Halaga 2
DISCLAIMER:
The following is a work of fiction. Any similarities to any written
works and any person, living or dead are purely coincidental. The
story is intended for a mature audience. It may contain profanity and
references to gay sex. If this offends you, please leave and find
something more suitable to read. The author maintains all rights to
the story. Do not copy or use without written permission. Email the
author at miguisalvador@yahoo.com
for comments, suggestions and violent reactions in pertaining to this
blog and the stories that comes along with it.
Wala
sa sarili kong isinara ang aking mga kamao, hinahanda ang mga ito
upang sumuntok sa kahit ano mang parte ng katawan ni Baste. Ito ang
iniiwasan ko, ang makipagbugbugan kay Baste, alam kong may masasaktan
at masasaktan sa aming dalawa. Iyon ang isang bagay na hindi namin
ginawa ni minsan sa buong pagkakaibigan namin. Kaya hindi ko
maiwasang malungkot. Nagpakawala ako ng isang malalim na hininga at
inihanda ang aking sarili sa malakas na suntok ni Baste.
Pero hindi malakas na suntok ang
nakapagpamulat sa aking mga mata kundi ang marahang pagtampal sa
aking kanang pisngi. Naabutan ko ang nakanguso at nakakunot noong si
Baste, naniningkit din ang mga mata nito, bagay na ginagawa niya lang
sa tuwing may ginagawa akong hindi niya nagugustuhan.
“What the fuck are you doing
here?!” naiiritang tanong nito. Natigilan pa ako bago ako sumagot.
“---uhhhmmm playing basketball?”
sarkastiko kong sagot dito.
“I KNOW!”
“Eh bakit nagtatanong ka pa?!”
“Because we're not supposed to
play basketball today! It's thursday you fucking moron!” singhal
nito. Nung una ay hindi ko nagets ang punto nito pero nang ma-realize
ko ang gusto nitong sabihin ay agad akong nagbaba ng tingin.
“I'm stressed out kaya ako
pumunta dito at naglaro.”
“And you didn't tell me?!”
singhal nito.
“Bakit ako magsasabi sayo ediba
hindi na tayo magkaibigan!?” singhal ko dito na ikinakunot nanaman
ng noo ni Baste. Ngayon siya naman ang naguluhan.
“Sinong magaling naman ang
nagsabi sayo niyan?!”
“This fucking bruise you so
kindly punched onto my face said so!” galit kong balik dito. Agad
na binalot ng pagaalala ang mukha ni Baste.
“Well---uhhmmm-- you made me do
it!” nagaalangang balik ni kumag.
“What the fuck made you think
that I wanted to be punched in the face?!” singhal ko ulit dito.
“You kept a secret from me! We
agreed that we won't be having any secrets!” muling lumakas na
balik nito. Agad na natunaw lahat ng galit ko.
“So you're not mad at me because
I'm gay but because I kept a secret from you?” marahan kong tanong
dito na halos pabulong na na agad ikinakalma din ni Baste. Nagulat pa
ako na narinig pa ni Baste ang sinabi kong iyon, dahil halos pabulong
na ito.
“Look, I don't care if you want
to suck cocks rather than lick pussies---”
“Baste!!!” nangingiti kong
saway dito na ikinangiti din ni loko, lumingon lingon din ako dahil
baka naman may nakarinig at maeskandalo sa sinabing iyon ni Baste.
“What made me punch you is that
you kept this from me for only God knows how long.” parang bata
nitong pagamin sa akin na ikinangiti ko at ikinabunot ng isang
napakalaking tinik sa aking puso.
Mariin kong tinignan si Baste
habang nagpapasalamat na isang maliit na hindi pagkakaintindihan lang
ang nangyari at hindi nawala si Baste sa buhay ko. Tumingin din ito
sakin at nagpakawala ng isang kwelang ngiti na madalas kong makita sa
mukha ni Baste, isa sa mga ngiti nito na gustong gusto ko.
“Besides--- I think you're just
confused.” simula ni Baste na agad bumura sa ngiti ko.
“---I have this really good
porn. I can lend it to you. I'm sure you'll be back to being straight
in no time.” napanganga ako sa sinabing ito ni Baste at nang
makabawi na ako sa gulat ay agad ko itong sinuntok sa braso.
“WHAT?!” seryosong tanong nito
sabay nangunot ang noo, walang duda na naguguluhan ito sa biglaan
kong pagsuntok sa kaniya.
“Di ako confused lang! Sigurado
ako---” simula ko dito.
“How can you be so sure?!”
nakangisi at taas kilay nitong balik sakin na tila ba hinahamon akong
patunayan na lalaki din ang gusto ko.
“Because I just had sex with
your--- w-with s-some boy 10 months ago and I loved it!” balik ko
dito na ikinanganga nito dahil sa gulat.
“What the fuck?!” malakas na
saad nito sabay haklit sa batok ko.
“ARAYYYY!” sigaw ko dito.
“Ilang sikreto pa ang dapat kong
malaman?!” naniningkit mata nitong tanong sakin.
“Uhmmm--- medyo marami pa.”
simulang pagamin ko na ikinainis nito.
“I can't believe you!”
“I'm sure you don't want to know
some of them.” nahihiya kong saad dito sabay yuko. Napansin siguro
ni kumag ang hindi ko pagiging kumportable sa aming usapan kaya
nagpakawala na lang ito ng isang malalim na hininga.
“Fine tell me everything when
you're ready.” saad nito sabay akbay sakin at giniya ako palabas ng
court. Malapit na kami makalabas ng court ng biglang tumalikod si
Baste.
“Hey Dabbie pakibato naman yung
bola oh.” sigaw ni Baste kay Dambuhala na ahad na tumili at hirap
na hirap na ipinasa ang bola kay Baste.
“Thanks!”
“What did you call her?”
“Dibbie. Nickname niya yun.
Whole name niya yung Dabiana Dalita.”
“Oh? Akala ko Dambo? Dambuhala?”
wala sa sarili kong saad na ikinatawa ng malakas ni Baste.
“Gago ka talaga!” saad nito
sabay dagok sakin. Napahagikgik na lang din ako.
“So about that porn I was
talking about earlier---” simula nanaman ni Baste.
“No!”
“Oh c'mon, Nics!”
At ganun ganun lang bigla
nanamang nagiba ang mood ko at bumalik kami sa dati ni Baste na
parang wala akong ipinagtapat na mabigat bigat dito.
“I can't believe na palalagpasin
mo yung opportunity to watch good porn! And what the heck were you
thinking playing basketball on a thursday!” seryoso at umiiling na
saad ni Baste habang nakaakbay sakin na ikinangiti ko na lang.
000ooo000
Lumipas pa ang ilang araw at
kinailangan ko nadin umalis para may oras pa akong magayos sa dorm
bago magsimula ang pasukan, pinuntahan ko si Baste sa bahay nila pero
hindi ko ito nakita doon. Hindi ito basta na lang umaalis ng hindi
nagsasabi, sabi nga ng mga magulang namin, magkadikit na ang sikmura
namin kaya naman ang hindi nito pagpapaalam sakin kung san siya
pupunta ay nagsasabing may kakaibang nangyayari.
“Tita asan po si Baste?”
tanong ko sa ina nito nang maabutan ko itong nagdidilig ng halaman sa
bakuran nila.
“Ewan ko lang kung asan yung
batang yun pero nakita ko siya kanina na may dalang bola eh baka as
basketball court nanaman. Favor naman, Nico kapag nakita mo sabihin
bago maggala linisin niya muna yung kwarto niya. Salamat.” tuloy
tuloy na sabi ng ina ni Baste kaya naman nagpaalam na lang ako na
susundan ko na si Baste para masabi nadin ang pinapasabi niya.
Nang makarating ako sa covered
court ng aming subdivision ay naabutan ko si Baste na kinakausap si
Dabbie. Agad na nangunot ang noo ko, iniisip ko na kung ano marahil
ang pinaguusapan ng dalawa, hindi nagtagal ay dumapo sakin ang tingin
ni Dabbie, ngumiti ito at kumaway sakin na siyang sinundan ni Baste,
pero hindi tulad ni Dabbie ay hindi ito kumaway sakin at hindi ito
ngumiti, bagkus ay yumuko pa ito, kinawayan ako ni Dabbie para
lumapit.
“Hi Dabbie!” bati ko kay
Dabbie na agad naman akong nginitian.
“Malungkot yung kaibigan mo.”
nakangiting saad sakin ni Dabbie nang magkalapit kami.
“Bakit nanaman daw?” umiiling
kong tanong kay Dabbie.
“Aalis ka na daw kasi.” sagot
ni Dabbie na ikinatigil ko sa paglalakad. Muli kong tinignan si Baste
at nakita ko itong nakanguso na parang bata na pinagdamutan ng candy.
Hindi ko mapigilang mapangiti.
“Oi kumag! Nalulungkot ka daw
kasi aalis na ako sabi ni Dabbie?!” panimula ko, nagtaas ng tingin
si Baste at naningkit ang mga mata nito.
“Sus! Boktir yang si Dabbie eh!”
balik ni Baste, as usual, tinatago ang totoo niyang nararamdaman.
“Sus! Aminin mo na kasi!” saad
ko dito sabay bato ng basketball.
“Di ah.”
“Typical.” bulong ko sabay
iling.
000ooo000
“Aalis ka na lang din talunan ka
parin.” saad ni Baste sabay akbay sakin habang naglalakad kami
papalapit sa sasakyan namin bago ako umalis papuntang Maynila.
“Naawa kasi ako sayo. Mawawalan
ka na nga ng best friend tapos tatalunin pa kita, kaya ayun---”
humahagikgik kong sabi pero nagulat na lang ako nang bigla nitong
haklitin ang batok ko.
“Gago!” saad nito pero bago ko
pa ito masagot ay agad na ako nitong niyakap ng mahigpit na sobra
kong ikinagulat.
“Ingat ka don ah. Mami-miss
kita.” saad ni Baste na talaga namang nakapagpatameme sakin. Ngayon
lang nagpakita ng emosyon si Baste sa buong buhay naming magkakilala
kaya naman nagulat talaga ako.
Hindi na ako nakapagsalita kaya
niyakap ko na lang din siya ng mahigpit.
000ooo000
Nagpakawala ako ng isang malalim
na buntong hininga. Nasa harapan ko ngayon ang apartment na nakasulat
sa maliit na papel na halos matunaw na sa sobrang pagkabayuot. Kung
sa bagay magiisang taon nadin ang nakalipas simula nung ibinigay sa
akin ang papel na iyon. Halos di ko na nga mabasa ang nakasulat doon.
“This
is my address sa Manila. Find me when you get there. Ipagpatuloy
natin 'to.”
Di
parin ako makapaniwala na gagawin ko ito pero sa tuwing maaalala ko
ang huli niyang sinabi sakin bago siya umalis may isang taon na ang
nakakaraan bago siya pumunta dito sa Maynila upang magaral ay hindi
ko mapigilan ang sarili ko na lakasan ang aking loob at puntahan
siya.
Muli akong nagpakawala ng isa
pang malalim na buntong hininga, tinaas ang aking kanang kamay at
kumatok sa nakasaradong pinto sa aking harapan. Walang nagbukas ng
pinto at wala akong narinig na kahit marahang kaluskos sa likod nito
kaya naman bagsak balikat akong tumalikod at aalis na sana nang
biglang bumukas ang pinto.
“Masyado pang maaga! Sino ka
ba?!” singhal ng isang lalaki. Napatigil ako sa paglalakad palayo
mula sa apartment na iyon. Kilala ko ang boses na iyon. Iyon ding
malamig at malalim na boses na iyon ang nagsabi ng mga bagay na...
“Baby
Boy!”
“Kuya
Gab, stop calling me that! Di na ako baby no!”
“Baby boy?” saad nito habang
dahan dahan akong humaharap dito. Napako ako sa kinatatayuan ko nang
makita ko ang pamilyar nitong mukha. Pamilyar pero sobrang iba.
Malaki na ang pinagbago nito. Mas
lalo itong tumangkad mula sa dati kong pagkaaalala, mas lalong lumaki
ang katawan na sigurado kong alaga na ngayon sa gym, nawala na ang
itsurang boyish nito at nagmature. Nagiba na ang style ng buhok nito
at sumunod na sa uso at ang dating makinis nitong mukha ay medyo
nababalot na ngayon ng five o'clock shadow na lalong nagpasexy dito.
Lalaking lalaki ang dating.
Mas lalo itong gumwapo. Hindi ko
mapigilang sabihin sa aking sarili na, hinding hindi ako magsasawa na
titigan ang mukha nito tulad noong mga bata pa kami.
“We
just had sex. Hindi ka pa ba nagsasawa na titigan ako kaya pati sa
pagtulog ko pinapanood mo ako?”
“I
like watching you sleep.”
“Andami
mong alam.”
“That's
because I love you.”
“Kamusta?” tanong nito sabay
ngiti. Hindi parin ako makasagot dahil hindi parin ako makapaniwala
sa mga nangyayari. Isa sa mga dahilan kung bakit hindi ko magawang
kumatok agad sa pinto ni Gab kanina ay dahil iniisip ko na baka hindi
na ako nito magustuhan at nakalimutan na ako nito o kaya naman ay may
iba na itong gusto. In short nagaalangan ako sa kung ano man ang
kalalabasan ng pagpunta ko doon.
Pero nginitian ako ni Gab at
sinalubong na tila ba walang nagbago sa aming dalawa.
Ngiti na siyang nagturo sakin ng
totoo kong pagkatao. Ngiti na siyang nagturo sakin magmahal. Wala sa
sarili akong napangiti din, simula noon ay bumalik na ang lakas sa
aking mga paa kaya naman agad na akong lumapit kay Gab, nagulat na
lang ako nang bigla ako nitong niyakap. Nanlambot muli ang aking mga
paa, hindi ko inaasahan na siya pa ang unang yayakap sakin.
“I
love you too, baby Boy. I love you too.”
“Anong ginagawa mo dito, Nico?”
tanong nito sakin nang pakawalan ako nito mula sa mahigpit nitong
yakap at halos ipagtulakan ako papasok sa apartment niya.
“I got accepted here.” makling
kong sagot, nahihiya padin ako dito kaya naman matipid ang sagot ko.
lalo lang itong ngumiti habang inaayos ang mga nakakalat na uniporme
at libro sa loob ng kaniyang apartment.
“Scholarship?” tanong niya na
sinagot ko naman ng simleng pagtango habang tinitignan ang kabuuan ng
kaniyang apartment. Makalat ang apartment, tipikal para sa isang
estudyante na namumuhay ng magisa pansamantala.
“Sabagay, isa ka sa
pinakamatalinong tao na nakilala ko.” saad parin nito sabay gulo sa
aking buhok na tila ba excited na excited na makita ako na ikinagalak
ko naman.
“Anong kukuwanin mo?” tanong
nito sabay alok sakin ng maiinom mula sa maliit na kusina sa likod ng
maliit na sala.
“BS Bio.” sagot ko na
ikinatango naman ni Gab.
“Pre-Med?” tanong niya muli na
ikinangiti ko. Alam niya na gusto kong maging duktor noon pa kaya
naman alam kong inexpect na niya iyon.
“So--- are you still on the---”
“Basketball scholarship. Yeah.
Medyo tumatagilid nga lang for next year.”
“What do you mean?” tanong ko
dito, umiling lang ito at ngumiti.
“Never mind about me. Magkwento
ka naman, tagal na kitang di nakausap eh--” pagiiba nito ng topic.
Agad ko naman pinaunlakan ang request nito, at nagkwento ng
nagkwento.
Sa loob ng ilang oras ay
nakahabol kami buhay ng isa't isa kahit na halos ako lang ang
nagkwento pero sa kabila non ay hindi naman nawala ang ngiti sa mukha
ni Gab, pakiramdam ko ay bumalik sa dati ang lahat nung hindi pa siya
lumuluwas papuntang Maynila, pakiramdam ko ay di ko na kailangang
mangamba pa sa pagiiba ng pagtingin sakin ni Gab. Kampante ako na
maipagpapatuloy nga namin ang kung ano mang naudlot noon.
“Where are you staying here in
Manila? Hatid na kita.” alok ni Gab nang halos wala na akong
maikwento pa sa kaniya.
“Hindi na, I'm sure marami ka
pang gagawin at sobra na akong nakaistorbo. Malapit lang naman dyan
lang sa kabilang kanto.” nakangiti ko nading sagot.
“Sure ka?” tumango lang ako
habang naglalakad palabas ng apartment nito.
“OK. See you later baby boy.
Magtext ka ha?” saad nito nang maihatid na ako sa labas ng kaniyang
apartment. Hindi ko mapigilang mapangiti ng malaki. Hindi ko
maiwasang isipin na nagbunga ang aking pagiintay at pagtitiis.
Hanggang makauwi ako sa aking
inuupahang dorm ay hindi parin nabubura sa aking mukha ang
napakalaking ngiti na iyon pero hindi ko pa man nabubuksan ang pinto
sa dorm ko nang agad iyong nawala. Nakasandal sa pinto ng aking dorm
ang pamilyar na makapal na buhok, ang makinis na mukha at ang
malaking katawan ng tulog na tulog na si Baste. Natawa ako nang
makita ko ang nakanganga nitong bibig at tumutulong laway, kitang
kita ko ang pagod sa mukha at katawan nito.
“Baste?” wala. Tulog parin.
“BASTE!” sigaw ko dito, agad itong tumayo mula sa pagkakasalampak
at nagpalingon lingon dahil sa sobrang gulat.
“Wha--?! Oh hey, Nics! Uhmmm
errr--- surprise?” tila ba nagaalangan nitong saad sabay ngiti
habang natutuyo ang kanina lang na tumutulong laway sa pisngi nito.
Hindi ko napigilan ang mapatawa
na ikinahagikgik na lang din ni loko.
Itutuloy...
Halaga
2
by:
Migs
Hi guys! new series. a stand alone po. Sorry for the best friend plot again, alam ko napaka cliche ng plot but please give the story a chance. haha! salamat sa patuloy na pagsuporta. COMMENTS please. It gets me going... :-(
ReplyDeleteExciting! Ang cute nilang dalawa!
ReplyDeleteWow! galing exciting...
ReplyDeleteRed08
Awwwww. New story from my daddy idol.
ReplyDeleteWow new story!!! Thanks for not getting tired of writing new masterpieces.
ReplyDeleteMacky
Hehe so may surprise surprise pa c baste hehhe.. di kaya wmala ang bestfren
ReplyDeletewahhhhh...bat ganun...kinikilig ako...NICO <3 BASTE....bubuo ng fanclub ng dalawang yan....
ReplyDeleteWow cute nitong bagong series (and i think first tagalog title to and back to POV tau)
ReplyDeleteFeeling ko di sila magkakatuluyan..gusto ni baste si nico pero hanggang frendship lang si nico..feeling ko lang ha
Theresellama
The typical bestfriend plot is nice to read. Nakakakilig po kaya. Haha. Happy New Year po Mr. author! ^___^
ReplyDeleteI like this one already.. Hopefully, sila ang magkatuluyan author.. Hehehe.. Ang aga ba ng apela?.. Keep writing and keep up the excellent work..
ReplyDeleteContinue writing Migs! Galing mo pa din! Looking forward for this story!
ReplyDelete-dilos
Love triangle!!!!! Ang galing! I thought the setting was somewhere in the past at SI Dabbie at si Ate Cha but it mentioned Magnum so I realized Mali pala ako plus the real name of D.Dalita. Baka SI DD pa ang nakakaalam ng true persona/feelings ni Baste #assumeroAKo
ReplyDeleteAnyways, happy 2016 sir MIGs and I'll be following this new story of urs. Be safe.
~maharett
Hey sir MIGs... I really miss your stories... May bago na ulit ... Ye hey .. Sure akong iiyak na naman ako at maha heart broken n nmn ako! Hihihihi...
ReplyDelete-JB:)
whooooooah! hahaha! salamat sa bagong series kuya kakatapos lang prelims ko at eto bumungad sakin haha! -Nixon
ReplyDeletesorry for being a silent reader pala. will comment as much as I can for the next chapters haha! galing mo padin! It has been four years na ba since nagkakilala tayo? haha! Salamat sa wlang sawang pagsusulat at pagbibigay kilig samin. Hi daw mula ky Vin and yeah more than 3 years na pala kami. haha! Bilis ng panahon noh? ��
-Nixon
chapter 1 ang laki laki ng ngiti ko pero nung sinuntok ni Baste si Nico, nag skip ako dun at nag open ng chapter two at nagbasa. Na relieved, nagbalik sa chapter one at tinapos basahin Hahaha XD
ReplyDeleteANG GALING MO PA RIN SIR MIGS!
Neb
ReplyDeleteThis site is excellent and so is how the subject matter was explained. I also like some of the comments too. Waiting for the next post.
Click Here : Used excavator cat-330cl for sale in cheap price