Against All Odds 2[57] BACK TO BACK TO BACK

DISCLAIMER: The following is a work of fiction. Any similarities to any written works and any person, living or dead are purely coincidental. The story is intended for a mature audience. It may contain profanity and references to gay sex. If this offends you, please leave and find something more suitable to read. The author maintains all rights to the story. Do not copy or use without written permission. Email the author at miguisalvador@yahoo.com for comments, suggestions and violent reactions in pertaining to this blog and the stories that comes along with it.


Hindi mapigilan ni Dan na tititgan pa sandali ang labas ng apartment ni Ryan, apartment na naging tahanan niya sa loob ng ilang taon, tahanan na malayo sa pagiging isang tahanan, lugar kung saan marami siyang luhang iniluha, lugar kung saan siya tumigil ng matagal, matagal na nagpakatanga at ngayon, tahanan na siyang magpapalaya sa kaniya. Kung titignan ito ay tila isa lang itong pangakariwang lugar para sa ibang tao pero para kay Dan ay minsan niya itong itinuring na lugar kanlungan pero nang kamakailan lang ay itinuring niyang impyerno.

Kaya naman hindi siya masisisi kung panghinaan siya ng loob sa kaniyang binabalak gawin.


Hindi ito nakaligtas kay Mike, medyo may kalayuan pa lang sila sa apartment na iyon ni Ryan at papalapit pa lang dito ay napansin niya ang agarang pagte-tense ng buong katawan ni Dan at ngayong nakalapit na sila sa bahay ay napansin niya naman ang pangingilid ng mga luha nito at bahagyang panginginig ng mga kalamnan nito.


Hey. We can do this.” tawag pansin ni Mike kay Dan sabay dampi ng kaniyang mga kamay sa kamay ng huli.


Dahan-dahang inilingon ni Dan ang kaniyang tingin pagawi sa kinauupuan ni Mike na tila ba hirap na hirap siyang i-iwas ang kaniyang tingin sa bahay na iyon. Pero laking tuwa ni Dan na pinilit niyang igawi ang kaniyang tingin kay Mike kahit pa nahirapan siyang gawin ito.


Dahil ang pagsasalubong ng kanilang mga mata at ang pagdampi ng kanilang mga balat sa isa't isa ay daig pa ang isang energy drink para kay Dan.


Thank you.” bulong ni Dan.


Nagpapasalamat siya dahil pupwede namang sabihin ni Mike na: “you can do this” sa halip ay sinabi nito na “We can do this” isang paraan ito ni Mike na nagsasabing hindi nagiisa si Dan, na dadamayan siya nito, na hindi na siya nito iiwan. Matapos magpasalamat ay saglit parin napako ang pagtitigan na iyon hangga't hindi napansin ng dalawa ng dahan dahan na palang lumalapit ang kanilang mga mukha sa isa't isa at hindi nagtagal at naglapat narin ang kanilang mga labi.


0000oo0000


I told you to stop going to his place. He's dangerous, Melvin.”


Ito ang mga salita ng kaniyang kapatid na si Martin na siyang gumising kay Melvin mula sa kaniyang masayang pamamalengke sa umagang iyon.


I don't know what you're talking about, Martin.” pagsisinungaling ni Melvin.


Stop bullshitting me.” pabulong pero pasinghal na saad ni Martin upang hindi sila makakuwa ng atensyon sa kapwa nila mamimili, hindi na pinansin pa ni Melvin ang huling sinabi na ito ni Martin at maglalakad na sana siya palayo nang pigilan siya ng kapatid sa pamamagitan ng paghawak nito sa kaniyang braso.


Paborito ni Ryan ang bulalo diba? Para kay Ryan yan, diba? Wag ka ng magsinungaling, Melvin---” simula ni Martin sabay silip sa mga pinamili ni Melvin. Ipagluluto niya nga sana si Ryan ng bulalo pero hindi niya ito sasabihin sa kaniyang kapatid.


---unless may bago nanamang gumagawa sayong panakip butas.” singhal ni Martin na siyang tumarak sa dibdib ni Melvin.


Hindi nakaligtas kay Martin ang biglaang pangingilid ng luha ni Melvin, walang duda na nasaktan niya ang damdamin nito pero nais niya lang naman talagang i-pamukha dito na delikado si Ryan. Nais niya lang na magising na ito sa katotohanan.


Look, Melvin. I'm just looking out for you---” simula ni Martin, gusto sana niyang humingi na ng tawad kay Melvin tungkol sa mga sinabi niya.


Nagbago na siya. Tumigil na siya sa paggamit.”


Agad-agad?!” sarkastikong tanong ni Martin na ikinailing na lang ni Melvin.


You can come with me if you like. You can actually meet him and get to actually know him at para matahimik ka na din diyan sa kakaisip mong sinasadya niyang manakit ng tao at isa siyang addict.” hamon ni Melvin sa kaniyang kapatid.


Saglit na natigilan si Martin. Iniisip niya kung maganda ba itong ideya pero nang ituon niya ang kaniyang tingin sa mga mata ni Melvin ay hindi niya mapigilang mapansin ang pagmamakaawa nito.


0000oo0000


Tila isang napakaganit na pindutan ang tunog ng pindutan ng door bell nila Ryan para sa tenga ni Dan. Tila isang napakalaking gong ang tunog ng door bell na iyon nang sa wakas ay umalingawngaw ito sa buong bahay ni Ryan upang makuwa ang pansin nito na may tao sa front door at tila isang turnilyo na ikinakaskas sa isang black board ang tunog ng pagpihit ng door knob ng front door nila Ryan para sa pandinig ni Dan. Bawat maliit na detalye ay tila isang napakalaking bagay para sa kaniya, bawat maliit na detalye ay nakakapag-pabilis ng tibok ng kaniyang puso.

At unti-unti na ngang bumukas ang pinto at tumambad sa kaniya ang mukha ni Ryan.

Ang maamong mukha na akala niya noon ay kaniyang matututunang mahalin.

Ang maamong mukha na luminlang sa kaniya.

Ang maamong mukha na muntik ng pumatay sa kaniya.


Pagkabukas na pagkabukas ng pinto ay tila binalot ng galit ang buong pagkatao ni Mike. Nasa harapan niya ngayon ang taong nanakit sa kaniyang Dan, ang taong lumason sa kaniyang isip kaya't nagawa niyang iwan noon si Dan at ang huli sa lahat, ang taong muntik nang pumatay at muntik ng ilayo sa kaniya habang buhay si Dan.


Nakita niya kung pano naubos ang kulay sa mukha nito at dahan dahang nawala ang ngiti na kanina lang ay nakaplaster sa maamong mukha nito nang makita niya kung sino ang nasa harapan niya ngayon.


D-Dan?” ang unang salitang naibulalas nito saka nangilid ang mga luha.


Akma nitong yayakapin si Dan nang pigilan ito ng huli sa pamamagitan ng paghaharang ng kamay nito sa pagitan nilang dalawa. Saglit natigilan si Ryan pero pilit na bumawi.


I-I've been worried sick, Dan---” pabulong na saad nito, halatang halata ang pango-ngonsensya sa sarili.


Good.” singhal ni Dan na sa totoo lang ay gumulat kila Mike at Ryan.


Sa kanilang pagkakakilala kay Dan ay hindi ito ang tipo ng tao na mananakit sa pamamagitan ng masasakit na salita. Kitang kita ni Ryan ang galit sa mga mata ni Dan, hindi niya mapigilang malungkot na siya na ngayon ang dahilan ng nakikita niyang mga sakit at galit sa magagandang mata na iyon na dati-rati ay nakasentro kay Mike.


Totoo, nagkabaligtad na sila ngayon ng sitwasyon ni Mike at hindi niya alam kung paano niya hahalughugin ang kaniyang isip sa pagalala ng mga bagay kung san siya nagkamali.


I've been looking for you---” simula ulit ni Ryan, tinangkang mag-hugas kamay na ikinakulo lalo ng dugo ni Dan.


Cut the crap, Ryan.” singhal ulit ni Dan bilang sabi na hindi na niya hahayaan pang madala siya sa mga kasinungalingan ng huli. Natameme si Ryan habang si Mike naman ay hindi mapigilan ang sarili na humanga sa ipinapakitang tapang ni Dan.


I need my things. Lahat ng binigay mo, iiwan ko. Kailangan ko lang yung mga mahahalaga kong dokumento.” saad ni Dan sabay nilagpasan ang nasasaktang si Ryan upang makapasok sa loob ng bahay.


Natigilan saglit si Dan nang makapasok siya. Maayos ang buong bahay, marami naring nagbago dito, wala na ang mga babasaging mga bagay sa mga estante, halatang may naglilinis para kay Ryan. Sa ilang taong pinagsamahan nila ay ni isang beses ay hindi nakita ni Dan na humawak ng walis si Ryan.


Matapos maisip na wala naman na siyang pakielam kung sino man ang ginagawang katulong ngayon ni Ryan ay tuloy-tuloy na siyang naglakad patungo sa dati nilang kwarto ni Ryan. Ang kwarto kung saan siya hayagang binaboy ni Ryan, ang kwarto kung saan muntikan na siyang mapatay nito. Nang buksan niya ang pinto ay hindi niya muli napigilan ang mangunti, malinis na ito katulad ng kabuuan ng bahay.


Pumasok siya at binuksan ang aparador kung saan andun ang kaniyang mga damit at mahahalagang gamit, ngunit natigilan muli siya nang makita niyang hindi niya mga damit ang nandon. Pabalagbag niyang isinara ang aparador at iginala ang kaniyang mga mata sa kabuuan ng kwarto at nakita niya ang isang kahon sa may sulok.


Nilapitan niya ito at hindi siya nagkamali sa iniisip na kaniyang mga gamit ito. Tinignan niya ang mga mahahalang dokumento tulad ng kaniyang mga birth certificate at mga diploma at nang makitang kumpleto ito ay agad-agad niyang kinuwa ito, iniisip na mas mabilis na makaalis sila doon sa lugar na iyon ay mas maganda.


Wait, please.” saad ni Ryan atsaka ihinarang ang sarili sa pagitan ni Dan at ng pinto palabas.


Natigilan si Dan at inaaming natakot siya sa biglaang pagharang sa kaniya ni Ryan pero nang makita niyang andun lang sa likod ni Ryan si Mike at aktong hihilahin na nito si Ryan palayo sa kaniya ay agad niya itong pinigilan.


Enough---” malamig na saad ni Dan.


Ikinahon mo na ang mga gamit ko, senyales iyon na handa mo ng kalimutan ang lahat--- which is fine by me. Yun ang gusto kong mangyari, Ryan. Naglolokohan lang tayo.” malamig na saad ni Dan sabay binangga ang balikat ni Ryan upang makalampas siya dito pero agad na hinablot ni Ryan ang braso niya upang pigilan ito na makalayo. Muntik pang mabitawan ni Dan ang kahon na puno ng kaniyang mga gamit pero buti na lang at nandun si Mike upang pigilan ito sa pagbagsak.


Nagsalubong ang tingin ni Mike at Ryan. Kitang kita ni Ryan ang galit at pagbabanta sa mga mata ni Mike na agad naman niyang hindi pinansin at binawi ang pagkakahawak niya mula sa mga braso ni Dan.


I thought you're not coming back!” agad na depensa ni Ryan kay Dan, pilit na ipinapaintindi dito na hindi niya ginustong ikahon ang mga gamit ng huli.


I didn't come here to be your slave slash punching bag again, Ryan. I came here to make you realize what you've lost. I came back here to make you feel at least a fraction of pain you made me feel before. I came back here to hurt you as much as I can. I came back here to make you see how much of a monster you are!” tuloy tuloy na saad ni Dan, bawat salita ay palakas ng palakas ang kaniyang boses.


I didn't m-meant to---”


What?! You didn't mean to do all those things to me?! What?! Still can't accept the fact that you pushed me to pretend I'm OK with you for so long--- just waiting for you to notice I'm just pretending?”


I'm not perfect, Dan! I admit it! I made horrible decisions! I made mistakes! Damn it, Dan. Si Mike din naman ah, he made mistakes, sinaktan ka rin naman niya, but still you gave him another chance, bakit ako hindi mo mapagbigyan, Dan?! Ilang beses ka niya sinaktan na ako lang ang nasa likod mo at inaasahan?!” panunumbat ni Ryan kay Dan na hindi man lang naapektuhan.


Because giving him those second chances was worth it, Ryan and please don't fucking tell me that I didn't give you your second chances. Ilang beses ko siya binigay sayo, it's just that you were too drugged or drunk to know.” balik ni Dan na muling nakapagpatameme kay Ryan.


Muli siyang tinalikuran ni Dan at naglakad na papalapit kay Mike nang muli itong lumingon at humarap sa kaniya.


I never asked for someone perfect, Ryan. I asked for someone worth it.”


Tila muli may isang pako na ibinaon sa puso ni Ryan nang marinig niya ito mula sa bibig ni Dan. Bawat lakad nito papalayo sa kaniya ay tila isang suntok sa kaniyang sikmura, nagsasabi na totoo lahat ng nangyayari, na opisyal ng wala na sa kaniya ang tao na sana'y inalagaan niya, ang taong unang nagpahalaga sa kaniya.


Isang tao na alam niyang dapat niyang hingan ng tawad.


Bagay na siyang magpapakalma sa kaniyang kunsensya.


Bagay na magtutulak sa kaniya na mabuhay muli ng marangal.


Bagay na magiging sangkap sa kaniyang pagbabago.


Bago pa sumara ang pinto sa likod nila Dan at Mike ay mabilis na niyang hinabol ang mga ito at bago pa man makalapit ang mga ito sa sasakyan ni Mike ay agad muling hinablot ni Ryan si Dan at niyakap ito ng mahigpit dahilan upang mabitawan ni Dan ang kahon na karga-karga niya.


J-just say you forgive me. P-please.” simula ni Ryan na siya naring umiiyak.


I-I can't. Not right now.” pagmamatigas ni Dan saka itinulak papalayo si Ryan pero mahigpit talaga ang pagkakayakap ng huli.


Let him go.” malamig na saad ni Mike matapos hawakan ng mahigpit sa balikat ni Ryan bilang babala na magkakagulo kung hindi gagawin ni Ryan ang pinaguutos nito.


Don't touch me!” singhal ni Ryan kay Mike sabay hawi ng kamay ni Mike sa kaniyang balikat at tumingin kay Dan, walang duda na binabalot na ito ngayong ng galit na hindi naman nakaligtas kay Dan na siya namang agad na binalot ng takot.


Ang mga galit na iyon ang siya niyang nakikita sa tuwing pagsasamantalahan siya at pagbubugbugin siya ni Ryan. Wala sa sarili siyang nagpupumiglas mula dito na siya namang ikinatumba niya sa may bangketa, agad na tumakbo sa tabi ni Dan si Mike at tinulungan itong tumayo ngunit tila ba mas gusto pa nito ang nakaupo sa sahig kaya naman kahit gaano ka lakas ni Mike ay hindi ito nakatulong.


What? I'm still not good enough for you?!” puno ng sakit na sigaw ni Ryan kay Dan na ipinikit na lang ang kaniyang mga mata sa sobrang takot.


Napakasimple ng hinihingi ko sayo---!” sigaw muli ni Ryan.


Stop it! You're fucking scaring him!” sigaw ni Mike habang pinipilit parin si Dan na makatayo mula sa pagkakasalampak nito sa bangketa.


Samantalang si Mike kahit gano ka niya nasaktan pinatawad mo siya agad?!” sigaw muli ni Ryan.


I said enough!” sigaw ni Mike pero nagpatuloy lang si Ryan sa panunumbat, bagay na siyang naging problema ni Dan noon kaya't hindi niya ito maiwan iwan at hindi ito nakaligtas kay Mike kaya naman pilit niyang isinalubong ang kaniyang tingin sa tingin ni Dan.


Don't listen to him, Dan. He's just emotionally black mailing you again to forgive him.” saad ni Mike na lalong ikinainis ni Ryan at ikinagising naman ni Dan sa katotohanan.


Ako yung nasa tabi mo nung natatakot ka nung biglang sumulpot yang tarandaong yan sa school noon---” simula muli ni Ryan, sinubukan ni Mike na kuntrolin ang mga nangyayari pero hindi niya magagawa iyon habang patuloy parin sa panunumbat si Ryan.


I said, enough!” sigaw ulit ni Mike pero nagmamatigas talaga si Ryan kaya naman nang makita ni Mike na muling manunumbat si Ryan ay agad na siyang tumayo at sinuntok ito ng malakas sa panga na ikinatumba at ikinaupo rin ni Ryan sa bangketa.


Sabi ko sayo tama na!” sigaw naman ni Mike sabay talikod kay Ryan upang tulungan si Dan na tumayo para makaalis na sila sa lugar na iyon.


Kaya hindi niya nakita si Ryan na agad nakatayo, huli na upang umiwas si Mike sa mga pinaplano ni Ryan. Pilit siya nitong pinaharap sa kaniya at sinikmuraan, ang mga tagpong ito ang siyang nagbigay ng lakas kay Dan upang tumayo at pumagitna sa dalawa.


Masyado kang pakielamero!” singhal ni Ryan nang pareho na silang makabawi at susugod na sana muli kay Ryan.


Tama na!” sigaw ni Dan dahil maski si Mike ay hindi na pinansin ang kaniyang pamamagitna sa pagitan nilang dalawa ni Ryan at sumugod muli.


Binalot na ng takot ang buong pagkatao ni Dan habang patuloy parin siya sa pagaawat sa dalawa mula sa pagsusuntukan.


0000oo0000


Tahimik lang ang dalawa habang nasa sasakyan papunta sa bahay ni Ryan. Si Melvin habang iniisip kung pano niya mapapatunayan na nagbago na si Ryan at si Martin naman habang nagiisip ng paraan kung pano mailalayo ang kapatid mula kay Ryan dahil sa takot na muli itong bumalik sa pagiging adik at mawala na ito ng tuluyan sa kaniya.


J-just give him a chance to show how much he changed.” pagmamakaawa ni Melvin na ikinakuha ng pansin ni Martin.


You really love him that much?” wala sa sariling tanong ni Martin sa kapatid.


Yes. I'm willing to go against all odds for him, Martin.” buong paninindigan na saad ni Melvin pero ang paninindigan na iyon ay nabalot ng takot ng maabutan nila ni Martin sila Mike at Ryan na nagbubugbugan sa may kalsada habang pinagigitnaan ni Dan na halatang takot na takot sa mga nangyayari.


Mabilis na ipinarada ni Martin ang patrol na kaniyang minamaneho at mabilis na lumabas mula dito at tumulong sa pagaawat sa dalawa ngunit sadyang pursigido ang mga ito na saktan ang isa't isa. Katulad ni Dan ay takot na takot din si Melvin sapagkat nakikita niyang napupuruhan na si Ryan.


Napatingin siya sa isang bagay na akala niya'y makakatulong sa sitwasyon na iyon at wala sa sarili niya itong hinugot mula sa sinturon ng kaniyang kapatid.


Nagulat na lang si Martin nang maramdaman niyang may humugot sa kaniyang baril. Lumingon siya at nakita niyang hawak hawak ito ng kaniyang kapatid at itinutok ito kay Mike na noon ay pinagsususuntok parin si Ryan.

Sinubukan ni Martin na agawin ang baril mula kay Melvin pero huli na ang lahat.


Umalingawngaw na ang malakas na putok ng baril sa buong paligid.


Isang katawan ang bumagsak muli sa maduming kalsada.


Matapos ang tunog ng pagbagsak ng katawan na iyon sa kalsada ay ito sinundan ng nakabibinging katahimikan.


Itutuloy...



Against All Odds 2[57]
by: Migs

Comments

  1. Tulad po ng sinabi ko. Malapit na po itong matapos. Last chapter na po ang susunod dito and then epilogue na. :-)

    I have made a dummy account (as much as I detest doing one), napilitan ako eh. I have to get the attention of those who post my stories sa wall nila and then claim it as their own. Nakakinis kasi matapos mong paghirapan, sila ang magcre-credit. Halos di na nga ako matulog makapag-post lang tapos siya naman kokopyahin niya lang.

    Kwento ni Gwapong Gago is one.

    I'm not a blog genius at hindi ko alam ang sinasabi niyong pagla-lock. :-(

    please add me and support my fight against these plagiarizer. Here's the link.

    https://www.facebook.com/miguel.salvador.1232?fref=ts


    Nais ko lang pong linawin na ang kwento pong “SKYBAND” ay akda po ng isa sa aking pinakamalapit na kaibigan na si Ezekiel o ang may pakana ng blog na 'to http://zildjianstories.blogspot.com/

    Ating po siyang suportahan! :-)

    ENJOY READING GUYS!

    Muli inaanyayahan ko po kayo na bumisita sa mga site na ito. Hindi po kayo magsisisi.
    http://imbipositive.blogspot.com/

    www.darkkenstories.blogspot.com

    http://icemicestories.blogspot.com/

    http://zildjianstories.blogspot.com/

    BACK TO BACK TO BACK chapters po ito! :-)

    Kerry Von Chan: kinilig ka? Haha!

    Lyron Batara: masalimuot talaga? Haha!

    Therese Llama: oo nga! Hindi ko nga natanadaan na three years na ang blog ko. huhu! Thanks sa pagka-count sa blog ko as part of your life! :-)

    Poging Cord: AAO 3 malalaman mo kung sino siya.

    Dhenxo: miss you too! Thanks!

    Pink 5ive: Thanks! :-)

    marc: thanks!

    Jasper Paulito: thank you more! :-)

    Marven Cursat: Thanks! :-)

    ANDY: yun talaga ang iniisip mo? Haha!

    robert_mendoza: sila na nga! :-) hihi!

    Anonymous September 1, 2013 at 8:07 PM: Meron pa pong mga next stories. Wag ka magalala. :-) Please leave your name next time po para mapasalamatan kita ng maayos. :-)

    Anonymous September 1, 2013 at 8:08 PM: happy ending agad? Haha! Thanks! Please leave your name next time po para mapasalamatan kita ng maayos. :-)

    Anonymous September 1, 2013 at 8:08 PM: Di na po maitutuloy ang chasing pavements for some personal reasons po. Sorry. Please do leave your name after your comment next time para po mapasalamatan kita ng maayos.

    Anonymous September 1, 2013 at 8:09 PM: Thanks! Kaso pano mo masusubaybayan yung next story ko? Anyway, please leave your name after your comment next time para mapasalamatan kita ng maayos. Salamat!

    IVAN D.: ayan, tinapos ko na para hindi ka na mabitin! Haha! Thanks!

    Randzmesia: sure ka ba na para sakin talaga ang comment na yan? Haha! Thanks anyways!

    Gavi: thanks! :-)

    racs: haha! Exag! Will make your years ba talaga? Ahahaha!

    Christian Jayson Agero: di po siya makukulong. Malalaman niyo po sa AAO 4 kung ano mangyayari sa kaniya. Hihi!

    Johnny Quest: Inalis ko muna si Bryan for some reason. Hihi! Nung binasa ko kasi ulit medyo hindi naging consistent kaya nabura yung scene na nandun siya. Hihi! Sorry.

    Vince Reyes: thanks! Tumigil na ata siya sa pagpopost eh. Hihi.

    John Paul Afalla: Yes I'm a nurse. Flamboyancy? I don't think that's the word to describe my tagalog. I'm not a Filipino major, it's just that I don't believe TAGLISH will be appreciated that much by the readers. Thanks!

    Ryge Stan: San ka ba kasi pumunta?

    WaydeeJanYokio: Thanks! :-)

    Anonymous September 15, 2013 at 3:20 PM: thanks! :-)


    MARAMING SALAMAT ULIT SA PATULOY NA PAGSUPORTA AT SA NAGUUMAPAW NA COMMENTS! MORE PLEASE! ENDORSE THIS BLOG SA FRIENDS NIYO DIN AH! :-) I'm targeting to gain more followers! Salamat! :-)

    ReplyDelete
  2. Thank you talaga sa update kuya migs!! sulit na sulit!!!

    ReplyDelete
  3. huh! may magsasakripisyo pa ule, nkakalungkot aman .

    ReplyDelete
  4. wooah mukhang may mamatay ah. pero I hope noone does.

    have a great day and keep it up

    ReplyDelete
  5. yung buong akala q namatay c dan...heheheh
    it was a nice and perfect ending author migs...

    ^_^ christian ^_^

    ReplyDelete

Post a Comment

Popular posts from this blog

Against All Odds 2[38]

The Rebound

Different Similarities 2[16&epilogue]