Breaking Boundaries 2[2]

DISCLAIMER: The following is a work of fiction. Any similarities to any written works and any person, living or dead are purely coincidental. The story is intended for a mature audience. It may contain profanity and references to gay sex. If this offends you, please leave and find something more suitable to read. The author maintains all rights to the story. Do not copy or use without written permission. Email the author at miguisalvador@yahoo.com for comments, suggestions and violent reactions in pertaining to this blog and the stories that comes along with it.


Matagal pang tinitigan ni Dale si Jay. Andami pang pumasok sa kaniyang isip. Naisip niya lahat ng mga pustahan nila ni Jay magmula pa noong simulan nila ang taunang laro na iyon. Nagsimula na siyang mamutla at hindi ito nakaligtas kay Jay na tumawa ng ubod lakas dahil alam ni Dale na ngayon lang nanalo ang kaniyang pinsan at alam niyang hindi basta basta ang ipapagawa nito sa kaniya. Kumbaga sa tuwing Semana Santa ay panata na nila ito ni Jay at sineseryoso nila ang bawat pustahan at parusa na kalapit nito may mapatunayan lang sila kahit gano pa nakakahiya ang mga parusang ito.

Mas magaling ako sa basketball, Jay!” pagmamaangas ng sampung taong gulang na si Dale sa kaiyang pinsan na kasing tanda niya lang.


Edi sige, subukan natin kung sino talaga ang mas magaling satin.” hamon ni Jay saka idrinibol ng idrinibol ang malaking bola, napangisi si Dale nang makaisip ng isang nakakalokong ideya.


Tapos para mas exciting dapat may parusa yung matatalo.” mayabang na saad ni Dale at pumayag naman si Jay dahil malakas din ang kumpiyansa nito sa sarili.


At matapos ang pustahan na iyon ay si Jay nga ang natalo. Ang mga unang parusa ay magagaan pa hanggang sa napagkasunduan nilang gawin ang pustahan na iyon taon taon pero nang maglaon, habang padumi ng padumi ang kanilang paglalaro ay padumi din ng padumi ang kanilang mga parusa, partikular ang mga parusa ni Dale sapagkat lagi naman siya ang nananalo.


Isang beses ay pinagparada niya si Jay na nakadamit pambabae, sumunod naman ay nag-jogging sila na hubo't hubad si Jay, sumunod ay pinasigaw niya ang pinsan ng sunog sa kalagitnaan ng mall at ang pinakamatindi sa lahat ay ang pilitin niya itong sabihin sa mga magulang ng huli na siya ay bading at napagdesisyunan ng magbuhay bilang isang babae. Bagay na halos ika atake sa puso ng ama ni Jay.


Kaya naman nanlalambot siya, ngayon pa lang habang pinagiisipan ni Jay ang ipaparusa sa kaniya. Nahuhuli niya ito na nangingisi-ngisi habang nagpapahinga sila sa gilid ng court at napapatingin sa kaniya, walang duda na iniisip kung ano ang pwedeng iparusa sa kaniya na hindi makakalimutan ng lahat.


I think we should do a rematch.” pang-u-uto ni Dale sa kaniyang pinsan na nabura ang mapaglarong ngiti sa mukha at umarte na tila ba nagiisip ng malalim.


Yup. A rematch would be good---” simula ni Jay na tila ba nagbigay ng malaking pag-asa kay Dale. “---next year.” pagtatapos ni Jay na siyang nakapagpabagsak ulit ng mga balikat ni Dale.


What? You think I'm going to let this opportunity pass?” humahagikgik na tanong ni Jay sa kaniyang pinsan na tila lalong pinagpawisan.


Saka wala ako sa sarili ko nun kaya ka naka-shoot dahil dumating yung kumag na yun.” naiinis ulit na depensa ni Dale sa sarili.


Sabi mo sa kaniya na ibigay na ang bola para maipagpatuloy na natin yung laro natin and he did. So that means na naglalaro ulit tayo nung ipinasa niya sakin yung bola.” nakangising balik ni Jay na ikinailing na lang ni Dale.


Alam niyang wala siyang panalo.


I'm going to kill that asshole.” pabulong na singhal ni Dale na nakapagpahagikgik kay Jay.


He's familiar. Do we know that asshole?” naiinis ulit na tanong ni Dale sa pinsan.


He's Andrew, dude--- remember him?” simula ni Jay sabay nagstre-stretch.


Nolan's best mate? I thought he's gay?”


He is.” kibit balikat na saad ni Jay sa pinsan.


He doesn't look gay to me.”


That's because you're stereotyping. Di porket bading dapat nakadamit pambabae na o kaya malamya at kumekembot, uso na ngayon dito sa pinas ang machong bading, Dale.” humahagikgik na saad ni Jay.


Alam ko naman yun, Jay. Madami din ganyan sa US---”


Oh yun naman pala eh, ano pang ipinagtataka mo?” umiiling na lang na saad ni Jay.


And besides, dapat iniisip ko na ang parusa mo at wag na nating isipin kung bading ba talaga si Andy o hindi.” humahagikgik na saad ni Jay kay Dale na muling namutla at kinabahan sa ibinabalak ng kaniyang pinsan.


000ooo000


Sorry.” gulat na saad ni Andy sa kaniyang kuya Allen nang makasalubong niya ito sa kanilang front door at halos mabangga. Siya, papasok habang si Allen naman ay papalabas para sa kaniyang hapunang jogging.


Di siya pinansin nito na siyang naglagay ng isang kurot sa kaniyang puso pero hindi rin nagtagal ay ikinibit balikat na lang niya ito. Madaming nagbago simula nang ipagkalat ni Nolan ang lahat patungkol sa kaniyang pagkatao at is na ang relasyon niya sa kaniyang kuya Allen. Napa-buntong hininga na lang silang dalawang magkapatid nang makalampas sila sa isa't isa.


Agad-agad na umakyat sa sariling kwarto si Andy at nagpalit ng damit, nang makapag-ayos na ay agad na siyang humiga sa kama at inalis lahat ng numero sa kaniya ni Michael na may kasamang inis at muling pag-uusig sa sarili kung saan siya nagkulang, ngunit hindi nagtagal ang pagtatanong nanaman niya sa sarili sapagkat pumasok na sa isip niya ang dalawang kapitbahay na naglalaro ng basketball.


Kilala niya ang dalawang iyon. Halos magkakasing tanda lang sila at minsan na silang nagkalaro noong mga bata pa sila habang para siyang anino na sumusunod noon kay Nolan pero ngayon niya na lang ulit nakasalamuha ang dalawang iyon, ang laki na ng mga pinagbago ng mga ito. Wala na ang dating mga gusgusin na bata---


Tumayo si Andy mula sa kaniyang kama at humarap sa malaking salamin na nasa loob ng kaniyang kwarto at pinagmasdan ang sarili. Malayo narin ang kaniyang itsura simula noong huli silang nagkalaro nila Jay at Dale, nasa tangkad na siya ngayon na 5'9”, hindi payat at hindi rin naman mataba.


Tamang tama ang height ni Dale.” wala sa sariling saad ni Andy na maski mismo siya ay ikinagulat niya rin. Kitang kita sa kaniyang repleksyon ang pamumula ng kaniyang pisngi. Inaamin niyang gwapo si Dale at ganun din naman si Jay pero mas angat sa appeal si Dale.


Ngayon alam na niya kung bakit imbis na magwala siya dahil sa muntik na niyang pagkakadisgrasya dahil sa bola ng dalawa ay mas pinili niya pang magpakitang gilas sa mga ito. Mas pinili niya pang ipakita sa mga ito ang alam niya sa pagbabasketball na matagal na niyang hindi nagagawa.


Upang magpapansin.


What the hell?!” saad muli ni Andy sa sarili saka masugid na umiling upang maialis ang ideya na iyon sa kaniyang isip matapos niyang mapagtanto na attracted siya kay Dale. Pilit niyang binubura sa kaniyang isip ang ideya na iyon kahit pa kabaligtaran ng kaniyang isip ang gusto nitong mangyari.


Paulit-ulit na pumapasok sa kaniyang isip ang itsura ng pawisang si Dale, ang maamo nitong mukha, ang maputi nitong balat, ang mapula nitong mga labi, ang mapupungay na mga mata, ang matipunong katawan, ang bawat butil ng pawis nito na tumutulo sa matipuno nitong braso---


ARGGGHHHH!”


Erase! Erase! Erase!” naghihisterikal na saad ni Andy sabay muling ibinagsak ang sarili sa higaan.


Straight yun, Andy. Walang mabuting maidudulot ang kumag na iyon sayo, kung hindi sakit sa puso!” pagpapaniwala ulit ni Andy sa kaniyang sarili upang mawala na sa kaniyang isip ang lalaking pumukaw sa kaniyang pansin sa hapon na iyon.


Makatulog na nga lang.” sabi ni Andy sa sarili sabay ipinikit ang mga mata pero laking pagkakamali ito dahil yung sandali na pumikit ang kaniyang mga mata ay mukha muli ni Dale ang pumasok sa kaniyang isip.


Damn it!”


000ooo000


So ano na yung parusa mo sakin?” tanong ni Dale sa kaniyang pinsan na paminsan minsan paring nangingiti.


Bakit ka ba nagmamadali? I'm still enjoying my victory eh. Mamya na yang parusa mo.” humahagikgik na sagot ni Jay sabay subo sa biniling fish ball malapit sa may court.


Because I'll hunt that asshole and challenge him to a game of basketball he wouldn't forget.” iritable paring saad ni Dale sa tuwing ipinapamukha sa kaniya ni Jay ang kaniyang pagkatalo dahil lang sa pangingeelam ni Andy.


Can't move on much?” humahagikgik na pangaasar pa ulit ni Jay kay Dale.


Di kasi dapat ako natalo eh!”


Tanggapin mo na kasi.” balik naman ni Jay na may kasama pang paghagikgik.


Nope. Nanalo ka lang talaga dahil may nangielam.” balik ni Dale.


OK. Alam mo sa mga sinasabi mong yan lalo tuloy ako nagkakaroon ng isang napakagandang ideya para sa parusa mo.” saad ulit ni Jay habang humahagikgik na muling nakapagpakaba kay Dale.


000ooo000


Mabigat ang kaniyang pakiramdam habang nakatingin sa isang lalaki na nasa kaniyang harapan. Wala sa sarili niyang inabot ang kaniyang mga pisngi at hindi na nagulat nang malaman niyang basa ito dahil sa luha.


I'm sorry.” saad ng lalaki sa kaniyang harapan na hanggang ngayon ay hindi niya makita ang mukha pero hindi parin nababawasan non ang bigat ng pakiramdam na kaniyang nararamdaman.


Why?” wala sa sarili niyang tanong na maski siya ay ikinagulat niya pero ramdam niya parin ang bigat ng salitang kaniyang inusal.


Andy, I'm sorry.” saad ulit ng lalaki habang papalapit ng papalapit sa kaniya habang siya naman ay umiiling at humahakbang papalayo dito.


Andy---” tawag ulit nito sa kaniya.


Andy---”


Dahan-dahang iminulat ni Andy ang kaniyang mga mata at sa hindi maipaliwanag na dahilan ay mamasa-masa din ito. Idinampi niya ang kaniyang mga kamay sa kaniyang pisngi at naramdaman niyang katulad sa kaniyang panaginip ay basa din ito. Bigla niyang naalala muli ang kaniyang panaginip.


Kuya, are you OK?” tanong ni Aeron.


Sabi mo kanina, OK ka lang.” saad naman ni Anthony.


Oo nga. Wala naman kasi talagang kwenta yung ka-date mong yun. Wag mo nang pagaksayan ng oras at luha yun.” saad naman ni Aeron sabay yakap sa kapatid.


Hindi naman 'to dahil kay Michael, no.” saad ni Andy sabay punas sa kaniyang mga luha.


Eh dahil pala kanino?” sarkastikong balik tanong ni Aeron sa kaniyang kuya habang pinapakawalan ito sa kaniyang pagkakayakap.


Dahil dun sa lalaki sa panaginip ko.” wala sa sariling sagot ni Andy na ikinailing ni Aeron at Anthony.


““Labo.”” sabay na sagot ng nakababatang mga kapatid ni Andy na ikinagising nito mula sa malalim na pagiisip dahil narin sa kaniyang panaginip.


Mga loko!” saad ni Andy sabay hinabol ang dalawa niyang nakababatang kapatid.


Dad, nababaliw na si kuya!” sigaw ni Anthony sa kanilang ama na abala sa paghahanda ng kanilang hapunan.


Sa kabila ng paglilihis ng kaniyang mga kapatid sa kanina lang ay iniisip na masamang panaginip ay minumulto parin siya nito at hindi na lang niya ito ipinapahalata sa kaniyang mga kapatid at ama.


Itinuturing babala ang panaginip na ito sa kaniya ay isinusumpa ni Andy sa kaniyang sarili na hindi siya gagawa o magdedesisyon sa isang bagay na maaaring humantong sa panaginip niyang iyon. Isinumpa niya sa kaniyang sarili na hindi niya mararamdaman ang ganong sakit kagaya ng kaniyang naramdaman sa panaginip niyang iyon.


000ooo000


Lubog na ang araw, Jay. Hindi mo parin ba naiisip kung ano ang parusa mo sakin?” tanong ni Dale sa kaniyang pinsan na nag-aya na tumambay muna sila sa mga upuan na iyon katabi ng court.


I'm finalizing it.” saad ni Jay sabay turo sa kaniyang isip.


That epic huh?” kinakabahang saad ni Dale sabay muling namutla.


Yes. That epic.” balik naman ni Jay sabay tayo at muling tinignan ng nakakaloko si Dale.


Epic dahil yung tipong pinagsama sama ang tindi ng parusa mo sakin noon.” nakangisi na saad ni Jay.


You don't have the guts.” paghahamon ulit ni Dale kahit na ang totoo ay mamatay-matay na siya sa kaba na hindi nakaligtas kay Jay na ngumisi lang at nagpasiya na sabihin sa kaniyang pinsan ang naisip na parusa para dito.

000ooo000


You want me to what?!” naeeskandalong tanong ni Dale sa kaniyang pinsan.


Again?! Is your brain getting slower and slower? Pero I'll repeat it so just you can hear again how epic your punishment is.” humahagikgik na saad ni Jay sa nakanganga at hindi parin makapaniwalang si Dale.


You have to make Andy fall in love with you and make everyone believe you're gay---” simula ulit ni Jay.


Jay, kahit na sabihin ko sa buong subdivision na bading ako walang maniniwala sakin.” mayabang na saad ni Dale pero ang totoo ay pinipilit niya lang na magbago ang isip ng kaniyang pinsan sa pamamagitan ng pagpapalabas na hindi magandang ideya ang naisip nito.


Nice try.” saad ni Jay nang mapansin niya ang binabalak ng kaniyang pinsan.


If you have to hold his hand, kiss him, hug him in public, gawin mo. Payback yan sa lahat ng parusa mo sakin nitong mga nakaraang pustahan natin.” nakangisi ulit na saad ni Jay. “You actually gave me the inspiration. Gusto kong makabawi dun sa mga parusa mo sakin dati na magdamit babae, umamin na bading sa parents ko, mag-jogging ng walang damit at madami pa, tapos kanina ayaw mong tumigil sa kakasabi na gusto mong ilampaso sa basketball si Andy, na gusto mong alisin ang hangin sa katawan at utak ni Andy, Andy---Andy ganito, Andy ganyan.” sarkastikong balik ni Jay na ikinailing nanaman ni Dale.


Nabalot ng katahimikan ang paligid.


So are you going to do it?” tanong ni Jay kay Dale.


Nagtama ang tingin ng dalawa. Matagal nagtitigan si Dale at Jay. Binato ng naghahamon na tingin ni Jay ang kaniyang pinsan. Hinahamon itong umatras sa kanilang pusatahan para mapatunayan na mas magaling siya, na mas angat siya at mas matibay ang kaniyang dibdib sa mga hamunan dahil kahit gano nakakahiya ang pinapagawa ni Dale sa kaniya noon ay hindi siya umaatras.


And besides, pagkakataon mo ng makabawi kay Andy sa pangenge-elam niya sa game natin kanina.” gatong pa ni Jay sa pinsan upang gawin nito ang mas nakakahiya niyang parusa dito, pasimpleng hinahamon ang huli na umatras sa parusa niya.


I'll do it.”


Good!” excited na saad ni Jay sa kaniyang pinsan sabay tapik sa likod nito na ikinainis ni Dale.


You have to make him fall in love with you before you go back to the states.” pagbibigay kundisyon ni Jay sa kaniyang pinsan.


What if I fail?” hamon ni Dale sa kaniyang pinsan, sinusubukan paring mabago ang isip ni Jay.


Then we will resume next year, kaya do your best para hindi na umabot pa next year ang parusa ko sayo.” natatawang saad ni Jay sa gulat na gulat na reaksyon ni Dale.


That's bullshit!” nanlalambot ng saad ni Dale na lalong ikinahagalpak sa tawa ni Jay.


Well you can always back out.”


No! Never!”


Patuloy na pagpapalitan ng dalawang magpinsan na miya mo nakikipagnegosasyon sa isang kilalang negosyante habang naglalakad na pauwi.


Hindi alintana na may isang tao na nakarinig sa kanilang pinag-usapan. Isang tao na hindi sinasadyang nakarinig sa walang pusong plano ng dalawa. Plano na walang pakielam kung makakasakit ba ito o hindi, plano na tila ba nagsasabing isa lamang laruan ang isang damdamin ng tao para sa kanila.


Itutuloy...


Breaking Boundaries 2
[chapter 2]
by: Migs

Comments

  1. WOW. SORRY KUNG INABOT AKO NG ISANG BUWAN BAGO MAKAPAG-UPDATE. ;-( SUPER BUSY.

    SANA PO SUPORTAHAN NIYA ANG BREAKING BOUNDARIES BOOK 2. mas light ito kumpara sa AAO series :-)

    Sana magustuhan niyo.

    Salamat and Enjoy Reding!

    Maraming salamat din sa lahat ng sumuporta sa ikalwang libro ng AAO.

    PS: babalik na po ako sa dati kong style ng pagsusulat. :-)
    walong chapters na lang po ito! :-)
    I love you all!

    ReplyDelete
    Replies
    1. hay naku Migz... no need ang "sana po suportahan niyo" at "sana magustuhan niyo" from you kasi basta ikaw ang may akda, siguradong maganda kaya patok na patok sa aming mambabasa. Kaabang abang kaya lahat ng gawa mo. seriously, kahit alam ko na medyo matagal kang magupdate pero believe me Migz, pagnandito lang ako sa bahay, halos every hour kong tsinetsek blog mo kung may update na. kaya don't worry, blockbuster (tama ba ang paggamit ko ng word?) na naman ang gawa mong ito. kung more than 2 lang ang mga kamay ko, lahat yan nakaTHUMBS UP sa lahat ng gawa mo. Ingat ka and God bless.

      Delete
  2. Hi guys, Sa lahat po ng masugid na mga readers ng BOSS kong si Miggyboi, maraming salamat. I know you guys know na matagal talagang magpost ng updates tong paboritong author natin, and these past few months, mas lalo pa atang tumagal. I'm sorry, I might probably be taking too much of his free time and I'm sorry but I can't help but do it, if you know what I mean... =)

    He might scold me pag nabasa niya tong comment kong to...hehe anyway, I know how much you love him and all of his stories, di naman kayo mananawa kakaantay sa pag update niya di ba? =) Again, I'm sorry and I love you guys! salamat sa pag unawa at pagsuporta kay boss =)

    You may want to promote his blogpage too... =)

    - MJRE

    ReplyDelete
  3. kuya migz, c nolan b ung asa panaginip ni andy?

    patay na b sya?


    cnu kea ung nakarinig ng pustahan nila dale at jay?

    ReplyDelete
    Replies
    1. I think si Dale ang nasa panaginip ni Andy. Nagsosorry kasi ginamit sya sa pustahan pinaibig sya at siguro si Nolan yung nakarinig?

      Delete
  4. kuya migz, c nolan b ung asa panaginip ni andy?

    patay na b sya?


    cnu kea ung nakarinig ng pustahan nila dale at jay?

    ReplyDelete
  5. Yehey may new story na na susubaybayan. :-) :-) nakakinis naman yung pustahan ng dlawa pero for sure maiinlobe din si dale kay andy di naman ata tama na gawin pustahan ang damdamin ng isang tao naoaka walang kwenta mila if they would do so at nrinig ng kuya ni andy uun si alen yun siguradlang open monded ang dad nia at kapatid na di tulad ng isa niang kapatid. Bad! Thanks migs. :-) :-)

    ReplyDelete
  6. Yehey may new story na na susubaybayan. :-) :-) nakakinis naman yung pustahan ng dlawa pero for sure maiinlobe din si dale kay andy di naman ata tama na gawin pustahan ang damdamin ng isang tao naoaka walang kwenta mila if they would do so at nrinig ng kuya ni andy uun si alen yun siguradlang open monded ang dad nia at kapatid na di tulad ng isa niang kapatid. Bad! Thanks migs. :-) :-)

    ReplyDelete
  7. Kuya migs, baka may compilation ka ng previous stories mo. Kahit word file or pdf file lang. Hope you could share it with us...or better yet, have plans on publishing them as books!

    ReplyDelete
  8. nice start!!! im so gonna wait ung pag-intervene ng mga kapatid ni andy.. :)

    ReplyDelete
  9. sino kaya ang nakarinig? another twist sir migs.

    ReplyDelete
  10. kaabang abang!! kinumpeto mo araw ko kua migs. thanks.

    ReplyDelete
    Replies
    1. Waaah! Wait! Ka-name ko si Andy! Hindi ko agad narealize. haha!

      Delete
  11. Aww ang saya, may aabangan na naman ako! Sino kaya yung nakarinig sa usapan nila hihihi

    ReplyDelete
  12. hi migs kamusta kana. ok lang kahit mejo matagal updates mo sulit naman ung paghihintay. at ikaw ha di mo nakwekwento meron ka na palang MJRE.cnu ba yan? si JP ba yan o ibang tao yan. im just dead curious. siya din ba dahilan kung bakit di madugtungan ung chasing pavements?

    btw di pala ako naka comment sa ending ng aao. sobrang ganda nung ending naiyak nga ako nang akala ko namatay si danny pero finally im happy na naging masaya ang ending nila ni mikee at kinasal na si liam at pauline.

    tsaka napanood ko na pala ung carrie ang ganda at parang sobrang nakakarelate ka nga basing sa mga kwento mo sa chasing pavements naghahanap pa din nga ako ng libro hanggang ngaun eh.

    maganda yung simula miggy mukhang exciting. grabe pano nga nman kung may conflict lang sa opis si michael di man lang siya binigyan ng chance ni andy. naku sana wag masyado mainlove si andy kay dale para di sya masyado masaktan pag nalaman niyang pinaglololoko lang siya. hay naku.

    migs ingat lagi. haha. naku mahirap na magkasakit ang aming favorite author pag nasobrahan sa stress

    -therese

    ReplyDelete
  13. Hmmmmm..another story to look forward to :) and i like it short :)

    Missed you sit!

    - gavi

    ReplyDelete
  14. wow kapangalan ko pa talga yung masamang ugaling kapatid ni andy...hehe..thanks kuya migs may aabangan na namn akong bago...

    ReplyDelete
  15. Wooooot! Oh yeah! You're back! :) <3
    -dilos

    ReplyDelete
  16. And you're back!!!! Im enjoying the story by the way.. Good Job..

    ReplyDelete
  17. Oh yeah! May updates!

    kuya migssss, hirit ko lang ah! Kaht 15 chaps pls? Hehe

    dami ko tawa sa "Baka mukang dilis yan ah!"

    ~Andy and dale! Wait nolan? And michael? Lets seee? Hehe

    ~WaydeeJanYokio

    ReplyDelete
  18. Exciting na naman ito.... 2 Chapters agad umpisa pa lang. I think ang nakarinig ng usapan ay si Allen, ang kapatid ni Andy (puro A ang first letter ng names nilang magkakaptid, di ba?, pati tatay)
    Noon kasing nakasalubong siya ni Andy sa door, siya ay papajogging kaya he might be in the basketball court noong time na yon and he overheard what these two guys, Dale and Jay, were talking about.

    ReplyDelete
  19. Ganda kuya migs.. Matagal n kong silent reader dito.. Tanong ko lang ano fullname ni kiko ng laib4?kyle ng ds1?eric and ted ng ds2?tsaka chris ng tc?.. Naamaze kc ako kung pano mgconnect ung personality sa pangalan.. Thanks sa updates kuya migs.. Naaddict nko dito..

    -Lee

    ReplyDelete
  20. Guess ko c kuya allen ni andy ang nakarinig ng pustahan at ang lalaki sa panaginp ni andy baka c dale. Ganda ng story migs sana mabilis ang update hehehe. We can wait nman kahit kelan we know tha ur busy din.

    Randzmesia

    ReplyDelete
  21. Hi Migs!!!good to have you back! With another great story:)

    ReplyDelete
  22. ...here we go again! NICE - BB2 !


    i hope Cha Sandoval would have a cameo-role here HAHAAH. miss ko na ang redlipstick eh!
    another Must-Read. ^^ congrats.


    Natapos ko na po lahat basahin, as in lahat ng stories nyo, pero yung kay jepoy/Maki/Ivan tlaga di ko malimutan... ^^


    -M

    ReplyDelete
  23. At last my new story..thank you sir mig sa pag-aupdate. hopefully before the year end matapos po yung story niyo na ito..kakaexcite much!- gelo_08

    ReplyDelete
  24. Nakakakilig!!!!! haha!

    ReplyDelete
  25. KUYA MIGGSSS! NAMISS KONG NAGBABASA SA BLOG MO ANG TAGAL KO NANG D NAKAKABASA SINCE NAISIP KO HINTAYIN NALANG MATAPOS YUNG AA02 PARA IMARATHON TAPOS MAY ISANG BOOK KA NA PALA.

    Kumusta? sorry talaga kuya kasi busy sa school and andaming requirements, Hahaha comment nalang ako later after kong imarathon aa02 Miss this blog, as in solid. Still your fan and Still Praying for you always!

    Chasing pavements napano na? haha :)

    PS: I MISS READING YOUR STORIESS!! HIHIHI.

    -ichigoXD

    ReplyDelete
  26. i agree w Andays reply to Mhi Mhiko. he he he.un din ang nasa isip ko Migz. he he he

    ReplyDelete
  27. Author Migs..

    Haha..buti na lang sa epidode 2 ako nag reply na wag umabot ng 1 month,,haha kate yung update nito ep.2 hehe

    Si allen yun nakarinig no? haha may light bulb bigla e, like ting!

    -aR
    ..I bet si allen yun

    ReplyDelete
  28. I think si Allen ung nakarinig nun agreement nun dalawa, Kawawang Andy I hope he will not fall for the tricks na gagawain ni Dale.

    Have a great day migs and keep it up

    ReplyDelete
  29. patay na cguro c nolan,nadisgrasya dati

    ReplyDelete

Post a Comment

Popular posts from this blog

The Rebound

Make It With You [Chapter 5] Failed Plans

Against All Odds 2[55]