Against All Odds 2[1]
DISCLAIMER:
The following is a work of fiction. Any similarities to any written
works and any person, living or dead are purely coincidental. The
story is intended for a mature audience. It may contain profanity and
references to gay sex. If this offends you, please leave and find
something more suitable to read. The author maintains all rights to
the story. Do not copy or use without written permission. Email the
author at miguisalvador@yahoo.com
for comments, suggestions and violent reactions in pertaining to this
blog and the stories that comes along with it.
Hindi maiwasan ni Lily na mapaluha habang nagmamaneho nang maalala niya ang huling beses na tumuntong siya sa bahay na siya ngayong pupuntahan nila ng kaniyang limang taong gulang na anak na si Danny. Isa iyon sa pinakamapait na alaala sa kaniyang buhay, ang itakwil ng sariling mga magulang. “I'm going to keep it.” mariing sagot ni Lily sa kaniyang ama na agad siyang ginawaran ng isang malutong na sampal, agad na tumabi si Alvin sa tabi ni Lily upang suportahan ito. “You're going to keep that 'mistake' kahit pa ang kapalit ay ang masira ang kinabukasan mo?” nanunubok na tanong naman ng ina ni Lily. “This 'mistake' is your grandson--” mariin na simula ni Lily pero agad itong pinutol ng ama nito. “We have no daughter and that mistake is definitely not our grandchild.” Nanikip bigla ang dibdib ni Lily. Alam niyang Iisa lamang ang ibig sabihin ng sinabing iyon ng kaniyang ama. Matagal bago pa ma-absorb ng tuluyan ni Lily ang sinabi ng kaniyang ama at ang marahang pag-akay papalayo sa kaniya ni Alvin ang siyang bumasag ng malalim niyang pagiisip na iyon. Ramdam parin ni Lily ang paninikip ng dibdib na iyon kahit pa mag aanim na taon na ang nakakalipas simula ang mangyari ito. Naninikip ang kaniyang dibdib dahil sa magpasa-hanggang ngayon ay masakit parin para sa kaniya ang alaala na iyon at dahil narin hindi siya makapaniwala na sa kabila ng masasakit na alaala na iyon ay nasa daan na sila ng kaniyang limang taong gulang na anak pabalik sa bahay ng kaniyang mga magulang. Hindi siya makapaniwala na matapos ang ilang masasakit na salita na ibinato sa kaniya ng kaniyang mga magulang nung gabi ng pagpapalayas sa kaniya sa loob mismo ng bahay na iyon ay nagawa niya pang bumalik dito. Pero wala siyang ibang magagawa. Isang taon na ang nakakaraan nang mamatay ang mga magulang ni Lily dahil sa isang aksidente kung saan nabangga ng isang rumaragasang truck ang kotse na sinasakyan ng mga ito papunta sa bahay ng kaisa-isang anak at nuon ay apat na taong gulang palang na apo nila upang humingi ng tawad. Agad na namatay ang dalawang matanda bago pa man madala ang mga ito sa ospital. Iniwan ng mga ito ang lahat ng kanilang ari-arian sa kaisa-isang anak na si Lily at sa apo nila. Walang intensyon si Lily na bumalik sa bahay na iyon ng kaniyang mga magulang dahil ipinangako niya na sa sarili noon na hindi na siya muli pang tutungtong doon. Pero matapos mamatay ang kaniyang asawa isang buwan na ang nakakaraan at maiwan hindi lang siya at ang kanilang limang taon gulang na anak kundi pati ang gabundok na utang ay napilitan siyang ipagbenta ang kanilang bahay at lupa at ilang ari-arian pati na ang kotse na kanilang sinasakyan ngayon at muli na lang manirahan sa lumang bahay ng kaniyang mga magulang. Wala parin ang loob ni Lily sa pagbabalik sa bahay ng mga magulang ng itigil niya ang kotse sa harapan ng lumang bahay. Pero lahat ng pagaalinlangan at bigat ng loob na iyon ay natunaw nang ibaling niya ang kaniyang tingin sa natutulog na anak sa may backseat. Kamukhang kamukha ito ng kaniyang namayapang asawa, gwapo, maputi at pati narin ang ugali nito ay nakuwa ng kaniyang anak na iyon. “Danny, baby, wake up, we're here.” marahang gising ni Lily sa anak na agad namang umupo at kinusot ang mga mata, nang masanay na ang mga mata sa liwanag ng paligid ay agad niya itong iginala. Nung una ay natakot ito nang makitang hindi pamilyar sa kaniya ang paligid pero nang maituon niya ang kaniyang mga mata sa nakangiting mukha ng ina ay agad natunaw ang takot na iyon at marahan naring ngumiti.0000oo0000
Nakita
ni Mikee ang isang kotse na tumigil sa bahay na katapat lang ng bahay
nila habang naglalaro siya sa may damuhan sa kanilang bakuran, dahil
likas na curious ang limang taong gulang na bata ay agad na iniwan ni
Mikee ang kaniyang laruang truck at sumilip sa siwang ng gate. Nakita
niyang bumaba sa kotse ang isang bata na marahil ay kasing edad niya
lang at isang magandang babae. Narinig ni Mikee ang pagbukas ng
kanilang front door at nakita niya ang kaniyang ina na may
nakaplaster na ngiti sa mukha at nagmamadaling tinawid ang buong
bakuran upang makalpit din sa gate at buksan ito sabay kumaway sa
gawi ng kalsada.
“Brenda!”
sigaw ng babae na nuon lang nakita ni Mikee.
“Lily!”
sigaw naman ng ina ni Mikee, wala sa sarili nitong hinawakan ang
kamay ng anak at inakay ito papalapit sa katapat na bahay kung saan
nandun ang babaeng tinatawag na Lily.
“It's
so nice to see you again!” excited na sabi ni Brenda sabay yakap sa
matalik na kaibigan.
Pero
ang palitan na ito ng mga matatandang babae ay nai-isang tabi na ng
dalawang bata na matamang tinitignan ang isa't-isa, si Mikee, bilang
natural na palakaibigan at bibo ay kumaway at ngumiti sa isang batang
may hawak na isang laruang tren na nagtatago sa likod ng mga paa ni
Lily.
“By
the way this is my son, Mikee, Michael Feliciano. Mikee, say hello to
tita Lily.” pakilala ni Brenda sa anak at sa kaniyang kaibigan.
Agad na lumapit si Mikee kay Lily at kinamayan ito habang ang bata
naman sa likod ni Lily ay lalong nagtago sa mga binti ng ina.
“Hi,
Mikee! Mikee, Brenda, this is my son, Danny, Daniel Arellano.”
pakilala naman ni Lily sa anak sa kaibigan at kay Mikee. Nagtatakang
tinignan ni Mikee si Danny, kasama ng pagtataka ay pagka-intriga.
“Go
on, Danny.” alo ni Lily sabay ngiti kay Mikee pero lalong humigpit
ang kapit ni Danny sa mga binti ng ina.
“He's
a little shy.” nahihiyang ngiti ni Lily. Tumango-tango naman si
Brenda habang si Mikee naman ay nagsisimula ng mainis, hindi niya
kasi maintindihan kung bakit ayaw sa kaniya ng bagong kakilalang
bata.
“Pasok
muna tayo sa bahay, tutulungan kita mamya maglipat, magkwentuhan muna
tayo.” aya ni brenda kay Lily at inakay na ang mga ito pabalik ng
bahay. Si Mikee ay patuloy parin sa pagsilip kay Danny habang si
Danny naman ay sumisilip din mula sa tagiliran ng kaniyang ina. Nang
makarating sila sa harapan ng bahay ay tumingin si Brenda sa anak
gayun din si Lily kay Danny.
“Mikee,
Tita Lily and I will just talk inside, OK? We have some catching up
to do---” simula ni Brenda sabay tawa kasama ni Lily. “---why
don't you show Danny your toys and play for a while.” pagtatapos ni
Brenda, tumango lang si Mikee at masuyong ngumiti, excited sa ideya
ng paglalaro kasama ang bagong kakilala pero hindi sila pareho ng
nararamdaman ni Danny na lalong humigpit ang hawak sa kamay ng ina na
kala mo ayaw kumawala dito at maiwan kasama si Mikee.
“Brenda,
why don't you go ahead, may sasabihin lang ako kay Danny.” saad ni
Lily, ngumiti naman si Brenda at pumasok na ng bahay. Nang makapasok
na si Brenda ay lumuhod sa harapan ni Danny ang kaniyang ina para
mag-tama ang kanilang mga tingin.
“Danny,
I want you to play and be nice to Mikee, OK? I will just be inside
and talk to tita Brenda---” hindi pa man natatapos ni Lily ang
sasabihin ay ibinaon na ni Danny ang mukha nito sa dibdib ng ina.
“---Danny, please? For me?” marahang pagtatapos ni Lily sabay
ngiti kay Danny ng magtaas ito ng tingin.
“Halika,
Danny, papakita ko sayo yung fire twuck ko.” aya ni Mikee sabay
abot ng kamay sa nangingilid luha at natatakot na si Danny, sumulyap
saglit si Danny sa kaniyang ina, tumango lang si Lily at masuyong
ngumiti. Di nagtagal ay sumilay narin sa mukha ni Danny ang isang
matipid na ngiti.
0000oo0000
Hindi
mapigilang mapasimangot ni Mikee at maguluhan, akala niya nung sumama
na sa kaniya si Danny para maglaro ay magiging masiyahin na ito at
makikipagusap at makikipagtawanan sa kaniya pero sa higit trenta
minuto na nilang paglalaro ay kung hindi nakatalikod sa kaniya si
Danny ay may ilang hakbang naman ang layo sa kaniya nito at ang
pinakakinaiinis pa ni Mikee ay ni hindi ipahiram ni Danny o kaya
naman ay ipahawak manlang ang laruang tren na hawak nito gayong lahat
ng laruan niya na nakalatag sa damuhan ay ipinapahiram niya kay
Danny.
“Ayaw
ko sayo! Ayaw mong makipaglaro sakin saka ayaw mong ipahiram ang
laruan mo!” nakangusong sigaw ni Mikee, agad na nangilid ang luha
ni Danny at niyakap ang laruang tren, tumayo ito at patakbo at
umiiyak na pumunta kay Lily.
Hindi
nagtagal ay narinig na sa buong village ang sigaw ni Brenda.
“Michael
Feliciano, come here this instant!”
0000oo0000
“Let
me talk to him, Brenda.” masuyong sabi ni Lily sa kaibigan habang
hinahagod ang likod ng anak na patuloy parin sa paghikbi habang
nakasubsob sa dibdib niya.
“Mikee,
I'm sorry kung akala mo ayaw makipaglaro sayo ni Danny, mahiyain lang
talaga siya saka madami siyang pinagdadaanan ngayon. Lumipat kami
dito kasi namatay yung daddy niya tapos iniwan pa namin lahat ng
friends niya sa dati naming village, natatakot siya na kapag naging
close kayo tulad ng daddy niya saka ng friends niya eh bigla kang
mawawala o kaya naman ay lilipat ulit kami.” marahang sabi ni Lily
kay Mikee, naintindihan naman ni Mikee ang ibig sabihin ni Lily
kaya't inabot niya ulit ang kaniyang kamay sa gawi ni Danny.
“Danny,
I'm sorry kung sinigawan kita, gusto mo parin bang makipaglawo
sakin?” nahihiyang tanong ni Mikee, napangiti naman si Brenda sa
ginawa ng anak gayun din si Lily. Sumilip si Danny gamit ang isang
mata, inilayo saglit ang mukha sa dibdib ng ina at tumingin dito,
tumango na lang ulit si Lily.
Ilang
saglit pa ay nahihiya naring inabot ni Danny ang kaniyang kamay sa
nakaabot paring kamay ni Mikee at nang magdikit na ang maliliit na
kamay na iyon ay lumatay sa mukha ng dalawa ang ngiti.
0000oo0000
“Meron
ka na bang best fwend, Danny?” tanong ni Mikee habang pinaglalaruan
nila ang laruang truck at tren, kahit pa nagaalangan paring ipahiram
ni Danny ang kaniyang laruan na siyang tanging alaala mula sa
kaniyang namayapang ama ay hindi na lang ito pinapansin pa ni Mikee,
sa halip ay gumawa siya ng isang laro kung saan pwede silang maglaro
ng mga laruang tren at truck na magkasama.
“Wala.
Naiwan sila lahat sa Batangas.” nangingilid luhang sagot ni Danny,
di maitago ang lungkot sa pagkakahiwalay niya sa kaniyang mga
kaibigan.
“Wag
ka ng malungkot. Ako na lang ang best fwend mo. OK ba yun? Wala parin
akong best fwend eh.” nakangiting saad ni Mikee, pinahiran ni Danny
ang kaniyang luha at marahang tumango at inabot kay Mikee ang
kaniyang laruang tren na ikinangiti naman ng huli.
Simula
noon ay hindi na mapaghiwalay ang dalawa. Halos araw-araw ito kung
maglaro, kung hindi man sa bahay nila Mikee ay sa bahay naman nila
Danny. Kung titignan ang mga ito ay mapagkakamalan ng mag kapatid ang
mga ito. Sa bawat isa rin sila unang nakaramdam ng pagaalala.
“Danny,
OK ka lang? Namumutla ka oh.” saad ni Mikee isang umaga habang
naglalaro sila nang mapansing wala ang karaniwang sigla ng kalaro.
“OK
lang ako Mikee.” pero taliwas ang sinabing ito ni Danny sa nakikita
ni Mikee. Hindi nga nagtagal ay natumba na si Danny sa damuhan sa may
bakuran ng bahay nila Mikee. Agad na lumapit si Mikee sa kalaro at
inalog-alog ito.
“Mommy!
Mommy!” nagsisimula nang magalala na sigaw ni Mikee sa kaniyang ina
nang hindi gumising si Danny sa kaniyang marahang pag-alog na iyon.
Nagmamadaling pumunta si Brenda sa kinalalagyan ng dalawang bata,
naabutan niya ang anak na nangingilid na ang luha at puno ng
pagaalala ang mukha.
Sa
bawat isa rin unang nakaramdam ang isa't isa ng hangaring mag-alaga.
“Mikee,
baba ka na dyan baka mahulog ka!” sigaw ni Danny sa baba ng isang
malaking puno sa park ng kanilang village di kalayuan sa bahay ng
dalawa. Hindi mapigilan ni Mikee ang mapahagikgik dahil sa takot na
narinig niya sa boses ni Danny. Hindi niya makuwa kung bakit ito
natatakot gayong ilang beses na niya ginagawa ang umakyat ng puno.
“Danny,
OK lang ako. Sanay na akong umakya---” hindi pa man natatapos ni
Mikee ang sasabihin na iyon ay dumulas na ang kaniyang paa at mabilis
siyang nahulog pababa ng puno.
“MIKEE!”
Hindi
mapakali si Danny habang iniintay ang paguwi ni Mikee mula sa ospital
matapos mahulog sa puno noong umagang iyon. Pilit na pinapahaba ang
leeg at tumitingkayad lumampas lang sa mataas nilang bakod ang
kaniyang tingin. Nang makita niya ang kotse ng kaniyang Tita Brenda
at Tito Obet ay agad siyang tamakbo pasalubog sa mga ito.
Nang
sa wakas ay nakita na niyang bumaba si Mikee na may galos sa mukha at
may semento ang kaliwang braso ay agad nangilid ang kaniyang luha at
mabilis na tumakbo palapit dito.
“Sorry,
Danny kung hindi ako nakinig sayo.” pabulong na sabi ni Mikee,
sasagot na sana si Danny nang sumingit si Brenda.
“Ang
tigas kasi ng ulo mo eh. Tignan mo yan ngayon, pano ka makakagalaw ng
maayos niyan?!” singhal naman ni Brenda, napayuko si Mikee at
nagsisimula naring mangilid ang luha.
“Brenda,
tama na yan. Natuto na yang anak natin, wag mo ng pagalitan.”
singit naman ni Obet na ipinagpasalamat ng lihim ni Danny at Mikee.
Pumasok na ang dalawang matanda at naiwan ang dalawa sa may terrace
ng bahay nila Mikee.
Nakatingin
parin si Danny sa papalayong pigura ng dalawang matanda nang marinig
niyang humihikbi ang kaniyang kaibigan.
“Wag
kang mag-alala, Mikee. Kapag di ka makagalaw ng maayos tapos
kailangan mo ng tulong, tutulungan kita. Ako ang magiging personal
assistant mo simula ngayon.” sabi ni Danny sabay chest out na
ikinangiti naman ni Mikee.
At
nang magsimula na ang mga ito pumasok ng skwelahan ay hindi parin
mapaghiwalay ang mga ito. Laging magkatabi sa school bus papasok at
pauwi.
“Hoy!
Pwesto ni Danny yan!” sigaw ni Mikee sa isang batang umupo sa
madalas nilang upuan ni Mikee.
“Ako
nauna dito eh!” sigaw naman ng bata pabalik.
“Mikee,
OK lang. Dun na lang ako sa kabila.” sabi naman ni Danny sabay
ngiti sa batang nakaupo sa kaniyang upuan na masuyo ding ngumiti sa
kaniya at dumila naman kay Mikee.
“Eighh!
Gusto kitang katabi, Danny naman eh!” nakasimangot na pagpupumilit
ni Mikee.
Alam
lahat ng sikreto ng isa't isa.
“Nakita
ko si Daddy, hinihipo yung pwet ni Inday kagabi.” wala sa sariling
sabi ni Mikee na ikinabugha naman ng iniinom na juice ni Danny habang
nagre-recess sila.
At
ang kaaway ng isa ay kaaway nilang pareho at ang kaibigan ng isa ay
kaibigan nilang dalawa.
“MIKEE!”
tawag ni Danny sa kaibigan nang makita niya ito na nakapaibabaw sa
kaklase niyang sumuntok sa kaniya.
“Sinong
may sabi sayo na pwede mong suntuk-suntukin ang best fwend ko ha?!”
sigaw ni Mikee na ikinangilid naman ng luha ng umaway kay Danny.
“Ayaw
niya kasi akong pansinin eh! Gusto ko lang naman siyang tanungin
tungkol sa assignment namin!”
“Mikee,
tama na.” awat ni Danny kay Mikee at inabot ang kamay sa kaniyang
kaklase na nakahiga parin sa damuhan upang tulungan itong tumayo.
“Sensya
na kung hindi kita napansin. Nagbabasa kasi ako ng komiks.”
nakangiting sabi ni Danny sa kaniyang kaklase nang matulungan na
itong makatayo.
“Sorry
din kung sinuntok kita.” bulalas naman ng batang sumuntok kay
Danny.
At
wala pang isang oras matapos ang kaguluhan na iyon ay masaya na ang
mga ito na nagkukuwentuhan sa play ground ng kanilang skwelahan.
Pero
nang dumating na ang panahon kung saan tamang oras na para sa mga
crush ay lumitaw na ang pagkakaiba ng dalawa. Agad nagbilang ng higit
pa sa kaniyang mga daliri si Mikee ng pangalan ng kaniyang mga crush
habang si Danny naman ay wala ni isang mapangalanan.
“Cute
din si Amy saka si Rachel---” walang tigil sa pagdal-dal ni Mikee
habang nakasakay na sila ng school bus pauwi. Tahimik lang si Danny
at kunwari ay nakikinig sa masayang pagdaldal ng kaibigan pero ang
totoo ay malalim na ang iniisip nito.
Nagsisimula
na kasing maguluhan si Danny. Tinatanong ang sarili kung bakit hindi
niya nakikita ang mga babae kagaya ni Mikee, bakit mas masaya siya na
laging ang kaibigan na lang na si Mikee ang kaniyang kasama kesa ang
ayain makipagkwentuhan ang isang babae.
Dahil
sa likas na matalino si Danny ay hindi niya muna ito hinayaan na
maka-apekto sa kaniya sa halip ay gumawa muna siya ng mga
pagsaliksik. Nung una ay nabuhayan pa siya ng loob dahil nabasa niya
na ang kaniyang nararamdaman ngayon ay maaaring isang phase lamang
tutal twelve years old pa lang siya pero nang basahin niya nag
tungkol sa homosexuality ay agad din siyang nangamba dahil
malakas ang kaniyang pakiramdam sa sarili na hindi lamang isang phase
ang kaniya ngayong pinagdadaanan.
“Danny,
are you OK?” tanong ni Lily sa anak nang mapansin nitong ilang
linggo ng tahimik ang anak.
“I-I'm
j-just confused, Ma.” kinakabahang sagot ni Danny dahil hindi niya
alam kung paano tatanggapin ng kaniyang ina ang kaniyang sasabihin.
“Confused
about what?” tanong naman ni Lily at tinigilan ang ginagawang
pagaahin ng pagkain sa lamesa. Natigilan si Danny at inisip kung
handa na ba siyang sabihin sa ina ang kaniyang pinagdadaanan.
“Oh
uhmmm about what to take in college. I'm thinking about medicine but
law seems kinda cool.” swabeng pagsisinungaling ni Danny na
ikinasingkit naman ng ina saka tumawa matapos ang ilang saglit.
“You
haven't even started high school yet! What's really bothering you?”
di makapaniwalang bulalas ni Lily sa pagitan ng mga pagtawa.
“I-I
don't like girls, Ma.” nakayuko at nauutal na pag-amin ni Danny.
Saglit na natigilan si Lily atsaka masuyong ngumiti.
“You're
too young to like them anyways.” kaswal na pagbabalewala ni Lily sa
sinabi ng anak.
“No,
Ma, I- I t-think I'm not going to like girls like other boys do.”
Sa
sinabing ito ng anak ay tuluyan ng natigilan si Lily, bumilis ang
tibok ng puso at agad na tinanong ang sarili kung saan siya nagkamali
sa pagpapalaki sa anak. Sinimulan na ni Lily na sisihin ang sarili.
Nagsimula narin siyang magalit sa anak at balak pa itong paluin upang
itigil ang pag-iisip nito ng mga ganung bagay pero nang magsalita
ulit ang kaniyang anak ay agad na natunaw lahat ng galit at paninisi
na kaniyang nararamdaman.
“Pl-please
don't hate me, Ma.” naluha si Lily sa pagmamakawa ng anak na ito at
agad niya itong niyakap.
“I
won't. I'll never do that.”
“P-promise?”
prang batang insecure na tanong ni Danny kay Lily. Marahang ngumiti
si Lily.
“I
Promise.”
Ang
hindi alam ni Lily ay hindi magtatagal at masusubok ang pangako
niyang ito.
Hindi
lang si Lily ang nakapansin sa biglaang pag-iba ng ugali ni Danny
kundi pati narin si Mikee na mas kilala pa siya kesa sa kaniyang
sarili.
“Bakit
ba napapansin ko nitong mga nakaraang linggo bigla kang tumahimik at
madalas mahaba yang nguso mo? Di ba dapat masya tayo? Tapos na tayo
ng elementary, ikaw pa ang valedictorian tapos isang buwan na lang
asa high school na tayo! Andaming chicks dun tapos yung mga cool
stuff na pwedeng gawin ng mga high school students pwede na nating
magawa.” tanong ni Mikee sabay akbay sa kaibigan nang makitang
tahimik nanaman itong naka-upo sa isang bench sa may club house ng
village nila. Kung si Mikee ay nagtataka sa ikinikilos ng kaibigan si
Danny naman ay hindi na nag-atubuli pa. Simula kasi ng tumuntong sila
ng grade five ay wala ng tigil si Mikee sa pagiging excited sa
pagtungtong ng high school, ikinukuwento lahat ng exciting na bagay
na ginagawa ng nakakatanda nitong kapatid noong ito ay asa high
school pa.
“W-wala
lang.” pagsisinungaling ni Danny sabay tingin sa kamay ni Mikee na
naka-akbay sa kaniya.
“Sus!
It's summer! There's should be a law about using your brain for
school stuff while on school vacation!” biro ni Mikee sabay gulo ng
buhok ni Danny.
“Who
said that I'm using my brain for school stuff earlier before you
showed up?” tanong ni Danny sabay ngisi. Napangiti narin si Mikee
at lumingon-lingon. Bumaling ang mga mata nito sa grupo babae na
nag-uusap sa hindi kalayuan.
“Uh
oh. Is little Danny boy starting to discover the art of perve-ing
now?” humahagikgik na balik ni Mikee kay Danny sabay gulo ulit sa
buhok nito.
“Wha--?
oh.” naguguluhang simula ni Danny pero nang makita niya kung saan
nakatingin si Mikee na tumatango-tango pa ay hindi na niya itinuloy
ang pagtatanong at umiling na lang. Hindi niya lang masabi sa
kaibigan na mali ang iniisip nito. Na hindi mga babae ang madalas
tumakbo sa kaniyang isip kundi mga lalaki at may isang lalaki lang
madalas at iyon ay si Mikee.
0000oo0000
Hindi
nga nagtagal at pasukan na muli. Palagi paring tahimik si Danny na
talaga naman ikinababahala na ni Mikee.
“Danny,
seriously. What's the matter, dude?” nagaalalang tanong ni Mikee
habang nakasakay sila sa jeep papunta sa skwelahan.
“N-nothing.
I'm just nervous.” kahit papano naman ay may halong katotohanan ang
sagot na iyon ni Danny dahil sa bagong skwelahan na sila ngayon
papasok at halos wala siyang kakilala dito, hindi katulad ni Mikee na
may mga kaibigan sa skwelahan na iyon dahil karamihan ng pumapasok
doon ay mga kaibigan nito sa paglalaro ng basketball sa kanilang
village.
“You
mean, kaya ka tahimik buong buwan eh dahil kinakabahan ka pumasok sa
school na'to?” tanong ulit ni Mikee sabay naningkit ang mga mata sa
kaibigan. Tumango na lang bilang sagot si Danny na lalo namang
ikinairita ni Mikee. “Bullshit! Fine! If you want to keep secrets
from me, then fine!” naiinis na singhal ni Mikee na ikinalungkot
naman ni Danny.
“I-I'm
not ready to tell you yet, Mikee.” nakayuko at naluluhang sabi ni
Danny.
“Aha!
The truth finally comes out! I know there's something bothering you!
Why wouldn't you tell me? I thought secrets doesn't exist between
us?” mahinahon ng tanong ni Mikee na may halong lungkot at
pagkadismaya.
“I-I
k-know, but this is really hard for me.”
“You're
scaring me, Danny---” nagaalalang sabi ni Mikee sa kaibigan.
“I-I
k-know. I p-promise I'll tell you this weekend, OK? I-I just need to
pull myself together.” sagot naman ni Danny.
“OK.
Just remember I'm here if you need me, OK?”
Kitang-kita
ni Danny ang pagaalala sa mukha ng kaibigan, ang ugaling ito ni Mikee
ang lalong nakakapagpa-hulog ng loob niya sa kaibigan. Muling binalot
ng katahimikan ang dalawa. Si Mikee dahil sa excitement habang si
Danny naman ay sa pagdadasal na huwag niya sanang pagsisihan ang
gagawing pagsasabi ng tungkol sa kaniyang sekswalidad at ngayon pati
narin ang nararamdaman niya kay Mikee. Ang hindi lang alam ni Danny
ay hindi naman na niya kailangang magalala pa dahil hindi na siya
mabibigyan pa ng pagkakataon na sabihin kay Mikee ang totoo katulad
ng ipinangako niya dito.
0000oo0000
Nang makatungtong na ang dalawa sa kanilang bagong skwelahan ay saglit na nanlaki ang kanilang mga mata. Doble ang laki nito kesa sa kanilang lumang paaralan at doble ang dami ng taong pumapasok dito. Si Mikee nanlaki ang mata dahil sa excitement habang si Danny naman ay sa takot. Iginala saglit nila Mikee at Danny ang kanilang tingin at nang mahagip ng paningin ni Danny ang dalawang tao na may malalaking katawan at nakangising lumalapit sa kanila ay agad nadagdagan ng kaba ang takot na kaniyang nararamdaman.
“Punta
muna ako sa principal's office, Mikee.” paalam ni Danny sa kaibigan
nang mapansin nitong parating na ang mga kaibigan ni Mikee mula sa
basketball team ng village nila na si Mark at Dave.
“Mikee?!”
humahagikgik na tanong ni Mark.
“Is
that like an endearment or something?” humahagikgik din na sabi ni
Dave na ikinainis narin naman Mikee.
“Yeah.
It's sounds sooo gay.” humahagikgik pang gatong ni Mark.
“We're
not gay!” singhal pabalik ni Mikee sa patutsada ng dalawa.
“He
sure looks like one.” turo ni Dave sa mabilis, takot na takot at
nanliliit na papalayong katawan ni Danny.
“Danny's
not gay!” singhal pabalik ni Mikee.
“Danny?!”
humahagikgik na ulit ni Mark.
“Sooo
gay!” gatong naman ni Dave na tila ba ipinapaalala kay Mikee na
hindi na nararapat ang tawagan na iyon para sa dalawang lalaki na asa
high school na.
“Just
drop it, OK?” singhal ni Mikee na lalong ikinatawa ng malakas ng
dalawa niyang kaibigan.
Mabilis na nagsara ang unang linggo ng pasukan na iyon. Mabilis ding nakilala si Mikee bilang isang indibidwal na hindi magtatagal ay titingalain ng tao habang si Danny naman ay ang mahiyain at tahimik nilang kaklase na nag-e-excel sa bawat klase na i-ahin dito. Katulad ng mabilis na pag-sara ng unang linggo ng pasukan na iyon ay ang mabilis ding pagbabago ng mga bagay na nakagawian ng dalawang magkaibigan. Andyan na ang laging pag-alis ni Mikee sa umaga ng hindi pa handa si Danny, ang pagpapauna kay Danny pauwi dahil may practice si Mikee ng basketball, ang dati'y sabay at magkatabing pagkain ng dalawa tuwing lunch at recess ay tila ba naging isang solo party nalang para kay Danny na mag-isa na ngayong kumakain sa loob ng kaniyang classroom dahil wala siyang makasama sa pagkain sa may cafeteria at ang dati'y halos araw-araw na paguusap nito ng personal o kaya naman maski sa telepono ay naging madalang na. Ang mga pagbabagong ito ay naging dahilan ng lalong pagtahimik ni Danny. Tila ba pumasok ito sa isang maliit na kwarto na walang bintana at ini-lock ang sarili dito. Hindi ito nakaligtas kay Lily na agad-agad ay naisipang kausapin ang anak. “Danny, is everything OK?” marahang tanong ni Lily nang maabutan niya ang anak na nakadapa sa kaniyang kama at nakasubsob ang mukha sa mga unan. “I'm OK, Ma.” pagsisinungaling ni Danny. “No you're not. Is this about being gay?” marahang tanong ni Lily, umiling na lang si Danny. “I just had a tough day at school.” muling pagpapalusot ni Danny, umaasa na iwan na siya ng ina mag-isa. “Is there someone you like? Some boy maybe that's why you're being quiet again?” nangingiting tanong ni Lily na ikinamula ng pisngi ni Danny. Hindi dahil sa natumbok ng kaniyang ina ang dahilan ng pagtahimik nito katulad ng inaakala na ngayon ni Lily kundi dahil nahihiya siya na pag-usapan ito. “Does he have a name?” pangungulit ni Lily na lalong ikinamula ni Danny. “Ma---” nahihiyang simula ni Danny pero hindi siya pinagbigyan ng ina. “Danny. I want to know his name.” mariin pero nakangiti paring pangungulit ni Lily, hindi na napigilan pa ni Danny ang sarili ang napangiti narin sa pangungulit ng ina. “It's not just someone and I know him since---since forever.” nahihiyang sagot ni Danny saglit na natigilan si Lily at nangunot ang noo, nang ma-realize na niya kung sino ang tinutukoy ng anak ay agad na nanlaki ang kaniyang mga mata, tinignan ang anak at binigyan ito ng isang malungkot na ngiti. “Do you plan on telling him?” marahang tanong ni Lily sa anak sabay angat sa naka-yuko paring mukha nito at inalis ang bangs sa naka-harang na magagandang mata ng anak. Tumango si Danny at nahihiyang ngumiti. “He's been asking for the past four weeks why I was being quiet. I promised him I'll tell him this saturday.” sagot ni Danny at muli siyang binigyan ng malungkot na ngiti ni Lily. “What? You're doing that creepy smile again.” nangingiting tanong ni Danny sa ina. “I'm happy for you because Mikee is a great kid but I'm also worried. Magulo at delikado na ang mundo para sa aming mga straight pano pa kaya para sa inyong mga asa third sex. There are still narrow minded people out there, Danny, I just don't want you to get hurt.” Sa sinabing ito ng ina ay hindi mapigilan ni Danny ang mapa-isip.0000oo0000Halos di nakatulog si Danny nung byernes ng gabing iyon. Iniisip kung anong maaaring mangyari sa oras na mailahad na niya kay Mikee ang totoong bumabagabag sa kaniya. Andyan ang sumagi sa isip niya na itatakwil siya nito bilang kaibigan at andyan din naman ang babale-walain lang nito ang sinabi ni Danny at katulad ng dati ay susuportahan siya. Puyat at nanghihinang bumangon si Danny sa kaniyang kama, naghilamos, kumain ng agahan at nagpaalam kay Lily na pupunta lang saglit kila Mikee, binigyan lang siya ng isang makahulugang ngiti ni Lily at tumango. Mabilis niyang natawid ang kalsada sa pagitan ng bahay nila ni Mikee pero nang aktong kakatok na siya sa front door ng mga Feliciano ay agad siyang nakaramdam ng matinding kaba. “Hi Danny.” nakangiting bati ni Obet nang pagbuksan niya ng pinto ang kababata ng kaniyang anak. “Magandang umaga po, Tito Obet. Andyan po ba si Mikee?” “Naku kanina pa umalis eh. Kasama yung mga ka-team mate niya sa basketball punta raw sila sa covered court eh.” nakangiting sagot ni Obet. “Ah ganun po ba---” napa-yukong simula ni Danny, hindi naman ito nakaligtas kay Obet na masuyong ngumiti. “Inatyin mo na, malamang pauwi narin yun. Halika pasok ka kumakain kami ng agahan ng tita mo saka ni Ryan eh.” alok naman ni Obet habang minamata ang hindi mapakaling si Danny. “Ay hindi na po. Intayin ko na lang po siya dito sa may terrace.” nakayuko at hindi parin mapakaling sagot ni Danny. Nagkibit balikat nalang si Obet bago tumalikod at magsabi ng... “Ikaw bahala.” Limang minuto. Sampung minuto. Trenta minutos at hindi na nakapag-intay pa si Danny at wala sa sarili na itong muling lumabas ng bakuran ng mga Feliciano at tinahak ang covered court. Nang makarating siya covered court ng village na iyon ay naabutan niyang naglalaro pa sila Dave, Mark at Mikee kaya't umupo muna siya sa bleachers at pinanood ang mga ito maglaro habang iniisip kung paano magandang sabihin kay Mikee ang lahat. “Ayan na si Danny.” biro ulit ni Mark sabay hagikgik nang magkasawaan na sila sa paglalaro. Binigyan ng masamang tingin ni Mikee si Mark bago saglit na lumingon sa gawi ni Danny. Isang linggo na niya itong iniiwasan pero hindi parin nawawala ang pagkainis niya dito, pagkainis na hindi niya mabigyan ng rason at maipaliwanag at ang pagpapakita ni Danny na iyon sa kanilang laro nila Mark at Dave ay lalong nagpatindi sa kaniyang inis dito. “Sige na Mikee, lapitan mo na si Danny. Uuwi narin naman kami ni Mark eh. Pwede na kayong maglabing-labing.” humahagikgik ding pangaasar ni Dave na lalong nagpaapoy sa galit ni Mike. Nang sa wakas ay naghiwalay na ang tatlo sa gitna ng basketball court ay lalong kinabahan si Danny. Hindi parin kasi niya alam kung ano ang sasabihin kay Mikee sa sobrang pagkataranta ni Danny sa kung ano ang sasabihin sa kaibigan ay hindi niya agad napansin ang reaksyon nito na galit na galit at nang mapansin niyang may kakaiba sa kinikilos ng kaibigan ay nung puntong nilagpasan siya nito at tuloy-tuloy na lumabas sa covered court na iyon. Naka-kunot noo na hinabol ni Danny ang kaibigan. “Mikee!” sigaw ni Danny. Ngayon hindi lang kinakabahan at natatakot kundi pati narin naguguluhan sa ikinikilos ni Mikee. Nagulat si Danny nang bigla itong humarap sa kaniya at tinignan siya ng masama. “Mikee?” natatakot at pabulong na sabi ni Danny. “Stop calling me that!” singhal ni Mikee. “Mikee---” “I said stop calling me that! It's Mike not Mikee!” “Pero matagal na kitang tinatawag na Mikee--” simula ni Danny pero agad din siyang natigilan sa pagsasalita nang makita niyang lalong nadagdagan ang galit sa mga mata ng kaibigan. “OK. I-I'll call you whatever you want me to call you. P-pumunta ako dito para mapag-usapan na natin yung tinatanong mo sakin last week.” agad na pag-iiba ng topic ni Danny, umaasa na mapapalitan ang mood ng kaibigan sa sinabi niyang ito. “I don't care anymore.” walang pusong sabi ni Mikee na nakapagpakabog sa dibdib ni Danny at nakapagpahina ng mga tuhod nito. “We don't have to talk about everything that is happening with each others lives. If you want to be quiet and be miserable all the time, it's fine with me because I don't care anymore.” bawat salitang iyon na kumawala mula sa bibig ni Mikee ay tila isang pako na ibinabaon sa puso ni Danny. “Mikee--” naluluha nang sabi ni Danny. “I said stop calling me that!” singhal ulit ni Mikee sabay talikod kay Danny. Naiwan si Danny na umiiyak sa may bungad ng cover court. Pinapanood ang nanlalabong pigura ni Mikee na papalayo ng papalayo sa kaniya dahil sa mga luha na bumabaha sa kaniyang mga mata. “Mikee” bulong ni Danny, kasunod ang ilang hikbi.0000oo0000Lumipas ang tatlong taon, ang dating Mikee ay tinatawag na ngayong Mike at ang dating Danny ay siya naman ngayong Dan. Hindi lang mga pangalan ang nagbago sa dalawang magkaibigan kundi pati narin ang lalim ng pagkakaibigan ng mga ito. Isa na ngayon si Mike sa pinakasikat na manlalaro ng basketball at kilala hindi lang sa buong campus ng St. Anthony's School kundi pati narin sa mga kalapit na skwelahan nito samantalang si Dan naman ay hinahangaan ng marami dahil narin sa pagiging 'go to guy' nito. Maski si Mark at Dave ay lumalapit dito sa tuwing may mga project o assignment na kailangan ng tulong ng mga ito. Naging sikat si Dan sa sarili niyang paraan at sa hindi malamang rason ni Mike ay lalo niyang ikinainis ito. Marami na ngang nagbago ngunit hindi parin nagbabago ang pagtingin ni Dan kay Mike kahit gaano at paano niya ito alisin at itanggi sa sistema niya ay hindi niya ito magawa. Isa lang ang ipinagpapasalamat niya bago pa man mangyari ang lahat ng pagbabagong iyon. Ito ay ang hindi niya pagsabi ng kaniyang sikreto sa noon ay matalik niya pang kaibigan na si Mike. Ang sikreto tungkol sa kaniyang sekswalidad at ang noon ay namumuo niya pa lang na pag-tingin dito.0000oo0000“DANNY! You're going to be late for school!” sigaw ni Lily sa unang palapag ng kanilang bahay. “Urrgghh!” bulalas ni Dan saka muling ibinaon ang kaniyang mukha sa malambot niyang unan. “DANNY!” “Stop calling me that!” singhal ni Dan bago pa man tumayo ng kama. Halos itulak na ni Lily ang kaniyang anak plabas ng gate upang hindi ito mahuli sa klase. Sakto naman nang nagkakanda-dapang makalabas na si Dan ay siya ring labas ni Mike sa kanilang gate na katapat na katapat lang ng gate nila Dan. Agad na yumuko si Dan upang hindi na magsalubong pa ang mga mata nila ni Mike. Pinauna na ni Dan si Mike maglakad at sumakay sa may terminal ng dyip, mas pipiliin ni Dan na ma-late sa klase kesa naman magkasabay at makatabi niya pa si Mike na mukhang desidido parin na itakwil siya bilang kaibigan. Ito ang isa pang nagbago sa kanilang dalawa. Simula nung umaga na iyon matapos ang unang linggo nila sa high school ay ni hindi na nagbatuhan pa ng tingin ang dalawa, nung una ay masakit ito para kay Dan pero tiniis niya na lang ito dahil wala narin naman siyang magagawa. Nagsimula ng maglakad si Dan patungo sa terminal ng dyip nang makita niyang nakasakay na at nakaalis na ang sinasakyan ni Mike.
“Danny,
wait!” agad natigilan si Dan sa paglalakad ng marinig niya ang
pagtawag sa kaniya ng kaniyang Tita Brenda.
“Hi,
Tita Brenda.” nakangiting bati ni Dan sa ina ni Mike nang
magkaharap ang mga ito.
“Hey
Danny, buti na lang naabutan kita. Can you hand this to Mike? He left
in a hurry and he forgot it on the way out. I'll be home late and I
need him to have his phone when I check up on him later.” balik
naman ni Brenda sabay abot ng cellphone kay Dan na nagaalangan na
kuwanin ito pero hindi na ito binigyan pa ng pagkakataon ni Brenda na
tumanggi dahil mabilis na itong nakapasok sa kanilang bakuran, walang
duda na nagmamadali rin dahil mahuhuli narin ito sa trabaho.
Nang makarating na sa kanilang skwelahan si Dan ay agad niyang napansin na unti-unti nang pumapasok ang mga estudyante sa kani-kanilang silid aralan bilang tanda na nag-ring na ang unang bell sa umagang iyon. Naabutan niya pa si Mike, Mark at Dave na naglalakad sa hall na tila sila ang may-ari nito, nagmamadaling naglakad si Dan papalapit kay Mike upang ibigay na ang telepono nito pero agad siyang natigilan nang makita niya ang pag-bunggo ni Mike at Mark sa isa pa nilang ka-batch na madalas pag-initan ng mga siga dahil hindi ito lumalaban o kaya naman umiimik sa tuwing pinagtatampulan ito ng biro. Tila isang tagpo sa isang pelikula ang pag-bagsak ni Martin sa sahig matapos siyang saligin ng mala-batong katawan ni Mike at Mark. Nagkalat ang mga gamit nito sa sahig ng hallway. Imbis tuloy na lapitan niya si Mike upang ibigay ang telepono nito ay nagmadali si Dan papunta sa tabi ni Martin at tinulungan ito patayo. “S-salamat.” nauutal na sabi ni Martin nang makita niyang pinupulot narin ni Dan ang kaniyang mga gamit. Nginitian lang siya ni Dan at wala ng nasabi sa pagitan nilang dalawa kaya naman agad na muling nagpasalamat si Martin at nagpaalam na na pupunta na siya sa kaniyang silid aralan. Ang tagpong iyon ay hindi nakaligtas kay Mike, Mark at Dave na hindi pa mapapansin ni Dan kung hindi pa siya tumayo ng derecho agad. “Danny, papatulong ako sa science project ko ah?!” sigaw ni Dave, dahil sa likas namang mabait si Dan ay tumango na lang ito tatawagin na sana niya si Mike nang mabilis itong tumalikod at pumasok sa isang silid. “Losers are for losers.” bulong ni Mark at sabay na humagikgik kasama si Dave. Naiwang nakatayo sa gitna ng hallway si Dan at inisip kung mas nakabubuti bang ipa-abot na lang kay Mike ang telepono na ibinilin sa kaniya ni Brenda o harapin ito at personal na ibigay ang telepono at saka pagsisihan sa huli ang pagharap niyang iyon kay Mike.
0000oo0000
Nang
oras na para sa lunch break ay balisang hinanap ni Dan si Mike upang
personal na ibigay ang telepono nito. Kung ihahablin pa kasi niya ito
sa iba ay baka lalo pang magkandaleche-leche ang lahat. Nakita niya
si Mike kasama ang madalas nitong mga kasama mag tanghalian at
kinakabahan at nagaalangan parin na lumapit dito.
“Oh
Mikee! Andyan na ang boyfriend mo!” humahagikgik na sigaw ni
Mark nang makitang papalapit sa kanila si Dan.
“Hindi
ko siya boyfriend, Mark!” singhal naman ni Mike kay Mark na
humagikgik lang kasama si Dave sa pagkairitang iyon ni Mike habang
ang iba ay naguguluhan sa nangyayari. Kahit pa narinig ni Dan ang mga
pasaring na iyon ay naglakas loob parin siyang lumapit kay Mike,
bilang pagsunod sa utos ng kaniyang Tita Brenda.
“Mikee---”
wala sa sariling simula ni Danny pero agad iyong pinutol ni Mike.
“Sabi
ko naman sayo wag mo na akong tawaging Mikee, diba? It's Mike not
Mikee!” singhal ni Mike agad na nagbaba ng tingin si Dan sa hiya,
naunahan kasi siya ng kaba kaya't ang pambatang tawagan nila ang
naitawag niya sa huli.
“M-Mike,
uhmmm p-pinapa-abot ni Tita, naiwan mo raw.” nakayukong sabi ni
Danny sabay abot ng cellphone ni Mike. Halos hablutin ni Mike ang
telepono mula sa kamay ni Dan, hindi alam ni Mike kung bakit bigla na
lang siyang nainis ulit kay Dan, ang alam niya lang ay hindi na sila
pareho ngayon, sikat na siya habang si Dan naman ay talunan isang
ebidensya nito ay ang pagsunod nito sa gusto ni Dave, igagawa ni Dan
ng project si Dave kahit pa wala siyang makukuwa kapalit, kung para
kay Dan ay pagpapakita ito ng kabaitan para kay Mike ay pagpapakita
ito ng pagiging talunan, isang kahinaan. Nakayukong tumalikod si Dan
at naglalakad na palayo sa grupo nila Mike, hindi pa man ito lubusang
nakakalayo ay muling nagpasaring si Mark.
“I
don't know why you still talk to that retard!” sabi ni Mark sabay
hagikgik, halatang gusto iyong iparinig kay Dan dahil hindi ito
nagabalang hinaan ang boses. Samantalang ang iba na asa lamesa na
kasama nila ay hiyang hiya sa kinikilos nito.
“I
can't understand it myself. Di ko nga alam kung bakit naging kaibigan
ko pa yan eh! The dude is such a loser!” sagot naman ni Mike na
ikinahagikgik ni Mark at Dave ngunit ikinagulat ng iba pang andun,
nais sanang hinaan ni Mike ang boses para hindi iyon marinig ni Dan
pero malakas ding iyon na lumabas sa kaniyang bibig na nakapagpatigil
kay Dan sa paglalakad, saglit siya nitong nilingon.
Kahit
pa matagal ng hindi naguusap ang dalawa ay ni minsan naman ay hindi
narinig ni Dan na patamaan siya ng insulto ni Mike, madalas si Mark o
kaya paminsan-minsan si Dave ang nagpapasaring sa kaniya pero hindi
si Mike. Namanhid ang buong katawan ni Dan sa sobrang tindi ng sakit
at sa mga narinig niya iyon ay tila ba sumuko ng ang kaniyang puso na
makaramdam pa ng sakit. Mas masakit pa ito kesa sa sakit na
naramdaman niya noong literal na sabihin nito ang tungkol na tapos na
ang kanilang pagkakaibigan noong unang linggo pa lang nilang
nakatung-tong sa highschool may tatlong taon na ang nakakalipas.
Agad
naman na kinilabutan si Mike nang makita niyang narinig ni Dan ang
kaniyang mga sinabi at nang lingunin siya ni Dan at makita niya ang
mga mata nitong unti-unti nang napupuno ng luha at sakit na
nararamdaman ay tila dinagukan siya ng pagkakataon at ipinamukha sa
kaniya na mali ang kaniyang ginagawa.
Naalala
ni Mike ang tingin na iyon, yun din ang tingin na ibinigay sa kaniya
noon ni Dan nang sigawan niya ito noong una silang nagkakilala, nang
ayaw nitong makipaglaro sa kaniya.
“Ayaw
ko sayo! Ayaw mong makipaglaro sakin saka ayaw mong ipahiram ang
laruan mo!”
Tila
naman may sumipa kay Mike at may kumurot sa kaniyang puso. Tila
isinampal ng kahapon kay Mike ang alok niyang pakikipagkaibigan noon
kay Dan. Nakita niya kung pano malayang tumulo ang mga luha ni Dan na
siya namang lalong nakapag-pabigat sa kaniyang nararamdaman. Sa
tatlong taong pag-aaral nila ng high school ay nakalimutan niya na
importanteng bahagi ng buhay niya si Dan, ilang beses niya na itong
nakikitang kumakain mag-isa tuwing recess at lunch break, naglalakad
mag-isa papasok at pauwi mula sa bahay, nakaupo mag-isa sa tuwing
free period at mag-isa ring nalulungkot sa tuwing pinasasaringan ito
ng kaniyang mga bagong kaibigan.
Tatawagin
na sana ulit ni Mike si Dan nang makita niya itong nagmamadaling
naglakad palayo sa kanila, nagbuntong hininga si Mike, nagpasiyang
kakausapin na lang niya ito pag-kauwi ng bahay sa oras na kumalma na
ito at kapag nakaisip na siya ng dapat sabihin dito.
Itutuloy...
Against
All Odds 2[1]
by:
Migs
Pasensya na sa mahabang pamamahinga ko mula sa pagpopost.
ReplyDeleteMuli inaanyayahan ko po kayo na bumisita sa mga site na ito. Hindi po kayo magsisisi.
http://imbipositive.blogspot.com/
www.darkkenstories.blogspot.com
http://icemicestories.blogspot.com/
http://zildjianstories.blogspot.com/
Marlon Lopez: Salamat! Ngayon lang kita nakita dito ah. :-)
Darkboy13: intay0intay lang saglit, OK? :-) Salamat.
adik_ngarag: sensya na kung nag-abang ka ng matagal, inintay ko muna kasing dumami yung comment eh hindi ata nila nagustuhan kaya wala masyadong nag-comment. Sorry.
Ryval winston: wala pong sched talaga ang chasing pavements when it comes to posting. Kung baga i-po-post ko lang yun kapag may extra time ako.
Rascal: prepare your box of tissue. ;)
robert mendoza: Thanks sa patuloy na pagsubaybay at hindi pananawa sa pagbabasa at pagco-comment. :-)
Jay-Ar: Thanks! :-)
frostking: wait and see. Thanks! :-)
SuperKaid: thanks sa support. Sana hindi ka magsawa, follow my blog if you havn'e yet! Salamat ulit!
Gavi: Thanks!
Ryge Stan: Thanks!
Akosichristian: Haha! Wag masyadong mag-expect. :-)
Edmond: Wait and see if this story is connected. ;)
aR: intay intay lang po para malaman niyo. Hehe.
Lexin: Salamat. Sana sa susunod mong pagbisita i-follow mo na ako. Salamat! :-)
Lawfer: haha! Tinakot ba kita? :-) more kilabot moments to come so be prepared. :-)
Glitterati: Thanks! Promise to manage my time well para sa posting ng updates ko.
Acnologia: Salamat! At sana hindi ka magsawa! :-)
PASENSYA NA SA MATAGAL NA PAGIINTAY AND ENJOY. Comments are very much welcome.
Hehehe..... nice!...:)cant wait 4 d' next chapter ,ur always make ur reader proud of u megz...kanami kaayo....!
ReplyDeleteadik ka migs..bakit naiyak ako sa last part..sakit sa puso sakit talaga.
ReplyDeleteHello po.. kelan naman po kaya ang next chapter po nito?? sana po update agad.. as in ASAP po talaga.. demanding lang po?? cenxa lang po..
ReplyDeletemarc of K.S.A
Hala, nakakatakot nman yang wait ang see mo. T_T
ReplyDeleteSana lng ay masaya ang ending nito. :)
~frostking
Pamilyar si Dan. Hmmnn.
ReplyDeleteAng bigat sa dibdib. I feel for Dan. :(
ReplyDeleteiLike
ReplyDeleteWAHHHHH... may pinaghihigutan? kuya migss!!
ReplyDeleteSORRY ULIT!!!! NAKO ANTAGAL KO NANG D NAPASOK TONG BLOGSITE MO!!!!
BUSY SA BUHAY!
ANYWAY, nice start, medyo gloomy and dark yung aura ng story, parang nanunuod ako ng movie na maulan and medyo madilim, pero i'll hope na things will lighten up. (SANA DI TO MATULAD SA ENDING ng AAO1)
JUST HOPING LANG. pero feeling ko me iyakan nanaman na magaganap nito pag dating ng coming chapters, KEEP UP THE GOODWORK!!
every 6 days lang ba talaga uploading mo? sana bukas na! ahahaha. any way GODBLESS LAGI KUYA, ingat ka sa work mo and alam ko rin busy kaa... so yun be strong and healthy always :3
P.S. You know na lagi naman kitang pinagprapray sana me matinong love life ka na rin ngayon ahahahaha.
P.S.S YUNG CHASING PAVEMENTS MO NAPANO NA?
P.S.S.S magreply ka ng mahaba dito no? ahahaha. INGAT LAGI ULIT AND GODBLESS!!! AND STILL ALWAYS A FAN!!!!
-ichigoXD
Ang sad :( bad si Mike sooo baaad.. nakakainis siya.
ReplyDeleteYung iba diyan magcomment din kayo para ganahan si kuya na ipost yung kasunod na chapter!! nangangati ako sa pag antay eh :/
ahahha.. angkyot...ahaha
ReplyDeleteKuya Migs! sobrang ganda po!! ang bigat agad ng chapter, nakakalungkot..pero ang ganda talaga!
ReplyDeleteang dami agad ngyari sa isang chapter. galing!! makes me want for more.
well done kuya Migs.
Sana po walang mamatay sa ending.
hehe ending agad ang usapan.
You never fail to amuse me migs,
ReplyDeletekudos for this one..
may kasunod na sana agad.. ^_^
Hey migz grabe chapter 1 palang overwhelming na can't wait to read the next chapter. hope to read it soon.
ReplyDeleteteecee always and keep on writing......
On a millionth thought, kahit wala na 'tong connect sa ibang series mo. (Biglang kambyo eh, LOL)
ReplyDeleteNakakadala yung first chapter. At least may context na yung mga kaganapan sa prologue. And mukhang malaki ang roles nung 2 nanay.
Sa dami ng mga kaganapan sa opening salvo, I wonder kung gaanong kalaking apoy ang magagawa nitong series mo. =)
- Edmond
migs, I was moved by this chapter!!!
ReplyDeletevery emotional to.... grabe, galing mo kasi naging sobrang affected ako sa pambubully nila kay Dan! lalo tuloy akong naging atat mabasa yung next chapter! pakibilisan mo naman ang pag post migs. simula pa lang pero nagustuhan ko na tong bago mong story.
back to back chapter naman dyan!!! hahahahahah
thanks, migs!
Author MIgs!1
ReplyDeleteSobrang SULIT tonh chapter 1, ansipag mo magsulat ngyon haha or maybe maliit lang yung font neither the two, masaya ako dahil may bagong chapter na ulit,haha nakaktuwa, parang story nila igi at josh,
Sana iwasan na niya si mike and had the conviction to stand up and change,it's time for the Revenge of the Dork! haha
keep it up po sa mga story :D
-aR
very much impressive! :o
ReplyDeletekwawa c dan :(
peo ms kwawa aq pg nlagyan m pa ulit ng buhay na dugo ung kwento x.x wah!
Waaa. Migs ang galing galing neto. Natuwa ako sa "fwend" naalala ko si Liam. Hehe
ReplyDelete2nd part na po. Sana wag muna sila tumanda! :D
migs magaling ka talagang magsulat. sa mga nirereto mong mga blogs ng iba, di ko pa rin mai compare yung style mo sa paggawa ng stories. Yung style mo kasi is yung tipong maghahanap ka talaga ng karugtong, kasi medyo detailed yung pagkakadescribe mo sa mga emotions kaya nafefeel din namin na nagbabasa yung damdamin ng character. nakakarelate. di kopagpapalit blog mo sa iba. malinis. kung may sensual man na part, hindi naman malaswa ang pagkakadescribe. bat di mo i try mag publish. ang galing mo.
ReplyDeleteumpisa plang npakaganda na, kaya kaabang abang ang mga susunod na update. keep it up frend.
ReplyDeletehaha..naiyak din ako grabe gnda..saby pa rin po ba to sa timeline ng ibang stories?ibang martin po ba to??at yubg namutla si dan??may karamdaman po ba sya na malala??thnx po sa storie kuya migz
ReplyDelete-M
ANG GANDA !!!!!!!!!!
ReplyDeleteDi ko expected na may pangalawang sequel tong against all odds,
It's been 9 months nang huli akong paiyaking ng story na'to, at tingin ko mauulit nanaman yun ngayon ..
But for sure, kahit di pa ending maiiyak na ko !
-- A D A N
well, what's new Migs? nadala nanaman ako sa bagong story na to! and you never fail to impress all your readers... keep it up =)
ReplyDelete- Lance
Ito ang pinaka iniyakan Kong story ever in my entire life so far... Grabe sa bigat ang bawat eksena... Especially kasi friendship ang unang part especially sa part nun sa canteen... Kung saan may pinaabot ang mama Ni mike Kay danny para Kay mike at ng laitin nila so Danny at mangilid luha siya may gad talaga at yung umuwi syang nangingilid luha habang Basa ng ulan .. May gad the confrontation... :)
ReplyDelete-jb