Tuesday, July 30, 2013

Against All Odds 2[48]

DISCLAIMER: The following is a work of fiction. Any similarities to any written works and any person, living or dead are purely coincidental. The story is intended for a mature audience. It may contain profanity and references to gay sex. If this offends you, please leave and find something more suitable to read. The author maintains all rights to the story. Do not copy or use without written permission. Email the author at miguisalvador@yahoo.com for comments, suggestions and violent reactions in pertaining to this blog and the stories that comes along with it.



Malakas parin ang ulan nang dumating si Dan at Dave sa lumang bahay nila Lily pero hindi nun napigilan si Dan na mabilis na bumaba ng kotse ni Dave pero agad ding natigilan nang nasa harapan na siya ng kanilang front door, nagalangan, hindi niya alam kung ano ang kaniyang aabutan sa oras na buksan niya ang front door na iyon. Asa ganito siyang pag-iisip nang biglang bumukas ang front door at bumulaga sa kaniyang harapan ang lumuluhang si Mike.


Danny.” malungkot na tawag ni Mike kay Dan sabay yakap ng mahigpit dito.

000ooo000


Hindi mapigilan ni Lily ang maluha. Alam niyang oras na. Oras na upang bitawan niya ang lahat. Alam niyang oras na upang magpahinga pero hindi parin non mapipipigilan ang katotohanang nalulungkot siya, nalulungkot sapagkat alam niyang meron siyang ilang tao na nagmamahal sa kaniya na kaniya ngayon ng iiwan.


Lily.” tawag pansin ni Brenda sa kaniyang kaibigan sabay bigay dito ng isang malungkot na ngiti. Kitang kita niya ang hirap ng kaniyang kaibigan sa paghinga.


Hey.” malungkot at kinakapos hiningang balik ni Lily.


I-I'm sorry---” simula ni Brenda pero agad siyang pinutol ni Lily sa pagsasalita.


None of that matters right now. I-I w-want you to p-promise me something though---” saad ni Lily sabay hawak sa kamay ni Brenda na sinuklian naman ng mahigpit ding pagkapit ng huli.


I-I want you to look after my Danny.”


Habang sinasabi ito ni Lily ay mariin din niyang tinitignan si Brenda upang makita niya ang sinseridad nito habang sumasagot.


Ina sa ina.


Babae sa babae.


Tapat na sinagot ng isang sinserong “Oo” at isang marrin na pagtango ni Brenda ang kaniyang kaibigan. Sa sagot na ito ni Brenda tila ba isang napakalaking kabawasan ito sa paghihirap ni Lily kaya naman hindi niya ito napigilang sagutin ng isang nanghihina pero totoong ngiti.


T-thank you.”


Sa ganitong tagpo na-abutan ni Dan ang kaniyang ina at si Brenda at lahat ng nagmamahal dito. Humahangos pa siya dahil sa pagtakbo mula sa kanilang terrace papunta sa kwarto ng ina matapos siyang salubungin ni Mike.


Nagtama ang tingin ng mag-ina. Lungkot ang bumabalot sa mga mata.


Dahan-dahan na lumapit si Dan sa hinihigaan ng kaniyang ina, ito naman ang kinuwang oportunidad ng lahat ng nasa loob ng kwarto na iyon na lumabas hanggang sa ang natira na lang sa loob ay si Dan, Lily, Obet at Mike na siya namang nagmamatigas na manatili doon kahit pa anong hila sa kaniya ng kaniyang ama na si Obet na lumabas.


We have to give them a chance to say goodbye to each other, Mike.” bulong ni Obet kay Mike. Saglit muna siya nitong tinignan. Kitang kita ni Obet ang hinagpis sa mga mata ng kaniyang anak, hindi maikakaila na sinisisi nanaman nito ang sarili sa mga nangyayari ngayon.


Please.” pagmamakaawa na ni Obet na siya namang gumising kay Mike at wala sa sariling tumango na lang at sinundan ang ama palabas ng kwarto na iyon.


000ooo000


Ma---” simula ni Dan nang sa wakas ay nakuwa na niyang magsalita sa kabila ng sobrang paghihinagpis na nararamdaman.


I want you to take care of yourself after I'm gone---” singit ni Lily sa dapat sanay sasabihin ni Dan pero hindi siya hinayaan ng anak.


No! Stop! You're not going to die!” sigaw ni Dan na lalong nakapagpaiyak kay Lily.


You will still cook me dinner---” simula ni Dan magsisimula na sanang magprotesta si Lily nang ituloy ni Dan ang kaniyang mga sinasabi at naintindihan ang nais nitong sabihin.


---You will still be there smiling at me pagkauwi ko sa school. You will still be there to comfort me whenever Mike and I fight. You will still be there for me whenever I needed someone to teach me my multiplication table---” tuloy tuloy na sabi ni Dan na patuloy na nakakapagpaiyak kay Lily.


Alam niya na ito ang paraan ni Dan na pagsasabi sa kaniya na pinapakawalan na siya nito. Na tanggap na nito ang mga susunod na mangyayari. Na hinahayaan na siya nitong makapagpahinga. Hindi mapigilan ni Lily ang sarili na magpakawala ng isang malungkot na ngiti, hindi mapigilang isipin na kahit sa huling sandali ay may kaniyang paraan ang anak sa paglalabas ng kaniyang tunay na nararamdaman.


You will still be there when---” pagpapatuloy ni Dan pero napatigil siya dahil naramdaman niya ang pagluwag ng paghawak ng kaniyang ina sa kaniyang kamay.


No! No--- Please, Ma---!” sigaw ni Dan sabay hawak ng mahigpit sa kamay ng ina na tila ba sa ginagawang ito ay mapipigilan niya ang pagpanaw ng ina at hahawakan nitong muli ng mahigpit ang kaniyang mga kamay.


I'm sorry, Danny. I love you.” mahinang saad ni Lily sabay dahan dahang ipinikit ang kaniyang mga mata.


Natigilan si Dan saglit at tinignan ang dahan dahang pagpikit ng mga mata ng kaniyang ina.



000ooo000


Patay na si Mommy.” ang nabasang text ni Ryan mula kay Dan.


Ilang araw na siya nitong hindi kinakausap. Ilang araw na niya itong hindi nakikita alam niyang kaya ilang araw na itong hindi nagpaparamdam sa kaniya dahil galit parin ito sa kaniyang nagawa kaya naman laking gulat niya nang i-text siya nito ngayon. Alam niyang ito ang paraan ni Dan upang sabihin na kailangan siya nito ngayon kaya naman hindi na siya nag-aksaya pa ng panahon at agad na siyang nagbihis at nagtungo sa lumang bahay nito.


000ooo000


Agad na sumara ang palad ni Mike na tila ba handa na ito sa pakikipagsapakan nang makita niya ang nagmamadaling si Ryan na nagdedemand sa receptionist sa funeral home na iyon. Hindi kaila kay Mike na hindi pasensyoso si Ryan at hindi rin kaila dito ang sama ng ugali nito sa tuwing tinotopak kaya naman hindi na siya nagtataka kung bakit may mga pasa sa katawan si Dan ang tangi niya lang na hindi maintindihan ay kung bakit ito hinahayaan ni Dan na pagbuhatan siya ng kamay.


Where's Dan?!” singhal na patanong ni Ryan sa receptionist na hindi naman nagpatinag dito.


He's at the morgue crying for his mother to come back. Now if you respect him and his mother you will wait for him to come out of that door.” mataray na sagot ng receptionist na ikinatameme ni Ryan.


Ryan!” sigaw ng umiiyak na si Dan matapos nitong lumabas sa pinto ng morgue na ikinalingon ng lahat lalong lalo na ni Ryan. Mabilis na tinawid ni Ryan ang malaking espasyo sa pagitan nila ni Dan at niyakap ito ng mahigpit. Noong una ay hindi nakaligtas kay Mike ang tila ba takot sa mukha ni Dan nang yakapin ito ni Ryan na miya mo aatakihin nanaman ito ng panic attack pero nang maglaon ay sinuklian narin ni Dan ang yakap ng nobyo at marahang umiyak sa dibdib nito.


Hindi mapigilan ni Mike na makaramdam ng inis dahil si Ryan parin ang tinakbuhan ni Dan ng suporta matapos siya nitong bugbugin may ilang araw na ang nakakaraan.


Ngunit hindi lang din inis ang sumisiksik sa kaniyang dibdib ngayon.


Tita, pano ko naman maprupruteksyonan si Dan kung ganito kasakit makita si Dan na nakayakap at humihingi ng suporta sa iba.” bulong ni Mike sa sarili.


Hindi nagtagal ay hindi narin nakayanan ni Mike na panoorin si Dan na nakayakap sa iba kaya naman mabilis siyang tumalikod at naglakad palayo.


000ooo000


Oo at galit siya kay Ryan dahil sa ginawa nito sa kaniya may ilang araw na ang nakakaraan pero kailangan niya ngayon ng suporta. Kailangan niya ngayon ng makakapagpagaang ng loob niya. Kailangan niya ngayon ng mayayakap. Kailangan niya ngayon ng kamay na gagabay sa kaniya at ito ang una niyang nakita.


At nang sa wakas ay nakakuwa na siya ng sapat na suporta dito ay iginala na niya ang kaniyang mga mata sa tanging tao na alam niyang makakapagpagaang ng kaniyang loob sa kabila ng pagkawala ng kaniyang ina.


Ngunit laking pagkadismaya niya nang makitang wala na ito sa paligid kaya naman nagkasya na lang siya sa suporta na maibibigay sa kaniya ni Ryan.


000ooo000


What are you doing here?” singhal ni Ryan kay Mike nang makita niya itong pumasok sa bahay nila Dan kung saan nakaburol ang ina nito.


Nandito ako para---” simula ni Mike na tila ba walang gana na makipagsinghalan kay Ryan.


I told you to get the hell away from Dan! I told you that your presence makes him miserable!” paulit-ulit na pagsinghal ni Ryan na ikinakuwa ng pansin ng ilang tao sa paligid, sa kabila ng mga mapang-usyosong tingin ng mga taong nakapaligid sa kanila ay hindi parin napigilan ni Mike ang kaniyang sarili na makipagtalo kay Ryan, sa kaniyang pakiwari kasi ay may mas karapatan siya na tumuntong sa lupang iyon, may mas karapatan siya na pumasok sa bahay na iyon, may mas karapatan siyang manatili sa tabi ni Dan dahil matagal na siyang tumutungtong sa lupang iyon, matagal na siyang labas pasok sa bahay na iyon at matagal na siyang katabi ni Dan sa tuwing malungkot ito at walang nagbawal sa kaniya kaya naman hindi siya papayag ngayon na pagbawalan siya ni Ryan dahil wala itong karapatan.


BULLSHIT!” singhal pabalik ni Mike.


What?!” tanong muli ni Ryan na nagulat sa tila ba pagkakaroon ng tapang ni Mike, nagulat na hindi katulad noong unang beses niya itong sinabihan na ginagawa nitong miserable si Dan ay agad itong tumiklop at nagtatatakbo palayo.


You heard me. Lahat ng sinabi mo ay puro kasinungalingan. Sinabi sakin ni Dan na my presence doesn't make him miserable tulad ng sinabi mo noon at sinasabi mo ngayon. Sinungaling ka.”


Saglit na binalot ng katahimikan ang buong paligid. Si Ryan nagiisip ng kaniyang ibabalik kay Mike habang si Mike naman ay tumitig lang ng daretso kay Ryan bilang sabi na hindi siya magpapatalo dito.


Ilang saglit pa ay nagulat na lang si Mike nang biglang bumakas ang ngisi sa mukha ni Ryan.


Isang nakakalokong ngisi na nagbalot sa kaniyang buong pagkatao ng hindi basta bastang pangingilabot at nakapagpatibok ng mabilis sa kaniyang puso.


He will never leave me for you---” simula ni Ryan na tila naman nagbukas ng panibagong sugat sa puso ni Mike at hindi ito nakaligtas kay Ryan na tila ba ginanahan sa lalong pananagad sa pasensya ni Mike.


Dahan-dahang lumapit si Ryan kay Mike na tila naman napako sa kaniyang kinatatayuan. Inilapit ni Ryan ang kaniyang labi sa tenga ni Mike na tila naman naging estatwang gawa sa bato sa sobrang galit.


Like you, I raped him.” bulong ni Ryan, lahat ng malisya na pwedeng ilabas sa kaniyang mga sinabi ay hindi nakaligtas kay Mike na lalong bumilis ang tibok ng puso, nagpawis ng malamig at nagsimula ng manginig sa sobrang galit.


Wala rin sa sariling napapikit si Mike. Pilit pumapasok sa kaniyang isip ang mga nakita niyang pasa sa katawan ni Dan may ilang araw na ang nakakalipas, ang bawat pag-ngiwi nito sa tuwing masasagi ng sino man ang katawan nito o kaya naman sa tuwing uupo na miya mo makakalas ang buto nito sa sakit at higit sa lahat ay ang kulay talong na pasa sa mata nito at ang katotohanang binaboy si Dan ng taong nasa harapan niya ngayon.


I never thought I will enjoy doing that to him---” pagpapatuloy ni Ryan.


He's so tight. Actually his asshole feels like it's getting tighter every time I'm forcing myself into him---”


His screams are like music to my ears---”


His every struggle excites me---”


Pabulong lamang na sinasabi ni Ryan ang mga ito pero para kay Mike ay tila ba inaanunsyo ito gamit ang isang malaking megaphone na tila ba ang bawat salita, bawat titik ay isang pako na itinatarak sa kaniyang puso.


I actually should be thanking you. You're my inspiration.” pagtatapos ni Ryan sabay halakhak.


Ang pagtawa na iyon ni Ryan ang gumising kay Mike. Tila ba mabilis na pinuno ng mainit na tubig ang kaniyang buong katawan. Mabilis na bumukas ang kaniyang mga mata at mabilis na nagalit ang kaniyang mga kalamnan.


Lahat ng galit na naipon sa kaniyang buong pagkatao sa mga sinabi kanina ni Ryan sa kaniya ay biglang sumabog. Wala sa sarili niyang itinulak ng malakas si Ryan na ikinahiga nito sa driveway ng matandang bahay nila Dan, agad ding pumaibabaw si Mike sa dibdib nito upang hindi ito makatakas at pinaulanan niya ng suntok ang mukha ni Ryan.


Walang pakielam sa takot na takot na reaksyon ng lahat ng taong nakakakita. Walang pakielam kung mapatay niya ang taong kaniyang dinadaganan.


Gusto niya lang makawala sa galit na iyon.


TAMA NA!” sigaw ni Dan pero hindi ito inintindi ni Mike na patuloy lang sa panununtok kay Ryan sa mukha.


Alam ni Dan na hindi siya iintindihin ni Mike kaya naman iniyakap na niya ang kaniyang mga kamay sa malaking katawan ni Mike upang mapigilan lang ito pero isa itong malaking pagkakamali. Natamaan ng siko ni Mike ang ilong ni Dan na siya niyang ikinahilo agad at ikinabulagta sa hindi kalayuan.


DAN!” sigaw ni Brenda na ikinatigil pareho ni Ryan at Mike.


Agad na tumayo si Mike at nagmadaling lumapit kay Dan na noon ay itinatayo na ni Obet at Brenda.


I'm sorry.” saad ni Mike lalo pa ng makita niya ang pagdugo ng ilong ni Dan na siya na ngayong mabilis na tumiterno sa pasa na ginawa naman ni Ryan may ilang gabi na ang nakakaraan.


Mabilis niyang inilabas sa kaniyang bulsa ang kaniyang panyo at ipupunas na sana niya iyon sa pagdudugo ng ilong ni Dan nang bigla nitong hawiin ang kaniyang kamay na ikinagulat ng huli.


It's my mother's wake, gademit!” singhal ni Dan na hindi na napigilan ilabas ang kaniyang sama ng loob.


Tila tumigil ang oras para kay Mike. Nagsisisi sa hindi pagpapalawig ng kaniyang pasensya kanina. Tinitigan niya ng daretso sa mata si Dan upang malaman nito na hindi niya gusto ang mga nangyari. Upang ipaalam dito kung gaano siya nagsisisi. Upang ipaalam dito na sinsero ang kaniyang paghingi ng tawad dito.


I'm sorry.” bulong muli ni Mike pero hindi na siya pinansin ni Dan.


Get out.” bulong ni Dan na tila naman bumingi kay Mike.


Para siyang nasusuka sa malamig na pagkakasabi ni Dan na iyon. Parang lahat ng pag-asa ay hinigop mula sa kaniyang pagkatao. Parang nabura lahat ng kaniyang masasayang alaala.


Danny.” malungkot na saad ni Mike. Nagmamakaawa sa kakaunting kunsiderasyon at pagkakataong makapagpaliwanag kung bakit niya iyon nagawa.


I said. Get the fuck out.” malamig na saad ni Dan na tuluyan ng sumira sa resolba ni Mike.


Kahit na itulak ka niya palayo?”


Napapikit si Mike sa naalalang ito na sinabi ni Lily sa kaniya. Napapikit siya nang muling tumakbo sa kaniyang isip ang pangako niya dito.


Pero alaala lang ito. Nasa kaniya parin ang desisyon kung tutuparin niya ba ang pangakong ito. Nasa sa kaniya kung hahayaan niyang masktan siya sa tuwing ipinagtutulakan siya ni Dan palayo basta't matupad lang ang pangako na ito o tuluyan na lang niyang ibabaon sa limot ang pangako na iyon.


Get out.” singhal muli ni Dan. Dahan dahang ibinuka ni Mike ang kaniyang mga mata at nalaman kung bakit tila ba malayo na si Dan nang sabihin niya ito, yun pala kasi ay lumapit na ito sa kaniyang nobyo na si Ryan at inaalalayan itong tumayo.


Nagmamakaawa parin ang kaniyang tingin at nang siguro ay naisip ni Dan na hindi na niya kailangan pang pag-aksayahan ng oras si Mike ay agad na itong tumalikod, habang inaalalayan si Ryan papasok ng bahay.


Habang papatalikod si Dan ay hindi naman nakaligtas kay Mike ang nakangising si Ryan na tila ba nagsasabing siya ang nagtagumpay sa laban na iyon at dahil hindi ito matanggap ni Mike ay wala sa sarili na lang din siyang tumalikod, ilang bagay ang tumatakbo sa kaniyang isip.


I'm sorry, tita but the pain is too much to bear---” bulong ni Mike habang tumatalikod.


I'm sorry di ko matutupad yung pangako ko sayo.” pagtatapos ni Mike habang ilang luha ang kumakawala sa kaniyang mga mata.



Itutuloy...


Against All Odds 2[48]
by: Migs

11 comments:

  1. Hey guys! Sensya na sa mahabang hindi pag-update. Alam niyo na ang dahilan.

    Nais ko lang pong linawin na ang kwento pong “SKYBAND” ay akda po ng isa sa aking pinakamalapit na kaibigan na si Ezekiel o ang may pakana ng blog na 'to http://zildjianstories.blogspot.com/

    Ating po siyang suportahan! :-)

    ENJOY READING GUYS!

    Muli inaanyayahan ko po kayo na bumisita sa mga site na ito. Hindi po kayo magsisisi.
    http://imbipositive.blogspot.com/

    www.darkkenstories.blogspot.com

    http://icemicestories.blogspot.com/

    http://zildjianstories.blogspot.com/

    BACK TO BACK chapters po ito! :-)

    Pink 5ive: sorry sa bitin na chapter last time. Bawi ako this time. :-)

    Therese: Ahahaha! OK na iyon di kasi ako bayolenteng tao kaya di ko na idinetalye pa ang pagkamatay niya. ;-)

    KV: thanks at nakukuwa niyo parin magkaroon ng interes sa mga nauna kong gawa! :-)

    russ: medyo mahaba pa naman mga limag chapters pa. :-)

    Anonymous July 15, 2013 at 2:47 PM: sir, iwan ka po ng pangalan sa susunod na pagcomment mo at paki follow narin po ang blog ko para mapasalamatan kita ng maayos! :-)

    Gerald: akala ko nagsawa ka na eh. Tagal mong hindi nag-comment ah. :-)

    Marko Antonio: Salamat! Parang ngayon lang kta nakita dito. Pa-follow na lang. Salamat! :-)

    Lawfer: sorry sa pagkabitin. Bawi ako dito sa back to back ko.

    Anonymous July 16, 2013 at 1:43 AM: Tol, paiwan na lang ng pangalan next time para mapasalamatan kita ng maayos! :-)

    Chet Capua: Thanks and I'm sure ma-a-appreciate din ni Zekie ang pagbabasa mo sa blog niya! :-)

    Lyron Batara: parang every chapter naman ata may climax. Hehe!

    AR: OK Lang yan. Ganyan talaga ang pag-ibig! :-)

    Johnny Quest: oh bakit ka umiiyak?

    Ryge Stan: OK lang ako din busy. Congrats sa bagong work!

    ANDY: Ayan, back to back chapters! :-)

    -Gelo_08: sorry talaga, busy eh. :-(

    ryan: Thanks! Eto po ang back to back para sainyo.

    -madman_00032: thanks. Uy bago! Pa-follow na lang po sir! Thanks ulit! :-)

    Christian Jayson Agero: si Melvin ang may story. :-)

    robert_mendoza: thanks you! Akala ko nga nagde-deteriorate ang quality ng sulat ko eh. Ahahaha!

    -mhei: sige mhei, sayo na lang si Ryan. Bubugbugin karin niya. Hehe!

    Frostking: na-torture na sya in other ways. :-)

    foxriver: very well said. :-)

    keantoot: kaw eh, tagal mong nag-gala sa ibang blog eh. :-)

    MARAMING SALAMAT ULIT SA PATULOY NA PAGSUPORTA AT SA NAGUUMAPAW NA COMMENTS! MORE PLEASE! ENDORSE THIS BLOG SA FRIENDS NIYO DIN AH! :-) I'm targeting to gain more followers! Salamat! :-)

    ReplyDelete
  2. Tnx sa update kaso bitin pa din kainis naman si dan mas inuna nia pa yung pasaway na ryan andian na nga si mike haist.kakainis.

    ReplyDelete
  3. Hahahaha. Keri lang yan. Ang importante, marunong lumingon sa pinangalingan. Hehehehe

    ReplyDelete
  4. This comment has been removed by the author.

    ReplyDelete
  5. gus2 ko po mamatay c DAN, tapos pag sisihan ni mike ang kanyang ginawang pag iwan sa kanyang kaibigan/Mahal,..

    bakit ganun ung flow ng story about kay ryan?? parang subrang sama nia nman dito? dba mahal nia nman c danny.. mr. author GALIT KA ATA KAY RYAN NOH' JEJEJEJEJE


    BET KO PA NMAN RYAN-DANNY.. HUHUHUHUHUHU

    Kilan kaya ung next chapter.. after 15 na nman ba???? :(

    ReplyDelete
  6. This chapter is a big SH!T for me. (Sorry po) Sana makabawi next chap.

    ReplyDelete
  7. The truth is, unless you let go, unless you forgive yourself,
    unless you forgive the situation, unless you realize that the
    situation is over, you cannot move forward

    ReplyDelete
  8. The sad part of this is pareho lang si mike at ryan. Parehong sakit at sama lang ng loob ang nakukuha ni dan sa kanilang dalawa.

    Migz mukhang malapit na tong matapos I hope you will still keep on writing.

    Have a great day.

    ReplyDelete
  9. - Salamat po sa back to back :D





    -Ryan

    ReplyDelete
  10. hmmmm, mejo naguluhan me unti d2. kc parehas lng din ang ginawa ng dalawa sa kanya, but mas pinaboran nya c rayn samantalang sobra na ang pagsisi nung isa. hmmmmm.

    ReplyDelete
  11. thanks kuya migs sa update po.

    promise badtrip n ako kay ryan, mike-dan n ako. nging malupit n si ryan.. si mike nman nging duwag nman, si dan nman ang tanga na, pero sobrang ganda ng kwento, painit ng painit.

    ReplyDelete