Against All Odds 3 [5]
DISCLAIMER:
The following is a work of fiction. Any similarities to any written
works and any person, living or dead are purely coincidental. The
story is intended for a mature audience. It may contain profanity and
references to gay sex. If this offends you, please leave and find
something more suitable to read. The author maintains all rights to
the story. Do not copy or use without written permission. Email the
author at miguisalvador@yahoo.com
for comments, suggestions and violent reactions in pertaining to this
blog and the stories that comes along with it.
Hindi
makapaniwala si Jase sa kaniyang natanggap na Email. Inaprobahan na
ang kaniyang nire-request na loan para sa page-expand ng Gustav's,
kahapon lang ay isang malutong at tila ba nangiinis na “I'm
sorry I can't approve your loan---” ang
kaniyang natanggap mula sa representative ng bangko na siyang
kaniyang pinag-apply-an, ngayon naman ay taliwas sa sinabi nito
kahapon ang kaniyang natanggap sa email.
Ilang
saglit pang tinitigan ni Jase ang email bago pa sumagi sa isip niya
ang posibilidad na baka may kinalaman ang kaniyang bagong kaibigang
si Rob sa biglaang pagiiba ng ihip ng hangin na iyon. Agad na
naningkit ang kaniyang mga mata at napailing nang maalala ang
biglaang pagkakaroon ng katext-mate ni Rob nung gabing kinuwento niya
ang tungkol sa hindi pagaapruba ng kaniyang loan.
“Rob.”
umiiling na saad ni Jase sa kaniyang sarili saka mabilis na tumayo
mula sa kaniyang kinauupuan at tinungo ang kaniyang banyo, naligo at
nagbihis. Naghanda para umalis sa araw na iyon.
000ooo000
“I
expected you to be there too, Rob.” saad ni Ace pero hindi
nakikinig si Rob kaya naman nagulat na lang ito nang biglang sumigaw
si Ace.
“ROB!
ARE YOU LISTENING?!” sigaw ni Ace na umalingawngaw sa buong
conference room na ikinagulat ng lahat. Nasa magkabilang dulo si Ace
at Rob ng mahabang lamesa kung saan sila madalas nagmi-meeting kaya
naman walang nakapansin kay Ace nang bigla itong tumayo at hinampas
ang lamesa na naglikha ng isang malakas na kalabog kasabay ng
pagsigaw nito.
“W-what?”
saad ni Rob at inalis ang kaniyang pansin sa kaniyang tablet kung
saan binabasa niya ang email ng kaibigan niyang nagtratrabaho sa
bangko tungkol sa hiniling niyang pabor dito.
“I
said I need you to be at the convention next week together with Gab
and Lisa. What the hell are you doing that's so important bakit hindi
mo maalis maski isang saglit ang pansin mo dyan sa tablet mo?!”
naiiritang saad ni Ace na ikinayuko ng lahat ng nasa conference room.
“Level
200 na ako sa candy crush and I have three lives left---?” patanong
at hindi sinasadyang bulalas ni Rob na ikinatigil saglit ng lahat ng
taong nasa conference room at hindi nagtagal ay ikinahagikgik na ng
lahat na lalong ikinairita ni Ace.
“Since
gusto nating magpakaisip bata ngayon instead of acting like
professionals I think we better postpone this meeting until later!”
galit na galit na saad ni Ace sabay tuloy tuloy na nagwalk-out.
Nabalot
ng katahimikan ang buong conference room.
“Wow.”
saad ni Gab sabay humagikgik.
“I
know.” saad naman ni Lisa sabay hagikgik din.
“Thank
God! Kanina pa ako boryong boryo at kung hindi pa siya nagwalk out
baka tatlong oras pa tayong nakakulong dito!” saad naman ni Matt na
sinangayunan naman ng iba.
“Is
it like this every end of the month meeting?” gulat na gulat na
saad ni Rob na ikinakaba ng lahat ng nandun, natatakot na baka
isumbong sila ni Rob kay Ace.
“Please
wag mo kaming isumbong, Sir.” nagmamakaawang saad ni Lisa na
ikinakunot ng noo ni Rob.
“Pero
kasi sir, madalas wala naman ng kwenta yung pinaguusapan tapos
madalas paulit-ulit lang tapos inaabot parin ng tatlo o kaya apat na
oras yung meeting. Imbis tuloy na marami na kaming nagagawang trabaho
sa stations namin.” saad ni Gab na agad namang naintindihan ni Rob.
Hindi niya ito napapansin dahil narin siguro masyadong nakatuon ang
kaniyang pansin kay Ace na para sa kaniya ay ipinapamalas lamang ang
kaniyang galing sa pagma-manage ng business nila at hindi na niya
naiisip ang iba pang kasama sa meeting na iyon.
“Don't
worry, sasabihan ko siya---” saad ni Rob na ikinaalarma ng lahat ng
nandun.
“Sir
wag please! Baka mawalan kami ng trabaho!” sigaw ni Lisa.
“Worse
baka kainin niya kami ng buhay.” sabat naman ni Gab na muling
sinangayunan ng halos lahat ng nandun.
Hindi
mapigilang isipin ni Rob kung paano niya tatanggapin ang ideya na mas
gusto pa ng mga tauhan nila ni Ace ang mawalan ng trabaho kesa ang
makaharap si Ace. Para sa kaniya, ang hindi masayang empleyado ay
nangangahulugan lamang na kahit pa lumalago ang business mo ay
nalulugi ka naman sa ibang paraan.
“Akong
bahala. Promise, hindi na ulit mangyayari ang ganito.” saad ni Rob
sabay tayo at muling humingi ng pasensya sa mga tauhan ni Ace bago
lumabas ng conference room.
Hindi
na kumatok pa sa opisina ni Ace si Rob. Tuloy tuloy na lang siyang
pumasok at naabutan niya itong may pinapagalitan na isang empleyado
tungkol sa isang proposal na hindi dumaan sa kaniyang mga kamay para
ma-review. Sa sobrang galit at pagkairita ni Ace ay hindi na niya
napansin pa si Rob na pumasok ng opisina niya.
“Do
you love your job Ms. Meneses?” malamig na tanong ni Ace sa
kawawang empleyado.
“Yes
sir.” nakayukong sagot nito sa kaniyang boss.
“Then
you should act like it!” singhal ni Ace na ikinatango na lang ng
babae.
“Get
out of my office!” singhal ni Ace na agad namang sinunod ng
kawawang empleyado.
Pagkasarang
pagkasara ng pinto ay agad na yumuko si Ace at tinakpan ang kaniyang
mga mata gamit ang magkabilang kamay. Hindi na pinalagpas pa ni Rob
ang pagkakataong iyon at kinausap na niya ang kaniyang kaibigan.
“You
should start treating your people with respect, Ace.” umiiling na
saad ni Rob na agad namang ikinataas ng tingin ni Ace na miya mo
nagulat na nandon si Rob pero ang totoo ay nagulat ito sa sinabi ni
Rob hindi sa biglaang pagsulpot nito.
“What?”
naiiritang tanong ni Ace na agad namang sinagot ni Rob upang hindi na
ito magkaroon ng pagkakataong tuloy tuloy na magsalita at masapawan
siya.
“Those
people inside the conference room, me included, are sick and tired of
the long meetings. Wala namang katuturan ang pinaguusapan, the review
of our past meetings takes so much time than the meeting proper tapos
paulit ulit lang din yung mga concerns which only means sa dinamidami
at hinaba-haba ng mga meetings natin even the simplest concerns hindi
natin maayos.”
Saglit
na binalot ng katahimikan ang buong opisina. Tinititigan ni Ace si
Rob, tila ba iniintay na sumigaw ito ng “JOKE!” o kaya naman tila
ba iniisip nito ng malalim ang sinabi ng huli. Matapos ang ilan pang
saglit ay si Ace na mismo ang bumasag ng katahimikang siya rin ang
nagsimula.
“Bakit
ngayon mo lang 'to sinasabi sakin?” mahinahong tanong ni Ace kay
Rob. Pinilit pigilan ni Rob ang sarili na mapangiti. Ibig sabihin
kasi ng paghinahon nito ay kinukunsidera nito ang puntong nais
ipahatid ni Rob.
“I
was crushing on you whenever you up and go like a bad ass manager
kaya hindi ko agad napansin yung concern ng iba---” umiiling na
pagamin ni Rob na ikinataas ng kilay ni Ace na tila ba nais pa nitong
marinig ang tungkol sa pagkakaroon ng crush ni Rob sa kaniya habang
nag-e-end of the month meeting sila.
“---but
that's beside the point, Ace. Our main concern here is kung
magpapatuloy ang ganitong pagiisip ng mga tauhan mo, we might lose
them for good. These people are the reason behind your success, hindi
natin pwedeng hayaan na sa sobrang inis nila or tamad na nilang
magtrabaho ay mapunta pa sila sa ibang kumpanya.” pagtatapos ni
Rob, hindi na sumagot pa si Ace muli na lang itong yumuko at tinakpan
ng malalaking palad ang sariling mukha.
Hindi
na sinundan pa ni Rob ang kaniyang mga sinabi at hinayaan na lang
niyang magnilay nilay si Ace sa mga salitang kaniyang pinakawalan
nang may kumatok sa pinto ng opisina ni Ace. Si Sam, isa sa mga
Manager ni Ace na siyang lagi din nilang kasama.
“Boss,
kain na tayo ng lunch?” nakangiting tanong nito kay Ace at Rob.
Nagtaas na ng tingin si Ace at saglit pang tinignan si Sam saka
tumango bilang pagpayag.
“Let's
talk about this over lunch?” tanong ni Ace kay Rob na siyang
tumango lang bilang sagot.
Malalim
ang iniisip ni Ace habang naglalakad palabas ng building nila papunta
sa isang restaurant kung saan sila magtatanghalian, iniisip at
kinukunsidera ang mga sinasabi ni Rob, sa lahat ng advise ni Rob sa
kaniya ay ni isa ay walang pumalya at nagpahamak sa kaniya o kaya sa
business niya, ito ang mga bagay na tumatakbo sa kaniyang isip nang
may nakita siyang isang lalaki na kumaway sa direksyon nilang tatlo.
Napakunot
noo siya at inisip kung sino ang lalaking iyon. Maganda naman ang
bihis nito at hindi mukhang masamang loob, may ngiting nakaplaster sa
mukha nito kahit pa tila ba katatapos lang nitong makipagtalo sa mga
gwardyang ayaw magpapasok sa kaniya.
“Ayun
siya oh.” turo nito sa isa sa tatlong lalaki na naglalakad palabas
ng opisina.
Nang
bumakas sa mukha ni Rob ang isang malaking ngiti ay dun lang
napagtanto ni Ace na hindi niya nga kilala ang lalaking iyon at si
Rob ang pakay nito. Mabilis na naglakad palayo sa kanila ni Sam si
Rob at nilapitan ang lalaki. Agad na humingi ng tawad ang mga gwardya
na binalewala lamang ni Rob at sinabing walang kaso sa kaniya iyon.
Noon
lang muli nakita ni Ace si Rob na ngumiti ng ganon. Muling nagdikit
ang kaniyang mga kilay at kumunot ang noo sa pagtataka.
“What
are you doing here?” nakangiting tanong ni Rob kay Jase.
“Wow.
Wala man lang hi
or
hello?”
sarkastikong tanong ni Jase kay Rob.
“Hi.
Kamusta? Bakit ka nandito?” sarkastiko pero nakangiti paring tanong
ni Rob kay Jase na muling ngumiti.
“Aayain
sana kita maglunch--- actually I was planning to take you out this
afternoon kung pwede kang mag halfday sa work--- meron sana akong
sasabihin at ipapakita sayo.” nahihiya pero nakangiting tanong ni
Jase kay Rob. Natigilan si Rob, iniisip kung ano marahil ang
sasabihin at ipapakita sa kaniya ni Jase.
Asa
ganitong tagpo si Jase at Rob nang umabot na sa kanilang pwesto si
Ace at Sam na biglang na-curious sa pagdating ni Jase.
“Teka
lang ha, papaalam lang ako.” saad naman ni Rob kay Jase na agad
namang nagpakawala ng isang ngiti.
“Ace,
Sam. This is Jase. Jase, this is Sam, one of our managers and this is
Ace our boss. Uhmmm--- Ace, may pupuntahan lang kami, kailangang
kailangan lang--- promise, I'll make it up to you tomorrow.”
pagpapakilala muna ni Rob sa tatlo saka nagpatuloy sa pagpapaalam.
Hindi na pinansin pa ni Rob ang nakakunot noong itsura ni Ace. Alam
niyang hindi siya nito papayagan kaya naman inunahan na niya ito.
“Rob---”
simulang pagtanggi ni Ace pero agad siyang sinapawan ni Rob sa
pagsasalita.
“Thanks!
Intayin mo muna ako dito Jase kuwanin ko lang yung mga gamit ko.
saglit lang 'to promise.” mabilis na saad ni Rob saka nagmamadaling
lumakad papunta sa mga elevators.
Biglang
hindi mapakali si Jase, alam niyang tinitignan siya ng dalawang
kaibigan ni Rob, hindi niya mapigilang isipin na sana ay sinabi na
lang niya kay Rob na sa sasakyan na lang niya siya maghihintay.
“San
kayo nagkakilala ni Rob?” nakangiting tanong ni Sam kay Jase na
sinuklian niya muna ng isang matipid na ngiti.
“At
my boyfriend's wake.” matipid na sagot ni Jase kay Sam na tila
naman natahimik sa kaniyang sinabi.
“Shit!
Alam ba nila ang tungkol kay Rob?” nagaalalang
saad ni Jase sa kaniyang sarili sa takot na baka hindi niya
sinasadyang na-out ang bagong kaibigan sa mga kaibigan nito.
“Your
boyfriend just died tapos ngayon nakikipagdate ka na? Di ba masyado
atang mabilis?” walang emosyong tanong ni Ace kay Jase.
Napadako
ang tingin ni Jase kay Ace. Ngayon, sigurado na siyang alam na ng mga
ito ang tungkol kay Rob kaya hindi na niya kailangan pang alalahanin
na baka na-out niya ito ang bagong bumabagabag ngayon kay Jase ay ang
tila ba hindi maipaliwanag na pagkairita sa kaniya ni Ace na para
bang hindi ito sangayon sa pagkakaibigan nila ni Rob.
“I'm
back!” saad ni Rob na siyang bumasag sa pagtititigan ni Ace at
Jase.
“Thank
God.” bulong ni Sam saka hinila si Ace palabas ng opisina papunta
sa restaurant na dapat sana ay kakainan nila kasama si Rob, masaya na
naputol na ang nangangapal na tensyon sa pagitan nilang tatlo nang
umalis si Rob.
“Let's
go! Thanks Ace!” sigaw ni Rob sabay hinatak si Jase palayo nadin sa
building na iyon.
Tumigil
ang dalawa sa tapat ng sasakyan ni Jase, binuksan nito ang pinto ng
kaniyang sasakyan at inimbitahan na si Rob na sumakay. Hindi pa man
nakakaisang minuto sa loob ng sasakyan si Rob ay agad na itong
nagtanong, tila ba kating-kati na malaman kung ano ang gustong
sabihin at pagusapan ni Jase kaya ito napadalaw.
“So
anong gusto mong sabihin at pagusapan?” tanong ni Rob na tila ba
isang batang excited na makita ang pasalubong ng kaniyang ina.
“Later.”
nangingiting matipid na sagot ni Jase na ikinasimangot naman ni Rob,
hindi ito nakaligtas kay Jase na napatawa na lang sa pagiging isip
bata ni Rob at hindi mapigilang pisilin ang ilong nito.
Ini-start
na ni Jase ang kotse kaya naman hindi nito napansin ang pamumula ng
pisngi ni Rob.
000ooo000
“What
can you say about it?” kinakabahang tanong ni Jase kay Rob na tila
naman pinagdadasal na sana at nagustuhan ni Rob ang kanilang
inihanda.
“Masarap.
Mas masarap siya kesa dun sa mga nabibili sa mga stand sa mga mall.”
ngumunguya pang saad ni Rob kay Jase na biglang bumakas sa mukha ang
malaking ngiti.
“It's
Aaron's favorite and yan din yung tinulungan mong lumago when you
helped me with my loan.” saad ni Jase na ikinakunot naman ng noo ni
Rob.
“Don't
deny it, alam kong ikaw ang dahilan kung bakit biglang na-approve ang
loan ko.” taas kilay na saad ni Jase.
“What?!
Na-approve ang loan mo?! Nice! Congrats!”
“Di
ka artista, Rob. Wag ka ng umarte.” humahagikgik na saad ni Jase
kay Rob na muling namula ang mga pisngi.
“Di
naman ako umaarte ah. Seriously, wala akong alam dyan sa binibintang
mo sakin.” patuloy na pagarte ni Rob sabay kagat muli sa shawarma
na inihanda ng Gustav's sa kaniya.
“Whatever.”
saad muli ni Jase sabay abot sa ilong ni Rob at pinisil ito na
ikinasamid naman ni Rob.
“Ano
bang ginawa ng ilong ko sayo?! Nakakadalawa ka na ha!” saad ni Rob
sa pagitan ng pagubo na ikinatawa ng malakas ni Jase.
“Ang
laki kasi ng ilong mo eh---” pangaalaska naman ni Jase na ikinalaki
ng mga mata ni Rob. “---bilisan mo na dyan at may pupuntahan pa
tayo. Baka ma-late tayo.” saad ni Jase sabay tayo at iniwan si Rob
magisa sa lamesang iyon sa sulok ng Gustav's, kinakapa-kapa ang
ilong, naconscious sa sinabi ni Jase sa kaniya.
Matapos
kumain ay muling sumakay si Jase at Rob sa sasakyan at bumiyahe
palabas ng Manila. Hindi alam ni Rob kung saan sila papunta pero ang
hinala niya ay may kaugnayan ito sa pagpapaamin sa kaniya ni Jase
tungkol sa nakuhang loan nito na siyang hindi niya naman aaminin
dito.
“So
ano ngayon kung tinulungan ko siya? Bakit kailangan ko pang sabihin
sa kaniya na ako nga yung tumulong sa kaniya?” tanong
ni Rob sa kaniyang sarili habang ipinaparada ni Jase ang kaniyang
sasakiyan sa unahan ng isang malaking building na miya mo isang
skwelahan.
“School?”
tanong ni Rob kay Jase.
“Mamya,
malalaman mo ang sagot dyan sa tanong mo.” nakangising sagot ni
Jase na ikinairap pero ikinangiti din ni Rob.
Nagulat
si Rob nang biglang bumukas ang pinto ng gate at iniluwa nito ang
ilang maliliit na bata. Lahat ito ay nagsiyakapan sa kaniya at kay
Jase. May mga nasa edad dalawa hanggang anim ang mga ito at hindi
maikakaila ang tuwa sa mukha ng mga ito na talaga namang nakakahawa.
Maliban sa mahihigpit na yakap ay walang humpay na pasasalamat at
natanggap nila Rob at Jase sa mga ito.
“Thank
you, Tito Rob!” sigaw ng isang batang babae na mahigpit na
nakayakap sa kaniyang kaliwang binti. Hindi man alam ni Rob ang
ipinagpapasalamat ng mga ito ay hindi parin mapigilan ng puso ni Rob
ang matuwa.
“Tama
na yan mga bata, pasok na tayo sa loob para makapaghanda na kayo sa
surprise natin para sa mga bisita.” saad ng isang matandang babae,
sa pagkarinig ng mga bata ng salitang “surprise” ay tila naman
lalong nagliwanag ang mukha ng mga bata at nagsitakbuhan na papasok.
“Thank
you.” pabulong na saad ni Jase sa likod ni Rob na nakapagpakabog sa
puso nito.
“By
helping me with my loan you're helping this orphanage also. Ito lang
ang naging bright side ng pamimilit ni Mama sakin na i-expand ang
business. Expanding my business means more money to suppport this
institution. Kaya Thank you, Rob. Thank you very much.”
Ramdam
na ramdam ni Rob ang sinseridad
sa
mga sinabing ito ni Jase, ramdam na ramdam niya ang pagpapahalaga
nito sa kaniyang ginawa, ramdam na ramdam niya, sa unang pagkakataon
ang totoong pakiramdam ng pangmatagalang pagpapahalaga, malayong
malayo sa panstamantalang pagapapahalaga na binibigay sa kaniya ni
Ace sa tuwing nalilibugan ito, sa tuwing kailangan nito ng parausan.
Hindi
mapigilan ni Rob ang makaramdam ng galak.
“Tito
Rob tara na sa loob!” nakangiti at excited na saad ng isang batang
lalaki sabay hila sa kaniyang kamay.
Nang
makapasok sa loob ay tila ba bumalik siya sa pagkabata. Sa loob ng
building ay may isang maluwag na kwarto kung saan pwedeng maglaro ng
malaya ang mga bata, pero ngayong hapon ay venue ito para sa isang
activity na inihanda ng mga ampon. May mga nagsasayaw, kumakanta at
naglalaro na tila ba lalong ikinatuwa ni Rob.
Itutuloy...
Against All Odds 3
[5]
by:
Migs
Halos isang buwan nanaman akong hindi nakapag-update. Sorry guys. :-(
ReplyDeleteMARAMING SALAMAT KAY EZEKIEL (ZILDJIAN) SA PAGPAPAGANDA NG BLOG KO! MWAH MWAH!
I have made a dummy account (as much as I detest doing one), napilitan ako eh. I have to get the attention of those who post my stories sa wall nila and then claim it as their own. Nakakinis kasi matapos mong paghirapan, sila ang magcre-credit. Halos di na nga ako matulog makapag-post lang tapos siya naman kokopyahin lang.
I'm not a blog genius at hindi ko alam ang sinasabi niyong pagla-lock. :-(
please add me and support my fight against these plagiarizer. Here's the link.
https://www.facebook.com/miguel.salvador.1232?fref=ts
Nais ko lang pong linawin na ang kwento pong “SKYBAND” ay akda po ng isa sa aking pinakamalapit na kaibigan na si Ezekiel o ang may pakana ng blog na 'to http://zildjianstories.blogspot.com/
guys meron pong bagong writer sa m2m genre siya po si sir JD bisitahin niyo po ang blog niya ;-) http://jdsloveencounters.blogspot.com
Ating po siyang suportahan! :-)
Hi guys! Here's AAO 3.
Lighter.
Shorter.
Lighter, kasi hindi siya masyadong heavy on drama.
Shorter, with just a max of ten chapters.
Enjoy guys! ;-)
russ: Salamat! Kahit di ko ma-promise ang half month sana andyan ka parin.
Mhei: Hi! Meron naman po akong inspiration kaso wala lang po talagang time. :-(
nix: salamat. Pakilala mo naman sakin yang mga friends mo na yan nang mapasalamatan ko naman po ng maayos. :-)
jemyro: thanks! :-) hanggang saan naman ang panguuto sayo? Haha!
JD Marquez: hey JD! I visited your blog and I think I followed you na. :-) congrats! I'm sure magcli-click yan. :-)
mvg: salamat! :-)
karl: thanks din po sa pagbabasa! :-)
Ivan D: Thanks po. Sensya na po inabot ng one month ang update. :-(
Anonymous September 28, 2014 at 10:26 Pm: thanks po! Sana po ilagay niyo ang name niyo sa next comment niyo para masalamatan ko po kayo ng maayos. :-)
Marlon: Dito na po siya magsisimulang magselos. Hihi!
Chants: thanks din po. :-)
Teks: thanks Teks! :-)
racs: salamat! Kahit busy ikaw nakukuwa mo parin magbasa ng blog ko.
Justin: salamat din po.
Migil: Thanks din sa pagiintay!
Julio: Thanks! Take care din po!
Hardname: welcome sa blog at salamat po sa mga papuri! :-)
MARAMING SALAMAT ULIT SA PATULOY NA PAGSUPORTA AT SA NAGUUMAPAW NA COMMENTS! MORE PLEASE! ENDORSE THIS BLOG SA FRIENDS NIYO DIN AH! :-) I'm targeting to gain more followers! Salamat! :-)
Waaaahhh kilig much hahahaha 5 chapters to go....... Every chapter is worth the wait migs
ReplyDeleteIba talaga ang karakas mo daddy idol.
ReplyDeleteSimple acts pero big feels!! Hihi -dilos
ReplyDeleteHanggang may supply ng chocolate at bulaklak.. Hahaha.
ReplyDeleteKinikilig na hindi ko maintindihan para sa dalawang chapters. Haha.. Nice mice..
Sir migs wala tlaga kau kupas.. Dont u worry im here pa rin. Isa sva supporter u
ReplyDeleteWahehe, by simple gestures kinikilig na ako, what more sa mga susunod na chapters? Mukhang nag seselos na si ACE. :) Thanks for the update and promoting my blog sir Migs :)
ReplyDeletehttp://jdsloveencounters.blogspot.com/
Worth the wait! Thanks idol.
ReplyDeleteIvan D.
Grabe kuya migs, nagpalpitate ako nung makita ko yung update mo at dahil sa tuwang tuwa ako ngayon, muntik nang kuya robs ang matawag ko sayo. haha.
ReplyDeletei lab it! sulit!
nakakakilig! nganga si Ace. go rob, ipamukha mo kay ace. haha.
take your time kuya migs. we love you. muah!
--ANDY
super nice and nkaka touch aman ung mga ginagawa in return ni jace sa pagtulong ni rob/ congratz Migz and , yes we"ll just wait kung kailan ka ule makakapag update. again tnx !
ReplyDeleteVery happy ako sa back to back na to kuya migs! :D thank you so much...really2 liked the content ng dalawang chapters :D...ty sa pag update kuya migs
ReplyDeletePerfect na Back2Back! thankies kuya migs sa pag update! sulit na sulit! hahahhaa
ReplyDeleteNatawa talaga ako kay Belle haha. at si Ace selos! wawa!
ReplyDelete~WaydeeJanYokio
Sa wakas updated na ako. Natapos ko rin basahin lahat ng series. Sobrang ganda. Yun lang masasabi ko. Ang galing galing! Im a fan! Ang hirapa pigilan ang sarili sa pagbabasa. Hihintayin ko bawat update.
ReplyDelete-hardname-
Love Love Love! hahahaha ty sa update :)
ReplyDeletei like
ReplyDelete