Against All Odds 2[49]

DISCLAIMER: The following is a work of fiction. Any similarities to any written works and any person, living or dead are purely coincidental. The story is intended for a mature audience. It may contain profanity and references to gay sex. If this offends you, please leave and find something more suitable to read. The author maintains all rights to the story. Do not copy or use without written permission. Email the author at miguisalvador@yahoo.com for comments, suggestions and violent reactions in pertaining to this blog and the stories that comes along with it.

Nagkasya na lamang si Mike na tignan ang dahan-dahang pagbaba ng kabaong na kinalalagyan ng wala ng buhay na katawan ni Lily sa lupa. Ayaw na niyang magkagulo pa kaya naman siya na ang umiwas kay Ryan. Alam niyang sa oras na lumapit siya dito at kay Dan o maski sa kinatatayuan ng mga ito ay muli nanaman silang magkakasagutan, muling magkakaggulo, walang pakielam sa naeeskandalong tao sa paligid na ang tanging hangad ay magbigay ng kanilang huling respeto kay Lily.

Alam din niya at nararamdaman niyang naghihinagpis ngayon si Dan at naiinis siya at hindi man lang niya ito malapitan o mayakap ng mahigpit upang iparating ang kaniyang suporta dito. Naduduwag siya, naduduwag siya hindi kay Ryan kundi sa maaaring maging reaksyon ni Dan. Ang huli nitong reaksyon at sinabi sa kaniya ay talaga namang nakasakit sa kaniya ng husto.


Hindi na niya mai-alis ang tingin sa kabaong na dahan-dahang ibinababa sa lupa at sa pagiisip ng malalim kaya naman hindi niya napansin ang mariin at nagtatakang tingin na ibinabato sa kaniya ngayon ni Dan.


Abala siya sa pag-iisip tungkol sa huling pangako na kaniyang binitawan kay Lily. Ang pangakong nagsasabi na hindi niya pababayaan si Dan, na aalagan niya ito, na babantayan niya ito at hindi niya ito hahayaan na masaktan pa.


Iniisip niya kung pano nanamang hindi niya natupad ang pangakong iyon.


I'm sorry, tita.” bulong ni Mike sa sarili sakay iniwas ang tingin sa tumalikod at naglakad na pauwi.


Bagay na hindi niya alam ay pagsisisihan niya buong buhay niya.


000ooo000


Bakit ayaw niyang lumapit?” naguguluhang tanong ni Dan sa sarili habang nagtatakang nakatingin kay Mike na nakatayo sa ilalim ng malaking puno na may kalayuan din mula sa kanila.


Huh?” tanong ni Ryan na buong suporta na nakatayo kay Dan.


N-nothing.” palusot ni Dan saka saglit na tumingin kay Ryan saka ibinalik ang tingin kay Mike pero laking pagkadismaya niya nang wala na ito sa dating kinatatayuan.


Bakit ka nanaman tumatakbo palayo, Mike? Kailangan kita ngayon.” malungkot na tanong ni Dan sa sarili, natatandaan kung pano ito lumayo at tumakbo mula sa kaniya noong mga panahon kung kailan muli silang nagkakapalagayan ng loob nung nasa kolehiyo pa lang sila.


Nadagdagan ang bigat ng loob na dulot ng permanente ng pagkawala ng kaniyang ina sa kaniyang piling.


Dan, your mother is being lowered to the ground for gawdsakes!” singhal ni Ryan kay Dan nang mahuli niya itong nakatingin sa malayo, taliwas sa kabaong ng ina na ibinababa na sa lupa.


I'm aware of that, Ryan.” singhal pabalik ni Dan. Walang alam na habang buhay niyang pagsisisihan ang pagsagot niyang iyon sa huli.


Tila naman dinagukan si Ryan sa pasinghal at pabalang na sagot na iyon ni Dan sa kaniya kaya naman biglang uminit ang kaniyang ulo, bagay na madalas ng nangyayari ngayon sa kaniya at nangako sa sarili na paguusapan nila ni Dan mamya ang mga ganung bagay. Bagay na nagpapabawas ng kaniyang respeto sa sarili. Nagpapabawas sa kaniyang pagkalalaki.


Muling ibinalik ni Dan ang kaniyang tingin sa kinatatayuan ni Mike kani-kanina lang at lalo siyang nalungkot nang hindi niya ito nakita doon. Lilingon pa sana siya sa pagaakalang lumipat lang ng puwesto si Mike o kaya naman ay papalapit na sa kanila mula sa ibang direksyon nang biglang pwersahang iniharap ni Ryan ang kaniyang ulo paharap.


What the hell?!” singhal ni Dan sabay lingon sa magkabilang panig upang makita kung may ibang taong nakakita sa ginawang iyon ni Ryan.


You won't look at your mother so I made you look.” mayabang na sagot ni Ryan na tila ba ang kaniyang ginawa ang isa sa pinakatama niyang ginawa sa kaniyang buong buhay.


Wala na lang nagawa si Dan kundi ang magtaka sa ikinikilos ni Ryan.


After 2 Years

Maliban sa napakadami niyang pasa at sugat sa katawan dahil sa pambubugbog na kaniyang natamo sa taong dapat sana ay nagtatanggol sa kaniya ay hindi parin tumitigil ang pagdudugo ng kaniyang puwitan. Muli, ginamit nanaman siya ng taong kaniyang inaasahan na hindi mananakit sa kaniya bilang isang bagay na walang halaga at hindi dapat mahalin.


Tumutulo ang kaniyang mga luha habang nililinisan ang kaniyang buong katawan sa mga natuyong dugo at dumi ng sahig na kaniyang hinigaan magdamag habang pinapaniwala ang kaniyang sarili na may problema lang ang taong iyon kaya ito nagawa sa kaniya. Na mahal siya nito at hindi matatapos ang araw na iyon ng hindi sila magkaka-ayos katulad ng ilang beses na nilang pag-aaway.


Alam niya at naniniwala siya na hindi na iyon mauulit kahit na iyon ang paulit-ulit nitong sinasabi sa kaniya sa tuwing mahihimasmasan ito at aaluhin siya.


Pero kahit anong pilit niyang pagpapaniwala sa kaniyang sarili ay hindi niyon mababago ang katotohanang patuloy parin ang kaniyang pagdudugo at alam niyang maaari niyang ikapahamak iyon.


Dahan-dahan siyang nagbihis, dahan dahan upang hindi na madagdagan pa ang sakit ng kaniyang katawan. Lumabas siya ng banyo at naabutan niyang nakahiga sa sala ang taong gumawa nito sa kaniya. Tahimik niyang tinawid ang kwarto at kinuwa sa kaniyang bag ang isang lumang unit ng telepono.


Telepono na may ilang taon na niyang nilo-load-an kahit pa hindi naman niya ito ginagamit.


Mabilis iyang lumabas ng front door. Pinaplano niyang pumunta sa ospital at makabalik agad bago pa makahalata ang kaniyang kinakasama na siya ay nawawala.


Malapit na sana siya sa ospital nang makaramdam siya ng panghihina. Wala sa sarili siyang napaupo sa isang bench sa parkeng iyon na nasa tapat ng ospital na dapat sana ay kaniyang pupuntahan dahil nararamdaman niyang mahihilo naman siya.


000ooo000


Chief. May lalaki daw na nakasandal sa isang bench sa may park diyan sa kanto. Sugatan daw po, puntahan lang namin.” paalam ng bagitong pulis kay Martin, dahil wala din naman siyang ginagawa at nakatunganga lang naman siya sa kaniyang lamesa ay napagpasiyahan niyang sumama sa mga bagito.


May kaniya-kaniyang haka-haka ang mga bagitong pulis na ikinaiiling at ikinaiismid na lang ni Martin. Iniisip kung panong ganun din siya nung siya ang bagitong pulis kagaya ng mga ito. Di siya magkamayaw sa kaka-ngiti hindi makapaniwala na parang kailan lang ay siya ang excited na excited na maka-hawak ng kaso.


Pero ang ngiting iyon ay agad na nabura sa mukha ni Martin nang makita niya ang lalaking sinasabi ng kasama niyang mga bagitong pulis. Bumilis ang pagtibok ng kaniyang puso at miya mo siya nataranta. Mabilis niyang nilagpasan ang dalawang bagitong pulis upang makalapit agad sa lalaking iyon na matagal na niyang hindi nakikita.


Nang makalapit si Martin sa lalaking tinutukoy ng dalawang bagitong pulis ay hindi niya mapigilan ang sarili na maawa sa lagay nito. Hindi niya mapigilan ang sarili na magalit at hindi niya mapigilang tanungin ang sarili kung bakit hinahayaan ng taong ito na mangyari ito sa kaniya.


Dan.”


000ooo000

Mike, yung phone mo!” singhal ng babaeng katabi ni Mike sa kaniyang magarbong kama.

Hindi sana papansinin ni Mike ang nakakairitang babae sa kaniyang tabi. Babae ang tawag niya dito dahil hindi man lang niya alam ang pangalan nito. Oo, nakatalik niya ito pero hanggang doon na lang iyon dahil para sa kaniya kahit hindi niya maamin sa sarili niya na ang babaeng iyon ay isa lamang instrumento para sa kaniya.


Instrumento upang makalimutan si Dan.


Instrumento upang makalimutan niya ang salitang kaniyang binitiwan kay Lily bago ito mamatay.


Sa tuwing may pagkakataon o kaya naman ay kung wala siyang kaso na kailangang pag-aralan ay madalas lumabas si Mike. Naghahanap ng makakasama sa gabi para kahit papano ay mabalanse ang lungkot na kaniyang nararamdaman. Upang mawala sa kaniyang isip si Dan at ang sama ng kaniyang loob sa kinakasama nito ngayon.


Putangina!” singhal naman ni Mike sabay abot sa kaniyang telepono. Hindi lang kasi dahil sa naiirita siya sa kaniyang katabing babae na walang ginawa kundi ang dumaldal sa kaniyang likod kaya siya napamura, napamura din siya dahil ibayong sakit ng ulo ang kaniya ngayong nararamdaman at ang pang-iistorbo ng taong tumatawag sa kaniya ngayon.


Sapo-sapo ang ulo ay inabot ni Mike ang switch ng ilaw at binuksan ang lampshade sa tabi ng kaniyang kama at iritang-irita na binasa ang pangalan ng tumatawag sa kaniya.


Agad na naisang-tabi ang sakit ng kaniyang ulo. Agad na nalusaw ang kaniyang pagka-irita kahit pa ginigising niya parin ng husto ang kaniyang sarili kung tama ba ang pangalan ng taong tumatawag sa kaniya na nagfla-flash sa screen niya o iyon ay panaginip lang lahat.


H-hello.” nauutal na sagot ni Mike.


000ooo000


You know your way out.” walang emosyong saad ni Mike matapos niyang gisingin ang babaeng nakahiga parin sa kaniyang kama at matapos niyang i-abot ang damit nito dito.


Hindi pa nakuwa ng kagigising lang na babae ang ibig ipahiwatig ni Mike kaya naman saglit niya pa itong tinitigan at nang makuwa na niya ang ibig sabihin ng ginawang iyon ni Mike ay hindi niya mapigilan ang sarili na masaktan, hindi niya napigilan ang sarili na mandiri sa sarili, manliit at magalit.


Asshole.” saad ng babae, wala siyang pakielam kung narinig man ni Mike ang kaniyang sinabi. Nais niya talaga itong marinig ng huli.


Tila naman walang narinig si Mike dahil nagmamadali parin siyang umalis ng kaniyang bahay. Paulit-ulit na sumusulyap sa kaniyang telepono, tinitignan kung nagtext o tumatawag ba ulit sa kaniya si Dan.


Hindi niya talaga pinalitan ang number niyang iyon at laking pasalamat niyang hindi niya pa nga itinapon ang sim card na iyon dahil kung hindi ay baka hindi siya na-contact ni Dan at kung ano na ang nangyari dito.


Hindi niya pinalitan ang number na iyon sa pag-asang balang araw ay tatawagan siya ni Dan at makikiusap na ilayo na niya ito sa piling ni Ryan. Na sabihin nitong nagkamali siya ng pinili. Na siya ang mahal nito.


Pero hindi niya inaasahan na sa oras nga na dumating ang pagkakataon na iyon ay umiiyak at nanghihinang Dan ang kaniyang makakausap. Nagmamakaawa na sunduin siya. Nagsasabi na hindi na niya kaya pa. Na kailangan na niyang magpadala sa ospital.


Dan.” nagaalalang biglang nabanggit ni Mike habang mabilis siyang nagmamaneho papunta sa lugar kung saan sinabi ni Dan na andun siya.


000ooo000


Hindi na alam ni Dan kung gano na niya katagal tinititigan ang kaniyang telepono. Katatapos niya lang tawagan si Mike. Hindi parin nagbabago ang epekto ng boses nito sa kaniyang pandinig at pagkatao, tila musika parin ito sa kaniyang tenga at tila isa parin itong gamot na pampakalma sa kaniyang damdamin. Hindi rin nakaligtas ang himig ng pagaalala sa boses nito habang humihingi siya ng tulong dito. Bagay na hindi niya inaasahan matapos ng ilang taon nilang hindi pagkikita.


Dan.” saad ng isang lalaki na ikinatawag ng pansin ni Dan.


Dahan-dahang tumingala si Dan. Agad siyang kinabahan ng makita niyang isang pulis ang tumawag ng kaniyang pansin at sinusundan pa ng dalawang mas batang pulis pero tila ba may nagpakalma sa kaniya nang makita niya ng maayos ang mukha ng naunang pulis. Kilala niya ito.


Dan, naaalala mo pa ba ako? Si Martin 'to. Anong nangyari?” sunod sunod na tanong ni Martin sabay luhod sa harapan nito.


Nang magpantay ang tingin ng dalawa ay hindi mapigilan ni Martin ang mapangiwi. Andaming gasgas at namumuong pasa ni Dan sa mukha at nang mapadako ang kaniyang mga mata sa mga braso nito ay hindi rin nakaligtas sa kaniya ang mga pasa at sugat doon.


Dan---” simula ulit ni Martin sabay abot sa kamay nito na agad namang iniwas ng huli.


Nakilala ni Dan ang pulis na nasa kaniya ngayong harapan. Gustong gusto niya itong bigyan ng isang matipid na ngiti ngunit may naramdaman siyang panghahapdi sa kaniyang pisngi. Nahihiya rin siya dito dahil alam niyang nakikita nito ang mga pasa sa kaniyang buong katawan at nang subukan nitong abutin ang kaniyang mga kamay ay hindi niya napigilang matakot. Takot na saktan din siya nito katulad ni Ryan.


Nang i-iwas niya ang kaniyang kamay dito ay hindi rin nakaligtas sa kaniya ang lungkot sa mga mata nito. Lungkot at awa.


Who did this to you, Dan? Please tell me.” pagmamakaawa ni Martin.


Ibubuka na sana ni Dan ang kaniyang bibig upang sumagot nang maalala niya na pulis na nga pala si Martin at hindi na basta yung batang lalaki na tinutulungan niyang tumayo sa hallway sa tuwing pinagtriripan ito. Alam niyang sa oras na sabihin niyang si Ryan ang gumawa nito sa kaniya ay ipapahuli ito ni Martin. Bagay na ayaw niyang mangyari dahil...


Mahal ako ni Ryan. Nabigla lang siya kanina. Lasing. Sigurado ko na hindi na niya ito uulitin.” pagpapaalala ni Dan sa kaniyang sarili.


Pagpapaalala niya na malaki ang kaniyang utang na loob kay Ryan.


Chief. May tumutulong dugo.” bulong ng isa sa mga bagitong pulis kay Martin na agad namang tinignan ng huli.


Agad na tinignan ni Martin ang itinuturo ng kaniyang kasamang batang pulis. Tila hinigop ang kaniyang lakas sa kaniyang nakita. Agad siyang namutla at agad din siyang kinabahan. Agad siyang tumayo at inutusan ang isa sa mga bagitong pulis na i-lapit ang kanilang sasakyan upang madala na si Dan sa ospital. Sa nakikita din kasing dugo ni Martin sa ilalim ng bench na kinauupuan ni Dan ay madami-dami ng dugo ang nawala dito.


Hindi nakaligtas ang inutos na ito ni Martin sa kaniyang tao.


No.” mahina pero mariin na saad ni Dan na ikinakuwa ng atensyon ni Martin at ng bagitong pulis na inutusan nito.


Dan, you're bleeding. Kailangan ka naming dalin sa ospital. Namumutla ka na at hindi natin alam kung gano ng karaming dugo ang nawala sayo---” pagapapaliwanag ni Martin kay Dan.


Hindi pwede. Parating na siya. Sabi niya darating siya.” nanghihina pero mariin paring pagpupumilit ni Dan.


Dan---” simula ulit ni Martin pero hindi niya ito muli natapos.


DAN!”


Sabay na lumingon si Dan at Martin sa pinanggalingan ng sigaw na iyon.


000ooo000


Nagbigay daan na lang si Martin sa lalaking dumating. Sa sobrang pagaalala ay tila ba kinapos sa paghuhusga si Martin. Agad na pumasok sa kaniyang isip na itong lalaking ito ang nananakit sa kaniyang kaibigang si Dan. Pwersahan na sana niyang papaharapin ang lalaking kararating lang upang imbitahan sa presinto para sa ilang pagtatanong nang magsalita si Dan na ikinatigil at ikinakalma ni Martin.


Kitang kita ni Martin kung pano kumalma ang buong katawan ni Dan. Kitang kita niya kung pano nawala ang takot sa mga mata ni Dan.


We have to bring you to the hospital.” nagaalala na saad ni Mike na ikinabalik ng pagkatense ng buong katawan ni Dan.


Please, Mike. I can't. He'll know--- Please, Mike.” pagmamakaawa ni Dan.


Natigilan si Mike. Kitang kita niya ang purong takot na muling lumatay sa mapayat na ngayong mukha ni Dan. Kitang kita niya kung panong nanginig ang ngayong payat na katawan na nito. Sinubukan niya itong abutin upang aluhin sa pamamagitan ng pagdampi ng isang mapagsuportang kamay dito pero mabilis itong iniwasan ni Dan na talaga namang nakapagpalungkot kay Mike.

Dan, anong ginawa niya sayo?” malungkot at nanghihinang tanong ni Mike, hindi mapigilan ang pangingilid ng luha.

Natigilan si Martin sa binanggit na pangalan ni Dan at kung pano ito kausapin ng huli. Muntik na niyang hulihin at pasakitan ang lalaking iyon sa pagaakalang ito ang nanakit kay Dan. Maayos itong kinakausap ni Dan, walang takot katulad ng ipinapakita ng mga asawa o kalaguyong nabubugbog na nakikita niya sa loob ng kanilang presinto.

Tanging pag-iling na lang ang nagawa ni Dan na siyang ikinabuntong hininga ni Mike. Pilit na pinipigilan ang luha sa pagtulo mula sa kaniyang mga mata. Dahil ayaw din namang sagutin ni Dan ang tanong ni Mike ay inilipat na lang ng huli ang kaniyang pansin sa patuloy parin sa pagdudugo ng pwet ni Dan.


Dan we need to go the hospital.” saad ni Mike na lalong ikinatakot ni Dan.


Kung ang hindi pagsagot ni Dan kanina ay nakuwa pang hindi ipilit ni Mike, ang pagdudugo naman na iyon ni Dan ay hindi kayang palagpasin ni Mike. Mabilis na inabot ng magkabilang kamay ni Mike ang mukha ni Dan at marahan na iniharap sa kaniya. Nagsalubong ang tingin ng dalawa. Si Dan puno ng takot, lungkot at sakit si Mike naman ay puno ng pagaalala at lungkot ang mga tingin na ibinabato kay Dan na hindi rin naman nakaligtas sa huli.


No p-please, M-mike--- No---” pagmamakaawa parin ni Dan pero agad siyang natigilan nang makita niya ang hayagan naring pag-iyak ni Mike.

Hindi na napigilan pa ni Mike ang kaniyang mga luha.

Dan, please.” saad ni Mike sa pagitan ng kaniyang paghikbi na ikinatunaw ng resolba ni Dan na ang tangi na lang nagawa ay ang tumango upang bigay sabi na pumapayag na siya na dalhin siya sa ospital.

Itutuloy...

Against All Odds 2[49]
by: Migs

Comments

  1. Hey guys! Sensya na sa mahabang hindi pag-update. Alam niyo na ang dahilan.

    Nais ko lang pong linawin na ang kwento pong “SKYBAND” ay akda po ng isa sa aking pinakamalapit na kaibigan na si Ezekiel o ang may pakana ng blog na 'to http://zildjianstories.blogspot.com/

    Ating po siyang suportahan! :-)

    ENJOY READING GUYS!

    Muli inaanyayahan ko po kayo na bumisita sa mga site na ito. Hindi po kayo magsisisi.
    http://imbipositive.blogspot.com/

    www.darkkenstories.blogspot.com

    http://icemicestories.blogspot.com/

    http://zildjianstories.blogspot.com/

    BACK TO BACK chapters po ito! :-)

    Pink 5ive: sorry sa bitin na chapter last time. Bawi ako this time. :-)

    Therese: Ahahaha! OK na iyon di kasi ako bayolenteng tao kaya di ko na idinetalye pa ang pagkamatay niya. ;-)

    KV: thanks at nakukuwa niyo parin magkaroon ng interes sa mga nauna kong gawa! :-)

    russ: medyo mahaba pa naman mga limag chapters pa. :-)

    Anonymous July 15, 2013 at 2:47 PM: sir, iwan ka po ng pangalan sa susunod na pagcomment mo at paki follow narin po ang blog ko para mapasalamatan kita ng maayos! :-)

    Gerald: akala ko nagsawa ka na eh. Tagal mong hindi nag-comment ah. :-)

    Marko Antonio: Salamat! Parang ngayon lang kta nakita dito. Pa-follow na lang. Salamat! :-)

    Lawfer: sorry sa pagkabitin. Bawi ako dito sa back to back ko.

    Anonymous July 16, 2013 at 1:43 AM: Tol, paiwan na lang ng pangalan next time para mapasalamatan kita ng maayos! :-)

    Chet Capua: Thanks and I'm sure ma-a-appreciate din ni Zekie ang pagbabasa mo sa blog niya! :-)

    Lyron Batara: parang every chapter naman ata may climax. Hehe!

    AR: OK Lang yan. Ganyan talaga ang pag-ibig! :-)

    Johnny Quest: oh bakit ka umiiyak?

    Ryge Stan: OK lang ako din busy. Congrats sa bagong work!

    ANDY: Ayan, back to back chapters! :-)

    -Gelo_08: sorry talaga, busy eh. :-(

    ryan: Thanks! Eto po ang back to back para sainyo.

    -madman_00032: thanks. Uy bago! Pa-follow na lang po sir! Thanks ulit! :-)

    Christian Jayson Agero: si Melvin ang may story. :-)

    robert_mendoza: thanks you! Akala ko nga nagde-deteriorate ang quality ng sulat ko eh. Ahahaha!

    -mhei: sige mhei, sayo na lang si Ryan. Bubugbugin karin niya. Hehe!

    Frostking: na-torture na sya in other ways. :-)

    foxriver: very well said. :-)

    keantoot: kaw eh, tagal mong nag-gala sa ibang blog eh. :-)

    MARAMING SALAMAT ULIT SA PATULOY NA PAGSUPORTA AT SA NAGUUMAPAW NA COMMENTS! MORE PLEASE! ENDORSE THIS BLOG SA FRIENDS NIYO DIN AH! :-) I'm targeting to gain more followers! Salamat! :-)

    ReplyDelete
  2. Kakainis yang gagung ryan na yan akala ko pa naman magiging mabuti na sia kay dan tas ganyan yung ginawa nia at si dan naman hinayaan niang mangyari sakanya yan kawawa na tuloy sia.huhu kakainis dpat isave na talaga sia ni mike nagbago na si ryan di na sia tukad ng dati.huhu kakainis talaga.sana naman maging ok na lahat nawalan na nga sia ng nanay tas ganyan pa nangyayaring paghihirap sa kanya

    -Marc

    ReplyDelete
  3. sobra namang pagirl itong si Dan.... Doctor siya d ba? Nasaan na ang utak niya?

    ReplyDelete
  4. Oh boy! Bakit ganito?
    Masochist na ba si dan at pumapayag na paulit ulit syang nagugulpi ni ryan o talagang tanga na sya?
    Sana hindi na sya iwan ni mike..
    Thanks sa back to back migs..

    ReplyDelete
  5. again migs grabe di mo naman ako pinahinga sa back to back chapters mo..gusto ko kasi lahat absorb na absorb..

    iba ka migs..u made me feel na nasa eksena talaga ako at nakatingin sa eksena..

    huhays galing..

    ReplyDelete
  6. Hi Migs. oo naman. worth basahin ng paulit ulit mga previous works mo. IT still made me laugh, and cry.oh yeah by the way I made a blog too and you're one of the few who gave me the inspiration. Thank you so much!

    KV

    ReplyDelete
  7. One word: BRAVO! Ang galing mo talaga Migs! Napaiyak mo nanaman ako at face towel na ang ginagamit ko pangpunas pwera echos. Habang binabaaa ko 'to para talaga akong nanonood ng teleserye. Grabe talaga 'tong dalawang chapter na ginawa mo. Hanggang sa susunod na update mo, we'll be patiently waiting. Ang galing mo talaga... Sobra!

    ReplyDelete
  8. By the way, yung isang friend ko sa office sobrang hook na hook na sa pagbabasa ng blog mo. Hindi na nya kami kinakausap. Hahaha!

    ReplyDelete
  9. bat ganun parang di na basta utang na loob tong ginagawa ni dan...at as usual si mike wala paring bayag konting problema lng nilaglag nanaman si dan sana naman PANINDIGAN niya naman si dan kahit alam kong mahirap para sa kanya..simula palang di ko na gusto si ryan..sana wag mamatay si ryan gusto ko ng isang matagal na masalimoot at mahirap para sa kanya...i bet pinagloloko parin nyan ni ryan si dan at kung kanikanino nakikipaglandian tapos pag uwi gagahasain naman si dan...at danny please naman wake up na it about time to dump that shit..enough is enough na nuh dapat nga iniwan mo na kagad yang si ryan nung una ka pa lang n pinagsamantalahan


    well oo nga migs mabait ka kasi kaya sige ok na sakin pagkamatay ni mark btw migs naging magkaibigan parin ba kau ni jp or talgang wala na??wala lang di lang kasi matahik ung kaluluwa ko. hihihi...ingat ka palagi jan

    therese llama

    ReplyDelete
  10. gus2 ko po mamatay c DAN, tapos pag sisihan ni ryan ang kanyang ginawang pag iwan sa kanyang kaibigan/Mahal,..


    bakit ganun ung flow ng story about kay ryan?? parang subrang sama nia nman dito? dba mahal nia nman c danny.. GALIT KA ATA KAY RYAN NOH' JEJEJEJEJE



    BET KO PA NMAN RYAN-DANNY.. HUHUHUHUHUHU


    ayaw ko kay mike kc mahina ang loob nia at walang xiang paninindigan!!


    Kilan kaya ung next chapter.. after 15 na nman ba???? :(

    ReplyDelete
  11. Ang walang katapusang pagaantayan ng dalawa... sinayang nila ang maraming panahon.. parehas na nila sinisira ang buhay nila sa mga maling desisyon at paniniwala... ayaw nilang magpakatotoo...

    May twist ka pa bang ilalagay?
    hehehehe

    ReplyDelete
    Replies
    1. Sa tuwing binabasa ko itong story na ito, ilang araw ang epekto sa akin, laging nasa isip ko. Grabe talaga impact nito nadadala ko kahit sa trabaho...

      Delete
  12. The coward and the stupid!!!


    Galing nainis ako ng sobra. :((((

    ReplyDelete
  13. Happy ending please... sobrang lungkot na nito... mamamatay sa depression ang mga readers mo migs, cge ka..... hahahha....

    ReplyDelete
  14. sana kahit every week lang may update na wag ung every 15 parang sweldo lang haha demanding. Syempre ganda ng story. Tsaka para di mawala ung momemtum ng emotion .

    - Poging Cord

    ReplyDelete
  15. sana kahit every week lang may update na wag ung every 15 parang sweldo lang haha demanding. Syempre ganda ng story. Tsaka para di mawala ung momemtum ng emotion .

    - Poging Cord

    ReplyDelete
  16. WHEN WILL DAN WAKE UP?! I don't see the point of his misery. I hate to hate him, but I am starting to, but my love for him is stopping me to hate him.

    ReplyDelete
  17. sna mamatay c Dan, he's an idiot!


    one is enough two is too much!!!


    nadepressed ako..


    ReplyDelete
  18. Eh shunga pala tong si Dan eh! Magtataka kung bkt ayaw lumapit ni mike eh pinagtabuyan banaman.

    Parang psycho at obsses na si ryan ky dan! Gawd!! Nakakatakot na sya!!

    ~WaydeeJanYokio

    ReplyDelete
  19. Ang sakit sa puso. May kurot talaga. Pero ang sarap basahin. Thank you for another wonderful chapter Migs.
    -icy-

    ReplyDelete
  20. Holy crap anung nangyari kay Dan baket siya pumayag ng gawain sa kanya un ni Ryan my goodness parang ibinalik lang niya ang sugat na naghilom na. This is what I'm thinking of dahil sa pride at maling akala look what had happened. Grabe ang sakit sa pakiramdam.

    Masakit yung saktan ka physically pero walang kasing sakit ang saktan ka ng taong inakalang mong magproprotekta at magaalaga sayo.

    ReplyDelete
  21. “Like you, I raped him.”


    “I never thought I will enjoy doing that to him---” pagpapatuloy ni Ryan.


    “He's so tight. Actually his asshole feels like it's getting tighter every time I'm forcing myself into him---”


    “His screams are like music to my ears---”


    “His every struggle excites me---”



    “I actually should be thanking you. You're my inspiration.” pagtatapos ni Ryan sabay halakhak.


    I HATE THIS LINE... LAKAS MAKA-P*RN
    anung nangyare kay dan, bakit may dugo something?

    -JOSHUA

    ReplyDelete
  22. akala ko matalino na sya at ayaw nya ng mapagdaanan ule ung nkaraan, DOCTOR PA AMAN SYA! KATANGAHAN , UN ANG NKIKITA KO SA KANYA. PARANG EWAN, NO MORE COMMENTS! HE HE HE

    ReplyDelete
  23. i so love it..but i hate it..

    grabe RYAN!!! i was rooting for you, you were supposed to love dan and change all his doubts about you.. but no, instead, you became a monster just like the rapists..no wait, you're worse than them.. arrgghh

    i hate it..the story is finding it's way to make the reader hate ryan.. T_T but syempre..against all odds to ehh..para kay mikee and danny...why don't you guys just kiss and make up..and i'll be here in the corner of my room crying for what ryan has become now..where is his twin brother by the way?? i need him to marry me..hahahahah joke lang..

    ReplyDelete
  24. sobra na si ryan! kawawa nman si dan ang tanga nya kasi!!! aarrgh!

    mike naman tuparin mo promise mo kay lily.

    asan na po twin brother ni ryan??

    hindi na ako mkpg hintay para mbasa ang next!!! kuya migs hook na hook ako!!

    ReplyDelete
  25. Grabe!!! Ganun na ba talaga umibig ang mga matatalino na gaya ni Dan? Parang ayoko ng umibig (hahaha! Feeling lang!). Nakakainis lang si Dan.

    Hmm..nasan na yung twin brother ni Ryan? Diba may pending rape case si Ryan? Anong balita dun? Sana makulong siya dahil dun sa tulong narin ni Dan.

    And I just hope happy ending si Mike at Dan, against all odds ika nga!

    Btw, apology accepted sir Migs. Pero wala na ba talagang ibibilis ang pag-update? hehehe..peace! take care always;)

    Gelo_08

    ReplyDelete
  26. Hey there miggyboy,


    I guess you cant remember me anymore... Boboy Tuliao here... An avid fan of yours... But that's not the reason why I made this post...

    Just want to inform you that there is a certain page in Facebook where all your previous stories are posted. Here's the URL: https://www.facebook.com/kwentonigwaponggago69


    Is the admin of this page is also you? Or does he have a permission to post your stories?


    I am just concern.


    Thank you miggy boy... napakagaling mo pa ding manunulat...


    More power...

    ReplyDelete
  27. Masukista. Gago. Tanga.
    Nakakairita na si Dan at Mike.

    How many more years til they become mature? How many years til they realize that they love each other. For Pete's sake Migs.

    ReplyDelete
  28. ang bobo ni dan. nakakainis ang kabobohan.

    pakamatay nalang say sa katangahan nya.

    2years na nirarape, di man lang umalis.

    -lance

    ReplyDelete
  29. nyways migs, kudos. making people react this way is just a proof how good you are. :) keep writing and keep the emotions flowing in the comments.

    -lance

    ReplyDelete
  30. cno na nga c martin..??? nalimutan ko na, its been 2years na kc.. lol

    ReplyDelete

Post a Comment

Popular posts from this blog

Against All Odds 2[38]

The Rebound

Different Similarities 2[16&epilogue]