Halaga 1
DISCLAIMER:
The following is a work of fiction. Any similarities to any written
works and any person, living or dead are purely coincidental. The
story is intended for a mature audience. It may contain profanity and
references to gay sex. If this offends you, please leave and find
something more suitable to read. The author maintains all rights to
the story. Do not copy or use without written permission. Email the
author at miguisalvador@yahoo.com
for comments, suggestions and violent reactions in pertaining to this
blog and the stories that comes along with it.
Nagsisimula
na akong marindi sa kakatalbog ng bola ng basketball sa pader ng
kwarto ko, bagay na nakahiligan na ng best friend ko na gawin sa
tuwing naboboryo siya habang tumatambay siya sa kwarto ko. Pilit kong
iwinaglit sa aking isip ang nakakarinding tunog na iyon at ibinaling
ko ulit ang aking pansin sa pageempake ng aking mga gamit na sa
palagay ko ay gagamitin ko araw araw habang nasa dorm sa loob ng apat
na taon kong pamamalagi sa Maynila.
“Dapat kasi nagpapahinga muna
tayo kahit isang taon lang--- sobrang hirap kaya nung sampung taon na
solid tayong nagaaral.” saad ni Baste na siyang rumirindi din
sakin. Ilang beses na kasing sinabi sakin ni Baste ang kagustuhan
niyang magpahinga muna bago magkolehiyo na hindi ko sinangayunan
simula pa lang nung una niya itong banggitin sakin.
“Baste---” simula ko pero agad
na ako nitong siningitan sa pagsasalita.
“---Madami
ng pwedeng mangyari sa isang taon mong pagpapahinga---” panggagaya
sakin ni Baste na ikinairita ko. Ito kasi ang simula't sapul kong
isinasagot sa kaniya sa tuwing iminumungkahi niya sakin ang
pagpapahinga
ng
isang taon sa pagaaral.
“Alam mo naman pala ang sagot ko
eh bakit paulit ulit mo pa sinasabi? Saka hindi ka ba nanghihinayang
dun sa isang taon na yun? Anong gagawin mo sa loob ng isang taon?
Saka ayaw mo bang grumadweyt agad?” tuloy tuloy kong tanong dito
habang nirorolyo ang ilang pares ng medyas bago isilid sa bagahe.
“Sus. Andame nanaman po niyang
sinabi.” bulong ng kumag na hindi nakaligtas sakin. Ihinagis ko ang
isang karorolyo lang na medyas sa mukha nito na ikinahagikgik nito
tapos parang wala lang ulit nangyari kasi muli nitong pinatalbog ang
bola sa pader ng kwarto ko na ikinayanig ulit ng buong bahay.
Ang totoo niyan, kung gugustuhin
ni Baste ay makakapasok siya sa kahit na anong unibersidiad na piliin
niya. Noong kumukuwa pa kami ng mga entrance exam (kumuwa siya hindi
dahil gusto niya kundi dahil gusto niya lang sumama sakin) ay halos
lahat ng pinagsulitan namin ay naipasa niya, iba pa ang mga
unibersidad na nag-o-offer sa kaniya ng basketball scholarship.
Tinatamad lang talaga siya.
“Matutulog ako sa loob ng isang
taon. Hindi ka ba napagod kakaaral saka kakapasok nung high school?”
tanong nito sakin na ikinailing ko na lang, hindi ako makapaniwala sa
pagiging immature nito.
Saglit kaming binalot ng
katahimikan. Si Baste parang nagiisip ng malalim habang ako naman ay
abala sa pagikot ikot sa buo kong kwarto upang likumin lahat ng dapat
ko pang dalhin.
“Wala
na akong kasama na magbasketball every M,W,F niyan.” wala sa
sariling malungkot na pagamin ni Baste na ikinagulat ko. Ikinagulat
ko kasi si Baste ang tinatawag nilang “All
Man” at
ang pagpapakita ng kahit na anong emosyon kahit pa sa tono lang ng
pagsasalita nito ay talaga namang nakakagulat lalo na para sakin na
halos buong buhay ko na siyang kilala.
Napansin niya ata ang pagkagulat
ko at biglang pagtigil sa ginagawa ko kaya agad ako nitong tinignan.
“What? It's not like I'm going
to miss you or something.” sarkastiko nitong balik na ikinailing ko
na lang.
“Typical.” bulong ko saka
ipinagpatuloy na lang ang pageempake habang si Baste naman ay muling
pinatalbog ang bola sa pader.
“NICO, HUWAG NIYONG GIBAIN ANG
BAHAY!” sigaw ng nanay ko mula sa kusina na siyang nagpatigil kay
Baste sa ginagawa niya at ikinairap ko naman.
“SI BASTE YUN MA!” depensa ko.
“Sumbungero!” singhal ni Baste
sabay tayo mula sa aking kama at kinonyatan ako.
“AH OK. SIGE LANG BASTE ENJOY KA
LANG!” sigaw ulit ng nanay ko na may halong lambing na ikinairap ko
nanaman.
“Typical.” bulong ko ulit na
ikinahagikgik muli ni Baste pero hindi na niya pinatalbog pa ang bola
sa pader ng kwarto ko.
Humahagikgik si kumag dahil alam
niyang hindi siya papagalitan ng mga magulang ko kahit pa magiba nga
ang buong bahay namin dahil sa kaniya. Alam niyang mahihirapan ang
sino man na magalit o kaya mainis sa kaniya. Likas na charming si
kumag, maliban sa pinagpala si loko sa itsura, ganda ng
pangangatawan, talino at pananalita ay pinagpala din ito sa
departamento ng sense of humor.
“Your mom loves me---”
humahagikgik na saad ni Baste na ikinairita ko ulit.
“Yeah. Everybody loves you.
Can't see why though---” pangaasar ko dito.
Nakatikim nanaman ako ng konyat.
“Pero seryoso Nics, sino na ang
kasama kong tumambay dito kung asa Manila ka na? You're the only one
who knows me at ganun din ako sayo. Sino na ang sasabihan mo ng deep
dark secrets mo? Tayo lang dalawa ang meron nun eh. Walang sikreto
sikreto diba? Alam mo ang baho ko at alam ko din ang baho mo!”
nakangising saad ni Baste na ikinatigil ko ulit sa aking ginagawa.
Napatigil ako kasi hindi totoo
ang huling sinabing iyon ni Baste. Meron akong baho na hindi niya
alam. Bigla tuloy akong na-guilty lalo pa nang maalala ko kung ano
ang pinakatatago tago kong baho na iyon sa aking best friend na
pinangakuan kong wala akong itatagong kahit na ano.
“It's
going to be alright.”
“Gab.”
“Just
one kiss.”
“NICO! Nakikinig ka ba?”
tanong ni Baste na ikinagising ko mula sa bagay na itinatago ko sa
kaniya.
“What?” tanong ko dito na
ikinailing nito.
“Sabi ko diba wala naman tayong
secrets sa isa't isa?! Pano na kung may kailangan akong sabihan ng
isang secret na gusto ko tayo lang dalawa yung nakakaalam, pano na?”
parang batang tanong nito na siyang nangonsensya nanaman sakin.
“Baste--” simula ko agad naman
itong tumingin sakin.
“Nics, what's wrong?” tanong
nito sabay nangunot ang noo.
“It's just---” simula ko ulit
pero sumingit nanaman si Baste.
“Masama ba ang pakiramdam mo?”
nagmamadaling tanong ni Baste sabay mabilis na lumapit sakin at
inilapat ang likod ng kaniyang palad sa aking leeg para malaman kung
mainit ba ako na ikinagulat ko.
“Nasaktan ka ba nung nadapa ka
kahapon nung naglalaro tayo?” tanong ulit ni Baste sabay itinaas
ang magkabila kong kamay na tila ba tinitignan kung may mga bali ba
ako doon.
“May sugat ba yung mga siko mo o
kaya yung mga tuhod mo?” tanong nanaman nito sabay hila sa
magkabila kong kamay saka silip sa aking mga tuhod.
“Susumbong
kita kay Mama, Baste! Tinulak mo ako!”
“Wag
mo ako sumbong kay tita! Di ko naman sadya eh!”
“Ang
sakit kaya nung sugat ko!”
“Di
na yan sasakit. Akin na iki-kiss ko.”
“Wala namang sugat eh. Pero akin
na ikikiss ko parin!” saad nito na ikinagising ko sa pagbalik sa
mga alaala nung mga pa bata kami.
Nakita ko ang papalapit nitong
nguso sa akin. Agad kong ibinuka ang palad ko at sinupalpal ito.
Hindi ko na napigilan ang mapangiti nang marinig ko ang paghagikgik
nito nang makabawi sa pagsungalngal ko sa kaniya. Mabilis nitong
sinuntok ng pabiro ang aking braso, hindi kasing laki ng katawan niya
ang katawan ko kaya naman para sakin ay malakas ang suntok niyang
iyon kahit pa pabiro lang ito.
“Gago!” pabiro kong singhal
dito na ikinatawa lang nito ng malakas.
Saglit ko itong tinignan. Simula
pa noong mga bata kami ay lagi na lang binabasag ni Baste ang bad
mood ko at lagi ako nito pinapatawa kaya naman muli akong
nakonsensya, inisip ko na hinid ako nagiging mabuting kaibigan kay
Baste dahil sa aking patuloy na paglilihim dito.
“Hey! What's with the serious
face again?!” paninita nanaman sakin ni Baste.
Bigla
akong pinagpawisan ng butil butil. Alam ko sa sarili ko na isang
pagtra-traydor sa pagkakaibigan namin ang patuloy na paglilihim ko
pero pumasok din sa isip ko na pano kung mawala din ang pagkakaibigan
namin sa oras na sabihin ko sa kaniya ang lihim ko sa kaniya.
“Baka ito na yung mga huling
araw nating magkasama and you're spacing out on me.” umiiling
nitong saad sabay humagikgik, natatawa sa kaniyang sinabi.
“He's
right. Ilang araw na lang at baka matagal kayo bago magkita ulit.
Sabihin mo na sa kaniya ngayon at least hindi ka na makokonsensya na
tinatraydor mo ang pagkakaibigan niyo. Kung hindi ka niya matatanggap
edi wala ka ng magagawa dun at least hanggang huli mas pinili mong
maging mabuting kaibigan.” pagdidikta
ng sarili kong utak.
“Baste, I have to tell you
something.”
Nangunot ang noo ni Baste. Alam
niya lagi kung kailan ako seryoso at kung kailan ako pwedeng
loko-lokohin. Kumag man ito sa paningin ko pero siya lang ang tanging
tao na nakakakilala sakin ng sobra. Kaya naman ang tignan ako nito ng
mariin ay alam kong nababasa na nito na mabigat ang paguusapan namin
na iyon.
“You're
not dying are you?” tanong nito na may seryosong pagaalala.
Na-touch ako sa pagaalala nito, hindi ito bago sakin pero ang makita
ko ang tila ba bata na nagaalala na iwan siya ng magulang niya sa
isang hindi pamilyar na lugar.
Napatawa ako. Una ay lalong
nangunot ang makinis na noo ni Baste pero hindi rin nagtagal ay
nahawa na ito sa malakas kong tawa.
“You say the dumbest things.”
sabi ko dito sa pagitan ng pagtawa ko.
“Kasi you're acting weird! Akala
ko nga you're going to confess young undying love for me eh.” balik
ni Baste sakin na ikinatigil ko sa pagtawa at ikinalaki ng aking mga
mata. Nakita siguro niya ang biglaang pagiba ng emosyon sa aking
mukha kaya unti unti ring humina ang kaniyang pagtawa at nabura ang
malaking ngiti sa kaniyang mukha.
“Y-you're n-not in love with
m-me are y-you?” nauutal na pagkukumpirma ni Baste sa akin na agad
kong sinagot ng pag-iling. Nang makita niya ang mariin kong pagiling
na iyon ay agad siyang nagpakawala ng isang tawa na puno ng
pagaalangan at nerbyos.
“I'm not in love with you---”
simula ko na muling kumuwa sa buong pansin ni Baste.
“---but—uhmm--- I'm gay.”
pagtatapos ko. tumitig sakin si Baste, nung una ay akala ko na hindi
niya narinig ang sinabi ko, akala ko ay masyadong mahina ang
pagkakasabi ko o masyadong malabo dahil sa aking pautal utal ko itong
sinabi kaya nagulat na lang ako nang bigla nanaman itong lumapit
sakin at sinuntok ako ng malakas.
Dahil nga sa laki ng katawan ni
Baste ay hindi na nakapagtataka na napahiga ako sa sahig ng aking
kwarto. Sapo sapo ko din ang kaliwang bahagi ng panga ko dahil sa
sakit pero lahat ng sakit sa aking pagkakadapa sa sahig at sakit sa
aking panga ay nawala nang makita ko ang malalaking paa ni Baste at
nang marinig ko ang malalakas na yabag nito palabas ng aking kwarto.
Mas nasaktan ako sa ginawa niyang
pagalis na iyon kesa sa suntok niya at pagkakadapa ko. ibig sabihin
nun ay dapat ko ng kalimutan ang aming mga pinagsamahan at
pagkakaibigan dahil hindi niya tanggap ang totoo kong pagkatao.
000ooo000
Makalipas ang ilang oras matapos
kong sabihin ang sikreto ko kay Baste ay nakita ko na lang ang sarili
ko na nakatitig sa labas ng bintana ng kwarto ko. Iniisip kung saan
ko nga ba nakuwa ang ideya na magtapat kay Baste.
“Malamang hindi ako nun
tatanggapin, he's 'all man' nga diba?” pang isangdaang beses ko ng
sabi sa sarili ko.
Pumasok sa isip ko ang mga tagpo
nung pumapasok pa kami sa high school, yung linggo linggo ay may
bagong girlfriend si kumag, yung gabi gabi ay may ka-date itong ibang
babae at kada may okasyon sa skwelahan ay iba't iba rin ang nakangkla
sa braso nito. Ganun ka 'all man' si Baste, umabot pa nga sa punto na
may dalawang babae na pumayag na pagsabayin nito, wala silang
pakielam basta si Sebastian Mendoza ang boyfriend nila.
“At least this will be the last
week na makikita mo yung kumag mong best friend na iyon.” sabi ko
sa sarili ko sabay iwas ng tingin mula sa bintana at sinaran na ang
aking bagahe. Hudyat na wala na akong ilalagay pa sa loob nito.
“Correction.
EX best friend.” saad ng
kontrabida kong utak.
“Eh ano naman kung di ko na siya
best friend?!” naiirita kong saad sa sarili ko. Hindi ko alam kung
sino ang kinukumbinsi ko.
“Bakit
ka ba umiiyak?”
“Wala.”
“Ano
ka nababaliw na? Umiiyak ka ng walang dahilan?”
“Eh
nalulungkot lang ako.”
“Di
mo ba sasabihin sakin kung bakit ka nalulungkot?”
“----”
“Dahil
ba umalis na si kuya Gab?”
“----”
“Sus!
Wag mo ngang isipin yun. Makikita at makikita mo parin naman yung
mukhang tipaklong na yun eh.”
“Halika
na. Libre kita ng magnum---”
“Talaga?!”
“Oo
naman! Bumalik lang sa dating haba yang nguso mo saka tumigil lang
yang uhog mo sa mata.”
“Luha
yan.”
“Whatever.
Uhog yan na sa mata lang lumalabas kasi masyadong malayo kung sa
ilong pa sila lalabas.”
“Ano
ba yang mga Teorya mo, Baste!”
“Totoo
kaya. Uy! Huwag mong tawanan napanood ko kaya sa National Geographic
yan! Kaya naniniwala na hindi totoo na may 'luha'!”
“Eh tangina lang.” saad ko sa
sarili ko sabay napaluha nang maalala ko ang araw na iyon nung umalis
si Gab. Si Baste lang ang nakapagpagaang ng loob ko at ang kaniyang
libreng magnun na siyang first time niya pa lang na panlilibre sa
akin sa buong pagkakaibigan naming dalawa.
“Sige.
Ngayon mo sabihin na OK lang sayo na hindi mo na best friend si
Baste.” kontrabidang saad ng
sarili kong utak.
“ARRRGGGHHHH!” sigaw ko sabay
dampot ng bola na kanina lang ay dinidribol ni Baste sa pader ng
kwarto ko at naglakad na ako papunta sa kalapit na basketball court.
Iyon kasi ang pampatanggal stress
ko. Actually yun ang pampatanggal stress namin pareho ni Baste. Sa
tuwing may isa samin ang naiirita o kaya naman ay wala lang talaga sa
mood ay doon kami dumederetso, nilulunod ang sarili sa paglalaro ng
basketball. Kaya naman nagdahan-dahan ako, sinilip ko muna kung
naglalaro din sa court si Baste bago ako tumuloy, hindi dahil
natatakot ako sa kaniya kundi dahil baka ako naman ang manapak sa
kaniya pagnagkataon.
Ayaw ko rin namang
makipagbugbugan.
“AAAAAAYYYYYY!!!” sigaw ng
isang may kalusugang babae nang makatungtong ako sa court. Agad ko
itong binato ng tingin, sakto nang makita ko ang unti unting
pagkawala ng ngiti nito sa mukha.
“Ayyy---” nanghihinanyang at
dismayado nitong simula. Nangunot ang noo ko.
“---bakit ikaw lang? Asan si
Papa Baste?” tanong nito na ikina highblood ko.
“Nagpatiwakal na.” sagot ko
dito sabay drinibol ang bola na hawak ko. Narinig ko pang sumigaw ang
dambuhala.
“Gago ka talaga, Nico!” sigaw
nito sakin saka umupo sa gilid ng court.
“NICO!” sigaw ng isang lalaki
habang ishu-shoot ko ang bola. Dumulas tuloy ito at natamaan si
Dambuhala sa ulo.
“ARRRAAAYYYY!” sigaw ni Dambo,
di ko na ito pinansin at tumalikod na at hinarap si Baste. Ginaya ko
ang galit na galit nitong tindig.
“ANONG GINAGAWA MO DITONG KUMAG
KA?!” simula ko. Kinain na ako ng galit lalo pa nang maalala ko ang
masakit nitong suntok. Mabilis itong lumapit sakin at inambaan.
Pumikit na lang ako, iniisip na sa oras na lumapat sakin ang kamao
niya ay saka ko na lang iisipin kung saan ko ilalapat ang kamao ko sa
katawan niya para naman saktan siya.
Itutuloy...
Halaga
1
by:
Migs
Hi guys! new series. a stand alone po. Sorry for the best friend plot again. alam ko napaka cliche ng plot but please give the story a chance. haha! salamat sa patuloy na pagsuporta. COMMENTS please. It gets me going... :-(
ReplyDeleteIdol.. nagbalik kana.. you back baby...
ReplyDelete