Breaking Boundaries 2[16]

DISCLAIMER: The following is a work of fiction. Any similarities to any written works and any person, living or dead are purely coincidental. The story is intended for a mature audience. It may contain profanity and references to gay sex. If this offends you, please leave and find something more suitable to read. The author maintains all rights to the story. Do not copy or use without written permission. Email the author at miguisalvador@yahoo.com for comments, suggestions and violent reactions in pertaining to this blog and the stories that comes along with it.

Hindi parin mai-alis ni Andy sa kaniyang isip ang paglapat ng labi ni Dale sa kaniyang mga labi. Sa tuwing napapaharap siya sa salamin ay wala sa sarili niyang titignan ang sariling mga labi sa repleksyon at hindi pa siya magkakasya don at wala sa sarili pa niyang hahawakan ang kaniyang mga labi atsaka ngingiti at kapag napagtanto na niya kung ano ang kaniyang ginagawa ay wala sa sarili naman siyang iiling.


What the hell am I doing?” tanong nanaman ni Andy sa kaniyang sarili habang umiiling.

Ilang araw na ang nakalipas simula noong nagpunta sila sa Batangas ni Dale at hanggang ngayon ay hindi parin niya makalimutan ang naging pagtatalo nila nito noong sinubukan niyang umawat ng dalawang grupo ng lalaki na nagbubugbugan at nang muntikan na siyang mapahamak at ang tanging dahilan na tumuldok sa pagtatalo na iyon ay walang iba kundi ang halikan nilang dalawa.


You're acting weird.”


Matapos ang mga nabanggit na ito ay agad na napagtanto ni Andy na hindi siya nagiisa sa loob ng kaniyang kwarto na iyon at nandun nga pala sa kaniyang tabi si Tom. Agad na humarap si Andy kay Tom at nginitian ito na siyang lalo namang nakapagpakunot sa noo ni Tom. Hindi sa loob ng ilang taon na pagsasama nila ni Andy ay nakita niya itong ngumiti.


Alam niyang may kahulugan ang ngiting iyon.

At hindi niya na kailangang maging isang magaling na manghuhula kung ano ang ibig sabihin ng ngiting ngayon ay nakatatak na sa mukha ni Andy at kung ano ang nagdudulot nito pero hindi niya pinili pang sabihin ang kaniyang obserbasyon na ito kay Andy.

Want to help me with breakfast?” tanong ni Andy kay Tom na marahan lang tumango bilang sagot sa kabila ng malalim na iniisip.


Pero nang matignan maigi ni Andy si Tom ay kumunot saglit ang kaniyang noo. Iniisip kung imahinasyon niya lang ang lahat o totoong nakita niya ang saglit na pagbalot ng isang malungkot na ngiti sa mukha ni Tom.


I want tosilog.” masayang saad ni Tom saka nagmamadaling lumabas ng kanilang kwarto habang si Andy ay naiwan sa kaniyang kinatatayuan at pinanood ang nobyo lumabas ng kanilang kwarto.

000ooo000

Damn!” saad ni Dale sa kaniyang sarili habang basang-basa na sa pawis, inaayos niya ang magandang pinto ng kabinet sa isa sa mga kwarto sa bahay nila Andy. Naiinis niyang hinubad ang kaniyang t-shirt na basang basa narin ng kaniyang pawis.


Hindi bihasa si Dale sa pag pre-preserve ng isang lumang bahay sa pamamagitan ng pagkukumpuni dito, paglalagay ng pintura o kung ano pa man mas sanay siya sa renovation, yung tipong mula sa lumang bahay ay may babaguhin siya upang makasunod ang itsura nito kung ano man ang uso o yung mismong siya ang magde-design at magtatayo ng bagong bahay kaya naman halos wala siyang ideya sa kaniyang ginagawa ngayon.


You have to finish this now, Dale.” pagpapaalala ni Dale sa sarili dahil alam niyang madami pa siyang kailangang ayusin bago pa nila i-turn over ang bahay sa magkakapatid.


Ngunit bukod pa sa kawalan ng sapat na kaalamanan sa ginagawang iyon ay pilit pang sumisiksik sa kaniyang isip ang nangyaring pagsasalubong ng kanilang mga labi ni Andy may ilang araw na ang nakakaraan. Matapos mangyari iyon ay nabalot na ng katahimikan ang buong sasakyan. Wala ng salita ang napagsaluhan at wala nang nabanggit pa patungkol sa katatapos lang na pagtatalo at halikan.


Tanging si Dale na lang din ang bumaba at nakipag-usap sa mga gumagawa ng railings ng bintana dahil matapos ang ilang beses na pagiisip ng malalim ay napagtanto niyang nakakahiya ang kaniyang ginawa. Nainis siya at sobrang nagaalala dahil sa katigasan ng ulo ni Andy at higit sa lahat ay halos atakihin siya sa puso nang makita niyang halos masaktan ito dahil sa pangi-ngeelam at nang hindi niya matiis ang patuloy nitong pakikipagtalo sa kaniya ay hindi niya napigilang isalubong ang kaniyang mga labi sa mga labi nito, hindi lang para matahimik ito kundi para makuwa narin nito ang kaniyang pinupunto, na lubos siyang nagaalala dito.


Dahil din sa kahihiyan ay laking pasalamat niya nang makita niyang natutulog na si Andy pagbalik niya sa kaniyang sasakyan matapos makipagusap sa mga gumagawa ng bakal. Tinitigan niya pa muna ito ng ilang saglit at wala sa sariling napangiti at hiniling na sana ay mapanood niyang natutulog si Andy tuwing umaga sa kaniyang pag-gising o kung kailan man pwede.


Napabuntong hininga na lang siya at agad na nabura sa kaniyang mukha ang ngiti nang maisip na hindi ito pupwede ngayon at isa pang buntong hininga muli ang kaniyang pinakawalan nang matanong sa kaniyang sarili kung panong naging ganun ka-kumplikado ang lahat sa pagitan nilang dalawa ni Andy.


Dahil sa kakaisip ng nangyaring halikan sa pagitan nilang dalawa ni Andy at ang pagiisip ng malalim kung panong naging kumplikado ang lahat ay hindi napansin ni Dale na ang kaniya na palang daliri ang sunod na pinupuntirya ng martilyo na hawak niya kaya naman isang malutong na mura at sigaw ang kaniyang pinakawalan.

Put******!” sigaw ni Dale na narinig ata sa buong subdibisyon.


Ang sigaw ding iyon ang kumuha sa pansin ni Andy na kalalabas lang ng kanilang kwarto kasunod ni Tom. May pagaalalang nakaukit sa mukha ay wala sa sarili siyang sumilip sa kwartong pinanggalingan ng sigaw na iyon.


Hindi lang ang pansin ni Andy ang nakuwa ng pagsigaw na iyon ni Dale kundi pati narin ang pansin ni Allen na nasa kabilang kwarto lang, inaayos ang mga gamit na nandun, pinaghihiwalay ang kung ano ang hindi na kailangan at kailangan pa. Papasok na sana si Allen sa kwarto kung san nagtratrabaho si Dale at kung san galing ang sigaw pero agad siyang napatigil at napangiti sa kaniyang nakita.

Imbis na ituloy ang pagtatanong kung ayos lamang ba si Dale ay dahan dahan na lang na umatras si Allen at ipinagpatuloy ang kaniyang ginagawa sa kabilang kwarto.

000ooo000

Is everything OK---?” tanong ni Andy pero agad din siyang natigilan nang makitang kay Dale pala galing ang sigaw na iyon.


Naabutan ni Andy si Dale na miya mo bata na natundo ng karayom ang daliri. Subo-subo nito ang daliri na napukpok ng martilyo, namumula ang buong mukha nito dahil sa sakit at naluluha na din. Saglit pang nag-alangan si Andy at inisip kung lalapitan niya ba si Dale o hindi pero mas nanaig sa kaniya ang pagaalala kesa pagaalangan.


Mabilis siyang lumapit sa kinaroroonan ni Dale nang mapansin na hindi ito kumikilos at kung posible pa ay parang lalong namula dahil sa sakit, kitang kita niya rin kung panong lalo itong pinagpawisan ng butil butil. Umiiling si Andy habang kinukuwa mula kay Dale ang napukpok nitong daliri upang tignan ito, kitang kita niya ang pangingilid ng luha nito.


Wait here.” saad ni Andy saka mabilis na lumabas muli ng kwarto.


Muling isinubo ni Dale ang kaniyang daliri, iniisip na dapat niyang tiisin ang sakit at umarteng parang walang nangyari dahil nahihiya nanaman siya kay Andy. Ilang araw niya itong iniwasan dahil nga nahihiya siya sa kaniyang inasta at nagaalangan siya na baka sigawan siya nito o kumprontahin sa kaniyang ginawang paghalik dito.


Here.” saad ni Andy nang makabalik siya mula sa pinakamalapit na CR at inabot kay Dale ang isang bulak na may betadine.


Inabot ni Dale ang bulak di sinasadyang nagtama ang tingin ng dalawa. Hindi nakaligtas kay Andy ang hiya sa mga mata ni Dale at dahil alangan din siyang pagusapan ang mga bagay na nangyari sa pagitan nilang dalawa may ilang araw na ang nakakaraan ay agad niyang iniwas ang kaniyang tingin at lumapit sa may bintana at binuksan iyon habang si Dale naman ay ipinagpatuloy lang ang pagkukumpuni sa pinto ng aparador tiniis ang sakit matapos lagyan ng betadine ang daliri.


Whew! Ang init!” saad ni Andy sa sarili at inintay ang malakas na hangin na umihip sa kabubukas niya lang na bintana, sa sobrang kakas ng hangin ay bumagsak ang pinto pasara sa mga hamba nito pero hindi ito pinansin ng dalawa dahil di man aminin ng mga ito sa kanilang mga sarili ay abala ang mga ito sa kakaisip kung pano aarte sa presensya ng isa't isa.


Kahit pa ipinagpapatuloy na ni Dale ang kaniyang ginagawa ay hindi parin niya napigilan ang sarili na lingunin si Andy at ang ginagawa nito. Halatang bagong gising ito at pupunta sa babang bahagi ng bahay nang marinig siya nito, tayo-tayo pa ang buhok nito at mukhang kahihilamos lang na siyang nagbigay dito ng tila ba fresh na fresh na aura.


Umihip ang malakas na hangin at literal na bumagal ang pagtibok ng puso ni Dale. Pinanood niya ang dahan-dahang pag pikit ng mga mata ni Andy, ninanamnam ang masarap na simoy at hampas ng hangin sa kaniyang mukha na nagbigay impresyon kay Dale na tila ba isang anghel ang kaniyang tinititigan ngayon. Kasabay ng pagpikit na iyon ni Andy ay ang dahan-dahang pagtatak ng isang kuntentong ngiti sa mukha nito.


Ito ang naaalala at nami-miss ni Dale na Andy. Ito ang Andy na naaalala ng kaniyang puso.


Wala sa sarili naring napangiti si Dale saka ibinalik ang tingin sa kaniyang ginagawa.


Nakuwa ng marahang pagpupukpok ni Dale sa pinto ng aparador ang pansin ni Andy, tinignan niya ang ginagawa nito pero imbis ang malalaki at matandang pinto ng aparador ang kaniyang nakitang ginagawa ni Dale ay nakuwa nanaman ng magandang katawan ng nauna ang kaniyang pansin.


Basang basa ito ng pawis na siyang nagpatingkad sa ganda ng katawan nito. Tinitigan ni Andy ang bawat kurba, ang bawat laki at ganda ng mga kalamnan ni Dale na miya mo nais niya itong masaulo, pinanood niya ang bawat pagtulo at pagtakbo ng pawis ni Dale mula sa leeg nito papunta sa dibdib at natapos sa may abs nito.


Wala sa sariling napalunok si Andy at pilit na inilayo ang kaniyang tingin sa magandang katawan ni Dale at itinuon na lang ulit ito sa pagtanaw niya sa bintana na wala namang ipinapakita kundi ang kanilang bakuran na maski nakapikit ay saulong-saulo na niya. Napagpasyahan niyang tumalikod na, lumabas mula sa kwarto na iyon at samahan na si Tom sa pagluluto ng agahan nilang lahat pero hindi siya makakilos mula sa kaniyang kinatatayuan.


Alam ni Dale na nagmamadali na silang matapos ang proyektong iyon na matandang bahay nila Andy pero hindi niya parin mapigilan ang sarili na tignan muli si Andy at titigan ito. Wala na ang mga kuntentong ngiti nito sa mukha, tila na ito ngayon may iniisip na malalim pero ganun parin, tila parin ito anghel lalo pa't tamang tama ang sinag ng araw na tumatawa sa makinis at maputi nitong balat na nagbibigay impesyon na miya mo ito kumikinang.


Naputol na lamang ang pagtitig na iyon ni Dale nang maramdaman niya ang muling pagkirot ng sariwa niyang sugat sa kaniyang daliri.


Shit.” singhal ni Dale saka itinuon ang kaniyang pansin sa kaniyang daliri. Hindi ito nakaligtas kay Andy, wala sa sarili itong lumapit kay Dale, inabot ang kamay nito at tinignan ang sugat, nang i-angat niya ang kaniyang tingin ay hindi niya inaasahan na magsasalubong ang kanilang tingin at lalong hindi niya inaasahan na puno ng pangungulila ang kaniyang makikita sa mga mata ni Dale.


Titig na titig si Dale sa magandang mata ni Andy at nang magsawa na siya sa magaganda nitong mata ay tinignan naman nito ang mga mapupula nitong labi. Wala nanaman sa sariling inilapat ni Dale ang kaniyang mga labi sa labi ni Andy. Muli, nanlaki ang mga mata ni Andy dahil sa gulat pero nang makita niya ang utni-unting pagkawala ng pangungulila sa mga mata ni Dale at nang maisip niya na sa kaniya pala ito nangungulila ay wala na siyang nagawa pa kundi ang mapapikit at namnamin ang mga masuyong halik na iyon ni Dale.

000ooo000

Narinig ni Allen ang pagbagsak ng pinto sa kabilang kwarto at iniintay niya ang paghingi ng tulong sa kaniya ni Andy o kaya ni Dale dahil ang pintong iyon ang may problema sa door knob at isa sa mga pintong kailangan pang ayusin ng mga tao ni Dale. Pero imbis na huwag na lang intayin ang paghingi ng tulong nila Andy at Dale at buksan na agad ang pinto para sa dalawa ay agad na nakaisip ng kalokohan si Allen.


Nakangiti siyang lumabas ng kwarto at nagmamadaling bumaba.


Adrian!” sigaw ni Allen habang bumababa ng hagdan.


000ooo000


Asan na kaya yun?” tanong ni Tom sa sarili habang inaayos ang mga gagamitin para sa pagluluto nila nang agahan.


Adrian!” narinig ni Tom na sigaw ng kapatid ni Andy sa isa pa nilang kapatid. Wala sa sarili siyang napairap. Alam niya kasing walang magandang maidudulot ang pagste-stay ng mga kapatid ng kaniyang nobyo doon sa matandang bahay na iyon.


What?!” sigaw naman ni Adrian na nagmamadaling pumasok sa loob ng kusina galing sa back door.


We should---” pero agad na natigilan si Allen sa pagsagot nang makita niyang andun si Tom sa loob ng kusina.


What?!” naiiritang tanong ulit ni Adrian pero agad na siyang hinila ni Allen palabas ng bakuran.


Agad na nangunot ang noo ni Tom at pasimpleng tinignan ang magkapatid sa labas ng bintana ng kusina. Iniisip kung ano nanaman ang binabalak ng mga ito. Agad niyang binawi ang tingin sa mga ito nang mapasulyap sa kaniya si Aldrin bago tumango sa iniisip niyang iminungkahi sa kaniya ni Allen. Nakita niyang naglakad paikot ng bakuran si Allen na may nakatatak na ngiti sa mukha.

Aeron!” sigaw ni Adrian nang makapasok ulit siya ng kusina.


What's with this family and shouting?” hindi mapigilang tanong ni Tom sa sarili na ikinairap ni Adrian.


Yow!” nakangiting bati ni Aeron sa kaniyang nakatatandang kapatid.


Want to play some ball? Nagaaya ang barkada---” simula ni Adrian pero hindi na narinig pa ni Tom ang mga sumunod nitong sinabi dahil naging abala na siya sa pagiisip ng mga gwapong kabarkada ni Adrian na nasa iisang lugar lamang kaya naman hindi na niya napigilan ang sarili at...


Can I come too?” nakangiting tanong ni Tom na ikinangisi naman ni Adrian.


Sure.” walang pagaalinlangan na sagot ni Adrian.

000ooo000

Hindi pa man tumatagal ang puno ng emosyon na halikan na iyon sa pagitan nila ni Dale ay marahan nang kumawala ang mga labi ni Dale sa kaniyang mga labi, bagay na nakapagpataka sa kaniya. Agad niyang dinilat ang kaniyang mga mata upang kahit papano ay malaman kung ano ang nangyari. Nakita niya ang tila ba pag-iwas sa kaniya ni Dale.


Nakaramdam siya ng kaunting kirot sa kaniyang dibdib at ilang tanong ang sumagi sa kaniyang isip.


Napipilitan lang ba siya ulit? May kapustahan nanaman ba siya kaya niya ito ginagawa sakin?”


There's only one way to know—-” dikta ng sariling isip ni Andy.

000ooo000

Nang mapagtanto ni Dale ang kaniyang ginagawa ay agad siyang kumawala mula sa halikan at yumuko. Panong nangyari na ginawa nanaman niya iyon at makakaramdam nanaman siya ng kahihiyan dito pagkatapos.


I'm sorry.” saad ni Dale pero nagulat na lang siya nang bigla siyang mapasandal sa pader.


Muling nagsalubong ang kanilang mga labi mas maalab na ngayon ang halikan, mas puno ng emosyon. Ngayon hindi lamang si Dale ang nagpaparamdam ng kaniyang lubos na pangungulila pareho na ngayon sila ni Andy.


At nang muling maghiwalay ang kanilang mga labi sa ikalawang pagkakataon ay hindi na yumuko pa si Dale na para bang may itinatagong kalokohan o kaya naman ay iniiwasan siya nito at ito ang hinahanap na sagot ni Andy pero kailangan niya pang linawin ang lahat.


What are you sorry about?” pabulong na tanong ni Andy kay Dale habang nakatitig sa mga mata nito pero hindi magawang sumagot ni Dale bagkus ay muling iniwas ni Dale ang kaniyang tingin. Natatakot sa magiging kumprontasyon nila ni Andy.


Y-you know what forget about it!” singhal ni Andy sabay talikod kay Dale at naglakad papalapit sa pinto, inabot ang door knob at sinimulan na itong pihitin pero ni hindi ito gumalaw ng konti. Kasabay ng pagkainis ni Andy kay Dale ay ang pagkainis niya sa door knob na maski makailang pihit na ay hindi parin bumukas.


Hindi parin magawa ni Dale na tignan si Andy kaya naman hindi niya nakikita ang malapit ng magpanic na itsura nito habang panay panay na at halos hilahin na nito ang doorknob. Nagangat na lang ng tingin si Dale nang marinig niyang may kumalabog malapit sa kinatatayuan ni Andy.


Kitang kita niya ang may takot na sa mga mata ni Andy habang ang door knob ay hindi parin bumubukas. Nangunot ang noo ni Dale at lumapit kay Andy at tinulungan itong tumayo na agad namang hinawi ni Andy dahil sa nadagdagang inis.


What happened?” tanong ni Dale, pilit na iniisang tabi ang panghahawi sa kaniya ni Andy habang natatakot ding tinitignan ang door knob at sinusubukan itong pihitin.


It's stuck!” sigaw naman ni Andy na miya mo anumang oras ay iiyak na.


It can't be stuck!” saad naman ni Dale habang patuloy parin na pinipihit ang door knob.


Well give it a try then!” singhal naman ni Andy habang pinapanood niya si Dale na ang sunod ng ginawa ay kalampagin ang pinto sa pagaakalang nandun pa ang mga kapatid ni Andy na maaaring magbukas para sa kanila.


Ilang saglit pa at wala paring nagbubukas. Marahas ng hinila ni Dale ang door knob at dahil nababahala na din ay tumulong na sa paghihila at pagpihit ng door knob si Andy at dahil sa pinagsamang lakas ng dalawa ay bumigay na ang kawawang door knob at natanggal na ang pihitan nito na nagtulak kila Andy at Dale na mapaupo sa sahig.


Nagulat ang dalawa sa nangyari at hindi agad nakatayo. Lalong binalot ng pagaalala ang buong katawan ni Andy pero ang pagaalalang iyon ay agad na nabura nang marinig niya ang tila ba musika sa kaniyang tainga na pagtawa ni Dale.


Di kaya nakakatawa! We're stuck here!” nangingiti nading saad ni Andy pero hindi rin nagtagal ay napatawa na din siya kasama ni Dale.


Napuno ng tawanan ang buong kwarto at nang makabawi na ang dalawa ay muling nagsalubong ang mga tingin nila. Wala sa sariling inabot ni Dale ang pisngi ni Andy at pinatakbo ang likod ng kaniyang kamay sa makinis na balat nito. Hindi na pumalag pa si Andy pero hindi niya rin nagawang pigilan ang sarili na tanungin ulit si Dale.


What were you sorry about?” pabulong na tanong ni Andy, hindi na nagawa pang takasan ni Dale ang tanong na iyon.


For kissing you.” pabulong na sagot naman ni Dale na lalong ikinakunot ng noo ni Andy.


Why?” tanong ni Andy kay Dale na siyang gumising kay Dale sa katotohanan at napagtanto kung bakit ito ang nagiging takbo ng kanilang usapan.


Nagiba na niya ang pader na siyang ginawa ni Andy sa pagitan niya at ng mga taong nagmamahal dito. Ito ang tanging bagay na siyang pinakaaasam-asam ni Dale simula pa noong magkita sila muli at hindi man sinasabi sa kaniya ni Andy ay alam niyang muli na niya itong napapa-ibig sa kaniya.


Ang lahat ng ito ay dapat sana naghahatid sa kay Dale ng saya pero alam niyang tama man ang mga nangyayaring ito ay may isang tao naman silang nasasagasaan.


Itutuloy...


Breaking Boundaries 2

[chapter 16]

by: Migs

Comments

  1. Got a little free time, mga two hours, ganyan, kaya nakatyamba at hindi ko na ito papalagpasin. Sorry sa sobrang late nanaman na post ko. :-(

    I have made a dummy account (as much as I detest doing one), napilitan ako eh. I have to get the attention of those who post my stories sa wall nila and then claim it as their own. Nakakinis kasi matapos mong paghirapan, sila ang magcre-credit. Halos di na nga ako matulog makapag-post lang tapos siya naman kokopyahin lang.

    I'm not a blog genius at hindi ko alam ang sinasabi niyong pagla-lock. :-(

    please add me and support my fight against these plagiarizer. Here's the link.

    https://www.facebook.com/miguel.salvador.1232?fref=ts

    Kerry Von Chan: Thanks! Taking Chances? Wow, isa ka sa mga konti na gusto yun at dahil dyan, salamat ng marami!

    Therese Llama: without going bananas talaga? Well, some readers went bananas sa mga ganung scenes ko, kaya medyo ingat ako sa mga sinusulat ko. :-)

    jhayar: thanks! :-)

    marc: thanks!

    WaydeeJanYokio: Salamat! Haha! Di ko pa nagagawan yung mga nagbugbugan, di ko maisipan ng kwento eh. Haha! :-)

    ANDY: nangangatal talaga?

    Wastedpup: welcome back! :-) my stories missed you too! ;-)

    dilos: salamat po!

    Migil: AAO? Hmmm pagiisipan ko pa kung ipopost ko yung Aao 3. hihi!

    Racs: sus! Asa naman ako na gagawing movie yan! Haha!

    Ryge Stan:no worries, alam ko naman na di lang ako ang busy. ;-) thanks parin though, busy ka you still find time to read my stories! Salamat! Good luck sa bagong career mo! ;-)

    Alex: Salamat! May na-e-excite papala sa mga ginagawa ko. haha!

    Gab: thanks din!

    Chan: Conching is pinatandang version ni Cha. :-)

    Christian: Salamat! :-)

    Lyron Batara: Salamat and welcome back! :-)

    johnny quest: naku wala pa pong story yung mga nagbugbugan. Haha! Dami pang naka line up na story eh. Hihi!

    Marc: lab na lab ko din kayo! Salamat! ;-)

    mikel: salamat! ;-)

    Chants: thanks din! :-)

    Sam: Salamat po. Hihi!

    Tomi: Salamat po! :-)

    echo: thanks! Part po talaga kayo ng stories ko. :-)

    tim: salamat din po sa patuloy na pagbabasa.

    AR: naku, baka kasi madaming magalit eh, madaming gusto yung isang click lang story na agad kesa yung may mga request request pa.

    Teck: Thanks din, siguro dito baka masagot na yang tanong mo. ;-)

    josh: Salamat din po, sana patuloy kayong ma-excite.

    Jp: thanks! Enjoyed my Holy week, actually. Work lang ng work. Haha!

    Julio: opo naman, lahat po ng nagco-comment minemention ko. :-) Salamat po! :-)

    berry: salamat po ng madami!

    Nais ko lang pong linawin na ang kwento pong “SKYBAND” ay akda po ng isa sa aking pinakamalapit na kaibigan na si Ezekiel o ang may pakana ng blog na 'to http://zildjianstories.blogspot.com/

    Ating po siyang suportahan! :-)



    MARAMING SALAMAT ULIT SA PATULOY NA PAGSUPORTA AT SA NAGUUMAPAW NA COMMENTS! MORE PLEASE! ENDORSE THIS BLOG SA FRIENDS NIYO DIN AH! :-) I'm targeting to gain more followers! Salamat! :-)

    ReplyDelete
  2. First comment yehey !!
    Mas nakakapanabik na ang susunod na mangyayari.. :)

    salamat sa chapter nato mr. author.. :))

    ReplyDelete
  3. Galing mU pa din migs..

    Hehe second ata aq..

    ReplyDelete
  4. Hahaha kaunti talaga? Somehow nakakarelate ako kay chino with his low self esteem and all hahaha. That's why i love that story. But cha is still my fave character ^_^

    ReplyDelete
  5. thanks migs...

    Wow ang gandang ng chapter na ito can't help but to smile. hehehe now naawawa naman ako kay Tom, I know in the end he will be hurt too even though his an A**hole somehow he can still be hurt. as for Dale and Andy I know the walls between them has collapse and its about time they make it up.

    Have a great day migs and have a great day.

    ReplyDelete
  6. Thank you Migs for another update.. Another great chapter.. A lot of kilig moments.. Hoping that it will continue until the end.. I do enjoy your storytelling, clear with no pretensions and nuisance.. Thanks again!!!

    ReplyDelete
  7. This chapter melts my heart! Awwww! Soooo galing! :)
    -dilos

    ReplyDelete
  8. Shit! Tagal kong di nagopen! Haha! Ang ganda ng update!!! Woohoo!! Kinikilig ako!! Hahaha

    ReplyDelete
  9. another excellent story kuya migs, inaaabangan koto evry week.\


    -Ryan

    ReplyDelete
  10. Wag na yang si tom..sagasaan nlng yan if ever sya tlga ung tinutukoy mo migs hahahahahaa

    ReplyDelete
  11. hong saya2x na lock silang dalawa sa isang room!!! ahahahha kilig much hahaha

    ReplyDelete
  12. hala aggressive si andy oh! haha eto naman ksi si dale oooohhhh nahiya pa >_<

    thnx sa update kuya migs :)

    ReplyDelete
  13. nice chapter migs hehehe ty

    ReplyDelete
  14. kilig chapter to ah..landi tlga ni tom haha ty migs sa update

    ReplyDelete
  15. ty po sa update :) na enjoy ko tlga ang chapter na to.

    ReplyDelete
  16. nice nalock ung pinto! haha excited for nxt chapter. ty po

    -dj

    ReplyDelete
  17. Ang kati talaga ni Tom! Haha. Pero akalain mong may soft spot din pala tong makati pa sa gabi nung mapansi nyang may iba sa mga ngiti ni Andy.

    So yun nga.. ibang klase ka pa ring mambitin, Kuya M. Napasabi na lang ako ng I WANT MORE nung mabasa ko yung "Itutuloy. "
    Thank you sa update niyo!

    God bless :D

    ReplyDelete
  18. perfect! natrap sila sa same room! xciting!

    ReplyDelete
  19. lande tlga ng tom na to oh..hmmm may side story din kaya si tom? or malandi lng tlga sya? haha

    ReplyDelete
  20. i love it! sulit! nawawala na ang pader sa pagitan nila at humaharot na si andy!!!

    --ANDY

    hindi ko magamit yung accnt ko.

    ReplyDelete
  21. galing! si dale tlga oh nahiya pa! haha thanks for the update :)

    ReplyDelete
  22. ngayong natibag na ang pader na nilikha ni Andy sa sarili nya? magagawa kaya ni Dale na tibagin naman ang pader na nagbubuklod kina Tom at Andy?

    Andy - wow lang! WOW! ikaw na ang maalindog sa umaga!

    -Julio

    P.S.
    nice chap sir Miggy. ^_^V

    ReplyDelete
  23. Sorry for the kiss daw? Wag kangpapayag andy! Gantihan mo haha! Yan tau tom eh 1 2 3 paraparaan. At anlakas ng trip ng mga kapatid ni andy!

    ~WaydeeJanYokio

    ReplyDelete
  24. love this chapter!
    -jc

    ReplyDelete
  25. ty sa update po. nice chapter hehe

    ReplyDelete
  26. Haha..i knew it kaya natahimik si dale last chap lasi feeling niya nag take advantage siya ky andy..salamat talaga at medyo nagkakalinawan na silang dalawa..but i think need pa rin ang pinsan ni dale to seal the deal para ma reveal ang totoong mga nangyari..i think it will also be a factor kapag nalaman ni andy na naging successful si dale sa career niya and he is just taking a few steps back just for the house...wala lang super kilig lang kanila dale at andy especially ngayung nasa room sila..as for tom na isang makating baklita parang di ako naawa sa kanya as sad as he gets like he know the storm is coming and he cannot do anything..well i hope habang nakikipaglandian siya bagsakan siya ng kometa..hahaha

    Going bananas ba talaga yung iba migs..para sa ok naman siya parang tamang takbo lang ng mga kwento and personally i really like you open ending kasi nga as you say it is open to different ending depending on the one who is reading..and speaking of endings nagkahiwalay ba si kiko at pol kasi naala ko lang sa taking chances pumunta si panfi sa ospital para sabihan si pol na nagaalsabalutan si kiko..wala lang naalala ko lang..hehe

    Lovelots migs ingat lagi

    Theresellama

    ReplyDelete
  27. kilig chapter..nice one kuya migs

    ReplyDelete
  28. thank you for the update mr.author

    ReplyDelete
  29. Wow! nice chapter kuya migs :D

    ReplyDelete
  30. Nice one, its almost a year nung huli akong mapadpad dito and air migs nver fail me. Kasi antagal na magupdate Ng nga chapters, sobrang busy po Ata, Sana Hindi Ito ang sign Ng nlalapit na pagkawala Ng site na Ito, I will be your solid and avid reader since 2011....

    ReplyDelete
  31. The Best talaga! :) ty for the update!

    ReplyDelete
  32. walang internet dito sa barkong pinagttrabahuhan ko ngayon, bihira ko lang mababasa ang stories mo... pero worth it naman intayin... mas gusto ko yung style mo ngayon, chill lang hindi nagmamadali yung scene...

    ReplyDelete
  33. Love love love this chapter ♥

    ReplyDelete

Post a Comment

Popular posts from this blog

Against All Odds 2[38]

The Rebound

Different Similarities 2[16&epilogue]