Breaking Boundaries 2[1]

DISCLAIMER: The following is a work of fiction. Any similarities to any written works and any person, living or dead are purely coincidental. The story is intended for a mature audience. It may contain profanity and references to gay sex. If this offends you, please leave and find something more suitable to read. The author maintains all rights to the story. Do not copy or use without written permission. Email the author at miguisalvador@yahoo.com for comments, suggestions and violent reactions in pertaining to this blog and the stories that comes along with it.


Hingal na hingal, kitang kita ang bawat butil at pagtulo ng kanilang pawis sa ilalim ng matinding sikat ng araw pero sa kabila non ay hindi parin sila tumitigil sa kanilang paglalaro ng basketball na miya mo sila kasali sa isang do or die game sa PBA. Taon-taon ganito sila sa tuwing uuwi si Dale galing US, maglalaro hanggang bago bumaba ang araw at kung sino ang may pinakamaraming na-i-shoot na bola siya ang panalo at isang consequence ang maiiwan para sa natalo.

Pareho lang ang laki ng palad ng dalawa, pareho lang ang laki ng katawan at pareho lang ang tangkad kaya naman susunod na sa imposible ang may manalo sa kanilang dalawa pero madalas, dahil narin sa angking katusuhan ni Dale ay ito ang nananalo. Pero iba ang pagkakataong ito, hindi alam ni Dale kung dahil ba ito sa jet lag o dahil narin sa agarang pagkakabilad niya sa matinding init at medyo pumapalya ang kuordinasyon ng kaniyang katawan.


DUDE!” sigaw ng pinsan niyang si Jay na madalas niyang kapustahan sa larong iyon nang makita nitong kumawala ang bola sa malalaking kamay ng kaniyang pinsan at mabilis itong gumulong papunta sa kalsada na katabi ng court na kanilang pinaglalaruan.


Sabay na napapikit ang dalawang mag-pinsan nang makita nila ang isang kotse na agad na pumreno at nang marinig ng mga ito ang pag-iyak ng gulong ng sasakyan upang tigilan ang bola na tumawid sa harapan nito. Pinagdadasal na sana ay hindi makadisgrasya ang nangyaring iyon.


000ooo000


What the hell!?” singhal ni Andy nang mag-iisang oras na ay wala parin ang kaniyang ka-blind date. Wala siyang pakielam kung napatingin na lahat ng tao sa restaurant na iyon. Naiinis siya at kailangan niya iyong ilabas kung hindi ay magkakapatong patong lahat iyon sa kaniyang dibdib at baka hindi lang pagsigaw ang kaniyang gawin.


Sir---” habol ng waitress, natatakot na baka takbuhan siya ng customer na naka-ilang baso din ng iced tea habang iniintay ang ka-blind date.


Nag-ipit ako ng five hundred sa ilalim ng plato. Keep the change.” iritableng saad ni Andy sabay tuloy tuloy na naglakad palabas ng restaurant.


Nang makalabas sa restaurant ay nagpakawala ng isang buntong hininga si Andy at iginala ang tingin sa buong mall. Nakita niya ang kaniyang apat na kapatid at ama na masayang nagkukuwentuhan sa isang mahabang bench habang may kaniya-kaniyang hawak na milk tea at isang malaking bag ng chichirya na kanilang pinagpapasa-pasahan.


Tila ang lahat ng inis at pagka-irita ay agad na nalusaw nang makita niya ang kaniyang mga kapatid at ama. Hindi niya mapigilang mapangiti at isipin na “Eh ano naman kung hindi ako sinipot ng hinayupak na yun? Andito naman ang mga kapatid ko oh.” Kung tutuusin ay maswerte pa siya at natanggap siya ng mga ito at isa lamang sa kaniyang limang kapatid ang tila ba nahihirapan na matanggap ang kaniyang sekswalidad.


N-Nolan, may sasabihin ako sayo.”


Ano yun, tol?” tanong naman ng kaniyang best friend habang naglalaro sila ng video games. Matagal na natahimik si Andy atsaka pinindot ang PAUSE button sa kaniyang controller upang hindi siya ma-distract.


N-Nolan, naaalala mo nung tinanong mo kung bakit ayaw ko kay Belle eh nasa kaniya naman na lahat ng hinahanap ng isang lalaki?” kinakabahang tanong ni Andy kay Nolan na agad na humarap sa kaibigan lalo pa nang maramdaman nitong seryoso ang huli.


Oo---” simula ni Nolan.


Tol, tingin ko alam ko na kung bakit---”


Dude, wag mong sabihing bading ka?!” natatawang saad ni Nolan na ikinatigil ng puso ni Andy. Hindi nagtagal ay tumigil ang pagtawa ni Nolan lalo pa nang makita niyang seryoso at nakayuko na ang kaniyang kaibigan.


Mabilis siyang tumayo mula sa tabi ni Andy at ibinato ang controller sa isang tabi bilang reaksyon sa kaniyang napagtanto at sa inamin ng kaniyang kaibigan.


Tangina tol! Ano na lang ang sasabihin ng tao kapag nalaman nila na I'm hanging out with a gay guy all these time! Baka pagkamalan din nila akong bading---”


What?!” singhal ni Andy sabay tayo, hindi makapaniwala sa sobrang kitid ng utak ng kaniyang best friend at upang maitago narin ang nararamdamang sakit kasunod ng mga sinabi ni Nolan.


Pero sa kaniyang pagtayo na iyon ay nalaman niyang unti-unti na palang nanlalambot ang kaniyang mga paa, sumisikip ang daluyan ng kaniyang pag-hinga at nangingilid na ang luha dahil sa pagsisisi kung bakit niya pa sinabi ang totoo sa kaniyang kaibigan.


Get out.” malamig na saad ni Nolan na siyang nagtulak sa nangingilid na luha ni Andy na bumagsak na at malayang tumulo sa kaniyang mga pisngi.


Rejection. Mas masakit pa ito kesa sa kakitiran ng utak ng kaniyang kaibigan.


Nolan---” pagmamakaawang simula ni Andy pero hindi na siya nito pinakinggan.


And I don't want to be seen hanging out with you again.” malamig na saad ni Nolan sabay talikod kay Andy at naglakad palabas ng kaniyang sariling kwarto.


Wala ka na dapat dito pagbalik ko.” malamig na saad ni Nolan sabay pabalang na ibinagsak ang pinto sa kaniyang likuran.


Hindi pa doon natapos ang kalbaryo ni Andy sapagkat kumalat pa ang balitang iyon sa buong subdivision nila at hindi nagtagal ay sa skwelahan. Inunahan na ni Nolan ang mapaghakang isip ng mga tao at sinabi sa mga ito ang dahilan ng pagkakasira ng kanilang pagkakaibigan.


Pero walang pakielam si Andy sa lahat ng sinasabi ng kanilang mga kapitbahay at mga kamagaral. Ang mas kinatatakutan niya ngayon ay kung pano tatanggapin ng kaniyang buong pamilya ang balitang ito.


May lima siyang kapatid. Lahat lalaki at brusko, pang-apat siya sa magkakapatid na solong itinataguyod ng kanilang ama na may ari ng isang kilalang gym sa buong bansa kaya naman ganon na lang ang takot ni Andy, dahil sa oras na malaman ng mga ito ang kaniyang tunay na pagkatao ay malamang hindi lang sigaw kundi pati bugbog ang kaniyang aabutin.


Narinig niyo na ba yung balita?!” singhal ni Allen habang nasa hapagkainan sila. Si Allen ang sinundan ni Andy sa kanilang magkakapatid. Agad na tumigil ang puso ni Andy sa pagtibok dahil nahinuna na niyang tungkol sa kaniyang ang balitang sinasabi ni Allen.


Mga tol, may kapatid daw tayong Bading!” malisyosong saad ni Allen. Akala ng iba pa nilang kapatid ay nagbibiro lamang si Allen pero nang makita nila itong matamang nakatingin kay Andy, habang si Andy ay nakayuko na lamang at nangingilid ang mga luha ay unti-unti ng tumahimik ang lahat.


Nagulat ang lahat ng biglang tumayo si Arthur ang kanilang ama. Nagsimula ng manginig sa takot si Andy at iniisip na ang lahat ng kaniyng kinatatakutan ay nagsisimula na. Lalo siyang nanlambot at lalong tumigil ang pagtibok ng kaniyang puso nang maramdaman niya ang mahigpit na paghawak ng kaniyang ama sa kaniyang magkabilang braso at pinilit siyang itayo.


Pero ang mas gumulat sa kanilang lahat ay ang mahigpit na pagyakap ni Arthur sa anak na si Andy. Tila tumigil ang oras, apat sa anim na magkakapatid ang nakangiti, tila masaya sa naging pagtanggap ng kanilang ama sa kanilang kapatid habang si Allen naman ay hindi makapaniwala sa ipinapakitang suporta ng kaniyang mga kapatid at ama.


Allen, ikaw dapat ang isa sa mga nagtatanggol sa mga kapatid mo. Eh ano ngayon kung bading siya? Meron ba siyang binastos na tao? Meron ba siyang inapakang tao? Meron ba siyang sinaktan? Wala naman diba? Siya parin ang kapatid niyo, walang nagbago, nagpakatotoo lang siya sa sarili niya, ngayon tulungan niyo siyang tanggapin ang sarili niya at huwag na kayong makisali doon sa mga taong makikitid ang utak.” mariing saad ni Arthur sa mga anak habang si Andy ay parang bata na humahangos sa kaniyang balikat.


Oh, nasan na yung ka date mo?” parang batang tanong ng kaniyang panganay na kapatid habang hinihigop ang natitirang sago sa kaniyang iniinom na milk tea na ikinamula ng pisngi ni Andy dahil sa hiya.


Ayaw na sana niyang papuntahin ang ama na abala sa pagpapalakad ng kanilang negosyo at mga kapatid na may kaniya kaniyang pasok sa opisina at skwelahan dahil nga natatakot siya na baka maging ganito ang kalabasan ng kaniyang unang date. Pero mapilit ang mga ito, gustong alamin at kilatisin ang lalaking inaasahan niyang magiging unang boyfriend niya.


Kamusta kuya? Nag-click ba kayo?”


Mabait ba?”


Bagay ba kayo? Baka naman mukhang dilis yan?” tanong ng isa pa niyang nakatatandang kapatid na nagkamit ng isang malutong na batok mula sa kaniyang ama.


Aldrin, wag kang bastos.” mariing saad ni Arthur na ikinahagikgik ng mga kapatid ni Andy.


Ano anak, kamusta? Parang ambilis niyo naman atang kumain? Saka nasan na siya?” tanong ni Arthur sabay tingin tingin sa paligid ni Andy, umaasa na doon niya makikita ang ka-date ng anak.


He didn't show up.” malungkot at nahihiyang saad ni Andy.


““AWWWW!”” sabay sabay na saad ng kaniyang mga kapatid at sunod na niyang nakita ang sarili sa yakap ng kaniyang mga naglalakihang katawan na mga kapatid at ama.


Ibigay mo sakin ang number niyan at hindi ko patatahimikin sa text.” saad ni Aldrin.


May facebook ba yan? Gusto mo i-cyber bully ko yan?” saad naman ni Albert sabay suntok suntok pa sa kaniyang palad na miya mo mananapak.


San ba nakatira yan?” tanong naman ni Anthony na sumunod kay Andy.


Oo nga aabangan namin after school.” pagsesegunda ng busong si Aeron.


TUMAHIMIK NGA KAYO.” tila isang speaker sa lakas na saad ni Arthur na ikinatigil sa kakasalita ng kaniyang mga anak at ikinakuwa ng pansin ng ilang tao sa paligid.


Are you, OK?” tanong naman ni Arthur sa anak na si Andy.


I'm OK--- it's just that--- naistorbo ko pa kayo para lang sa asshole na yun. Tapos umasa din ako. Akala ko kasi siya na.” naiirita ulit na saad ni Andy.


It's OK Andrew, wala naman kaming ginagawa masyado sa work eh. Saka bata ka pa. Madami pa diyan sa tabi-tabi.” pagpapagaang ng loob na saad ni Albert sa nakababatang kapatid.


Oo nga, payroll lang naman ang inaasikaso ko eh, makakahintay pa naman ang sweldo ng buong kumpanya.” sarkastikong balik ni Aldrin na muling nakatanggap ng pagbatok sa kaniyang ama na ikinahagikgik na ni Andy.


Sorry ulit kung naistorbo kayo. Hindi na talaga ako makikipag blind date.” Pangako ni Andy sa sarili at sa kaniyang mga kapatid na natahimik lang dahil alam nilang babawiin din ni Andy ang sumpang iyon.


So pano, uwi muna ako? Kayo? Babalik kayo sa work?” tanong ni Andy sa mga kapatid at ama sabay kawala sa mga yakap ng mga ito. Kaniya kaniyang saad ng reklamo ang bawat isa, sinasabi na ayaw na nilang pumasok pa pero mapilit si Andy at pinapasok pa ang mga ito. Kaniya-kaniya ang mga ito ng paalam sa kaniya at kaniya kaniyang sibat papasok, nahuli si Arthur na muling niyakap ng mahigpit ang anak.


He's an asshole. You don't need him. You'll meet that special someone soon.” saad ni Arthur sabay pinakawalan ang anak at naglakad na palayo.


Muling nagbuntong hininga si Andy at naglakad papunta sa parking upang umuwi na. Habang naglalakad hanggang sa pagmamaneho pauwi ay iniisip ni Andy ang mga bagay na maaaring nakikita ng iba na mali sa kaniya.


Masyado bang malaki ang ilong ko?” pangapatnapu na atang tanong ni Andy sa sarili sabay tingin sa rear view mirror niya.


Oh yung buhok ko? Masyado bang itim? Kailangan ko na bang magpa-high lights?” tanong ulit ni Andy sabay tingin sa kaniyang repleksyon at inunat ang kaniyang buhok na siyang nagpakita ng kaniyang masiglang anit.


Yung lips ko? Kailangan ba mala Angelina Jolie?” tanong ulit ni Andy sa sarili.


Natigil lang ang paulit ulit na pagtatanong na iyon ni Andy sa sarili nang mag-ring ang kaniyang telepono sa may passenger seat. Sinulyapan niya ang pangalan ng natawag.


Michael”


Tila ba nilagay siya sa isang pugon at agad na kumulo ang kaniyang dugo. Swinipe niya ang “answer” at ni-loud speaker ang kaniyang telepono.


I'm sorry kung hindi ako nakapunta. Something came up sa office---”


Fuck you.” singhal ni Andy, pinutol ang pagpapalusot na ginagawa ng dapat sana ay ka-date niya.


What? Why are you---” tanong ni Michael na tila ba naguguluhan pa kung bakit siya minumura ni Andy na noon naman ay walang pinakita kundi ang ka-sweet-an.


It was you who said that maybe it's time for us to meet and that you're falling in love with me sa voice ko pa lang and wanted to see me because you believe na kapag nakita mo ako you'd fall more in love with me---etc. Etc. tapos ikaw yung hindi sisipot? Now you have the guts to ask me kung bakit kita minumura?! F.U.C.K.Y.O.U. Fuck you! Ngayon kung hindi mo pa rin naiintindihan yan eh nakakaawa ka na talaga! Bye!” nanggagalaiting tuloy tuloy na saad ni Andy kaya naman hindi niya napansin ang mabilis na gumugulong na bolang patawid sa kalsadang kaniyang dinadaanan.


PUTA----!” ang tanging nasambit ni Andy saka niya kinabig ang manibela pakaliwa at inapakan ang preno ng kaniyang sasakyan.


000ooo000


Kinakabahan na dahan-dahang iminulat ni Dale at Jay ang kanilang mga mata. Kitang-kita nila ang pagtabi ng sasakyan sa gilid ng kalsada at kitang-kita nila ang tila ba slow motion na pagbaba ni Andy sa sasakyan habang sapo-sapo ang ulo nito at may nakatatak na nakamamatay na tingin sa mga mata nito. Agad na nagtago si Jay sa likuran ng kaniyang pinsan.


Dude, may dugo ba?” kinakabahang tanong ni Jay kay Dale habang nakasilip sa matipuno nitong balikat.


Chill, dude. Bukol lang and I bet it's non fatal.” mahangin na saad ni Dale.


Dude, sorry. The ball slipped from my hand---” simula ni Dale pero hindi siya pinansin ni Andy na sirang-sira na ang araw na iyon.


Is this yours?” inis na inis na tanong ni Andy.


What the hell--- kasasabi ko lang---” pabulong na simula ni Dale na ikinahagikgik ni Jay. “Yes dude, can I have the ball back?” naiirita nang saad ni Dale habang inaalala kung sino nga ba ang lalaking ito sapagkat pamilyar ito sa kaniya.


Pero imbis na ibalik agad ni Andy ang bola sa magpinsan ay pinakitaan niya muna ito ng ilang moves na itinuro sa kaniya ng mga kapatid niya at ng dati niyang kaibigang si Nolan. Idrinibol niya ang bola, papalit palit sa dalawang kamay, inilulusot sa pagitan ng mga paa habang papalapit sa dalawang magpinsan na tila ba manghang-mangha sa ginagawa ni Andy.

Errr OK. Can I have our ball back so my cousin and I can continue our game?” salubong ngipin ng saad ni Dale sa sobrang pagkairita sa lalaking muntik na nilang madisgrasya habang si Jay ay napapanganga na lang sa ipinapakitang galing ni Andy.


Come and get it--- if you can.” panghahamon na Andy na hindi naman inurungan ni Dale sapagkat nais niya nang isalugar ang kayabangan ng nauna.


Pero mabilis din si Andy, sa tuwing aagawin ni Dale ang bola ay siya namang mabilis na iwas niya dito na lalong ikinakainis ni Dale habang si Jay naman ay napapapalakpak na parang bata dahil sa galing ng dalawa sa paglalaro ng basketball.


Dammit!” singhal ni Dale nang sa pangilang beses ay nakailag nanaman si Andy sa dapat sana ay isa sa pinakamagaling na steal niya. Ang pagmumura na ito ni Dale ay lalong nakapagpangisi kay Andy at nagtulak dito na mas galingan pa ang paglalaro.


Nang muntikan nang maabot muli ni Dale ang bola mula sa mga kamay ni Andy ay agad na humakbang si Andy patalikod at tumalon bilang bigay buwelo sa pagbato niya sa bola papasok ng ring. Tila bumagal ulit ang oras habang pinapanood ng tatlo ang swabe at dahan-dahang pagpasok ng bola sa basket.


THREE POINTS!” sigaw ni Jay na nagdulot para kutusan siya ni Dale.


You have poor coordination that's why the ball kept on slipping from your grasp.” pagle-lecture ni Andy kay Dale na ikinaasar lalo ng huli. Bago pa man makasagot si Dale ay tumalikod na at naglakad na pabalik si Andy sa kaniyang sasakyan.


The ball please!” sigaw ni Dale nang makita niyang karay-karay parin ni Andy ang bola, nakangisi ulit na humarap si Andy at ibinato ang bola kay Jay na humahagikgik na ginaya ang pagshoot ni Andy sa bola na wala rin namang kahirap-hirap na na-i-shoot ng huli.


I won!” sigaw ni Jay sabay turo sa kaniyang pinsan na masama parin ang tingin sa ngayon ay papalayo ng sasakyan ni Andy.


What?!” iritableng tanong ni Dale sa kaniyang pinsan.


I won! Na-shoot ko yung ball and you didn't do anything about it plus the sun is nearly setting na, it means tapos na ang game natin and I'm up by two points! So I won! I'll give the consequence na kailangan mong gawin.” saad ni Jay sabay ngiti ng nakakaloko.


Oh shit.” saad ni Dale sa sarili sabay tampal ng kaniyang kanang kamay sa mukha.


Hahaha! It's pay back time, bi-a-tch!” sigaw ni Jay sabay paikot na sinayawan si Dale upang lalo pa itong inisin.


Itutuloy...


Breaking Boundaries 2

[chapter 1]

by: Migs

Comments

  1. Hi guys, Sa lahat po ng masugid na mga readers ng BOSS kong si Miggyboi, maraming salamat. I know you guys know na matagal talagang magpost ng updates tong paboritong author natin, and these past few months, mas lalo pa atang tumagal. I'm sorry, I might probably be taking too much of his free time and I'm sorry but I can't help but do it, if you know what I mean... =)

    He might scold me pag nabasa niya tong comment kong to...hehe anyway, I know how much you love him and all of his stories, di naman kayo mananawa kakaantay sa pag update niya di ba? =) Again, I'm sorry and I love you guys! salamat sa pag unawa at pagsuporta kay boss =)

    You may want to promote his blogpage too... =)

    - MJRE

    ReplyDelete
  2. WOW. SORRY KUNG INABOT AKO NG ISANG BUWAN BAGO MAKAPAG-UPDATE. ;-( SUPER BUSY.

    SANA PO SUPORTAHAN NIYA ANG BREAKING BOUNDARIES BOOK 2. mas light ito kumpara sa AAO series :-)

    Sana magustuhan niyo.

    Salamat and Enjoy Reding!

    Maraming salamat din sa lahat ng sumuporta sa ikalwang libro ng AAO.

    PS: babalik na po ako sa dati kong style ng pagsusulat. :-)
    walong chapters na lang po ito! :-)
    I love you all!

    ReplyDelete
  3. new story at new aabangan namin sir migs..galing

    ReplyDelete
  4. Mukhang gaganda din ang story gaya ng book 1ah sina marcus at jepoy

    ReplyDelete
  5. meron ng bago! yey thank you kuya migs! namiss ka namen!

    ReplyDelete
  6. Wow sa wakas may new story na nman na aabangan. Mukhang exciting ito ah. Tnx migs.

    Randzmesia

    ReplyDelete
  7. at last may kwento na uleng aabangan! he he he. tnx migz!

    ReplyDelete
  8. Author mIgs!

    Oha habol kung habol ang tema natin hehe,

    ayun sino si MRJE? hehe..

    Go lang po kung anong style gusto niyo, basta wag tumagal ng 1 month ha ;)

    -aR

    ReplyDelete
  9. Wow migs sorry ha ngayon ko lang nacheck na may bago ka story. Hindi ka pa rin nagbabago ang galing pa rin ng start ng mga story mo. Chapter 1 palang nakakahook na hehehe

    have a great day migs and keep it up

    ReplyDelete

Post a Comment

Popular posts from this blog

Against All Odds 2[38]

The Rebound

Different Similarities 2[16&epilogue]