Against All Odds 3[prologue]
DISCLAIMER:
The following is a work of fiction. Any similarities to any written
works and any person, living or dead are purely coincidental. The
story is intended for a mature audience. It may contain profanity and
references to gay sex. If this offends you, please leave and find
something more suitable to read. The author maintains all rights to
the story. Do not copy or use without written permission. Email the
author at miguisalvador@yahoo.com
for comments, suggestions and violent reactions in pertaining to this
blog and the stories that comes along with it.
Nanlalabo
ang kaniyang paningin, hindi niya mapigilan ang mga luha sa pagtulo
mula sa kaniyang magkabilang mata, tulad ng mga luha ay wala din
siyang kakayahang iwaglit mula sa kaniyang dibdib ang sakit na
kaniyang nararamdaman. Hanggang ngayon ay hindi parin siya
makapaniwala, hanggang ngayon ay iniisip niyang nagbibiro lamang ang
mga tumawag sa kaniya, hanggang ngayon ay hindi parin siya
naniniwalang mawawala na ang taong lubos na nagmahal sa kaniya...
Ang
taong lubos na mahal niya...
Kasama
ng nararamdaman niyang sakit ay galit. Galit sa sarili dahil alam
niyang mangyayari at mangyayari ito sa kanila pero hindi parin pala
siya naging handa sa kabila ng kaniyang pagpapaniwala sa kaniyang
sarili na handa na siyang harapin ang puntong iyon ng kanilang buhay,
naiinis siya sa sarili dahil kahit anong pilit niyang gawing manhid
ang sarili ay hindi niya ito magawa.
“Nakakaramdam
parin ako---” mahina niyang sabi sa kaniyang sarili habang
humihikbi at minamanipula ang manibela, preno, clutch at gas ng
sasakyan.
Ilang
beses niyang inisip habang nasa kahabaan ng kaniyang byahe ang
pagpapakamatay gamit ang kaniyang sasakyan sa isang puno o kaya naman
ang pagpapakatihulog sa bangin pero sa tuwing ipipikit niya saglit
ang kaniyang mga mata ay nakikita niya ang mukha ng taong alam niyang
hindi na niya makikita pang masuyong nakatingin sa kaniya, hindi na
niya makikitang masuyong nakangiti sa kaniya---
...hindi
na niya muli pang makikita ang maamo nitong mukha na puno ng buhay at
pag-asa.
Maliban
din sa sakit at galit na kaniyang nararamdaman ay humahalo pa ang
takot.
Takot
sa kaniyang pagharap sa kinabukasan na mag-isa.
Literal
na tumigil ang kaniyang puso sa pagtibok at pagpasok ng hangin sa
kaniyang mga baga nang matanaw na niya ang ospital na siyang nagbigay
sa kaniya ng masamang balita. Mabagal na tumigil ang kaniyag sasakyan
nang nawalan na ng lakas ang kaniyang katawan upang paandarin ito.
Tumigil sa pag-agos ang mga luha mula sa kaniyang mga mata, nagsimula
na siyang makaramdam ng pangingilabot at sa wakas matapos ang ilang
saglit ay isang emosyon na lang ang kaniyang nararamdaman...
...Takot.
Takot
ang nanaig sa kaniyang buong katawan.
Takot
dahil alam niyang sa oras na pumasok siya sa double door ng ospital
na iyon ay makukumpirma na niya ang kaniyang kinatatakutan, na
malalaman na niya na totoo pala ang sinabi ng taong nakausap niya sa
telepono.
Takot
dahil alam niya, katulad ng nangyayari sa kaniya ngayon sa loob ng
kaniyang nakatigil na sasakyan ay mawalan na siya ng tuluyan ng
control sa lahat ng bagay na kaniya noong napagtatagumpayang gawin
dahil lang sa pagkawala ng taong pinakamahalaga sa kaniya...
...dahil
lang namatay ang kalahati ng kaniyang pagkatao.
Hindi
niya alam kung paano niya pa nagawang iparada ng maayos ang kaniyang
sasakyan at kung pano pa siya nagawang gisingin ng malakas na busina
ng sasakyan sa kaniyang likuran dahil sigurado siyang namatay narin
siya sa mga oras na iyon. Wala parin siya sa sariling naglakad
papasok ng ospital, sa ngayon ay tumigil na ang pag-agos ng kaniyang
mga luha, kasama na sa kaniyang palagay ang pagtibok ng kaniyang puso
at ang kaniyang paghinga.
Bawat
hakbang papasok sa ospital ay ang siya namang pagbigat ng kaniyang
buong katawan. Tila ba isa itong babala na huwag na siyang tumuloy pa
sa kwartong kinaroroonan ng taong kaniyang pakay sa lugar na iyon.
Bawat
hakbang niya papunta sa kwartong iyon ay siya naman ding parang
pelikula ang mga alaala na siyang pumapasok sa kaniyang isip. Yung
araw na nagkakilala sila, yung araw na una nitong sinabi na mahal
siya nito, yung araw na unang kumawala ang mga luha sa kanilang mga
mata, yung araw ng kanilang kasal.
Yung
araw na sinabi nitong may nakakamatay itong sakit.
Yung
araw na napagtanto niyang hindi magtatagal ay sisingilin na ito ng
sakit.
Isang
malakas na sigaw ang umalingawngaw sa kanilang kwarto na siyang
gumising sa kaniya, nagpupumiglas sa kaniyang mga bisig ang taong
kaniyang minamahal. Sapo sapo nito ang sariling ulo na tila ba
pinipigilan ito na mabiyak sa dalawa. Hindi na niya nagawa pang
tanungin kung ano ang nangyayari dito, tanging alam niya ay
nasasaktan ito kaya naman agad na niyang tinakbo ang mga gamot nito
para sa sakit.
Pero
nang hindi tumalab ang mga gamot na iyon ay saglit pa siyang napaupo
sa tabi nito at niyakap ito ng mahigpit, pinipigilan ang sariling mga
luha sa pagtulo. Wala siyang magawa upang tulungan ito. Nitong mga
nakaraang buwan ay unti-unti ng humihina ang katawan nito, hindi na
ito makakain, malaki na ang ipinayat nito at maputla narin ang kulay
nito, malayong malayo sa itsura ng taong kaniyang pinakasalan ilang
taon lamang ang nakakaraan.
Pero
sa kabila nito ay hindi parin niya ito basta basta papakawalan.
Dahan-dahan
niya itong itinayo at nang mapagtanto niyang hindi narin nito kaya
ang sariling timbang ay hindi na siya nagdalawang isip pang buhatin
ito palabas ng kanilang kwarto, pababa ng hagdan at isinakay sa
sasakyan papuntang ospital.
“Everything
is going to be fine.” saad niya habang nagmamaneho at kahit pa alam
niyang hindi siya nito naiintindihan dahil sa ibayong sakit na
nararamdaman nito.
“Everything
is going to be fine.” saad
niya pero ngayon imbis na sa taong kaniyang lubos na pinahahalagahan
niya ito sinasabi, sa sarili na niya ngayon ito sinasabi.
Kinukumbinsi
ang sarili sa tila ba imposibleng mangyari.
Nasa
huling hallway na siya malapit sa kwartong kaniyang papupuntahan ayon
sa signage na nakadikit sa mga pader. Isa itong mahabang pasilyo na
iilang tao lamang ang naglalakad, maliwanag ito ngunit sa kabila ng
liwanag na iyon ay hindi parin niya mapigilang makaramdam na para
bang nakakulong siya sa isang maliit na kwarto at gumagalaw ang mga
pader at kisame upang ipitin siya.
Papaliit
ng papaliit. Pasikip ng pasikip. Pahirap ng pahirap huminga.
Pero
sa kabila nito ay patuloy parin siya sa paglalakad hanggang dulo sa
ng hallway kung saan nagsanga ito papuntang kanan at kaliwa, base sa
directional sign na nakadikit sa pader ang kwarto na kaniyang
pupuntahan ay ang hallway pagliko niya sa kaniyang kanan,
ipagpapatuloy na sana niya ang kaniyang paglalakad ng marinig niya
ang ilang boses na tila ba nagtatalo, pamilyar sa kaniya ang mga
boses na iyon kaya naman kahit hindi niya kaharap ang mga ito ay
nakikita niya sa kaniyang isip ang nangyayari na tila ba nanonood
siya ng isang pelikula.
“We
have to wait for him---” simula ng isang babae.
“Nahihirapan
na yung anak mo---” nauutal na simula ng lalaki, walang duda na
pinipigilan nito ang sarili na umiyak. “---he's hooked to a machine
like a puppet--- and he's taking too long.” naiinis nitong
pagtatapos, walang duda na siya ang tinutukoy ng matandang lalaki at
sa kaniya ito nagagalit.
“Ayoko
ding nakikita na nahihirapan ang anak natin pero kailangan natin
siyang intayin.” nagpapakalmang balik ng matandang babae.
“He's
taking too long---” hayagan ng umiiyak na saad ng lalaki at saka
biglang tumahimik ang paligid, sa pakiwari niya ay niyakap ng ito ng
matandang babae, ng asawa nito upang kumalma.
Hindi
na siya makatiis pa at humakbang na siya papalapit sa mga
pinanggagalingan ng boses, tugmang tugma ang kaniyang naiiisip sa
tagpong nakikita niya ngayon. Yakap yakap ng babae ang lalaki pero
ang hindi niya inaasahan ay ang bilang ng taong nandun, hindi lamang
ang mga magulang ng taong pinunta niya doon ang nasa labas ng pinto
ng ICU, andun ang iba pa nilang mga kaibigan.
Habang
lumilipat sa kaniya ang pansin ng mga taong andun ay pamanhid na siya
ng pamanhid. Tila kinalimutan na ng kaniyang buong katawan ang
masaktan dahil ang gusto na lang niyang gawin ngayon ay makita ang
taong kaniyang pinakamamahal.
Sa
loob ng ilang taon habang kinakain ng karamdaman ang taong mahal niya
ay unti-unti na nitong kinakain ang oras at buhay niya. Ayaw niyang
aalis sa tabi nito, gusto niyang lagi itong nakikita, gustong niyang
sa bawat daing at kibo nito ay nandun siya.
“You
should get out sometime---” saad ng kaniyang ina habang tinititigan
ang kaniyang namumutlang itsura.
“Walang
magaalaga kay---”
“Ako
ang magbabantay sa kaniya.” putol ng kaniyang ina.
“Napagusapan
na natin 'to, Ma---”
“All
I want is for you to have a life again outside of this house. Hindi
porke may sakit siya, sasayangin mo nadin ang buhay mo. You're
healthy. You're young---” pagpupumilit pa ng kaniyang ina na siyang
tanging gusto ay ikabubuti ng kaniyang anak.
Sinuntok
niya ang lamesa upang matigil ang ina sa pagsasalita.
“HE
IS my life, Ma.” matipid niyang sagot sabay tayo at talikod mula sa
ina.
“Anong
mangyayari pagkatapos niyang mawala? Titigil ka na lang din mabuhay
pagkatapos niya?” natigilan siya sa sinabing ito ng kaniyang ina
pero hindi nagtagal ay naglakad na lang din siya palayo dito pero
hindi maialis ang sinabing ito ng kaniyang ina sa kaniyang isip.
Manhid
siya ngayon dahil sa sobrang sakit. Manhid siya dahil alam niyang ang
nalalapit na pagkamatay ng kaniyang kasintahan ay ang nalalapit narin
niyang pagkamatay. Ang pagtigil ng kaniyang buhay ay siyang pagtigil
narin.
Tumigil
siya sa harapan ng kaniyang mga kaibigan, ng kaniyang ina at mga
magulang ng kaniyang nobyo. Kitang kita niya ang lungkot at hinagpis
sa mga mukha ng mga ito, may ilan ay hindi pa man natutuyo ang luha
sa kanilang mga pisngi ay muli nanaman itong dinadaanan ng mga
panibagong luha.
Habang
tinitignan niya ang iba't ibang emosyon sa mukha ng mga taong nandon
ay mas lalo siyang nagiging manhid. Wala na siyang ibang maramdaman
kung hindi...
Blangko.
Walang
laman.
Kulang.
Sa
kabila ng nangyayari ay hindi parin nakaligtas sa kaniyang pansin ang
isang bagong mukha kasama ng mga pamilyar na taong nasa paligid ng
pinto ng ICU. Nakayuko ang lalaking iyon na noon niya lang nakita,
may malalaki ring bag sa ilalim ng mga mata nito na tila ba pati ito
ay aligagang aligaga din, nang maramdaman nitong may nakatingin sa
kaniya ay dahan-dahan itong nagtaas ng tingin.
Nagsalubong
ang kanilang mga tingin pero agad din itong naputol nang magsalita
ang ama ng kaniyang nobyo.
“Pumirma
kami ng DNR form---” nagaalangang saad ng matandang lalaki,
natatakot sa magiging reaksyon ng nobyo ng kaniyang anak.
“We
asked the nurses if you could sign it pero since hindi legal dito ang
kasal niyo--- kami na lang ang pumirma.” nagaalangan ding tuloy ng
ina ng kaniyang nobyo, tinignan niya lang ang mga ito at marahang
tumango.
Hindi
niya makuwa ang sarili na magsalita, tila ba ang pagsasalita ngayon
ay kasing hirap narin sa paghinga. Dahan dahan siyang yumuko dahil
ayaw niyang makitang nasasaktan ang dalawang matanda na itinuring
narin niyang mga magulang, kaya naman nagulat siya nang makaramdam
siya ng mahihigpit na yakap mula sa dalawang matanda.
“Kailangan
po namin ng kamaganak ng pasyente sa loob.” humahangos na saad ng
isang nurse na sumilip mula sa loob ng double door ng ICU.
“Sorry
po pero dalawa lang ang allowed---” pigil ng nurse nang nagmamadali
siyang lumapit kasama ang mga magulang ng kaniyang nobyo.
“Go.”
malungkot na saad ng matandang lalaki sa kaniya habang tumutulo ang
matatabang luha sa mga pisngi nito. Nagtama ang kanilang mga tingin.
Hindi
na kailangang sabihin, alam na nilang lahat ang mga susunod na
mangyayari. Tila iisa lahat ang kanilang mga utak at sabay-sabay ang
mga taong nandun na tumangis habang papasok siya ng ICU.
Sinundan
niya ang nurse na tumawag sa kanilang pansin sa labas ng ICU. Nasa
pinakadulong cubicle ang kanilang pakay kaya naman nadaanan niya ang
ibang cubicle sa ICU na iyon, ang ilan sa kaniyang mga nadaanan ay
mga nakatubo at nakakabit sa mga makina na tumutulong sa kanilang
huminga ang ilan naman ay gising at tila naman nagpapahinga lang sa
kanilang mga kwarto pero ano pa man ay pinapaalala parin ng mga ito
ang mga bagay na ilang segundo na lang ay haharapin niya.
“His
vital signs are not looking good. His vital organs are slowly
shutting down---” simulang paliwanag ng isang lalaking naka coat na
puti pero hindi na niya ito pa inintindi dahil nang ibaling na niya
ang kaniyang tingin sa loob ng cubicle ay wala na siyang ibang
gustong gawin kund ang lapitan ang kaniyang nobyo at hawakan ng
mahigpit ang mga kamay nito.
“We
already hooked him sa mechanical ventilator before his parents signed
the DNR form kaya naman ang ginawa lang namin is to stop adjusting
the machine according to the patient's requirement kaya ngayon
pumapangit na ang vital signs niya at nagsisimula nadin bumigay ang
mga vital organs niya---”
Hindi
na niya makuwang makinig pa sa sinasabi ng duktor, wala sa sarili
siyang tumalikod mula dito na ikinagulat ng duktor at nung una ay
ikinainis pa nito pero nang makita nito ang pagtangis sa kaniyang
mukha ay hinayaan na lang siya nito na pumunta sa loob ng cubicle.
Ang
lalaking kaniyang mahal, mahal ng lubos pa sa kaniyang sarili ay
tahimik na nakahiga sa malapad na higaan na iyon na kung wala ang mga
tubo na nakapasok sa iba't-ibang bahagi ng katawan nito ay baka
mapagkamalan lang na natutulog. Lumuhod siya sa gilid ng hinihigan
nito, sa tapat ng maamo nitong mukha, wala sa sarili niyang inabot
ang mahaba at malambot nitong buhok tulad ng madalas niyang gawin.
Isang
matabang luha ang pumatak mula sa kaniyang mata.
Muling
bumalik sa kaniya ang lahat ng mga nararamdaman niya bago siya
pumasok ng ospital. Tila ba bumabalik lamang ang mga emosyon na ito
sa tuwing mag-isa lang siya at hindi kaharap ang ibang tao na malapit
sa kanila ng kaniyang nobyo.
“Tinignan
mo lang ba ako magdamag o natulog ka din?” inaantok tanong ng taong
pinkamahalaga sa kaniyang buhay habang hinahaplos niya ang buhok
nito, sinusulit ang mga panahon na magagawa niya ito dito bago pa ito
mawala ng tuluyan sa kaniyang buhay.
“Natulog
ako ng mga tatlong oras.” humahagikgik niyang sagot, tanging isang
matipid na ngiti lamang isinukli nito sa kaniya.
“Stop
doing that, inaantok ulit ako.” saad nanaman nito saka muling
ipinikit ang mga mata, bagay na nakapagpangiti sa kaniya.
Pero
hindi nagtagal ang ngiting iyon. Hinihiling niya na sana ay hindi na
matapos ang sandali na iyon, sandaling binabalot sila ng katahimikan
na siyang tanging ang pagmamahalan lamang nila ang bumabalot sa buong
kwarto. Nagpakawala siya ng isang malalim na hininga saka
dahan-dahang ipinikit din ang kaniyang mga mata, umaasa na pagising
niya ay panaginip lang ang lahat ng iyon.
Panaginip
lamang na may malubhang sakit ang kaniyang nobyo.
Panaginip
lamang na nagiintay na lamang sila ng oras.
Na
panaginip lamang na mawawala na ito sa kaniyang buhay.
Ngunit
nang magising siya ay wala na ang kaniyang nobyo sa kaniyang tabi.
Isang masakit na katotohanang hindi lamang isang masamang panaginip
ang lahat kundi realidad na lubos niyang kinatatakutan.
“Hey
you---” mahina niyang saad, sa tila ba natutulog niyang nobyo sa
loob ng cubicle na iyon. Sa unang pagkakataon matapos niyang malaman
ang balita na nasa ospital ang kaniyang nobyo ay nakapagsalita muli
siya.
“San
ka ba kasi nagpunta? Hinanap kita kung saan saan---”
pumipiyok-piyok niyang saad, habang hinahagod parin ang buhok ng
kaniyang nobyo at habang ihinahawak ng mahigpit ang kaniyang isa pang
kamay sa kamay nito.
“I'm
sorry kung hindi kita agad nahanap kanina. H-hindi ko naisip na gusto
mo palang magsurf---” nangingiti niyang saad inaalala ang sadyang
pagiging impulsive nito nung malakas pa ito at sa sinabing ito ay isa
nanamang masayang alaala ang pumasok sa kaniyang isip.
“I
want a burger.” parang batang saad nito habang nasa daan sila at
natengga sa trapik papuntang mall, ang binanggit ng kaniyang nobyo ay
nagawad ng isang malakas na paghagikgik mula sa kaniya.
“We're
on our way to the mall, we can get some when we get there.”
malumanay niyang saad.
“But
I want those.” balik nito sa kaniya sabay turo sa labas ng bintana
ng sasakyan kung saan may nagbebenta ng mga burger, malayong malayo
sa mga burger na nabibili sa mall, malayong malayo sa malinis na
paligid ng mall na nakapagpakunot sa noo niya.
“Are
you sure?” tanong niya sa kaniyang nobyo.
“Yup.”
balik naman nito na siyang nakapagpakibit na lang ng kaniyang
balikat.
Sa
huli ay nakuwa na niya ang punto nito kung bakit mas pinili nito na
doon kumain. Mas masaya ang kanilang pagsasalong dalawa habang nasa
tabi ng bangketa, mas madami silang nakilala, mas madami silang
naging kaibigan at lahat ng ito ay ipinamukha sa kaniya nito habang
nagmamaneho siya pauwi.
“Mas
masaya diba? Mas madami tayong nakilala? Mas madami tayong natulungan
kesa yung sa mall tayo kumain, diba?” nakangiti nitong saad sa
kaniya na nakapagpatameme sa kaniya.
Ang
kaniyang naalalang ito ang siyang tanging pinaniniwalaan at iniisip
para kumbinsihin ang kanyang sarili na kaya napili nitong umalis at
lumayo sa kaniya nung umagang iyon ay dahil may rason ito, may plano
na siyang ikabubuti nilang pareho.
“I
didn't get to say I love you this morning.” pagpapatuloy niya
habang pilit na pinipigilan ang kaniyang mga luha sa pagtulo, nakita
niya ang pag-galaw ng pisngi nito na tila ba nakararamdam ng sakit na
nakapagpaalarma sa kaniya, saglit siyang lumingon upang tignan ang
duktor at humingi ng tulong pero umiling lang ito, nagsasabing wala
na silang magagawa, kasabay ng paggalaw ng mukha na iyon ng kaniyang
nobyo ay ang maingay na pagtunog ng mga makina na nakapaligid sa
kanila na lalong ikinabahala niya pero tulad ng mga duktor at nurses
ay wala na lang din siyang nagawa kundi ang hawakan ng mahigpit ang
kamay nito.
“I'm
sorry if--- I-I'm sorry if I can't take away the pain--- I'm sorry if
I can't do something for it.” nang sabihin niya ito ay medyo
bumagal ang pagtunog ng mga makina sa kanilang paligid at tumigil na
ang pagsimangot ng mukha nito na miya mo ba hindi na ito nasasaktan.
“I-I
know you're tired. I-I know you want to go now, it's OK--- I-I l-love
you---” simula muli niya sa kabila ng pag-agos ng kaniyang mga
luha.
At
sa sinabi niyang ito ay tumigil na ang nakakarinding mga tunog mula
sa mga makina sa kanilang paligid at namutawi ang isang malakas na
tunog na katunog ng isang dial tone. Hindi man niya naiintindihan ang
ibig sabihin ng tunog na iyon ay alam niya naman sa kaniyang sarili
na iyon na ang huli. Saglit pa siyang tumigil sa tabi ng higaan ng
kaniyang nobyo, walang ibang magawa kundi ang umiyak at pilit
tanggapin sa sarili na iyon na ang huli.
“I
love you.” mahina at paulit ulit niyang bulong at nang maramdaman
niyang hindi na niya kakayanin pang magtagal sa maliit na cubicle na
iyon at pilitin ang sarili na tanggapin ang nangyayari ay saka na
lang siya mabilis na tumayo at tumalikod na sa walang buhay na
katawan ng kaniyang nobyo.
Pagkalabas
niya ng cubicle ay nagpaalam na ang mga nurse at duktor na aayusin na
nila ang katawan ng taong pinuntahan niya doon sa huli nitong
sandali, hindi na niya nakuwa pang saguting ang mga ito at
tuloy-tuloy na siyang naglakad palabas ng ICU. Para siyang
lumulutang, hindi lumalapat ang paa sa sahig, wala na siyang pakielam
sa kaniyang paligid, nababalot na ito ng puting usok na para bang sa
kaniyang panaginip, nanlalabo man ito dahil sa kaniyang mga
natutuyong luha o dahil sa iba pang bagay ay wala na siyang pakielam.
Nang
buksan na niya ang pinto ng ICU ay bumungad sa kaniya ang mga umiiyak
ding mga kapamilya at kaibigan, nagtatanong ang mga mata nito at
tanging pagiling na lamang ang kaniyang nagawang pagsagot na
ikinahagulgol ng lahat ng nandun. Hindi niya makaya ang tagpong
nangyayari ngayon sa kaniyang harapan, lahat ng kanilang kakilala ay
nagyayakapan ng mahigpit at sa balikat ng bawat isa tumatangis.
Wala
siyang makayakap.
Wala
na ang taong dapat niyang kayakap. Isang matabang luha muli ang
tumulo mula sa kaniyang mga mata, muli niyang inihakbang ang kaniyang
mga paa at pilit na naglakad palayo mula sa kwarto kung saan niya
iniwan ang kaniyang pinakamamahal, ang kaniyang buhay at nang
makalayo na siya mula sa kanilang mga kapamilya at kaibigan ay wala
sa sarili siyang tumakbo palabas ng ospital.
Hindi
niya kayang sikmurain at harapin ang mga nangyayari ngayon.
Nang
makalabas na siya at mapatapat sa kaniyang sasakyan ay wala sa sarili
siyang tumingala at hinayaan ang malamig na ihip ng hangin noong
gabing iyon na hampasin ang kaniyang mukha, gagawin ang lahat
makaramdam lang siya ng kahit na ano maliban sa galit at lungkot na
unti-unting lumalamon sa kaniya pero hanggang doon lang ang kaniyang
naramdaman, lumalala lang ito pero galit at lungkot parin ang
namamayani sa kaniya.
Wala
sa sarili siyang sumandal sa kaniyang sasakyan at nagpadausdos
pababa, walang pakielam kung madumi ba ang kaniyang inuupuang sahig.
Ilang beses niyang siniko ang kaniyang sinasandalang sasakyan, umaasa
na kahit papano sa kaniyang ginagawang iyon ay maibsan ang galit na
kaniyang nararamdaman.
Pero
ni hindi ito nabawasan kahit kapiranggot. Iniyuko niya ang kaniyang
ulo, idinikit ang kaniyang mga tuhod sa kaniyang dibdib at dun
umiyak, humikbi na parang bata.
“Jason?”
tawag pansin ng isang lalaki. Hindi niya pa ito una pinansin, iniisip
na hindi lamang siya ang nagngangalang Jason at isa pa, karamihan ng
kaniyang kakilala ay Jase ang tawag sa kaniya.
“Jason?”
ulit ng isang lalaki sa hindi kalayuan na nagtulak na sa kaniya na
iangat ang kaniyang tingin at isalubong ito sa kung sino man ang
tumatawag sa kaniyang pansin.
Hindi
niya maaninag ang mukha nito sapagkat madilim sa parking ng ospital,
tanging ang buwan lamang ang nagbibigay ilaw sa kanila at nasa likod
ito ng taong tumatawag sa kaniya kaya naman natabunan ng kadiliman
ang mukha nito.
“Aaron
wants me to give this to you.” saad ng lalaki at inabot ang isang
notebook.
Isang
kurot ang kaniyang naramdaman nang marinig niya ang pangalan ng
kaniyang nobyo.
Kilala
niya ang notebook na iyon. Iyon ay walang iba kundi ang diary ni
Aaron. Nanginginig kamay niya itong inabot, iniisip na matapos gawin
iyon ng lalaki ay iiwan na siya nito sa kaniyang pagiyak pero mali
ang kaniyang akala, tumabi ito sa kaniya, sumandal din sa kaniyang
sasakyan at tumingin lang sa kaniyang harapan ng daretso.
“I
just met him this morning---” simula ulit ng lalaki na ikinagulat
niya. “---I wish I'd met him sooner though. He was a great guy---”
Napasinghap
pa si Jase nang marinig niya ang saitang “was” pero hindi
ito alintana ng lalaking bigla na lang kumausap sa kaniya.
“---Smiles
a lot and laughs a lot medyo madaldal din pero full of sense naman.”
pagtatapos nito, walang duda na sinsero ang lungkot na nakikita ni
Jase sa mukha nito. Tinitigan pa ni Jase ang mukha ng estranghero,
hindi niya alam kung bakit pero nararamdaman niyang nababawasan ang
sama ng kaniyang loob sa pagkawala ni Aaron sa mga sinasabi nito
kahit pa ang ilan sa mga salita nito ay nagpapaalala sa kaniya ng
pagkawala ng kaniyang nobyo.
“A
bit impulsive pero once you learn the reason behind his impulsiveness
you would respect him more---” simula ulit ng lalaki saka
nagpakawala ng isang matipid na ngiti, ngiti mula sa pagalala sa
kalilisan lang na si Aaron.
“Who
are you?” tanong ni Jase sa estranghero.
“Oh
I'm sorry I forgot to introduce myself. I'm Rob. The guy Aaron asked
to hand you his diary.” nakangiting saad nito saka tumayo at inabot
ang kamay upang alalayang tumayo si Jase.
Tinignan
ito ng saglit ni Jase bago tanggapin ang pagalalay nito sa pagtayo.
Itutuloy...
Against All Odds 3
[prologue]
by: Migs
Sorry po ulit sa sobrang late na update. :-(
ReplyDeleteMARAMING SALAMAT KAY EZEKIEL (ZILDJIAN) SA PAGPAPAGANDA NG BLOG KO! MWAH MWAH!
I have made a dummy account (as much as I detest doing one), napilitan ako eh. I have to get the attention of those who post my stories sa wall nila and then claim it as their own. Nakakinis kasi matapos mong paghirapan, sila ang magcre-credit. Halos di na nga ako matulog makapag-post lang tapos siya naman kokopyahin lang.
I'm not a blog genius at hindi ko alam ang sinasabi niyong pagla-lock. :-(
please add me and support my fight against these plagiarizer. Here's the link.
https://www.facebook.com/miguel.salvador.1232?fref=ts
Nais ko lang pong linawin na ang kwento pong “SKYBAND” ay akda po ng isa sa aking pinakamalapit na kaibigan na si Ezekiel o ang may pakana ng blog na 'to http://zildjianstories.blogspot.com/
Ating po siyang suportahan! :-)
Hi guys! Here's AAO 3.
Lighter.
Shorter.
Lighter, kasi hindi siya masyadong heavy on drama.
Shorter, with just a max of ten chapters.
Enjoy guys! ;-)
MARAMING SALAMAT ULIT SA PATULOY NA PAGSUPORTA AT SA NAGUUMAPAW NA COMMENTS! MORE PLEASE! ENDORSE THIS BLOG SA FRIENDS NIYO DIN AH! :-) I'm targeting to gain more followers! Salamat! :-)
Hahaha jace and rob....still wondering how'd they got together...ito na hehehe ^_^ can't wait
ReplyDeletemeron na! meron na ulit!!!! i miss you kuya migs!!!
ReplyDelete--ANDY
Ang ganda nmn sir migs..
ReplyDeleteThis prologue is just.... Ugh. So much feels migs. Grabe naluha ako. Habang tumatagal, lalo kang gumagaling as a writer. Thank you for making me feel things through your stories migs. You don't know how much you inspire people like us. :)
ReplyDelete- Joshua D.C.
So this is it, the story how Rob and Jase chase each other mahaba-habang kwento to, I've been waiting for this kasi alang closure ung story ni Jase and Aaron after Aaron's death, so excited, kudos author, simulan na yan.
ReplyDeleteAy naku migs huwag mo nga akong pinagluluko na hindi to heavy drama, e umpisa palang sinipon na ko sa dami ng niluha ko pati tissue ng ate ko nagamit ko. Ramdam ko yung nararamdaman ni Jase and that's make it heavy to the heart grabe I cant describe the feeling while reading every word of the prologue.
ReplyDeleteGood job migs and keep it up.
Start palang nakakaiyak na kaagad!Eto nayun!
ReplyDelete-WaydeeJanYokio
Homaigas!!! Excited na akoooooooo!!! hahahahahaha thank you kuya migs :D
ReplyDeleteNiceeeeee!! Kaabang-abang! :D
ReplyDeleteits make me sad:-(
ReplyDeleteThat prologue hits me...
heto't naiiyak ako
kuya Miggy...
Bat ganun?
Everytime na lang pag sa AAO series na pinapaiyak mo kaming mga avid readers mo...
That's why prologue pa lang to...Panu na rin kaya pag sa Ending na..
- Mhimhiko of Pangasinan
OMG ang gandaaAAAA...
ReplyDeleteDarkboy13
Hay..naalala ko ung AAO 1 :'( makes me sad T_T ..but still excited ako sa AOO2 thanks Migs :)
ReplyDeleteMeron na kayang AOO2.
DeleteAy sorry..3 pala hahahaha :D
DeleteAnothet story to look forward to.. I am sure this will another great story.. Thanks Migs..
ReplyDeleteang sakit sa dibdib ang hirap basahin parang kasali ka sa kwento katulad nung aao1 na ilang linggo ako hndi nkamove on hetot karugtong pa nya...tuloy pa dn sa pag agos ng luha ko - echo
ReplyDeleteIto ung isa sa mga blog na gsto ko lalo na sa story na toh ung sakit at hrp ng mwalan ung may mangyari sau na di mo gnusto ung ngmhal ka pro nwalan ka that only few people would really understnd. I really can feel it, how hard to lose someone whom you give ur life. It really pains me dis much na every single day may nwawala bec. Of this desease, kya wla tau krapatan to judge those people who hve it.. can't wait as the story goes on.. thanks you migs. Exceptional ka tlga.. :-) :-) :-) kudos. Rhatss... :-) :-)
ReplyDeleteHey migs! You can call me Marc. Im a big big fan of yours! Actually i joined your blog way back when but i forgot my password so.... yeah haha. Im planning on creating a new one and join again... oh and by the way, i left a message for you on your dummy account... (Miguel Salvador) and i was hoping that if you have a spare time, please do check it haha. Ngayon pa lang ako magsastart basahin tong BB book 2 and im looking forward na isa nanaman to sa mga greatest novels na nagawa mo... ayun. More power favorite author and God bless :)
ReplyDeleteP.S. will be expecting your reply later this week... hahahaha thanks! :D
-Your cyber friend/fan, MarcDiscreet7 :)
hmmmm..
ReplyDeleteat dalawa na kami
marc....
Jase is back! yes it's Rob, yung ka-"chat" ni Aaron sa mga huling buhay niya - the person whom Aaron had entrusted Jase to (sa ending ng AAO1, if I'm not mistaken). So ito na yung story on how they fulfilled Aaron's hope for Jase. (tama ba Sir Migs?) ^_^V
ReplyDeleteWish you more inspiration and good health for the success of this new project.
xoxo,
Julio
Sad ng prologue :( takes me back to AOO1... anyway alam ko maraming kilig moments dito since getting to know each other cla haha exciting!
ReplyDeleteheavy...
ReplyDeletemarc
ito pala yung light, parang maiiyak na ko.... pero parang mas maganda kung 20 chapters para buong buo yung story tulad nung last story mo.
ReplyDelete