Against All Odds 3[22]

DISCLAIMER: The following is a work of fiction. Any similarities to any written works and any person, living or dead are purely coincidental. The story is intended for a mature audience. It may contain profanity and references to gay sex. If this offends you, please leave and find something more suitable to read. The author maintains all rights to the story. Do not copy or use without written permission. Email the author at miguisalvador@yahoo.com for comments, suggestions and violent reactions in pertaining to this blog and the stories that comes along with it.


Abala si Rob sa kaniyang ginagawang pag-o-audit parin nang tapikin siya ni Star. Agad nangunot ang kaniyang nang makitang niya ang pagaalala sa mukha ng katrabaho. Kung ano-ano ang pumasok sa kaniyang isip. Tila nakita ni Star ang takot sa mukha ni Rob kaya naman hindi na niya pinatagal pa ang kaniyang gustong sabihin dito at ipinakita na lang niya dito.


Alam ni Rob kung saan patungo ang paghatak sa kaniya na iyon ni Star kaya naman lalo siyang kinabahan pero nang may marinig siyang dalawang boses na tila ba nagtatalo ay agad nawala ang kaniyang takot at napalitan ito ng pagaalala dahil kilala niya kung kaninong boses ang mga iyon.


He's not even done yet with the auditing na ipinapaalala ko sayo na IKAW ang nagpapagawa!”

Sigaw ni Ian. Nagkatinginan si Rob at Star at napalingon si Rob sa buong floor kung saan may tingin ng pagaalala sa lahat ng empleyado na nakakarinig ng sigawan na iyon. Alam ni Rob kung saan nanggagaling ang pagaalala na iyon. Kilala ang kanilang kumpaniya sa pagkakaroon ng masayang environment at ngayon ay nagaaalala ang lahat na magbabago na ang lahat ng iyon.


You have to get in there.” saad ni Star.


Kapang kapa ni Rob ang takot na iyon ni Star mula sa mga sinabi nito. Hindi na kailangan ni Rob sumagot. Tumango na lang siya at walang sabi sabi na pumasok sa opisina ni Ian. Naabutan ni Rob na nasa likod parin ng kaniyang magarang lamesa si Ian at si Jase naman ay may ilang hakbang lang ang layo mula sa lamesa na iyon.


Kailangan natin siya para makuwa ang loob ng mga investors na based doon!” balik naman ni Jase na ayaw kagatin ni Ian.


Bullshit---!” simula ni Ian pero agad silang pinatigil ni Rob sa pagsasalita.


Stop it!” singhal ni Rob na ikinahiya ng dalawa.


People out there are starting to panic. This is supposed to be a happy work place. At yung naririnig kayo ng mga empleyado niyo na nagsisigawan says otherewise!” singhal parin ni Rob na ikinatameme parin ng dalawa.


Masama parin ang tingin na binabato ng dalawa sa isa't isa kaya naman ginawa na ni Rob ang isang bagay na alam niyang makakapagpatigil sa mga ito. Nagpakawala siya ng isang malalim na buntong hininga at tinignan ng mariin si Jase na alam niyang kumukulo parin ang dugo sa galit.


Maaari ko po bang malaman ang dahilan ng pagaaway niyo mga, Sir? Baka po makatulong po ako.” tanong ni Rob kay Ian dahil alam niyang hindi sasagot si Jase dahil sa sobrang init ng ulo nito.


Nang ibaling ni Rob ang kaniyang tingin kay Ian ay hindi nakaligtas kay Jase ang biglaang pagkalma ng itsura ni Ian na lalong ikinakulo ng kaniyang dugo. Tila ba kasi pinapahid pa ni Ian sa mukha ni Jase ang katotohanang may gusto ito kay Rob at alam ito ng huli at mas pinipili siya nito kesa sa kaniya.


He wants you to come with him sa Subic. I told him that you're no even finished with the auditing na siya rin naman ang nagpagawa sayo tapos ngayon sa kaisa-isa mong rest day dadalhin ka pa sa Subic para lang makakuwa ng investors!”


May I remind you Ian na yung mga investor na makukuwa ko bukas is for your company.” singit ni Jase na inis na inis parin.


Whatever!” balik naman ni Ian. Kung sa ibang pagkakataon lang sana ay baka natawa pa si Rob sa kinikilos ng dalawa.


Stop it.” pabulong nanamang saway ni Rob sa dalawa na ikinatameme ng mga ito.


Fine. I'll go with you sa Subic!” balik ni Rob kay Jase upang matahimik na ito.


But---” simulang pagtanggi nanaman ni Ian pero agad siyang tinignan ng mariin ni Rob.


Ian. Really. It's OK.” saad muli ni Rob sabay ngiti na tuluyang nakapagpakalama na kay Ian at hindi nagtagal ay nakapagpangiti nadin dito. Muli kumulo ang dugo ni Jase nang makita niya ang palitan na ito ng dalawa.


Get a room!” singhal ni Jase sabay naglakad palabas ng opisina ni Ian.


Iniwas ni Rob ang kaniyang tingin mula kay Ian at naramadaman niyang namula ang kaniyang mga pisngi dahil sa sobrang hiya. Napahiya siya sa sikmat na iyon ni Jase.


E-excuse me, sir. Balik lang po ako sa s-station ko.” nahihiya pading saad ni Rob na nakapagpangiti kay Ian. Hindi niya mapigilang maaliw sa ikinikilos ni Rob.


Boss.” saad ni Ian na nakapagpakunot sa noo ni Rob.


Sir?” tanong ni Rob habang pinagmamasdan ang papalapit sa kaniya na si Ian.


I told you to call me Boss diba?” nakangiting saad ni Ian habang tinitignan ng mariin si Rob na lalong namula ang pisngi.


Yes boss.” nakangiti naring sagot ni Rob.


Saglit pang nagtitigan si Rob at Ian at nang maalala ni Rob na nasa lugar pala sila ng trabaho ay agad muli niyang itinuro ang pinto ng ospisina bilang sabi na siya nga ay babalik na sa kaniyang lamesa. Tumango na lang si Ian at papadaanin sana si Rob sa pamamagitan ng paghakbang sa kaliwa nang humakbang rin si Rob sa kaniyang kanan.


Ending, magkaharap parin silang dalawa. Ngayon, hindi na lang mukha ni Rob ang namumula kundi ang mukha nadin ni Ian. Pero hindi parin nawawala ang ngiti sa mga mukha nila. Muli ay humakbang si Rob paiwas kay Ian at naglalakad na palabas ng opisina nang biglang magsalita ulit ang amo.


Oh and uhmmm Rob---?”


Hmmmm?”


Would you want to come to dinner with me later?” nahihiyang tanong ni Ian kay Rob.


Sure, Boss.” nakangiting sagot ni Rob ng walang pagaalinlangan na siyang nakapagpasaya kay Ian. Nakangiti paring lumabas ng opisina si Rob at papunta na sana siya sa kaniyang lamesa ng harangin nanaman siya ni Star.


OK na. Hindi na sila nagsisigawan.” nakangiting saad ni Rob pero agad nabura ang ngiting iyon nang makita niya parin ang pagaalala sa mukha ni Star.


Ano nanaman ang nangyari, Star?” nagaalala naring tanong ni Rob.


Si---” di pa man natatapos ni Star ang kaniyang sagot ay biglang may malakas na kalabog na narinig ang lahat ng nandun sa opisina at nanggaling iyon sa opisina ni Jase. Wala sa sariling pumunta si Rob sa opisina ni Jase.


Ramdam parin ni Rob ang galit ni Jase pagpasok na pagpasok niya ng opisina nito at nakita niya rin ang dahilan ng malakas na kalabog na nadinig sa buong floor na iyon. Isang malaking kahon na puno ng makakapal na bungkos ng papel ang nagsabog sa sahig malapit sa lamesa ni Jase. Agad itong nilapitan ni Rob at inayos.


What happened?” kalmadong tanong ni Rob na hindi sinagot ni Jase.


Saglit na binalot ng katahimikan ang buong opisina ni Jase at ang tanging naririnig ni Rob ay ang malalim na paghinga ni Jase. Alam na alam ni Rob ang ibig sabihin ng paghinga na iyon. Galit.


Sir---”


Do you like him?” tanong ni Jase na kapang kapa parin ang matinding galit.


Sorry---”


Do you like him? He like you, Rob. Alam mo ba yun? May gusto siya sayo. Now I'm asking kung gusto mo rin siya?” nanggigigil na tanong ni Jase na gumulat kay Rob. Agad na tumayo si Rob mula sa pagaayos ng mga nagkalat na bungkos ng papel.


Natigilan si Rob. Alam niya na ngayon ang ikinakagalit ni Jase at aminin man niya o hindi ay tila ba muli nanaman dinurog ang kaniyang puso.


Of course. He still loves Ian.”


Ayaw niyang ilagay sa alang alang ang kaniyang trabaho. Kahit gaano kasakit. Kahit gaano ka-unfair hindi niya pwedeng saguting sagutin si Jase. At ayaw niya ding ipakita kay Jase na nasasaktan siya. Ayaw niyang ipaalam dito na apektado siya sa pagiwan sa kaniya ni Jase noon dahil alam niya at sigurado siya lalo na ngayon sa inaasta nito ay wala lang naman talaga ang namagitan sa kanila noon. Tumalikod na siya at hindi na niya sinagot pa ang tanong na iyon ni Jase pero muli itong nagsalita.


Pity Ian doesn't like liars.” wala sa sariling saad ni Jase na siyang nakapagpatigil kay Rob sa paglalakad palabas ng opisina na iyon.


What?” pabulong na tanong ni Rob.


Ayaw niya ng sinungaling, Rob---” nangunot ang noo ni Rob sa sinabing ito ni Jase kaya naman agad niyang sinundan ang sinabi niyang ito. “I should know because that's the reason we broke up in the first place.” tinitigan ni Jase ang magiging reaksyon ni Rob pero nangungunot parin ang noo nito sa pagtataka.


Does the name Ace ring a bell? You should tell Ian about what happened between you and Ace and why you left his company.”


Nanlamig ang buong katawan ni Rob sa sinabi na ito ni Jase. Agad din nakita ni Jase na rumehistro sa mukha ni Rob ang kaniyang ibig sabihin. Gustong ngumisi ni Jase pero tila ba may sumigaw sa kaniya na mali ang kaniyang ginawang ito, sinubukan nito itong bawiin pero tila nakapagpalala pa ang kaniyang sinabing ito.


Rob, once nalaman ni Ian ang tungkol kay Ace sigurado akong mas mabilis pa sa alas kwatro ang pagtalikod niya sayo. Kaya kung ako sayo sabihin mo na kay Ian kung anong nangyari noon kesa malaman niya pa sa iba at mawala nanaman sayo ang lahat.” kalmadong saad ni Jase, umaasa na mainitindihan ng huli na nagaalala lamang siya dito at upang iparating nadin na kung sa kaniya muli ibabaling ni Rob ang pagtingin nito ay mas maiintindihan niya ito kesa kay Ian.


Pero taliwas ang naging dating ng kaniyang sinabing iyon kay Rob, para kay Rob ang sinabing ito ni Jase ay repleksyon lamang ng pagseselos nito sa kaniya dahil may pagtingin parin ito kay Ian. Kaya naman sa sinabi ding ito ni Jase ay agad na tumulo ang kanina pang nangingilid na luha ni Rob. Muli nanaman siyang nalagay sa alanganin. Mabilis niyang pinunasan ang mga luhang mabilis na pumatak at agad na lumabas ng opisina.


Lumapat ang pinto ng opisina na iyon ni Jase na may malaking hindi pagkakaintindihan sa pagitan ng dalawa. Si Jase, iniisip na naiparating na niya kay Rob ang gusto niyang mangyari at ang kaniyang intensyon habang si Rob naman ay iniisip na kailangan niyang kalimutan ang posibilidad ng kasiyahan kasama si Ian dahil sa banta na iyon ni Jase.

000ooo000

Iminulat ni Rob ang kaniyang mga mata na hindi naman pumikit ng higit pa sa isang oras. Hindi siya makatulog dahil nilulunod parin ng mga sinabi ni Jase sa kaniya noong nakaraang araw ang kaniyang utak. Iniisip niya din kung panong sasabihin kay Ian ang nangyari noon sa pagitan nila ni Ace. Ipipikit pa sana niya ang kaniyang mga mata upang matulog pa sana ng kaunti bago maghanda bago pumasok nang tumunog naman ang alarm ng kaniyang telepono.


Nagpakawala siya nang isang malalim na buntong hininga at kinaladkad ang kaniyang sarili papunta sa banyo.


Sobrang inis ko sa sarili ko kaya papasok parin ako sa trabaho ngayon.” sarkastikong saad ni Rob sa kaniyang sarili pero iniisip na lang niya na kailangan niya paring magpaliwanag kay Ian kung sakali mang magdesisyon siyang hindi na pumasok pa sa opisina.


Tila isa paring zombie si Rob habang nagbibihis, ni hindi niya nakain ang kaniyang inihandang almusal para sa kaniyang sarili at ni hindi niya namalayan na nasa harapan na pala ulit siya nang kanilang opisina at iniintay ang kaniyang boss na si Jase na dahilan ng kaniyang pagkakaganon ngayon.


You look awful.” saad ng isang lalaki sa likuran ni Rob.


Yung lalim palang ng boses. Yung tono pa lang ng pangungutya na iyon. Yung epekto pa lang ng boses nito sa kaniyang buong pagkatao ay kilalang kilala ni Rob. Ni hindi na niya ito nilingon pero hindi naman siya nagpakabastos dahil kahit papano naman ay alam niya at kinikilala niya parin ito na kaniyang amo.


Good morning, Sir.” malamig na saad ni Rob sabay tayo mula sa kaniyang kinasasalampakan sa paanan ng kanilang building. Hindi mapigilan ni Jase na makaramdam ng konting kirot sa pagbati sa kaniyang iyon ni Rob. Kirot na napalitan ng inis dahil sa hindi parin nito pagtingin sa kaniya.


What? Hindi mo ba ako tatawaging boss?” malisyosong tanong ni Jase na nakapagpatigil saglit kay Rob pero hindi na niya pinatulan pa ang kaniyang amo at naglakad na lang papalapit sa company car.


Kunot noong tinignan ng company driver si Rob nang pumasok ito sa passenger seat. Naramdaman ni Rob ang pagtitig na iyon sa kaniya ng driver kaya naman binato niya ito ng nagmamakaawang tingin bilang sabi na wag na siya nito paalisin doon at napapikit na lang siya nang marinig niya ang pabalang na pagsara ng pinto sa likod na bahagi ng sasakyan bilang hudyat na talagang hindi natutuwa sa kaniya si Jase.


Alis na tayo manong.” malamig na utos ni Jase na siyang nakapagpabuntong hininga kay Rob.


Nagising na lang si Rob nang maramdaman niyang tumigil na ang kanilang sinasakyan. Tinignan niya ang kanilang driver at nakita niyang inip na inip itong nakatingin sa kaniya na tila ba inaaksaya nito ang kaniyang oras.


Andito na tayo?” wala sa sariling tanong ni Rob sa driver sabay lingon sa labas ng kaniyang bintana. Tumango lang ang driver at humikab.


Mga trenta minutos na.” walang gana na sagot ng driver.


Bakit di mo ako ginising? Baka ma-late ako sa---” pero hindi na natapos pa ni Rob ang kaniyang tanong sa driver dahil ngumuso na ito pasenyas sa likod ng sasakyan. Agad sinundan ni Rob ng tingin ang itinuturo ng nguso ng driver at nakita niya doon sa likod ng sasakyan ang tulog na tulog na si Jase.


Di ko kayo ginising dahil natatakot naman akong gisingin kayo at baka mawalan pa ako ng trabaho.” wala paring gana na sagot ng driver. Muling ibinaling ni Rob ang kaniyang tingin kay Jase. Nakita niya itong payapang natutulog sa likuran ng sasakyan. Hindi maiwasang isipin ni Rob na sana ay ganito na lang lagi kapayapa si Jase, malayo sa lalaking laging nakikipagaway lagi sa kaniya. Gusto niyang yung dating Jase, yung Jase na magaang kausap.


Tingin ko kailangan mo na siyang gisingin para hindi kayo ma-late pareho.” makahulugang saad ng driver na gumising kay Rob sa pagtitig kay Jase. Umiling si Rob na tila ba ginising pa lalo ang kaniyang sarili sabay bukas ng pinto, lalabas na sana siya nang magsalita ulit ang driver.


Alam niyo, kung may gusto kayong sabihin sa isa't isa bakit hindi niyo pa sabihin kesa yung ganyan na nagiintayan kayong dalawa.” makahulugan ulit na saad ng driver na nagdulot kay Rob na tignan ito muli.


Ganyan ko din kasi tignan si misis pag may gusto akong sabihin sa kaniya eh.” kibit balikat na saad ng driver na muling nakapagpakunot sa noo ni Rob.


Pano mo naman nasabing may gusto rin siyang sabihin sakin?” tanong ni Rob.


Ganyan karin kasi tignan kanina ni Sir nung nakatulog ka. Una tinatawag ka niya, hindi niya kasi alam na nakatulog ka pero nung nakita niyang nakapikit ka di ka na niya ginising pero ang tagal ka pa niya tinitigan.”


Lalong nangunot ang noo ni Rob sa sinabing ito ng driver.


Sige na gisingin mo na si Sir.” wala nanamang ganang saad ng driver pero hindi iyon inintindi ni Rob dahil mas iniisip niya pa ang makahulugan nitong sinabi.

000ooo000

Dahan dahang imunulat ni Jase ang kaniyang mga mata at sinanay ito sa paligid. Naabutan niyang nakadungaw sa kaniya si Rob, ilang pulgada lang ang layo ng mukha nito sa kaniyang mukha. Hindi niya alam kung gaanong karaming pasasalamat sa Diyos ang kaniyang ginawa dahil muli siyang pinagbigyan nito na makalapit si Rob ng ganoon, yung muli niyang nakita ang mapupungay at mabibilog nitong mga mata kahit pa nasa likod ito ngayon ng makakapal na salamin, ang matangos nitong ilong, ang makinis nitong mukha.


Pero agad itong napalitan nanaman ng inis nang maalala niya ang pakikipaglandian nito kay Ian at ang ginawa nitong pande-deadma sa kaniya kanina. Iyon at dahil narin sa sobrang puyat. Hindi rin kasi siya pinatulog ng kaniyang konsensya sa masasakit na sinabi kay Jase noong huli silang nagkausap.


What are you doing?” singhal ni Jase kay Rob na tila naman binuhusan ng malamig na tubig. Agad na lumayo si Rob kay Jase dahil sa sobrang pagkapahiya.


I'm just going to wake you up. We're going to be late.” nakayukong sagot ni Rob.


Whatever.” balik naman ni Jase na ikinairap na lang ni Rob.

000ooo000

Maganda ang naging resulta ng kanilang pagpre-present sa mga future investors sa kabila ng asim ng paguugali na ipinapakita nila sa isa't isa. Hindi rin ito nahalata ng mga investors dahil pigil na pigil ang dalawa sa mga panggigigil nila sa isa't isa pero lahat ng inis na nararamdaman ng dalawa ay mabilis na sumabog nang ismidan nanaman ni Jase si Rob.


Call the driver, I want to go home.” malamig na saad ni Jase na nakapagpatigil kay Rob sa paglalakad. Hindi ito nakaligtas kay Jase at tinignan ang huli.


What?” malamig paring tanong ni Jase.


I didn't get his number.” balik ni Rob. Pabulong lang ito na tila ba nahihiya sa kaniyang kapalpakan pero pabulong man ito ay hindi parin ito nakaligtas kay Jase na ikinakulo lalo ng dugo nito.


How can you be so stupid?! Iyon lang ang gagawin mo hindi mo pa nagawa?!” singhal ni Jase na muling gumalit kay Rob at pumilit dito na patulan na ito. Sinundan niya ito papunta sa likod ng building kung saan sila nagpresent at hinanap din kung san nakaparada ang kanilang sasakyan.


I'm so sorry OK?! Hindi ko din ginusto 'to. Gusto ko nadin makauwi. Feeling mo gusto pa kita kasama!” balik ni Rob na nakapagpatameme kay Jase. Sasagot na sana si Jase sa pasaring na ito ni Rob nang biglang may dalawang lalaki na sumulpot sa kanilang tabi at nagdeklara ng hold-up.


Hold up to. Ibigay niyo samin ang wallet at cellphone niyo kung ayaw niyong masakatan.”


Itutuloy...


Against All Odds
3[22]
By:Migs

Comments

  1. Ganda talaga Sir Migs! Sana araw-araw may update huhu, kakabitin kahit may isa pang chapter, hehe. Pasensya po sa pagiging demanding. Super ganda kasi talaga! Okay Bye~ basa-basa ulit ng next chapter :D

    ReplyDelete

Post a Comment

Popular posts from this blog

The Rebound

Make It With You [Chapter 5] Failed Plans

Against All Odds 2[55]