Against All Odds 2[epilogue]

DISCLAIMER: The following is a work of fiction. Any similarities to any written works and any person, living or dead are purely coincidental. The story is intended for a mature audience. It may contain profanity and references to gay sex. If this offends you, please leave and find something more suitable to read. The author maintains all rights to the story. Do not copy or use without written permission. Email the author at miguisalvador@yahoo.com for comments, suggestions and violent reactions in pertaining to this blog and the stories that comes along with it.


After 10 years
Hindi napigilan ni Mike na balutin ng kaniyang mga kamay ang makinis na kamay na iyon ng kaniyang katabi habang nakatingin sa isang kwadradong bato malapit sa kaniyang paanan na napapalibutan ng damo, malawak na lupain at may panaka-nakang malalaking puno. Hindi niya akalain na muli siyang makakaramdam ng ganitong saya matapos ang ilang taon. Iniwas niya ang kaniyang tingin mula sa pangalan na nasa kwadradong bato na iyon at itinuon ang kaniyang tingin sa maamong mukha ng kaniyang anak na mukhang malalim din ang iniisip.


I told her to come here before the wedding.” naka ngiting pakikipag-usap ni Mike sa kwadradong bato na miya mo sasagutin siya ng pangalan ng taong nakalibing doon.

She told me to come here with her instead. That you would love me to be with her before her special day.” nakangiti ulit na saad ni Mike na ikinangiti narin ni Pauline.


I told her I couldn't and she threw a pretty mean tantrum just like when she was little---” humahagikgik na simula ni Mike na naging malakas na tawa nang maramdaman niyang hampasin siya nito sa balikat.


Dad--! Bahala ka diyan! I'm going to look for Liam, I know his mom is buried here too, baka dun siya pumunta kaya bigla bigla nanamang nawala.” saad ni Pauline at mabilis na naglakad palayo, hinahanap ang malapit ng maging asawa.


Matapos makabawi sa pag-tawa dahil sa pagiging kilos bata ng kaniyang anak na si Pauline muling ibinalik ni Mike ang kaniyang tingin sa kwadradong bato na iyon.


I wish you were here to see her the day before her wedding. You would've notice that special smile on her face, katulad ng nakita ko kanina nung bigla ulit siyang sumulpot sa front door ng bahay.” nangingiti pero malungkot na saad ni Mike.


Maayos na lumaki si Pauline tulad ng sabi mo nung nasa ospital ka pa. Malapit narin siyang magsimula sa med proper niya, I know she would be a very successful surgeon someday like you said.” saad muli ni Mike habang tinititigan ang pangalan na naka ukit sa batong iyon na sa kabila ng magagandang nangyari sa kaniyang buhay at sa buhay ng anak niya ay naghatid parin ng ibayong lungkot.


Sa totoo lang, ayaw kong pumunta dito. Naaalala ko kasi yung hindi ko natupad na promise sayo. Yabang ko pa nung sinabi ko sayo na I wouldn't break that promise tapos may isang tao lang na nagsabi sakin ng kasinungalingan tinalikuran at kinalimutan ko agad yung promise na yun. I really wanted to say sorry na hindi ko natupad yung pangako na iyon. Sorry---” nangingilid luha ng saad ni Mike habang nakatitig parin sa pangalan na iyon ng isang napaka importanteng tao sa kaniyang buhay.


I really wish you could send me a sign, saying that you forgive me---” saad muli ni Mike at hindi nga nagtagal ay umihip ang isang napakalakas na hangin.


Mike!” sigaw ng isang lalaki.


Agad na lumingon si Mike at nanlaki ang kaniyang mga mata. Agad siyang tumayo mula sa kaniyang kinauupuan at sinalubong ang tumawag sa kaniyang iyon.


I-I thought b-bukas ka pa ng umaga babalik?” tanong ni Mike.


Well, maaga natapos yung convention namin eh.”


I missed you.” bulong ni Mike sabay niyakap ng mahigpit si Dan.


I missed you too.” balik saad ni Dan sabay sinuklian ang mahigpit na yakap na iyon ni Mike. Kung hindi pa nakita ni Dan ang maliit na kwadradong bato kung saan nakaukit ang pangalan ng kaniyang ina ay hindi pa siya bibitaw sa pagkakayakap kay Mike.


Hi Mom.” bati nito sa libingan ng ina. Hindi napigilan ni Mike ang mapangiti nang mapagtanto niyang sinagot ni Lily ang kaniyang hinihinging sign.


Ang mawalay ng ilang araw kay Dan ay tila unti unting pumapatay sa kaniya, sa tuwing pupunta ito sa mga convention na para sa mga duktor ay hindi niya mapigilan ang malungkot. Minsan pa nga ay sinundan pa niya ito sa Baguio, walang pakielam sa kaso na kaniya dapat na hahawakan para sa araw na iyon. Kaya naman ang dumating ito, isang araw bago ang araw na inaasahan niyang pagdating nito ay walang duda na sagot mula kay Lily.


Thank you.” bulong ni Mike sabay tingala sa langit, umaasa ginagawa niyang iyon ay maipaparating niya ang kaniyang mensahe ng pasasalamat kay Lily.


Tapos alam mo ba, Ma yung---” magiliw na patuloy na pagkukuwento ni Dan na ikinahagikgik ni Mike nang makalapit siya dito.


0000oo0000


We're going out for lunch, sama ka?” tanong ni Nat sa kaniyang katrabahong si Melvin.


Sa loob ng walong taon nila itong nakakasama sa trabaho ay ni minsan ay hindi pa nila ito naksamang mag-lunch na lubusang ikinakataka ng ilan sa kaniyang mga katrabaho.


Nope. I'm gonna have to pass.” nakangiting sagot ni Melvin kay Nat.


Why do I even bother to ask you everyday when I already know you would say no?” nagtatakang tanong ni Nat sa sarili na nakapagpahagikgik kay Melvin.


I guess you were just waiting for a miracle to happen.” nangingiting saad ni Melvin matapos humagikgik.


Hmpft.” pabirong singhal ni Nat saka kumaway at ngumiti.


Sabi ko naman sayo hindi siya sasama eh. Ikaw lang talaga 'tong makulit na lagi siyang inaaya kumain ng lunch.” umiiling na saad ni Joe nang makita niya si Nat na naglalakad papalapit sa kanila na walang kasamang Melvin.


Gusto ko lang naman siyang makasama kumain. Ikaw ba masaya ka ba kumain mag-isa?!” pasinghal na balik ni Nat kay Joe habang naglalakad na ang kanilang grupo papuntang cafeteria.


Pano niyo naman nalaman na mag-isa lang siya kumakain?” tanong naman ni Lita.


Huh? May alam ka ba?” tanong naman ni Nat sa huli dahil sa para bang may ibig ipahiwatig ang sinabing iyon ng huli.


Naaalala niyo ba si Rico? Yung dating taga legal? Well, na-curious daw siya diyan kay Melvin before at sinundan kung saan ito nagpupunta every lunch kaya sinundan niya daw. Imbis daw sa restaurant ito pumupunta sa ospital daw yan pumupunta.” tsismosang saad ni Lita.


Hindi niya sinundan papasok sa ospital si Melvin? Anong ginagawa niya dun?” tanong ng isa pa.


Baka masarap ang pagkain dun?” singit ng isa.


Baka naman may binibisita dun?”


Dun nagtratrabaho ang jowa?”


Kaniya kaniya nitong mga haka-haka, ang ilan ay nagtatawanan na lang dahil nakakatawa na ang hakahaka ng iba, ang pagpapalitan ng kurukuro ng mga ito ay nabasag na lamang nang muling magsalita si Nat.


Hindi na pala ako sasama sainyo.” biglang bawi ni Nat sa nauna nilang planong kumain sa labas na magka-kaibigan.


““What?!”” sabay sabay na sabi ng kaniyang mga kaibigan.


Nathalie! Bumalik ka dito! Para kang engeng!---” saad pa ulit nila Joe pero hindi na niya pinansin ang mga ito at muling bumalik sa kanilang opisina, pinagiisipang maigi ang kaniyang plano.


0000oo0000


Tahimik lang siya sa kaniyang sasakyan, binabantayang maigi ang puting altis na nasa kaniyang harapan. Sinundan niya ito simula pa lang sa parking ng kanilang opisina, papunta sa isang restaurant kung saan mukhang bumili ito ng makakain para sa dalawang tao at hanggang ngayong tila papunta na ito sa isang ospital.


Tama sila, sa ospital nga siya pumupunta tuwing lunch break.” sabi ni Nat sa sarili.


Gusto niyang malaman kung bakit ninais nito na pumunta sa isang ospital tuwing lunch break nila. Sinundan niya hanggang makaparada si Melvin ng maayos atsaka siya naghanap ng mapaparadahan. Muntik pang mawala si Melvin sa kaniyang paningin ngunit mabuti na lang at nakita niya pa ito sa di kalayuan bago lumiko sa isang napakahabang hallway.


Hindi alam ni Nat kung bakit siya kating-kati na malaman ang misteryo sa likod ng tahimik na si Melvin. Wala siyang gusto dito, ang totoo niyan may asawa na siya pero tila nais niyang malaman ang kwento ng taong ito, bakit niya nakikita ang ibayong lungkot sa kabila ng matatamis na ngiti nito, nais niyang malaman ang rason sa mga nangingilid na luha sa kabila ng pagtawa nito ng malakas at nais niyang malaman kung bakit tila ba gumagawa ito ng pader sa pagitan ng ibang tao na makilala nito, kung bakit nito nililimitahan ang sarili sa ibang tao.


Binagalan na ni Nat ang kaniyang paglalakad nang mapansing tila bumagal narin ang paglalakad ni Melvin. Nakita niya kung pano batiin ni Melvin ang mga nurse doon na tila ba matagal na niyang kaibigan ang mga ito, binigyan ito ni Melvin ng mga pagkain na lubos na naglagay ng nahihiyang ngiti sa mga mukha ng nurse atsaka nagpaalam na papasok na siya sa double doors na katapat ng nurse station.


Nang maglaho si Melvin sa likod ng double doors na iyon ay agad na kumilos papalapit si Nat at nang mapatapat siya sa double doors na iyon at nang pipihitin na niya ang mga door knob ay agad siyang pinigilan ng mga nurse sa kaniyang likuran.


Ano pong maipaglilingkod namin?” magalang na tanong ng isang nurse kay Nat.


I'm w-with Melvin.” pagpapalusot ni Nat na hindi naman nakaligtas sa mga nurse, lalong lalo na sa senior nurse doon sa unit na iyon.


Miss, pwede ko po ba muna kayong makausap?” magalang na tanong parin ng head nurse na hindi rin nagawang tanggihan ni Nat dahil sa kaniyang palagay na ang nurse na iyon ay isang nurse na hindi niya dapat kalabanin.


Nang makita ng head nurse na iyon ang marahang pagtango ni Nat ay ginabayan niya ito papalabas sa hardin ng ospital. Pinagiisipang maigi ang kaniyang mga sasabihin.


I-I just wanted to know him. I-I never wanted to hurt him or something.” pangungumpisal ni Nat sa nurse na hindi mapigilang mapangiti lalo pa na narinig niya ang sinseridad sa tono nito.


I have a story to tell...” simula ng nurse na siyang kumuwa sa interes ni Nat.


0000oo0000


Natigilan saglit si Melvin nang makita niya si Ryan na nakatanaw sa bukas na bintana malapit sa kama nito. Sa araw araw na pagpunta niya doon sa loob ng sampung taon ay hindi parin niya mapigilan ang sarili na makarmdam ng lungkot. Lungkot na may kasamang pangongonsensya sa sarili. Sinisisi niya ang sarili sa pagkakaganon ni Ryan.


Wala sa sarili siyang napapikit nang maramdaman niyang muli ang pangingilid ng kaniyang luha. Pero isang malaking pagkakamali ang kaniyang ginawang iyon dahil pinasok ng masasamang alaala ng umagang iyon sampung taon na ang nakakaraan ang kaniyang isip.


Alam niyang mali ang kaniyang gagawin pero tila ba may gayumang hatid ang takot sa mga mata ng kaniyang kapatid nang malaman nitong nasa kaniya ang baril nito at nakatutok ito kay Mike na siyang nananakit sa taong kaniyang pinakamamahal.


Alam niyang nasa kaniya ngayon ang kapangyarihang matigil na ang lahat ng kahibangan na iyon at ito lalo ang nagpalakas sa kaniyang kumpiyansa sa sarili.


Melvin no!” sigaw ng kaniyang kapatid na siyang kumuwa ng pansin ng lahat. Ninais pa ni Martin na agawin ang baril sa kaniya ngunit huli na, nakalabit na niya ang gatilyo ng baril at umalingawngaw na ang ingay ng putok nito sa buong paligid.


Kung noong bago niya kalabitin ang gatilyo ay kay Mike ito nakatutok, huli na ng mapansin ni Melvin na muli na palang gumalaw ang dalawa mula sa pagsusuntukan ng mga ito at imbis na si Mike ang tamaan ng bala ay dumaplis ito sa gilid ng ulo ni Ryan.


Dahan dahan siyang napaluhod nang makita niya ang dahan-dahang din pagbagsak ng duguang si Ryan sa maduming kalsada.


Ayaw na niyang maalala pa ang mga pangyayari pagkatapos nun kaya naman agad na niyang iminulat ang kaniyang mga mata, mas pinili niya ang makita ang nakatulala at tahimik lang na si Ryan kesa ang maalala ang Ryan na tila ba wala ng buhay.


0000oo0000


And after that, for the past ten years, araw araw pumupunta dito si Melvin just to have lunch with Ryan who wouldn't talk back to him---” simula ng nurse.


Did something happened to his brain nung tamaan siya ng bala kaya he couldn't talk anymore?” parang batang tanong ni Nat sa nurse.


CT scan suggests nothing significant happened to his brain. Actually, the doctors said that despite the excessive bleeding the wound he sustained from the gunshot is just superficial.” maalam na sagot ng nurse na lubos na ikinataka ni Nat.


Then bakit ayaw niyang magsalita?” agad agad na tanong ni Nat upang malinawan.


I think depression got the best of him. Everything was suddenly taken away from him. Bago siya magka-ganyan he was fighting for a love he know he couldn't win pero at least he's dong something to win it pero nung tinamaan siya ng bala and was unconscious for a very long time napagtanto niya na kung hindi dahil don he still could've been fighting that he could've won.”


So this is all Melvin's fault kaya nagkaganyan si Ryan?” walang prenong tanong ni Nat na ikinalungkot ng nurse.


Partly--- yes.” sinserong sagot ng nurse sabay buntong hininga. “---and he's still paying for it.” malungkot na pahabol ng nurse.


What do you mean?” tanong ulit ni Nat.


Having the person who you love so much ignore you even if you are in front of him is more painful that seeing that person in a coma. Having that person you love so much ignore you for the past ten years is worse than being in jail for ten years.” malungkot at nangingilid luhang sagot ng nurse habang pinapaintindi kay Nat ang kaniyang ibig sabihin. Habang sinasabi ito ay hindi mapigilan ng nurse na ilagay ang sarili sa katayuan ni Melvin.


Ramdam din ni Nat ang nararamdaman ng nurse kaya wala sa sarili niyang iniwas ang tingin mula dito upang hindi nito mapansin ang lungkot at nangingilid na niyang luha sa kaniyang mga mata. Sakto namang naabutan ng kaniyang tingin ang bintana kung saan andun malapit ang higaan ni Ryan. Kitang-kita niya si Melvin at Ryan. Kitang-kita niya ang tuloy-tuloy na pagbukas ng bibig ni Melvin na miya mo masayang nagkukuwento kay Ryan at kitang-kita niya rin ang pagbalot ng lungkot sa mukha nito nang wala paring ipinakitang reaksyon si Ryan.


Ang kaninang nangingilid na luha niya ay hayagan ng tumulo.


0000oo0000


Hindi napigilan ni Dan ang mapatitig sa palad niyang puno ng bigas. Halos lahat ay masaya para kila Pauline at Liam, ang ibang katulad niya na may isang buong palad na puno ng bigas ay masaya ng itong inihahagis kila Pauline at Liam pero siya, may nararamdaman siyang kakaiba sa araw na iyon, parang may mali.


Kanina niya pa hinahanap si Mike sa kaniyang tabi at hindi niya ito mahagilap. Madalas katabi ito ng wedding organizer nila Pauline at Liam, noong una ay hindi niya ito pinagiisipan ng masama, iniisip na baka binibigyan lamang ito ni Mike ng mga instructions sa kasal ng anak pero ngayong matatapos na ang kasal ay magkausap parin ang mga ito sa isang tabi, ang malala pa ay gusto ng sapakin ni Dan ang wedding organizer dahil sa tila ba kinikilig ito sa mga sinasabi ni Mike.


Nasan si Mike?” tanong ni Cha sa tabi ni Dan na siyang gumising sa huli at biglang ihinagis ang bigas na nasa palad na ikinataka naman ni Cha dahil kanina pa nakalagpas sa kanila ang mga bagong kasal.


Ewan ko.” bitter na sagot ni Dan sabay labas ng simbahan katulad ng ibang bisita pero imbis na sundan niya ang bagong kasal sa pagsakay ng mga ito sa sasakyan papunta sa reception ay dali-dali at inis na inis na pumunta si Dan sa parking at sumakay na sa kaniyang kotse.


Ibayong selos at galit ang nararamdaman niya ngayon. Unti-unti na namang sumisiksik sa kaniyang puso ang takot na baka niloloko nanaman siya.


Di ka pa sigurado, Dan. Wag mong isipin yan.” saad ni Dan sa sarili at pinaharurot ang sasakyan palayo sa simbahan.


0000oo0000


Asan si Dan?” tanong ni Mike kay Cha nang makarating sila sa reception.


Ewan ko, kanina tinanong ko siya kung asan ka pero galit akong sinagot na hindi niya raw alam. Ewan ko dun, may dalaw nanaman ata.” sagot ni Cha na nagtulak kay Mike na magalala. Inalala niya ang mga nangyari sa buong araw na iyon at wala siyang maisip na dahilan upang ikainis ni Dan dahil wala naman siyang ginawa kundi ang kausapin ang wedding organizer maghapon.


Nang maisip niya ang tungkol sa wedding organizer ay agad siyang kinabahan.


Dan. Mali ang iniisip mo.” nagaalalang saad ni Mike sabay lumingon-lingon, sinisiguro na wala nga doon si Dan bago siya umalis at punatahan ito sa isang lugar na alam niyang pinupuntahan nito sa tuwing nalulungkot ito.

0000oo0000

Madilim na ang paligid at hindi mapigilan ni Dan ang mamangha sa tagpo na nasa kaniya ngayong harapan habang nakaupo sa isang maliit na bangko sa rooftop ng ospital na kaniyang pinagtratrabahuhan. Unti-unting nagaagaw ang liwanag at dilim, kasabay noon ay ang unti-unting pagbubukas ng mga ilaw sa mga nagtataasang building sa paligid at ang paglitaw ng mga bituin sa langit.


Tagpo na nakapagpa-relax sa kaniya. Pero hindi nagtagal ang pagre-relax niyang iyon dahil may taong nagpapansin sa kaniyang likod sa pamamagitan ng paglilinaw ng lalamunan nito na miya mo pinipigilan ang sarili na maubo. Hindi na kailangan ni Dan na humarap dito upang malaman kung sino ito.


Bakit wala ka reception?” tahimik na tanong ni Mike kay Dan.


Di ako kailangan dun.” mahinahon na sagot ni Dan pero hindi parin kaila kay Mike na may galit sa tono nito na nagdulot ng kurot sa kaniyang dibdib.


Who told you that?” malungkot na tanong ni Mike na nakapagpalungkot kay Dan.


It doesn't matter.” sagot ni Dan.


I'm sorry I haven't talked to you that much today. I-I was kinda---”


You were busy, I get it.” galit na pagtatapos ni Dan sa sasabihin ni Mike na ikinalungkot lalo ni Mike dahil hindi siya maintindihan ng kaniyang nobyo kung bakit niya nagawang hindi sinasadya itong pansinin buong araw.


Tumayo si Dan mula sa kaniyang kinauupuan at paiwas na nilagpasan si Mike. Hinablot ni Mike ang braso ni Dan dahil ayaw niyang makaalis ito ng hindi siya nagapaliwanag ng maayos pero nagmatigas ito at hinawi ang sariling braso, pero sadyang malakas si Mike na nagtulak sa kaniya na mawalan ng balanse at mahatak si Mike patumba kasama siya.


Masakit ang kanilang pagkakabagsak sa sahig pero binalewala nila pareho iyon dahil gustong-gusto na ni Dan na makaiwas saglit kay Mike at si Mike naman ay gustong-gusto ng magpaliwanag kay Dan. Pero ang lahat ng gusto nilang iyon ay mabilis na nabura nang dapuan ng tingin ni Dan ang isang maliit na kahon na siyang nahulog mula sa bulsa ng tuxedo ni Mike nang sila ay matumba.


Isang kulay itim at maliit na kahon na ngayon ay nakaawang na. Isang kulay itim at maliit na kahon na may lamang singsing.


Di ko pa sana ibibigay sayo pero dahil parang ang sama ng loob mo sakin dahil sa hindi ko malamang rason---” simula ni Mike habang inaalalayan si Dan patayo sabay mabilis na pinulot ang kahon.


---D-Dan, W-will you marry me?” nauutal at kinakabahang tanong ni Mike kay Dan nang mapulot na ang kahon sabay luhod sa harapan ni Dan na tila nalilinawan na kung bakit ito maghapong nakikipag-usap sa wedding organizer at kung bakit tila kinikilig ito sa bawat sabihin ni Mike. Walang duda na kinikilig ito sa mga pinaplano ni Mike para sa kanilang kasal.


Yes.” nangingiting sagot ni Dan na nagplaster din ng isang napakalaking ngiti sa mukha ni Mike, Agad na tumayo si Mike at siniil ng halik si Dan.


Sa isang kundisyon.” pahabol ni Dan nang maghiwalay na ang kanilang mga labi na ikinabahala ni Mike.


Ibang wedding organizer ang i-ha-hire natin.” saad ni Dan, puno ng pagkairita ang boses nito na siyang nagpa solido sa iniisip ni Mike kung ano marahil ang ikinaasar nito nung hapon na iyon.


Hindi mapigilan ni Mike ang mapatawa ng malakas na saglit pang ikinainis ni Dan pero hindi nagtagal ay tinawanan narin ang sariling katangahan.

-wakas-

Against All Odds 2[epilogue]
by: Migs

Comments

  1. Tulad po ng sinabi ko. Malapit na po itong matapos. Last chapter na po ang susunod dito and then epilogue na. :-)

    I have made a dummy account (as much as I detest doing one), napilitan ako eh. I have to get the attention of those who post my stories sa wall nila and then claim it as their own. Nakakinis kasi matapos mong paghirapan, sila ang magcre-credit. Halos di na nga ako matulog makapag-post lang tapos siya naman kokopyahin niya lang.

    Kwento ni Gwapong Gago is one.

    I'm not a blog genius at hindi ko alam ang sinasabi niyong pagla-lock. :-(

    please add me and support my fight against these plagiarizer. Here's the link.

    https://www.facebook.com/miguel.salvador.1232?fref=ts


    Nais ko lang pong linawin na ang kwento pong “SKYBAND” ay akda po ng isa sa aking pinakamalapit na kaibigan na si Ezekiel o ang may pakana ng blog na 'to http://zildjianstories.blogspot.com/

    Ating po siyang suportahan! :-)

    ENJOY READING GUYS!

    Muli inaanyayahan ko po kayo na bumisita sa mga site na ito. Hindi po kayo magsisisi.
    http://imbipositive.blogspot.com/

    www.darkkenstories.blogspot.com

    http://icemicestories.blogspot.com/

    http://zildjianstories.blogspot.com/

    BACK TO BACK TO BACK chapters po ito! :-)

    Kerry Von Chan: kinilig ka? Haha!

    Lyron Batara: masalimuot talaga? Haha!

    Therese Llama: oo nga! Hindi ko nga natanadaan na three years na ang blog ko. huhu! Thanks sa pagka-count sa blog ko as part of your life! :-)

    Poging Cord: AAO 3 malalaman mo kung sino siya.

    Dhenxo: miss you too! Thanks!

    Pink 5ive: Thanks! :-)

    marc: thanks!

    Jasper Paulito: thank you more! :-)

    Marven Cursat: Thanks! :-)

    ANDY: yun talaga ang iniisip mo? Haha!

    robert_mendoza: sila na nga! :-) hihi!

    Anonymous September 1, 2013 at 8:07 PM: Meron pa pong mga next stories. Wag ka magalala. :-) Please leave your name next time po para mapasalamatan kita ng maayos. :-)

    Anonymous September 1, 2013 at 8:08 PM: happy ending agad? Haha! Thanks! Please leave your name next time po para mapasalamatan kita ng maayos. :-)

    Anonymous September 1, 2013 at 8:08 PM: Di na po maitutuloy ang chasing pavements for some personal reasons po. Sorry. Please do leave your name after your comment next time para po mapasalamatan kita ng maayos.

    Anonymous September 1, 2013 at 8:09 PM: Thanks! Kaso pano mo masusubaybayan yung next story ko? Anyway, please leave your name after your comment next time para mapasalamatan kita ng maayos. Salamat!

    IVAN D.: ayan, tinapos ko na para hindi ka na mabitin! Haha! Thanks!

    Randzmesia: sure ka ba na para sakin talaga ang comment na yan? Haha! Thanks anyways!

    Gavi: thanks! :-)

    racs: haha! Exag! Will make your years ba talaga? Ahahaha!

    Christian Jayson Agero: di po siya makukulong. Malalaman niyo po sa AAO 4 kung ano mangyayari sa kaniya. Hihi!

    Johnny Quest: Inalis ko muna si Bryan for some reason. Hihi! Nung binasa ko kasi ulit medyo hindi naging consistent kaya nabura yung scene na nandun siya. Hihi! Sorry.

    Vince Reyes: thanks! Tumigil na ata siya sa pagpopost eh. Hihi.

    John Paul Afalla: Yes I'm a nurse. Flamboyancy? I don't think that's the word to describe my tagalog. I'm not a Filipino major, it's just that I don't believe TAGLISH will be appreciated that much by the readers. Thanks!

    Ryge Stan: San ka ba kasi pumunta?

    WaydeeJanYokio: Thanks! :-)

    Anonymous September 15, 2013 at 3:20 PM: thanks! :-)


    MARAMING SALAMAT ULIT SA PATULOY NA PAGSUPORTA AT SA NAGUUMAPAW NA COMMENTS! MORE PLEASE! ENDORSE THIS BLOG SA FRIENDS NIYO DIN AH! :-) I'm targeting to gain more followers! Salamat! :-)

    ReplyDelete
  2. WOW!! ANG GONDO!!! Maraming salamat sa makasaysayang chapters at update paboritong kong author!

    ReplyDelete
  3. The last part was so epic, hongkyut daddy idol! Iba ka talaga!!! Miss you even more dad. :D

    PAALALA, HUWAG NAKAWIN ANG GAWA NG IBA. PUWEDENG HIRAMIN PERO MAGPAALAM O HUMINGI NG PAHINTULOT. O hayan ah, tagalog na para maintindihan niyo. Ahihihihih

    ReplyDelete
  4. Wow... My wish came true... I always dreamt of a happy ending for Mikee and Danny.. Very nice story author. Thank you for sharing this story to us. I so love it. Actually, I even want to give this story a reread as hindi talaga ako makaget over sa ganda. Simply the best.

    ReplyDelete
  5. Kinabahan ako na kinilig na Masaya! Ikaw na Miguel! The Best! Thank you for doing great stories!!! :)) IDOL! IKAW NA! :DD

    ReplyDelete
  6. hindi mo talaga nilagay yung "i love you too." hehehee

    naaawa ako kina Ryan at Melvin... sayang silang dalawa, 20 years na ang nasayang... hindi mo na binalik si Bryan eh, namimiss ko na din yung kalokohan nun...

    well its was a very excellent story...

    Kala ko lang may speech din sila Patwick dito sa wedding nina Pauline..

    Balik ka na ba sa CHASING PAVEMENTS?

    ReplyDelete
  7. I love you Migs!
    Ang nice ng chapters today. Feel good at dahil sayo kinilig ako ulit. Takteng line ni Mike kay Dan oh "“I've waited for this for so long, I'm not going to waste this chance being this close to you again just because people don't understand, just because they judge, just because they laugh at us. I love you and no one will change that.” Super dupe kilig talaga. :)

    ReplyDelete
  8. I love you Migs!
    Ang nice ng chapters today. Feel good at dahil sayo kinilig ako ulit. Takteng line ni Mike kay Dan oh "“I've waited for this for so long, I'm not going to waste this chance being this close to you again just because people don't understand, just because they judge, just because they laugh at us. I love you and no one will change that.” Super dupe kilig talaga. :)

    ReplyDelete
  9. galing tlg migz..


    marc

    ReplyDelete
  10. Aww! I love this! I love you Migs! Haha. Kudos to another story! Looking forward for more! :)
    -dilos

    ReplyDelete
  11. madami pa din akong tanung na di pa nasagot kuya migs.
    Gusto kung malaman kung anong mangyayari after this. Kawawa naman si ryan and im happy with dan.
    -frontier

    ReplyDelete
  12. Migs, gusto kitang halikan! Galing galing. :-)

    I wasn't expecting na si Tita Lily pala yung nasa libingan. Muntik na ako malungkot ng sobra. :P

    It's been an honor to be able to read this series!

    ReplyDelete
  13. Ayeeeeee!!!!! Kinilig ako dun...
    Pero on the other hand... awang awa ako kay ryan. Ewan ko ba, dati galit na galit ako sa kanya ngayon naman puro awa nalang ang natira. Sana may story din siya sana mapatawad na niya c melvin at ang sarili niya... :(

    About those people naman na inaangkin ang gawa mo. Lahat kami dito alam ang totoo kaya pag may nakita ako e rereport ko agad and i will notify you para ma gawan ng paraan... will it be ok if e add ko yung dummy fb mo?

    ReplyDelete
  14. Matagal ako nawala.

    Tapos tapos na agad. Worth it pala ang di pag pasok ng monday. Hahahaha!

    Migssssssssss hamishu!!!!!

    I feel sorry for Ryan. A lot of feels for him.....

    Mike and Dan naman comical ang ending. Love it!!!!

    Looking forward to the third AAO!

    ReplyDelete
  15. Awts tapos na. Sad :(( ill miss ur characters migz :) next story please? Straight si liam! :)

    ReplyDelete
  16. ayy tapos na story nila mike at dan.. :( well at least happy ending.. :) nalungkot naman ako ke ryan at melvin.. peo ang pinaka-lurve ko dito ung pgbbalik ni liam!!!!

    ReplyDelete
  17. Clap! Clap! Thank you for another wonderful story.
    -icy-

    ReplyDelete
  18. Feeling ko may Special Ending pato :)
    Greaaaat Story kuya migs :3 Keep it up (y)
    -Akhii

    ReplyDelete
  19. yung feeling na paiyak na ako kasi akala ko namatay si Dan. Buti na lang si Lily lang pala yung dinalaw nila.

    kuya migs, isang obra mo na naman ang natapos. ikaw parin ang number 1 sa mg faves ko sa ganitong genre. ibang klase ka eh. the best ka talaga!

    thank you kasi dahil kahit busy ka, may time ka parin magsulat/mgupdate para samin.

    Kuya akala ko babalik yung si Bryan? ano na ngyari sa kanya??

    hindi kaya story nya yung next tapos kalove team nya yung guy na OJT sa company dati ni ryan na pinagsamantalahan ni ryan? ayieeeee!!!!

    wAit?? parang puro rape victim yata haha!!

    pero nasan na sya kuya migs? miss ko na sya!!! gawan mo din ng story tapos Andy yung name ng kalove team nya haha! rumequest pa talaga. bitin pa ako sa mike-dan story!!!!

    thank you po ulit. love you kuya Migs!!!

    tc always.

    ReplyDelete
  20. pero ang alam ko may next pa itong AOO series na to kung tama gets ko sa nabasa ko dati sa comment ni kuya migs.

    ReplyDelete
  21. This comment has been removed by the author.

    ReplyDelete
  22. Migs....thank you for the story, thank you for letting us know and be with Dan and Mike's struggle that we, at some point, will and can relate. We have to remember that love is the most sacred emtion that we can share, for it will run a long list of good things to follow, we should not mar it with selfishness. Until the next story.

    ReplyDelete
  23. Migs....thank you for the story, thank you for letting us know and be with Dan and Mike's struggle that we, at some point, will and can relate. We have to remember that love is the most sacred emtion that we can share, for it will run a long list of good things to follow, we should not mar it with selfishness. Until the next story.

    ReplyDelete
  24. Migs....thank you for the story, thank you for letting us know and be with Dan and Mike's struggle that we, at some point, will and can relate. We have to remember that love is the most sacred emtion that we can share, for it will run a long list of good things to follow, we should not mar it with selfishness. Until the next story.

    ReplyDelete
  25. I was waiting for the "i love you too" haha thanks sir sa update...another superb story. Excited for the next obra...

    -- gavi

    ReplyDelete
  26. Thanks natapos na rin sa wakas at happy ending. Till next story migs.

    Randzmesia

    ReplyDelete
  27. haizt! akala ko magkakaproblema nanaman silang dalawa, hayyy, Dan mag totally move on kna kc, buti nlang at mtyaga c MIKEE, he he he, at last sila din sa wakas. congratz MIGZ! ! ! ask ko lng parang totally nwala c Brayn sa kwento. hmmmm sana magkaroon ng paliwanag and what happened to him. sana lng mpagbigyan ang aking munting hiling.

    ReplyDelete
  28. Pacomment nga. . .

    Na miss ko mag comment eh. . .

    Eto comment ko:

    CHA is IMMORTAL!!!!

    hahaha!!!

    Love the story!!!!

    ReplyDelete
  29. ang ganda talaga...pasensya na ngayon lang ulit nakabalik at ang nadatnan ko namn is very epic sa gandang ending ng story..thumbs for you kuya migs

    ReplyDelete
  30. Your style is really unique compared to other people I've
    read stuff from. I appreciate you for posting when you have the opportunity, Guess
    I will just book mark this web site.

    My site ... how to get a criminal background check

    ReplyDelete
  31. Gawd! Kinabahan ako. Akala ko si dan ung namatay, kuya migs talaga! Akala ko hindi ito happy ending. Pero thanks God! Happy Happy ending pala. So nice ng ending!! Ang epic lang ng selos mode ni danny haha pati wedding planer talaga ah. :D

    Andaming punch line dito kuya migs ah, from chap 56 to 57. Pahiram ah post ko sa twitter dont worry lalagyan ko ng credits sayo. :)

    Yung senior nurse ba ikaw oh ung sa breakeven ung sila chino at chris ung nag-alaga sa ex bf ni chino? (panfi? D kona matandaan lol)

    Asan yung "I Love You Too?" haha

    ~WaydeeJanYokio

    ReplyDelete
  32. OMG ang ganda nang ending soper like koto....


    Darkboy13

    ReplyDelete
  33. You miss something author. Ung part naman ng magulang ni Mike, anung expression nila ng malamang si Mike at Dan ay lovers. Un lng naman but the rest is Superb. Masyado mong inabuso author si Dan naaawa pa rin ako sa kanya lol

    I notice the way you write story nga pla, Its just it begin always at a High Feeling and question then flashback then going back to present.

    ReplyDelete
  34. Tapos n pala,,pero un nb un؛para ata akong nakulangan s ending,salamat po

    ReplyDelete
  35. awww... happy ending yet d aq happy... :( pls pls let bryan be happy too :(

    ReplyDelete
  36. Wow nice happy ending for mike and danny but I feel sorry for ryan for having that fate I hope something will change naman sa epilogue 2 hehehe

    have agreat day and keep it up migs

    ReplyDelete
  37. Ok its done!!! Thanks for this worderful story.

    ReplyDelete
  38. Epilogue! di lng years kuya migs, dahil sa epilogue na to lifetime na hahaha :D

    Thank You for this wonderful story..buti nlng happy ending ahaha

    ReplyDelete
  39. So, tapos na pala tong series na to, let me start my re-run... =)

    Hi guys, Sa lahat po ng masugid na mga readers ng BOSS kong si Miggyboi, maraming salamat. I know you guys know na matagal talagang magpost ng updates tong paboritong author natin, and these past few months, mas lalo pa atang tumagal. I'm sorry, I might probably be taking too much of his free time and I'm sorry but I can't help but do it, if you know what I mean... =)

    He might scold me pag nabasa niya tong comment kong to...hehe anyway, I know how much you love him and all of his stories, di naman kayo mananawa kakaantay sa pag update niya di ba? =) Again, I'm sorry and I love you guys! salamat sa pag unawa at pagsuporta kay boss =)

    You may want to promote his blogpage too... =)

    - MJRE

    ReplyDelete
  40. Nice Ending Migs. I like it more than the AAO1 :-) But both works are awesome. muntik mo na ako mapaiyak sa umpisa ng epilogue mo, akala ko.... :-) more power to you and your blog/stories.


    xoxo, A

    ReplyDelete
  41. ...so si Liam, si Liam (na anak ni Kyle na mahal si Pat sa Diff.Similr2) ay nakatuluyan ni Pauline, na siyang anak naman nina Mona at Mike (si Mike na mahal na ngayon ay si Dan). gosh!! so love the twist here sir Miggy.

    so this story (AAO2)is the aftermath of the lovestory between Kyle and Pat.

    BRILLANT!

    xoxo, A

    ReplyDelete
  42. at last nakapagreply din. i tried to post my comment using my tab pero hindi napost. i don't know why. anyway, sorry hindi na ako nakapagcomment on your previous chapters of AAO2. i so love the twists..asteg ka talaga!

    anyway, kaya ako nagview ulit today this time using my lappy is that im expecting na my new story na! pero i failed :'( hanggang kelan mo kami paghihintayin sir migs! hehehe (drama drama din pag may time..)

    can't wait for your next stories..kudos!

    -Gelo_08

    ReplyDelete
  43. Hi Migz... tapusin mo naman ang Chasing Pavement 5 oh. Please

    ReplyDelete
  44. Gawa ka AOO3 kuya migs haaaaa :3

    ReplyDelete
  45. Thanks kuya Migs for this story! :) Naawa ako kay Melvin at Ryan >_< at si Bryan nawawala XD at

    ung "I love you too" ni Dan haha But overall GREAT story! sana may AOO3! aabangan ko un! :D

    ReplyDelete
  46. Authot Migs!!

    Long time no read hoho,, habol habol din ng ilan episodes mo haha

    And here I thought na yung kausap ni Mike ay yung stone tablet ni Dan, talking not fulfilling his promises and so on, wishing that you should saw her grow blah blah blah...

    Akala ko talaga nung episode 57, si dan yung nabaril ni melvin, hinhanp ko yung 58 yun pala talagang epilogue na hahaha...

    And yung nat na yan kala ko nathaniel chu chu, I was thinking bagong love interest ni Melvin, yun pala isang NATHALIE haha

    Puro I thought.. ako haha..ulit si Ryan kala ko coma siya kasi double door, first come up on me nasa ICU sya, mali nanaman.

    Good thing wala namatay sa AOO2 mo ngayon.hehe

    Tama lang yung ending parang epilogue yung nagsummarize ng lahat,

    Question lang asan si Bryan..haha may naka line up ba for him..hehe chos lang

    Author migs, tignan mo kala ko makikita ko na face mo, mas ok pa sa dating blog naka post yung b&w mong mini pic hehe..

    -aR

    ReplyDelete
  47. Tnx dude for sharing this nice story...

    ReplyDelete
  48. Awwww, halos isang taon bago ko ulet mabasa, walang nagbago, you never failed to impress sir migs, what's next?

    ReplyDelete
  49. Halos mag-iisang taon na sa isang araw ang dulo ng kwentong ito. It's the 2nd time na binasa ko ito. It made me cry like the first time. I can somehow relate sa first few parts nung tinakwil as bestfriend ni Mike si Dan kasi it somehow happened to me (minus the rape part and the drugs and all) Wala lang. Just saying my thoughts. I'm not a literature major though but, despite the few lapses, this is a good story. Thank you, Sir for writing this. :)

    -DondeEstaMichifu

    ReplyDelete
  50. Typo haha *Halos mag-iisnag taon na sa ilang araw*

    -DondeEstaMichifu

    ReplyDelete
  51. I dont know. It's 2023 na and I re read this. Mas iba ang epekto sa akin ngaun.

    ReplyDelete

Post a Comment

Popular posts from this blog

Against All Odds 2[38]

The Rebound

Different Similarities 2[16&epilogue]