Breaking Boundaries 2[2]
DISCLAIMER:
The following is a work of fiction. Any similarities to any written
works and any person, living or dead are purely coincidental. The
story is intended for a mature audience. It may contain profanity and
references to gay sex. If this offends you, please leave and find
something more suitable to read. The author maintains all rights to
the story. Do not copy or use without written permission. Email the
author at miguisalvador@yahoo.com
for comments, suggestions and violent reactions in pertaining to this
blog and the stories that comes along with it.
Matagal
pang tinitigan ni Dale si Jay. Andami pang pumasok sa kaniyang isip.
Naisip niya lahat ng mga pustahan nila ni Jay magmula pa noong
simulan nila ang taunang laro na iyon. Nagsimula na siyang mamutla at
hindi ito nakaligtas kay Jay na tumawa ng ubod lakas dahil alam ni
Dale na ngayon lang nanalo ang kaniyang pinsan at alam niyang hindi
basta basta ang ipapagawa nito sa kaniya. Kumbaga sa tuwing Semana
Santa ay panata na nila ito ni Jay at sineseryoso nila ang bawat
pustahan at parusa na kalapit nito may mapatunayan lang sila kahit
gano pa nakakahiya ang mga parusang ito.
“Mas
magaling ako sa basketball, Jay!” pagmamaangas ng sampung taong
gulang na si Dale sa kaiyang pinsan na kasing tanda niya lang.
“Edi
sige, subukan natin kung sino talaga ang mas magaling satin.” hamon
ni Jay saka idrinibol ng idrinibol ang malaking bola, napangisi si
Dale nang makaisip ng isang nakakalokong ideya.
“Tapos
para mas exciting dapat may parusa yung matatalo.” mayabang na saad
ni Dale at pumayag naman si Jay dahil malakas din ang kumpiyansa nito
sa sarili.
At
matapos ang pustahan na iyon ay si Jay nga ang natalo. Ang mga unang
parusa ay magagaan pa hanggang sa napagkasunduan nilang gawin ang
pustahan na iyon taon taon pero nang maglaon, habang padumi ng padumi
ang kanilang paglalaro ay padumi din ng padumi ang kanilang mga
parusa, partikular ang mga parusa ni Dale sapagkat lagi naman siya
ang nananalo.
Isang
beses ay pinagparada niya si Jay na nakadamit pambabae, sumunod naman
ay nag-jogging sila na hubo't hubad si Jay, sumunod ay pinasigaw niya
ang pinsan ng sunog sa kalagitnaan ng mall at ang pinakamatindi sa
lahat ay ang pilitin niya itong sabihin sa mga magulang ng huli na
siya ay bading at napagdesisyunan ng magbuhay bilang isang babae.
Bagay na halos ika atake sa puso ng ama ni Jay.
Kaya
naman nanlalambot siya, ngayon pa lang habang pinagiisipan ni Jay ang
ipaparusa sa kaniya. Nahuhuli niya ito na nangingisi-ngisi habang
nagpapahinga sila sa gilid ng court at napapatingin sa kaniya, walang
duda na iniisip kung ano ang pwedeng iparusa sa kaniya na hindi
makakalimutan ng lahat.
“I
think we should do a rematch.” pang-u-uto ni Dale sa kaniyang
pinsan na nabura ang mapaglarong ngiti sa mukha at umarte na tila ba
nagiisip ng malalim.
“Yup.
A rematch would be good---” simula ni Jay na tila ba nagbigay ng
malaking pag-asa kay Dale. “---next year.” pagtatapos ni Jay na
siyang nakapagpabagsak ulit ng mga balikat ni Dale.
“What?
You think I'm going to let this opportunity pass?” humahagikgik na
tanong ni Jay sa kaniyang pinsan na tila lalong pinagpawisan.
“Saka
wala ako sa sarili ko nun kaya ka naka-shoot dahil dumating yung
kumag na yun.” naiinis ulit na depensa ni Dale sa sarili.
“Sabi
mo sa kaniya na ibigay na ang bola para maipagpatuloy na natin yung
laro natin and he did. So that means na naglalaro ulit tayo nung
ipinasa niya sakin yung bola.” nakangising balik ni Jay na
ikinailing na lang ni Dale.
Alam
niyang wala siyang panalo.
“I'm
going to kill that asshole.” pabulong na singhal ni Dale na
nakapagpahagikgik kay Jay.
“He's
familiar. Do we know that asshole?” naiinis ulit na tanong ni Dale
sa pinsan.
“He's
Andrew, dude--- remember him?” simula ni Jay sabay nagstre-stretch.
“Nolan's
best mate? I thought he's gay?”
“He
is.” kibit balikat na saad ni Jay sa pinsan.
“He
doesn't look gay to me.”
“That's
because you're stereotyping. Di porket bading dapat nakadamit
pambabae na o kaya malamya at kumekembot, uso na ngayon dito sa pinas
ang machong bading, Dale.” humahagikgik na saad ni Jay.
“Alam
ko naman yun, Jay. Madami din ganyan sa US---”
“Oh
yun naman pala eh, ano pang ipinagtataka mo?” umiiling na lang na
saad ni Jay.
“And
besides, dapat iniisip ko na ang parusa mo at wag na nating isipin
kung bading ba talaga si Andy o hindi.” humahagikgik na saad ni Jay
kay Dale na muling namutla at kinabahan sa ibinabalak ng kaniyang
pinsan.
000ooo000
“Sorry.”
gulat na saad ni Andy sa kaniyang kuya Allen nang makasalubong niya
ito sa kanilang front door at halos mabangga. Siya, papasok habang si
Allen naman ay papalabas para sa kaniyang hapunang jogging.
Di
siya pinansin nito na siyang naglagay ng isang kurot sa kaniyang puso
pero hindi rin nagtagal ay ikinibit balikat na lang niya ito.
Madaming nagbago simula nang ipagkalat ni Nolan ang lahat patungkol
sa kaniyang pagkatao at is na ang relasyon niya sa kaniyang kuya
Allen. Napa-buntong hininga na lang silang dalawang magkapatid nang
makalampas sila sa isa't isa.
Agad-agad
na umakyat sa sariling kwarto si Andy at nagpalit ng damit, nang
makapag-ayos na ay agad na siyang humiga sa kama at inalis lahat ng
numero sa kaniya ni Michael na may kasamang inis at muling pag-uusig
sa sarili kung saan siya nagkulang, ngunit hindi nagtagal ang
pagtatanong nanaman niya sa sarili sapagkat pumasok na sa isip niya
ang dalawang kapitbahay na naglalaro ng basketball.
Kilala
niya ang dalawang iyon. Halos magkakasing tanda lang sila at minsan
na silang nagkalaro noong mga bata pa sila habang para siyang anino
na sumusunod noon kay Nolan pero ngayon niya na lang ulit
nakasalamuha ang dalawang iyon, ang laki na ng mga pinagbago ng mga
ito. Wala na ang dating mga gusgusin na bata---
Tumayo
si Andy mula sa kaniyang kama at humarap sa malaking salamin na nasa
loob ng kaniyang kwarto at pinagmasdan ang sarili. Malayo narin ang
kaniyang itsura simula noong huli silang nagkalaro nila Jay at Dale,
nasa tangkad na siya ngayon na 5'9”, hindi payat at hindi rin naman
mataba.
“Tamang
tama ang height ni Dale.” wala sa sariling saad ni Andy na maski
mismo siya ay ikinagulat niya rin. Kitang kita sa kaniyang repleksyon
ang pamumula ng kaniyang pisngi. Inaamin niyang gwapo si Dale at
ganun din naman si Jay pero mas angat sa appeal si Dale.
Ngayon
alam na niya kung bakit imbis na magwala siya dahil sa muntik na
niyang pagkakadisgrasya dahil sa bola ng dalawa ay mas pinili niya
pang magpakitang gilas sa mga ito. Mas pinili niya pang ipakita sa
mga ito ang alam niya sa pagbabasketball na matagal na niyang hindi
nagagawa.
Upang
magpapansin.
“What
the hell?!” saad muli ni Andy sa sarili saka masugid na umiling
upang maialis ang ideya na iyon sa kaniyang isip matapos niyang
mapagtanto na attracted siya kay Dale. Pilit niyang binubura sa
kaniyang isip ang ideya na iyon kahit pa kabaligtaran ng kaniyang
isip ang gusto nitong mangyari.
Paulit-ulit
na pumapasok sa kaniyang isip ang itsura ng pawisang si Dale, ang
maamo nitong mukha, ang maputi nitong balat, ang mapula nitong mga
labi, ang mapupungay na mga mata, ang matipunong katawan, ang bawat
butil ng pawis nito na tumutulo sa matipuno nitong braso---
“ARGGGHHHH!”
“Erase!
Erase! Erase!” naghihisterikal na saad ni Andy sabay muling
ibinagsak ang sarili sa higaan.
“Straight
yun, Andy. Walang mabuting maidudulot ang kumag na iyon sayo, kung
hindi sakit sa puso!” pagpapaniwala ulit ni Andy sa kaniyang sarili
upang mawala na sa kaniyang isip ang lalaking pumukaw sa kaniyang
pansin sa hapon na iyon.
“Makatulog
na nga lang.” sabi ni Andy sa sarili sabay ipinikit ang mga mata
pero laking pagkakamali ito dahil yung sandali na pumikit ang
kaniyang mga mata ay mukha muli ni Dale ang pumasok sa kaniyang isip.
“Damn
it!”
000ooo000
“So
ano na yung parusa mo sakin?” tanong ni Dale sa kaniyang pinsan na
paminsan minsan paring nangingiti.
“Bakit
ka ba nagmamadali? I'm still enjoying my victory eh. Mamya na yang
parusa mo.” humahagikgik na sagot ni Jay sabay subo sa biniling
fish ball malapit sa may court.
“Because
I'll hunt that asshole and challenge him to a game of basketball he
wouldn't forget.” iritable paring saad ni Dale sa tuwing
ipinapamukha sa kaniya ni Jay ang kaniyang pagkatalo dahil lang sa
pangingeelam ni Andy.
“Can't
move on much?” humahagikgik na pangaasar pa ulit ni Jay kay Dale.
“Di
kasi dapat ako natalo eh!”
“Tanggapin
mo na kasi.” balik naman ni Jay na may kasama pang paghagikgik.
“Nope.
Nanalo ka lang talaga dahil may nangielam.” balik ni Dale.
“OK.
Alam mo sa mga sinasabi mong yan lalo tuloy ako nagkakaroon ng isang
napakagandang ideya para sa parusa mo.” saad ulit ni Jay habang
humahagikgik na muling nakapagpakaba kay Dale.
000ooo000
Mabigat
ang kaniyang pakiramdam habang nakatingin sa isang lalaki na nasa
kaniyang harapan. Wala sa sarili niyang inabot ang kaniyang mga
pisngi at hindi na nagulat nang malaman niyang basa ito dahil sa
luha.
“I'm
sorry.” saad ng lalaki sa kaniyang harapan na hanggang ngayon ay
hindi niya makita ang mukha pero hindi parin nababawasan non ang
bigat ng pakiramdam na kaniyang nararamdaman.
“Why?”
wala sa sarili niyang tanong na maski siya ay ikinagulat niya pero
ramdam niya parin ang bigat ng salitang kaniyang inusal.
“Andy,
I'm sorry.” saad ulit ng lalaki habang papalapit ng papalapit sa
kaniya habang siya naman ay umiiling at humahakbang papalayo dito.
“Andy---”
tawag ulit nito sa kaniya.
“Andy---”
Dahan-dahang
iminulat ni Andy ang kaniyang mga mata at sa hindi maipaliwanag na
dahilan ay mamasa-masa din ito. Idinampi niya ang kaniyang mga kamay
sa kaniyang pisngi at naramdaman niyang katulad sa kaniyang panaginip
ay basa din ito. Bigla niyang naalala muli ang kaniyang panaginip.
“Kuya,
are you OK?” tanong ni Aeron.
“Sabi
mo kanina, OK ka lang.” saad naman ni Anthony.
“Oo
nga. Wala naman kasi talagang kwenta yung ka-date mong yun. Wag mo
nang pagaksayan ng oras at luha yun.” saad naman ni Aeron sabay
yakap sa kapatid.
“Hindi
naman 'to dahil kay Michael, no.” saad ni Andy sabay punas sa
kaniyang mga luha.
“Eh
dahil pala kanino?” sarkastikong balik tanong ni Aeron sa kaniyang
kuya habang pinapakawalan ito sa kaniyang pagkakayakap.
“Dahil
dun sa lalaki sa panaginip ko.” wala sa sariling sagot ni Andy na
ikinailing ni Aeron at Anthony.
““Labo.””
sabay na sagot ng nakababatang mga kapatid ni Andy na ikinagising
nito mula sa malalim na pagiisip dahil narin sa kaniyang panaginip.
“Mga
loko!” saad ni Andy sabay hinabol ang dalawa niyang nakababatang
kapatid.
“Dad,
nababaliw na si kuya!” sigaw ni Anthony sa kanilang ama na abala sa
paghahanda ng kanilang hapunan.
Sa
kabila ng paglilihis ng kaniyang mga kapatid sa kanina lang ay
iniisip na masamang panaginip ay minumulto parin siya nito at hindi
na lang niya ito ipinapahalata sa kaniyang mga kapatid at ama.
Itinuturing
babala ang panaginip na ito sa kaniya ay isinusumpa ni Andy sa
kaniyang sarili na hindi siya gagawa o magdedesisyon sa isang bagay
na maaaring humantong sa panaginip niyang iyon. Isinumpa niya sa
kaniyang sarili na hindi niya mararamdaman ang ganong sakit kagaya ng
kaniyang naramdaman sa panaginip niyang iyon.
000ooo000
“Lubog
na ang araw, Jay. Hindi mo parin ba naiisip kung ano ang parusa mo
sakin?” tanong ni Dale sa kaniyang pinsan na nag-aya na tumambay
muna sila sa mga upuan na iyon katabi ng court.
“I'm
finalizing it.” saad ni Jay sabay turo sa kaniyang isip.
“That
epic huh?” kinakabahang saad ni Dale sabay muling namutla.
“Yes.
That epic.” balik naman ni Jay sabay tayo at muling tinignan ng
nakakaloko si Dale.
“Epic
dahil yung tipong pinagsama sama ang tindi ng parusa mo sakin noon.”
nakangisi na saad ni Jay.
“You
don't have the guts.” paghahamon ulit ni Dale kahit na ang totoo ay
mamatay-matay na siya sa kaba na hindi nakaligtas kay Jay na ngumisi
lang at nagpasiya na sabihin sa kaniyang pinsan ang naisip na parusa
para dito.
000ooo000
“You
want me to what?!” naeeskandalong tanong ni Dale sa kaniyang
pinsan.
“Again?!
Is your brain getting slower and slower? Pero I'll repeat it so just
you can hear again how epic your punishment is.” humahagikgik na
saad ni Jay sa nakanganga at hindi parin makapaniwalang si Dale.
“You
have to make Andy fall in love with you and make everyone believe
you're gay---” simula ulit ni Jay.
“Jay,
kahit na sabihin ko sa buong subdivision na bading ako walang
maniniwala sakin.” mayabang na saad ni Dale pero ang totoo ay
pinipilit niya lang na magbago ang isip ng kaniyang pinsan sa
pamamagitan ng pagpapalabas na hindi magandang ideya ang naisip nito.
“Nice
try.” saad ni Jay nang mapansin niya ang binabalak ng kaniyang
pinsan.
“If
you have to hold his hand, kiss him, hug him in public, gawin mo.
Payback yan sa lahat ng parusa mo sakin nitong mga nakaraang pustahan
natin.” nakangisi ulit na saad ni Jay. “You actually gave me the
inspiration. Gusto kong makabawi dun sa mga parusa mo sakin dati na
magdamit babae, umamin na bading sa parents ko, mag-jogging ng walang
damit at madami pa, tapos kanina ayaw mong tumigil sa kakasabi na
gusto mong ilampaso sa basketball si Andy, na gusto mong alisin ang
hangin sa katawan at utak ni Andy, Andy---Andy ganito, Andy ganyan.”
sarkastikong balik ni Jay na ikinailing nanaman ni Dale.
Nabalot
ng katahimikan ang paligid.
“So
are you going to do it?” tanong ni Jay kay Dale.
Nagtama
ang tingin ng dalawa. Matagal nagtitigan si Dale at Jay. Binato ng
naghahamon na tingin ni Jay ang kaniyang pinsan. Hinahamon itong
umatras sa kanilang pusatahan para mapatunayan na mas magaling siya,
na mas angat siya at mas matibay ang kaniyang dibdib sa mga hamunan
dahil kahit gano nakakahiya ang pinapagawa ni Dale sa kaniya noon ay
hindi siya umaatras.
“And
besides, pagkakataon mo ng makabawi kay Andy sa pangenge-elam niya sa
game natin kanina.” gatong pa ni Jay sa pinsan upang gawin nito ang
mas nakakahiya niyang parusa dito, pasimpleng hinahamon ang huli na
umatras sa parusa niya.
“I'll
do it.”
“Good!”
excited na saad ni Jay sa kaniyang pinsan sabay tapik sa likod nito
na ikinainis ni Dale.
“You
have to make him fall in love with you before you go back to the
states.” pagbibigay kundisyon ni Jay sa kaniyang pinsan.
“What
if I fail?” hamon ni Dale sa kaniyang pinsan, sinusubukan paring
mabago ang isip ni Jay.
“Then
we will resume next year, kaya do your best para hindi na umabot pa
next year ang parusa ko sayo.” natatawang saad ni Jay sa gulat na
gulat na reaksyon ni Dale.
“That's
bullshit!” nanlalambot ng saad ni Dale na lalong ikinahagalpak sa
tawa ni Jay.
“Well
you can always back out.”
“No!
Never!”
Patuloy
na pagpapalitan ng dalawang magpinsan na miya mo nakikipagnegosasyon
sa isang kilalang negosyante habang naglalakad na pauwi.
Hindi
alintana na may isang tao na nakarinig sa kanilang pinag-usapan.
Isang tao na hindi sinasadyang nakarinig sa walang pusong plano ng
dalawa. Plano na walang pakielam kung makakasakit ba ito o hindi,
plano na tila ba nagsasabing isa lamang laruan ang isang damdamin ng
tao para sa kanila.
Itutuloy...
Breaking Boundaries 2
[chapter 2]
by: Migs
WOW. SORRY KUNG INABOT AKO NG ISANG BUWAN BAGO MAKAPAG-UPDATE. ;-( SUPER BUSY.
ReplyDeleteSANA PO SUPORTAHAN NIYA ANG BREAKING BOUNDARIES BOOK 2. mas light ito kumpara sa AAO series :-)
Sana magustuhan niyo.
Salamat and Enjoy Reding!
Maraming salamat din sa lahat ng sumuporta sa ikalwang libro ng AAO.
PS: babalik na po ako sa dati kong style ng pagsusulat. :-)
walong chapters na lang po ito! :-)
I love you all!
hay naku Migz... no need ang "sana po suportahan niyo" at "sana magustuhan niyo" from you kasi basta ikaw ang may akda, siguradong maganda kaya patok na patok sa aming mambabasa. Kaabang abang kaya lahat ng gawa mo. seriously, kahit alam ko na medyo matagal kang magupdate pero believe me Migz, pagnandito lang ako sa bahay, halos every hour kong tsinetsek blog mo kung may update na. kaya don't worry, blockbuster (tama ba ang paggamit ko ng word?) na naman ang gawa mong ito. kung more than 2 lang ang mga kamay ko, lahat yan nakaTHUMBS UP sa lahat ng gawa mo. Ingat ka and God bless.
DeleteHi guys, Sa lahat po ng masugid na mga readers ng BOSS kong si Miggyboi, maraming salamat. I know you guys know na matagal talagang magpost ng updates tong paboritong author natin, and these past few months, mas lalo pa atang tumagal. I'm sorry, I might probably be taking too much of his free time and I'm sorry but I can't help but do it, if you know what I mean... =)
ReplyDeleteHe might scold me pag nabasa niya tong comment kong to...hehe anyway, I know how much you love him and all of his stories, di naman kayo mananawa kakaantay sa pag update niya di ba? =) Again, I'm sorry and I love you guys! salamat sa pag unawa at pagsuporta kay boss =)
You may want to promote his blogpage too... =)
- MJRE
kuya migz, c nolan b ung asa panaginip ni andy?
ReplyDeletepatay na b sya?
cnu kea ung nakarinig ng pustahan nila dale at jay?
I think si Dale ang nasa panaginip ni Andy. Nagsosorry kasi ginamit sya sa pustahan pinaibig sya at siguro si Nolan yung nakarinig?
Deletekuya migz, c nolan b ung asa panaginip ni andy?
ReplyDeletepatay na b sya?
cnu kea ung nakarinig ng pustahan nila dale at jay?
Yehey may new story na na susubaybayan. :-) :-) nakakinis naman yung pustahan ng dlawa pero for sure maiinlobe din si dale kay andy di naman ata tama na gawin pustahan ang damdamin ng isang tao naoaka walang kwenta mila if they would do so at nrinig ng kuya ni andy uun si alen yun siguradlang open monded ang dad nia at kapatid na di tulad ng isa niang kapatid. Bad! Thanks migs. :-) :-)
ReplyDeleteYehey may new story na na susubaybayan. :-) :-) nakakinis naman yung pustahan ng dlawa pero for sure maiinlobe din si dale kay andy di naman ata tama na gawin pustahan ang damdamin ng isang tao naoaka walang kwenta mila if they would do so at nrinig ng kuya ni andy uun si alen yun siguradlang open monded ang dad nia at kapatid na di tulad ng isa niang kapatid. Bad! Thanks migs. :-) :-)
ReplyDeleteKuya migs, baka may compilation ka ng previous stories mo. Kahit word file or pdf file lang. Hope you could share it with us...or better yet, have plans on publishing them as books!
ReplyDeletenice start!!! im so gonna wait ung pag-intervene ng mga kapatid ni andy.. :)
ReplyDeletesino kaya ang nakarinig? another twist sir migs.
ReplyDeletekaabang abang!! kinumpeto mo araw ko kua migs. thanks.
ReplyDeleteWaaah! Wait! Ka-name ko si Andy! Hindi ko agad narealize. haha!
DeleteAww ang saya, may aabangan na naman ako! Sino kaya yung nakarinig sa usapan nila hihihi
ReplyDeletehi migs kamusta kana. ok lang kahit mejo matagal updates mo sulit naman ung paghihintay. at ikaw ha di mo nakwekwento meron ka na palang MJRE.cnu ba yan? si JP ba yan o ibang tao yan. im just dead curious. siya din ba dahilan kung bakit di madugtungan ung chasing pavements?
ReplyDeletebtw di pala ako naka comment sa ending ng aao. sobrang ganda nung ending naiyak nga ako nang akala ko namatay si danny pero finally im happy na naging masaya ang ending nila ni mikee at kinasal na si liam at pauline.
tsaka napanood ko na pala ung carrie ang ganda at parang sobrang nakakarelate ka nga basing sa mga kwento mo sa chasing pavements naghahanap pa din nga ako ng libro hanggang ngaun eh.
maganda yung simula miggy mukhang exciting. grabe pano nga nman kung may conflict lang sa opis si michael di man lang siya binigyan ng chance ni andy. naku sana wag masyado mainlove si andy kay dale para di sya masyado masaktan pag nalaman niyang pinaglololoko lang siya. hay naku.
migs ingat lagi. haha. naku mahirap na magkasakit ang aming favorite author pag nasobrahan sa stress
-therese
Hmmmmm..another story to look forward to :) and i like it short :)
ReplyDeleteMissed you sit!
- gavi
Yes! Bago! :3 thnx kuya migs :D
ReplyDeletewow kapangalan ko pa talga yung masamang ugaling kapatid ni andy...hehe..thanks kuya migs may aabangan na namn akong bago...
ReplyDeleteWooooot! Oh yeah! You're back! :) <3
ReplyDelete-dilos
And you're back!!!! Im enjoying the story by the way.. Good Job..
ReplyDeleteOh yeah! May updates!
ReplyDeletekuya migssss, hirit ko lang ah! Kaht 15 chaps pls? Hehe
dami ko tawa sa "Baka mukang dilis yan ah!"
~Andy and dale! Wait nolan? And michael? Lets seee? Hehe
~WaydeeJanYokio
Exciting na naman ito.... 2 Chapters agad umpisa pa lang. I think ang nakarinig ng usapan ay si Allen, ang kapatid ni Andy (puro A ang first letter ng names nilang magkakaptid, di ba?, pati tatay)
ReplyDeleteNoon kasing nakasalubong siya ni Andy sa door, siya ay papajogging kaya he might be in the basketball court noong time na yon and he overheard what these two guys, Dale and Jay, were talking about.
Ganda kuya migs.. Matagal n kong silent reader dito.. Tanong ko lang ano fullname ni kiko ng laib4?kyle ng ds1?eric and ted ng ds2?tsaka chris ng tc?.. Naamaze kc ako kung pano mgconnect ung personality sa pangalan.. Thanks sa updates kuya migs.. Naaddict nko dito..
ReplyDelete-Lee
Guess ko c kuya allen ni andy ang nakarinig ng pustahan at ang lalaki sa panaginp ni andy baka c dale. Ganda ng story migs sana mabilis ang update hehehe. We can wait nman kahit kelan we know tha ur busy din.
ReplyDeleteRandzmesia
Hi Migs!!!good to have you back! With another great story:)
ReplyDelete...here we go again! NICE - BB2 !
ReplyDeletei hope Cha Sandoval would have a cameo-role here HAHAAH. miss ko na ang redlipstick eh!
another Must-Read. ^^ congrats.
Natapos ko na po lahat basahin, as in lahat ng stories nyo, pero yung kay jepoy/Maki/Ivan tlaga di ko malimutan... ^^
-M
At last my new story..thank you sir mig sa pag-aupdate. hopefully before the year end matapos po yung story niyo na ito..kakaexcite much!- gelo_08
ReplyDeleteNakakakilig!!!!! haha!
ReplyDeleteKUYA MIGGSSS! NAMISS KONG NAGBABASA SA BLOG MO ANG TAGAL KO NANG D NAKAKABASA SINCE NAISIP KO HINTAYIN NALANG MATAPOS YUNG AA02 PARA IMARATHON TAPOS MAY ISANG BOOK KA NA PALA.
ReplyDeleteKumusta? sorry talaga kuya kasi busy sa school and andaming requirements, Hahaha comment nalang ako later after kong imarathon aa02 Miss this blog, as in solid. Still your fan and Still Praying for you always!
Chasing pavements napano na? haha :)
PS: I MISS READING YOUR STORIESS!! HIHIHI.
-ichigoXD
i agree w Andays reply to Mhi Mhiko. he he he.un din ang nasa isip ko Migz. he he he
ReplyDeleteAuthor Migs..
ReplyDeleteHaha..buti na lang sa epidode 2 ako nag reply na wag umabot ng 1 month,,haha kate yung update nito ep.2 hehe
Si allen yun nakarinig no? haha may light bulb bigla e, like ting!
-aR
..I bet si allen yun
I think si Allen ung nakarinig nun agreement nun dalawa, Kawawang Andy I hope he will not fall for the tricks na gagawain ni Dale.
ReplyDeleteHave a great day migs and keep it up
patay na cguro c nolan,nadisgrasya dati
ReplyDelete