Against All Odds 3[22]
DISCLAIMER:
The following is a work of fiction. Any similarities to any written
works and any person, living or dead are purely coincidental. The
story is intended for a mature audience. It may contain profanity and
references to gay sex. If this offends you, please leave and find
something more suitable to read. The author maintains all rights to
the story. Do not copy or use without written permission. Email the
author at miguisalvador@yahoo.com
for comments, suggestions and violent reactions in pertaining to this
blog and the stories that comes along with it.
Abala
si Rob sa kaniyang ginagawang pag-o-audit parin nang tapikin siya ni
Star. Agad nangunot ang kaniyang nang makitang niya ang pagaalala sa
mukha ng katrabaho. Kung ano-ano ang pumasok sa kaniyang isip. Tila
nakita ni Star ang takot sa mukha ni Rob kaya naman hindi na niya
pinatagal pa ang kaniyang gustong sabihin dito at ipinakita na lang
niya dito.
Alam ni Rob kung saan patungo ang
paghatak sa kaniya na iyon ni Star kaya naman lalo siyang kinabahan
pero nang may marinig siyang dalawang boses na tila ba nagtatalo ay
agad nawala ang kaniyang takot at napalitan ito ng pagaalala dahil
kilala niya kung kaninong boses ang mga iyon.
“He's not even done yet with the
auditing na ipinapaalala ko sayo na IKAW ang nagpapagawa!”
Sigaw ni Ian. Nagkatinginan si
Rob at Star at napalingon si Rob sa buong floor kung saan may tingin
ng pagaalala sa lahat ng empleyado na nakakarinig ng sigawan na iyon.
Alam ni Rob kung saan nanggagaling ang pagaalala na iyon. Kilala ang
kanilang kumpaniya sa pagkakaroon ng masayang environment at ngayon
ay nagaaalala ang lahat na magbabago na ang lahat ng iyon.
“You have to get in there.”
saad ni Star.
Kapang kapa ni Rob ang takot na
iyon ni Star mula sa mga sinabi nito. Hindi na kailangan ni Rob
sumagot. Tumango na lang siya at walang sabi sabi na pumasok sa
opisina ni Ian. Naabutan ni Rob na nasa likod parin ng kaniyang
magarang lamesa si Ian at si Jase naman ay may ilang hakbang lang ang
layo mula sa lamesa na iyon.
“Kailangan natin siya para
makuwa ang loob ng mga investors na based doon!” balik naman ni
Jase na ayaw kagatin ni Ian.
“Bullshit---!” simula ni Ian
pero agad silang pinatigil ni Rob sa pagsasalita.
“Stop it!” singhal ni Rob na
ikinahiya ng dalawa.
“People out there are starting
to panic. This is supposed to be a happy work place. At yung
naririnig kayo ng mga empleyado niyo na nagsisigawan says
otherewise!” singhal parin ni Rob na ikinatameme parin ng dalawa.
Masama parin ang tingin na
binabato ng dalawa sa isa't isa kaya naman ginawa na ni Rob ang isang
bagay na alam niyang makakapagpatigil sa mga ito. Nagpakawala siya ng
isang malalim na buntong hininga at tinignan ng mariin si Jase na
alam niyang kumukulo parin ang dugo sa galit.
“Maaari ko po bang malaman ang
dahilan ng pagaaway niyo mga, Sir? Baka po makatulong po ako.”
tanong ni Rob kay Ian dahil alam niyang hindi sasagot si Jase dahil
sa sobrang init ng ulo nito.
Nang ibaling ni Rob ang kaniyang
tingin kay Ian ay hindi nakaligtas kay Jase ang biglaang pagkalma ng
itsura ni Ian na lalong ikinakulo ng kaniyang dugo. Tila ba kasi
pinapahid pa ni Ian sa mukha ni Jase ang katotohanang may gusto ito
kay Rob at alam ito ng huli at mas pinipili siya nito kesa sa kaniya.
“He wants you to come with him
sa Subic. I told him that you're no even finished with the auditing
na siya rin naman ang nagpagawa sayo tapos ngayon sa kaisa-isa mong
rest day dadalhin ka pa sa Subic para lang makakuwa ng investors!”
“May I remind you Ian na yung
mga investor na makukuwa ko bukas is for your company.” singit ni
Jase na inis na inis parin.
“Whatever!” balik naman ni
Ian. Kung sa ibang pagkakataon lang sana ay baka natawa pa si Rob sa
kinikilos ng dalawa.
“Stop it.” pabulong nanamang
saway ni Rob sa dalawa na ikinatameme ng mga ito.
“Fine. I'll go with you sa
Subic!” balik ni Rob kay Jase upang matahimik na ito.
“But---” simulang pagtanggi
nanaman ni Ian pero agad siyang tinignan ng mariin ni Rob.
“Ian. Really. It's OK.” saad
muli ni Rob sabay ngiti na tuluyang nakapagpakalama na kay Ian at
hindi nagtagal ay nakapagpangiti nadin dito. Muli kumulo ang dugo ni
Jase nang makita niya ang palitan na ito ng dalawa.
“Get a room!” singhal ni Jase
sabay naglakad palabas ng opisina ni Ian.
Iniwas ni Rob ang kaniyang tingin
mula kay Ian at naramadaman niyang namula ang kaniyang mga pisngi
dahil sa sobrang hiya. Napahiya siya sa sikmat na iyon ni Jase.
“E-excuse me, sir. Balik lang po
ako sa s-station ko.” nahihiya pading saad ni Rob na nakapagpangiti
kay Ian. Hindi niya mapigilang maaliw sa ikinikilos ni Rob.
“Boss.” saad ni Ian na
nakapagpakunot sa noo ni Rob.
“Sir?” tanong ni Rob habang
pinagmamasdan ang papalapit sa kaniya na si Ian.
“I told you to call me Boss
diba?” nakangiting saad ni Ian habang tinitignan ng mariin si Rob
na lalong namula ang pisngi.
“Yes boss.” nakangiti naring
sagot ni Rob.
Saglit pang nagtitigan si Rob at
Ian at nang maalala ni Rob na nasa lugar pala sila ng trabaho ay agad
muli niyang itinuro ang pinto ng ospisina bilang sabi na siya nga ay
babalik na sa kaniyang lamesa. Tumango na lang si Ian at papadaanin
sana si Rob sa pamamagitan ng paghakbang sa kaliwa nang humakbang rin
si Rob sa kaniyang kanan.
Ending, magkaharap parin silang
dalawa. Ngayon, hindi na lang mukha ni Rob ang namumula kundi ang
mukha nadin ni Ian. Pero hindi parin nawawala ang ngiti sa mga mukha
nila. Muli ay humakbang si Rob paiwas kay Ian at naglalakad na
palabas ng opisina nang biglang magsalita ulit ang amo.
“Oh and uhmmm Rob---?”
“Hmmmm?”
“Would you want to come to
dinner with me later?” nahihiyang tanong ni Ian kay Rob.
“Sure, Boss.” nakangiting
sagot ni Rob ng walang pagaalinlangan na siyang nakapagpasaya kay
Ian. Nakangiti paring lumabas ng opisina si Rob at papunta na sana
siya sa kaniyang lamesa ng harangin nanaman siya ni Star.
“OK na. Hindi na sila
nagsisigawan.” nakangiting saad ni Rob pero agad nabura ang ngiting
iyon nang makita niya parin ang pagaalala sa mukha ni Star.
“Ano nanaman ang nangyari,
Star?” nagaalala naring tanong ni Rob.
“Si---” di pa man natatapos ni
Star ang kaniyang sagot ay biglang may malakas na kalabog na narinig
ang lahat ng nandun sa opisina at nanggaling iyon sa opisina ni Jase.
Wala sa sariling pumunta si Rob sa opisina ni Jase.
Ramdam parin ni Rob ang galit ni
Jase pagpasok na pagpasok niya ng opisina nito at nakita niya rin ang
dahilan ng malakas na kalabog na nadinig sa buong floor na iyon.
Isang malaking kahon na puno ng makakapal na bungkos ng papel ang
nagsabog sa sahig malapit sa lamesa ni Jase. Agad itong nilapitan ni
Rob at inayos.
“What happened?” kalmadong
tanong ni Rob na hindi sinagot ni Jase.
Saglit na binalot ng katahimikan
ang buong opisina ni Jase at ang tanging naririnig ni Rob ay ang
malalim na paghinga ni Jase. Alam na alam ni Rob ang ibig sabihin ng
paghinga na iyon. Galit.
“Sir---”
“Do you like him?” tanong ni
Jase na kapang kapa parin ang matinding galit.
“Sorry---”
“Do you like him? He like you,
Rob. Alam mo ba yun? May gusto siya sayo. Now I'm asking kung gusto
mo rin siya?” nanggigigil na tanong ni Jase na gumulat kay Rob.
Agad na tumayo si Rob mula sa pagaayos ng mga nagkalat na bungkos ng
papel.
Natigilan si Rob. Alam niya na
ngayon ang ikinakagalit ni Jase at aminin man niya o hindi ay tila ba
muli nanaman dinurog ang kaniyang puso.
“Of
course. He still loves Ian.”
Ayaw
niyang ilagay sa alang alang ang kaniyang trabaho. Kahit gaano
kasakit. Kahit gaano ka-unfair hindi niya pwedeng saguting sagutin si
Jase. At ayaw niya ding ipakita kay Jase na nasasaktan siya. Ayaw
niyang ipaalam dito na apektado siya sa pagiwan sa kaniya ni Jase
noon dahil alam niya at sigurado siya lalo na ngayon sa inaasta nito
ay wala lang naman talaga ang namagitan sa kanila noon. Tumalikod na
siya at hindi na niya sinagot pa ang tanong na iyon ni Jase pero muli
itong nagsalita.
“Pity Ian doesn't like liars.”
wala sa sariling saad ni Jase na siyang nakapagpatigil kay Rob sa
paglalakad palabas ng opisina na iyon.
“What?” pabulong na tanong ni
Rob.
“Ayaw niya ng sinungaling,
Rob---” nangunot ang noo ni Rob sa sinabing ito ni Jase kaya naman
agad niyang sinundan ang sinabi niyang ito. “I should know because
that's the reason we broke up in the first place.” tinitigan ni
Jase ang magiging reaksyon ni Rob pero nangungunot parin ang noo nito
sa pagtataka.
“Does
the name Ace ring a
bell? You should tell Ian about what happened between you and Ace and
why you left his company.”
Nanlamig ang buong katawan ni Rob
sa sinabi na ito ni Jase. Agad din nakita ni Jase na rumehistro sa
mukha ni Rob ang kaniyang ibig sabihin. Gustong ngumisi ni Jase pero
tila ba may sumigaw sa kaniya na mali ang kaniyang ginawang ito,
sinubukan nito itong bawiin pero tila nakapagpalala pa ang kaniyang
sinabing ito.
“Rob, once nalaman ni Ian ang
tungkol kay Ace sigurado akong mas mabilis pa sa alas kwatro ang
pagtalikod niya sayo. Kaya kung ako sayo sabihin mo na kay Ian kung
anong nangyari noon kesa malaman niya pa sa iba at mawala nanaman
sayo ang lahat.” kalmadong saad ni Jase, umaasa na mainitindihan ng
huli na nagaalala lamang siya dito at upang iparating nadin na kung
sa kaniya muli ibabaling ni Rob ang pagtingin nito ay mas
maiintindihan niya ito kesa kay Ian.
Pero taliwas ang naging dating ng
kaniyang sinabing iyon kay Rob, para kay Rob ang sinabing ito ni Jase
ay repleksyon lamang ng pagseselos nito sa kaniya dahil may pagtingin
parin ito kay Ian. Kaya naman sa sinabi ding ito ni Jase ay agad na
tumulo ang kanina pang nangingilid na luha ni Rob. Muli nanaman
siyang nalagay sa alanganin. Mabilis niyang pinunasan ang mga luhang
mabilis na pumatak at agad na lumabas ng opisina.
Lumapat ang pinto ng opisina na
iyon ni Jase na may malaking hindi pagkakaintindihan sa pagitan ng
dalawa. Si Jase, iniisip na naiparating na niya kay Rob ang gusto
niyang mangyari at ang kaniyang intensyon habang si Rob naman ay
iniisip na kailangan niyang kalimutan ang posibilidad ng kasiyahan
kasama si Ian dahil sa banta na iyon ni Jase.
000ooo000
Iminulat ni Rob ang kaniyang mga
mata na hindi naman pumikit ng higit pa sa isang oras. Hindi siya
makatulog dahil nilulunod parin ng mga sinabi ni Jase sa kaniya noong
nakaraang araw ang kaniyang utak. Iniisip niya din kung panong
sasabihin kay Ian ang nangyari noon sa pagitan nila ni Ace. Ipipikit
pa sana niya ang kaniyang mga mata upang matulog pa sana ng kaunti
bago maghanda bago pumasok nang tumunog naman ang alarm ng kaniyang
telepono.
Nagpakawala siya nang isang
malalim na buntong hininga at kinaladkad ang kaniyang sarili papunta
sa banyo.
“Sobrang inis ko sa sarili ko
kaya papasok parin ako sa trabaho ngayon.” sarkastikong saad ni Rob
sa kaniyang sarili pero iniisip na lang niya na kailangan niya paring
magpaliwanag kay Ian kung sakali mang magdesisyon siyang hindi na
pumasok pa sa opisina.
Tila isa paring zombie si Rob
habang nagbibihis, ni hindi niya nakain ang kaniyang inihandang
almusal para sa kaniyang sarili at ni hindi niya namalayan na nasa
harapan na pala ulit siya nang kanilang opisina at iniintay ang
kaniyang boss na si Jase na dahilan ng kaniyang pagkakaganon ngayon.
“You look awful.” saad ng
isang lalaki sa likuran ni Rob.
Yung lalim palang ng boses. Yung
tono pa lang ng pangungutya na iyon. Yung epekto pa lang ng boses
nito sa kaniyang buong pagkatao ay kilalang kilala ni Rob. Ni hindi
na niya ito nilingon pero hindi naman siya nagpakabastos dahil kahit
papano naman ay alam niya at kinikilala niya parin ito na kaniyang
amo.
“Good morning, Sir.” malamig
na saad ni Rob sabay tayo mula sa kaniyang kinasasalampakan sa paanan
ng kanilang building. Hindi mapigilan ni Jase na makaramdam ng
konting kirot sa pagbati sa kaniyang iyon ni Rob. Kirot na napalitan
ng inis dahil sa hindi parin nito pagtingin sa kaniya.
“What? Hindi mo ba ako
tatawaging boss?” malisyosong tanong ni Jase na
nakapagpatigil saglit kay Rob pero hindi na niya pinatulan pa ang
kaniyang amo at naglakad na lang papalapit sa company car.
Kunot noong tinignan ng company
driver si Rob nang pumasok ito sa passenger seat. Naramdaman ni Rob
ang pagtitig na iyon sa kaniya ng driver kaya naman binato niya ito
ng nagmamakaawang tingin bilang sabi na wag na siya nito paalisin
doon at napapikit na lang siya nang marinig niya ang pabalang na
pagsara ng pinto sa likod na bahagi ng sasakyan bilang hudyat na
talagang hindi natutuwa sa kaniya si Jase.
“Alis na tayo manong.” malamig
na utos ni Jase na siyang nakapagpabuntong hininga kay Rob.
Nagising na lang si Rob nang
maramdaman niyang tumigil na ang kanilang sinasakyan. Tinignan niya
ang kanilang driver at nakita niyang inip na inip itong nakatingin sa
kaniya na tila ba inaaksaya nito ang kaniyang oras.
“Andito na tayo?” wala sa
sariling tanong ni Rob sa driver sabay lingon sa labas ng kaniyang
bintana. Tumango lang ang driver at humikab.
“Mga trenta minutos na.”
walang gana na sagot ng driver.
“Bakit di mo ako ginising? Baka
ma-late ako sa---” pero hindi na natapos pa ni Rob ang kaniyang
tanong sa driver dahil ngumuso na ito pasenyas sa likod ng sasakyan.
Agad sinundan ni Rob ng tingin ang itinuturo ng nguso ng driver at
nakita niya doon sa likod ng sasakyan ang tulog na tulog na si Jase.
“Di ko kayo ginising dahil
natatakot naman akong gisingin kayo at baka mawalan pa ako ng
trabaho.” wala paring gana na sagot ng driver. Muling ibinaling ni
Rob ang kaniyang tingin kay Jase. Nakita niya itong payapang
natutulog sa likuran ng sasakyan. Hindi maiwasang isipin ni Rob na
sana ay ganito na lang lagi kapayapa si Jase, malayo sa lalaking
laging nakikipagaway lagi sa kaniya. Gusto niyang yung dating Jase,
yung Jase na magaang kausap.
“Tingin ko kailangan mo na
siyang gisingin para hindi kayo ma-late pareho.”
makahulugang saad ng driver na gumising kay Rob sa pagtitig kay Jase.
Umiling si Rob na tila ba ginising pa lalo ang kaniyang sarili sabay
bukas ng pinto, lalabas na sana siya nang magsalita ulit ang driver.
“Alam niyo, kung may gusto
kayong sabihin sa isa't isa bakit hindi niyo pa sabihin kesa yung
ganyan na nagiintayan kayong dalawa.” makahulugan ulit na saad ng
driver na nagdulot kay Rob na tignan ito muli.
“Ganyan ko din kasi tignan si
misis pag may gusto akong sabihin sa kaniya eh.” kibit balikat na
saad ng driver na muling nakapagpakunot sa noo ni Rob.
“Pano mo naman nasabing may
gusto rin siyang sabihin sakin?” tanong ni Rob.
“Ganyan karin kasi tignan kanina
ni Sir nung nakatulog ka. Una tinatawag ka niya, hindi niya kasi alam
na nakatulog ka pero nung nakita niyang nakapikit ka di ka na niya
ginising pero ang tagal ka pa niya tinitigan.”
Lalong nangunot ang noo ni Rob sa
sinabing ito ng driver.
“Sige na gisingin mo na si Sir.”
wala nanamang ganang saad ng driver pero hindi iyon inintindi ni Rob
dahil mas iniisip niya pa ang makahulugan nitong sinabi.
000ooo000
Dahan dahang imunulat ni Jase ang
kaniyang mga mata at sinanay ito sa paligid. Naabutan niyang
nakadungaw sa kaniya si Rob, ilang pulgada lang ang layo ng mukha
nito sa kaniyang mukha. Hindi niya alam kung gaanong karaming
pasasalamat sa Diyos ang kaniyang ginawa dahil muli siyang
pinagbigyan nito na makalapit si Rob ng ganoon, yung muli niyang
nakita ang mapupungay at mabibilog nitong mga mata kahit pa nasa
likod ito ngayon ng makakapal na salamin, ang matangos nitong ilong,
ang makinis nitong mukha.
Pero agad itong napalitan nanaman
ng inis nang maalala niya ang pakikipaglandian nito kay Ian at ang
ginawa nitong pande-deadma sa kaniya kanina. Iyon at dahil narin sa
sobrang puyat. Hindi rin kasi siya pinatulog ng kaniyang konsensya sa
masasakit na sinabi kay Jase noong huli silang nagkausap.
“What are you doing?” singhal
ni Jase kay Rob na tila naman binuhusan ng malamig na tubig. Agad na
lumayo si Rob kay Jase dahil sa sobrang pagkapahiya.
“I'm just going to wake you up.
We're going to be late.” nakayukong sagot ni Rob.
“Whatever.” balik naman ni
Jase na ikinairap na lang ni Rob.
000ooo000
Maganda ang naging resulta ng
kanilang pagpre-present sa mga future investors sa kabila ng asim ng
paguugali na ipinapakita nila sa isa't isa. Hindi rin ito nahalata ng
mga investors dahil pigil na pigil ang dalawa sa mga panggigigil nila
sa isa't isa pero lahat ng inis na nararamdaman ng dalawa ay mabilis
na sumabog nang ismidan nanaman ni Jase si Rob.
“Call the driver, I want to go
home.” malamig na saad ni Jase na nakapagpatigil kay Rob sa
paglalakad. Hindi ito nakaligtas kay Jase at tinignan ang huli.
“What?” malamig paring tanong
ni Jase.
“I didn't get his number.”
balik ni Rob. Pabulong lang ito na tila ba nahihiya sa kaniyang
kapalpakan pero pabulong man ito ay hindi parin ito nakaligtas kay
Jase na ikinakulo lalo ng dugo nito.
“How can you be so stupid?! Iyon
lang ang gagawin mo hindi mo pa nagawa?!” singhal ni Jase na muling
gumalit kay Rob at pumilit dito na patulan na ito. Sinundan niya ito
papunta sa likod ng building kung saan sila nagpresent at hinanap din
kung san nakaparada ang kanilang sasakyan.
“I'm so sorry OK?! Hindi ko din
ginusto 'to. Gusto ko nadin makauwi. Feeling mo gusto pa kita
kasama!” balik ni Rob na nakapagpatameme kay Jase. Sasagot na sana
si Jase sa pasaring na ito ni Rob nang biglang may dalawang lalaki na
sumulpot sa kanilang tabi at nagdeklara ng hold-up.
“Hold up to. Ibigay niyo samin
ang wallet at cellphone niyo kung ayaw niyong masakatan.”
Itutuloy...
Against
All Odds
3[22]
By:Migs
Ganda talaga Sir Migs! Sana araw-araw may update huhu, kakabitin kahit may isa pang chapter, hehe. Pasensya po sa pagiging demanding. Super ganda kasi talaga! Okay Bye~ basa-basa ulit ng next chapter :D
ReplyDelete