nagsasabi na huwag itong galawan ng
binatilyo, pero hindi natinag si Mike.
“Danny.”
tawag ulit ni Mike sa binatilyong nakahiga na puno ng galos at sugat
ang katawan sabay yumuko at inihilig ang sariling ulo sa matigas na
kutyon ng kamang iyon, ginagawang unan ang kamay ni Danny habang
pilit pinapatahan ang sarili at nililinaw ang sariling isipan.
Patuloy
lang sa paghikbi si Mike nang makaramdam siya ng marahang paggalaw
mula sa kamay na kaniyang hinihiligan. Agad na nagtaas ng tingin si
Mike, nakita niya ang pagngiwi ni Danny na tila ba nakakaramdam na
ito ng paunang sakit.
“Danny?”
tawag muli ni Mike.
Ilang
saglit pa ay dahan-dahang ibinukas ni Danny ang kaniyang mga mata.
Sinanay pa muna nito ang mga mata sa liwanag ng kuwartong iyon at
nang nagtama ang tingin ni Mike at Danny ay tila ba tumigil ang mundo
ni Mike, hindi alam ang gagawin at nagaalala sa mga susunod na
mangyayari. Noong una ay tila nangingilala pa si Danny pero noong
maglaon ay unti-unti ng rumehistro sa mukha nito ang pinaghalo-halong
sakit, galit at takot.
“No.
Please, No!” nanghihina at nagpapanic na saad ni Danny.
Agad
na napatayo si Mike at tila ba napako na doon. Hindi parin alam ang
kaniyang gagawin. Lalong bumilis ang tibok ng kaniyang puso, lalong
nagalburoto ang kaniyang sikmura at lalong dumaloy ang matatabang
luha mula sa kaniyang mga mata.
“No!
Please!” pasigaw ngunit garalgal na saad ni Danny.
“Danny---”
tawag pansin ni Mike.
“No!”
sigaw muli ni Danny sabay taklob ng kaniyang mga kamay sa mukha na
ikinahugot ng swero nito at ng ilang makina na nakakabit sa katawan
nito.
“Danny,
it's me Mikee.” nagmamakaawa ng saad ni Mike habang nakapako parin
siya sa kaniyang kinatatayuan at habang patuloy parin ang pagtulo ng
mga luha nito.
“No!
Please! No!” tuloy tuloy na sigaw ni Danny, hindi na natiis pa ni
Mike at pinilit niyang makagalaw at lapitan si Danny upang pakalmahin
ito. Ngunit ng dumapi ang kaniyang kamay sa balikat ni Danny ay
mabilis itong tumalon palayo kay Mike na tila ba nakakapaso ang mga
hawak ng huli. Isiniksik ni Danny ang sarili sa sulok ng kwarto,
unti-unti ng napupuno muli ng dugo ang mga gaza sa tumatakip sa ilan
nitong mga sugat at dumudugo nadin ang pinaghugutan ng swero nito.
Ang
itsura na ito ni Danny na takot na takot sa kay Mike na akala mo isa
isa itong salot sa lipunan ay nagtulak kay Mike na ilabas na rin ang
kaniyang dinaramdam bago pa man sila pumunta ng ospital. Lalong
bumilis ang pagtibok ng kaniyang puso, mas lumala ang pagpapawis niya
ng malamig at isinuka na niya ang kanina pang ikinaaalburoto ng
kaniyang sikmura.
Ganitong
tagpo ang inabutan ni Brenda, Lily at duktor na narinig ang pagsigaw
ni Danny. Agad na lumapit ang duktor at si Lily kay Danny at si
Brenda naman kay Mike.
“What
happened?” ang tanong na ito ng kaniyang ina ang gumising kay Mike.
Wala sa sarili niyang inihakbang ang kaniyang kanang paa at
tumatakbong nilisan ang kwartong iyon ni Danny.
Hindi
pinapansin ni Mike ang pag-tawag ng kaniyang ina, ang tangi niya lang
gusto ay makalayo mula sa lugar na iyon, kaya't patakbo niyang
tinahak ang mga hallway hanggang makalabas siya ng ospital, walang
pakielam sa paninita ng ilang nurse o kaya naman kung may nakakakita
ng kaniyang mukha na basang basa na dahil sa luha.
“I'm
sorry.” paulit ulit na bulong ni Mike sa sarili habang patuloy
parin sa pagtulo ang matatabang luha mula sa kaniyang mga mata.
Nakalabas
na ng Ospital si Mike at patakbong tinawid ang kalsada papunta sa
katapat na park nang biglang may sumulpot na rumaragasang kotse.
Against
all odds 2
prologue
by:
Migs
Eto na po ang panibagong libro ng Against All Odds. Lilinawin ko lang po na ang librong ito ay hindi kasunod ng Naunang installment, baka po maguluhan kayo.
ReplyDeleteMuli inaanyayahan ko po kayo na bumisita sa mga site na ito. Hindi po kayo magsisisi.
http://imbipositive.blogspot.com/
www.darkkenstories.blogspot.com
http://icemicestories.blogspot.com/
http://zildjianstories.blogspot.com/
PASENSYA NA PO ULIT SA MATAGAL NA PAG-A-UPDATE. Busy much lang po. AT PASENSYA NA PO KAYO KUNG BITIN ANG EPILOGUE, pagsusumikapan ko pong i-post ang chapter one mamyang hapon.
SALAMAT SA PATULOY NA PAGSUPORTA AT PAGBABASA KAHIT WALA NG SAYSAY ANG MGA PINAGSUSUSULAT KO DITO. Hehe!
MARAMING SALAMAT AT MAHAL KO KAYONG LAHAT! :-)
thumbs up kuya migz. galing mo talaga.
ReplyDeleteKuya bakit walapa ung next ng CHASING PAVEMENTS 5 gosto kona po mabasa tnx...
ReplyDeleteDarkboy13
migs, nakakaintriga tong bago mong story ha!
ReplyDeleteaasa na ako na mapopost mo yung chapter 1 mamayang hapon! hahahahahaha
thanks!
w0w kuya .eto pala ang next akala q eh ung chasing pavements.
ReplyDeletemigs....danny&mike ba to?hehehe bagong storya...tutulo na nmn luha ko nito......dramtic pa nmn lagi.....heheheheheee
ReplyDeletemukhang exciting nanaman e2. aabangan ko ule! he he he he
ReplyDeleteanother story worth the wait. thumbs up migz. :)
ReplyDeleteJay-Ar
Im wondering kung pano kokonect ang storyang ito sa AAO1. Or connected kaya? Hmmmm.,- abangan. Haha.
ReplyDelete~frostking
Nga pala. Wag mong sabihing wlang saysay ang pag susulat mo. You're one of the best writers na na encounter ko. Sino mang mag sabing wlang saysay ang gawa mo eh makakatikim tlga ng sapak galing sakin. Keep it up migs..
Delete~frostking
Walang saysay? are you serious? haha sa mga story mo nga ko unang kinilig eh with iyak pa minsan haha
ReplyDeleteIniwiys.. ganda ng prologue! kakabitin! aantayin ko mayang hapon sunod nito :D limang thumbs up!
I beg to disagree Sir! I won't waste my time reading your stories and waiting for your updates kung walang saysay ang mga sinusulat mo. And for sure, this will be an another-worth-the-time-waiting-kind-of-story. :)
ReplyDelete-Gavi :)
wow migz nice start hehehe. cant wait for the next post.
ReplyDeletemedyo nakakabitin but i believe worth the wait ung next chapter.
have a great day migs and enjoy the week.
isang kaabang-abang.. :p
ReplyDeleteWhen I saw the name Mike, kala ko siya yung Mike na nasa Different Similarities 1, pero mukhang all new characters na nga ata 'to. Anyway, Against All Odds man, sana may connect pa rin siya sa previous stories mo. Wala lang, para enjoy! =))
ReplyDeleteBack to this story, 2 mothers and 2 sons. And mukhang may papasok na 5th character. I'll keep myself glued. =)
- Edmond
Author MIgs!
ReplyDeleteRelated ba to sa AOO-1?
-aR
wew, ngayon lang ako nabisita dito, at may book 2 na pala ang against all odds, di ko pa natatapos basahin yung book 1, di ka na kasi nag-update sa blog ni zeke, hehe.. anyway hahabol ako, gusto ko talaga gawa mo migs.. goodluck dito sa book 2..
ReplyDeletewaaah! >_<
ReplyDeletebuhay na dugo @_@
knkilabutan aq >_< bka d aq mk2log neto x.x
gling m pa dn mglaro ng imahnasyon ng mga mambabasa m peo... tnakot mq :(
Wow, so intense. Personally, I can relate to this to the point that it feels awkward and a bit sad at the same time. The Last Against All Odds book was hardcore, no holds barred and just an explosion of emotion. Probably the most tongue-in-cheek Migs has been. So I have high expectations for this one. I'm a sucker for tragic, twisted love stories and this might be my all time favorite.
ReplyDeleteDanny's character's really interesting. Got me into thinking if he's psychotic, delusional or even suicidal.
Btw Migs, sorry if I was gone for too long, but I was still reading your posts though. Didnt really have the time to stay and chat. But now I do and I hope you do too! I'm just worried about the long pause between posts because sometimes I forget that I am waiting in the first place.
Great job!
grabe to kuya migs ah mukang mas madugo pa ito sa AAO1 hehe... srap bsahin dmi ko wild guesses sa nangyari sa kanila :p
ReplyDeletetagal ko n nagbabasa ng mga stories mo kua migs ang gaganda lalo na un chasing pavements ndadala ako dun s mga mabibigat na eksena hehe...
ke3p it up po kuya migs! more power pa po sa writing:p
hahahaha..
ReplyDeleteakala ko kasunod to nung unang AAO e.. hahahah..
--anonymus101
nako, against all odds ulit, paniguradong heartbreaker to mge pre
ReplyDelete