Against All Odds 2[47]

DISCLAIMER: The following is a work of fiction. Any similarities to any written works and any person, living or dead are purely coincidental. The story is intended for a mature audience. It may contain profanity and references to gay sex. If this offends you, please leave and find something more suitable to read. The author maintains all rights to the story. Do not copy or use without written permission. Email the author at miguisalvador@yahoo.com for comments, suggestions and violent reactions in pertaining to this blog and the stories that comes along with it.


Hindi magawang talikuran ni Dan ang napakaraming pasyenteng nagdadatingan sa Emergency Room na pinagtratrabahuhan niya kahit pa alam niyang kailangang-kailangan siya ngayon ng kaniyang ina na ayaw man niyang aminin sa sarili ay tila ba nagbibilang na lang ng oras at iiwan na siya habang buhay. Bawat hakbang niya palayo sa E.R. ay tila ba isang napakalaking tipak ng bato ang dumadagan sa kaniyang dibdib.


Hindi kaya ng kaniyang konsensya.

Tita is asking for you. She can't breathe daw. We've already called her doctor. Where are you?” isang mahabang text mula kay Mike na siyang nakapagpabago sa kaniyang isip at agad na niyang tinapos ang kaniyang pagpapaliwanag sa isang pasyente at mga kamag-anak nito at nagpasya na kailangan na siya ng kaniyang ina sa tabi nito.


My mom needs me. Take charge.” bilin ni Dan sa isang duktor doon na sumagot na lang ng isang matipid na pagtango naiintindihan ang ibig sabihin ng nauna.


Aktong palabas na si Dan at isang hakbang na lang ay makakalabas na siya ng ER nang may dumating na isang pasyente. Wala itong malay. Nais na sana itong iwan ni Dan pero nang marinig niya ang boses ng lalaking humihingi ng tulong ay hindi mapigilan ni Dan ang sarili na mapako sa kaniyang kinatatayuan.


Boses iyon ng isang lalaki, isang ama na bumisita sa kaniya noong mga panahong siya naman ang nakaratay sa higaan ng ospital, noong ninakaw sa kaniya ang lahat mi ultimo pagkatao niya, isang lalaki na nagtulak kay Lily na kalimutan niya ang pangako niya sa kaniyang sariling anak.


Yung anak ko, tulungan niyo!” sigaw ulit nito.


Dahan-dahang humarap mula sa bungad ng ER si Dan. Bumilis ang pagtibok ng kaniyang dibdib, bumabaw ang kaniyang paghinga at nanginig ang bawat kalamnan sa kaniyang katawan.


000ooo000


Hindi alam ni Dave kung ano ang nangyari. Nagsimula na siyang maaligaga. Agad siyang lumapit sa katawan na nakahandusay at namumutla na sa sahig. Magiisang buwan nang tumutuloy sa kaniya si Marc. Simula noong unang gabi na kumatok ito at pagbuksan niya ng pinto ng kaniyang bahay. Magiisang buwan na niya itong problema.


Andayan ang aabutan niya ang kaniyang bahay mula sa trabaho na puro kalat na miya mo nilimas ng mga magnanakaw ang kaniyang mahahalagang gamit. Andyan ang uuwi ito sa disoras ng gabi na lasing na lasing o kaya bangag at andyan din ang pagkakataon na naguuwi ito ng iba't ibang babae. Andyan ang maaabutan niya itong gumagamit ng droga.


Pero iba ang gabing iyon para kay Dave. Walang ingay. Walang ibang tao na hindi niya kilala sa loob ng kaniyang bahay. Walang nakasusulasok na amoy ng sigarilyo, alak at droga


Pero ang gabing iyon ang pinakamalala para kay Dave.


Matitiis at kahit papano ay iniintindi pa ni Dave ang kaibigang si Marc sa paninigarilyo nito, paglalasing, paggamit ng droga at mga babae wag lang na makikita niya itong walang malay at nakahandusay sa sahig.


Marc.” tawag pansin dito ni Dave pero hindi ito gumigising.


Sunod na ginawa ni Dave ay ang lapitan ito at alugin ng marahan habang patuloy parin siya sa pagtawag ng pangalan nito. Unti-unti na siyang kinabahan nang hindi parin ito gumising o gumalaw man lang nang laksan na niya ang pag alog dito at pagtawag sa pangalan nito.


Marc!”


000ooo000


Dahan-dahang humarap mula sa bungad ng ER si Dan. Bumilis ang pagtibok ng kaniyang dibdib, bumabaw ang kaniyang paghinga at nanginig ang bawat kalamnan sa kaniyang katawan. Kilala niya ang mga taong iyon. Ilang taong pagiging miserble sa buhay ang idinulot ng mga taong iyon may ilang dipa lang ang layo sa kaniya.


Pero hindi noon pinigilan ang pigiging mabuting tao ni Dan.


Imbis na ipagpatuloy ang kaniyang paglalakad palabas ng ospital ay muli siyang bumalik papasok ng ER at lumapit sa lalaking kasusugod lang sa ospital na iyon at walang malay.


Iniksamen niya ang lalaking ito. Wala siyang pakielam sa narinig na pagsinhap ng mga magulang ng lalaking iyon, walang duda na namukhaan na siya ng mga ito. Sinabihan niya ang mga nurse sa kaniyang paligid sa kung anong dapat gawin. May ibang naghanda ng mga dapat gamitin, ang isa ay nagsimula ng i-pump ang dibdib ng lalaki, isa ay naglalagay ng swero at ang isa naman ay nagpapaliwanag sa mga kasama nitong dumating sa E.R. sa kalagayan ng kanilang pasyente.


Hindi magawang pigilan ni Dan ang kaniyang sarili na sumulyap sa taong kaniya ngayong pinipilit na sagipin. Si Marc. Isa sa mga taong itinuring niyang malapit na kaibigan pero siya ring nanakit sa kaniya ng husto.


Continue giving epi.” utos ni Dan sabay hakbang patungo sa ulunan ni Marc upang lagyan ito ng tubo. Nang mailagay na niya at masigurong tama ang kaniyang pagkakatubo kay Marc ay lumapit naman si Dan sa nurse na nag-si-CPR kay Marc upang siya na mismo ang magpatuloy nito.


C'mon!” sigaw ni Dan habang tinitignan ang monitor na nagsasabing wala paring response ang puso ni Marc sa lahat ng kanilang ginagawa.


000ooo000


Why is he here?” pasinghal na tanong ni Mr. Ricafrente sa aligaga paring si Dave.


What?” tanong ni Dave sa nakatatandang lalaki.


That boy! The one who's accusing you and my son with rape!” singhal muli ng matanda. Agad na naintindihan ni Dave ang nais iparating ng ama ni Marc. Nakita na nito si Dan at nakilala. Agad na kumawala sa kaniyang isip ang pagiging aligaga.


He's a doctor and this is a hospital. Natural, makikita mo siya dito.” pilosopong sagot ni Dave na ikinagulat ng matandang lalaki pero pinalagpas na lang ito ng huli itinuon ang kaniyang galit at sakit na nararamdaman sa nangyayari sa kaniyang anak ngayon sa lalaking akala nila ay matagal na nilang sinira ang buhay.


Yung mga ganong klase ng tao ay hindi na dapat binibigyan ng karapatang magaral at maging propesyonal---” puno ng malisya at pasinghal na habol ng matanda na ikinairita ni Dave.


Hindi parin nagbabago ang mga magulang ni Marc. Katulad ng kaniyang mga magulang na siyang nagtakwil sa kaniya nang magsimula na siyang tumaliwas sa mga matapobreng gawain ng mga ito ay hindi parin maikakaila na pera parin ang tumatakbo sa mga isip ng mga ito, na ang pagiging mayaman ay kanilang karapatan at wala ng makakapagbago nito, na ang mali ay maitatama ng kanilang karangyaan at ang tama ay maaaring balewalain sa ngalan ng pera.


Yung mga taong katulad niyo naman ang siyang dapat bawian ng propesyon at siyang dapat pangaralan patungkol sa tamang pan re-respeto sa kanilang kapwa tao.” balik ni Dave na siyang lalong ikinagulat ng matandang lalaki. Sasagot pa sana ang huli nang lumabas si Dan sa likod ng kurtina kung saan nila ipinasok si Marc kani-kanina lang.


0000oo0000


Dammit!” singhal ni Dan nang hindi parin nagbabago ang ipinapakitang linya ng monitor sa kaniya.


Doc---” tawag pansin ng nurse kay Dan. Saglit itong nilingon ni Dan at nakita niya ang pag-iling ng nurse bilang sabi na wala na silang magagawa pa sa lalaking iyon.


NO! It's not over until I say so!” singhal ni Dan na siya namang nagtulak sa mga nurse na ipagpatuloy lang ang kanilang ginagawa.


Ngayon, wala na sa monitor ang pansin ni Dan kundi nasa mukha na ng tao na kanilang sinasagip. Habang nakatingin sa mukha nito ay hindi niya mapigilan ang mga alaala, masasaya o masasama na siyang dulot ng mukhang iyon.


Bawat tawanan. Bawat pasikretong senyas at bawat matatamis na ngitian nila noong sila ay magkakaibigan pa hanggang sa bawat singhal. Bawat mura. Bawat panlalait. Bawat suntok. Bawat tadyak. Bawat tulak na kaniyang natanggap dito noong gabing iyon.


Pero kahit pa mas lamang ang masasamang alaala ay hindi parin tinigilan at hindi parin siya nawalan ng pag-asa sa masasagip niya ang taong iyon sa pagkamatay, dahil sa ilang napakasimpleng dahilan.


Hindi siya katulad nito. May puso siya. Handa siyang magpatawad. Makatao siya.


0000oo0000


Hindi alam ng nakatatandang babae, ina ni Marc ang kaniyang iisipin at dapat maramdaman. Addict ang kaniyang anak at alam niya ang dahilan ng pagkapariwara nito pero hindi niya iyon pinansin. Hindi niya alam kung magagalit ba siya sa kaniyang sarili o sa mga taong nakapaligid sa kaniyang anak. Hindi niya alam kung siya ba ay malulungkot at dapat ba siyang magpausig sa kaniyang konsensya.


Nang makita niya ang nakayukong duktor na lumabas sa likod ng kurtina kung saan doon nakahiga ang kaniyang anak ay wala sa sarili siyang nagmamadaling lumapit dito at kulitin ito patungkol sa estado ng kanilang anak.


Doc!” tawag pansin ng nakatatandang babae, agad na nagtaas ng tingin si Dan.


Oo at ilang taon nga ang gumamit sa mukha nito at sumipsip sa pagkabata nito pero kilalang kilala at hindi parin malilimutan ni Dan ang mukha ng babaeng iyon. Iyon ang mukha ng babae na malayong malayo sa mukha ng kaniyang ina. Mapagmataas ang tingin nito na tila ba isa lamang silang dumi ng kaniyang ina nang huli niya itong makita pero ngayon wala ng bakas sa mukha nito ang dating mapagmataas na tingin.


Tanging ang tingin ng naghihinagpis na ina ang siya ngayong kaniyang nakikita.


I-I'm sorry, Mrs. Ricafrente. We did our best---” simula ni Dan pero hindi na niya iyon nagawang tapusin pa nang makita niyang itinulak ng matandang lalaki ang babae patabi at nang maramdaman niya ang isang malakas at nakakabinging sampal sa kaniyang kaliwang pisngi.


You murdering son of a bitch---!” singhal ng matandang lalaki.


You killed my son! I'm going to sue your ass you son of a bitch! You killed my son! You're going to rot in hell for malpractice!” sigaw at nagwawala ng saad ng matandang lalaki na siyang nagdulot sa mga gwardya ng ospital na iyon na hawakan ito at simulang kaladkarin palabas.


Stop. Kamamatay lang ng anak niya. Let him grieve.” puno ng respetong saad ni Dan na siyang nagtulak sa mga gwardya na tumigil sa kanilang ginagawa.


Trying to be the good guy? Tandaan mo ito hijo, hindi matatapos ang buwan na ito na hindi nababawi ang lisensya mo sa pagiging duktor at hindi matatapos ang taon na ito na hindi ka nakukulong dahil sa ginawa mo sa anak ko!” pagbabanta ng matandang lalaki habang ang matandang babae naman ay inaalalayan ni Dave habang umiiyak at halos humahagulgol na.


You can sue me if you want to, Mr. Ricafrente. Di po ako natatakot because lahat po ng ginawa ko ay tama at lahat po iyon ay nakadokumento sa amin.” magalang parin na saad ni Dan sa matandang lalaki.


Marahas na kumawala ang matanda sa mga hawak ng gwardya at lumapit kay Dan na hindi naman nagpatinag. Halos magdikit na sa lapit ang mukha ng dalawa. Ang mukha ng matanda ay puno ng galit at malisya, hindi kaila ang plano nitong pagpapabagsak kay Dan habang si Dan naman ay kalmadong nakipagtitigan sa matanda. Naninindigan na wala siyang ginawang masama.


Remember how we turned the table against you.” pagpapaalala ng matandang lalaki kay Dan na agad na namutla.


Kaya parin naming gawin yun ngayon. Besides, no one will represent you. Maaaring duktor ka na ngayon pero takot lang ng mga abogadong yan sa amin.” puno ng malisyang pagtatapos ng matandang lalaki sabay ngiti na nakakaloko.


Not if I represent him.” matapang na saad ni Dave sabay bitaw sa matandang babae na wala sa sariling napaupo sa pinakamalapit na upuan at duon nagpatuloy sa pag-iyak.


What?!”


Not only will I defend him. I will urge him to file a case sa mga ginawa namin sa kaniya eleven years ago---”


Don't be stupid, Dave! You'll just end up in jail!” di makapaniwalang balik ng matandang lalaki.


A consequence I'm willing to take. Nagkamali kami noon. If Dan wanted us in jail then I will honor that decision. Ikaw? Kaya mo na bang madungisan pa lalo ang pangalan mo? Kaya mo bang amuyin ang baho na ginawa ng sarili mong anak?” balik pagbabanta ni Dave habang tumatabi kay Dan na patuloy lang ang pamumutla sa mga nangyayari.


He didn't kill your son, Mr. Ricafrente. Your son did this to himself.” malamig na pagtatapos ni Dave nang wala ng maibalik sa kaniya ang matandang lalaki.


Tinignan ng isang masamang tingin ng matandang lalaki si Dan at gayun din si Dave saka itinayo ang kaniyang asawa at kinaladkad ito palabas ng E.R. habang nagbibiay ng instructions sa kanilang mga assistants sa pagaayos ng burol ng kanilang anak.


Nang makalabas na ang dalawang matanda ay wala sa sariling napasulyap si Dave kay Dan na wala naman sa sariling nakatingin sa nauna. Nagbigay ito ng isang matipid na pagtango. Hindi man inaasahan ni Dave na yakapin siya nito bilang pagpapasalamat ay hindi parin niya mapigilang makaramdam ng konting kirot. Iwas parin sa kaniya ang taong nais niyang hingan ng tawad. At wala siyang magawa kundi ang tanggapin ang matipid na pagtango na iyon bilang isang uri ng pagpapasalamat.


0000oo0000


Nang maisara na ni Dan ang pinto ng kaniyang clinic ay wala sa sarili siyang napasandal sa likod nito at dahan dahang pumadausdos pababa.


Naubos ang kaniyang lakas hindi sa pagpupumilit na pagsasagip sa buhay ni Marc kundi dahil napagod siya sa iba't ibang emosyon na pilit na nagsusumiksik sa kaniyang dibdib.


Ayaw na niyang isipin pa at ayaw na niyang maramdaman pa ang mga emosyon na ito kaya naman mas minabuti niyang maghanda na lang sa pag-uwi upang maituon naman ang kaniyang pansin sa kaniyang inang si Lily. Nagsimula na niyang ihanda ang kaniyang mga gamit para sa pag-uwi nang makita niya ang kaniyang telepono.


16 missed calls”


Agad na kinabahan si Dan nang makita niya ang labing anim na missed calls na ito mula kau Mike. Hindi na siya nagdalawang isip na damputin agad agad ang kaniyang mga gamit at nagmamadaling lumabas ng kaniyang opisina at ospital.


Habang naglalakad siya sa mahahabang hallway ng ospital ay pilit na pinapakalma ni Dan ang kaniyang sarili at paulit-ulit na tinatawagan ang numero ni Mike na patuloy lang sa pagri-ring.


Dammit! Mike, answer the phone!” singhal ni Dan.


Nang makalabas ng ospital ay hindi mapigilan ni Dan ang kaniyang sarili na mapatingala at mapa-mura. Ngayon pa kasi napili ng langit na magbuhos ng ulan. Dahil hinid na makapagiintay si Dan na makauwi ay hindi na siya nagdalawang isip pa na sumugod sa ulan. Walang pakielam kung basang-basa na siya at hindi sumagi sa isip na lalo siyang hindi isasakay ng mga taxi. Wala rin siyang pakielam sa rumaragasang mga kotse na bumubusina sa pagmamadaling makauwi.


Kaya naman hindi niya pinansin ang busina ng isang makulit na kotse sa kaniyang likuran pero hindi na niya nagawa pang di ito pansinin nang tumigil na ang kotseng ito sa kaniyang harap.


Dan, get in!” sigaw ni Dave sa kabila ng malakas na paghampas ng ulan sa kaniyang kotse.


Nagalangan si Dan at hindi ito nakaligtas kay Dave na tila ba kinurot ang puso.


I-I know you don't trust me but Mona texted me---” simula ni Dave, may himig lungkot sa boses nito.


---Dan, your mom is not doing well right now.” naluluhang pagtatapos ni Dave.


0000oo0000


Tahimik ang buong kotse. Tanging ang nangangambang tibok ng sariling puso ang nararamdaman ni Dan kaya naman halos mapatalon siya sa gulat ng magsalita si Dave sa kaniyang tabi.


I'm sorry.” pabulong na saad ni Dave.


Pabulong man ito ay tila naman isa itong sigaw sa tenga ni Dan. Dahan dahang inilingon ni Dan ang kaniyang ulo papunta sa gawi ng driver's seat at nakita niya na kahit gaanong nakapako ang atenson ni Dave sa daan ay nakikita niya parin ang pangingilid ng luha nito.


Kami ang gumawa nito sayo. Di sana mamamatay si tita ngayon--- hindi sana--- hindi sana---” hindi na naituloy ni Dave ang kaniyang nais pa sanang sabihin nang maramdaman niya ang pagbalot ng malalambot na kamay ni Dan sa kaniyang kamay na nakahawak sa manibela.


Hindi na napigilan pa ni Dave ang sarili na mapaiyak. Itinabi ni Dave ang sasakyan at mahigpit na iniyakap ang sarili kay Dan.


Im sorry.”


I'm sorry.”


Paulit-ulit na paghingi ni Dave ng tawad sa pagitan ng kaniyang mga mabibigat na paghikbi. Hindi narin napigilan ni Dan ang sarili na mapaiyak. Mapaiyak hindi dahil ayaw niya ang mga nagyayari ngayon kundi dahil sa magaang na pakiramdam na kaniyang nararamdaman ngayon.


Magandang pakiramdam na hatid ng pagpapatawad.



Itutuloy...


Against All Odds 2[47]
by: Migs

Comments

  1. Hey guys! Sensya na sa mahabang hindi pag-update. Alam niyo na ang dahilan.

    Nais ko lang pong linawin na ang kwento pong “SKYBAND” ay akda po ng isa sa aking pinakamalapit na kaibigan na si Ezekiel o ang may pakana ng blog na 'to http://zildjianstories.blogspot.com/

    Ating po siyang suportahan! :-)

    ENJOY READING GUYS!

    Muli inaanyayahan ko po kayo na bumisita sa mga site na ito. Hindi po kayo magsisisi.
    http://imbipositive.blogspot.com/

    www.darkkenstories.blogspot.com

    http://icemicestories.blogspot.com/

    http://zildjianstories.blogspot.com/

    Chet Capua: Thanks! Zekie and I appreciate it very much.

    Lyron Batara: Cha will be back soon.

    Gerald: ahahaha mahaba masyado 'to sa two hours, Gerald! :-)

    makki: maka psycho talaga?

    Pink 5ive: wag ka ng ma-sad! :-) Thanks!

    Therese: iniintay mo parin pala?

    JOSHUA: chill lang! Hehe!

    Russ: hindi ako si Mike. Haha! Nalilito ka na ata.

    robert_mendoza: bigat ba? Hehe medyo magaan na itong susunod.

    Ryan: sorry sa pagpapaiyak sayo. :-)

    rascal: since start pa lang rape victim na siya. :-)

    JOHNNY A.: baka makalimutan mo nga lang blog ko. haha!

    Lawfer: sorry pero ganun talaga ang takbo ng story eh. Hehe! Everyone should hate ryan! :-)

    Jasper Paulito: Chill! Misunderstood lang si Ryan! Hihi!

    AR: broken hearted ka? Mind telling me what happened?

    Christian Jayson Agero: Ryan is just misunderstood. Baka sa pagtatapos ng story na 'to maintindihan niyo na siya. ;)

    Vince Gen: Try ko ha. I rarely have free time eh. Sobrang busy eh.

    Johnny Quest: sobrang pangit talaga? Haha! Hindi naman siguro.

    WaydeeJanYokio: Sa bandang huli ng installment na 'to masasagot mo yan.

    Anonymous July 2, 2013 at 11:11 PM: no worries. OK lang. :-) Pakilala ka po next time ha? Thanks!

    Gelo_08: thanks! OK lang kahit di ka makapagiwan ng comment sa bawat chapter. Ang importante andito ka ngayon! Thanks! :-)

    foxriver: very well said. Thanks! :-)

    ANDY: Thanks! Pinaka talaga? Ahahahaha!

    Anonymous: mahaba na ba? Malapit na pong matapos. Konting tiis na lang.

    Frostking: Ano ang kinatatakutan mo? Hihi! Thanks!

    MARAMING SALAMAT ULIT SA PATULOY NA PAGSUPORTA AT SA NAGUUMAPAW NA COMMENTS! MORE PLEASE! ENDORSE THIS BLOG SA FRIENDS NIYO DIN AH! :-) I'm targeting to gain more followers! Salamat! :-)

    ReplyDelete
  2. Bitin!! Haha. Looking forward sa next last chapters. Thanks Migs :)

    ReplyDelete
  3. well anyways comment muna sa chapter..di ko alam pero parang di ako contento sa pagkamatay ni marc parang gusto ko sana inisaisa munang tangalin lahat ng dalira niya tapos balatan siya ng buhay at sunugin pauntiunti...pati na rin ung tatay niya ang sarap isama sa ataul...buti naman na nindigan na si dave dapat nga matagal niya ginawa yun eh..tapos sa tingin ko malapit na talga kunin si lily or worse kinuha na siya..i was expecting kilig chapters sana ni danny at mikee but personally i guess this is better JUSTICE is now being served..haha

    oo migs hanggang ngaun hinihintay ko parin..hehe..pero ok lng alam ko naman na mahirap din sa part mo..anyways again napansin ko lng madaling araw mo na post tong bagong chapter..sobrang busy mo nga ata talaga...pahinga din pag may time migs..take care always :)

    -therese

    ReplyDelete
  4. Wow, ito na ang pinakamahaba at pinakamarmi mong chapter hehehe as usual ang galing galing pa rin. while waiting for your updates..bumabalik ako sa love at its best hahaha adik adik lang ^_^

    KV

    ReplyDelete
  5. wew lapit na ang end nito sana mahaba pa..migs.hehehe..

    ReplyDelete
  6. SALAMAT...astig k talaga bosing,

    ReplyDelete
  7. SALAMAT...astig k talaga bosing,

    ReplyDelete
  8. Ganda ng chapter. Ayos na ung kay Marc at least di brutal ang pagka-dedo nya. At hindi masisi si Dandan sa pagkamatay nito na obvious na drug overdosed. I'm very touch sa ginawa ni Dave na pagtanggol kay Dan. Pagpapatawad - napakaraming pinagiginhawang tao kung itoy ibinibigay. KARMA at KONSENSYA ito ang sumisingil sa lahat ng mga gumawa ng hindi tama kay Dan.

    Ang sarap basahin... lalo pa akong naeexcite sa nalalapit na ending. More dramas and kilig (sana).

    Thanks for this and take care always.

    ReplyDelete
  9. Ang ganda po ng chapter na to kahit bitin at maikli. Salamat po. Sana wag kayong magsasawang gumawa ng mga de-kalibreng story. More power po.


    "Marko Antonio"

    ReplyDelete
  10. nabitin aq :(

    walang hiyang Atty. Ricafrente na yan inililigtas na nga ang anak niya xa pang marunong magbanta! ilublob yan sa putikan!

    ReplyDelete
  11. haha nice bitin!!!!!!!! ulit.haha walang hiya talaga tatay ni marc sana naman makahanap sia ng katapat sa katauhan ni dave.

    ReplyDelete
  12. One word: INTENSE!

    Sana may kasunod agad. Ang galing! Super! Feeling ko medyo mahaba pa 'tong story na 'to kasi may pagbabanta pa kay Dan pero baka mali din ako kasi ang galing mo maglagay ng twist sa story.

    Anyhoo, basta love ko ang blogs nyo ni Zildjian. More power sa inyo! :)

    ReplyDelete
  13. I agree with them... Bitin nga naman talaga! But no pressure author mag-iintay kami para mas nakaka-excite. Thanks for the update! :)

    ReplyDelete
  14. Yey! Malapitna ang climax I can feel it!

    ReplyDelete
  15. Author Migs!

    Busy much ever talga, rest rest din kung may time, sige ka too much work will strain your body :)

    btw;yung pagiging brokem hearted ko, echos lang yung, move on na, haha..yung crush ko kasi newly wed pala,ilang days ko din inistalk para lang masabayan pag uwi, then nalaman ko yung name niya, syempre search agad..boom haha..until now mejo hurt hurtan ako, haha, i feel betrayed by my feelings..

    anyway sa chapter na to,, bitin author! haha :D
    those parents of Marc serves them well hoho..mahirap talaga, pag attitude ang problema it's hard to change.

    Sana ituloy nila yung case kay Dan tapos mag fifile si Dan caounter case (tama ba yun?) tapos mas Boom sa part ng ricafuente kasi babalikan nila ung case 11 years ago :) and by that Justice to humanity,,restored.hahha

    -aR

    ReplyDelete
  16. Sorry migs at ngayon lang ulit ako nakapag comment medyo busy lately dahil sa bago kung work. I pity on Marc at namatay siya ng hindi niya naitatama ang mga pagkakamali niyang nagawa. At kay Dan tama ung ginawa niyang magpatawad pero later na ang yakapan at baka hindi na niya abutan ang Mama niya hehehe.

    Have a great day Migs

    ReplyDelete
  17. badtrip yung parenta no mark ah! buti ay ntututo na mgpatawd si dan, pero mukhang madami png conflict ah.

    next na kuya migs please.

    thanks pala sa update.

    ReplyDelete
  18. waah! ang dami na agad comments! bakit ba may mga taong kagaya ng parents ni Marc? kainis!

    Anyway, ano nang nangyari kay Ryan? Diba may pending legal case siya?

    Sana hindi pa huli ang lahat para kay mommy Lily at Dan.

    Hay nakakainip maghintay ng next update. Dati rati naghahanap ako ng time maituloy ko lang pagbabasa ng bawat chapters. Pero dont worry Migs naiintindihan ko naman. And all the wait is worthy naman kasi kapanapanabik lahat ng mga tagpo.

    pahinga ka rin Migs pag may time. busy-busyhan ka rin eh! hehehe (nangingialam lang sa buhay ng iba)

    -Gelo_08

    ReplyDelete
  19. SHEMS! Another Great chapter, nakaka bitin more updates please po :D
    I love you na laga kuya migs!

    -ryan

    ReplyDelete
  20. Akala ko hindi ko matatapos basahib ang lahat ng stories na nand2. Nagulat ako ng wla akong nakitang kasunod nito un pla ito ang last post. Ang galing mo magsulat!!! Keep it up Migs...
    - madman_00032

    ReplyDelete
  21. i have this feeling na parang malapit na 'tong matapos..??? akala ko pa nman mei story c dave at marc.. :p

    ReplyDelete
  22. goosebumps sa mga eksena dahil sa bigla, galit, takot at panlulumo .grabe ka migs. tnx sa patuloy na pag ganda sa daloy ng story mo. congratz frend!

    ReplyDelete
  23. for me, 1 word for this chapter. and, that is FORGIVENESS.

    grabe ang chapter na to full of emotion. damang dama mo bawat character, mula kay dan, dave at sa magulang ni marc.

    nasaan n kya si ryan. kung di si dan ang meant to be ni ryan baka nman pwede sa akin n lng sya sir migs. hehehe!!!

    p.s.
    ayan nagcomment ulit ako para mamotivate ka for the next chapter. lalong gumaganda ang story. keep inspiring us sir migs!!!

    -mhei

    ReplyDelete
  24. I really want to torture that old man!

    ReplyDelete
    Replies
    1. Sana di namatay yung gago.. i want to make them suffer and a quick death is not enough...

      Delete
  25. The weak can never forgive. Forgiveness is the attribute of the
    strong.

    ReplyDelete
  26. Whoa! And I was like O.O Wow! dahil ang dami ko ng hindi nabasang updates. Akalain mo, chapter 47 na pla. Huli ko atang nabasa is bandang 20. KKLK! Sorry kuya migs,busy lang ng sobra. Hhehe. Dont worry, hahabulin ko kayo. :)

    ReplyDelete
  27. pakshet migs, ang galing galing mo, wala kang katulad, idol na idol na kita

    ReplyDelete

Post a Comment

Popular posts from this blog

Against All Odds 2[38]

The Rebound

Different Similarities 2[16&epilogue]