Against All Odds 3 [4]

DISCLAIMER: The following is a work of fiction. Any similarities to any written works and any person, living or dead are purely coincidental. The story is intended for a mature audience. It may contain profanity and references to gay sex. If this offends you, please leave and find something more suitable to read. The author maintains all rights to the story. Do not copy or use without written permission. Email the author at miguisalvador@yahoo.com for comments, suggestions and violent reactions in pertaining to this blog and the stories that comes along with it.


Hindi alam ng dalawa kung pano kikilos sa tabi ng isa't-isa. Hindi maintindihan ni Rob kung bakit bigla siyang nahiya kay Jase gayong nuong mga panahon namang nagluluksa ito sa pagkamatay ni Aaron ay kayang kaya at mayabang pa nga siyang nagbibigay ng advices dito habang si Jase naman ay hindi inaasahan ang biglaang pagkahiya ni Rob dahil inaasahan niyang ito ang siyang unang magsasalita at magbubukas ng usapan.

Pero nakarating na sila at lahat sa restaurant kung saan sinasabi nitong kakain sila ng hapunan ay wala parin silang napapagusapan. Paminsan-minsan ay nahuhuli ni Jase si Rob na tumitingin sa kaniya na miya mo may gusto itong itanong sa kaniya pero tila ba matatameme bigla. Nang makapasok na sila at makaupo sa loob ng restaurant ay hindi parin makuwa ni Rob na magsalita pero ngayon, hindi dahil sa hiya kundi dahil sa pagkamangha, salamat sa magandang ilaw ng restaurant at dahil ngayong nakaupo na sila at magkaharap ng maayos.


Kitang kita niya kasi ang malaking pagbabago kay Jase. Hindi na ito yung parang kada minutong umiiyak, o kaya naman yung may malalaking eyebags at hindi nakapag-ahit ng ilang araw. Pinagmasdan niya lang ito habang lumilingon lingon at tumatango-tango na para bang nagustuhan niya ang itsura ng buong lugar.


Bawat sulok ng mukha nito ay perpekto para kay Rob. Walang kahit anong pwedeng ikutya, walang black heads, walang peklat ng mga nagdaang tigyawat at walang tigywat. Iba rin ang glow nito ngayon, tila lalo itong pumuti na kung gagawing commercial model ng mga kumpanya ng sabon ay malamang maraming maniniwala dito.


Pero nang mapadako ang tingin ni Jase kay Rob at nang makitang nakatitig lang ito sa kaniya ay binigyan niya ito ng isang ngiti na siyang gumising kay Rob sa pagtitig sa mukha nito, hindi man nakikita ni Rob ang sarili ay sigurado naman siyang namumula na sa hiya ang kaniyang mga pisngi.


Damn it, Rob! Snap out of it!” singhal ni Rob sa sarili.


“So... I never knew that you're the commuting type.” wala sa sariling saad ni Rob, kung ano na lang ang naibulalas upang matakpan ang kahihiyang ginawa na ikinatigil pa ni Jase na tila ba hindi pa nito naintindihan ang sinabi ni Rob, ilang beses pang kumurap si Jase habang tinitignan ang nauna pero hindi rin nagtagal ay napatawa ito.


At ang tawang iyon ang siyang tuluyang tumunaw sa pagaalangan ng dalawa.




“What? May nasabi ba akong nakakatawa?” dikit noo pero nangingiti narin tanong ni Rob kay Jase na patuloy lang sa pagtawa.


“It's just that I didn't know I have a type---” umiiling na saad ni Jase habang pinipigilan ang sarili na mapatawa pa lalo.


“Well, I always pegged you as a guy who doesn't know how to commute. You know, those rich kids na hindi lumaking hindi pwedeng sinusundo at hatid tapos nung matutong mag-drive hindi pwedeng aalis ng bahay na walang sariling sasakyan.” sagot naman ni Rob sabay kibit balikat, ngumiti at dahil naramdaman niyang muli nanamang namumula ang kaniyang mga pisngi ay nagtago na lang siya sa likod ng malalaking menu.


“Wow.” umiiling na saad ni Jase, umaarteng na-offend sa sinabi ni Rob na agad namang kinagat ng huli. Agad na binaba ni Rob ang menu at tinignan ng mariin si Jase.


Shit.” singhal ni Rob sa sarili nang mapansin ang agad na pagiba ng timpla ni Jase.


“No offense ha---” simula naman ni Rob na ikinailing na lang ni Jase.


“Wow. Talagang sayo pa galing yan ha? Sa isang anak ng mayayamang magulang na may-ari ng isang napakalaki at kilalang hotel sa Batangas.” singit naman ni Jase habang nakangisi na ikinamula ulit ng mga pisngi ni Rob.


“---at dahil dyan ibabalik ko sayo ang sinabi mo. I never knew you're the commuting type. nakangising balik ni Jase na ikinailing na lang ni Rob habang pinipigilan ang sarili na mapatawa.


“Naisahan mo ako dun ah---” umiiling paring simula ni Rob na lalong ikinalaki ng ngiti ni Jase.


“Minsan kasi ang hassle magdala ng sasakyan lalo na kapag alam mong matatrapik ka lang, I mean, tulad ngayon, uso nanaman ang mga nagra-rally sa kahabaan ng EDSA tapos ang taas pa ng presyo ng gasolina--- yung mga ganun ba---” nakangiting sagot ni Rob na siyang umani ng matipid na pagtango kay Jase.


“Same reason as yours. Pero ngayon kasi hindi ko saulado yung pupuntahan ko kaya kesa magbakasakali habang may dalang sasakyan at makotongan ng makotongan edi mamasahe na lang---” saad ni Jase na nakakuwa din ng pagtango kay Rob.


“San ka nga pala galing?” habol tanong ni Rob kay Jase saka minata ang bag nito na tila ba maraming lamang papeles. Iniwas ni Jase ang kaniyang tingin na hindi naman nakaligtas kay Rob na napansin din ang pagpula ng pisngi ng nauna.


“I applied for a loan---” simula ni Jase sabay isinalubong muli ang tingin ni Rob na mataman siyang tinitignan.


“Loan?” kunot noong tanong ni Rob kay Jase na marahang tumango at yumuko dahil narin sa hiya.


“Mom wants me expand the restaurant---” simula ni Jase pero lalong nangunot ang noo ni Rob, nakalimutan ni Jase na hindi pa sila lubos na magkakilala ni Rob kaya naman hindi nito alam kung ano ang sinasabi niyang restaurant. “---yung restaurant na iniwan ni Nathan samin ni Aaron. Sigurado kasi siya na kaya kong palaguin yung business.” umiiling na saad ni Jase.


“Gustav's.” wala sa sariling bulong ni Rob na ikinataas ng kilay ni Jase at hindi nagtagal ay tila naisip na ni Jase kung saan marahil nalaman ni Rob ang tungkol sa Gustav's.


“You read it.” saad ni Jase, walang pagbibintang, walang halong galit at walang pangaakusa, sinabi ito ni Jase na tila ba sinasagot niya lang ang isang taong nagtanong.


Marahang tumango si Rob na sinuklian naman ni Jase ng isang matipid na pagtango, hindi niya tuloy alam kung nainis ba si Jase sa kaniya sa kaniyang pangingielam sa diary ni Aaron o naiintindihan siya nito sa kaniyang nagawang panghihimasok.


Muling nabalot ang dalawa ng pagaalangan at katahimikan.


“Ready to order?” nakangiting tanong ng waitress na bumasag sa nangangapal na pagaalangan sa pagitan nilang dalawa.


“I'll have the lamb chops with asparagus and potato salad on the side.” nakangiting sagot ni Rob na lalong ikinalaki ng ngiti ng waitress na hindi naman nakaligtas kay Jase na hindi napigilang mapangisi. Ilang saglit pa bago inalis ng waitress ang kaniyang tingin kay Jase saka isinulat ang order nito.


“And how about you sir?” nakangiti ding tanong ng waitress kay Jase pero hindi ito kasing init ng pagkakatanong niya kay Rob.


“I'll take the baked zitti with meatballs.”


“I'll be with your order in ten to fifteen minutes. I'm Belle, by the way.” pakilala ng waitress habang matamang nakatingin kay Rob na hindi muli nakaligtas kay Jase.


“She likes you.” saad ni Jase pagka alis ng waitress na ikinataka naman ni Rob.


“Ha?” tanong ni Rob.


“Belle likes you. Nagpapa-cute sayo.” natatawang saad ni Jase sabay inom sa inuming iniwan ni Belle. Umiling lang si Rob habang pinipigilan ang sarili na mapangiti.


“She's missing something vital.” bulong ni Rob na ikinasamid naman ni Jase.


“W-what?” tanong ni Jase sa pagitan ng pagubo.


“She has the wrong tool.” kibit balikat na paglilinaw ni Rob na ikinamula ng pisngi ni Jase na ikinatawa ng malakas ni Rob. Saglit pang natigilan si Jase at kung hindi pa nga pinigilan ang sarili ay baka napanganga pa sa inaming ito ni Rob, hindi ito nakaligtas sa huli kaya naman patuloy lang sa pagtawa si Rob.


“I didn't know--- I mean---I” nauutal na saad ni Jase na lalong nakapagpatawa kay Rob.


“What do you mean, you didn't know?! Nilandi na nga kita after our little talk dun sa may swing eh and still di mo parin naisip na we go for the same team?” humahagikgik paring tanong ni Rob kay Jase na hindi narin napigilan ang sarili na mapangiti.


“I thought you were just trying to make me laugh.” balik amin naman ni Jase na ikinatawa muli ni Rob.


“Of course I was trying to make you smile but I was also flirting with you. Bigtime.” wala sa sariling saad ni Rob na ikinatigil nilang dalawa.


Nagtama ang kanilang tingin.


Me and my big mouth.” inis na saad ni Rob sa kaniyang sarili. Magsasalita na sana ulit si Rob para makagawa ng damage control kahit pa hindi niya pinagkakatiwalaan na ang sarili sa kung ano man ang kaniyang sasabihin pero bago pa man siya makapagsalita ay muli naring nagsalita si Jase.


“Good one. Flirting with me.” umiiling na saad ni Jase habang tumatawa sa akala nitong pagbibiro ni Rob. Hindi alam ni Rob kung tatawa nalang din ba siya o sasabihin kay Jase na totoong nilalandi niya rin ito nung gabing iyon.


I WAS flirting with you, you idiot!” gusto sanang sabihin ni Rob pero pinigilan na lang niya ang sarili.


“Orders po nila---” nakangiting saad ni Belle kay Rob. Ngayon napansin nadin ni Rob ang pagiging extra palangiti nito sa kaniya na siyang nagtulak nanaman sa kaniya na makaisip ng kapilyuhan.


Babe, you should try the lamb chops. Mukhang masarap eh, want me to put some in your plate?” walang pagaalinlangan at bakas ng pagpapanggap na tanong ni Rob kay Jase na nung oras palang iyon ay umiinom ng tubig na nagtulak dito na masamid muli sa sinabi ng kasama.


Sinulyapan ni Rob ang reaksyon ng kanilang waitress, nakita niya ang tila ba pagbagsak ng panga nito papuntang sahig at panlalaki ng mata nito at nang makabawi sa gulat ay lumatay naman sa mukha nito ang isang hindi maikakailang pagsimangot. Hindi rin nakaligtas kay Rob at Jase ang may halong pagdadabog na pagbaba ng plato ni Jase sa harap nito.


“Anything else? How about dessert?” wala na ang mainit na pagtanggap ni Belle sa dalawa na ikinangisi naman ni Rob.


“We'll just call you if ever my babe and I decided what to have for dessert.” nakangiting saad ni Rob sabay hatak sa kamay ni Jase na tila ba batang nangiinggit kay Belle na agad namang tumalikod at naglakad palayo.


“You do know that she's serving our food, right?” tanong ni Jase kay Rob na agad namang napahagikgik.


“She'll get over it and besides, mabuti na yung hindi siya umaasa.” mapreskong saad ni Rob na nakapagpailing na lang ulit kay Jase.


“So your mom's still a control freak huh?” nakangising tanong ni Rob kay Jase bilang pagpapatuloy sa naudlot nilang usapan kanina. Hindi naman na nagtaka si Jase na galing ito kay Rob na para bang ginagawang katatawanan ang pagiging takleso. Hindi na niya ito iniinda masyado sa halip ay tila ba natanggap na niya na ganito talaga ang pagkatao ni Rob.


“Uhuh.” saad ni Jase habang nilalantakan ang kaniyang kinakain na siyang nagtulak kay Rob na ganahan din sa pagkain.


“So how did the application for the loan went?” tanong ni Rob na siyang nilalantakan narin ang kaniyang hapunan.


“It was a disaster.” naiinis na lahad ni Jase na ikinakuwa ng pansin ni Rob, alam ni Jase na napansin ni Rob ang inis sa kaniyang tono kaya naman kesa tanungin pa siya nito ay inunahan na niya ito ng kwento.


“It's just that, maayos naman yung Gustav's eh. Hindi naman kailangan mag expand, kumikita ng maayos, sobra pa nga minsan, may iba rin naman kaming pinagkakakitaan, hindi ko lang talaga maintindihan yung point ng nanay ko---” tuloy tuloy na lahad ni Jase pero nang akalain niyang tila ba hindi na interesado si Rob sa kaniyang mga sinasabi at inisip na abala na ito sa pagtetext ay hindi na lamang niya itinuloy ang kaniya pa sanang sasabihin na nakapagpalala lang sa kaniyang inis pero ang pagkainis na ito ay hindi nagtagal. Hindi ito nakalusot kay Rob na agad namang nagsalita.


“Wag mong masyadong isipin yung sagot dyan sa tanong mong yan. Madaming anak na ang nagbanta na intindihin ang gusto ng mga nanay nila pero nabaliw lang sila.” umiiling at seryosong saad ni Rob na patuloy lang sa pagtetext. Muling umalingawngaw ang tawa ni Jase na kumuwa ng pansin ni Rob palayo sa telepono nito.


“What?!” natatawa nading tanong ni Rob kay Jase, nagulat sa biglang pagbabago ng mood nito mula sa pagkainis tapos sa pagtawa ng malakas.


“You just say the stupidest thing---” simula ni Jase na ikinataas ng kilay ni Rob, agad dinugtungan ni Jase ang kaniyang unang sinabi bago pa ito masamain ng huli. “---pero kapag inisip ko naman ng maigi yung sinabi mo dun ko nakikita yung sense. I mean, tulad ngayon, kung ibang tao yun malamang ang sinabi sakin ng taong iyon ay 'marami tayong hindi nakakaintindi sa mga nanay natin. Ganyan lang talaga ang mga parents.' pero ikaw, kailangan mong sabihin ang gusto mong i-point out gamit ang isang joke.” umiiling pero nakangiting pagpapaintindi ni Jase kay Rob na agad namang nakuwa ang ibig sabihin ng nauna.


Bumakas sa mukha ni Rob ang isang malaking ngiti.


“Well, what can I say. I'm unique. I'm special.” mahanging saad ni Rob sabay kindat kay Jase na hindi naman binura ang ngiti sa mukha, bagkus ay tumitig din sa mga mata ni Rob at tumango-tango.


“Yes. Very special indeed.”


Saglit pang nagtitigan ang dalawa bago pa ito basagin ni Belle.


“Dessert?”


“Uhmm I think we'll finish our main course first.” saad naman ni Jase na tila ba naiinis na kay Belle dahil sa pangiistorbo nito na lalong ikinangisi ni Rob.


“Now who's being mean---” pagpapamukha ni Rob kay Jase na umiling na lang.
000ooo000


Madami pang napagusapan ang dalawa. Mga bagay na hindi nila napagusapan noong una silang nagkakilala, tungkol sa mga skwelahang pinasukan, mga taong maaaring kilala nila pareho, mga bansang napuntahan, lugar na napasyalan pero sa kabila ng lahat ng iyon ay hindi parin mapigilan na mauwi ang kanilang usapan kay Aaron.


“Siguro kasi I've seen it coming, I mean, matagal na siyang may sakit at alam ko naman na iyon talaga ang end result ng sakit na iyon kaya hindi narin ako nahirapan masyado mag move on pero siyempre andun parin yung minsan pumapasok siya sa isip ko, yung mga sana moments saka yung mga what if moments na talaga namang nakakasira minsan ng araw pero kapag dumadating naman yung mga pagkakataon na iyon iniisip ko na lang yung madalas pampalubag loob sakin ng mga kaibigan ko yung just think na he's in a better place na, hindi na siya naghihirap dahil sa AIDS speech.” saad ni Jase habang kumakain ng dessert na ikinailing na lang ni Rob.


“Minsan talaga ang lakas maka- bullshit ng mga kaibigan eh no?” seryoso ulit na saad ni Rob na ikinatawa ulit ni Jase, di na ito pinansin pa ni Rob at kumain na lang din ng kaniyang dessert.


“Excuse me po mga Sir, pinapasabi po ng manager namin na we will be closing in one hour any additional orders beyond this time will not be accepted anymore.” magalang pero malamig nading saad ni Belle na ikinagulat ng dalawa.


Sabay pang lumingon ang dalawa, silang dalawa na lang ang customer na natira sa loob ng restaurant at ang mga waiter at waitress na lang na nagliligpit ng paligid ang natitira doon, sabay din silang tumingin sa kanilang orasan at sabay rin na nanlaki ang mga mata nila nang makita nilang magaalas-onse na ng gabi.


““Shit.”” sabay ding sabi ng dalawa, nagkatinginan pa ang mga ito at nagpalitan ng ngiti.


“Kuwanin ko na yung bill?” tanong ni Rob, tumango na lang si Jase. Hindi na kailangang sabihan ni Rob si Belle dahil handa na ito at inilabas ang bill ng dalawa.


“Ako na.” saad ni Jase na agad namang kinontra ni Rob.


“Hindi. Ako na.” matigas ulong saad ni Jase.


“Ako na---” saad muli ni Jase.


“Ako na sabi eh---” inagaw ni Rob ang bill kay Jase.


“Ako na!” agaw naman ni Jase pabalik.


Muling hinawakan ni Rob ang dulo ng bill at hinila ito sabay na paghila din ni Jase na ikinapunit naman ng bill. Nanlaki ang mga mata nila Jase at Rob.


“Sabi ko na kasi sayo ako na ang magbabayad eh!”


“Kasi ang tigas pa ng ulo mo!”


“Ikaw ang matigas ang ulo!”


“TUMIGIL NGA KAYONG DALAWA! AKO NA! AKO NA ANG MAGBABAYAD!” naiiritang saad ni Belle na ikinatigil ni Rob at Jase.


000ooo000
Lumabas si Rob at Jase sa restaurant na iyon na tumatawa at kumakaway kay Belle na walang dudang nadagdag sa listahan ng kanilang mga bagong kaibigan. Natapos ang debate nang i-suggest ni Belle na maghati na lang ang dalawa sa bill.


“Di narin niya siguro kasi natiis. Ang kulit mo kasi.” tumatawang saad ni Jase na ikinairap muna ni Rob.
“Ako pa ba?! Sakin inabot ni Belle yung bill---”


“That is because she fancies you!” balik naman ni Jase na saglit na ikinagulat ni Rob.


“Not anymore after I made it clear that I swing for the other team.” nakangising balik ni Rob sabay haplos sa braso ni Jase. Natameme agad si Jase at tinignan ang pagpisil ni Rob sa kaniyang braso at nang itaas niya ang tingin sa mukha ni Rob ay nakita niya ang tagumpay sa mukha nito.


“Your face! Epic reaction!” saad ni Rob sa pagitan ng mga tawa.


Sasagot na sana si Jase nang biglang bumuhos ang malakas na ulan. Agad na naghanap ng masisilungan si Jase at nang may makita ilang hakbang lang ang layo sa kinatatayuan nila ay mabilis siyang pumunta dito kasunod ni Rob. Nang humarap na si Jase kay Rob para intayin itong makasilong tulad niya ay bigla itong nadulas. Mabuti na lang at abot kamay na ni Jase ang kawawang si Rob kaya naman hindi na ito lumagapak pa sa sahig.


Matipunong dibdib at malalakas na braso ang bumalot sa buong katawan ni Rob imbis ang madumi at matigas na sahig ng bangketa. Una ay hindi niya pa alam ang nangyari dahil sa bilis nito pero nang mapagtanto niyang muntik na siyang makipaghalikan sa sahig kundi dahil sa mabilis na reflex ni Jase ay agad niyang itinaas ang kaniyang mga tingin at isinalubong ito sa nagaalalang tingin ni Jase.


Itutuloy...

Against All Odds 3

[4]

by: Migs  

Comments

  1. Halos isang buwan nanaman akong hindi nakapag-update. Sorry guys. :-(


    MARAMING SALAMAT KAY EZEKIEL (ZILDJIAN) SA PAGPAPAGANDA NG BLOG KO! MWAH MWAH!


    I have made a dummy account (as much as I detest doing one), napilitan ako eh. I have to get the attention of those who post my stories sa wall nila and then claim it as their own. Nakakinis kasi matapos mong paghirapan, sila ang magcre-credit. Halos di na nga ako matulog makapag-post lang tapos siya naman kokopyahin lang.

    I'm not a blog genius at hindi ko alam ang sinasabi niyong pagla-lock. :-(

    please add me and support my fight against these plagiarizer. Here's the link.

    https://www.facebook.com/miguel.salvador.1232?fref=ts


    Nais ko lang pong linawin na ang kwento pong “SKYBAND” ay akda po ng isa sa aking pinakamalapit na kaibigan na si Ezekiel o ang may pakana ng blog na 'to http://zildjianstories.blogspot.com/

    guys meron pong bagong writer sa m2m genre siya po si sir JD bisitahin niyo po ang blog niya ;-) http://jdsloveencounters.blogspot.com

    Ating po siyang suportahan! :-)

    Hi guys! Here's AAO 3.

    Lighter.

    Shorter.

    Lighter, kasi hindi siya masyadong heavy on drama.

    Shorter, with just a max of ten chapters.

    Enjoy guys! ;-)

    russ: Salamat! Kahit di ko ma-promise ang half month sana andyan ka parin.

    Mhei: Hi! Meron naman po akong inspiration kaso wala lang po talagang time. :-(

    nix: salamat. Pakilala mo naman sakin yang mga friends mo na yan nang mapasalamatan ko naman po ng maayos. :-)

    jemyro: thanks! :-) hanggang saan naman ang panguuto sayo? Haha!

    JD Marquez: hey JD! I visited your blog and I think I followed you na. :-) congrats! I'm sure magcli-click yan. :-)

    mvg: salamat! :-)

    karl: thanks din po sa pagbabasa! :-)

    Ivan D: Thanks po. Sensya na po inabot ng one month ang update. :-(

    Anonymous September 28, 2014 at 10:26 Pm: thanks po! Sana po ilagay niyo ang name niyo sa next comment niyo para masalamatan ko po kayo ng maayos. :-)

    Marlon: Dito na po siya magsisimulang magselos. Hihi!

    Chants: thanks din po. :-)

    Teks: thanks Teks! :-)

    racs: salamat! Kahit busy ikaw nakukuwa mo parin magbasa ng blog ko.

    Justin: salamat din po.

    Migil: Thanks din sa pagiintay!

    Julio: Thanks! Take care din po!

    Hardname: welcome sa blog at salamat po sa mga papuri! :-)

    MARAMING SALAMAT ULIT SA PATULOY NA PAGSUPORTA AT SA NAGUUMAPAW NA COMMENTS! MORE PLEASE! ENDORSE THIS BLOG SA FRIENDS NIYO DIN AH! :-) I'm targeting to gain more followers! Salamat! :-)

    ReplyDelete
  2. Yey! Thank you sir Migs for promoting my blog. hehe :)

    Actually, everyday ako nagchecheck kung may update, ang cute kasi ng pagkakastart ng story. Thanks po for updating and talaga nga namang kinikilig ako kahit hindi pamasyado ang kilig moments sa chapter na to. I will always be here for the next update :)

    http://jdsloveencounters.blogspot.com/

    ReplyDelete
  3. at last may update na ule at bawing bawi Migz ha. he he he. again, tnx a lot!

    ReplyDelete
  4. kinikilig naman ako sa banats ni Rob. hahahahahaahhaa

    ReplyDelete

Post a Comment

Popular posts from this blog

The Rebound

Make It With You [Chapter 5] Failed Plans

Against All Odds 2[55]