Against All Odds 2[56] BACK TO BACK TO BACK

DISCLAIMER: The following is a work of fiction. Any similarities to any written works and any person, living or dead are purely coincidental. The story is intended for a mature audience. It may contain profanity and references to gay sex. If this offends you, please leave and find something more suitable to read. The author maintains all rights to the story. Do not copy or use without written permission. Email the author at miguisalvador@yahoo.com for comments, suggestions and violent reactions in pertaining to this blog and the stories that comes along with it.


Maaliwalas na ang mukha ni Dan, sa pakiwari ni Mike ay mukha itong bumata ng ilang taon imbis na madagdagan ng isa pang taon ang edad nito matapos ang kaarawan, muli ng bumalik ang ugali nitong palangiti at palabati sa kung sino man ang makasalubong, wala naring makikitang bakas ng sakit o kaya naman pagsisisi sa mukha nito at tila ba sa tuwing gigising ito kada umaga ay nadadagdagan ang dahilan nito upang mabuhay.

Mga bagay na hindi nakaligtas kay Mike. Bagay na lalo niyang ikinatuwa. Para kay Mike ay muli ng ibinalik sa kaniya ang kaniyang matalik na kaibigan matapos ang mahabang panahon na pagkawala nito.


Good morning!” bati ni Mike kay Dan na lalo namang lumaki ang ngiti sa mukha, muli ng ibinalik ni Dan ang kaniyang pansin sa kaniyang niluluto matapos marahang tumango bilang sagot sa pagbati sa kaniya ni Mike ng magandang umaga.


Dahan-dahang lumapit si Mike sa kinatatayuan ni Dan at tumigil sa likod nito upang tignan sana ang niluluto nito pero mas nakuwa ng makinis na balat sa batok ni Dan ang pansin ni Mike, mas nakuwa ng mabango at tila ba bagong paligo na amoy ni Dan ang kaniyang pansin kesa sa mabangong amoy ng niluluto nito.


Hindi napigilan ni Mike ang sarili at aktong iyayakap na sana niya mula sa likod ni Dan ang kaniyang mga kamay nang makita niyang mag-tense ang buong katawan ni Dan. Hindi niya napigilang mapabuntong hininga at muling ibaba ang kaniyang mga kamay sa kaniyang tagiliran. Handa ng kalimutan ang kagustuhang yakapin ito at nagsisimula ng madismaya si Mike.


Hindi naman ito nakaligtas kay Dan. Nagtense ang kaniyang buong katawan dahil nabigla siya sa gustong gawin ni Mike na pagyakap at hindi dahil natatakot parin siya dito katulad ng mga nauna niyang reaksyon dito ilang taon nang magkita muli sila matapos ang gabing iyon.


Hanggang ngayon kasi ay hindi parin siya makapaniwala na mahal din siya ni Mike, mahal din siya ng taong kaniyang minahal sa loob ng ilang taon matapos ang mga nangyari noon sa pagitan nilang dalawa. Hindi siya makapaniwala na mas higit na sila ngayon sa pagiging magkaibigan, na hindi lamang yakap ng pagkakaibigan ang gagawin sanang yakap na iyon sa kaniya ni Mike.


Bagay na alam niyang dapat na niyang sanayin ngayon lalo pa't alam niyang ito na talaga ang kaniyang ikaliligaya.


Ito talaga ang kaniyang gusto.


Inabot niya ang pihitan ng kalan at pinatay niya ito at mabilis na humarap kay Mike na ikinagulat naman ng huli. Nagsalubong ang tingin ng dalawa, hindi mapigilang maramdaman ni Dan ang kirot na dala ng nakita niyang pagkadismaya sa mukha ni Mike kaya naman wala sa sarili niyang inilapit ang sarili at marahan itong hinalikan sa labi.


Mabilis lang ang halik na iyon kaya naman nang maghiwalay ulit ang kanilang mga labi at muling magtama ang kanilang mga mata ay agad na namula ang mga pisngi ni Dan at agad namang nabura ang pagkadismaya sa mukha ni Mike at napalitan iyon ng gulat at pagkamangha.


G-good morning.” pabulong at nauutal na bulalas ni Dan sabay talikod mula kay Mike at natatarantang ipinagpatuloy ang pagluluto na sinisiguro ni Mike na mali ang pagkakasunod sunod ng pagsalang ng sahog.


Nang makabawi sa pagkagulat si Mike ay unti-unting bumakas sa kaniyang mukha ang isang malaking ngiti at huli na nang mamula pa ang kaniyang mga pisngi. Muli ay ihiniwalay niya sa kaniyang tagiliran ang kaniyang mga naglalakihang braso at sa wakas ay ibinalot na niya ng kaniyang malalaking braso ang katawan ni Dan habang abala parin ito sa pagluluto, agad ding tumigil at kumalma mula sa pagiging aligaga nang maramdaman niya ang mga braso ni Mike sa kaniyang katawan.


Muli, napabuntong hininga si Dan at isinandal na lang ang sarili sa matipunong dibdib ni Mike. Alam niyang iyon ang tama. Iyon ang kaniyang gusto. Iyon ang gusto nila. Dahan dahang ipinikit ni Dan ang kaniyang mga mata at ninamnam ang masarap na pagsandal niya sa katawan ni Mike.


Thank you.” bulong ni Mike.


For what?” balik pabulong na tanong ni Dan.


For the kiss--- our first kiss.”


Biglang bumilis ang pagtibok ng puso ni Dan.


Halos kasabay ng mabilis na pagtibok din ng puso ni Mike na kaniyang nararamdaman dahil sa paglapat ng kaniyang likuran sa dibdib ni Mike.


0000oo0000


Habang magkatapat na kumakain ng agahan ay masaya ring nagkukuwentuhan ang dalawa at sa tuwing mapapatigil sa pagsasalita ay palihim na susulyap sa bawat isa.


Isang dahilan para sa dalawa upang lalong patagalin at tila ba sulitin ang oras na iyon na magkasama.


So where do you want to go? I'm on leave, baka gusto mong mamasyal, baka masyado ka ng nababagot dito---” umpisa ni Mike na humihirit at tila ba nagpaparinig ng unang date nila ni Dan.


Ermmm--- staying here is good. Maybe you need to rest. Masyado ka ng napapako dyan sa trabaho mo.” wala sa sariling sagot ni Dan na abala sa pagtitinidor ng kaniyang pancake, hindi nakuwa ang nais iparating ni Mike na wala naman sa sariling napairap dahil sa mahinang pick-up ni Dan.


I'm well rested naman. I think what I need is fresh air. Alam mo yun, masyado na akong naka-kulong sa office or dito sa bahay, gusto ko namang mamasyal.” pagpupumilit ni Mike, umaasa na nakuwa na ni Dan ang kaniyang nais sabihin.


We can hang out at the veranda if you want---” simula ulit ni Dan, hindi parin nito nakukuwa ang ibig ipahiwatig ni Mike dahil abala parin ito sa pagkain ng pancakes.


GEESSHH Danny!” singhal ni Mike sabay tapik ng kaniyang noo gamit ang sariling palad.


What?” agad na tanong ni Dan na sa pagkakataong ito ay inialis na ang kaniyang tingin sa kaniyang plato.


I was asking you out for a date!” natatawang balik ni Mike.


Huh--- oh wait---” simula ni Dan at matapos ang ilang segundo ay nakuwa nadin niya ang nais sabihin ni Mike.


Muling namula ang mga pisngi ni Dan habang si Mike naman ay pinipigilan ang sarili sa paghagikgik.


Ano, nagets mo na?” sarkastiko at natatawang balik ni Mike na lalong ikinapula ng mukha ni Dan. “---geesh, Dan. You're still dense sometimes.” humahagikgik na pagtatapos ni Mike sa sinasabi.


Shut up or I will not go out on a date with you anymore.” pagbabanta ni Dan na ikinailing na lang ni Mike.


0000oo0000


So where do you want to go?” tanong ni Mike matapos nilang makalayo na sa apartment.


I thought you already figured this one out kanina, after all, it was you who asked.” balik ni Dan na ikinatameme saglit ni Mike.


How about the mall?”


Too crowded.”


The park?”


There's no park around here that's free of drug addicts and hold up-ers.” taas kilay na paghahamon ni Dan kay Mike tutal ito naman ang nakaisip ng ideya na mag-date sila. Ikinairita ng konti ni Mike at ikinataas ng nararamdamang pressure sa sarili ang sagot na ito ni Dan dahil ito ang una nilang pagde-date ni Dan at nais niya itong maging perpekto para sa kanilang dalawa.


Ito ang mga bagay na tumatakbo sa isip ni Mike nang makaisip siya ng isang magandang ideya kung saan nila magandang gawin ang unang date nilang iyon.


Oh, bakit mo inikot yung sasakyan? San tayo pupunta?” nagtatakang tanong ni Dan kay Mike matapos mabilis na inikot ng huli ang sasakyan at ngayon ay sa kabilang direksyon na sila papunta.


Relax ka lang dyan.” nangingising saad ni Mike kay Dan.


0000oo0000


Amusement park? Sa amusement park mo ako dadalhin for our first date?” nakangisi at nangiinis na saad ni Dan kay Mike nang iparada ng huli ang sasakyan sa harapan ng malaking amusement park na iyon.


Agad na namula ang pisngi ni Mike dahil sa sobrang hiya. Hindi mapigilang isipin kung gano siya kapalpak. Iniwas na niya ang kaniyang mukha mula sa mapanuri at nangiinis na tingin ni Dan na hindi nakaligtas sa huli.


Hindi naman talaga mahalaga kay Dan kung san man siya dalhin ni Mike basta't kasama niya ito. Iyon lang ang mahalaga sa kaniya, iniinis niya lamang ito at ngayong nakita na niya itong mairita at ngayon ay mahiya ay wala sa sarili niyang inabot ang kamay nito at pinisil ng mahigpit.


Space shuttle?” nangingiting tanong ni Dan kay Mike na agad na nagliwanag ang mukha at hinawi ang kamay ni Dan.


You were just playing me?” taas kilay na tanong ni Mike kay Dan na humahagikgik lang sa tabi matapos maisip na niloloko lang siya ni Dan.


It was nice seeing you struggle sometimes. Yung tipong nabubura yung confidence sa pagkatao mo.” nangaalaska ulit na balik ni Dan kay Mike.


Oh--- you are so going to regret that.” banta ni Mike kay Dan na agad na hinubad ang seat belt at bubuksan na sana ang pinto upang makalayo sa mapagbantang tingin na iyon ni Mike nang pindutin ni Mike ang automatic lock ng sasakyan.


Inabot ni Mike ang tagiliran ni Dan at sinimulan na itong kilitiin na ikinapalag naman ni Dan. Napuno ng tawanan ang buong sasakyan at nang tumigil na si Mike sa pangingiliti at nang mamatay na ang tawa na namumula sa bibig ni Dan ay wala sa sariling nagtama ang tingin ng dalawa at nagtitigan.


You should loosen up, Mikee. You don't always have to impress me, going out on a date with you will always be special kahit pa sa bangketa lang tayo kumain, umupo sa sahig o nasa bahay lang tayo at nanonood ng TV, it will always be special to me.” nakangiti at pabulong na saad ni Dan kay Mike na hindi mapigilan ang sarili na mapatango habang ina-absorb ang sinasabi ni Dan.


Everyday with you is special to me, Mikee.” pahabol ni Dan saka isinalubong ang labi sa labi ni Mike.


Saglit lang nagdampi ang mga labi ng dalawa pero tila ba may kuryente na dumaloy sa buong katawan nila pareho at pinabilis ng kuryenteng iyon ang tibok ng puso ng dalawa.


I love you, Danny.” bulong ni Mike na ikinatahimik lalo ni Dan.


How about that space shuttle?” tanong ni Dan kay Mike na nakapagpailing na lang sa huli.


Alam ni Mike na matatagalan pa bago tuluyang masabi ni Dan sa kaniya ang tunay nitong nararamdaman, tanging ang pag-amin lang nito noong nakaraang gabi ang panghahawakan ni Mike pero para dito ay sapat na iyon.


Pwedeng sa carrousel muna?” tanong ni Mike na nakapagpahagikgik kay Dan.


0000oo0000


Let's do it again!” masayang saad ni Mike sa nahihilo at nasusukang si Dan sa kaniyang tabi matapos nilang sumakay sa roller coaster na iyon.


I-I t-think I'm going to pass.” nauutal na saad ni Dan na ikinakuwa ng pansin ni Mike, agad itong inakbayan ng huli para sana alalayan pero agad na umiwas si Dan dahil sa hiya na makita sila ng maraming tao at pagisipan ng masama si Mike.


Madaming tao, Mike.” pabulong na saad ni Dan na ikinalingon ni Mike sa paligid.


Nakita ni Mike na may ilang mga babae na nakangiting nakatingin sa kanila at ilang mga halatang bading na nagbubulungan at ilang kalalakihan na tila ba magsisimula ng maghiyawan pero walang pakielam sa mga ito si Mike, alam niya na kaya lamang siya hinawi ni Dan ay dahil gusto siya nitong proteksyunan at natatakot ito na muli niya itong layuan sa oras na muling mapahiya at hindi dahil ikinahihiya siya nito.


Pero para kay Mike ay tapos na siya dito. Handa na siya para ipaglaban si Dan, kaya naman nagulat na lang si Dan nang muli niyang naramdaman ang pagakbay sa kaniya ni Mike at lalo pa itong humigpit. Isinalubong niya ang tingin niya dito.


I've waited for this for so long, I'm not going to waste this chance being this close to you again just because people don't understand, just because they judge, just because they laugh at us. I love you and no one will change that.” mariin na saad ni Mike na tila naman nakapagpalambot sa mga tuhod ni Dan.


Thank you.” bulong ni Dan sabay pakawala ng isang malungkot na ngiti.


You're welcome--- so another ride at the space shuttle?” tanong ni Mike kay Dan na umiling na lang.


0000oo0000


Hey, OK ka lang? Masyado ka atang natahimik?” nagaalalang tanong ni Mike kay Dan habang inihahanda niya ang sasakyan bago sila bumiyahe pauwi.


I hate that this day have to end.” pahina ng pahina na saad ni Dan tila ba nahiya sa kaniyang wala sa sariling pagamin na ikinalaki ng ngiti ni Mike.


We're going to do this again. Everyday pa if you like.” saad ni Mike sabay pisil sa kamay ni Dan bago paandarin ang sasakyan.


Wala sa sariling napangiti si Dan. Alam niyang gagawin na ni Mike lahat ng pangako niya at iyon na talaga ang simula ng kasiyahan nilang dalawa pero sa hindi malaman na dahilan ni Dan ay tila ba may ilang bagay pa siyang kailangang i-resolba upang masabi niyang tuluyan na siyang sasaya.


Matagal niyang inisip kung ano ang mga bagay na iyon na kailangan niya pang resolbahin nang mapatapat lang sila sa isang gusali saka niya napagtanto kung ano ano ang mga bagay na iyon.


Dan?” tawag pansin ni Mike kay Dan nang mapansin niyang nakatingin lang ito sa labas ng bintana matapos magbuntong hininga.


Sa labas ng bintana ay isang ospital. Sa labas ng emergency room ay ilang tao na may benda sa ulo at katawan, mga bagay na nakapagpaalala kay Dan ng isang tao na naglagay sa kaniya sa ganoong pusisyon noon at ang ospital ding iyon at ang mga duktor na nakikita niyang nagkakape sa labas nito ay nakapagpapaalala naman sa kaniyang propesyon na naiwan niya.


I miss being a doctor. I miss being me. I miss having a life.” wala sa sariling saad ni Dan.


Hindi nagtagal ay nakaramdam siya ng isang marahang pagpisil sa kaniyang balikat.


Mikee?”


Hmmm?”


Can you take me to Ryan's?”


Muntik ng makabig ni Mike ang manibela sa narinig nito mula sa bibig ni Dan.


No.” mariing saad ni Mike na ikinalungkot lalo ni Dan.


Alam kasi ni Mike na walang idudulot na mabuti ang pagpunta nila kila Ryan.


Mikee, please. I need this.” pagpupumilit ni Dan.


No. He's dangerous, Dan.” pagpapaintindi ni Mike kay Dan sa kaniyang kinakatakutan.


I need to do this.”


Fine. But I will not leave you alone with him.” saad ni Mike na ikinatango na lang ni Dan upang matapos na ang diskusyunan nilang iyon at upang makuwa na niya ang pinakaaasam-asam niyang kaligayahan.


0000oo0000


Mamamalengke lang ako ng makakain natin, Ry.” paalam ni Melvin sa kagigising lang na si Ryan.


Ilang linggo ng malaya si Ryan sa ipinagbabawal na droga at sa mapaminsalang alak, mahirap ito para kay Ryan dahil paulit-ulit paring bumabalik sa kaniya ang sakit at mga pinagsisisihang bagay na kaniyang nagawa pero kinakaya niya ito dahil narin sa pakiusap sa kaniya ni Melvin, dahil narin sa gusto na niyang mai-ayos ang kaniyang buhay.


Narinig niyang sumara ang front door at bumangon na siya mula sa kama, katulad ng nakasanayan noon bago siya muling gumamit ng droga ay nagehersisyo siya, unti unti ng bumabalik ang kaniyang lakas at kuntrol sa sariing katawan na kaniyang ikinatuwa, matapos noon ay iniligpit na niya ang kaniyang tinulugan at lumabas na ng kwarto at tumuloy na sa banyo.


Pagharap niya sa salamin ay kaniyang nakita ang unti-unti ng umaaliwalas na mukha. Nawala na ang maitim na bag sa ilalam ng kaniyang mga mata, muli nang umaliwalas ang kaniyang mukha matapos ahitin ni Melvin ang kumakapal na niyang balbas at bigote, muli naring pumupula ang kaniyang mga labi matapos niyang tigilan ang paninigarilyo.


Matapos maghilamos at magsipilyo ay lumabas na siya sa may kusina upang maghanda ng agahan nila ni Melvin pero hindi pa man niya nabubuksan ang ref ay narinig na niya ang pagtunog ng door bell. Agad siyang umunta sa may front door at binuksan ito.


At ang akala niyang tuloy tuloy na niyang pagbawi mula sa higpit ng nakaraan ay tila ba isang bulang nawala.


D-Dan?”

Itutuloy...

Against All Odds 2[56]
by: Migs

Comments

  1. Tulad po ng sinabi ko. Malapit na po itong matapos. Last chapter na po ang susunod dito and then epilogue na. :-)

    I have made a dummy account (as much as I detest doing one), napilitan ako eh. I have to get the attention of those who post my stories sa wall nila and then claim it as their own. Nakakinis kasi matapos mong paghirapan, sila ang magcre-credit. Halos di na nga ako matulog makapag-post lang tapos siya naman kokopyahin niya lang.

    Kwento ni Gwapong Gago is one.

    I'm not a blog genius at hindi ko alam ang sinasabi niyong pagla-lock. :-(

    please add me and support my fight against these plagiarizer. Here's the link.

    https://www.facebook.com/miguel.salvador.1232?fref=ts


    Nais ko lang pong linawin na ang kwento pong “SKYBAND” ay akda po ng isa sa aking pinakamalapit na kaibigan na si Ezekiel o ang may pakana ng blog na 'to http://zildjianstories.blogspot.com/

    Ating po siyang suportahan! :-)

    ENJOY READING GUYS!

    Muli inaanyayahan ko po kayo na bumisita sa mga site na ito. Hindi po kayo magsisisi.
    http://imbipositive.blogspot.com/

    www.darkkenstories.blogspot.com

    http://icemicestories.blogspot.com/

    http://zildjianstories.blogspot.com/

    BACK TO BACK TO BACK chapters po ito! :-)

    Kerry Von Chan: kinilig ka? Haha!

    Lyron Batara: masalimuot talaga? Haha!

    Therese Llama: oo nga! Hindi ko nga natanadaan na three years na ang blog ko. huhu! Thanks sa pagka-count sa blog ko as part of your life! :-)

    Poging Cord: AAO 3 malalaman mo kung sino siya.

    Dhenxo: miss you too! Thanks!

    Pink 5ive: Thanks! :-)

    marc: thanks!

    Jasper Paulito: thank you more! :-)

    Marven Cursat: Thanks! :-)

    ANDY: yun talaga ang iniisip mo? Haha!

    robert_mendoza: sila na nga! :-) hihi!

    Anonymous September 1, 2013 at 8:07 PM: Meron pa pong mga next stories. Wag ka magalala. :-) Please leave your name next time po para mapasalamatan kita ng maayos. :-)

    Anonymous September 1, 2013 at 8:08 PM: happy ending agad? Haha! Thanks! Please leave your name next time po para mapasalamatan kita ng maayos. :-)

    Anonymous September 1, 2013 at 8:08 PM: Di na po maitutuloy ang chasing pavements for some personal reasons po. Sorry. Please do leave your name after your comment next time para po mapasalamatan kita ng maayos.

    Anonymous September 1, 2013 at 8:09 PM: Thanks! Kaso pano mo masusubaybayan yung next story ko? Anyway, please leave your name after your comment next time para mapasalamatan kita ng maayos. Salamat!

    IVAN D.: ayan, tinapos ko na para hindi ka na mabitin! Haha! Thanks!

    Randzmesia: sure ka ba na para sakin talaga ang comment na yan? Haha! Thanks anyways!

    Gavi: thanks! :-)

    racs: haha! Exag! Will make your years ba talaga? Ahahaha!

    Christian Jayson Agero: di po siya makukulong. Malalaman niyo po sa AAO 4 kung ano mangyayari sa kaniya. Hihi!

    Johnny Quest: Inalis ko muna si Bryan for some reason. Hihi! Nung binasa ko kasi ulit medyo hindi naging consistent kaya nabura yung scene na nandun siya. Hihi! Sorry.

    Vince Reyes: thanks! Tumigil na ata siya sa pagpopost eh. Hihi.

    John Paul Afalla: Yes I'm a nurse. Flamboyancy? I don't think that's the word to describe my tagalog. I'm not a Filipino major, it's just that I don't believe TAGLISH will be appreciated that much by the readers. Thanks!

    Ryge Stan: San ka ba kasi pumunta?

    WaydeeJanYokio: Thanks! :-)

    Anonymous September 15, 2013 at 3:20 PM: thanks! :-)


    MARAMING SALAMAT ULIT SA PATULOY NA PAGSUPORTA AT SA NAGUUMAPAW NA COMMENTS! MORE PLEASE! ENDORSE THIS BLOG SA FRIENDS NIYO DIN AH! :-) I'm targeting to gain more followers! Salamat! :-)

    ReplyDelete
  2. I LOVE IT!! sulit!!! kilig!!!!!!

    ReplyDelete
  3. wow! nice, nice. sana magtuloy tuloy na maging sila. ha migs. tnx!

    ReplyDelete
  4. Hi migz your asking where did I go??? Hehehe Well I went for a humanitarian and medical mission somewhere sa north can't tell the details eh sorry. We stayed there for almost a month.

    Nice malapit na pala tong magend I'm wondering what would be the next story.

    ReplyDelete

Post a Comment

Popular posts from this blog

Against All Odds 2[38]

The Rebound

Different Similarities 2[16&epilogue]