Against All Odds 3[7]
DISCLAIMER:
The following is a work of fiction. Any similarities to any written
works and any person, living or dead are purely coincidental. The
story is intended for a mature audience. It may contain profanity and
references to gay sex. If this offends you, please leave and find
something more suitable to read. The author maintains all rights to
the story. Do not copy or use without written permission. Email the
author at miguisalvador@yahoo.com
for comments, suggestions and violent reactions in pertaining to this
blog and the stories that comes along with it.
Hindi
alam ni Rob kung bakit doble ang kaniyang nararamdamang
pangongonsensya sa sarili ngayon. Matagal na nilang ginagawa ni Ace
ang kamunduhang iyon sa likod ng asawa nito pero hindi niya
maintindihan kung bakit kakaiba itong pagkakataon na ito, hindi niya
alam kung ito ba ay marahil sa alam niyang nasa malapit lang si
Sheila at malaki ang tyansa na mahuli sila nito o may iba pang rason
na hanggang ngayon ay hindi niya parin alam at naiintindihan.
Mabilis
niyang inayos ang kaniyang sarili habang si Ace ay humihingal parin
matapos ang kanilang ginawa at mataman siyang pinapanood. Umiiling
siya at tila ba paiyak na, bagay na hindi nakaligtas sa mapanuring
mata ni Ace.
“Why
do you look so upset?” tanong ni Ace sabay tayo ng maayos at inayos
ang sarili.
Natigilan
si Rob at napasinghap sa sinabing ito ni Ace. Sa puntong iyon ay alam
na ni Ace na may nasabi siyang mali. Dahan-dahang humarap sa kaniya
si Rob at nangingilid luhang tinignan ng mariin si Ace saka nagsalita
sa pagitan ng kaniyang mga ngipin.
“Your
wife is downstairs waiting for you.” pabulong na sikmat ni Rob.
Hindi ito ang inaasahang sagot ni Ace pero ang sagot na iyon ni Rob
ang siyang gumising sa kaniya na miya mo ba minura siya ni Rob ng
sampung beses.
Nanaig
sa kaniya ang hindi maipaliwanag na emosyon kanina nang makita niya
uli si Rob, sa sobrang tindi ng kaniyang naramdamang iyon ay nawala
na sa kaniyang isip ang kaniyang asawa na kaniyang saglit lamang na
pinaghintay dahil may nakalimutan siya at kailangang balikan sa
kaniyang opisina. Mabilis na ding nagbihis si Ace pero bago pa man
niya maiayos ang sariling pantalon ay bumagsak na at lumapat ang
pinto ng kaniyang opisina, sinara ni Rob na hindi man lang nagpaalam
kay Ace at hindi manlang sinabi kung bakit masama ang loob nito.
000ooo000
Hindi
pumasok si Rob kinabukasan, gusto niyang iwasan si Ace, hindi niya
alam kung ano ang nagtulak sa kaniyang mag desisyon na tama na ang
panggagamit nito sa kaniya, kung ano ang nagtulak sa kaniya na
sabihing “Tama na.” basta alam niyang gusto na niya itong
gawin sa lalong madaling panahon. Naka ilang tawag na ang opisina sa
kaniya at hindi niya ito sinasagot, umabot pa sa puntong kailangan
siyang bantaan ni Ace na kung hindi siya magpapakita sa opisina ay
wala na siyang babalikang trabaho.
Pero
hindi siya natinag.
Alam
niyang hindi siya kayang basta-basta pakawalan ni Ace. Masyado na
siyang madaming naiambag sa kumpanya nito, sa sobrang dami ay maaari
an nga siyang maging ka-partner ni Ace dito kaya naman hindi siya
nangangamba sa mga pagbabantang iyon ni Ace.
Isa
pang ikot mula sa kaniyang kumportableng higaan at muli niyang
narinig ang pagtunog ng kaniyang telepono, hudyat na meron nanamang
nagtext sa kaniya. Naiinis niyang kinuwa ang kaniyang telepono at
sinumpa na kung si Ace nanaman ito at binabantaan nanaman siya ay
magdedesisyon siyang umalis na lamang din sa kumpanyang iyon.
Pero
taliwas sa kaniyang inaasahan ang kaniyang nabasang mensahe.
“I'm
sorry.”
Agad
na lumambot ang kaniyang puso. Oo, matagal nang may namamagitan sa
kanila ni Ace pero mas matagal silang naging magkaibigan bago pa
naging kumplikado sa kanila ang lahat at dahil nga matagal narin
nilang kilala ang isa't isa ay alam niyang sinsero ang paghingi nito
ng tawad kahit pa sa text lang ito.
Hindi
na niya ito sinagot at muli na lang umikot ng pagkakahiga. Habang
nakatingin sa puting pader ng kaniyang kwarto ay hindi niya parin
magawang alisin sa isip si Ace, Oo at madalas niya itong patawarin na
laging nauuwi nanaman sa isang bagay na maaaring ikasakit niya pero
iba na ngayon. Handa niya itong patawarin pero hanggang doon na lang
iyon. Hanggang pagkakaibigan na lang sila bago pa sila tuluyang
magkasakitan at makadamay ng ibang tao, tulad ni Sheila.
Handa
na siyang maging matalik na kaibigan na lamang ni Ace.
Habang
nasa ganitong pagiisip si Rob ay muling tumunog ang kaniyang
telepono, nagpakawala siya ng isang buntong hininga, sigurado siyang
si Ace ito, mangungulit na pumasok siya dahil may kung anong
mahalagang bagay silang gagawin. Muling bumabalik ang pagkairita ni
Rob sa katawan nang makita niyang hindi pala si Ace ang nagtext kundi
si Jase.
Hindi
pa man nabubuksan ni Rob ang mensahe ay agad na nalusaw ang lahat ng
kaniyang pagkainis at pagaalinlangan na dulot ng hindi nanaman nila
pagkakasundo ni Ace at wala sa sarili siyang napangiti.
“I'm
going to pick you up at 8pm later. Remember, dress to impress.”
Simple
lang at aaminin niyang hindi parin niya naiintindihan ang gagawin
nila mamya ni Jase pero hindi parin napigilan ni Rob ang ma-excite.
At
sa wakas, matapos ang ilang oras pagkatapos niyang magising ay
bumangon na siya sa kaniyang kinahihigaan, may gana na siyang harapin
ang araw na iyon. Saglit siyang napatigil nang maalalang hindi nga
pala alam ni Jase na hindi siya pumasok ngayon at kung susunduin siya
nito sa bahay ay hindi naman nito alam ang kaniyang tinitirahan kaya
naman maingat siyang nag-compose ng isang mensahe sa kaniyang
telepono, kahit na may pagaalinlangan sa kaniyang ginawang text ay
pinadala niya parin ito kay Jase.
“I
didn't go to work today. Sa bahay mo na lang ako sunduin? :-)”
Ilang
minuto na ang nakakalipas at hindi pa sumasagot si Jase. Muli
nanamang binalot ng kaba si Rob. Pilit na tintatong ang sarili kung
may nasabi ba siyang hindi maganda.
“Masyado
bang naging demanding ang labas ko?” tanong
niya sa kaniyang sarili habang nakatulala sa labas ng bintana ng
kaniyang kusina, hindi matapos tapos ang inihahandang agahan para sa
kaniyang sarili.
“Did
I already scare him off?”
“Na
turn off kaya?” ang ilan
lamang sa mga bagay na gumugulo sa isip ni Rob, hindi makuwang ituloy
ang kaniyang ginagawang pagluluto dahil baka lamang masunog niya ang
pagkain o kaya naman maaksidente pa siya sa paghihiwa ng mga isasahog
dito.
Nang
hindi na mapakali ay muling dinampot ni Rob ang kaniyang telepono at
babawiin na lang sana ang kaniyang sinabi nang bigla itong tumunog,
sa sobrang pagkabahala ay nagulat pa si Rob at muntik mabitawan ang
kaniyang telepono. Kinakabahan ay agad ding binuksan ni Rob ang
mensahe na mula kay Jase.
“No
problem. :-D Send me your address saka mga landamrks na malapit dyan
sa house mo. ;-)”
Hindi
alam ni Rob kung magtatatalon siya sa tuwa o magapadala sa kaniyang
matinding kaba at excitement. Mabilis siyang nag-type sa kaniyang
telepono ng lahat ng landamarks malapit sa kaniyang tinutuluyan at
kung ano ang kulay, itsura at laki ng kaniyang bahay at ang
kumpletong address nito.
“Got
it! :-)” reply ni Jase na
nakapagpangiti ng malaki kay Rob.
000ooo000
“Uy,
yung pinagusapan natin ah.”
“Yup.
I'm already on my way there.”
Wala
sa sarili ngumiti si Jase saka pinatay ang makina ng kaniyang
sasakyan, proud sa kaniyang sarili na bumaba ng kotse at naglakad
papalapit sa gate ng bahay ni Rob. Pinindot niya ang doorbell at
hindi nagtagal ay narinig niya ang pagbukas ng front door at ang
pagsara nito ulit. Napangiti siya nang makita niyang bumukas na ang
gate sa kaniyang harapan at lalong napangiti nang makaharap na niya
ang nakangiti ding si Rob.
“Pasok
ka muna.” bati ni Rob na gumising kay Jase sa pagtingin sa porma
nito.
Alam
naman ni Jase na may itsura Rob pero hindi niya inaasahan na magaling
din itong manamit, madalas niya itong nakikita na naka business
attire na simple lang sa kaniyang panlasa pero ang porma ngayon ni
Rob ang nagtulak sa kaniyang isipin na kung asa modeling business pa
siya ay hindi siya magdadalawang isip na kuwanin ito.
“Hindi
na, we're already running late and they're already on their way sa
restaurant.” mabilis na saad ni Jase saka biglang hinila ang kamay
ni Rob papalapit sa kaniyang sasakyan. Dahil sa bilis ng pangyayari
ay hindi pa agad nakuwa ni Rob ang sinabi ni Jase.
“Wait
what?” tanong ni Rob sabay bawi ng kaniyang kamay mula sa
pagkakahawak sa kaniya ni Jase.
“We're
already running late. Papunta na yung date mo sa restaurant---”
“Wait!”
sigaw ni Rob na pumutol sa sasabihin sana ni Jase. Dun lang
napagmasdan ni Rob ang itsura ni Jase. Nakashorts lamang ito at
running shoes at simpleng t-shirt, malayong malayo sa kaniyang dress
to impress na estado ngayon.
“Nag
set-up ako ng blind date---” simula ulit ni Jase habang tinutulak
si Rob papasok ng kaniyang sasakyan.
“WHAT?!”
sigaw ni Rob na ikinagulat ni Jase.
“What?”
painosenteng tanong ni Jase na siyang ikinainis ni Rob.
“Hindi
mo manlang sinabi sakin na--- akala ko---” simula ni Rob pero
pinigilan niya ang kaniyang sarili, natatakot na mapahiya sa kaniyang
maling akala, saglit niyang tinitigan si Jase sa mga mata nito at
alam niya at sigurado na siya na nagkamali nga siya ng akala. Umiling
siya at pilit na inalis sa kaniyang sistema ang inis.
“eh
pano kung mamamatay tao pala yung sinet-up mo sakin. Worse mabaho ang
hininga! Hindi mo manlang ako sinabihan na ise-set up mo pala ako sa
isang blind date! Gawd Jase! Saka sinong may sabi sayo na kailangan
ko ng date?! Masaya akong single!” pagtatapos na lang ni Rob upang
makaiwas sa kahihiyan dulot ng maling akala na si Jase ang kaniyang
ka-date.
“Yung
totoo mas worst ang magkaroon ng date na mabaho ang hininga kesa sa
ka-date na mamamatay tao?! At saka---” simulang saad ni Jase saka
pinasadahan ng isang nakakalokong tingin si Rob simula ulo hanggang
paa na ikinamula ng pisngi nito at ikina-conscious nito.
“WHAT?!”
naiinis na hindi mo maintindihang tanong ni Rob kay Jase.
“Kaya
pala naka dress to impress ka parin. Kung masaya ka talaga bilang
single hinid ka magdre-dress to impress.” pagpuna ni Jase na
nakapagpatameme kay Rob, ipinamukha sa kaniya ni Jase na halatang
excited siya na lumabas at magpaimpress sa mga taong makakakita sa
kaniya. Sasagot na sana siya nang biglang ibagsak ni Jase ang pinto
ng sasakyan sa kaniyang mukha at mabilis na umikot at sumakay sa
driver's side.
“I
hate you.” saad ni Rob na parang bata sabay itiniklop ang kaniyang
mga kamay sa dibdib. Napatawa na lang si Jase dahil alam niyang wala
ng magagawa ang kaniyang kaibigan sa kaniyang gustong mangyari.
Nakangiti
paring pinaandar ni Jase ang kaniyang sasakyan palayo habang si Rob
naman ay nagngingitngit sa kabilang bahagi ng sasakyan.
000ooo000
Nang
itigil na ni Jase ang sasakyan sa labas mismo ng restaurant ay hindi
niya mapigilang mapansin ang biglaang pananahimik ni Rob. Agad na
nangunot ang kaniyang noo. Sa ilang buwang pagkakakilala niya kay Rob
ay ngayon niya lang nakitang may pagaalinlangan ang mga mata nito.
“Hey---
Don't worry. K-kung hindi mo magugustuhan ung date na nireto ng
friend ko sayo papasok ako dun and pretend that there's an emergency
tapos hihilahin kita palayo sa kaniya!” nakangiti at parang batang
may naisip na magandang ideya, una ay tila nagaalangan pa ito at
hindi alam ang kaniyang sasabihin kaya mabagal na lumabas ang mga
salita mula sa kaniyang bibig pero habang nagiging sigurado ito ay
pabilis ng pabilis ang paglabas ng mga salita mula sa bibig nito.
Hindi
napigilan ni Rob ang mapailing at mapahagikgik sa inasal ni Jase na
ikinataka ng huli pero hindi naglaon ay napahagikgik nadin ito.
Nagtama ang tingin nilang dalawa at napatawa sila pareho ng malakas
at nang humupa na ang kanilang tawanan at tanging pagtatama lamang ng
kanilang mga mata ang tanging komunikasyon sa pagitan nilang dalawa
bago pa man ito putulin ni Jase sa pamamagitan ng pagsasalita.
“O
siya sige na pumasok ka na dun, darating na yun, promise.”
nakangiting saad ni Jase na siyang nagbalik ng pagaalinlangan sa
mukha ni Rob pero nakuwa parin nitong tumango bilang pagpayag sa
gustong mangyari ni Jase.
Lumabas
na si Rob sa sasakyan ni Jase at dahan-dahang naglakad papasok ng
restaurant, wala sa sarili niyang inayos ang kaniyang sarili, tanda
na siya ay kinakabahan. Saglit pa siyang tumigil sa harapan mismo ng
restaurant at tinignan pa ang pagbubukas ng pinto ng isa sa mga staff
doon bago siya nagpakawala dito ng isang kinakabahang ngiti.
Kinakabahan
parin siyang lumapit sa lamesang inireserba ni Jase at umupo sa isa
sa mga upuan na nakapalibot dito. Iginala niya ang kaniyang mga mata
at doon niya napansin ang sasakyan ni Jase na nakaparada sa labas
mismo ng bintana na siya namang nasa harapan mismo ng lamesa na
pinupwestuhan ni Rob.
Nakita
niyang ngumit si Jase, kumaway at kumindat mula sa loob ng sasakyan
nito. Kung hindi nila pareho papansinin ang pader, salamin ng bintana
at salamin ng sasakyan ni Jase ay para naring hindi bamaba ng
sasakyan si Rob at magkaharap parin sila ngayon ni Jase.
“I
hate you.” bulalas ni Rob.
Kitang
kita ni Jase ang hindi mapakaling si Rob sa loob ng restaurant at
kitang kita niya din nang tignan siya nito ng mariin at nagsalita.
Naintindihan niya ang sinabi nito nang mabasa niya ang pagbuka ng
bibig nito pero hindi niya sineryoso ang sinabi nito at ngumiti lang
siya.
Miya-miya
pa ay nakita ni Jase na pumasok ang isang lalaki sa restaurant,
nakita niya itong tumingin sa pwesto ni Rob at hindi niya mapigilan
ang ngiti sa kaniyang mukha na mawala. Hindi niya inaasahan ang
lalaking pumasok sa restaurant. Pinanood niya itong lumapit sa may
pinupwestuhan ni Rob at nakita niya ang pakagulat sa mukha nito.
“U-oh---”
saad ni Jase.
Pinagmasdan
pa muna ni Jase ang kararating lang na lalaki. Malayong malayo ito sa
tinukoy ng kaniyang kaibigan na rumeto dito. Unang tingin pa lang
dito ay alam na niyang hindi ito ang hinahanap ni Rob pero hindi niya
agad pinutol ang date na iyon dahil hindi naman siya sigurado dahil
sa pagkakakilala niya kay Rob ay kung hindi man niya maging partner
ang bagong kilalang lalaki ay baka maging kaibigan naman nila ito.
Pero
habang patagal ng patagal ang kaniyang panonood sa nangyayari kila
Rob sa loob ng restaurant ay tila ba lalong nagtutulak sa kaniya na
sugurin ang loob ng restaurant at hilahin palabas ng restaurant si
Rob. Kitang kita niya na kahit sa katulad ni Rob na isang
palakaibigan at walang masamang tinapay ay tila ba binabalot din ng
pagaalangan sa isang tao. Hindi man naririnig ni Jase ang sinasabi ng
ka-date nito ay nababasa parin ni Jase base sa body language nito at
ang reaksyon sa mukha ni Rob na may mga sinasabi itong hindi maganda.
At
ang tumuldok sa paghihintay at pagpipigil ni Jase sa kaniyang sarili
ay ang pagtrato ng lalaking iyon sa waiter nila. Halatang halata,
base sa rekasyon ni Rob, ng waiter at ng halos lahat ng tao doon ay
sinisigawan ng lalaking iyon ang waiter. Muling napadako ang tingin
ni Jase kay Rob at nagtagpo ang tingin ng dalawa. Tila muling nawala
ang mga bagay na naghihiwalay sakanila at parang magkatabi ulit sila.
000ooo000
“KUNG
TINATAMAD KA SA TRABAHO MO MAGRESIGN KA NA LANG!” sigaw muli ni
Chad ang lalaking ka-date ngayon ni Rob sa waiter nila na ang tangi
lang ginawang mali ay ang humikab ng pasimple.
Pagkakitang
pagkakita pa lang ni Rob sa lalaking ito ay alam na niyang tila ba
papalapit nanaman sa kaniya si Ace, itsura pa lang alam na niyang
mayabang, possessive at egocentric pero hindi niya hinayaan ang
kaniyang mapanghusgang isip na manguna at binigyan niya pa ito ng
pagkakataon pero pagkabukang pagkabuka pa lang ng bibig ng Chad na
ito ay alam na niyang hindi na kailangan pa itong bigyan ng
pagkakataon.
Nagmamakaawa
na siyang tumingin sa pwesto ni Jase sa sasakyan nito pero mariin
lang itong nakatingin kay Chad.
“Akala
ko ba lalapit ka dito at hihilahin ako palabas ng restaurant kapag
hindi ko siya nagustuhan?” tanong
ni Rob kay Jase kahit pa alam niyang hindi siya nito naririnig at
tanging sa utak niya lang ito sinasabi.
Nagaalangan
niyang ibinalik ang kaniyang tingin kay Chad na noon ay sinisigawan
parin ang waiter at ngayon, dahil lumapit nadin ang manager ng
restaurant ay pareho na itong pinagsisigawan ni Chad at talaga namang
nahihiya na si Rob para dito dahil pati ang ibang mga tao sa loob ng
restaurant ay nakatingin na sila.
“Let's
go—-” saad ni Jase na ikinagulat ni Rob. Hindi niya napansing
pumasok na pala ito sa restaurant.
“Wha---”
“C'mon.”
aya ulit sa kaniya ni Jase, wala na lang siyang nagawa kundi ang
tumango at tumayo mula sa upuan na katabi lamang ni Chad. Napansin ng
huli ang biglaang pagtayo ni Rob.
“Excuse
me, where are you going with my date?” maanghang at mahanging
tanong nito kay Jase na mukha namang hindi papahuli.
“Away
from you, asshole!” singhal ni Jase sabay kinaladkad si Rob palabas
at pasakay ng sasakyan.
Mainit
paring pinaandar ni Jase ang kaniyang sasakyan. Hindi makapaniwala sa
kagaspangan ng ugali ng taong inireto ng kaniyang kaibigan para kay
Rob. Ilang mura ang kaniyang pinakawalan at mahigpit ang kaniyang
hawak sa manibela, nahihiya siya kay Rob, sa lahat ng naitulong nito
sa kaniya ay ito pa pala ang kaniyang isusukli dito.
“Hey.
Relax.” mahinahong tawag pansin sa kaniya ni Rob na sa hindi
maipaliwanag na dahilan ay nakapagpakalma sa kaniya.
“It's
just that---”
“It's
OK. Chill ka lang, baka maaksidente pa tayo niyan.” nakangiting
saad sa kaniya ni Rob na lalo pang nakapagpakalma sa kaniya.
“I'm
sorry.” habol ni Jase na ikinangiti at ikinatango lang ng matipid
ni Rob.
“Don't
worry about it. Let's just focus on your business---” at simula
noon ay tanging ang business na lang niya ang lumabas sa mga
magagandang labi ni Rob pero hindi niya napakinggan ang mga yun dahil
desedido siya na ihanap ito ng taong magpapahalaga dito.
“Hey,
are you even listening?---” simula ni Rob pero nang hindi sumagot
si Jase ay nag-assume na lang ito na ang pananahimik at hindi
pakikinig sa kaniya ni Jase ay dahil sa nangyaring kahihiyan kaninang
dulot ni Chad.
“---look,
I told you it's OK. There are douche bags talaga dito sa mundo and we
haven't met the half them kaya chill ka lang diyan, don't stress too
much on people like them.” nakangiting saad ni Rob saka
ipinagpatuloy ang pag-a-advise niya kay Jase tungkol sa businees.
“Promise
Rob, makikita din natin ang para sayo.” sumpa
ni Jase sa sarili saka tumingin kay Rob at ngumiti.
“---What?---”
naputol na pagkukuwento ni Rob nang makita niya ang ngiting iyon.
Itutuloy...
Against All Odds 3
[7]
by:
Migs
ReplyDeleteI have made a dummy account (as much as I detest doing one), napilitan ako eh. I have to get the attention of those who post my stories sa wall nila and then claim it as their own. Nakakinis kasi matapos mong paghirapan, sila ang magcre-credit. Halos di na nga ako matulog makapag-post lang tapos siya naman kokopyahin lang.
I'm not a blog genius at hindi ko alam ang sinasabi niyong pagla-lock. :-(
please add me and support my fight against these plagiarizers. Here's the link.
https://www.facebook.com/miguel.salvador.1232?fref=ts
Nais ko lang pong linawin na ang kwento pong “SKYBAND” ay akda po ng isa sa aking pinakamalapit na kaibigan na si Ezekiel o ang may pakana ng blog na 'to http://zildjianstories.blogspot.com/
guys meron pong bagong writer sa m2m genre siya po si sir JD bisitahin niyo po ang blog niya ;-) http://jdsloveencounters.blogspot.com
Ating po silang suportahan! :-)
Hi guys! Here's AAO 3.
Lighter.
Shorter.
Lighter, kasi hindi siya masyadong heavy on drama.
Shorter, with just a max of FIFTEEN chapters. OPO PINADAMI KO. HAHA!
Enjoy guys! ;-)
hardname: how do you find my short stories? Haha! Thanks!
Mhei: Thanks po! :-)
russ: haha! Thanks! Actually wala lang naman sakin kung konti yung mga comments pero kasi sa mga comments ko nalalaman kung OK pa ba yung ginagawa ko or hindi na kaya ayun, iniintay ko parin yung mga comments. :-)
Migz: thank you! Good to know na OK pa pala yung mga pinagagagawa ko dito. Haha!
Nix: ever the bolero. Tsk tsk. ;-)
Dilos: malalaman niyo sa mga susunod na chapter. :-)
Julio Antivo: welcome back kung ganun! Thanks!
Robert mendoza: intaying natin kung mabubuo nga ba siya. Haha! (SPOILER ALERT!)
JD Marquez: tignan natin kung maeeskandalo nga si Rob. Hihi! (SPOLIER ALERT ULI!) thanks din!
IVAN D.: one hundred percent talaga? So dapat ma maintain ko ang 100 percent na yan ganun? Pinipressure mo naman ako. Haha!
969: thanks sa pagbabasa at pagcomment! New reader po ba ikaw? Salamat ulit! :-)
ANDY: kumbinsido ka na talaga na si Sheila ang nakakita ha? Malay mo naman hindi si sheila?
Anonymous November 16, 2014 at 12:51 PM: Sir, iwan po kayo ng name next time para mapasalamatan ko po kayo ng maayos. Salamat po. Kung hindi parin po kayo nakakapagfollow, pa-follow nadin po. Salamat po ulit. :-)
JMP07: good luck sa stories mo! :-)
MigiL: Sana hanggang huli masayahan ka parin sa mga ginagawa mo. Hihi!
Anonymous November 25, 2014 at 10:04 PM: Different Similarities po. Thanks!
WaydeeJanYokio: minsan talaga ang hirap aminin ng totoong nararamdaman. :-)
Papa JC Sy:Thanks din po. Kung OK lang din po pa endorse narin po sa iba niyong kakilala yung blog ko. salamat po! :-) MARAMING MARAMING SALAMAT PO!
Jemyro: edi ikaw na ang may partner. Haha! Yan ba yung OJT niyo dati? :-) thanks!
Ryan: eto na po yung udate. :-) thanks po at pasensya na sa pagiintay ng matagal.
MARAMING SALAMAT ULIT SA PATULOY NA PAGSUPORTA AT SA NAGUUMAPAW NA COMMENTS! MORE PLEASE! ENDORSE THIS BLOG SA FRIENDS NIYO DIN AH! :-) I'm targeting to gain more followers! Salamat! :-)
..I will fully support you..aggainst jan sa mga nangongopya na Yan..
ReplyDeleteyup na endorse ko na to boss migs.. :D
... I wish I can add you in your real fb.. I want to see the face behind this great stories! ;-).. Or khit pm n lng sa ym..hehe ..
Keep up the good work boss!
SALAMAT AGAIN KUYA SA UPDATE
ReplyDeleteHope mas maganda ying next chapters
ReplyDelete-Ryan
Hi Migs, as usual thanks for the update.. Still worth the wait.. I have actually timed my visit to your blog every two weeks since I know that normally that is the length of time it takes you to update.. I appreciated these back to back chapters, very light, funny and stress free.. You continue to amaze me with your brilliance in putting the reader in the scene.. That is a rarity.. Keep it up Migs.. :-)
ReplyDeleteI will fully support you
ReplyDelete