Against All Odds 3[14]

DISCLAIMER: The following is a work of fiction. Any similarities to any written works and any person, living or dead are purely coincidental. The story is intended for a mature audience. It may contain profanity and references to gay sex. If this offends you, please leave and find something more suitable to read. The author maintains all rights to the story. Do not copy or use without written permission. Email the author at miguisalvador@yahoo.com for comments, suggestions and violent reactions in pertaining to this blog and the stories that comes along with it.

Miya’t miya tumitingin sa kaniyang telepono si Rob. Wala pa kasing text si Jase sa kaniya, ayaw naman niya itong i-text at baka kasi sabihin ay masyado siyang clingy. Hindi narin naman bago sa kaniya ang hindi agad pagtetext sa kaniya ni Jase, minsan kasi ay abala rin ito sa restaurant o kaya naman sa ibang bagay pero hindi niya parin maiwasang isipin na kulang parin ang kaniyang araw habang walang text sa kaniya si Jase.


Habang nagsasalita si Ace sa harapan ng projector ay sumulyap pa saglit si Rob sa kaniyang planner, doon ay naka-tape ang note sa kaniya ni Jase noong umagang iyon. Hindi niya mapigilang mapangiti.

R,
Last night was great.
J.
Pero unti-unting nawala ang ngiti na iyon nang maisip niya nanaman na may kulang sa maikling liham na iyon. Saglit siyang sumimangot.


May I love you sana para mas kumpleto.” saad ni Rob sa kaniyang isip habang pinapadaanan ng kaniyang daliri ang note na iyon galing kay Jase, iniisip na hindi naman nagalangang sabihin iyon sa kaniya ni Jase ng paulit ulit habang pinagsasaluhan nilang dalawa ang init ng kanilang mga nararamdaman.


Pero sa isang note hindi niya masabi?” saad ni Rob sa kaniyang sarili. Agad siyang umiling, umaasa na sa kaniyang pagiling na iyon ay mabubura sa kaniyang isip ang mga ideyang iyon, mga pagdududa na nakakapagpasama ng kaniyang tingin kay Jase.


Rob?”


Huh?” gulat na saad ni Rob na ikinailing ni Ace at ikinahagikgik ng lahat ng tao sa conference room na iyon. Itinuon ni Rob ang kaniyang tingin kay Ace at inalis iyon sa maliit na note ni Jase. Naabutan niyang pinipisil ni Ace ang kaniyang nose bridge, tanda na pinipilit nito ang sarili na huwag magalit.


I’m asking you if we’re ready sa launching ng new brand natin?” mabilis na binuklat ni Rob ang kaniyang planner sa pahina tungkol sa event na iyon.


So far so good, sir. Everything is already set, well except for the center pieces na kulang care of the catering services but other than that everything is going smooth, sir.” saad ni Rob na ikinatango ni Ace.


Good. Good.” Tumatango paring saad ni Ace habang inililibot ang kaniyang tingin sa kaniyang empleyado. Ang iba sa mga ito ay nakatungo at nakatuon ang pansin sa kani-kanilang mga tablet, walang duda na nagdo-double check ng kanikanilang mga assignment para sa event na iyon ang iba naman ay nakatingin lang sa kaniya na mga tila ba naguudyok sa kaniya na magpatuloy lang sa kaniyang mga sasabihin.


This is it guys. Another brand that would make or break our young company. Madami na kayong isinakripisyo for this company, all the late nights, all the papers---”


Lahat ng sigaw mo samin.” singit ni Rob na ikinatawa ng lahat ng andun na ikinangiti na lang ni Ace. Kaya naman ito nasabi ni Rob ay dahil alam niyang nahihirapan si Ace aminin ang mga sinasabi nito kaya pinapagaang niya lang ang sitwasyon.


---yes and that too. Gusto ko lang magpasalamat. Taos pusong magpasalamat sa lahat ng sakripisyo niyo. Kung wala kayo walang wala ang kumpanyang ito.” sinserong saad ni Ace na sinundan naman ng malakas na palakpakan ng mga nandun.


Tinititigan ni Rob ang maamong mukha ni Ace habang nagpapasalamat ito sa kaniyang mga tauhan. Hindi niya mapigilang matuwa para dito dahil sa wakas ay natututunan na nitong magpasalamat sa mga taong nakapaligid sa kaniya. Hindi nagtagal ay napangiti din si Rob nang mapansin niyang sa kaniya na nakatuon ang tingin ni Ace.


Sa ibang tao na nakapansin ng ngiting iyon na ibinabato ng dalawa sa isa’t isa ay maaaring mapagkamalan lamang iyon na isang makahulugang ngiti sa dalawang magkalapit na magkaibigan pero para sa isang tao na nakakaalam ng kung anong namamagitan kila Rob at Ace ay mapapailing na lang ito at ito nga mismo ang ginawa ng lalaking nagmamasid sa hindi kalayuan.

000ooo000

Nakahinga na ng maluwag si Rob nang dumating na ang mga center pieces na kulang ng catering services, maliban kasi sa pagpapanic ni Ace na maging perpekto ang event na iyon at sa paninigaw nito sa kanilang lahat ay nagpapanic nadin si Rob dahil para sa kaniya, para kay Ace at para sa kumpaniya ay gusto niya ding maging perpekto ang event na iyon.


Rob!”


Agad na humarap si Rob sa pinanggalingan ng boses na iyon at nang makita niya ang napakagandang babae na papalapit sa kaniya ay wala siyang nagawa kundi ang mapatitig dito. Naka kulay pulang long gown ito na siyang lalong nakapagpatingkad sa balingkinitan nitong katawan na miya mo ito hindi nanganak ng dalawang beses at ang matingkad na pula ay siya namang makinis na balat, lalo rin itong nagmukhang matangkad sa damit nito na nagbibigay ng ere dito na miya mo ito isang modelo.


Perfect.” sarkastikong saad ni Rob. Hindi dahil perpekto na ang lahat para sa event na iyon, ang music, ang pagkain, ang lugar at ang masasayang tao. Hindi rin dahil perpekto ang suot at itsura ni Sheila ngayon kundi dahil magpasahanggang ngayon ay hindi niya parin alam kung pano makikipagusap kay Sheila at kung pano aarte kasama ito dahil hanggang ngayon ay nakokonsensya parin siya sa mga kasalanang ginawa nila ni Ace dito kahit pa matagal na nung huling may nangyari sa kanilang dalawa.


Sheila!” masayang saad ni Rob sabay halik sa pisngi nito.


You look wonderful as always!” masayang saad ni Rob dahil narin sa kawalan ng masabi.


Sorry Rob you know how I love you and I would complement you even when you decided to dress like a homeless man but I think you’re a little bit undressed for tonight.” masuyong saad ni Sheila habang tinitignan si Rob mula ulo hanggang paa.

Agad na namula ang mga pisngi ni Rob, abala siya sa paghahanda at pagche-check ng lahat ng kakailanganin para sa gabing iyon kaya naman hindi na niya namonitor ang oras at hindi siya agad nakapagpalit ng damit, noon lang din napansin ni Rob na unti-unti ng nagdadatingan ang mga bisita.


Let me guess, nawala na sa loob mo na malapit ng magsimula ang event dahil sa sobrang busy no? Rob, everything is already perfect---” sabi ni Sheila sabay tingin sa paligid niya.

Pero--”


Si Ace? Ako ng bahala sa kaniya.” pagtatapos ni Sheila para sa kaniya.


Thanks.” nakangiting saad ni Rob, hindi dahil sa sinabing ito ni Sheila, alam naman niyang kayang kaya nito si Ace ang totoong pinagpasalamat niya ay ang pagkakataong makalayo sa magandang babae na ito.


Go get dressed. I’ll cover for you.”


Hindi na nagdalawang isip pa si Rob at agad na siyang bumeso ulit kay Sheila at nagmadaling umalis sa tabi nito, madami dami na ang mga bisita na dumating at nakita na niya ang iba sa kaniyang mga kasamahan sa trabaho na nakapagpalit na ng mga magagarang damit at nage-entertain na ng mga bisita.


Nasulyapan niya si Ace na nakikipagusap na sa mga magiging endorser ng kanilang bagong brand. Natural na talaga dito ang pagiging ma-charisma, magaling din itong magsalita na kadalasan ay hindi naman puro pambobola lang ang sinasabi nito, hinding hindi rin mabo-bore ang kung sino mang kausap nito bagay na talaga namang hinahangaan ni Rob.


With his charisma and your brilliant mind you two are indestructible.” saad ng isang lalaki sa tabi ni Rob na ikinagulat pa nito.


Geesh Peter you almost gave me a heart attack!” saad ni Rob sabay lakad ulit papunta sa elevator para sana makabalik na siya sa kaniyang kwarto upang makapagbihis na at para makalayo nadin siya kay Peter. Si Peter ang isa sa mga empleyadong tila ba hindi loyal kay Ace, isang empleyado na kahit pa tama ang compensation na natatanggap ay hindi parin makuntento sa kung ano mang binibigay sa kaniya, isang empleyado na walang ibang bukang bibig kundi reklamo.

Will you look at that. Mr. and Mrs. Sto. Domingo--- napakaswerte talaga ni sir Ace, lahat na nasa kaniya. Successful, may magandang pamilya at malulusog na anak. Wala na siyang mahihiling pa. You should be at his side too, Rob kapag nagpapapicture sila. Imagine lahat ng meron siya in just one photo. A beautiful wife, healthy kids, successful business and a brilliant executive assistant.” saad ni Peter bago pa man makalayo ng tuluyan si Rob. Napatigil si Rob sa paglalakad sa sinabing ito ni Peter at wala sa sariling tinapunan muli ng tingin si Ace.

Sa tabi ni Ace ay si Sheila. Napakaganda nilang tignan habang magkasama, bagay na miya mo talaga ginawa para sa isa’t isa, hindi magkamayaw ang mga kumukuwa ng litrato sa dalawa, walang duda na hindi magtatagal ay malalathala ang event na iyon sa mga dyaryo at magazines at tulad noong isang taon ay mapapasama nanaman ang dalawa sa listahan ng mga power couple. Hindi mapigilan ni Rob ang mapangiti habang hinihimay ang sinabing iyon ni Peter, kung nuong isang taon ito sa kaniya sinabi ni Peter ay malamang umiiyak na siyang nagtatakbo papunta sa kaniyang kwarto at magmumukmok dahil sa selos pero ngayon ay iba na ang sitwasyon.


Masaya na si Rob kay Jase. Lalong lumaki ang ngiti ni Rob at nang iiwas na niya ang kaniyang tingin mula sa kinatatayuan nila Ace at Shiela ay doon niya lang napansin na nasa kaniya parin ang pansin ni Peter.


Nah. Masaya na ako na nasa sidelines lang. Hindi na niya ako kailangan lagi sa tabi niya at ganun din ako sa kaniya.” makahulugang sagot ni Rob na ikinakunot ng noo ni Peter. Nakangiti paring naglakad palayo si Rob papunta sa kaniyang tinutuluyang kwarto sa hotel na iyon.


Nang sa wakas ay mapatapat na siya sa pinto ng kaniyang tinutuluyang kwarto ay wala sa sarili niyang inilabas mula sa kaniyang bulsa ang kaniyang telepono. Tulad kanina ay wala paring tawag o kaya naman text si Jase sa kaniya pero imbis na madismaya ay lalo pang lumaki ang ngiti sa kaniyang mukha at nagsimulang magtype ng mensahe.

I miss you!”

000ooo000


Tinignan ni Rob ang kaniyang sarili sa salamin, ilang saglit niya pang tinitigan ang kaniyang sarili sa bawat anggulo.


Hmmm… mukha akong kagalang galang.” saad ni Rob sa kaniyang sarili atsaka humagikgik.


Nang makuntento na sa kaniyang itsura ay agad na tumalikod si Rob mula sa malaking salamin at saka tinungo ang kinaroroonan ng kaniyang telepono. Napasimangot siya nang makitang wala na itong battery at lalo pa siyang napasimangot nang maalalang hindi niya rin dala ang kaniyang charger.


Oh well.” kibit balikat na saad ni Rob sa kaniyang sarili saka inilapag muli ang telepono sa lamesa, iniisip na pagkauwi niya at kapag nabuksan na niya muli ang telepono ay sigurado siyang may message na si Jase sa kaniya.

Excited ng lumabas si Rob sa kaniyang kwarto at magenjoy nang marinig niya ang marahang pagkatok sa kaniyang pinto. Kunot noo siyang lumapit dito at binuksan. Sa kaniyang harapan ay si Ace, nakangiti ito at may hawak na iang mamahaling bote ng wine.


Can I come in?” tanong nito sa kay Rob pero hindi pa man nakakasagot si Rob ay mabilis na nitong nilagpasan ang may kwarto at pumasok.


We’re going to be late.” umiiling na saad ni Rob pero hindi na niya nasundan pa ang sasabihin nang maramdaman niya ang marahang paghila sa kaniya ni Ace at inikot siya na para bang nasa dance floor sila at kasalukuyan silang nagsasayaw.


You look good.” saad ni Ace sabay isinandal si Rob sa counter at sinubukan itong halikan, agad na inilapat ni Rob ang kaniyang kamay sa matipunong dibdib ni Ace upang pigilan itong mapalapit sa kaniya at ilapat ang mga labi nito sa kaniyang sariling mga labi.


Kumunot ang noo ni Ace sa pagtataka sa ginawang ito ni Rob. Mabilis inalis ni Rob ang sariling katawan sa pagkakadikit sa katawan ni Ace.


You’re looking not so bad yourself.” nakangiting saad ni Rob sabay marahang tinulak si Ace palabas ng kaniyang kwarto kasunod siya.


Hindi man sinasabi ni Rob sa kaniya ay nakuwa na niya na ayaw na ayaw na ni Rob gawin ang kanilang mga makamundong gawain noon. Napangiti na lang siya at napailing sa marahan at hindi nakakasakit na pangre-reject sa kaniya ni Rob, inaamin din niya sa kaniyang sarili na kahit papano ay nadagukan din ang kaniyang pagkalalaki na siyang nagtulak sa kaniya na may ipagtanto.


You really like him do you?” tanong ni Ace kay Rob habang iniintay nila ang elevator na makarating sa floor na kinalalagyan nila.


I really love him and the feeling is mutual.” pagamin ni Rob na siyang kumurot sa puso ni Ace. Wala ng napagusapan sa pagitan nilang dalawa. Tahimik parin silang naglalakad papunta sa lugar kung saan nandun ang launching ng kanilang panibagong brand.

Nang makarating silang dalawa kung saan idinadaaos ang brang launching nila ay agad silang nagtaka, nakatingin sa kanila ang lahat ng tao doon, may mga pinaghalo-halong tingin ng pandidiri, pagkadismaya, lungkot at pangungutya. Nagsimulang manlamig ang buong katawan ni Rob at agad siyang binalot ng takot lalo pa nang makita niya ang galit nag alit na si Shiela na papalapit sa kaniya.


Dalawang malutong na sampal ang ibinigay ni Shiela kay Rob at Ace. Tila napako si Rob sa kaniyang kinatatayuan, ipinako doon ng mga mapanghusgang tingin ng mga taong nanonood sa kanila lalong nanlambot si Rob nang marinig niya ang isang pamilyar na halinghing na nanggagaling sa malalaking speaker na naka set up doon.


Stop it!” singhal ni Ace sa humahawak ng audiovisual na dahil sa gulat ay hindi rin agad naitigil ang malaswang palabas na pinagbibidahan ng dalawang magkaibigan. Nagkumahog ang mga tauhan ng audiovisual sa pagpatay ng palabas, saglit na binalot ng katahimikan ang buong paligid pero hindi nagtagal at binalot na ng usap-usapan ang buong paligid at namutawi na muli ang mga flash ng camera na siyang nakatutok sa kanilang tatlo nila Sheila.


Kailan niyo pa ako ginagawang tanga?” tanong ni Sheila sa dalawa, magsasalita na sana si Rob nang magsalita si Ace.


He made me do it---” malakas na saad ni Ace na nagbalot ng malalakas na gulat sa mga taong nandun pagkatapos ay muling tumahimik ang paligid. Maluha-luhang ibinaling ni Rob ang kaniyang tingin kay Ace.


Nagmanhid ang buo niyang katawan habang pinapakawalan ni Ace ang mga kasinungalingan na iyon.


---he blackmailed me, kung hindi daw ako papayag sa gusto niya ibibigay niya sa mga kakumpitensyang kumpanya ang mga plano ng kumpanya natin. This company is everything to me, you have to understand, Sheila. You all have to understand that I will do everything for this company.” muli sa pagtatapos na iyon ni Ace ay muling binalot ng gulat ang buong lugar na ikinayuko na lang ni Rob, sa kaniya ring pagyuko na iyon ay malaya ng tumulo ang kaniyang mga luha.


Dahan-dahan siyang naglakad palayo sa lahat ng tao. Dahan-dahan siyang naglakad palayo sa mga mapanghusgang mga dila at tingin ng mga taong nakarinig ng kasinungalingan na iyon ni Ace.

Wala na siyang lakas upang ipagtanggol ang kaniyang sarili.

Wala na siyang iba pang maramdaman.


May kung anong bagay ang tumama sa kaniyang likuran at nasundan pa ito ng marami bagay, tissue, table napkin papel, hindi na alam ni Rob at wala na siyang pakielam, tinatawag na rin siya ng karamihan ng tao na nandun ng kung ano anong masamang pangalan pero ni isa sa mga iyon ay walang makasakit ng sobra sa kaniyang puso kumpara sa ginawang pambibintang sa kaniya ni Ace. Ilang taong pagkakaibigan at pagsasama binura ng desperasyon.

At ang masama pa nito ay hindi niya magawang magalit kay Ace dahil sa desperasyon na iyon.


Gold digger!”


Bakla!”


Maninira ng pamilya!”


Rob wait!” tawag ng isang lalaki kay Rob pero patuloy lang siya sa kaniyang paglalakad palayo pero hindi rin nagtagal ay naabutan ng lalaking iyon si Rob, hinarangan niya ito sa paglalakad.


Tila naramdaman ni Peter kahit kapiranggot ang nararamdaman ni Rob sa mga oras na iyon sa pamamagitan lang ng pagtingin dito. Agad siyang binalot ng pagsisisi.


Rob, I'm sorry.” sa sinabing ito ni Peter ay agad na nagtaas ng tingin si Rob. Muntik nang ipikit ni Peter ang kaniyang mga mata upang hindi makita ang sakit na rumerehistro sa puntong iyon sa mga magagandang mata ni Rob.


I-I j-just want to teach him a lesson. I-I never thought that he will blame this all on you. I-I never meant this to get out of hand. Rob, I'm so---”


You ruined my life.” simpleng singit ni Rob kay Peter na nakapagpatahimik sa huli dahil alam niyang totoo ang sinasabi nito. Agad nanlabo ang kaniyang mga mata at nangilid ang kaniyang mga luha dahil sa lubos na pagsisisi. Hindi na nagawa pang humingi ng tawad ni Peter. Nawalan ng lakas ang kaniyang buong katawan upang pigilan sa paglalakad palayo si Rob.


000ooo000


Wala paring tigil ang pagtulo ng kaniyang mga luha at nabawasan lang ang sama ng kaniyang loob nang makita niya ang nakaparadang sasakyan ni Jase sa harap ng bahay nito. Hindi na siya nagatubili at pinindot na niya ang doorbell. Hindi na makapgintay na makita, makausap at mayakap si Jase. Magiliw siyang binati ng mga kasambahay nila Jase at tinanguan niya lang ito, walang duda na nagtataka ang mga ito sa kaniyang ayos pero wala siyang pakielam, nais niya lang makulong sa yakap ni Jase, isang lugar na alam niyang wala ng makakasakit sa kaniya, lugar na alam niyang ligtas siya.


Rob? Honey, what happened? Are you OK?” saad ng ina ni Jase sabay yakap dito, saglit hinayaan ni Rob ang maninipis na braso ng matanda na balutin ang kaniyang katawan pero agad din siyang kumawala dito.


Sorry tita for barging in like this. Is Jase here?” magalang paring tanong ni Rob sa ina ni Jase.


Ha? Hindi ba niya sinabi sayo--?” nagtatakang tanong ng matandang babae. “---nagmamadali siyang umalis kanina right after we celebrated Aaron’s first year death anniversary saying that he have some things to figure out. Hindi niya sinabi samin kung saan siya pupunta ang sinabi niya lang is matagal siyang mawawala and that he will just call.” nagaalalang kwento ng matandang babae.


Sa ikalawang pagkakataon sa araw na iyon ay tumigil ang buong mundo ni Rob.


Itutuloy…

Against All Odds
3[14]
By:Migs

Comments

Post a Comment

Popular posts from this blog

Against All Odds 2[38]

The Rebound

Different Similarities 2[16&epilogue]