Monday, December 8, 2014

Against All Odds 3 [8]

DISCLAIMER: The following is a work of fiction. Any similarities to any written works and any person, living or dead are purely coincidental. The story is intended for a mature audience. It may contain profanity and references to gay sex. If this offends you, please leave and find something more suitable to read. The author maintains all rights to the story. Do not copy or use without written permission. Email the author at miguisalvador@yahoo.com for comments, suggestions and violent reactions in pertaining to this blog and the stories that comes along with it.


Kunot noo na nakatitig si Rob sa kaniyang telepono. Magkikita sila ngayon ni Jase, may kailangan silang tapusin para sa business nito bago ito magbukas pero magkakalahating oras na siyang naghihintay at wala parin ni anino ni Jase, ilang beses narin niya ito tinext at isang reply lang ang natanggap niya dito na male-late daw ito dahil sa sobrang traffic.

Hey!”
Agad na humarap si Rob sa pinanggalingan ng tawag na iyon sa pagaakalang si Jase na ito pero laking pagkadismaya niya nang makitang ibang lalaki ito, hindi niya agad napansin na mas malalim ang boses na iyon kesa sa boses ni Jase at sa naisip na ito ay may iba pang bagay na na-realize si Rob.


Sa sobrang gusto ko siyang makita lahat ng naninitsit at sumisigaw ng 'hoy' aakalain kong siya. Shit! Anong nangyayari, Rob?!” tanong ni Rob sa sarili at pilit niyang tinatanggi ang sagot sa tanong na iyon.


Can I buy you a drink? How about lunch?” tanong muli ng lalaki kay Rob na muling kumuwa sa pansin nito.


Ha---uh---uhmmm--- I'm ac-actually waiting for something---someone! I mean I'm waiting for someone.” nauutal na saad ni Rob habang tinititigan ang mala anghel na lalaki sa kaniyang harapan. Maamo ang mukha nito at maganda ang katawan na miya mo isang modelo sa isang pahina ng fashion magazine.


Well I hope this something stays late so we can have more time together.” malanding saad ng lalaki na talaga namang nakapagpakuliling sa tenga ni Rob.


Tinignan siya nito mula ulo hanggang paa at hindi na nahiya at kumagat pa sa labi. Alam ni Rob na namumula na ang kaniyang mga pisngi at nang makita ito ng lalaki ay lalong lumaki ang ngiti nito sa mukha, iniisip na nagugustuhan ni Rob ang kaniyang panlalandi dito, hindi niya lang alam na nahihiya kasi si Rob sa ginagawa niya kaya namumula ang pisngi nito.


Nang makita ni Rob ang malisyosong ngiting iyon ay agad na hindi mapakali si Rob, Oo at alam niyang meron din siyang share sa kalandian at meron din naman mga panahon na pumapasok sa kaniyang kokote ang mga malisyosong bagay o kaya ganap pero hindi kasing tindi ng pinapamalas ng kaniyang kaharap na lalaki ngayon.


I'm Lloyd and I'm---” simula ni Lloyd at tila ba hindi pa nagkasya sa distansya nilang dalawa ni Rob ay lumapit pa ito sa huli, halos idikit na ang pisngi nito sa pisngi ng nahihiyang si Rob at binulungan ito, ang mga labi ay dumadampi na sa tenga ng nagsisimula ng kilabutan na si Rob.


---hot for you.” pagtatapos ni Lloyd na talaga namang nagpatindi sa pangingilabot ni Rob. Dahan-dahang binawi ni Lloyd ang kaniyang mukha at muling tinignan ng mariin si Rob at nginitian nanaman ito ng makahulugan.


Lalong hindi mapakali si Rob at iniwas agad ang tingin dito pero agad din siyang hinawakan ni Lloyd sa baba at pilit na pinaharap muli sa kaniya na ikinagulat naman ni Rob. Agad na hinampas ni Rob ang kamay ng bastos na lalaki na lalong ikinangiti ni Lloyd. Ngayon, nakuwa na ni Rob na titigan ang mga mata ni Lloyd, hindi dahil nagugustuhan na niya ang ginagawa nito o kaya naman nawala na ang hiyang kaniyang nararamdaman kundi dahil sa galit.


Nice.” malisyoso ulit na saad ni Lloyd. Sasagot na sana ng pabalang si Rob at ipaglalaban ang kaniyang karapatan nang makarinig siya ng malakas na pagtawag sa kaniyang pangalan.


ROB!”
000ooo000

Hindi mapigilan ni Jase na mapangiti, may inireto nanaman ang isa sa kaniyang mga kaibigan na pwedeng makasama ni Rob at pwedeng makapagpasaya dito. Kitang-kita niya kung pano mamula ang mga pisngi ni Rob habang kinakausap ito ng lalaking inireto ng kaniyang kaibigan, ayon sa kaniyang kaibigan ay gwapo ang lalaking inireto kay Rob, maganda ang katawan at mayaman, mga bagay na alam ni Jase na hinahanap ni Rob sa isang lalaki.


Pero hindi nagtagal ay nalaman din ni Jase na wala pala sa lalaking iyon ang iba pang katangian na hinahanap ni Rob. Ang pagiging mabait, maalalahanin, maunawain at marunong rumispeto sa kapwa at sa sarili.


Oh shit.” saad ni Jase sa sarili saka nagmamadaling bumaba mula sa kaniyang sasakyan.


ROB!” sigaw ni Jase.

At kitang-kita niya sa mga mata ng taong kaniyang tinawag ang kaniyang kinatatakutan. Ang pamumula ng pisngi nito ay hindi dahil kinikilig ito sa mga sinasabi ng lalaki kundi dahil nahihiya ito sa ginagawa ng lalaki at kita sa mga mata nito na nababastos ito.

At hindi mapigilan ni Jase na makunsensya nang makita niya ang pasasalamat sa mga mata ni Rob dahil sa kaniyang pagdating gayong siya naman ang dahilan kung bakit ito nababastos ngayon.

Aw c'mon!” saad ni Lloyd nang makita niya ang paghatak ni Jase sa kamay ni Rob palabas ng kainan na iyon.

Mabilis na hinatak ni Jase si Rob papalapit sa kaniyang sasakyan. Walang kahit anong salita ang lumabas sa bibig ng dalawa at tila ba awtomatiko na at walang sabi sabi na silang pumasok ng sasayan. Nang makapasok na sila pareho sa loob ng sasakyan ay hindi mapigilan ni Jase ang kabahan. Alam niyang pumalpak nanaman siya ngayon. Alam niyang nabastos si Rob dahil sa pagpupumilit niyang makatulong dito, dahil lang sa pagpupumilit niyang makabawi sa mga magagandang nagawa nito sa kaniya.


I'm s---” simula sanang paghingi ni Jase ng tawad kay Rob nang malunod ang kaniyang sanay sasabihin ng malakas na tawa ng kaniyang kaibigan.


Nanlalaki ang matang tinignan ni Jase si Rob, iniisip na baka nabaliw pa ang kaniyang kaibigan sa kaniyang ginawa pero hindi rin nagtagal at napatawa nadin siya.


Di ko alam kung bakit ka pa natatawa eh mukhang binastos ka na nga ng gagong yun.” saad ni Jase sabay iling sa pagitan ng kaniyang pagtawa.


Muling tumawa ng malakas si Rob at umiling din habang pinapanood si Jase na paandarin ulit ang sasakyan at pumunta sa ibang kainan at doon pagusapan ang tungkol sa business ni Jase.


Ngayon pa lang kasi ako nakakilala ng tao na napaka forward at napaka obnoxious all thanks to you!” taas kilay na pagpaparatang ni Rob kay Jase na di inaasahanag naapakan ang preno ng sasakyan, agad na nakabawi si Jase sa gulat at panongonsensya ulit sa sarili.


I'm sorry.” saad ni Jase pero muli lang tumawa ng malakas si Rob.


Ganun na bang kalungkot ang tingin mo sa buhay ko at talaga namang kailangang kailangan mo na talaga akong hanapan ng boyfriend?” tanong ni Rob kay Jase na muli lang umiling at ngumiti, hindi makapaniwala na nagagawa pang tawanan ni Rob ang nangyari sa kaniya.


Biglang gumaan ang loob ni Jase nang maisip na hindi galit sa kaniyang ginawa si Jase.


It's just that you're not getting any younger, dude.” pabirong balik naman ni Jase na ikinagulat ni Rob.


What the hell?!” tumatawang saad ni Rob sabay hampas sa malaking braso ni Jase.

At muling napuno ng malalakas na tawanan ang maliit na sasakyan ni Jase habang ipinaparada ito sa harapan ng isang kilalang kainan.


Pero seryoso Rob. Gusto kong makita mo na yung taong para sayo kasi gusto kong sumaya ka na ng tuluyan. You deserve to be happy.” seryosong saad ni Jase habang nakatitig sa mga mata ni Rob sabay kibit balikat at tinanggal ang kaniyang seat belt at lumabas na ng sasakyan.


Matapos ang sinabing ito ni Jase ay saglit pang natigilan si Rob pero hindi rin nagtagal ay napangiti, hindi maikakailang na-touch sa sinabing iyon ni Jase. Nakangiti parin niyang tinanggal ang kaniyang seat belt, nakangiting lumabas ng sasakyan, nakangiting pumasok ng restaurant at may buong ganang kinausap si Jase tungkol sa business nito.

000ooo000

Talaga?! You're kidding right?! I went to that university also!” malakas na saad ng lalaking nasa harapan ngayon ni Rob, isa nanaman itong blind date na muling pasimuno ng walang iba kundi si Jase.


Napalingon si Rob sa kaniyang paligid, napansin niyang halos lahat ng nandun ay nakatingin sa kanila. Muli nanaman siyang nahiya.


Oh God please not another obnoxious prick.”saad ni Rob sa sarili habang naaalala ang nangyaring kahihiyan sa huli niyang blind date.


Hindi na sana talaga papayag pa si Rob sa gusto ni Jase pero tila ba ang ginagawang ito sa kaniya ni Jase ay napakaimportante dito kaya naman kahit hindi niya ito gusto ay ginagawa parin niya ito para lang kay Jase.


Ah talaga?” saad ni Rob kay Ed ang lalaking kaniyang ka-blind date nagyon.


Ano nga ulit ang course mo?” tanong ni Rob ulit habang tila ba patay gutom na nilalantakan ni Ed ang kaniyang hapunan. Wala sa sariling binitawan ni Rob ang kaniyang hawak-hawak na kutsara, nawalan ng gana sa pagkain habang iniintay ang sagot ni Ed.


Aeronautics.” sagot naman ni Ed habang may tumatalsik talsik pang mumo mula sa bibig nito.


Ah talaga---” saad na lang ni Rob nang mapatunayan niya ang kaniyang hinala. Hindi lang may pagkababoy sa pagkain si Ed, mapagpanggap din ito at sinungaling. Hinid ino-offer sa unibersidad na kaniyang pinasukan noon ang kurso na sinasabi nito.


Great! Just someone I need! A liar!”


Pero dahil ito ang gustong mangyari ni Jase ay tiniis niya ito hanggang sa matapos ang kanilang date. As usual, siya ang nagbayad habang si Ed ay nagtitinga gamit ang tinidor, iniintay na mabayaran na niya ang bill. Gustong gusto ni Rob na humingi ng tawad sa waiter na tila ba naeeskandalo sa kinikilos ni Ed pero hindi na niya ito nagawa dahi pagka-abot na pagkabot niya ng bill ay mabilis nang umalis ang waiter palayo sa kanila.


Uhhh-ahhmmm keep the change?” habol sabi ni Rob sa waiter na kumaway lang bilang tanda na narinig nito at nakuwa ang nais mangyari ni Rob.


Rob---?” tawag pansin ni Ed kay Rob na ikinakaba ng huli.


Look. I'm sure you're a great guy and all but---” seryosong simula ulit ni Ed na ikinasingkit ng mga mata ni Rob, alam na alam na kasi niya ang mga susunod na sasabihin nito. Masyado na siyang matagal sa sirkulasyon upang masabi na hindi niya pa alam kung saan patutungo ang usapan na iyon.


Para sa kaniya ay dalawa lang ang pwedeng patunguhan ng mga sinasabi ni Ed. Una, sasabihin nitong hindi sila bagay at kailangan nilang maghanap ng iba at huwag ng ipilit pa na magkaroon ng relasyon dahil magkakasakitan lamang sila at masyado paring awkward na maging magkaibigan sila kaya dapat hindi na sila magkita kahit kailanman o pangalawa, mangungutang ito sa kaniya at hindi na muli pang magpapakita.


--but I think hindi tayo bagay---huwag na nating ipilit---” simula ni Ed, hindi na narinig pa ni Rob ang mga sunod na sinabi ng nauna sapagkat napatawa na lamang siya.


Katanggap tanggap pa para kay Rob kung kagaya ng mga naunang lalaki na nakilala niya ang nagsabi nito, at least ang mga lalaking iyon ay may breeding, mayaman at halatang may patutunguhan sa buhay at hindi nagpapanggap kagaya ni Ed.


You have got to be kidding me!” singhal ni Rob sabay umiiling at tumayo na mula sa kaniyang kinauupuan at iniwan si Ed na nakanganga.


Sa kaniya pa talaga galing yun?! Can you believe it?! My Gawd!” singhal nanaman ni Rob sa isang estranghero na kaniyang nakasalubong lamang at hindi alam ang nangyayari sa pagitan ni Rob at Ed.


Thanks for the dinner though!” habol ni Ed kay Rob, walang nagawa ang huli kundi ang humarap muli kay Ed at bigyan ito ng isang tumatagingting na middle finger.


What happened?!” gulat na tanong ni Jase nang biglang sumalampak ang pinto ng kaniyang sasakyan matapos pumasok ni Rob dito. Nagpaiwan si Jase sa kaniyang sasakyan, pinangakong isasalba si Rob kung sakaling hindi nito magustuhan ang ka-date pero nakatulog ang nauna.


Shut up.” inis na sagot ni Rob.


A-are you OK?” nangingiting tanong ulit ni Jase, hindi mapigilang maisip ang nakakatuwang itsura ni Rob, nakanguso ito na parang bata at nangingilid na ang luhat dahil sa sama ng loob. Alam niyang mali na pagtawanan ang kasawian ng iba pero nakyu-cute-an siya kay Rob sa tuwing aasal ito ng ganun. Hindi nakaligtas kay Rob ang pigil na pagngiti na iyon ni Jase at hinampas niya ang braso nito.


Shut up! Alam na alam mo namang hindi ako OK!” nangingiti naring saad ni Rob sabay itiniklop ang kaniyang mga kamay sa dibdib at tumanaw sa labas ng bintana. Saglit pa itong tinitigan ni Jase saka umiling.


You look adorable when you pout like that---” wala sa sariling saad ni Jase sabay pisil sa mukha ni Rob na tila ba nakakita ng isang batang ubod ng cute. Umiiling na binawi ni Jase ang kaniyang tingin mula kay Rob at muling pinaandar ang sasakyan at pinaatras ito palayo sa restaurant.


Sh-shut up!” hindi mapigilan ni Rob ang magulat sa sinabi ni Jase na nagtulak sa kaniya upang ma-utal. May hindi siya maipaliwanag na nararamdaman sa gitna ng kaniyang tiyan pero agad niyang inalis sa kaniyang isip iyon at inisip na lang na sinabi lang iyon ni Jase upang hindi na niya isipin ang kapalpakan nanamang nangyari sa kaniyang katatapos lamang na date.


We'll find him, don't worry.” siguradong saad ni Jase sabay ngiti.


No! Enough already!” malakas na saad ni Rob na siyang nakapagpahagikgik muli kay Jase.

000ooo000

Are you ready?” tanong ni Jase pagkabukas na pagkabukas ni Rob ng pinto niya sa kaniyang apartment. Hindi mapigilan ni Jase ang mapanganga sa kaniyang nakita.


Muli niya kasing isinet up si Rob sa isa nanamang blind date at isang oras na lang ay dapat nasa restaurant na sila kung saan niya isinet up ang date pero hindi parin handa si Rob. Nakasando ito na para bang pambahay na may ilan-ilang pang mliliit na butas sa likod, naka boxers shorts lamang ito na maluwag na ang garter, hindi pa nag-aahit, halatang hindi pa naliligo at tayo-tayo pa ang buhok.


What the hell Jase?! Sabi ng ayaw ko na! Saka ano ba?! Wala ka bang kapaguran? Kakalabas ko lang sa office, it's been a long day for me---” saad ni Rob sabay talikod kay Jase at aktong hihiga sana sa sofa ng hatakin ulit siya ng makulit na kaibigan patayo.


The more na kailangan mong lumabas for a date.” balik naman ni Jase habang itinutulak si Rob papasok ng banyo upang pilitin itong maligo. Humarap saglit si Rob kay Jase upang umalma sana ulit pero agad na hinawakan ni Jase ang dulo ng sando ni Rob at sapilitan itong hinubad mula sa magandang katawan ng huli na ikinagulat naman nito at ikinamula ng pisngi.


Sumipol si Jase nang makita niya ang magandang katawan ni Rob. Lalong namula ang pisngi ng huli nang makita niya si Jase na pinapasadahan siya nito ng tingin mula ulo hanggang paa.


You should go out with your clothes off pala at baka makita mo na si mr. right mo!” biro ni Jase na siyang nagtulak kay Rob na magsalita at umalma na sa panloloko sa kaniya ng kaibigan.


Tse! Sige na! Maliligo na ako just get the fuck out of here!” singhal ni Rob sabay tulak ng malakas kay Jase palabas at sinara ang pinto sa likod nito. Narinig niya pang humalakhak si Jase sa labas ng pinto.


Asshole!” nangingiti at naiiling naring saad ni Rob.

Iginala ni Jase ang kaniyang tingin sa loob ng bahay ni Rob, simple ang mga mwebles nito at halos lahat ay mga gamit pang bachelor's pad talaga, madami rin mga book shelves na kung hindi puno ng libro ay puno ng action figures ng kung ano anong marvel heroes.


Pero isang bagay lang ang kumuwa sa pansin ni Jase. Isang maliit na picture frame na may litrato ng isang lalaki at babae, walang dudang magulang ito ni Rob dahil may hawig ang mga ito sa kaniyang kaibigan. Dinampot niya ito mula sa pinagpapatungan nito at iginala muli ang kaniyang mga mata sa paligid.


Nagiisa lamang ang litrato na iyon. Doon sa bahay nila ni Aaron, puno ng litrato ng kanilang mga magulang, kaibigan at kakilala ang buong paligid kaya naman hindi mapigilan ni Jase ang mapailing, iniisip na magisa nga lang si Rob at malungkot ito.


So---” simula ni Rob na siyang kumuwa sa pansin ni Jase. Saglit na umikot si Rob upang ipakita kay Jase kung ayos na ba ang kaniyang napiling damit para sa blind date na iyon. Muling ibinalik ni Jase ang litrato mula sa pinagpapatungan nito kanina at tumingin kay Rob. Noon lang napansin ni Jase na maganda pala talagang magdala ng damit ang kaniyang kaibigan at kapag nag-ayos ito ay talaga namang pwede na itong maging modelo ng mga kilalang brand ng damit.


Huy Jase! What do you think?!” malakas na saad ni Rob na gumising muli kay Jase.


Ni—ehem--” paglilinaw ni Jase sa kaniyang lalamunan nang pumiyok siya nangunot ang noo ni Rob pero binalewala niya na lang ang tila ba pagkabalisa ni Jase.


Y-you look nice! Now let's go baka paginatayin pa natin ng matagal ang kadate mo.”

000ooo000

Nakasalamin. Malaki ang katawan. Gwapo rin naman pero mahiyain masyado. Laging nakayuko at laging isang salita lamang ang lumalabas sa bibig. Yan ang mga salitang siyang tumutukoy sa ka-date ngayon ni Rob. Ilang beses nang nagbukas ng pwedeng mapagusapan si Rob pero laging natatapos ang mga topic na iyon ng walang katuturan.


So anong mga paborito mong basahing libro?” tanong ni Rob upang may mapagusapan lang muli sila ni Ben, ang kaniyang ka-date.


Madami.” matipid na sagot ng lalaki na siyang malapit ng ikabaliw ni Rob.


Like what? Anong genre?” sunod na tanong ni Rob.


Kung ano ano lang.” sagot ni Ben na nagtulak kay Rob na magbuntong hininga. Magtatanong na muli sana si Rob nang biglang may sumulpot na matandang babae sa likuran ni Ben at piningot ito.


What do you think you're doing?! Sabi ko sayo na wag kang makikipagdate sa mga bakla---!” eskandalosang sigaw ng babae na walang dudang ina ni Ben, doon pa lang ay alam na ni Rob na hindi tanggap ng mga magulang nito ang pagkatao nito at walang balak si Rob na magtiis sa ganung set up kahit pa naging makatuturan ang date nilang iyon ni Ben.


At ikaw naman iniimpluwensyahan mo pa ang anak ko sa makademonyo niyong mga gawain---” singhal ng ina ni Ben kay Rob na agad na kinawayan ang waiter at binayaran ito sabay nagmamadaling lumabas ng restaurant at sinalubong ang nagaalalang si Jase.


What was that all about? I was about to get you---” simula ni Jase pero mabilis lang na naglakad si Rob at pumasok na sa sasakyan niya. Nagbuntong hininga si Jase at pumasok na lang din sa kaniyang sasakyan.

Hey.”

shut up.” naiiling na lang na saad ni Rob at gaya ng mga nakaraang palpak na date ay pinipigilan na lang tumawa sa kapalpakan nanamang nangyari sa kaniyang date.


Hindi malaman ni Jase kung bakit pero tila ba natutuwa pa siya na palpak muli ang sinet up niyang blind date na iyon.


Itutuloy...

Against All Odds 3
[8]

by: Migs 

10 comments:


  1. I have made a dummy account (as much as I detest doing one), napilitan ako eh. I have to get the attention of those who post my stories sa wall nila and then claim it as their own. Nakakinis kasi matapos mong paghirapan, sila ang magcre-credit. Halos di na nga ako matulog makapag-post lang tapos siya naman kokopyahin lang.

    I'm not a blog genius at hindi ko alam ang sinasabi niyong pagla-lock. :-(

    please add me and support my fight against these plagiarizers. Here's the link.

    https://www.facebook.com/miguel.salvador.1232?fref=ts


    Nais ko lang pong linawin na ang kwento pong “SKYBAND” ay akda po ng isa sa aking pinakamalapit na kaibigan na si Ezekiel o ang may pakana ng blog na 'to http://zildjianstories.blogspot.com/

    guys meron pong bagong writer sa m2m genre siya po si sir JD bisitahin niyo po ang blog niya ;-) http://jdsloveencounters.blogspot.com

    Ating po silang suportahan! :-)

    Hi guys! Here's AAO 3.

    Lighter.

    Shorter.

    Lighter, kasi hindi siya masyadong heavy on drama.

    Shorter, with just a max of FIFTEEN chapters. OPO PINADAMI KO. HAHA!

    Enjoy guys! ;-)

    hardname: how do you find my short stories? Haha! Thanks!

    Mhei: Thanks po! :-)

    russ: haha! Thanks! Actually wala lang naman sakin kung konti yung mga comments pero kasi sa mga comments ko nalalaman kung OK pa ba yung ginagawa ko or hindi na kaya ayun, iniintay ko parin yung mga comments. :-)

    Migz: thank you! Good to know na OK pa pala yung mga pinagagagawa ko dito. Haha!

    Nix: ever the bolero. Tsk tsk. ;-)

    Dilos: malalaman niyo sa mga susunod na chapter. :-)

    Julio Antivo: welcome back kung ganun! Thanks!

    Robert mendoza: intaying natin kung mabubuo nga ba siya. Haha! (SPOILER ALERT!)

    JD Marquez: tignan natin kung maeeskandalo nga si Rob. Hihi! (SPOLIER ALERT ULI!) thanks din!

    IVAN D.: one hundred percent talaga? So dapat ma maintain ko ang 100 percent na yan ganun? Pinipressure mo naman ako. Haha!

    969: thanks sa pagbabasa at pagcomment! New reader po ba ikaw? Salamat ulit! :-)

    ANDY: kumbinsido ka na talaga na si Sheila ang nakakita ha? Malay mo naman hindi si sheila?

    Anonymous November 16, 2014 at 12:51 PM: Sir, iwan po kayo ng name next time para mapasalamatan ko po kayo ng maayos. Salamat po. Kung hindi parin po kayo nakakapagfollow, pa-follow nadin po. Salamat po ulit. :-)

    JMP07: good luck sa stories mo! :-)

    MigiL: Sana hanggang huli masayahan ka parin sa mga ginagawa mo. Hihi!

    Anonymous November 25, 2014 at 10:04 PM: Different Similarities po. Thanks!

    WaydeeJanYokio: minsan talaga ang hirap aminin ng totoong nararamdaman. :-)

    Papa JC Sy:Thanks din po. Kung OK lang din po pa endorse narin po sa iba niyong kakilala yung blog ko. salamat po! :-) MARAMING MARAMING SALAMAT PO!

    Jemyro: edi ikaw na ang may partner. Haha! Yan ba yung OJT niyo dati? :-) thanks!

    Ryan: eto na po yung udate. :-) thanks po at pasensya na sa pagiintay ng matagal.




    MARAMING SALAMAT ULIT SA PATULOY NA PAGSUPORTA AT SA NAGUUMAPAW NA COMMENTS! MORE PLEASE! ENDORSE THIS BLOG SA FRIENDS NIYO DIN AH! :-) I'm targeting to gain more followers! Salamat! :-)

    ReplyDelete
  2. Hehe tnx sir migs.. galing mu pa rin..walang kupas.. true nmn ung sinasabi mu.. light ang story.. chill lang..

    KAYO JAN PLS COMMENT NMN KAUZ SILENT READERS..

    UR COMMENTS WILL BE APPRECIATED..

    ReplyDelete
  3. dami ko tawa sa mga dates. at naiinlove na si jase kay rob kya natutuwa sya na palpak yung date.

    si shiela nga ba ang nkakita kay ace at rob? gusto ko n malaman!!

    next na kuya migs. haha

    --ANDY

    ReplyDelete
  4. .. can't wait for the next chapter.. hehe

    ReplyDelete
  5. hmmm, hindi napapansin ni Jase but unti unti ay nadedevelop na sya kay Rob, he he he. korek ba ako Migz? hmmmmm

    ReplyDelete
  6. Yo! Migs.
    ako ay nagbalik, at muli kong nabasa ang AAO3
    wow, malapit na matapos ito noh? ^_^
    natutuwa ako sa simple sweet moments ng 2 whenever Rob's dates ended; and Jase is unknowingly falling for Rob. Sana maisip niya na ang sarili na niya ang isalang sa blind date sa finale hahaha at sana wala ng Ace na eeksena. Nakakatuwa ang kwento nilang dalawa. A love so true, sweet and innocent. hohoho. HIndi ako nagsisisi na bisitahin ang blog mo. Oh yeah!
    Happy 2015 po sayu Migs and to all readers. You are one of my inspirations to write a story of my own. Lahat ng story niyo binasa ko po since last year and I'm plannin to re-read all of those this summer vacation. Ingat at more power to you. Congrats.

    ReplyDelete
  7. Ngayun lng ulit ako nka bisita dito hahaha..medyo busy haha...maramirami di babasahin ko :3 ..Belated Merry Christmas and Advance Happy New Year kuya Migs! :D

    ReplyDelete
  8. i'm still saddened by the slow update of this story.. but who am i to complain.. but still a part of me wishes it would be faster, I know some of you feels the same way too.. but anyways.. i so love this story like all your other stories of course..lol happy holidays migs :3

    P.S. are you not planning to continue chasing pavements?? if you are, please change your mind..lol

    ReplyDelete
  9. Great chapters 7 and 8! :D Happy New Year Migs! :D

    ReplyDelete