Against All Odds 3[23]

DISCLAIMER: The following is a work of fiction. Any similarities to any written works and any person, living or dead are purely coincidental. The story is intended for a mature audience. It may contain profanity and references to gay sex. If this offends you, please leave and find something more suitable to read. The author maintains all rights to the story. Do not copy or use without written permission. Email the author at miguisalvador@yahoo.com for comments, suggestions and violent reactions in pertaining to this blog and the stories that comes along with it.


Binalot ng takot ang dalawa habang tinitignan ang dalawang lalaki. Ibinaling ni Jase ang kaniyang tingin sa paligid pero wala siyang nakitang ibang tao na maaaring tumulong sa kanila ni Rob, tinignan niya rin kung kaya niya bang labanan ang dalawa pero mas malaki pa ang mga ito sa kaniya at ayaw naman niyang ipahamak maski si Rob na alam niyang binabalot na ngayon ng takot.


Anong tinitingin tingin mo dyan, pretty boy?!” singhal ng isa kay Jase sabay sampal sa pisngi nito ng marahan upang bumalik ang pansin nito sa kanila.

Lalaban ata pare.” simula nung isa na malapit kay Rob.


H-hindi po. I-ibibigay na po namin wag niyo l-lang po kami s-saktan.” pagmamakaawa ni Rob na ikinangisi ng mga masasamang loob.


Yun naman pala eh.” saad ng isang malapit kay Jase saka sumahod ng kamay bilang tanda na hinihingi na nito ang kanilang mga mamahaling gamit.


Pati yang relos mo.” saad muli nung malapit kay Jase na saglit pang nagalangan.


Hindi mo ibibigay?!” taas boses na saad muli nito saka pinandilatan ng mata si Jase.


Jase---” tawag pansin ni Rob kay Jase. Agad ibinaling ni Jase ang pansin kay Rob at agad na binalot ng takot ang kaniyang buong katawan nang makita niyang nakayakap mula sa likod ng kaniyang dating kasintahan ang malaking mama at nakatutok na sa leeg nito ang kutsilyo.


---p-please.” pagmamakaawa ni Rob habang ngumingiwi sa sakit dahil sa dahan dahang pagbaon ng tulis ng balisong sa kaniyang leeg. Gustong sugurin ni Jase ang lalaking nananakit ngayon kay Rob, gusto niya itong paulanan ng malalakas na suntok pero alam niyang lalo lang sila mapapahamak kaya naman mabilis na lang niyang hinubad ang kaniyang mamahaling relos at ibinigay ito sa mga kawatan.


Marahas na pinakawalan ng lalaki si Rob at itinulak pa ito na nagresulta sa pagkakaluhod nito sa maruming sahig ng eskenita. Mabilis itong nilapitan ni Jase na siyang kinuwa namang oportunidad ng dalawang masamang loob na tumakas pero hindi na ito pinansin ni Jase at itinuon na lang niya ang kaniyang pansin kay Rob na hindi parin tumatayo mula sa pagkakasalampak sa sahig.


Rob?” nagaalalang tanong ni Jase.


Tila binuhusan ng malamig na tubig si Jase nang marinig niya ang marahang paghikbi ni Rob.


I-I'm s-so--” simulang paghingi sana ng tawad ni Jase nang biglang tumayo si Rob at pinagpag ang sariling mga tuhod, walang duda na umiiyak ito pero nakalihis ang mukha nito mula sa tingin ni Jase.


Hindi alam ni Rob kung dapat ba siyang maawa sa sarili niya o tuluyan ng magalit kay Jase. Alam niyang wala na itong pagtingin sa kaniya pero ang magalangan pa ito sa pagdedesisyon kung ano ang mahalaga, ang buhay niya o ang mamahaling relos nito ay talaga namang dumurog sa puso niya. Hindi niya rin mapigilang isipin na talaga pa lang wala lang kay Jase ang nangyari sa kanila noon na hahayaan pa nito na masaktan siya.


Tahimik ang paligid at hindi parin mapigilan ni Rob ang mapahikbi. Iniiwas niya parin ang kaniyang mukha mula sa tingin ni Jase pero kahit pa nakaiwas na ang kaniyang mukha sa mapanuri nitong mga mata ay pasimple niya paring pinahiran ang kaniyang mga luha tapos ay pilit na pinakalma ang sarili atsaka nagpakawala ng isang tawa.


I-I thought hahayaan mong patayin na nila ako eh---” saad ni Rob sa pagitan ng mga pekeng tawa.


Rob---” simula ni Jase, hindi niya alam kung anong sasabihin kay Rob kaya naman wala sa sarili na lang siyang lumapit dito, pero hindi siya hinayaan ng huli at humakbang pa ito palayo sa kaniya. Muli siyang lumait dito at sinubukang abutin ang leeg nito upang pahiran ang kaunting patak ng dugo dahil sa pagbaon ng talim ng balisong ng magnanakaw kanina pero hindi nanaman siya nito hinayaan.


Akala ko dahil sa sobrang inis mo sakin kaya hahayaan mo na lang na patayin nila ako eh.” saad muli ni Rob sabay pakawala ng isang tawa idinaan sa biro ang sakit na nararamdaman habang sinasabi niya ang kaniyang iniisip.


Ang sinabing ito ni Rob kay Jase ay lalong nakapagpabigat sa kaniyang damdamin. Napapikit siya dahil kapang kapa niya ang sakit na nararamdaman ni Rob sa mga sinabi nito. Noon pa man ay may issues na si Rob tungkol sa pagkakaroon ng tunay na magpapahalaga dito at alam niyang ang saglit na pagaalangan niyang iyon ay totoong nakasakit kay Rob.


Napayuko siya sa sobrang hiya.


I'm sorry.” bulong ni Jase pero huli na ang lahat dahil nagsimula ng maglakad si Rob palayo sa kaniya at hindi na siya nito narinig.


000ooo000


Malayo na ang kanilang nalakad. Alam niyang wala sa sariling naglalakad si Rob sa kaniyang harapan dahil sa lalim ng iniisip nito, alam niyang walang partikular itong pupuntahan kaya naman pinigilan niya ito sa pamamagitan ng paghawak sa braso nito. Nagulat na lang si Jase nang marahas na hatakin ni Rob ang braso nito mula sa kaniyang pagkakahawak.


Saglit silang nagtitigan at nang makabawi ay nagpakawala ng isang malalim na hininga si Rob at ibinaba ang tingin. Doon lang napansin ni Jase na sobrang tensyonado si Rob. Doon lang naisip ni Jase na marahil dahil parin sa nangyari kanina kaya ito tensyonado at kaya malalim parin ang iniisip nito.


Gusto niya itong yakapin at siguraduhin na mas pinahalagahan niya ito kesa sa kaniyang relos, gusto niyang siguraduhin dito na mali ang iniisip nito. Pero hindi pa man niya naiiisip kung magandang ideya ba ito o hindi ay nagsalita na muli si Rob na para bang walang nangyaring masama at emosyonal sa pagitan nilang dalawa kanina.


Sinusubukan kong tandaan yung dinaanan kanina ng company car.” saad ni Rob na hindi naman kinagat ni Jase.


Rob pareho tayong tulog na tulog kanina sa byahe, kahit sino satin sa dalawa hindi matatandaan ang dinaanan natin kanina.” malungkot at pagod na saad ni Jase.


Then we should look for a bus going to Manila. Malamang hindi na natin makikita ang company car kasi kanina pa tayo nagkakasalisihan at sa ugali nung driver na yun malamang di na nakapagintay yun at umalis na.” muli nanamang mungkahi ni Rob.


OK sana yang naisip mo, Rob except we don't have money to pay for the bus fare.” sagot nanaman ni Jase na nakapagpatahimik kay Rob.


Think. Think. Think.” bulong ni Rob sa kaniyang sarili.


Rob?” tawag pansin ni Jase sa kaniyang kasama nang marinig itong bumulong.


Take your shirt off.” mabilis na saad ni Rob na gumulat kay Jase.


What?!” kunot noong tanong ni Jase kay Rob, iniisip na baka naalog ang utak nito nung mahold-up sila kanina.


I said take off your shirt.”


Why?!” naeeskandalo paring tanong ni Jase kay Rob. Nakangiting lumapit si Rob at pilit na pinaharap si Jase sa establishimento sa likod nito.


We're in the red district.” saad ni Rob na may ngiting tagumpay sa kaniyang mukha.


Let me guess. You want me to take off my shirt para magkapamasahe pauwi.” sarkastikong balik ni Jase na nakapagpahagikgik kay Rob.


A couple of hundreds will do.” saad ni Rob sabay kibit balikat.


000ooo000


Please. We really need the money.” pagmamakaawa ni Rob.


Hindi talaga pwede toto.” nakangising saad ng may ari ng bar.


Let's just do this outside---” bulong ni Jase kay Rob nang sa ikailang ulit ay hindi nito napapayag ang may ari ng club.


Jase, hindi pwede. Wala tayo permit. Baka hulihin pa tayo. Presinto ang lagpak natin nito.” saad ni Rob.


Fine. So pano? Besides. I think this is a straight bar.” saad ni Jase sabay iginala ang tingin sa buong paligid ng bar.


Saglit na natahimik si Rob na wari ba ay nagiisip.


Akong bahala.”


Sige sir. 60-40 tayo sa hatian ng kikitain ng kliyente ko.” saad ni Rob na nakapagpataas sa kilay ni Jase. Natigilan saglit ang may ari ng bar.


000ooo000


Hindi mag kamayaw si Rob at ang may ari ng club sa kabibilang sa mga kinita nila. Simula entrance hanggang sa mga drinks at mga sinisingit ng mga parokyano ni Jase sa pantalon nito na halos nakahubad na. Napansin ni Rob na lalong naghiyawan ang mga tao sa loob ng club na pinaghalong mga babae at beki kaya naman itinuon na niya ang kaniyang pansin kay Jase.


Nanlaki ang kaniyang mga mata nang makita niya ang isang beki ang kasalukuyang nakikipag sayaw kay Jase at hinahalikhalikan ang maskulado nitong katawan na tila ba kasali sa body shots. Wala sa sariling tumayo si Rob at iniwan ang pagbibilang ng pera at tumungo sa DJ booth.


Can I borrow the mic?” tanong ni Rob sa nagtataka at nagulat na DJ.


Two thousand if you're going to kiss the models body.” kalmadong saad ni Rob sa mikropono na talaga namang nakapagpaangal sa mga nandun.


Deal with it.” kalmado pero mataray na saad ni Rob na ikinangisi ni Jase. Naglakad pabalik si Rob sa lamesa kung saan sila nagbibilang ng mayari ng club na iyon ng kanilang mga kinita.


Someone is jealous.” saad ng DJ na ikinatigil ni Rob sabay gulat na gulat na tinignan ang DJ na binalewala lang ang eskandalosong tingin na iyon ni Rob. Inirapan na lang ito ni Rob at ibinaling ang tingin kay Jase na nakangisi paring nakatingin sa kaniya.


Hmpft.” saad ni Rob at itinuon na lang ang pansin sa pagbibilang.


000ooo000


How much did I make?” tanong ni Jase kay Rob habang binubutones ang kaniyang polo at slacks na ikinadismaya naman ng mga bading na nagkumpulan doon upang manood ng show ni Jase. Hindi rin maiwasan ni Jase na mapailing dahil sa hindi maialis na ngiting tagumpay sa mukha nito.


Two thousand five hundred pesos.” nakangiti paring saad ni Rob sabay taas baba ng kilay na hindi pinaniwalaan ni Jase.


Wow. Ang mura ko lang pala.” sarkastikong balik ni Jase na nakapagpahagikgik kay Rob. Hindi kasi siya naniniwala na yun lang ang kinita ng kaniyang pagiling giling sa entablado.


Hey! Di na masama yun no. hindi ka naman nag all the way eh!” humahagikgik na saad ni Rob na ikinailing ulit ni Jase habang itinatago ang ngiti. Alam niyang nagsisinungaling si Rob pero hinayaan na lang niya ito.



000ooo000


I'm so tired.” saad ni Rob sabay upo sa malambot na upuan ng bus na byaheng Manila.


Wow ha, hiyang hiya naman ako sa pagupo mo lang at pagbilang ng pera.” sarkastikong balik ni Jase na ikinahagikgik ni Rob.


Mas kikita kasi tayo kung ikaw ang magstrip tease kesa ako.” pambobola ni Rob na ikinangisi lalo ni Jase.


Hah! I knew it! Nagwa-gwapuhan ka parin sakin!” saad ni Jase na ikinailing na lang ni Rob.


Whatever. Matulog ka na lang dyan sa upuan mo. Antok lang yan.” balik ni Rob sabay pikit.


You could just admit it you know.” saad ni Jase pero hindi na muli pang sumagot sa kaniya si Rob, nagulat na lang siya nang dumantay ang ulo nito sa kaniyang balikat.


Doon napagpasdam maigi ni Jase ang sugat na dulot ng matalas na balisong na ipinangtutok dito kanina. Hindi muli niya mapigilang makaramdam ng lungkot. Wala sa sarili niya itong inabot.


I'm so sorry.” tahimik na saad ni Jase. Ang paghingi ng tawad na iyon ay paghingi ng tawad sa lahat ng bagay na nagawa niya kay Rob. Ang paghingi ng tawad na iyon ay isa sa mga bagay na ninanais niyang magawa habang gising si Rob sa lalong madaling panahon.


000ooo000


Rob.”


Dahan dahang iminulat ni Rob ang kaniyang mga mata at naabutan niyang nakadungaw sa kaniya si Jase. Naalala niya pa nang bigla niyang maisip na sana ay laging ganun kung gigising siya at naaalala niya din nang biglang humagikgik si Jase.


Oh shit.” saad niya sa sarili nang marealize niya na kaya biglang tumawa si Jase ay dahil nasabi niya ng malakas ang kaniyang iniisip na iyon.


Di ka natulog?” ang pagiibang usapan na tanong ni Rob. Umiling lang si Jase. Hindi maiwasan ni Rob ang magtanong ulit.


Why?” tanong ni Rob.


Binantayan kita habang natutulog.” wala sa sarili ding sagot ni Jase. Saglit na natigilan sa paglalakad si Rob.


I mean after what happened tonight di ko maiwasang maparanoid.” palusot ni Jase na ikinangiti at ikinailing na lang ni Rob. Hindi nagtagal ay pumara na sila ng taxi papunta sa kanilang opisina.


What a day, huh?” saad ni Jase nang sa wakas ay makababa na sila ng taxi sa harapan ng building nila.


Binalot ng katahimikan ang dalawa. Hindi alam kung ano ang susunod na gagawin at sasabihin. Muling napadako ang tingin ni Jase sa leeg ni Rob at hindi nanaman niya napigilan ang sarili na abutin ito. Hindi ito napansin ni Rob dahil sa iba ito nakatingin.


Does it hurt?” wala sa sarili nanamang tanong ni Jase. Nagulat si Rob, hindi narin tuloy siya agad nakaiwas. Umiling na lang siya. Muli nanamang bumalik sa kaniya ang alaala ng pangho-hold-up sa kanila at muli nanaman niyang naalala ang kawalan ng pagpapahalaga sa kaniya ni Jase.


You don't have to pretend like you care you know.” sarkastikong balik ni Rob sabay lakad papunta sa sakayan ng dyip pauwi sa kaniyang apartment.


Rob wait.” habol dito ni Jase.


Jase, it's no big deal---” simula nanaman ni Rob.


It is a big deal, Rob. You got hurt because of me. I'm so sorry.” saad nanaman ni Jase na muling nagdulot kay Rob upang mapaluha.


It's OK, Jase. Just drop it OK?” saad ni Rob.


It's not OK, Rob! It's not OK!” singhal ni Jase.


Alam ko iniisip mo na mas mahalaga pa ang relos ko sa buhay mo, but that's not the case, Rob! I do care about you---”


Jase---” simula nanaman ni Rob pero hindi siya pinayagan ni Jase na sumingit siya. Marahas siyang iniharap nito sa kaniya.


---I care about you, Rob. Believe it or not. Tinignan ko lang yung relos kasi I know na that would be the last time I'm going to see it---”


Buti hindi ganun ang naisip mo nung tinignan mo ako.” sarkastikong balik ni Rob na ikinasinghal nanaman ni Jase.


Aaron gave it to me! I just want to look at it for the last time before they take it from me.” napatameme si Rob sa sinabing ito ni Jase.


Hindi ako nagdalawang isip nung pinapili nila ako between you and the damn watch, Rob! I-I just want to look at it for the last time.”


Napako si Rob sa kaniyang kinatatayuan kaya naman hindi na siya nakaiwas pa nang lumapit sa kaniya si Jase at inabot ulit ang sugat niya sa leeg. Yayakapin na sana ni Jase si Rob pero pinigilan niya ang kaniyang sarili. Marami pa siyang dapat i-hingi ng tawad kay Rob at kapag naihingi na niya lahat ng kaniyang nagawa ng kapatawaran ay saka niya hahayaan ang kaniyang sarili na yumakap dito.


I'm so sorry you got hurt---” simula ni Jase.


Ipinikit na lang ni Rob ang kaniyang mga mata at tumango bilang pagpapatawad kay Jase.


Itutuloy...


Against All Odds
3[23]
By:Migs

Comments

  1. Love moves in mysterios ways tlaga nuh.. tnx migs for the ud..

    ReplyDelete
  2. Ganda talaga! Sana may susunod kaagad! Kakaexcite! <3

    ReplyDelete
  3. Naiyak ako saglit sa last two lines ni Jase, somehow hindi na tlga maalis sa puso niya si Aaron dahil iba ang pagmamahal niya rito..sana mapatawad at maunawaan na siya ni Rob... Sana manindigan din si Jase for Rob this time...gusto ko na silang dalawa na sumaya... #shawarmateamAKO
    Bravo Sir Migs, really worth the wait! Take care and hope to read the next part soon..

    ~maharett

    ReplyDelete
  4. Galing tlga ng author nito_,sana mas mabilis ang update,at sana happy ending.

    Breaille lance

    ReplyDelete
  5. Bakit ako naiiyak??? Mag aantay ako ng kasunod kahit gaano katagal! ^___^

    ReplyDelete
  6. Nalungkot ako sa huling part. T_T

    Iba ka talaga kuya migs. Punong puno ng emosyon at may puso ang bawat chapter mo kaya hindi ko iwan itong blog mo.

    --ANDY

    ReplyDelete
  7. yung feeling na hindi mo alam kung sino sa dalawa ang pipiliin mo..

    yung feeling na relate na relate ka sa character ni rob and pati ikaw nalilito na kung sino ang mas matimbang sa kanilang dalawa...


    update po soon please..i dont want it.. i need it T_T
    please po author

    ReplyDelete
  8. That line! Yun yung nagdala eh. Gosh. Pride and the likes...

    ReplyDelete
  9. Being tactless of Rob surprises me. Yung mga hugot niya is wagas!

    -Allen

    ReplyDelete

Post a Comment

Popular posts from this blog

The Rebound

Make It With You [Chapter 5] Failed Plans

Against All Odds 2[55]