Against All Odds 3[15]

DISCLAIMER: The following is a work of fiction. Any similarities to any written works and any person, living or dead are purely coincidental. The story is intended for a mature audience. It may contain profanity and references to gay sex. If this offends you, please leave and find something more suitable to read. The author maintains all rights to the story. Do not copy or use without written permission. Email the author at miguisalvador@yahoo.com for comments, suggestions and violent reactions in pertaining to this blog and the stories that comes along with it.

Dahan-dahang binuksan ni Rob ang kaniyang mga mata nang makaramdam siya nang tila ba marahang panunundot sa kaniyang tagiliran. Maski nasanay na ang kaniyang mga mata dahil sa matagal na niyang pagkakamulat ay malabo parin ang kaniyang paningin. Magiisang taon ng pinabayaan ni Rob ang kaniyang sarili, kung noon ay nakukuwa niya pang bumili ng magagandang klase ng contact lens ngayon ay magandang klase ng salamin na lang ang kaniyang binili hindi dahil salat na siya ngayon sa pera kundi dahil para sa kaniya ay wala na siyang dahilan pa para gastusan ang sarili.


Wala na siyang dahilan para gayakan ang sarili.

Rob male-late ka sa interview mo.” saad ng isang babae na nakapagpabuntong hininga kay Rob. Wala sa sarili niyang inabot ang kaniyang salamin sa maliit na lamesa sa tabi ng kaniyang kama at sinuot ito. Nang luminaw na ang kaniyang paningin ay nakita niya ang kaniyang ate Amy.


Pinsang buo ni Rob si Amy. Kapatid ng kaniyang ama ang ina nito, kung ang ama ni Rob ay isang matagumpay na business man ang ina naman ni Amy ay isang kilalang duktor pero kahit na ganun ay wala paring kasing bait ang dalawang magkapatid at hindi hadlang ang pagiging asensado ng dalawang magkapatid ang pagkakaroon ng magdanang relasyon ang kanilang mga pamilya.


Ang kabaitang iyon ng magkapatid at pagkakaroon ng magandang relasyon ng dalawang pamilya sa isa’t isa ay napatunayan nang biglang sumulpot sa front door nila Amy ang lugmok na lugmok na si Rob. Narinig na nila Amy ang mga masasamang balita na siyang bumabalot ngayon sa kaniyang pinsan pero alam nilang hindi totoo ang mga iyon. Minsan nga nanonood sila ng kanilang buong pamilya ng balita nang biglang nasingit ang masasamang kwento tungkol kay Rob.


That’s ridiculous! Barya lang sa pamilya nila Rob ang mga sinasabing ninakaw niya sa lalaking iyan! Mga sinungaling!”


Kaya naman nang makita nila si Rob sa kanilang front door ay agad nila itong binalot ng mahigpit na yakap. Ilang araw pa lang iyon na kumakalat ang masamang balita tungkol kay Rob nang magpakita ito kila Amy pero tila ba ilang taon na itong namomroblema. Mahaba na ang balbas at bigote nito, mukhang ilang araw narin itong hindi natutulog at kumakain.


They took your house too?” tanong ng ama ni Amy na isang abogado. Walang ibang sagot si Rob kundi ang marahang pagtango habang nakatitig sa kaniyang mga paa na kala mo hiyang hiya siya sa kaniyang mga kamaganak at tanging pigil na paghikbi lang ang maririnig mula dito.


Hon, I’m sure may laban si Rob against them sa korte…” pero natigil ang pagtatanong ng tiyahin na iyon ni Rob sa kaniyang asawa nang biglang tumayo si Rob.


No more please---” umiiyak at tila ba takot na takot na saad ni Rob na ikinalungkot ng kaniyang mga pinsan, tiyo at tiya.


Pero hijo what they’re doing is wrong---” simula ulit ng kaniyang tiyahin pero natigil ulit ito nang makita nila ang marahas na pagiling ni Rob.


I’m--- I --- I’m just tired. So tired. I--- I j—just want this all to pass.” pabulong pero mariing saad ni Rob na ikinatahimik ng lahat at siya ring nagtulak sa kaniyang mga kamaganak na respituhin ang kaniyang desisyon.


Nirespeto din ng mga magulang ni Rob ang naging desisyon nito na huwag sumama sa kanila sa abroad nang pumunta ito sa bahay nila Amy. Hindi makikitaan ng galit o hiya dahil sa mga balitang kumakalat ang mga magulang ni Rob sa halip nababalot ang mga ito ng lungkot at pagaalala sa kanilang anak.


I’m so sorry.” humihikbing saad ni Rob habang nakayakap sa kaniyang ama.


Ramdam na ramdam ni Amy ang hiya na nararamdaman ni Rob, hiyang hiya ito sa mga eskandalong bumabalot sa kaniya at hiyang hiya ito sa mga magulang nito dahil pati ang mga ito ay nadadamay sa eskandalong iyon.


There’s nothing to apologize son.” naluluha nading saad ng ama ni Rob habang binabalot din niya ang kaniyang anak sa mahigpit na yakap.


Come with us sa states, hijo.” suhestiyon ng ina ni Rob na agad namang sinagot ni Rob ng isang mariing pagiling.


Why not?” tanong ng matandang lalaki.


You don’t deserve to have a son like me. Lagi ko lang kayong bibigyan ng kahihiyan once makita tayo in public kahit nasa ibang bansa pa tayo. Mas maganda kung hindi ako maikokonekta sainyong dalawa. Masyadong nakakahiya yung nangyari at ayaw kong madamay kayo.” pabulong na saad ni Rob na lalong ikinalungkot ng mag-asawa. Iniisip nila na ang nangyayari ngayon sa kanilang anak ay tuluyang sumisira sa pagkatao nito.


But---” singit nanaman ng matandang babae pero pinigilan ito ng asawa niya.


OK. But I want you to take this money so you can start fresh, ayaw ko din na aabalahin at magiging pabigat ka sa Tita mo---” saad ng ama ni Rob habang sinusulatan ang isang cheke na makakatulong sa kaniyang anak sana na makabangon ulit pero agad siyang pinigilan ng anak at ng kapatid.


Non-sense kuya, Rob can stay here hangga’t gusto niya. He will never be a bother.” saad ng ina ni Amy na agad namang sinangayunan ng buong maganak.


Thank You.” sinserong saad ng ama ni Rob sa kaniyang nakababatang kapatid at sa asawa’t anak nito.


Here.” abot ng ama ni Rob ng cheke sa kaniya. Mariing umiling si Rob.


Rob---” saway ng ama ni Rob sa kaniya at pinilit iabot dito ang kapirasong papel pero itinulak lang ito pabalik sa kaniya ng kaniyang anak.


I’ll get back on my feet. I’ll--- I’ll apply for a new job and soon I’ll move into my own place---” saad ni Rob habang mariin paring itinutulak ang maliit na papel pabalik sa kaniyang ama.


Rob---” simula ulit ng kaniyang ama na nangingilid narin ang sariling mga luha habang pinapanood ang kaniyang anak na ballot na ballot sa sakit.


Please dad, I need this.” bulong na pagmamakaawa ni Rob sa kaniyang ama. Walang nagawa ang matandang lalaki kundi ang tumango at sumunod sa gusto ng anak dahil alam niyang kailangan ito ni Rob.


At desedido si Amy na matupad ni Rob para sa kaniyang sarili ang sinabi nito sa kaniyang ama. Oo at mahirap, walang ibang mahanap na trabaho si Rob dahil sa masamang balita na kumalat noon nagkakasya ito sa pagiging crew sa mga fast food chain kasi hindi siya makapag apply ng pagiging manager kahit pa may pinagaralan siya dahil hindi siya pinagkakatiwalaan. Hindi pinagkakatiwalaan ang kaniyang pangalan na ilang beses nalathala sa dyaryo at nabanggit sa telebisyon at radio. Umalis na ito sa puder ng ina ni Amy at mas piniling umupa ng isang maliit na kwarto, sapat sa kinakaya ng kaniyang sweldo, tinupad ang pangako na babangon ito gamit ang sariling mga paa.


Pero hirap na hirap parin si Rob na makabangon. Sinira nila Ace ang pagkatao ni Rob at hindi man sabihin sa kaniya ng kaniyang pinsan ay alam niyang may iba pang rason kung bakit hanggang ngayon ay nahihirapan si Rob na bumangon at mabuhay para sa sarili muli. Nakailang palit na ng trabaho si Rob at natatakot si Amy na baka hanggang ganito na lang ang mga trabaho na mahanap ng kaniyang pinsan kaya naman hindi na niya napigilan ang sarili at kumotak na siya ng ilang mga kakilala upang maipasok siya sa isang nagsisimulang kumpaniya, isang kumpaniya na bago ang lahat ng tao at walang pakielam sa mga masasamang tsismis dahil ganado pa ang mga bagong tao na ito na magtrabaho at itaguyod ang palago pa lang nilang kumpaniya.


Do you really think this will work? I-I mean what if somebody recognizes me or even my name? And surely the one who’s going to interview me will know my real name it’s all over my CV after all o kung hindi man they will surely know me and my story once they read my work experience---” nagaalinlangan na saad ni Rob sa kaniyang pinsan na nagbigay lang ng isang matamis na ngiti.


Rob, trust me. I have a great feeling about this.” masayang saad ni Amy sabay yakap sa kaniyang pinsan.


Hindi alam ni Rob kung bakit pero tila ba sigurado rin siyang tama ang sinasabi ng kaniyang pinsan. Matagal ng tanggap ni Rob na hindi na talaga siya magiging masaya at matagal na din niyang alam na hindi na siya dapat umasa pero iba ang pakiramdam niya sa gagawin niyang ito. Pakiramdam na lalong tumakot sa kaniya.


000ooo000


Yan ang isusuot mo?” tanong ni Amy sa kaniyang pinsan habang pinapasadahan ito ng tingin simula ulo hanggang paa.


Ha? Masagwa ba?” nanliliit na tanong ni Rob sa kaniyang sarili.


Hindi naman kaso kasi it’s outdated. I mean walang wala ang itsura mo ngayon kumpara dati. Lahat ng suot mo dati up to date, trendy ngayon ordinary na lang siya--- you even wear glasses instead of contact lenses, tapos yung buhok mo---”


I hate to break it up to you cous but I’m not who I’m supposed to be anymore. So much has changed---” saad ni Rob kay Amy sabay nagpakawala ng isang malungkot na ngiti. “---I can change if you want---” alok ni Rob upang mapalagay na ang kaniyang pinsan, alam niyang gustong gusto narin ng kaniyang mga kaanak na makabangon siya.


I’m sorry Rob. You don’t have to change. It’s just that alam ko kasi na you can be better than this and you’re selling yourself short.” paghingi ng tawad ni Amy kay Rob na agad namang tinanggap ni Rob.


J-just promise me you’ll do your best today, Rob. Please.” request ni Amy kay Rob na sinagot na lang ni Rob sa pamamagitan ng matipid na tango. Sapat na iyon kay Amy kaya naman nakangiti na siyang lumabas sa tinutuluyan ni Rob at nagpaalam na sa huli na siya’y uuwi na.


000ooo000


Bago ang building sa kaniyang harapan. Moderno, mas namumutawi ang salamin bilang façade nito, ibang iba sa nakasanayan na bakal o kaya semento na may maliliit na bintana. Habang tinititigan ni Rob ang modernong imprastraktura na iyon ay walang tigil ang pagpasok ng mga taong walang duda ay empleyado doon, karamihan ay tila ba mga bata pa.


Mga bagay na nakapagpaalala sa kumpaniya na kanilang pinagtulungang itaguyod ni Ace. Wala sa sarili siyang umiling. Bumalik lahat sa kaniya ang sakit at nagbadya pang mangilid ang kaniyang mga luha.


Admiring the view?” tanong ng isang lalaki sa tabi ni Rob na gumising sa malalim nitong pagiisip. Laking pasasalamat ni Rob sa kaniyang makapal na salamin at hindi napansin ng lalaking biglang sumulpot sa kaniyang tagiliran ang pangingilid ng kaniyang luha.


Huh?” tinapunan ni Rob ng tingin ang lalaki at nakita niyang malaki ang ngiti nitong nakatingin din sa magandang building sa kaniyang harapan.


The building, it’s beautiful isn’t it? Isa sa pinakamaganda dito sa Pinas.” tila ba proud na proud na saad ng lalaki sa kaniyang tabi na ikinakunot ng noo ni Rob, muli niyang ibinalik ang tingin sa building sa kanilang harap.


Tingin ko gusto lang magyabang nung may-ari nung building. A person who’s always over the top tapos pinagyayabang yung kung ano ang meron siya.” wala sa sariling saad ni Rob, hindi alintana na mga katangian ni Ace ang kaniyang mga ibinulalas na iyon at nagste-stereotype na siya, bagay na siyang nagbalik sa pagiging takleso ni Rob, isang katangian na siyang ninakaw sa kaniya ng mga bagay na nangyari sa pagitan nila ni Ace.


Muli siyang nagulat nang marinig niya ang isang kaaya-ayang tawa sa kaniyang tagiliran na nanggaling sa lalaki na bigla na lang siyang kinausap, muling tinuon ni Rob ang kaniyang tingin sa lalaking iyon at naabutan niya pa itong nakatingala habang tumatawa, muling umiling si Rob, iniisip na ito ang mga taong kaniyang makakatrabaho kung sakali, mga taong walang duda kung ano pa ang mga pagsubok na kanilang haharapin habang lumalaki ang kumpanya.


Isn’t it the architects fault?” tanong ng lalaki matapos nitong makabawi sa pagtawa sa mga sinabi ni Rob.


Well that too---” simula ni Rob nang makuwa niya ang sinasabi ng lalaki. “---pero diba most of the architects base their designs sa mga request ng kanilang clients so ganun padin yun. The design of this building still shows what the owner is like kahit pa dumaan ang designs niyan sa architect---KUNG--- may architect ngang involved.” pagtatapos ni Rob na lalong ikinatawa ng lalaki saka umiling.


Di ka talaga magpapatalo no?” balik ng lalaki na ikinatigil ni Rob. Masyado siyang nabalot ng panghuhusga sa mga taong iniisip niya ay katulad ni Ace na hindi niya napansin na nakapagsalita siya ng ganun sa isang taong hindi niya pa lubusang kilala, tila naman nabasa ng lalaki ang tumatakbo sa isip ni Rob at agad itong nagpakilala.


Ian.” pagpapakilala ng lalaki sabay abot ng kaniyang kamay kay Rob na mariin naman niyang tinignan. Hindi inabot ni Rob ang kaniyang sariling kamay, unti-unting humupa ang ngiti ng lalaking nagngangalang Ian pero muli itong bumalik nang magsalita si Rob.


Rob.” tumatangong pakilala ni Rob sabay tingin sa kaniyang orasan, nakita niyang male-late na siya sa kaniyang interview kaya naman agad siyang kinabahan.


Shoot!” singhal ni Rob na hindi naman nakaligtas kay Ian.


Late for something?” nakangiti paring tanong ni Ian.


Late na ako sa job interview ko.” umiiling na saad ni Rob saka naglakad papasok sa modernong imprastraktura na iyon.


Wow!” saad ni Ian sabay naglakad kasunod ni Rob. Hindi nagtagal ay pareho na silang nasa loob ng lobby ng magandang building na iyon, dun lang sumagi sa isip ni Rob na hindi niya pala alam kung anong floor nandun ang HR.


HR is on the 24th floor.” nakangiting saad ni Ian na tila ba alam ang problema ni Rob, muling napaharap dito si Rob, naabutan niya si Ian sa gitna ng lobby na tila ba ninanamnam ang ganda ng buong lobby.


Thanks!” saad ni Rob sabay sakay sa elevator.

000ooo000

Nang makalabas ng elevator si Rob ay laking gulat niya nang makita niya ang mahabang pila sa kaniyang unahan, halos mapuno ng mga aplikanteng may hawak hawak na mga resume ang buong hallway, napalunok ng sariling laway si Rob, bigla siyang kinabahan sa kaniyang gagawin. Dahan dahan siyang lumapit sa isang bakanteng upuan at umupo doon, sa kaniyang tabi ay dalawang babae na may mga magarang damit. Maganda ang mga ito at halatang tulad niya ay mataas din ang pinagaralan.


I’m only applying because nabalitaan ko na super gwapo nung boss dito.” kinikilig pang saad ng isa sa mga katabi ni Rob, hindi na niya sana iintindihin ang mga ito nang biglang magsalita ang isa pa niyang katabi.


Nabalitaan ko dalawa yung big boss dito eh, nagmerge daw yung company kaso di pa active yung isang boss kasi busy pa ata sa mga business niya somewhere.” sabi nung isang babae habang abala sa pagre-retouch.


Biglang napaisip si Rob, mali ata ang kaniyang unang naisip na ang kumpaniyang kaniyang ina-apply-an ay isang bagitong kumpanya at ang mga boss ng kumpaniyang iyon ay bigatin nadin. Lalong kinabahan si Rob, Isang taon nadin kasi ang nakaraan mula noong matanggal siya bilang executive assistant ni Ace, hindi na niya alam ang trend ngayon sa pagpapatakbo ng business at ang isa pang ikinakatakot ni Rob ay ang may makakilala sa kaniya kung talagang hindi na bagito ang boss ng kumpaniyang iyon.


Hindi nagtagal ay si Rob na lang ang natitira na nagiintay sa hallway na iyon, lahat ng lumabas sa opisina ng HR ay nakangiti at tila ba nakuwa na ang mga pusisyong kanilang ina-apply-an. Hindi maintindihan ni Rob kung bakit pero nawala ang kaniyang kaba nang makapasok na siya ng opisina, maliban kasi sa ganda ng atmosphere sa loob ng opisina ay sinalubong siya ng mga HR personnel ng nakangiti. Sa halos magdadalawang oras ng walang nakikita si Rob na personnel ng HRD ang lumalabas sa opisinang iyon ay ine-expect na ni Rob masusungit na ang mga iyon dahil sa dami ng ininterview ay malamang pagod na ang mga ito o kaya naman ay gutom na gutom na.


Hi Rob! I’m Star---good morning” masayang bati sa kaniya ng isang may kalakihang babae, nagbigay ng isang matipid na ngiti si Rob at isang magalang na pagbati din. Pinaupo siya ni Star sa upuan sa harap ng lamesa nito at hiningi ang kaniyang mga papel.


You’re applying for the executive assistant position right?” tanong ni Star na sinagot naman ni Rob ng isang magalang na “yes.” saglit pang binasa ni Star ang kaniyang mga papeles habang tumatango-tango ng nakangiti.


Your work experience is impressive---” simula ni Star na agad namang ikinakaba ni Rob dahil pilit paring sumisiksik sa kaniyang isip na baka may makakilala sa kaniya na nakakaalam ng eskandalong nangyari sa kaniya noon.


Congrats! Simula ka na bukas. 8am---” simula ulit ni Star na tuloy tuloy paring nagsasalita. Nang matapos si Star sa saglit na pago-orient kay Rob ay nakangiti itong inintay ang sagot ni Rob.


Excuse me but I thought I heard na simula na ako bukas?” di makapaniwalang tanong ni Rob kay Star na nakangiti paring tumango-tango. Hindi parin makapaniwala si Rob, nagiintay siya na biglang may sumigaw na siya ay na wow mali.

Yup. You’re hired. You see---” simulang paglilinaw ni Star habang tumatayo at kinakawayan si Rob na sumunod sa kaniya palabas ng opisina ng HR, matiyagang sinundan ni Rob si Star papasakay sa elevator. “---this company is very young pero yung mga boss natin is not new with this in fact kasama sila sa ten most outstanding managers and entrepreneurs of 2014 they want to start a new company where everything and everyone is new they want to start fresh---” pabiting saad ni Star sabay bukas ng pinto ng elevator. Bumulaga kay Rob ang napakaluwag na espasyo kung saan may mga nakakalat na cubicle na may mga lamesa at computer at mga masasayang manggagawa na tila ba engganyong enganyo sa kanilang ginagawa.

Simula nung nagbukas ang company our bosses made sure na laging masaya ang mga empleyado nila. Of course this concept is not very new nagawa na ito sa ibang bansa and the result is very good. No employee wants to leave and no employee at wala ring empleyado ang nagpapabaya sa kanilang trabaho. Everyone is dedicated.” pagtatapos ni Star sabay tigil sa harap ng isang salamin na pinto.

Hey Star!” masayang saad ng isang babae na may hawak na clipboard.

Oh Hi Miranda! This is Rob. I’m going to introduce him to Mr. Ramirez. He’ll be taking the post of Executive Assistant.” nakangiting saad Star na lalong ikinangiti ni Miranda.

Welcome aboard, Rob!” saad ulit ni Miranda sabay yakap kay Rob ng mahigpit na ikinailang ni Rob. Habang si Star naman ay walang katok katok na pumasok sa opisina ng kanilang boss.

Uhmm Thanks?”

Go and impress our hot boss!” saad ulit ni Miranda sabay kindat na miya mo ba may gustong ipahiwatig. Nakakunot parin ang noo ni Rob nang muling sumilip si Star upang papasukin siya sa opisna.

Rob?” tawag pansin ni Star na muling gumising sa puso ni Rob upang kumabog at tumibok ng mabilis pero tila ba may sariling buhay ang kaniyang mga paa at tuloy tuloy lang siyang naglakad papasok ng opisina.

And so we meet again!” masayang saad ng isang lalaki na nakapagpatigil kay Rob sa paglalakad.


Itutuloy…


Against All Odds
3[15]
By:Migs

Comments

  1. SORRY SA LATE UPDATE! SALAMAT SA PATULOY NA PAGSUPORTA! I MISS YOU GUYS!

    ReplyDelete
  2. no problem kuya migs...hoping you'll update the soonest..nakakaexcite as always

    ReplyDelete
  3. C ian kya ito o c jase?? hehe exxcited

    ReplyDelete
  4. Ang ganda!! Di na ako makapaghintay sa susunod na chapter!

    ReplyDelete
  5. galing ng twist.. galing mo migs

    ReplyDelete
  6. Astig! Walang kupas tlga ang twist mo sir!

    ReplyDelete
  7. O.O i just wonder why jase suddenly disappeared. And haha ano to cross-over?! XD

    -nix

    ReplyDelete
  8. I was really in the character... I always put myself into them... Very disastrous ang nangyari Kay rob... I hope he will find his happiness for this time around... D ko kinaya ang nangyari sa kaniya... But I felt that being worthless and nothing... But not for a year just for few days... Well a month... Hahhaha... That's why I'm always crying when I always read your stories sir MIGs! I love it... Sana continuous na ang updates... He he he thanks! ^_^

    ReplyDelete
  9. Kuya Migs!!!! Tagal ko nang hindi nagbabasa ng mga blog, jobless sa ngayon kaya nakaroon ng time. Haba ng nabackread ko.

    Halo halo yung emosyon ko sa last chapter.

    Matinding pagkamuhi para kay Ace at Jase.

    Ayoko nang magkatuluyan tuloy si Rob at Jase. Kung sila parin, sana pahirapan ni Rob. Nakakainis kasi, i dont care kung may ayusin or iconfirm sa sarili si Jase or kung ano man pinagdadaanan nya, pero maling mali yung basta na lang sya nawala at hindi personal na nagpaalam kay rob, tapos wala sya nung panahon na kailangan sya ni rob.

    Ayoko din makatuluyan nya yung si Ian kung may mabubuo man.

    Nakakagalit!!!!!!! Kung ako yata si Rob, revenge ang lahat na tatakbo sa utak ko lalo na kay Ace. Sana mapabagsak nya si Ace.

    Sorry kuya migs kung ngayon lang ulit nakapagbasa sa blog page mo.

    Ayaw po lumabas ng comment box kaya niclicked ko na lang yung Reply link dito sa comment mo.

    --ANDY

    ReplyDelete
    Replies
    1. Hindi ko na-edit. Lumabas na yung comment box.

      Delete
  10. Kuya Migs!!!! Tagal ko nang hindi nagbabasa ng mga blog, jobless sa ngayon kaya nakaroon ng time. Haba ng nabackread ko.

    Halo halo yung emosyon ko sa last chapter.

    Matinding pagkamuhi para kay Ace at Jase.

    Ayoko nang magkatuluyan tuloy si Rob at Jase. Kung sila parin, sana pahirapan ni Rob. Nakakainis kasi, i dont care kung may ayusin or iconfirm sa sarili si Jase or kung ano man pinagdadaanan nya, pero maling mali yung basta na lang sya nawala at hindi personal na nagpaalam kay rob, tapos wala sya nung panahon na kailangan sya ni rob.

    Ayoko din makatuluyan nya yung si Ian kung may mabubuo man.

    Nakakagalit!!!!!!! Kung ako yata si Rob, revenge ang lahat na tatakbo sa utak ko lalo na kay Ace. Sana mapabagsak nya si Ace.

    Sorry kuya migs kung ngayon lang ulit nakapagbasa sa blog page mo.

    --ANDY

    ReplyDelete
  11. Anyare kay Jase? Hahaha.

    Grabe ka naman mag-time skip minsan Kuya Migs! Haha.

    Nevertheless good update. Bagong buhay kay Rob. :DDD

    ReplyDelete
  12. I'm excited sa mangyayari sa next part... Sana maka recover na sya... ^_^
    More power sir MIGs!

    -JB :)

    ReplyDelete
  13. Kuyaaa... Ang ganda.... sabi mo last chapter na ang chapter 15.... Anyways... aabangan ko pa rin itong akda mo hihi...

    -JM PEREZ-

    ReplyDelete
  14. yung emotion nitong last two chapter, talagang nadadala ako, ilang araw tuloy akong depressed.. grabe ka talaga!! hugot hugot...

    ReplyDelete

Post a Comment

Popular posts from this blog

Against All Odds 2[38]

The Rebound

Different Similarities 2[16&epilogue]