Against All Odds 3[1]
DISCLAIMER:
The following is a work of fiction. Any similarities to any written
works and any person, living or dead are purely coincidental. The
story is intended for a mature audience. It may contain profanity and
references to gay sex. If this offends you, please leave and find
something more suitable to read. The author maintains all rights to
the story. Do not copy or use without written permission. Email the
author at miguisalvador@yahoo.com
for comments, suggestions and violent reactions in pertaining to this
blog and the stories that comes along with it.
Nagtagal
pa saglit si Rob sa ospital kung saan niya isinugod si Aaron nang
makita niya itong walang malay sa loob ng isa sa mga kwarto ng hotel
na kaniyang pagmamayari, nagtagal siya dahil kahit papano ay gusto
niyang makatulong sa mga naiwan ni Aaron. Hindi sanay ang mga ito sa
lugar na iyon at iba sa mga ito ay hindi parin makausap at
makapag-isip ng maayos dahil hindi parin sila makapaniwala na wala na
ang kanilang pinakamamahal na anak at kaibigan.
“We
need to pay the bills before they release the bo---” natigilan na
saad ng ina ni Aaron sa grupo ng mga taong andun na nagluluksa sa
pagkamatay ng kaniyang anak, hindi siya makapaniwala na sa sariling
bibig niya mismo muntik manggaling ang mga salitang magkukumpirma na
patay na ang kaniyang anak.
“---b--efore
they r-release Aaron.” ang pagtatapos ng ina ni Aaron matapos
nitong piliin ang kaniyang sasabihin.
“A-ako
na po ang bahala, Tita.” malungkot na saad ni Jase na sa unang
pagkakataon ay narinig magsalita ng lahat, saglit pa muna itong
tumingin sa mga nagluluksang mukha ng mga nandun saka muling
nagsalita.
“All
of you should go home now and rest. This is going to be a long week
for all of us---” pigil luhang saad ni Jase sa lahat. “---thanks
for being here.” pagtatapos ni Jase saka pinilit ang sarili na
magpakawala ng isang sinsero at nagpapasalamat na ngiti.
May
ilang pang tumanggi sa hiling ni Jase na ito pero nang mapagtanto ng
mga ito na marahil ay gusto ni Jase at ng mga magulang ni Aaron na
mapagisa muna ay hindi narin nagatubili pa ang mga ito at isa-isa
naring nagpaalam.
Hindi
niya masisisi ang mga ito dahil maski siya na halos kalahating araw
lang nakakuwa ng pagkakataon na makilala si Aaron ay nalulungkot sa
pagkamatay nito at kung maaari ay susuportahan niya ang pamilya nito
sa bawat oras. Hinangaan niya si Aaron sa loob ng isang oras nilang
paguusap at lalong humanga dito bago pa man matapos ang araw, sa dami
ng pinagdaanan nito ay mas pinili parin nitong ituloy ang buhay, sa
dami ng pinagdaanan nito ay mas pinili parin nitong maging isang
mabuting tao.
Hindi
na siya magtataka nang igala niya ang tingin niya sa paligid ng mga
kaibigan at kapamilya nito ay wala siyang ibang nakita kundi ang
lungkot at matinding panghihinayang sa likod ng pagmamahal ng mga ito
habang naglalakad palayo sa double doors ng ICU.
Bagay
na hinihiling niya sa para sa kaniyang sarili noon pa.
Oo
at nagkaroon din ng problema noon si Aaron sa mga magulang nito pero
agad nagbago ang mga ito, bagay na hinihiling ni Rob para sa kaniyang
mga magulang. Kung sana lang ay kasama niya ang mga ito. Simula noong
pagkabata niya, may ilang beses niya lang atang nakita ang kaniyang
sariling mga magulang. Nagtratrabaho ang mga ito at sa tingin ni Rob
ay ang pagtratrabaho na ang mga buhay ng mga ito.
Matagal
na niyang hiniling na may magpahalaga sa kaniya.
Matagal
na niyang hiniling na may magmahal sa kaniya.
“Rob?”
tawag pansin ng isang babae na siyang gumising kay Rob sa kaniyang
malalim na pagiisip.
“Thanks
for helping--- I-I don't know what could've happened if someone else
saw him---” simula ng babae na siyang kumuwa na ng tuluyan ng
pansin ni Rob.
Maganda
ang babaeng kaniyang nasa harapan ngayon. Halatang galing sa mayamang
pamilya at iniisip niya kung paano ito kunektado sa kanilang
kaibigang si Aaron. Pero sa kabila ng ganda at supistikada nitong
pagsasalita ay halata rin ni Rob na mabait at mapagkakatiwalaan ito
kaya hindi na siya nagaksaya pa ng panahon na ibigay dito ang
kaniyang buong pansin.
“I
mean baka kung napano pa si Aaron. Baka pinagsamantalahan pa ng iba
ang kahinaan niya, ninakawan or worse sinaktan---” umiiling na saad
ng babae, halatang nastre-stress ito sa nangyari. Wala sa sarili
inabot ni Rob ang balikat nito at marahan itong pinisil, pilit
pinapagaang ang loob nito.
“I-I
just can't understand why he would go out of the house by himself
when he is all weak and sick.”
“destiny---”
isang
salita na narinig mismo ni Rob mula sa mga magagandang labi ni Aaron
na siyang agad pumasok sa kaniyang isip.
“Destiny.”
wala sa sariling naibulalas ni Rob ng malakas na ikinakuwa ng
atensyon ng babae. Saglit nagtama ang kanilang mga tingin at nang
tila ba ay naintindihan ng babae ang kaniyang tinutumbok ay wala sa
sarili itong nagpakawala ng isang matipid na ngiti, ngiti na walang
duda na nagpakalma din dito.
“I
like you.” walang pagaalinlangan na saad ng babae na nakapagpangiti
kay Rob.
“Whoah!
I don't even know your name and you're already crushing on me?!”
nagbibirong saad ni Rob na ikinahagikgik ng babae.
“Cha.”
pakilala ng babae matapos makabawi sa biro ni Rob sabay abot ng
kaniyang kamay na agad tinanggap ng huli.
“Pano
mo nakilala si Aaron?” seryosong tanong ni Rob na ikinangiti ulit
ni Cha.
“Thru
a Friend. A very close friend.” sagot naman ni Cha saka muling
itinuon ang kaniyang pansin mula sa double doors ng ICU kung saan
inaayos ng mga nurse ang katawan ni Aaron bago ito kuwanin ng
funeraria, magsasabi pa sana si Rob ng ilang salita na
makakapagpagaang ng loob ni Cha nang biglang tumunog ang kaniyang
telepono.
“I'm
sorry but I have to take this.” saad ni Rob kay Cha nang makita
niya sa screen ng kaniyang telepono kung sino ang tumatawag, nagbigay
lamang ng isang matipid na ngiti si Cha saka tumango.
“Where
the hell are you?! Anong sinasabi mong hindi ka makakapasok bukas?”
sumisigaw na tanong ng lalaking nasa kabilang linya.
Isang
executive assistant si Rob ng isa sa pinakakilalang business man sa
buong Manila. Nakatapos din siya ng business administration at hindi
lang iyon isa rin siya sa pinakamagaling sa larangan na ito kaya
naman ito ang kaniyang naging puhunan upang pagkatiwalaan siya ng
isang katulad ng kaniyang boss na dahil sa pagiging busy ay
nakakalimutan na minsan ang ilang importanteng bagay na siya namang
pinupunan ni Rob.
Kung
titignang mabuti ay tila si Rob na ang humahawak ng kalahati ng
kumpanya ng kaniyang boss. Lahat ng ilang mabibigat na desisyon ay sa
kaniya na mismo nanggagaling at walang problema ang kaniyang boss sa
mga ito. Kung tutuusin ay pwede ng kasiyoso si Rob sa kumpanya pero
dahil sa pagiging simple ay mas nagkasya na lang siya sa pagiging
executive secretary. Maliban sa pagiging simpleng tao ay mas gusto ni
Rob ang kaniyang kinalalagyan ngayon kasi nararamdaman niyang
pinahahalagahan siya sa trabaho na iyon.
Ganun
kalaking asset si Rob sa kaniyang boss at alam ito ni Rob pero kahit
na in demand siya sa kaniyang larangan at pinagaagawan pa ng ibang
mga kumpanya ay mas pinili ni Rob na mag-stay sa kumpaniyang iyon
hindi dahil malaki itong magpasweldo, hindi dahil maayos siyang
tratuhin ng mga nandun, hindi dahil madami siyang kaibigan sa opisina
na hindi niya maiwan...
...kundi
dahil sa pagpapahalaga sa kaniya ng kaniyang mga katrabaho dahil sa
galing niya at maliban dito ay may isa pang rason na ikinahihiyang
aminin ni Rob maski sa kaniyang sarili...
“I'm
sorry, sir pero hindi po talaga ako makakapasok---” hindi pa man
natatapos ni Rob ang kaniyang sinasabi ay agad na muling sumingit at
nagsalita ang kaniyang boss na inisyal na nagulat sa pagtanggi ni Rob
dahil kailanman ay hindi ito tumanggi sa kaniyang mga pinapagawa
kahit gano pa ito kahirap.
“I
need the report on our sales for the past two years tomorrow morning
for the monthly board meeting and I want it tomorrow at exactly eight
am.” singhal ng kaniyang boss sabay baba ng telepono, hindi na
hinayaan pa si Rob na kumontra.
Nagpakawala
na lang ng isang malalim na buntong hininga si Rob atsaka humarap
muli sa grupo ng mga tao na siyang natirang nagluluksa sa pagkawala
ni Aaron, sinalubong siya ng tingin ni Cha na may nagtatakang tingin.
Hindi kasi nakalusot dito ang tila ba biglaang pagiiba ng aura ni Rob
kahit pa may nakaplaster parin na ngiti sa mukha nito.
“Is
there something wrong?” tanong nito kay Rob na saglit pang
natigilan bago umiling bilang sagot kay Cha.
“I-I
have to go. I have some work to do---” pagpapaalam ni Rob kay Cha
na agad naman siyang hinila para yakapin at magpasalamat ulit.
“Thank
you ulit ha. This is my card, you can text or call me---akin na yang
phone mo---” saad ulit ni Cha saka inagaw ang phone ni Rob sa
kaniyang kamay at tinext ang sariling numero, nakita pa ni Rob na
dinukot ni Cha ang sariling telepono sa purse nito at sinave ang
kaniyang number.
Mabigat
ang loob ni Rob na tumango at ngumiti kay Cha saka naglakad palayo at
palabas din sa ospital na iyon. Habang naglalakad siya sa lobby ay
nahagip ng kaniyang mata ang nanlulumong si Jase na nakatayo sa
harapan ng billing section ng ospital.
Hindi
niya alam kung bakit pero tila ba may nagtutulak sa kaniya na lapitan
ito.
“Jason?”
Agad
na lumingon si Jase at saglit pang natigilan si Rob.
“Ano
ba kasing sasabihin mo sa kaniya bakit ka lumapit?!” saad
ni Rob sa kaniyang sarili habang bumibilis ang tibok ng kaniyang
puso.
“Ahh
uhmm---” simula ni Rob na ikinainis naman niya sa sarili. “Nice.
Make yourself look stupid.” singhal
nanaman ni Rob sa kaniyang sarili lalo pa nang makita niyang kumunot
ang noo ni Jase habang nagtatakang nakatingin sa kaniya.
“I-If
y-you need anything j-just text me. Here's my number---” wala sa
sariling saad ni Rob saka naglabas ng isang calling card na lalong
ikinataka ni Jase.
“Thanks?”
tila hindi siguradong saad ni Jase habang nakatingin ng masuyo sa
hindi makatingin ng daretso sa kaniya at halatang kinakabahang si
Rob.
“uhh---eerrmm
S-sige pare, una na ako.” saad ni Rob saka nagmamadaling naglakad
palayo.
“Wow.
That's very stupid of you.” saad
ni Rob sa kaniyang sarili.
Hindi
alintana na sakaniya parin nakapako ang nagtatakang tingin ni Jase.
000ooo000
Kinabukasan
ay hindi parin makapaniwala si Rob sa kaniyang ginawa bago lumabas ng
ospital. Hindi niya parin maintindihan ang sarili kung bakit niya
iyon ginawa at hindi nanaman niya maiwasan sa kaniyang sarili ang
mahiya. Umiling pa siya saglit at napangiti habang paulit-ulit na
pinapanood sa kaniyang imahinasyon ang nakakahiyang ginawa noong
nagdaang araw bago sila maghiwalay ni Jase.
“Nice
of you to report for work.” mapreskong saad ng boss ni Rob.
Si
Ace Sto. Domingo ng Sto. Domingo Industries ang isa sa pinakabatang
milyonaryo ng Pilipinas. Kaklase ito ni Rob sa kolehiyo at simula
noon ay hindi na sila naghiwalay. Sila ang magkabalikat sa lahat ng
bagay, parehong magaling sa kanilang larangan pero hindi man nila
aminin sa kanilang mga sarili, lahat ng meron at napagtagumpayan ni
Ace ay dahil narin sa tulong ni Rob na kung gugustuhing magtayo ng
sariling business maliban sa business na iniwan sa kaniya ng kaniyang
mga magulang gaya ng hotel sa Batangas ay baka mausungan pa ang kung
ano mang meron si Ace.
Nagsangay
na sa kung ano-ano ang business ni Ace na nagsimula lang sa pagtatayo
ng isang maliit na hardware. Pinasok na nila ang pagtatayo ng
sariling chain ng mga mall, ang isang kilalang chain ng restaurant na
may ilan daang franchise na din sa buong Pilipinas pero ang lahat ng
ito ay dahil din sa tulong ni Rob.
Saglit
pang nagtama ang tingin ni Ace at Rob, nagulat pa ang huli sa
nakitang inis sa mukha ni Ace. Hindi alam ni Rob kung bakit tila ba
inis na inis si Ace sa kaniya. Ilang nakakapraning na bagay ang
pumasok tuloy sa kaniyang isip, kesyo may nagawa siyang mali,
nakalimutang gawin o kaya naman mas matindi pa.
“Ngayon
pa lang naman sana ako liliban sa trabaho ah.” nagtatakang
saad ni Rob sa kaniyang sarili nang sumagi sa kaniyang isip ang
kaniyang paalam sa boss kahapon tungkol sa hindi niya sana pagpasok
sa trabaho.
“Sumunod
ka sa office ko.” inis paring saad ni Ace na ikinakaba lalo ni Rob
at ikinagising nito sa pagiisip.
Nang
marinig ni Ace ang pagsara ng pinto ng kaniyang opisina ay agad
siyang humrap sa kaniyang executive assisstant. Nakita niya ang kaba
sa mukha nito na kaniya namang ikinailing.
“Please
tell me my report is ready?” mahinahon ng saad ni Ace saka umupo sa
malaking upuan sa likod ng kaniyang malaking lamesa.
“Good
morning, Sir. Yes your report is ready.” sagot ni Rob na nakayuko
parin, hindi alintana ang pagkalma ng boses ng kaniyang boss sabay
inabot ang isang folder na puno ng report.
Ilang
sandali pa at hindi parin kinuwa ni Ace ang folder na agad namang
ikinataka ni Rob. Nagtaas siya ng tingin at nagulat nang muli na
palang tumayo ang kaniyang boss at masuyo ng nakatingin sa kaniya.
Nagtama
ang kanilang mga tingin.
000ooo000
Itinago
na ni Cha ang kaniyang telepono sa kaniyang bag matapos mag-text at
ibinalik na niya ang kaniyang tuon sa kaniyang harapan.
“Look
at him. All destroyed and lonely.” malungkot na saad ng ina ni Jase
kay Cha na malungkot ding tinititigan ang kaniyang kaibigan habang
inaayos nito ang mga bulaklak sa tabi ng kabaong ni Aaron.
Gusto
niya itong tulungang maging masaya ulit pero hindi niya alam kung
pano. Gusto niyang tulungan itong makita na malawak pa ang buhay na
kaniyang nasa harapan sa kabila ng pagkamatay ni Aaron. Gusto niyang
ipamukha dito na marami pang nagmamahal dito.
“Cha---”
tawag pasin ulit ng pansin ng ina ni Jase sa kaniya. Nagulat siya
nang makita niyang nangingilid na ang luha nito.
“I-I
c-can't lose him too---” umiiling nitong simula na nagtulak sa mga
nangingilid nitong luha na umagos na sa makinis nitong pisngi.
“I've
already lost Nathan and now Aaron. I can't lose him too.”
pagtatapos ng matandang babae na nagtulak sa dalaga na yakapin ito.
Habang ibinabalik ang tingin kay Jase na matapos ayusin ang mga
bulaklak sa tabi ng kabaong ng kaniyang pinakamamahal ay ngayon
nagkakasya namang titigan ang payapang gwapong mukha ni Aaron sa loob
ng kabaong.
Gusto
man niyang tumulong ay hindi naman niya alam ang kaniyang gagawin.
Nasa ganito siyang pagiisip nang biglang magvibrate ang kaniyang
telepono. Walang duda na naramdaman din ng ina ni Jase ang pagvibrate
ng kaniyang telepono dahil malungkot itong ngumiti sa kaniya na tila
ba sinasabi na OK lang na tanggapin niya ang tawag. Saglit pang
nainis si Cha dahil gusto niya pang ipakita ang kaniyang suporta sa
pamilya ni Aaron at isang tawag lang pala at mapuputol ang kaniyang
kagustuhan na iyon. Tinignan niya kung sino ang tumatawag at ilang
beses pa siyang kumurap hanggang sa tumigil ang kaniyang telepono sa
kaka-vibrate at pagkatapos noon ay nagtext naman ang tumatawag.
“Sorry,
I accidentally tapped your name sa phonebook ko.”
Hindi
mapigilan ni Cha na mapangiti lalo pa nang maisip niya ang sinabi ng
lalaking iyon sa kaniya noong nagdaang araw.
“Destiny”
000ooo000
Hindi
mapigilan ni Rob na mapapikit sa sensasyong kaniya ngayong
nararamdaman. Ramdam na ramdam niya na importante siya para sa tao na
siya ngayong humahalik sa kaniyang mga labi, na siya ngayong
pinapadaanan ng malalaking kamay ang makinis niyang balat sa buong
katawan.
“You're
so tight.” saad nito nang maghiwalay ang kanilang mga labi habang
si Rob naman ay idinikit muli ang kaniyang mga labi sa mabango at
makinis na leeg ng lalaki na siyang nagbibigay sa kaniya ngayon ng
importansya.
“I
missed you.” saad ni Rob habang hinihigpitan ang kaniyang yakap
dito.
“I-I'm
cumming---” saad ng lalaki na siyang nagtulak din kay Rob na
marating din ang sukdulan.
Matapos
ang kanilang pagniniig ay agad na tumayo ang lalaki at iniwan si Rob
sa kamang kanila lamang nirentahan. Narinig ni Rob ang lagaslas ng
tubig sa banyo na kalakip ng kwartong iyon at hindi niya mapigilan
ang mapabuntong hininga.
Dahil
muli nanaman siyang kinakain ng kaniyang kunsensya at ang pakiramdam
na siya ay pinangangahalagahan ng taong kanina lang ay nagpaparamdam
sa kaniya na siya ay importante ay unti-unti nanamang nawawala.
Pakiramdam niya ay muli nanaman siyang nagamit pero katulad ng marami
na imbis aminin na isang malaking problema ang kaniyang nararamdaman
at sitwasyon ngayon ay mas pinili na lang ni Rob na i-isang tabi ito
at damputin ang kaniyang mga damit at magbihis na.
Nang
damputin naman niya ang kaniyang telepono ay laking gulat niya na
nagtext pala sa kaniya si Cha. Mabilis niya itong binasa at nakita na
itinext nito sa kaniya ang address kung saan nakaburol si Aaron. Sa
sobrang pagtitig niya sa itinext ni Cha ay hindi na niya napansin pa
na lumabas na pala ng banyo ang kasama niyang nagrenta sa kwartong
iyon.
“Ang
galing nung ginawa mong report.” saad ng lalaki na siyang gumulat
kay Rob at hindi niya napansing napindot pala niya ang pangalan ni
Cha at natawagan ito. Natigilan siya at tila ba meron sa kaniyang
sarili na nagising at bigla siyang nainis. Tila nagatungan ang
problema na kani kanina lamang ay kaniyang pilit iniiwasan.
Lalo
niyang napagtanto na importante lamang siya sa taong ito kapag may
kailangan ito at habang nagse-sex sila.
“So
that is what this is? A thank you?” tila dismayado at malungkot na
tanong ni Rob.
“Rob---
you know I can't. I mean, with Sheila and the kids---” saad nito
kay Rob habang iniikot ang kaniyang wedding ring sa kanang kamay na
hindi nakaligtas sa huli na tila ba sinibat ng kung anong matulis sa
kaniyang puso.
“I
know. Forget what I said.” umiiling na saad ni Rob, hindi na
nagatubili pa na takpan ang kaniyang tunay na nararamdaman, sinuot na
niya ang natitira niya pang mga damit atsaka naglakad palabas ng
kwartong iyon habang pinapanood siya ng lalaking kanina lamang ay
masuyo niyang kahalikan.
“Rob,
we're good, right?” tanong nito kay Rob bago lumabas ng kwarto.
“Oh
shit!” singhal ni Rob sa kaniyang sarili nang makita niyang
napindot niya ang screen ng kaniyang telepono at aksidenteng
natawagan si Cha. Agad niya itong kinansela at nagkunwaring hindi
narinig ang tanong ng lalaki at nagkasya na lang siya sa pagtext at
pagso-sorry kay Cha.
“Rob--”
habol nanaman ulit ng lalaki na siyang nagpatigil kay Rob sa paglabas
ng pinto.
“Yes
Ace. We're good.” malamig na saad ni Rob atsaka ibinagsak ang pinto
sa kaniyang likod.
Itutuloy...
Against All Odds 3
[1]
by: Migs
Halos isang buwan nanaman akong hindi nakapag-update. Sorry guys. :-(
ReplyDeleteMARAMING SALAMAT KAY EZEKIEL (ZILDJIAN) SA PAGPAPAGANDA NG BLOG KO! MWAH MWAH!
I have made a dummy account (as much as I detest doing one), napilitan ako eh. I have to get the attention of those who post my stories sa wall nila and then claim it as their own. Nakakinis kasi matapos mong paghirapan, sila ang magcre-credit. Halos di na nga ako matulog makapag-post lang tapos siya naman kokopyahin lang.
I'm not a blog genius at hindi ko alam ang sinasabi niyong pagla-lock. :-(
please add me and support my fight against these plagiarizer. Here's the link.
https://www.facebook.com/miguel.salvador.1232?fref=ts
Nais ko lang pong linawin na ang kwento pong “SKYBAND” ay akda po ng isa sa aking pinakamalapit na kaibigan na si Ezekiel o ang may pakana ng blog na 'to http://zildjianstories.blogspot.com/
Ating po siyang suportahan! :-)
Hi guys! Here's AAO 3.
Lighter.
Shorter.
Lighter, kasi hindi siya masyadong heavy on drama.
Shorter, with just a max of ten chapters.
Enjoy guys! ;-)
Kerry Von Chan: thanks! Ito na nga yun! ;-)
ANDY: miss you more! :-)
russ: thanks! :-)
Joshua D.C.: thanks din! You guys are my inspiration! :-)
Angel Marco Menor: short na lang ito. Babalik na ako sa mga short stories with 8-10 chapters lang. :-)
Ryge Stan: hindi kita niloloko. Hindi nga ito heavy drama. Ito ang pinaka-light sa lahat. :-)
WaydeeJanYokio: hihi! Ito na talaga yun. :-)
MigiL: thanks din! :-)
racs: thanks! :-)
Mhimhiko of Pangasinan: oi hindi naman, iba na itong AAO 3, hindi ka na mapapaiyak dito masyado. Ewan ko lang sa book 4 ;-)
Darkboy13: thanks!
Christian: thanks! AAO 3 na po ito. :-)
Migz: Thanks din po! :-)
echo: hindi na po kayo mapapaiyak dito, promise. :-)
marc abellera: thanks din. Well said. Well said. :-)
marc: hey marc, sorry pero I don't give my personal account talaga. I have so many people to protect eh. Same reason why I can't continue writing the CP series. It's for their protection.
Julio Antivo: tignan po natin kung tama kayo. Hihi! Thanks!
Tedy: tignan natin kung mapapkillig ko uli kayo. :-)
MARAMING SALAMAT ULIT SA PATULOY NA PAGSUPORTA AT SA NAGUUMAPAW NA COMMENTS! MORE PLEASE! ENDORSE THIS BLOG SA FRIENDS NIYO DIN AH! :-) I'm targeting to gain more followers! Salamat! :-)
nice..
ReplyDeletemarc
WHAAA!!! ROB! SO TALENTED YET SO DUMB.....
ReplyDeleteLakas maka-Nicole ni Rob! Way to go! Hehe.
ReplyDelete-dilos
Kuya, musta? I miss this. I mean the commenting part. haha! I do not miss your stories since I still check on them regularly. Haha! So I'm updated and all. Sorry for becoming a silent reader and thank you for your continued posting of stories despite your hectic sched, hospital issues, etc. haha!( I stalk your account a bit.haha! ) By the way pasabi ky kuya neph na namimiss ko na siya. haha! Inaway ko kasi yun pero leche namiss ko pala. haha! Wla lang, just miss talking to you guys. Med school and love life (ahemmm..) consumed a whole lot of my time. XD You probably know "him" already since I usually have photos with him and has greeted him recently on his birthday (konting hint..haha). Anyway, just wanna say THANK YOU VERY MUCH again. Also my boyfriend says "hi!" by the way. And is already cursing you since he is already spending a lot of time reading your stories over his chem eng books (eto oh hint pa. haha) ! haha! But I assure you he is happy (I do not know if I can say he is happy when he cries while reading your stories. haha) and I always make sure he never forgets to study...the hard way. >:) haha! Anyway, nangungulit lang, best regards sa work and all! :D
ReplyDeleteP.S. So wala na pala kasunod ang CP? Whyyy! haha! Anyway just ranting. Respecting your privacy still since a lot of people out there are smart enough to identify the real persons behind the story. haha! Just one more thing :Me wanna meet Cha. Me wanna meet Fag Hag. (pouts face) haha!
-nix (from way back 2012 I guess? haha)
I believe in destiny.. Same here sir.migs thanks.. Iba pa rin amg atake ng mga akda mu..
ReplyDeletebinasa ko ulit yung prologue, grabe sobrang nadala talaga ako sa bigat ng nararamdaman ni Jase.
ReplyDeletesi rob naman, hays kawawa nman, ginagamit lng sya ni Ace. kainis yung mga ganon. may naalala tuloy ako. nalungkot tuloy ako lalo now.
thank you kuya migs sa pagbuo ng araw ko dahil sa update. wala ka paring kupas!
--ANDY
...
ReplyDeleteSo Kuya MIGz
your finally back...
Haixt...
Nakakamiss talaga si Aaron...
but now kasama na niya si Sam/Simon Apacible na kuya niya at si Nate/Nate na step brother ni Jase
..at sa AAO3 magiging Cameo Rule din dito si Danny ...
Kuya sana pagtapos ng AAO3 isunod mo rin ang Taking Chances Book 2...
Gusto ko rin kc malaman kung ano na nanyari kay Francis eh
Mhimhiko of Pangasinan
Hi migs how are you doing? Ang ganda ng plot ng Story. Kawawa naman pala si Rob and mukhang destiny nga ang gumawa ng paraan para makatakas siya sa bitterness ng Life niya and I hope somehow if fate has made its part sana ganun rin ang gawain ni Rob at Jason.
ReplyDeleteIngat always Migs and have a great day.
Whew! Speechless in a good way...
ReplyDeleteNaku excited na ako sa next chapter! hahaha thnx kuya migs sa update! :D
ReplyDeleteWaaaa daming happening! Simula pa lng ayaw ko na sa Ace na yun hahaha...exciting! thanks sa update migs! :) tc
ReplyDeleteSa wakas naka visit ulit ako sa blog mo migs hehehe..medyo busy ksi..anyway nakakaintrigue yung mga new characters making the story more intriguing. Looking forward sa next chapter. thank you sa upate.
ReplyDeleteYown! naka-Chapter 1 din! #swan Sir Migs!
ReplyDeletelooking forward for the 2nd. ^___^V ingat po lagi.
Ay ay ay! may chapter 1 na! buhay na buhay na ulit ako hahahaha charut! excited na akoooo sa next chapter! hmmmm parang di ko like yung Ace na un kumukulo ang chakra ko hahahaha thanks sa update migs! ingatness always c:
ReplyDeletena fo-foresee ko na hehehehe
ReplyDeleteVery nice first chapter! :D thnx
ReplyDeleteoh! exciting toh! si ace? hmm... tas si cha, alam ko ang smile nyang iyon... sorry kuya ko matagal ako bago nkapagcoment nabasa ko na to eh. di lang kagad ako nakapagcomment. :)
ReplyDelete~WaydeeJanYokio
Wow! di ko inexpect na andito din si Chat sa story na to..haha lalo akong na excite! hahaha
ReplyDeletePS: nagbabasa ako ng comments dami din pla busy sa work like me kaya nahuli magbasa and comment hehehehe si mr.author busy din..kaya thank you talaga that you still find time to update :D q(^_^)p