Against All Odds 3[23]
DISCLAIMER:
The following is a work of fiction. Any similarities to any written
works and any person, living or dead are purely coincidental. The
story is intended for a mature audience. It may contain profanity and
references to gay sex. If this offends you, please leave and find
something more suitable to read. The author maintains all rights to
the story. Do not copy or use without written permission. Email the
author at miguisalvador@yahoo.com
for comments, suggestions and violent reactions in pertaining to this
blog and the stories that comes along with it.
Binalot
ng takot ang dalawa habang tinitignan ang dalawang lalaki. Ibinaling
ni Jase ang kaniyang tingin sa paligid pero wala siyang nakitang
ibang tao na maaaring tumulong sa kanila ni Rob, tinignan niya rin
kung kaya niya bang labanan ang dalawa pero mas malaki pa ang mga ito
sa kaniya at ayaw naman niyang ipahamak maski si Rob na alam niyang
binabalot na ngayon ng takot.
“Anong tinitingin tingin mo
dyan, pretty boy?!” singhal ng isa kay Jase sabay sampal sa pisngi
nito ng marahan upang bumalik ang pansin nito sa kanila.
“Lalaban ata pare.” simula
nung isa na malapit kay Rob.
“H-hindi po. I-ibibigay na po
namin wag niyo l-lang po kami s-saktan.” pagmamakaawa ni Rob na
ikinangisi ng mga masasamang loob.
“Yun naman pala eh.” saad ng
isang malapit kay Jase saka sumahod ng kamay bilang tanda na
hinihingi na nito ang kanilang mga mamahaling gamit.
“Pati yang relos mo.” saad
muli nung malapit kay Jase na saglit pang nagalangan.
“Hindi mo ibibigay?!” taas
boses na saad muli nito saka pinandilatan ng mata si Jase.
“Jase---” tawag pansin ni Rob
kay Jase. Agad ibinaling ni Jase ang pansin kay Rob at agad na
binalot ng takot ang kaniyang buong katawan nang makita niyang
nakayakap mula sa likod ng kaniyang dating kasintahan ang malaking
mama at nakatutok na sa leeg nito ang kutsilyo.
“---p-please.” pagmamakaawa ni
Rob habang ngumingiwi sa sakit dahil sa dahan dahang pagbaon ng tulis
ng balisong sa kaniyang leeg. Gustong sugurin ni Jase ang lalaking
nananakit ngayon kay Rob, gusto niya itong paulanan ng malalakas na
suntok pero alam niyang lalo lang sila mapapahamak kaya naman mabilis
na lang niyang hinubad ang kaniyang mamahaling relos at ibinigay ito
sa mga kawatan.
Marahas na pinakawalan ng lalaki
si Rob at itinulak pa ito na nagresulta sa pagkakaluhod nito sa
maruming sahig ng eskenita. Mabilis itong nilapitan ni Jase na siyang
kinuwa namang oportunidad ng dalawang masamang loob na tumakas pero
hindi na ito pinansin ni Jase at itinuon na lang niya ang kaniyang
pansin kay Rob na hindi parin tumatayo mula sa pagkakasalampak sa
sahig.
“Rob?” nagaalalang tanong ni
Jase.
Tila binuhusan ng malamig na
tubig si Jase nang marinig niya ang marahang paghikbi ni Rob.
“I-I'm s-so--” simulang
paghingi sana ng tawad ni Jase nang biglang tumayo si Rob at pinagpag
ang sariling mga tuhod, walang duda na umiiyak ito pero nakalihis ang
mukha nito mula sa tingin ni Jase.
Hindi alam ni Rob kung dapat ba
siyang maawa sa sarili niya o tuluyan ng magalit kay Jase. Alam
niyang wala na itong pagtingin sa kaniya pero ang magalangan pa ito
sa pagdedesisyon kung ano ang mahalaga, ang buhay niya o ang
mamahaling relos nito ay talaga namang dumurog sa puso niya. Hindi
niya rin mapigilang isipin na talaga pa lang wala lang kay Jase ang
nangyari sa kanila noon na hahayaan pa nito na masaktan siya.
Tahimik ang paligid at hindi
parin mapigilan ni Rob ang mapahikbi. Iniiwas niya parin ang kaniyang
mukha mula sa tingin ni Jase pero kahit pa nakaiwas na ang kaniyang
mukha sa mapanuri nitong mga mata ay pasimple niya paring pinahiran
ang kaniyang mga luha tapos ay pilit na pinakalma ang sarili atsaka
nagpakawala ng isang tawa.
“I-I thought hahayaan mong
patayin na nila ako eh---” saad ni Rob sa pagitan ng mga pekeng
tawa.
“Rob---” simula ni Jase, hindi
niya alam kung anong sasabihin kay Rob kaya naman wala sa sarili na
lang siyang lumapit dito, pero hindi siya hinayaan ng huli at
humakbang pa ito palayo sa kaniya. Muli siyang lumait dito at
sinubukang abutin ang leeg nito upang pahiran ang kaunting patak ng
dugo dahil sa pagbaon ng talim ng balisong ng magnanakaw kanina pero
hindi nanaman siya nito hinayaan.
“Akala ko dahil sa sobrang inis
mo sakin kaya hahayaan mo na lang na patayin nila ako eh.” saad
muli ni Rob sabay pakawala ng isang tawa idinaan sa biro ang sakit na
nararamdaman habang sinasabi niya ang kaniyang iniisip.
Ang sinabing ito ni Rob kay Jase
ay lalong nakapagpabigat sa kaniyang damdamin. Napapikit siya dahil
kapang kapa niya ang sakit na nararamdaman ni Rob sa mga sinabi nito.
Noon pa man ay may issues na si Rob tungkol sa pagkakaroon ng tunay
na magpapahalaga dito at alam niyang ang saglit na pagaalangan niyang
iyon ay totoong nakasakit kay Rob.
Napayuko siya sa sobrang hiya.
“I'm sorry.” bulong ni Jase
pero huli na ang lahat dahil nagsimula ng maglakad si Rob palayo sa
kaniya at hindi na siya nito narinig.
000ooo000
Malayo na ang kanilang nalakad.
Alam niyang wala sa sariling naglalakad si Rob sa kaniyang harapan
dahil sa lalim ng iniisip nito, alam niyang walang partikular itong
pupuntahan kaya naman pinigilan niya ito sa pamamagitan ng paghawak
sa braso nito. Nagulat na lang si Jase nang marahas na hatakin ni Rob
ang braso nito mula sa kaniyang pagkakahawak.
Saglit silang nagtitigan at nang
makabawi ay nagpakawala ng isang malalim na hininga si Rob at ibinaba
ang tingin. Doon lang napansin ni Jase na sobrang tensyonado si Rob.
Doon lang naisip ni Jase na marahil dahil parin sa nangyari kanina
kaya ito tensyonado at kaya malalim parin ang iniisip nito.
Gusto niya itong yakapin at
siguraduhin na mas pinahalagahan niya ito kesa sa kaniyang relos,
gusto niyang siguraduhin dito na mali ang iniisip nito. Pero hindi pa
man niya naiiisip kung magandang ideya ba ito o hindi ay nagsalita na
muli si Rob na para bang walang nangyaring masama at emosyonal sa
pagitan nilang dalawa kanina.
“Sinusubukan kong tandaan yung
dinaanan kanina ng company car.” saad ni Rob na hindi naman kinagat
ni Jase.
“Rob pareho tayong tulog na
tulog kanina sa byahe, kahit sino satin sa dalawa hindi matatandaan
ang dinaanan natin kanina.” malungkot at pagod na saad ni Jase.
“Then we should look for a bus
going to Manila. Malamang hindi na natin makikita ang company car
kasi kanina pa tayo nagkakasalisihan at sa ugali nung driver na yun
malamang di na nakapagintay yun at umalis na.” muli nanamang
mungkahi ni Rob.
“OK sana yang naisip mo, Rob
except we don't have money to pay for the bus fare.” sagot nanaman
ni Jase na nakapagpatahimik kay Rob.
“Think. Think. Think.” bulong
ni Rob sa kaniyang sarili.
“Rob?” tawag pansin ni Jase sa
kaniyang kasama nang marinig itong bumulong.
“Take your shirt off.” mabilis
na saad ni Rob na gumulat kay Jase.
“What?!” kunot noong tanong ni
Jase kay Rob, iniisip na baka naalog ang utak nito nung mahold-up
sila kanina.
“I said take off your shirt.”
“Why?!” naeeskandalo paring
tanong ni Jase kay Rob. Nakangiting lumapit si Rob at pilit na
pinaharap si Jase sa establishimento sa likod nito.
“We're in the red district.”
saad ni Rob na may ngiting tagumpay sa kaniyang mukha.
“Let me guess. You want me to
take off my shirt para magkapamasahe pauwi.” sarkastikong balik ni
Jase na nakapagpahagikgik kay Rob.
“A couple of hundreds will do.”
saad ni Rob sabay kibit balikat.
000ooo000
“Please. We really need the
money.” pagmamakaawa ni Rob.
“Hindi talaga pwede toto.”
nakangising saad ng may ari ng bar.
“Let's just do this outside---”
bulong ni Jase kay Rob nang sa ikailang ulit ay hindi nito napapayag
ang may ari ng club.
“Jase, hindi pwede. Wala tayo
permit. Baka hulihin pa tayo. Presinto ang lagpak natin nito.” saad
ni Rob.
“Fine. So pano? Besides. I think
this is a straight bar.” saad ni Jase sabay iginala ang tingin sa
buong paligid ng bar.
Saglit na natahimik si Rob na
wari ba ay nagiisip.
“Akong bahala.”
“Sige sir. 60-40 tayo sa hatian
ng kikitain ng kliyente ko.” saad ni Rob na nakapagpataas sa kilay
ni Jase. Natigilan saglit ang may ari ng bar.
000ooo000
Hindi mag kamayaw si Rob at ang
may ari ng club sa kabibilang sa mga kinita nila. Simula entrance
hanggang sa mga drinks at mga sinisingit ng mga parokyano ni Jase sa
pantalon nito na halos nakahubad na. Napansin ni Rob na lalong
naghiyawan ang mga tao sa loob ng club na pinaghalong mga babae at
beki kaya naman itinuon na niya ang kaniyang pansin kay Jase.
Nanlaki ang kaniyang mga mata
nang makita niya ang isang beki ang kasalukuyang nakikipag sayaw kay
Jase at hinahalikhalikan ang maskulado nitong katawan na tila ba
kasali sa body shots. Wala sa sariling tumayo si Rob at iniwan ang
pagbibilang ng pera at tumungo sa DJ booth.
“Can I borrow the mic?” tanong
ni Rob sa nagtataka at nagulat na DJ.
“Two thousand if you're going to
kiss the models body.” kalmadong saad ni Rob sa mikropono na talaga
namang nakapagpaangal sa mga nandun.
“Deal with it.” kalmado pero
mataray na saad ni Rob na ikinangisi ni Jase. Naglakad pabalik si Rob
sa lamesa kung saan sila nagbibilang ng mayari ng club na iyon ng
kanilang mga kinita.
“Someone is jealous.” saad ng
DJ na ikinatigil ni Rob sabay gulat na gulat na tinignan ang DJ na
binalewala lang ang eskandalosong tingin na iyon ni Rob. Inirapan na
lang ito ni Rob at ibinaling ang tingin kay Jase na nakangisi paring
nakatingin sa kaniya.
“Hmpft.” saad ni Rob at
itinuon na lang ang pansin sa pagbibilang.
000ooo000
“How much did I make?” tanong
ni Jase kay Rob habang binubutones ang kaniyang polo at slacks na
ikinadismaya naman ng mga bading na nagkumpulan doon upang manood ng
show ni Jase. Hindi rin maiwasan ni Jase na mapailing dahil sa hindi
maialis na ngiting tagumpay sa mukha nito.
“Two thousand five hundred
pesos.” nakangiti paring saad ni Rob sabay taas baba ng kilay na
hindi pinaniwalaan ni Jase.
“Wow. Ang mura ko lang pala.”
sarkastikong balik ni Jase na nakapagpahagikgik kay Rob. Hindi kasi
siya naniniwala na yun lang ang kinita ng kaniyang pagiling giling sa
entablado.
“Hey! Di na masama yun no. hindi
ka naman nag all the way eh!” humahagikgik na saad ni Rob na
ikinailing ulit ni Jase habang itinatago ang ngiti. Alam niyang
nagsisinungaling si Rob pero hinayaan na lang niya ito.
000ooo000
“I'm so tired.” saad ni Rob
sabay upo sa malambot na upuan ng bus na byaheng Manila.
“Wow ha, hiyang hiya naman ako
sa pagupo mo lang at pagbilang ng pera.” sarkastikong balik ni Jase
na ikinahagikgik ni Rob.
“Mas kikita kasi tayo kung ikaw
ang magstrip tease kesa ako.” pambobola ni Rob na ikinangisi lalo
ni Jase.
“Hah! I knew it! Nagwa-gwapuhan
ka parin sakin!” saad ni Jase na ikinailing na lang ni Rob.
“Whatever. Matulog ka na lang
dyan sa upuan mo. Antok lang yan.” balik ni Rob sabay pikit.
“You could just admit it you
know.” saad ni Jase pero hindi na muli pang sumagot sa kaniya si
Rob, nagulat na lang siya nang dumantay ang ulo nito sa kaniyang
balikat.
Doon napagpasdam maigi ni Jase
ang sugat na dulot ng matalas na balisong na ipinangtutok dito
kanina. Hindi muli niya mapigilang makaramdam ng lungkot. Wala sa
sarili niya itong inabot.
“I'm so sorry.” tahimik na
saad ni Jase. Ang paghingi ng tawad na iyon ay paghingi ng tawad sa
lahat ng bagay na nagawa niya kay Rob. Ang paghingi ng tawad na iyon
ay isa sa mga bagay na ninanais niyang magawa habang gising si Rob sa
lalong madaling panahon.
000ooo000
“Rob.”
Dahan dahang iminulat ni Rob ang
kaniyang mga mata at naabutan niyang nakadungaw sa kaniya si Jase.
Naalala niya pa nang bigla niyang maisip na sana ay laging ganun kung
gigising siya at naaalala niya din nang biglang humagikgik si Jase.
“Oh shit.” saad niya sa sarili
nang marealize niya na kaya biglang tumawa si Jase ay dahil nasabi
niya ng malakas ang kaniyang iniisip na iyon.
“Di ka natulog?” ang pagiibang
usapan na tanong ni Rob. Umiling lang si Jase. Hindi maiwasan ni Rob
ang magtanong ulit.
“Why?” tanong ni Rob.
“Binantayan kita habang
natutulog.” wala sa sarili ding sagot ni Jase. Saglit na natigilan
sa paglalakad si Rob.
“I mean after what happened
tonight di ko maiwasang maparanoid.” palusot ni Jase na ikinangiti
at ikinailing na lang ni Rob. Hindi nagtagal ay pumara na sila ng
taxi papunta sa kanilang opisina.
“What a day, huh?” saad ni
Jase nang sa wakas ay makababa na sila ng taxi sa harapan ng
building nila.
Binalot ng katahimikan ang
dalawa. Hindi alam kung ano ang susunod na gagawin at sasabihin.
Muling napadako ang tingin ni Jase sa leeg ni Rob at hindi nanaman
niya napigilan ang sarili na abutin ito. Hindi ito napansin ni Rob
dahil sa iba ito nakatingin.
“Does it hurt?” wala sa sarili
nanamang tanong ni Jase. Nagulat si Rob, hindi narin tuloy siya agad
nakaiwas. Umiling na lang siya. Muli nanamang bumalik sa kaniya ang
alaala ng pangho-hold-up sa kanila at muli nanaman niyang naalala ang
kawalan ng pagpapahalaga sa kaniya ni Jase.
“You don't have to pretend like
you care you know.” sarkastikong balik ni Rob sabay lakad papunta
sa sakayan ng dyip pauwi sa kaniyang apartment.
“Rob wait.” habol dito ni
Jase.
“Jase, it's no big deal---”
simula nanaman ni Rob.
“It is a big deal, Rob. You got
hurt because of me. I'm so sorry.” saad nanaman ni Jase na muling
nagdulot kay Rob upang mapaluha.
“It's OK, Jase. Just drop it
OK?” saad ni Rob.
“It's not OK, Rob! It's not OK!”
singhal ni Jase.
“Alam ko iniisip mo na mas
mahalaga pa ang relos ko sa buhay mo, but that's not the case, Rob! I
do care about you---”
“Jase---” simula nanaman ni
Rob pero hindi siya pinayagan ni Jase na sumingit siya. Marahas
siyang iniharap nito sa kaniya.
“---I care about you, Rob.
Believe it or not. Tinignan ko lang yung relos kasi I know na that
would be the last time I'm going to see it---”
“Buti hindi ganun ang naisip mo
nung tinignan mo ako.” sarkastikong balik ni Rob na ikinasinghal
nanaman ni Jase.
“Aaron gave it to me! I just
want to look at it for the last time before they take it from me.”
napatameme si Rob sa sinabing ito ni Jase.
“Hindi ako nagdalawang isip nung
pinapili nila ako between you and the damn watch, Rob! I-I just want
to look at it for the last time.”
Napako si Rob sa kaniyang
kinatatayuan kaya naman hindi na siya nakaiwas pa nang lumapit sa
kaniya si Jase at inabot ulit ang sugat niya sa leeg. Yayakapin na
sana ni Jase si Rob pero pinigilan niya ang kaniyang sarili. Marami
pa siyang dapat i-hingi ng tawad kay Rob at kapag naihingi na niya
lahat ng kaniyang nagawa ng kapatawaran ay saka niya hahayaan ang
kaniyang sarili na yumakap dito.
“I'm so sorry you got hurt---”
simula ni Jase.
Ipinikit na lang ni Rob ang
kaniyang mga mata at tumango bilang pagpapatawad kay Jase.
Itutuloy...
Against
All Odds
3[23]
By:Migs
Love moves in mysterios ways tlaga nuh.. tnx migs for the ud..
ReplyDeleteGanda talaga! Sana may susunod kaagad! Kakaexcite! <3
ReplyDeleteNaiyak ako saglit sa last two lines ni Jase, somehow hindi na tlga maalis sa puso niya si Aaron dahil iba ang pagmamahal niya rito..sana mapatawad at maunawaan na siya ni Rob... Sana manindigan din si Jase for Rob this time...gusto ko na silang dalawa na sumaya... #shawarmateamAKO
ReplyDeleteBravo Sir Migs, really worth the wait! Take care and hope to read the next part soon..
~maharett
Galing tlga ng author nito_,sana mas mabilis ang update,at sana happy ending.
ReplyDeleteBreaille lance
Bakit ako naiiyak??? Mag aantay ako ng kasunod kahit gaano katagal! ^___^
ReplyDeleteNalungkot ako sa huling part. T_T
ReplyDeleteIba ka talaga kuya migs. Punong puno ng emosyon at may puso ang bawat chapter mo kaya hindi ko iwan itong blog mo.
--ANDY
yung feeling na hindi mo alam kung sino sa dalawa ang pipiliin mo..
ReplyDeleteyung feeling na relate na relate ka sa character ni rob and pati ikaw nalilito na kung sino ang mas matimbang sa kanilang dalawa...
update po soon please..i dont want it.. i need it T_T
please po author
That line! Yun yung nagdala eh. Gosh. Pride and the likes...
ReplyDeleteBeing tactless of Rob surprises me. Yung mga hugot niya is wagas!
ReplyDelete-Allen