Tuesday, December 29, 2015

Halaga 2

DISCLAIMER: The following is a work of fiction. Any similarities to any written works and any person, living or dead are purely coincidental. The story is intended for a mature audience. It may contain profanity and references to gay sex. If this offends you, please leave and find something more suitable to read. The author maintains all rights to the story. Do not copy or use without written permission. Email the author at miguisalvador@yahoo.com for comments, suggestions and violent reactions in pertaining to this blog and the stories that comes along with it.

Wala sa sarili kong isinara ang aking mga kamao, hinahanda ang mga ito upang sumuntok sa kahit ano mang parte ng katawan ni Baste. Ito ang iniiwasan ko, ang makipagbugbugan kay Baste, alam kong may masasaktan at masasaktan sa aming dalawa. Iyon ang isang bagay na hindi namin ginawa ni minsan sa buong pagkakaibigan namin. Kaya hindi ko maiwasang malungkot. Nagpakawala ako ng isang malalim na hininga at inihanda ang aking sarili sa malakas na suntok ni Baste.


Pero hindi malakas na suntok ang nakapagpamulat sa aking mga mata kundi ang marahang pagtampal sa aking kanang pisngi. Naabutan ko ang nakanguso at nakakunot noong si Baste, naniningkit din ang mga mata nito, bagay na ginagawa niya lang sa tuwing may ginagawa akong hindi niya nagugustuhan.


What the fuck are you doing here?!” naiiritang tanong nito. Natigilan pa ako bago ako sumagot.

---uhhhmmm playing basketball?” sarkastiko kong sagot dito.

I KNOW!”
Eh bakit nagtatanong ka pa?!”

Because we're not supposed to play basketball today! It's thursday you fucking moron!” singhal nito. Nung una ay hindi ko nagets ang punto nito pero nang ma-realize ko ang gusto nitong sabihin ay agad akong nagbaba ng tingin.

I'm stressed out kaya ako pumunta dito at naglaro.”

And you didn't tell me?!” singhal nito.

Bakit ako magsasabi sayo ediba hindi na tayo magkaibigan!?” singhal ko dito na ikinakunot nanaman ng noo ni Baste. Ngayon siya naman ang naguluhan.

Sinong magaling naman ang nagsabi sayo niyan?!”

This fucking bruise you so kindly punched onto my face said so!” galit kong balik dito. Agad na binalot ng pagaalala ang mukha ni Baste.

Well---uhhmmm-- you made me do it!” nagaalangang balik ni kumag.


What the fuck made you think that I wanted to be punched in the face?!” singhal ko ulit dito.


You kept a secret from me! We agreed that we won't be having any secrets!” muling lumakas na balik nito. Agad na natunaw lahat ng galit ko.


So you're not mad at me because I'm gay but because I kept a secret from you?” marahan kong tanong dito na halos pabulong na na agad ikinakalma din ni Baste. Nagulat pa ako na narinig pa ni Baste ang sinabi kong iyon, dahil halos pabulong na ito.


Look, I don't care if you want to suck cocks rather than lick pussies---”


Baste!!!” nangingiti kong saway dito na ikinangiti din ni loko, lumingon lingon din ako dahil baka naman may nakarinig at maeskandalo sa sinabing iyon ni Baste.


What made me punch you is that you kept this from me for only God knows how long.” parang bata nitong pagamin sa akin na ikinangiti ko at ikinabunot ng isang napakalaking tinik sa aking puso.


Mariin kong tinignan si Baste habang nagpapasalamat na isang maliit na hindi pagkakaintindihan lang ang nangyari at hindi nawala si Baste sa buhay ko. Tumingin din ito sakin at nagpakawala ng isang kwelang ngiti na madalas kong makita sa mukha ni Baste, isa sa mga ngiti nito na gustong gusto ko.


Besides--- I think you're just confused.” simula ni Baste na agad bumura sa ngiti ko.


---I have this really good porn. I can lend it to you. I'm sure you'll be back to being straight in no time.” napanganga ako sa sinabing ito ni Baste at nang makabawi na ako sa gulat ay agad ko itong sinuntok sa braso.


WHAT?!” seryosong tanong nito sabay nangunot ang noo, walang duda na naguguluhan ito sa biglaan kong pagsuntok sa kaniya.


Di ako confused lang! Sigurado ako---” simula ko dito.


How can you be so sure?!” nakangisi at taas kilay nitong balik sakin na tila ba hinahamon akong patunayan na lalaki din ang gusto ko.


Because I just had sex with your--- w-with s-some boy 10 months ago and I loved it!” balik ko dito na ikinanganga nito dahil sa gulat.


What the fuck?!” malakas na saad nito sabay haklit sa batok ko.


ARAYYYY!” sigaw ko dito.


Ilang sikreto pa ang dapat kong malaman?!” naniningkit mata nitong tanong sakin.


Uhmmm--- medyo marami pa.” simulang pagamin ko na ikinainis nito.


I can't believe you!”


I'm sure you don't want to know some of them.” nahihiya kong saad dito sabay yuko. Napansin siguro ni kumag ang hindi ko pagiging kumportable sa aming usapan kaya nagpakawala na lang ito ng isang malalim na hininga.


Fine tell me everything when you're ready.” saad nito sabay akbay sakin at giniya ako palabas ng court. Malapit na kami makalabas ng court ng biglang tumalikod si Baste.


Hey Dabbie pakibato naman yung bola oh.” sigaw ni Baste kay Dambuhala na ahad na tumili at hirap na hirap na ipinasa ang bola kay Baste.


Thanks!”


What did you call her?”


Dibbie. Nickname niya yun. Whole name niya yung Dabiana Dalita.”


Oh? Akala ko Dambo? Dambuhala?” wala sa sarili kong saad na ikinatawa ng malakas ni Baste.


Gago ka talaga!” saad nito sabay dagok sakin. Napahagikgik na lang din ako.


So about that porn I was talking about earlier---” simula nanaman ni Baste.


No!”


Oh c'mon, Nics!”


At ganun ganun lang bigla nanamang nagiba ang mood ko at bumalik kami sa dati ni Baste na parang wala akong ipinagtapat na mabigat bigat dito.


I can't believe na palalagpasin mo yung opportunity to watch good porn! And what the heck were you thinking playing basketball on a thursday!” seryoso at umiiling na saad ni Baste habang nakaakbay sakin na ikinangiti ko na lang.


000ooo000


Lumipas pa ang ilang araw at kinailangan ko nadin umalis para may oras pa akong magayos sa dorm bago magsimula ang pasukan, pinuntahan ko si Baste sa bahay nila pero hindi ko ito nakita doon. Hindi ito basta na lang umaalis ng hindi nagsasabi, sabi nga ng mga magulang namin, magkadikit na ang sikmura namin kaya naman ang hindi nito pagpapaalam sakin kung san siya pupunta ay nagsasabing may kakaibang nangyayari.


Tita asan po si Baste?” tanong ko sa ina nito nang maabutan ko itong nagdidilig ng halaman sa bakuran nila.


Ewan ko lang kung asan yung batang yun pero nakita ko siya kanina na may dalang bola eh baka as basketball court nanaman. Favor naman, Nico kapag nakita mo sabihin bago maggala linisin niya muna yung kwarto niya. Salamat.” tuloy tuloy na sabi ng ina ni Baste kaya naman nagpaalam na lang ako na susundan ko na si Baste para masabi nadin ang pinapasabi niya.


Nang makarating ako sa covered court ng aming subdivision ay naabutan ko si Baste na kinakausap si Dabbie. Agad na nangunot ang noo ko, iniisip ko na kung ano marahil ang pinaguusapan ng dalawa, hindi nagtagal ay dumapo sakin ang tingin ni Dabbie, ngumiti ito at kumaway sakin na siyang sinundan ni Baste, pero hindi tulad ni Dabbie ay hindi ito kumaway sakin at hindi ito ngumiti, bagkus ay yumuko pa ito, kinawayan ako ni Dabbie para lumapit.


Hi Dabbie!” bati ko kay Dabbie na agad naman akong nginitian.


Malungkot yung kaibigan mo.” nakangiting saad sakin ni Dabbie nang magkalapit kami.


Bakit nanaman daw?” umiiling kong tanong kay Dabbie.


Aalis ka na daw kasi.” sagot ni Dabbie na ikinatigil ko sa paglalakad. Muli kong tinignan si Baste at nakita ko itong nakanguso na parang bata na pinagdamutan ng candy. Hindi ko mapigilang mapangiti.


Oi kumag! Nalulungkot ka daw kasi aalis na ako sabi ni Dabbie?!” panimula ko, nagtaas ng tingin si Baste at naningkit ang mga mata nito.


Sus! Boktir yang si Dabbie eh!” balik ni Baste, as usual, tinatago ang totoo niyang nararamdaman.


Sus! Aminin mo na kasi!” saad ko dito sabay bato ng basketball.


Di ah.”


Typical.” bulong ko sabay iling.


000ooo000


Aalis ka na lang din talunan ka parin.” saad ni Baste sabay akbay sakin habang naglalakad kami papalapit sa sasakyan namin bago ako umalis papuntang Maynila.


Naawa kasi ako sayo. Mawawalan ka na nga ng best friend tapos tatalunin pa kita, kaya ayun---” humahagikgik kong sabi pero nagulat na lang ako nang bigla nitong haklitin ang batok ko.


Gago!” saad nito pero bago ko pa ito masagot ay agad na ako nitong niyakap ng mahigpit na sobra kong ikinagulat.


Ingat ka don ah. Mami-miss kita.” saad ni Baste na talaga namang nakapagpatameme sakin. Ngayon lang nagpakita ng emosyon si Baste sa buong buhay naming magkakilala kaya naman nagulat talaga ako.


Hindi na ako nakapagsalita kaya niyakap ko na lang din siya ng mahigpit.


000ooo000


Nagpakawala ako ng isang malalim na buntong hininga. Nasa harapan ko ngayon ang apartment na nakasulat sa maliit na papel na halos matunaw na sa sobrang pagkabayuot. Kung sa bagay magiisang taon nadin ang nakalipas simula nung ibinigay sa akin ang papel na iyon. Halos di ko na nga mabasa ang nakasulat doon.


This is my address sa Manila. Find me when you get there. Ipagpatuloy natin 'to.”


Di parin ako makapaniwala na gagawin ko ito pero sa tuwing maaalala ko ang huli niyang sinabi sakin bago siya umalis may isang taon na ang nakakaraan bago siya pumunta dito sa Maynila upang magaral ay hindi ko mapigilan ang sarili ko na lakasan ang aking loob at puntahan siya.


Muli akong nagpakawala ng isa pang malalim na buntong hininga, tinaas ang aking kanang kamay at kumatok sa nakasaradong pinto sa aking harapan. Walang nagbukas ng pinto at wala akong narinig na kahit marahang kaluskos sa likod nito kaya naman bagsak balikat akong tumalikod at aalis na sana nang biglang bumukas ang pinto.


Masyado pang maaga! Sino ka ba?!” singhal ng isang lalaki. Napatigil ako sa paglalakad palayo mula sa apartment na iyon. Kilala ko ang boses na iyon. Iyon ding malamig at malalim na boses na iyon ang nagsabi ng mga bagay na...


Baby Boy!”


Kuya Gab, stop calling me that! Di na ako baby no!”


Baby boy?” saad nito habang dahan dahan akong humaharap dito. Napako ako sa kinatatayuan ko nang makita ko ang pamilyar nitong mukha. Pamilyar pero sobrang iba.


Malaki na ang pinagbago nito. Mas lalo itong tumangkad mula sa dati kong pagkaaalala, mas lalong lumaki ang katawan na sigurado kong alaga na ngayon sa gym, nawala na ang itsurang boyish nito at nagmature. Nagiba na ang style ng buhok nito at sumunod na sa uso at ang dating makinis nitong mukha ay medyo nababalot na ngayon ng five o'clock shadow na lalong nagpasexy dito. Lalaking lalaki ang dating.


Mas lalo itong gumwapo. Hindi ko mapigilang sabihin sa aking sarili na, hinding hindi ako magsasawa na titigan ang mukha nito tulad noong mga bata pa kami.


We just had sex. Hindi ka pa ba nagsasawa na titigan ako kaya pati sa pagtulog ko pinapanood mo ako?”


I like watching you sleep.”


Andami mong alam.”


That's because I love you.”


Kamusta?” tanong nito sabay ngiti. Hindi parin ako makasagot dahil hindi parin ako makapaniwala sa mga nangyayari. Isa sa mga dahilan kung bakit hindi ko magawang kumatok agad sa pinto ni Gab kanina ay dahil iniisip ko na baka hindi na ako nito magustuhan at nakalimutan na ako nito o kaya naman ay may iba na itong gusto. In short nagaalangan ako sa kung ano man ang kalalabasan ng pagpunta ko doon.


Pero nginitian ako ni Gab at sinalubong na tila ba walang nagbago sa aming dalawa.


Ngiti na siyang nagturo sakin ng totoo kong pagkatao. Ngiti na siyang nagturo sakin magmahal. Wala sa sarili akong napangiti din, simula noon ay bumalik na ang lakas sa aking mga paa kaya naman agad na akong lumapit kay Gab, nagulat na lang ako nang bigla ako nitong niyakap. Nanlambot muli ang aking mga paa, hindi ko inaasahan na siya pa ang unang yayakap sakin.


I love you too, baby Boy. I love you too.”


Anong ginagawa mo dito, Nico?” tanong nito sakin nang pakawalan ako nito mula sa mahigpit nitong yakap at halos ipagtulakan ako papasok sa apartment niya.


I got accepted here.” makling kong sagot, nahihiya padin ako dito kaya naman matipid ang sagot ko. lalo lang itong ngumiti habang inaayos ang mga nakakalat na uniporme at libro sa loob ng kaniyang apartment.


Scholarship?” tanong niya na sinagot ko naman ng simleng pagtango habang tinitignan ang kabuuan ng kaniyang apartment. Makalat ang apartment, tipikal para sa isang estudyante na namumuhay ng magisa pansamantala.


Sabagay, isa ka sa pinakamatalinong tao na nakilala ko.” saad parin nito sabay gulo sa aking buhok na tila ba excited na excited na makita ako na ikinagalak ko naman.


Anong kukuwanin mo?” tanong nito sabay alok sakin ng maiinom mula sa maliit na kusina sa likod ng maliit na sala.


BS Bio.” sagot ko na ikinatango naman ni Gab.


Pre-Med?” tanong niya muli na ikinangiti ko. Alam niya na gusto kong maging duktor noon pa kaya naman alam kong inexpect na niya iyon.


So--- are you still on the---”


Basketball scholarship. Yeah. Medyo tumatagilid nga lang for next year.”


What do you mean?” tanong ko dito, umiling lang ito at ngumiti.


Never mind about me. Magkwento ka naman, tagal na kitang di nakausap eh--” pagiiba nito ng topic. Agad ko naman pinaunlakan ang request nito, at nagkwento ng nagkwento.


Sa loob ng ilang oras ay nakahabol kami buhay ng isa't isa kahit na halos ako lang ang nagkwento pero sa kabila non ay hindi naman nawala ang ngiti sa mukha ni Gab, pakiramdam ko ay bumalik sa dati ang lahat nung hindi pa siya lumuluwas papuntang Maynila, pakiramdam ko ay di ko na kailangang mangamba pa sa pagiiba ng pagtingin sakin ni Gab. Kampante ako na maipagpapatuloy nga namin ang kung ano mang naudlot noon.


Where are you staying here in Manila? Hatid na kita.” alok ni Gab nang halos wala na akong maikwento pa sa kaniya.


Hindi na, I'm sure marami ka pang gagawin at sobra na akong nakaistorbo. Malapit lang naman dyan lang sa kabilang kanto.” nakangiti ko nading sagot.


Sure ka?” tumango lang ako habang naglalakad palabas ng apartment nito.


OK. See you later baby boy. Magtext ka ha?” saad nito nang maihatid na ako sa labas ng kaniyang apartment. Hindi ko mapigilang mapangiti ng malaki. Hindi ko maiwasang isipin na nagbunga ang aking pagiintay at pagtitiis.


Hanggang makauwi ako sa aking inuupahang dorm ay hindi parin nabubura sa aking mukha ang napakalaking ngiti na iyon pero hindi ko pa man nabubuksan ang pinto sa dorm ko nang agad iyong nawala. Nakasandal sa pinto ng aking dorm ang pamilyar na makapal na buhok, ang makinis na mukha at ang malaking katawan ng tulog na tulog na si Baste. Natawa ako nang makita ko ang nakanganga nitong bibig at tumutulong laway, kitang kita ko ang pagod sa mukha at katawan nito.


Baste?” wala. Tulog parin. “BASTE!” sigaw ko dito, agad itong tumayo mula sa pagkakasalampak at nagpalingon lingon dahil sa sobrang gulat.


Wha--?! Oh hey, Nics! Uhmmm errr--- surprise?” tila ba nagaalangan nitong saad sabay ngiti habang natutuyo ang kanina lang na tumutulong laway sa pisngi nito.


Hindi ko napigilan ang mapatawa na ikinahagikgik na lang din ni loko.


Itutuloy...


Halaga 2
by: Migs

15 comments:

  1. Hi guys! new series. a stand alone po. Sorry for the best friend plot again, alam ko napaka cliche ng plot but please give the story a chance. haha! salamat sa patuloy na pagsuporta. COMMENTS please. It gets me going... :-(

    ReplyDelete
  2. Exciting! Ang cute nilang dalawa!

    ReplyDelete
  3. Wow! galing exciting...


    Red08

    ReplyDelete
  4. Awwwww. New story from my daddy idol.

    ReplyDelete
  5. Wow new story!!! Thanks for not getting tired of writing new masterpieces.

    Macky

    ReplyDelete
  6. Hehe so may surprise surprise pa c baste hehhe.. di kaya wmala ang bestfren

    ReplyDelete
  7. wahhhhh...bat ganun...kinikilig ako...NICO <3 BASTE....bubuo ng fanclub ng dalawang yan....

    ReplyDelete
  8. Wow cute nitong bagong series (and i think first tagalog title to and back to POV tau)

    Feeling ko di sila magkakatuluyan..gusto ni baste si nico pero hanggang frendship lang si nico..feeling ko lang ha

    Theresellama

    ReplyDelete
  9. The typical bestfriend plot is nice to read. Nakakakilig po kaya. Haha. Happy New Year po Mr. author! ^___^

    ReplyDelete
  10. I like this one already.. Hopefully, sila ang magkatuluyan author.. Hehehe.. Ang aga ba ng apela?.. Keep writing and keep up the excellent work..

    ReplyDelete
  11. Continue writing Migs! Galing mo pa din! Looking forward for this story!
    -dilos

    ReplyDelete
  12. Love triangle!!!!! Ang galing! I thought the setting was somewhere in the past at SI Dabbie at si Ate Cha but it mentioned Magnum so I realized Mali pala ako plus the real name of D.Dalita. Baka SI DD pa ang nakakaalam ng true persona/feelings ni Baste #assumeroAKo

    Anyways, happy 2016 sir MIGs and I'll be following this new story of urs. Be safe.

    ~maharett

    ReplyDelete
  13. Hey sir MIGs... I really miss your stories... May bago na ulit ... Ye hey .. Sure akong iiyak na naman ako at maha heart broken n nmn ako! Hihihihi...
    -JB:)

    ReplyDelete
  14. whooooooah! hahaha! salamat sa bagong series kuya kakatapos lang prelims ko at eto bumungad sakin haha! -Nixon

    sorry for being a silent reader pala. will comment as much as I can for the next chapters haha! galing mo padin! It has been four years na ba since nagkakilala tayo? haha! Salamat sa wlang sawang pagsusulat at pagbibigay kilig samin. Hi daw mula ky Vin and yeah more than 3 years na pala kami. haha! Bilis ng panahon noh? ��

    -Nixon

    ReplyDelete
  15. chapter 1 ang laki laki ng ngiti ko pero nung sinuntok ni Baste si Nico, nag skip ako dun at nag open ng chapter two at nagbasa. Na relieved, nagbalik sa chapter one at tinapos basahin Hahaha XD

    ANG GALING MO PA RIN SIR MIGS!

    Neb

    ReplyDelete